Hindi maalis ni Crystal ang tingin niya sa mga mata nito na para bang nangungusap. Kuly abo iyon at singkit na binagayan ng makapal at nakaakrong kilay. Bumaba ang tingin niya sa napaka tangos nitong ilong. Akala mo'y inukit iyon sa ganda ng pagkakahulma nito. Hindi maiwasang makagat ni Crystal ang loob ng ilalim ng kanyang labi nang madako ang kanyang paningin sa mapupulang labi nito. Parang nanghahalina na halikan niya.
Base sa itsura nito ay hindi ito isang pilipino. Bahagyang napaawang ang bibig niya nang mapag
Kanina pa paikot-ikot si Crystal sa loob ng sala. Nasuri na niya ang bawat kabinet na nasa kusina. Maging ang banyo, lahat mga elegante. Hindi mo masasabi na mumurahin ang mga gamit na andoon.Hindi siya mapalagay dahil sa sinabi ni Jun-Pyo bago pumasok sa loob ng kwarto. Hindi niya alam kung pwede na ba siyang umuwi o gagawin na nila 'yon. Bahagyang namula ang mga pisngi ni Crystal nang maisip iyon.
Kinabukasan ay maayos na nagpaalam si Crystal sa kanyang Ina at mga kapatid na lilipat siya ng titirahan. Mariing tumanggi sa kanya ang mga kapatid ngunit ipinaliwanag niyang mas malapit iyon sa kanyang trabaho at mas makakatipid siya. Maige na lamang ay pinayagan pa rin siya nila sa bandang huli.Minabuti na lamang niyang hindi na sabihin ang totoo para hindi sila magalala pa. Hindi rin nila magugustuhan ang ginawa niya kung sakali.Lalo na ang kanyang Ina. Ayaw niya na dagdagan pa ang paghihirap nito at isiping dahil sa
"Wow! Bongga naman dito Crystal!" tumitili-tili pang sabi ni Ynette. Alas-syete na ng gabi at kalalabas lamang nito galing sa trabaho. Doon na ito dumeretso sa kanya dahil wala na rin naman si Hanuel.Pagkatapos nilang magbakbakan ay umalis na rin ito dahil may hinahabol daw siyang flight."Ano ka ba baka may makarinig sa 'yo," saway niya. Tumawa lang si Ynette at inilapag sa mahabang lamesa ang dalang supot ng bote ng beer at sitsirya. Nagpasya kasi itong dito sa kanya matulog ngayon dahil na rin sa kahilingan niya
"T-Teka." Bahagyang itinulak ni Crystal si Jun-pyo noong bumaba ang mga labi nito sa kanyang leeg. Hindi naman ito nagpatinag at patuloy lang sa paghalik, sipsip at kagat sa kanyang leeg. "Jun!""What?!" Nandidilat ang mga matang singhal ni Jun-pyo kay Crystal. Para itong inagawan ng pagkain sa inasta nito.
"Wow!" Namamanghang saad ni Crystal habang nakatanaw sila isang isla. Maliit lamang iyon kung titignan at napapalibutan ng puting buhangin. Nakasakay sila ni Jun-pyo sa isang private sea airplane. Mahigit dalawang oras din ang biniyahe nila mula sa Manila papunta sa Palawan.Katabi ni Crystal si Jun-pyo na naka-sunglasses na itim, puting polo shirt na bukas ang tatlong butones sa itaas at dark blue na short na hanggang tuhod. Tinernuhan niya iyon ng kulay brown na espadrilles. Tahimik lang ito at nakatanaw din sa islang pupunt
Ikalawang araw na nila Crystal sa isla ngayon. Umaga pa lang ay marami na silang ginawa. Sinubukan nila lahat ng activities na meron doon. Sinubukan din niyang magpaandar ng jet ski at mag-paddle boarding. Pero pinaka kinatuwaan ni Crystal ay ang Parasailing. Noong una ay natatakot siya dahil siya lang mag-isa at hindi niya kasama si Jun-pyo. Idagdag pang itataas ka nito sa ibabaw na para bang lumilipad ka. Nawala lahat ng pangamba niya noong nasa itaas na siya. Sobrang saya niya at sarap sa pakiramdam. Tanaw na tanaw niya ang kabuuan ng dagat at kalahati ng isla.
Tatlong araw lang ang itinagal nila Jun-Pyo at Crystal sa isla. Pagkatapos ay umuwe na rin sila. Si Hanuel ay dumeretsong airport pa korea samantalang si Crystal ay sa Cavite naman. 1-week naman daw kasi leave na ipinasa ni Joseph sa company nila. Hindi niya alam kung paano niya ito nagawa pero hindi na siya nag-usisa pa. Mas minabuti na lamang niyang umuwe na lang muna sa kanila dahil miss na miss na niya ang kanyang ina at mga pamangkin." Where have you been?!
"OMG girl! Anong drama n'on?" nagtatakang tanong ni Ynette sa kanya. Kasalukuyan silang nasa canteen at kumakain ng tanghalian. Libre lang ang pagkain nila doon kaya hindi na sila gumagastos pa.Pinag-uusapan nila ang kinilos kanina ni Bryan. Parehas silang nagulat sa ikinilos nito kanina sa elevator. Maging noon nagta-trabaho na sila ay madalas mahuli ni Ynette na nakatanaw ang binata kay Crystal. Minsan pakiramdam ni Crystal may nagmamasid sa kanya at sa tuwing lilingon-lingon siya ay si Bryan ang maabutan niyang nakatingin
"Everyone, Lee Jun-pyo Oppa!" sigaw ng babaeng host ng meet and greet ni Jun. Malakas na sigawan ang ibinalik ng mga fans niyang labis na natutuwa nang makita siya.Isa't kalahating taong ang makalipas noong muling napagdesisyonan ni Hanuel na muling bumalik sa mundo ng showbiz. Na isipan ng management niyang magmeet and greet sila dahil marami ang mga fans na hinihiling iyon sa kanya. Katatapos lang kasi nila mag shooting ng bago niyang drama.
Isinandig ni Jun-pyo ang pagod niyang katawan nang makapasok siya sa loob ng kotse niya. Pagkatapos ay tumingala siya at ipinikit ang mga mata. Hindi na niya nilingon pa ang pagtabi ng manager niya at PA.Katatapos lang ng ginawa niyang press-con para sa issue patungkol sa kanya. Ayaw sanang itanggi ni Jun-pyo ang tungkol sa relasyon nila ni Crystal ngunit wala siyang magawa dahil pati ang kanyang ama ay nadadamay na. Maging ang kanilang negosyo na walang kinalaman sa kanyang trabaho ay nadadamay na rin.
Pinagmasdan ni Crystal ang nahihimbing na si Jun-pyo. Nakatagilid ito paharap sa kanya habang nakapulupot ang kamay sa kanyang bewang. Halos nakasubsob na rin ang mukha nito sa dibdib ni Crystal. Bahagya niyang hinahaplos ang mukha nito at sinusuklay ang buhok nito. Hindi maiwasang makaramdam ng pagkirot sa kanyang puso habang tinitigan ang binata. Mahimbing ang tulog nito ngunit mababakas sa kanyang mukha na pagod ito. Bumuntong hininga siya at yumakap kay Jun. Parang na alimpungatan si Jun sa paggalaw niya dahil umungol ito.
"I have to go back to Korea," malungkot na sabi ni Jun-pyo isang gabi. Inalis ni Crystal ang tingin niya sa pinapanood na palabas at inilipat iyon sa binatang naka-unan sa hita niya. Nakapikit ito at nakakrus ang dalawang braso sa dibdib. Muling binalik ni Crystal ang mga mata sa pinapanood niya."Talaga? Kailan?" sagot niya. Nakaramdam ng lungkot si Crystal pero agad niya rin itong iwinaksi. Alam naman niya kasi na doon ang buhay ni Jun-pyo at hindi rito sa tabi niya.
"Uhm.. Crystal. Ano? Ayos ba yung ginawa ko?" nakangiting tanong ni Bryan kay Crystal. Nasa isang coffee shop sila malapit sa tinitirahan ni Crystal. Tinawagan niya ang binata dahil gusto niyang magpasalamat dito.Humigop muna si Crystal ng mainit na kape. "Thank you, Bryan. Sobrang na appreciate ko yung ginawa mo." Ngumiti si Crystal sa binata at tinitigan ang mukha nito. "Ano bang pumasok sa isipan mo at ginawa mo 'yon? Paano kung na bash ka rin?"
"No!" mariing protesta ni Jun-pyo sa sinabi ni Crystal. Marami siyang nasabing hindi maganda rito ngunit ni minsan hindi niya ginustong umalis ito. Lahat ng nasabi niya ay bugso lamang ng damdamin."Why not? Bakit? kasama rin ba sa kontrata ba hindi ako pwede mag-resign?" mataray na tanong ni Crystal na naka halukipkip pa. Nakataas ang isang kilay nito at bahagyang nakangisi.
Nagising si Crystal sa malakas ng tunog ng kanyang telepono. Hindi niya sana papansinin ito dahil inaantok pa siya ngunit ayaw tumigil ang pagtunog nito kaya kinuha na niya iyon. Nilingon niya si Jun-pyo na nakadapang nahihimbing pa sa tabi niya. Umungol ito noong muling mag-ring ang cellphone niya kaya kahit inaantok pa ay tumayo siya at lumabas ng kwarto."Ano?" antok na tanong niya na hindi manlang tinignan kung sino ang tumatawag.
Ilang araw na hindi nakapasok sa trabaho si Crystal dahil palaging may mga fans ni Hanuel sa kanyang trabaho. Maging sa labas ng building ay hindi siya makalabas dahil meron din ditong naghihintay na mga fans. Pinagpapasalamat na lamang ni Crystal na hindi ginugulo ang pamilya niya sa Cavite.Siya lang ang pinupuntirya ng mga ito.
"I like you, Crystal."Bumaliktad ng pwesto si Crystal at humarap sa kanan niya. Nakapikit pa rin siya. Pilit na hinihanap ang antok niya."I like you, Crystal."