Mabilis na lumipas ang araw sa kaharian ng Genova at aaminin ni Colton na nabalot ng kaba ang kan’yang sistema sa muli niya na pakikipagharap kay Tiffany noon nakaraan. Mabuti na lamang din at hindi na muli na nagkrus pa ang kanilang landas sa palasyo ng mga Altamirano. Hindi niya alam kung bakit naririto ang babae na wala na siya na naging balita simula ng magkahiwalay sila. Wala na rin naman siya na pakialam kung ano man ang namamagitan kay Tiffany at kay Prinsipe Akiro. Ayaw lamang niya na patuloy na isipin ni Atasha ang patungkol sa naging nakaraan nila ng babae na iyon. Gusto niya na huwag na iyon na dumagdag pa sa alalahanin ng kan'yang nobya dahil ang lahat ay nakalipas na para sa kan'ya. Pero ngayon ay mas makakahinga na ng maluwag si Colton dahil pabalik na sila ng Pilipinas. Naging abala sila sa mga nakalipas na araw kaya naiwaksi din ni Atasha sa kan’yang isip ang patungkol kay Tiffany. At mas mabuti na iyon kaysa ang paulit-ulit na naman na ibalik ng prinsesa ang mga nak
Simula nang makabalik sina Colton at Atasha sa Pilipinas ay lalo na napuno ng saya ang pagsasama ng dalawa. Kasalukuyan muna sila na namamalagi sa condo ni Colton sa Maynila dahil mas malapit ito sa pareho na trabaho nila. Tuwing weekends naman ay pumupunta sila sa Batangas at doon namamalagi para masigurado na hindi sila pareho na maabala ng trabaho. Ang weekends ang kanilang family time at sinisiguro ng dalawa na ang buong atensyon nila ay nasa kambal sa oras na iyon. Marami rin ang nakapansin sa malaki na pagbabago sa dati ay masungit at seryoso na CEO. Iisa lamang naman ang dahilan ng pagiging masayahin ni Colton sa ngayon: ang kan’yang kasintahan na si Atasha at ang kanilang dalawang anak na sina Cole Ashton at Ashira Coline. “Ngiting-ngiti ka na naman diyan, bro.” bati ni Miguel nang makapasok sa opisina niya. “Masaya ako kaya puwede ba, Migs, huwag mo na pansinin at baka mabati mo po.” sagot naman ni Colton. “Dapat talaga ay noon pa dumating si Atasha at ang kambal sa buhay
He is in big trouble. Ito ang paulit-ulit na gumugulo sa isipan ni Colton Mijares. Hindi niya maintindihan kung ano ang nais ni Tiffany at muli na sumulpot at ngayon ay ginugulo ang buhay niya. Ilan taon na ang lumipas at hindi man lamang nga na naging seryoso ang relasyon nila dahil hindi marunong na magseryoso ang babae at pinaglaruan lamang siya pero ngayon ay umeeksena sa maayos na buhay niya. Tinanggihan na niya ang pagtanggap sa proyekto na iyon pero ang ipinanlaban ni Tiffany sa kan’ya ay ang kontrata na napirmahan na, kaya ngayon ay wala siyang magawa kung hindi ang hagilapin si Akiro na kanina pa niya tinatawagan. Kailangan niya na makausap ang prinsipe at masabi na hindi siya sang-ayon na ipasa sa DU ang proyekto. Tinutulungan lamang ng DU ang RD at hindi siya mangingimi na putulin ang collaboration project sa kumpanya nina Atasha upang masiguro lamang na magiging maayos ang relasyon nila ng kasintahan. “Ano, hindi mo matawagan ang prinsipe?” tanong ni Miguel sa kan’ya.
“What’s wrong, love? Everything okay?” Ang malambing na tono ni Atasha ang bumasag sa mga gumugulo sa isipan ni Colton. Kauuwi niya lamang galing sa opisina at inabutan niya ang kan’yang mag-iina na nasa sala sa condo nila at naglalaro. Lumapit siya sa kambal at hinalikan ang dalawa sa pisngi na sabay naman na yumakap sa kan’ya. Nilapitan naman siya ni Atasha at ang babae na ang humalik sa pisngi niya nang makita na hindi na siya makakawala pa sa mga anak na sabik na sabik na makipaglaro sa kan’ya. “Ayos ka lang ba, love?” tanong muli ni Atasha sa kan’ya. “Yes. Ayos na dahil kasama ko na ulit kayo.” masuyo na sagot pa niya. “I’ll leave you with the kids while I prepare dinner, okay?” Muli pa na humalik sa kan’yang pisngi si Atasha sabay umalis at nagpunta sa kusina. Yes, Atasha doesn’t need to but she does all the time. Ganito siya kaalaga sa kan’yang mag-aama. Hindi niya kailangan na mag-asikaso pero mas nais niya na siya mismo ang gumagawa ng mga bagay para kay Colton. At lalo n
“What's that on your neck, Colton?” tanong ni Tiffany kaya hindi maiwasan na maituon ang lahat ng atensyon kay Colton Mijares. Kasalukuyan sila na nagpupulong para sa proyekto na gagawin sa pagitan ng kumpanya ng DU at kumpanya ni Tiffany at kasama rin nila sa miting sina Miguel at Vincent. Tatlong pares ng mata ang bumaling sa kan’ya at naghihintay sa kan’yang kasagutan. Hindi naman maiwasan na mangiti nina Miguel at Vincent dahil kitang-kita sa itsura ni Colton ang pagka-inis kay Tiffany. “Our business here, Tiffany, is about the project. This is not about me.” masungit na sagot niya sa babae. Alam na alam ni Colton ang tinutukoy ni Tiffany dahil nang magbihis siya kaninang umaga ay nakita na niya ang mga marka na iyon. Hindi lamang sa leeg niya kung hindi pati sa dibdib niya. At hindi niya ikinahihiya ang mga iyon. Hindi niya mapigilan ang mangiti kanina nang makita na tinadtad siya ng kissmark ni Atasha kagabi. Hindi niya rin alam kung ano ang pumasok sa isipan ng kasintahan n
“Prinsesa Atasha, tama ka, she is out to get him back. Hindi ka nagkamali sa mga hinala mo at iyon nga ang tahasan niya na ipinakita sa amin kanina.” Kuwento ni Vincent pagkapasok na pagkapasok niya ng opisina ni Atasha sa RD. Nag-angat ng tingin si Atasha at nagsalubong agad ang kan’yang kilay nang marinig niya ang report na iyon ni Vincent. Hindi niya nagustuhan ang balita na iyon pero at least ay sigurado na siya sa totoo na hangarin ng babae at mas madali na sa kan’ya ngayon para planuhin ang mga susunod na hakbang niya. Tama, alam ni Atasha ang lahat-lahat. Nabanggit na sa kan’ya ni Vincent ang tungkol sa proyekto na iyon at naikuwento na rin sa kan’ya na ang gusto ng kliyente ay DU ang mamahala ro’n. Nagtaka na siya kaya agad niya na hiningi kay Vincent ang buong detalye at hindi nga siya nagkamali. Si Tifanny Monreal ang sangkot. “I knew it, Vincent. Sabi ko na nga ba at hindi kailanman magkakamali ang intuition ko. I know she'll be a problem when I first saw her. Hindi ko la
Magkakrus ang mga braso sa harap ng dibdib habang ang mga mata ay titig na titig sa babae na kan’yang kaharap. Walang nagsasalita sa kanila pero ang mga matatalim na tingin na ipinupukol sa bawat isa ay siya na mismo na nangugusap sa pagitan ng dalawang babae. Sina Atasha Altamirano at Tiffany Monreal, ang mga babae na ngayon ay nababalot ng tensyon ang paghaharap dahil kay Colton Mijares. Ramdam na ramdam ang tensyon na bumabalot sa apat na sulok ng silid na iyon. Pareho na nagtatagisan ng nakakamatay na tingin ang dalawa at wala ni isa ang nais na sumuko, wala sa kanila ang nais na magpatalo. This is their silent war and both of them wanted to win the fight. “Excuse me, Princess Atasha, Miss Monreal, can we start the meeting now?” Pagbasag ni Vincent sa nakakabingi na katahimikan sa pagitan ng dalawang babae. Ayaw sana niya na makisingit sa silent war ng dalawa ngunit mas lalo na ayaw niya na magtagal sa tensyonado na pagpupulong na ito lalo na at wala man lamang si Miguel o kahi
“This isn’t good, Miguel. Kailangan ko na makausap si Akiro dahil hindi ko na gusto ang mga nangyayari na ito. I am definitely pissed off right now at alam mo iyan.” Galit na salita ni Colton sa kaibigan na si Miguel. “I tried, Colt, pero hanggang ngayon ay hindi sinasagot ng prinsipe ang tawag at mensahe ko.” tugon ni Miguel sa kaibigan. “Something isn’t right. Hindi ko alam kung ano ang mayro’n at bigla na lamang na sumulpot si Tiffany sa buhay ko para muli na manggulo. I just know that someone out there is trying to ruin my relationship with Atasha again. And you know I won’t take that easily.” Salubong ang kilay ni Colton Mijares habang nasa loob ng opisina niya. Kahapon ay napasugod siya sa opisina ng RD nang mag-text si Vincent at sabihin na kausap nila ni Atasha si Tiffany at hindi na maganda ang pagpapalitan ng mga salita ng dalawa. Walang kaabog-abog niya na iniwan ang sariling kumpanya at pinuntahan ang nobya. Ngunit parang nahuli na siya ng dating dahil nang abutan niya
Maraming salamat po sa lahat ng mga nagbasa at tumangkilik sa istorya nina Colton Mijares at Atasha Altamirano-Mijares. Sana po ay nagustuhan ninyo ang kuwento nila. Sa mga umasa ng isang Aldrick sa buhay nila ay abangan po ninyo ang kuwento niya. Ang kuwento na siya naman ang bida at hindi na pang-second male lead lamang. Sana po ay suportahan ninyo rin ang iba pa na on-going stories ko sa GN: Elliot and Ariella - My back-up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Mikel and Tamara - Married to the Runaway Bride (Tagalog) Evan and Harper - The Rise of the Fallen Ex-Wife (Tagalog) Kenji and Reiko - Falling for the Replacement Mistress (Tagalog) Again, thank you for all your support. No words to express my gratitude to all of you. Hanggang sa susunod po na kuwento sana ay makasama ko pa kayo.
“Why are you staring at me, love?” Pupungas-pungas pa na tanong ni Atasha sa kan’yang asawa. Hindi namalayan ni Colton ang pagdilat ng asawa na si Atasha dahil masyado na natuon ang atensyon niya sa pagbabalik-tanaw niya sa naging love story nilang dalawa. Ang love story na hindi niya inakala na mapagtatagumpayan nila sa huli. Ngumiti siya at ginawaran ang asawa ng isang matamis na halik sa labi, "I’m just looking back at our love story. How far we’ve come along since that day that I saw you at the airport and met you in DU again." Namilog ang mga mata ni Atasha sa kan’yang sinabi. Hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niya sa sinabi ni Colton. “You saw me at the airport? Kailan mo ako nakita sa airport? Paano?” Napasimangot si Colton sa kaalaman na hindi man lamang talaga siya tumatak sa isipan ni Atasha. Siya lang yata talaga ang tanging babae na hindi naapektuhan ng kan’yang presensya. Is he that ordinary to her, kaya hindi man lamang nabighani si Atasha sa kan’ya? “Ibig
Darkness. I was consumed by total darkness at hindi ko alam kung makakaalis pa ako sa kadiliman na kinasasadlakan ko. Pinipilit ko na makaalpas kung saan lugar ako na naro’n pero may pumipigil sa akin. At kahit na anong pilit ko ay patuloy lamang ako na paikot-ikot sa madilim na lugar na ito. Ang sabi nila kapag oras mo na ay makakakita ka ng liwanag na gagabay sa’yo sa direksyon na patutunguhan mo, pero bakit sa akin ngayon ay walang kahit na anong liwanag? Wala akong maaninag na kahit na anong senyales ng buhay kung hindi ang patuloy na kadiliman lamang. I am lost and I am scared. Natatakot ako dahil hindi ko masilayan ang pamilya ko. Hindi ko makita si Atasha at ang kambal. Hindi ko maramdaman ang presensya ng babaeng mahal ko at ang mga anak ko. Is this the end? Hanggang dito na lamang ba ang buhay ko? Hanggang dito na lamang ba ang pakikipaglaban ko sa buhay? And because of the darkness, I found myself engulfed in it. Napapagod na ako na lumaban, napapagod na rin ako sa lahat.
Things were never easy dahil patuloy kami na sinusubok ng tadhan at ng pagkakataon. It’s as if the world is conniving against us. Pilit kami na pinagtatagpo pero pilit din kami na binibigyan ng rason upang magkahiwalay. But this time, we both stood with each other. Hindi na kami makakapayag na mawala at mahiwalay sa bawat isa lalo na at inuumpisahan na namin na buuin ang aming pamilya. At lahat ay gagawin namin para lamang makamit ang matagal na namin na pangarap na ito. And then another challenge came over us. Samantha Randal kidnapped our twins. At hindi ko alam kung ano ang gusto ko na gawin kay Samantha sa mga oras na iyon. She is Atasha's fucking bestfriend, but she is a traitor. “Colton.” “Fucking Samantha, Migs! Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito, pero pagsisisihan niya ito for hurting Atasha this way.” galit na galit na turan ko kay Miguel. At sa mga oras na ito ay wala akong pakikinggan na eksplanasyon. No words of wisdom from Miguel can change th
“Ano? Sigurado ka ba sa mga plano mo na ito, Colton?” Naguguluhan na tanong sa akin ni Miguel na sigurado ako ay hindi sang-ayon sa mga plano ko. “Yes, I need to make a diversion, Migs, and Lia is the available option that I have. She likes me so everything will be easier at wala na rin magiging pagtatanong pa ang pamilya namin kung sakali.” “I’m not sure about this. Hindi ganito kadali mo lamang na malilinlang ang mag-ina na iyon. At higit sa lahat, are you sure about Lia Madrigal? Alam natin ang background ni Lia and it’s not good, Colton.” “I need to try, Migs. I need to try to get them away from planning something against Atasha. Alam ko na may kinalaman sila sa pagkawala niya at kailangan ko na patuloy na siguruhin ang kaligtasan niya.” “We’ve been trying to find evidence, Colton, pero hanggang ngayon ay wala tayong link na may kinalaman nga sila sa pagkawala ni Atasha. Hindi kaya sinadya ni Atasha na umalis?” “Why would you even say that? Everything is good between us at wal
“What I did is just a rebound sex! No strings attached. Huwag mo sabihin na you’re expecting something out of that? ‘Yan ba ang inaasahan mo sa mga babaeng napupulot mo sa bar gabi-gabi?” Those words coming from her totally destroyed me. Ang maalab na gabi na pinagsaluhan namin ay nauwi sa pagtatalo nang magising siya at mahimasmasan sa kalasingan. She thought that I always engaged in one-night stands, but I never did. Last night was the first, and she was my first. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kan’ya lalo na at iniwan niya na lang ako ng basta-basta. And what’s worst? She never bothered to know who I am, wala siyang pakialam sa presensya ko sa kan’ya. I don’t matter to her, and it’s that simple for her to leave me after what happened. Tang-ina lang talaga na parang nagkabaligtad pa kami ng papel dahil ako pa ang nag-iisip dahil sa nangyari sa pagitan namin habang siya ay walang pakialam. Mas lalo ko siya na hindi makalimutan pagkatapos nang nangyari sa amin. How ca
I continued admiring her and loving her from afar. Kahit na ano ang gawin ko, Atasha Andres is clouding my mind. But I am a gentleman at marunong ako na tumanggap ng pagkatalo. Kaya kahit na masakit sa akin na kay Yulence siya napunta ay wala akong ginawa upang magkasira silang dalawa. Her happiness is my happiness even if it hurts me deep inside. “Tasha!” Gulat na gulat si Atasha habang naglalakad sa labas ng DU building nang marinig ang malakas na boses ni Yulence. Nasaktuhan ko ang paglabas niya kanina kaya naisipan ko na tingnan kung saan siya papunta dahil hindi ko nakita na sinundo siya ni Yulence. Sinadya ko na magtago upang hindi nila malaman ang presensya ko. “I have to go, Yulence.” Pilit niya na nilampasan si Yulence ngunit hinatak siya nito sa braso dahilan upang bumangga siya sa dibdib nito. Bumangon ang inis ko dahil sa nakita ko na marahas na pagtrato sa kan’ya ni Yulence. “We need to talk, Tash. Please talk to me.” Pagsusumamo ni Yulence. “Wala na tayong dapat p
“Hi Atasha!” Gulat na lumingon ang babae sa tumawag sa pangalan niya at paglingon niya ay sumilay ang pagkatamis-tamis na ngiti sa kan’yang labi. Huminto siya sa paglalakad at hinintay ang paglapit ng lalaki na tumawag sa kan’ya. May dala-dala na tsokolate ang lalaki na ngiting-ngiti rin na nakatunghay kay Atasha. Inabot niya kay Atasha ang bitbit niya kaya mabilis naman na pinamulahanan pa ng mukha si Atasha habang hiyang-hiya na nagpasalamat. “Thank you, Yulence. Para saan ba ang mga ito?” Hindi maalis-alis ang pagkakangiti sa mga labi niya habang titig na titig sa kanya si Yulence Villagomeza, my fucking step-brother. “I told you last time na liligawan kita, hindi ba? Don’t tell me na nakalimutan mo na kaagad.” Lalo na pinamulahanan ng mukha si Atasha Andres sa sinabi ni Yul pero hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya, “Let’s go and let’s have dinner at pagkatapos ay ihahatid na kita sa apartment mo.” Pagyaya pa ni Yulence sa kan’ya habang nakahawak ang mga kamay sa beywang ni
Mataman na pinagmamasdan ni Colton ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan nila ay asawa na niya ang babae na kan’yang pinapangarap. Hindi niya lubos maisip kung ano ang kabutihan na nagawa niya upang pagbigyan siya sa naging hiling niya na maging asawa ang babae na bumihag sa puso niya. Napangiti pa siya nang maalala kung gaano nila pinagsaluhan ang init ng kanilang pagmamahalan kagabi. Hinimas niya ang ulo ng tulog na tulog na asawa at muli na binalikan ang kanilang nakaraan. --- “Ouch!” Shit! Napatigil at napalingon ako nang marinig ang mahina na impit na boses na ‘yon ng isang babae. Dahil sa pagmamadali ko ay nabangga ko siya at nagsilaglagan ang mga gamit na dala-dala niya. Itinaas ko ang shades na suot-suot ko at inilagay iyon sa aking ulo at muli ako na napatingin sa babae na nakayuko na nagpupulot ng mga gamit na nalaglag. “I’m sorry, miss, hindi kita napansin. Are you alright?” Tanong ko pa pero ang aking atensyon ay