Hindi mawala sa isip ko iyon. May inis sa akin at galit. Namulat ako na anak ako sa labas ngunit sa isang iglap sasabihin sa iyo na ikaw ang kanyang tunay na anak.
Nakakagalit ’no? Halos buong buhay ko tiniis ko ang mga panlalait ng mga pakialamerang tao.
At si Tita Taliana, alam ba niya ang lahat ng ito? Malamang! Kaya siguro siya galit na galit sa akin dahil natatakot siya na malaman namin.
Bakit noong nalaman na ni Papa ang lahat, hindi man lang siya gumawa ng action?
Napamahal na siguro siya kina Arissa at Sofia. Naaawa siya kapag nalaman nila ang totoo. Nakakagalit na ako pa at si Nanay ang kailangan maghirap samantalang humihiga sa marangya ang mga iyon na hindi naman kanila.
Sabog na sabog na ako sa mga pangyayari. Idagdag pa natin ang sitwasyon namin ngayon ni Sheldon. Ewan ko kung ano na ang nangyari sa amin. Umaasa pa rin ako na babalik siya sa dati pero sa ngayon, didistansya muna ako sa kanya.
Bukas ang kaaraw
“Omg! Ang dali mong malasing!” tili ni Jelai nang halos mahiga na ako sa sofa.Hindi ko siya halos marinig dahil na rin sa tugtog pero napangiti na lamang ako. Parang nawala lahat ng mga problema ko nang uminom ako. My world is spinning but I don’t care. I am actually liking it.“What should we do, Jam?”“Hayaan mo muna! Hindi naman natin pababayaan! Let’s enjoy ourselves first!”Naging blurry na ang paningin ko at gusto ko na lang matulog. This is my birthday and I am happy.Happy Birthday, self! You made it! You actually made it. Life sucks! Ngumuso ako nang napadpad ang mata ko sa singsing ko.Bahagyan akong napangiti at saka tinanggal ang singsing sa daliri ko at saka nilagay sa bulsa.Pinilit ko ang sarili ko na bumangon at saka kinuha ang alak. Ininom ko ito at napakembot-kembot pa ako dahil sa tugtog. Narinig ko ang tawanan nina Jam at Jelai dahil sa ginawa ko.
Nagising ako na wala na si Sheldon sa tabi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili na umiyak.Para akong tanga. Ayaw na nga sa iyo ng tao, pinipilit pa rin ang sarili.Natawa na lang ako na naiiyak. Niyakap ko ang sarili ko at tahimik na umiyak. Huwag mo munang isipin si Sheldon, Alexa. Ang dami mo pang kailangang gawin.Akmang babangon na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. Nang nakita ko na unregistered ito ay kumunot ang noo ko.Sino kaya ito? Babaliwalain ko sana pero masyadong kulit kaya sinagot ko na lang.“Hello,” bungad ko. “Sino ito?”“Ma’am, ikaw po ba ang anak ni Ma’am Alejandra?”Umawang ang labi ko at napaupo sa kama nang maayos.“Ako nga, bakit?”“Ma’am! Kailangan mong pumunta rito! Nagwawala si Ma’am Taliana!”Namilog ang mata ko at naihulog ko ang phone ko. Agad-agad akong b
Bumalik ako sa bahay na bigong-bigo. Hindi ko na lang pinahalata sa mga tao na naririto. Palaging nagp-play sa utak ko ang halikan nilang dalawa. Bigla akong nandiri at napayakap sa sarili.How could he do this to me? Parang kagabi lang ay may nangyari sa amin. Paulit-ulit pa nga. Paulit-ulit akong nagpakuha sa kanya.Pinalis ko ang luha sa mata ko. Baka naman talaga ay hindi sincere si Sheldon simula pa lang. Gusto ko siyang tanungin kapag umuwi na siya. Gusto kong tanungin sa kanya. Baka naman ay namamalikmata lang ako.Tumango-tango ako at saka humiga na lang muna sa kama. Kung alam ko na ganito pala ang kapalit ng lahat, sana hindi ko na lang tinanggap, unang-una pa lang.Iniisip ko na naman ang sinabi ni Papa sa akin. Paano kung sasama na lang ako sa kanila. Mamuhay kami sa ibang bansa. Iiwan namin ang mga tao rito. Kasi ako, pagod na pagod na akong pagtyagaan sila. Gusto kong lumayo. Gusto kong maging masaya.Akala ko ba ay hind
Tulala ako habang nakatingin sa kawalan. Hirap na hirap ko na paniwalaan na buntis ako.Ayaw na nga niya sa akin, binuntis niya pa ako.Ngayong araw ay sasamahan ako ni Nanay sa ospital para magpa-check-up. Nasa isip ko na baka masama lang talaga ang pakiramdam ko at hindi buntis.Pero nang nakarating kami sa Ospital ay halos himatayin ako sa nalaman.“You’re pregnant, Mrs.Del Real.”Paulit-ulit iyong mag-play sa utak ko. Hindi ako makapaniwala. So ano ’yong ininom ko na pills, expire? Natulala na lang ako habang nakaupo sa hospital bed.“Anak…” Lumapit si Nanay sa akin.“Nay, paano ko ito bubuhayin?” Nanginig ang boses ko. “Hindi pa ako handa.”Niyakap niya ako. “Tahan na, hindi naman kita papabayaan. Aalagaan natin ang magiging baby mo.”Natahimik ako.“Wala ka bang balak sabihin sa asawa mo?”Agad ako
Hindi agad ako nakagalaw nang narinig ko iyon. Parang gumuho lahat ng kinarga ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Panaginip lang ba iyon? Baka naman hindi totoo itong narinig ko? Baka naman ay nagjo-joke lamang si Nanay?“Alexa!” Niyugyog ako ni Nanay. “Anak!”Tumulo ang luha sa aking mata at binalingan si Nanay na ngayon ay lumuluha na. Nanginig ang buong katawan ko nang nakita kong lumuluha si Nanay.“Nay…” Nanginig ang boses ko. “Si Papa… Hindi totoo iyon, ’di ba?”“Anak, puntahan natin ang Papa mo,” si Nanay.Agad akong tumango. Kailangan kami ni Papa ngayon. Hindi ko alam kung maayos ba ang lagay niya ngayon. May dumalo ba sa kanya? Dinala ba siya agad sa ospital? O baka naman ay pinabayaan lang siya ng hindi totoo niyang pamilya? Sari-sari ang nararamdaman ko. Tuluyan ko nang nakalimutan kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Muntik ko na rin nakalimutan na
Naging balita sa buong Azura ang pagkawala ni Papa. Marami ang nakiramay at marami ring gustong makibalita tungkol sa nangyari. Gusto kong tanungin si Tita Taliana kung bakit inataki si Papa. Siguro minsan aatakihin ka na lang talaga nang walang dahilan. Pero hindi ako mapapanatag.Maraming mga media ang nakikialam, kung ano ang nangyari at kung bakit biglaan? Hindi sila sumasagot sa mga tanong ng mga taga media. Siguro ay nagdadalamhati pa rin sila. Gusto kong malaman ng tao na ang kanilang matagal na hinahangaan na pamilya ay isang peke lamang. Gusto kong malaman nila na hindi totoo ang lahat. Kami ang totoo at kami ang dapat na nasa pwesto ngayon.“Anak, huwag kang masyadong magpapagod. Buntis ka,” paalala sa akin ni Nanay.Narito pa rin kami sa mansyon at wala akong pakialam sa mga sasabihin ng iba. Karapatan ko na naririto dahil anak ako ni Papa.“Bakit nandito pa rin kayo?” si Arissa habang masama ang tingin sa akin. Naramdam
Nagkagulo na ang lahat. Marami silang tanong at para silang natraydor sa nalaman. Buong nanonood ang nakaalam sa rebelasyon. Ang kanilang hinahangaan na pamilya ay isang peke at hindi totoo.“Misis Del Real…”Napasinghap ako at napaatras nang hinarangan ako ng isang reporter. Siya lang mag-isa ngunit nang nakuha ng atensyon ng iba ay nagsilapitan sila sa akin. Sa takot na baka ako’y maipit ay napaatras ako. Nagpalinga-linga ako upang mahanap ng malulusutan. Ngunit bago ko pa iyon magawa ay may isang malamig na kamay ang humawak sa braso ko at hinila ako.Napasinghap ako at napatingala. Umusbong ang galit sa aking dibdib nang nakita ko na si Sheldon iyon. Hindi na tuluyan nakalapit sa akin ang iba pa dahil hinarangan na sila ng mga tauhan ni Sheldon.“Bitiwan mo nga ako!” galit kong sinabi at saka pilit ihila papalayo sa kanya ang aking kamay.“Shut up!” galit niyang sinabi pabalik na nagpagulat sa ak
“Ano po ang ginagawa niyo rito?” gulat na tanong ko nang nakita ko si Tita Ruffa at Tito Antonio sa sala namin.Umagang-umaga at pagbaba ko ng hagdanan ay nakita ko sila na inaasikaso ng mga kasambahay. Mabuti at hindi pa masyado halata itong tiyan ko. Ayokong malaman nila. Hangga’t maaari.Ngumiti si Tita Ruffa sa akin. “How are you, hija?”“Hindi po ako mabuti,” diretsahan kong sinabi. Nanatili lang akong nakatayo malapit sa hagdanan habang tanaw sila.Malungkot akong tiningnan ni Tita Ruffa. “Hindi na ba talaga kayo maayos ng anak ko?”“Tanungin niyo po ang anak niyo. Siya ang gumawa ng problema namin at wala na akong balak maging involve sa buhay niyang magulo. Pasensya na po kayo pero ayokong pag-usapan ang tungkol sa anak niyo, Tita.”Umawang ang labi nila pareho.“Hija…”Ngumiti ako sa kanila. “Naintindihan ko po kayo, pero sana na
Special Chapter 1.2 Tahimik na inilapag ko ang bulaklak sa puntod ni Papa. Pinalis ko ang luha sa aking mata habang nasa tabi ako ni Sheldon. Ang kanyang kamay ay nakaakbay sa akin habang ang isa ay may dala ring bulaklak. Nang nangibabaw ang aking emosyon ay sumandal ako sa kanyang balikat. "I know your dad is in a good place." Tumango ako. "Alam ko." "And why are you crying? Miss mo na?" Tumango muli ako habang ang tingin ko ay nasa puntod ni Papa. "H-Hindi ko man lang siya nakasama nang matagal," I said. "Gustong-gusto ko pa naman siyang makasama nang matagal." Suminghap ako nang tumulo muli ang luha sa aking mga mata. "If I have know na may ganoon pala siya na sakit dati ay sana kinapalan ko na ang mukha ko." "Shss..." Pinalis ko muli ang luha sa aking mata at napatingin sa ina ko na ngayon ay tahimik na sa kanyang puwesto. I know that she was
Special Chapter Tatlong taon na ang nakalipas simula nang nangyari ang lahat. Masaya ako na nasa tamang kalalagyan na ang lahat. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin limot ang mga pinagdaraanan ko. Kung paano ako naghirap hanggang sa nalaman ko ang isang bagay na nagbabago ng pag-ikot ng buhay ko. "Alexa, let's sleep, hmm?" Gusto ko nang bumangon mula sa pagkakahiga dahil paghahandaan ko pa sila ng makakain ngunit masyadong makulit itong asawa ko at mas gusto pa yatang humiga pa sa kama kahit sumisikat na ang araw. "Sheldon..." Nilingon ko siya. "Alas otso na. Baka gutom na si Sheldon." "May yaya, please my wife. Sa akin ka na lang muna ngayon kahit ngayong araw lang, hmm? Pagod ako sa work." Umirap ako. "Sinabi ko ba na magpagod ka?" Humalakhak siya at mas lalong isinisiksik ang kanyang sarili sa akin. "Hindi...Pero maaga kong tinapos ang lahat ng mg
“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!” “Blow the candle, Shelo!” “Yes, Mommy!” And when he blew the candle, the visitors clapped their hands. Lumapit ako kay Alexa at hinalikan siya sa pisngi. “Uy, huwag ka ngang manghalik diyan! Maraming tao at birthday pa ng anak mo!” saway niya sa akin. I chuckled and looked at our little boy who resembled to his Mommy. “Happy birthday, Shelo,” I said and kissed his cheek. “Thank you, Daddy!” masayang sambit ni Shelo and he hugged me. “You’re welcome and thank you for existing,” makahulugan kong sinabi at sinulyapan ko ang pinakamagandang babae sa mata ko. She was entertaining the guest and she was smiling. The whole Azura was shocked when they knew that Alexa already had a child. I think Alexa already knew how to handle such issues calmly. My wife is so great that I want to marry her again in front of th
I gave him a chance. Napangiti na lamang ako nang sinalubong ako ng isang halik sa noo nang mag-umaga. Inilahad niya sa akin ang kanyang dalang bulaklak. “Flowers for my wife,” aniya. Ngumiti ako at saka tinanggap ito. “Maraming salamat!” “Sobrang maaga naman yata ang pagbisita mo, hijo?” si Nanay sabay halakhak. “Tulog pa nga ang apo ko.” Ngumiti lang si Sheldon kay Nanay at saka bumalik ang kanyang tingin sa akin. “I hope you like the flower.” “G-Gusto ko…” “Pasok ka muna sa loob, hijo. Kumain ka na ba ng umagahan?” tanong ni Nanay. Kinuha ko na ang kamay ni Sheldon at saka hinila na siya sa loob. Last night was our moment. I gave him a chance and I think he deserves it. Habang papatungo kami sa sala ay naramdaman ko ang pagdaos-os ng kanyang kamay patungo sa kamay ko. Umawang ang labi ko at napasinghap nang pinagsiklop niya ito. “Nay, I am going to ask her out. Can you please let us have some
Nakaupo kaming lahat sa sala. Si Nanay, si Tita Ruffa, Tito Antonio, ako, si Sheldon at si Shelo.Ang anak ko ay walang kamalay-malay habang nakatitig sa kanyang Lolo at Lola. Ibinaba ni Tita Ruffa ang tasa at saka tumikhim.“I am sorry for the surprise visit,” sabi ni Tita Ruffa sabay baling kay Nanay. “It’s been a while, Alejandra. Mukhang hindi ka pa rin talaga nagbago, mabait ka pa rin.”Binalingan ko si Nanay upang makita ko ang reaksyon niya at nagulat ako nang nginitian ito ni Nanay.“Alexa…”Napasinghap ako at agad-agad siyang binalingan.“P-Po?”Naramdaman ko ang palad ni Sheldon sa bewang ko at hinaplos-haplos niya ito upang pakalmahin ako. Napalunok tuloy ako.“I am so sorry for what I said back then,” aniya sabay ngiti sa akin. “I never intended to hurt you like that. I hope you are not going to ignore me anymore.&rdqu
Kahit na masama ang pakiramdam ko, hindi ko hinayaan na maapektuhan ang outing namin dahil lang sa nararamdaman ko.“Mommy, you are not sad anymore?” tanong ng anak ko at nagulat ako nang sinapo niya ang noo ko. “You are not sick too…”Ngumuso ako at ginulo ang kanyang buhok.“I am not sad anymore because you are here,” sabi ko sa kanya.“Yeahy!”At napangiti ako nang niyakap niya ako sa leeg.“Shelo will not leave your side, Mommy!”“I will not gonna leave by your side too, Shelo,” I said and kissed him on his cheek.Naging masaya na ulit ang 3 days outing namin. Marami ring pictures si Shelo dahil nalibot namin ang buong resort.At ngayon, ngayon na ang araw na uuwi kami ng Azura.“Mommy! I want to swim on the pool when we went home!” kwento ni Shelo habang kumakain siya ng chocolate sa backseat.Hanggang ngayon ay
Nasa may tea shop kami nagtungo sa resort na ito. Hindi ko akalain na nagbabago na ang babaeng ito. Mula sa pagiging artem nagiging simple na lang. Hindi ko talaga maatim na kasama niya ang anak ko kanina.Takot na takot ako na baka na may nangyari sa kanya tapos kasama niya pala ang babaeng ito. Hindi ko nga alam at baka may ginawa ang babaeng ito sa anak ko.Binaba niya ang kanyang baso at saka tumikhim.“H-Hindi ko alam na nandito ka na pala,” panimula niya at binalingan ang anak ko. “At hindi ko akalain na anak mo ito.”Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip. “Wala ka bang TV?”Mahina siyang natawa at saka bahagyang yumuko. “Wala na akong panahong mag-TV.”Umawang ang labi ko. “At bakit mo kasama ang anak ko? May ginawa ka bang masama sa kanya?”Umiling siya at tiningnan muli ang anak ko. “Hindi ko alam na anak mo pala siya. Lumapit kasi siya sa akin nang dumaan
“Mommy, look!”Nag-angat ako ng tingin sa anak ko. Hapon na at narito pa rin kami sa tabing dagat.Nakita ko na may dala ng star fish si Shelo habang papalapit sa akin.“Star fish!” maligaya niyang sinabi.Napangiti na lamang ako.“Daddy, you love star fish?”Ngumuso ako at saka binalingan si Sheldon na nakaupo sa buhangin.“I love your Mommy!” sambit ni Sheldon sabay angat ng tingin sa akin.Nanlaki ang mata ni Shelo at saka napawi ang kanyang ngisi. Naibaba niya rin ang star fish at saka binalingan si Sheldon.“I love Mommy!”Sheldon chuckled. “I love your Mommy too!”“Mommy is mine!”“She’s my wife!”“No! I love Mommy more!” hindi pagpapatalong sabi ni Shelo.“I love her and she loves me—”“Tama na nga iyan! Mukha kang bata, Sheldon!”
“Mommy! Hurry up!”Nagbihis na ng panligo ang anak ko at ngayon, sobrang excited na siyang lumabas.“I’m gonna change first!” I said.Akmang papasok na sana ako sa banyo ngunit aksidente kong nabangga si Sheldon na kalalabas lang din ng banyo.“S-Sorry!”“Where are you going?” Topless na ngayon si Sheldon.“Um, magbibihis. Maliligo na kasi si Shelo ng dagat,” sabi ko.Nagbaba ng tingin si Sheldon sa dala kong swim suit na kulay pula. Nagsalubong ang kanyang kilay ngunit wala siyang sinabi. Tumabi siya para makapasok ako sa loob ng banyo. Akala ko pa naman ay may sasabihin siya sa susuotin ko. Mabuti na lang ay wala dahil hindi ko rin hahayaan na pagbawalan ako.Matapos kong magbihis ay lumabas na ako at medyo nahiya nang nakita ko si Sheldon na nakahiga sa kama. Umawang ang kanyang labi nang nakita niya ako. Nakita ko ang pagpasada niya ng tingin sa akin mula ulo