Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. Kahit naman ganon ang ugali ni Bianca ay hindi niya gugustuhin na mapahamak ito.
Sa hindi malaman na dahilan ay napatingin siya sa asawa. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala at panibugho. Alam niyang nagpipigil lang ito ng emosyon sa ngayon. Pero kahit alam niyang dapat siyang umintindi sa sitwasyon na ito ngayon, ay hindi pa rin niya maiwasan na magselos.
Imature na ba siya sa lagay na ito?
Alam niyang espesyal pa rin dito ang babae. Ni hindi nga niya alam kung nakalimot na nga ba talaga ito. Mas matagal ang pinagsamahan nilang da
Tinanghali ng gising si Santina ng araw na iyon. Nagmamadali siyang bumangon ng kama nang makita kung anong oras na sa bedside table. Nilingon niya ang kalendaryo na nakasabit sa dingding ng kwarto niya at napamura."Shit!"Linggo ngayon at may lakad silang dalawa ni Hellios. Halos liparin niya ang banyo at naligo. Dali-dali niyang kinuha ang blower sa loob ng cabinet at naglabas ng mga damit bago iyon inihagis sa ibabaw ng kama. Naglagay muna siya ng light makeup bago isinuot ang Red Maxi Dress na binili niya sa El Nido, Palawan, noong nandoon pa silang mag-asawa.Nang makitang maayos na ang itsura ay dali-dali siyang lumabas ng kwarto at bumaba sa sala. Gusto niyang dumiretso sa kusina para magluto ng tanghalian nila ng asawa since hindi siya naggising ng maaga ay sa tanghalian nalang siya babawi. Napatigil siya ng makitang abala ang mga katulong sa paglilinis sa sala. Agad niyang nilapitan an
Magaan ang pakiramdam na gumising si Santina ng umagang iyon. Nakapikit pa ang mga mata ng yumakap siya ng mahigpit sa matigas na unan. Teka? Matigas na unan? Napamulat agad siya ng mata ng makapang hindi unan ang niyayakap niya kung hindi isang tao!She immediately raised her head to look at him. She saw her husband sleeping peacefully in bed with his arms wrapped around her body. They were hugging tightly under the blanket, and she could feel the warmth from his body under the blanket. She kept on blushing while looking at him. He was more handsome when you looked closely at him. No wonder his ex keeps coming back. Bianca was just too stupid to cheat on this man. But at the same time, s
Nakangiting nakapalumbaba si Santina habang nakatingin kay Hellios na nagluluto sa kusina. Hindi siya nito pinapayagan na gumalaw ngayon sa kusina. Ang sabi nito ay kailangan daw muna niyang magpahinga dahil nawawalan siya ng dugo. Natawa siya sa sinabi nito. Mukhang ito kasi ang unang beses na nakakita si Hellios ng babaeng dinudugo.Pagkatapos kasi niya itong paligayahin sa loob ng banyo ay naligo sila ng sabay pagkatapos. Namutla ang buong mukha nito ng makita ang maraming dugo na kumalat sa sahig ng banyo galing sa kanya. Binanlawan siya nito agad at dali-daling binalutan ng tuwalya, bago binuhat paupo sa kama. Nakamasid lang siya rito, habang ito naman ay hindi na malaman kung ano ang gagawin sa kanya. Pinanuod niya kung papaano ito naglabas ng tissue at wet wipes mula sa cabinet."Anong gagawin mo diyan?" Tanong niya rito. Kahit ang totoo ay gusto na niyang matawa sa pinagagagawa nito.
Nabahala si Hellios ng makitang nagtatakbuhan ang mga nurse at doktor sa ospital papunta sa kwarto ni Bianca. Lakad takbo ang ginawa niya papunta sa kwarto nito. At mula sa pintuan ay kitang-kita niya kung papaano magwala ang babae. Apat na nurse na ang pumipigil dito pero nahihirapan pa rin ang mga ito na pigilan ang babae.Mahigpit ang hawak nito sa tinidor at may sugat din sa leeg nito. Nagpapahiwatig na pinagtangkaan na naman nito ang buhay nito. Nakita niyang may dugo ang kanang kamay nitong may hawak-hawak na tinidor."Hellios! Bitawan niyo ako! Hindi sinasagot ni Hellios ang mga tawag ko!" Parang nababaliw na sigaw nito sa mga nurse."We needed to calm her down." Rinig niyang sinabi ng isang doktor bago may inilabas na injection at itinurok sa balikat ng babae.Nang makita siya ni Bianca ay nakita niya kung gagaano kabilis nagbago ang ekspresyon ng babae. Lumapit siya
Kahit na magkatabi silang natulog ng gabing iyon ay hindi niya pinansin ang asawa na parang wala ito sa kwarto nila. Ilang beses itong nagtangkang kausapin siya pero nagkunwari siyang walang naririnig habang nakahiga sa kama. Nagtatampo siya dito dahil ni hindi man lang nito sinabi sa kanya ang plano nitong patirahin ang babaeng iyon sa bahay nilang mag-asawa. Parang walang respeto at nakakabastos lang sa parte niya. Asawa siya nito hindi ba? Bakit hindi na muna ito nagpaalam sa kanya bago nito pinatira si Bianca sa bahay nilang mag-asawa. Wala nga ba talaga siyang halaga para dito? Para kay Hellios ba ay wala siyang kwentang asawa? Hindi pa ba sapat ang mga ipinakita niya rito? O mahal pa rin kaya nito si Bianca? Iyon ang mga pumapasok sa isip niya habang katabi niya ito sa kama.'Bakit? Papayag ka naman ba kapag ipinaalam niya sayo ang tungkol sa pagtira ni Bianca sa bahay niyo? Hindi di ba? Kaya ayan, iniuwi nalang agad sa bahay para hindi k
Ginabi na nang uwi si Santina sa mansyon. Mabait at masarap kausap si Ivan kaya hindi niya namalayan na ginabi na pala silang dalawa sa labas. Mula sa paglilibot sa Mall ay pumunta rin sila sa park. Na-enjoy niya talaga ang buong araw na kasama ito. Nagulat siya ng mabungaran sa sala ang madilim na mukha ni Hellios. "Did you enjoy your date, sweetheart?"Wow. Are you implying something?""Bakit tama ba ang nasa isip ko?" Balik-tanong nito sa kanya."At ano naman ang malay ko kung anong nasa isip mo. Hindi ako manghuhula." Sarkastikong sagot niya rito."Hinanap kita sa buong lugar, Santina!""Oh, really? Akala ko kasi busy ka sa pag-aalaga ng pasyente mo e. Nakalimutan mo ng asawa mo ako." Pilosopong sagot niya rito."Kaya ka ba sumama sa ibang lalaki?" Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Iba kasi ang tunog ng tanong na iyon nito e. Parang
Maagang nagising si Santina ng araw na iyon kaya maaga siyang nakapag-grocery. Magaan ang pakiramdam niya ng bumangon siya kaninang madaling-araw. Balewala sa kanya ang lamig ng panahon ng mga oras na iyon dahil kahit nakahubad siya at naka-aircon ang kwarto nila ay hindi pa rin niya naramdaman ang lamig dahil sa init na nagmumula sa katawan ng asawa niya. Hubad na magkayakap sila sa ilaliim ng kumot at pinagmasdan muna niya ito ng matagal bago napagpasiyahan na lutuan ito ng masarap na almusal.Para makasiguradong hindi makakaluto si Bianca ng agahan ay nagbilin siya sa mga katulong na huwag itong papapasukin sa kusina. Hindi na niya nagugustuhan ang sarili. Imbes kasi na ito ang kontrabida sa story nilang mag-asawa, ay pakiramdam niya siya ang mas nagiging masama.Kahit anong pa-inosente ang gawin nito sa asawa niya ay hindi nito mabibilog ang ulo niya. Alam niyang may binabalak itong masama sa kanilang dalawa. Wala pa
Nakataas ang kilay niya habang hinihintay na magsalita si Hellios. Mainit ang ulo niya ngayon at kung hihilingin nito sa kanya na makipagbati sa babaeng iyon dahil lang sa suicidal ito ay hinding-hindi siya papayag."Why did you do that?" Tanong nito sa kanya."Do what?""Bakit mo siya sinuntok?""At talagang nagtanong ka pa... Okay, magpalit tayo ng sitwasyon. What would you do if there was a naked man behind me? Will you just watch him touch me? Okay lang ba sayo na makita niya rin akong hubad at balak pang hawakan? Baka mapatay mo pa yung lalaki."Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng lalaki. Mukhang hinahabaan nito ang pasensya nito sa kanya."It's not what I mean, Santina. What I mean is, sana kinausap mo nalang muna yung tao. Hindi yung bubugbogin mo ng nakahubad. Sana binigyan mo man lang sana ng ka