KENT POV
Napangiti na lang ako ng pinilit niyang makawala sa akin, ang sarap sa pakiramdam Ash. Hindi mo alam kung gaano ako nagiging masaya sa mga simpleng action mo. Kung pwede lang na huwag ng matapos ang araw at oras natin dito, mananatili ako kasama mo. Kahit alam kong isinarado niya na ang pintuan ay nanatili pa rin ako sa pwesto ko kanina.
Hindi niya nasagot ang huli kong tinanong sa kaniya samantalang sinagot ko naman ang tanong niya. Ibinalik ko lang yung tanong sa kaniya pero kadayaan niya tinakbuhan ako at pinilit pumasok sa loob.
Sa tuwing nakikita kong nagigitla ang mga mata niya, tumatalon sa tuwa ang puso ko. Kaunti na lang eh lalabas na yung puso ko tapos sasayawan ka haha.
“Hoy Luxorious! Anong ginagawa mo jan?” nilingon ko naman si Kendrick na nakadungaw sa pintuan namin. “Kwarto yan ng mga babae, huwag kang manyak!” sigaw niya nanaman. Sinamaan ko naman siya ng tingin saka ako lumapit sa kaniya. “Anong gin
Nakakaaliw talaga. Ang panoorin lang ang mga taong masayang nakikipag-usap sa mga mahal nila sa buhay sa mga magkasintahan na nagtatawanan at naglalakad habang magkahawak ang mga kamay, sa susunod magagawa rin namin yan ni Ash. “Anong nginingiti mo?” nilingon ko ang babaeng nagbibigay ng liwanag sa buhay ko ngayon. “Wala naman, ang saya rin pala no kapag ganito tayo minsan, walang iniisip na problema, malayo sa gulo walang mga project, assignments sa school na iniisip natin. Napakapayapa lang ba. Ang mga naririnig mong ingay sa paligid ay hindi nakakabinging pakinggan dahil para silang mga musika sa pandinig ko.” masaya kong saad sa kaniya. Sumeryoso naman ang mukha niya at pinanuod din ang mga taong nasa paligid namin. “Tama ka, habang nandito tayo at malayo sa gulo, sa mga problema kailangan nating ienjoy ang buhay natin dahil pagkatapos nito, nanjan nanaman ang mga sunod-sunod na mga problema. At hindi natin alam kung kelan nanaman tatahimik ang bu
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa ganung posisyon dahil hindi pa sumasagot si Ash. Para bang nag-iisip pa siya kung meron nga ba o wala. O sadyang pinag-iisipan niya lang kung saan ako hindi masasaktan. Hindi ko siya matingnan kahit na magkatabi lang kaming dalawa. Natatakot akong tingnan ang mga mata niya dahil iyun ang mga nagsasabi ng totoo. “Oh ano na? Ashery Myth naghihintay kami ng iyong sagot.” Pitik pa ni Aira sa harapan ni Ash. “Hindi ko yan masasagot ngayon.” Usal niya, alam ko naman atleast sinabi niyang hindi niya masasagot kesa naman sa wala talaga. Nakahinga naman ako ng maluwag dun akala ko magkakaroon nanaman ako ng hindi magandang gabi. Nilingon ko naman na siya at diretso lang naman ang tingin niya. “ Dahil ang gusto ko, siya muna ang makakaalam bago kayo.” Parang sa sobrang katahimikan naririnig ko na ang tunog ng mga kuliglig. Yung puso ko. Yung puso ko nakikipag-unahan nanaman. Punong puno nanaman ng pagmam
ASH POV Kanina pa ako gising pero ayaw bumangon ng katawan ko, gusto ko pa sanang matulog pero ayaw ng pumikit ng mga mata ko kaya nanatili na lang muna akong nakahiga sa kama. Nilingon ko ang orasan malapit sa akin at alas otso na pala, wala pa naman akong naririnig na ingay sa labas kaya hindi muna ako bumangon baka kasi mga tulog pa sila. Lumipas ang ilang minuto ay nagtungo na rin ako sa banyo para maligo at ng makalabas na. Bigla namang pumasok sa isip ko ang imahe ni warfreak kagabi na parang wala sa sarili kahit na asarin na siya pero parang wala siyang naririnig. Abnoy talaga. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na rin ako at napahinto na lang ako sa pintuan ko ng makita ko yung limang parang mga tanga. Si Charlotte parang tumatakas sa paraan ng paglalakad niya para siyang ingat na ingat sa hakbang niya huwag lang makagawa ng ingay. Si Jamin, Freya, Sophia parang mga tangang nagbubulungan habang si Aira naman ay nakatuto
Pagkatapos naming kumain ay nagkaniya-kaniya na rin kami, kung saan na rin napunta ang iba naming kasama. Si Vance na nag-iisa naglibot libot na rin. Naglalakad kami ni warfreak ngayon, tinitingnan ko naman ang mga batang nagtatakbuhan at nakikipaghabulan sa alon ng tubig. “Tara dun baka may magustuhan tayo.” Turo niya sa mga nagtitinda sa gilid ng mga souvenir. Naglakad naman na kami palapit dun at iba-iba ang mga paninda nila, may mga key chain, teddy bear at mga damit. Pumasok naman na si warfreak sa loob at nanatili naman ako dito sa labas, nagtingin-tingin ng iba pa nilang paninda. Naalala ko tuloy noong dalawa pa kami ni Kuya kapag tumatakas kaming dalawa, naglilibot din kami sa mga ganitong klase ng lugar tapos ibibili niya ako ng mga alahas na magagandahan niya saka niya ipapasuot sa akin. Kung dati, ikaw ang kasama ko sa mga ganitong lugar Kuya ngayon ibang tao na. Napabuntong hininga naman ako at inalis iyun sa isip ko. “Ash come her
Nagtungo naman na kami ng restaurant kung saan nandun na silang lahat. “Mga 3pm guys aalis na tayo.” Saad ni Charlotte ng makalapit na kami sa kanila. “Bakit ang aga? Akala ko mga 5pm pa tayo?” si Freya. “Hindi raw maganda ang panahon mamaya baka raw kasi may mangyari sa flight natin kaya inagahan na ang sundo sa atin.” Maayos naman ang panahon kanina, may araw pa. Sino nga namang mag-aakala na magbabago yun mamaya at didilim. Kumain naman na kaming lahat ng tanghalian at kaniya kaniya na ring ayos at gayak ng mga damit para mamaya hindi na kami magmamadali sa kakaayos. Iniwan ko na nga pala sa baba kanina yung magandang halaman para sa Mommy ni warfreak. Mahilig kaya yun sa orchids na malalaki ang bulaklak? KENT POV Nag-aayos na rin kaming mga lalaki ng mga gamit namin, akala ko pa naman makakasama ko pa si Ash hanggang mamaya yun pala mapapaaga ang balik namin. Naalala ko naman yung dalawang singsing kanina,
ASH POV Kararating lang din namin sa bahay, nakakapagod din na byahe. Si warfreak lang din ang naghatid sa akin dahil wala naman akong dalang sasakyan. Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama ko. Hindi na ako maliligo dahil naligo naman na ako kanina bago umalis, kumain na rin kami bago kami naghiwahiwalay kanina kaya gusto ko ng matulog dahil panibagong bukas nanaman. Ipinikit ko na ang mga mata ko at hinayaan ng maglayag ang isip ko hanggang sa makatulog. KINABUKASAN. Abala kami sa paghahanda ng umagahan namin ng biglang pumasok si Vance sa bahay namin. “Oh ang aga mo naman yata?” nagtatakang tanong ni Aira. “Dito ako kakain ah, pasabay ako.” kunot noo ko namang tiningnan si Vance na nakaupo na ngayon sa tabi ng pinag-uupuan ko. Anong meron sa lalaking ito? pinagkibit balikat ko na lang iyun saka pinagpatuloy ang paghihiwa sa kakainin namin. Nang matapos kami ay sabay-sabay na rin kaming tatlong kumain.
Nilampasan ko naman na siya at sumunod naman ang mga kasama ko. “Ang angas mo talaga.” Rinig kong saad ni Chase. “Parang hindi tuloy siya si Sir Funthanos kapag ganun siya.” Si Sophia. “Dapat naman kasi nilang galangin si Ash dahil kaniya ito, kahit na estudyante nila si Ash, kahit pagbalik baliktarin pa natin ang mundo, siya pa rin ang may-ari nito.” Seryoso namang saad ni Kendrick. “Siya nga pala Ash, bakit mo tinago? Bakit hindi mo sinabi? O di kaya naman ay nagpakilala ka na noong una pa lang para hindi mo na dinanas ang pambubully ng mga estudyante dito, kung makaarte akala mo kung sino na.” si Freya. “Ito kasi yung ayaw kong mangyari, yung hindi na ako titingnan ng mga prof natin bilang estudyante kapag alam nila kung sino ako, lalapit at makikiplastikan naman sa akin ang ibang estudyante. Mas okay na yung nadanas ko yun sa mga kamay nila atleast nalaman ko kung ano talagang mga kulay nila diba?” kaniya kaniya naman silang tanguan. Dahil
KENT POVMay ngiti ako sa mukha ng pumasok ako ng kwarto ko, hindi ko pa rin makalimutan si Ash, araw gabi na lang ganito ako. Ang sarap palang mainlove.Hihintayin ko ang next time na sinasabi niya hehehehe. Parang wala nanaman siya sa mood kanina eh, ano kayang nangyari dun?Hindi bale, kahit araw-araw kang magsungit sakin okay lang, mahal kita eh. Hihiga na sana ako ng may kumatok sa pintuan ko.“Anak gising ka pa ba?” boses yun ni Mommy. Anong kailangan niya? nagtungo na lang ako sa pintuan saka pinagbuksan siya.“Why Mom?” nginitian niya naman ako ng nakakapangloko. Kaya kumunot ang noo ko.“Yiiieeee Ash is waiting you, nanjan siya sa sofa.” Natulala naman ako sa sinabi ni Mommy. She’s here at this hour?“Lalabas ka ba o hindi? Ikaw ang nanliligaw pero ikaw ang pinupuntahan, ano ba naman yan son?”“She’s different Mom, may nagagawa siyan
Sorry po kung ngayon lang ako nagparamdam sa story na 'to. Ngayon ko na lang kasi siya ulit navisit since nabusy ako sa maraming stories ko. The true reason kung bakit hindi na ako nakakapag-update is because para raw siyang HIH or His into Her ni Miss Jonaxx. Ayaw ko naman na plagiarize ako or something ginagaya ko siya, nagkataon lang na nagkaroon kami ng same plot. So, since then parang nawalan ako ng gana na ituloy siya kahit kompleto na siya sa isip ko until sa ending niya. Kung itutuloy ko naman siya need ko na naman basahin hanggang umpisa para maintindihan ko yung flow ng sarili kong story. As an author po kasi mahirap yung makumpara sa mga sikat ng author lalo na kung tingin nila ay nanggagaya ako ng gawa ng iba. Maraming salamat po sa mga nagbasa at naghihintay ng update ko. Kapag lumuwag po schedule ko, magsisingit po ako ng update medyo busy pa po ako 'till June. Thank you;)
“Ayan na!” sigaw niya kaya tiningnan ko naman yung butas at may pumasok nga. Mabilis ko naman iyung hinukay hanggang sa mahuli ko ang isang malaking talangka.“Oh my God, ang laki niya.” gulat pa niyang saad. Hinawakan ko naman sa magkabilang sipit niya saka ko iniabot sa kaniya.“Anong gagawin ko jan?” “Diba gusto mong makahuli.” “Yes pero ikaw na lang maghawak haha, masakit mangagat yan eh.” Napakamot na lang ako sa batok ko, walangya hahaha. Akala ko pa naman gusto niyang makahawak ng ganto. “So? Bitawan ko na?” “Edi bitawan mo na, kawawa naman kapag pinatay mo.” Napapailing na lang akong tumatawa sa kaniya.“Halika ka na, madilim na oh. Wala pa tayong ilaw. May dalang ilaw at battery jan si Vance, alam mo bang ikabit?” binitawan ko naman na ang kawawang talangka saka ko siya sinundan.“Isabit mo na lang jan sa sanga ng kahoy.” “Nasan yung battery?” “Ito oh.” Turo niya sa napakalaking battery. Talagang nanigurado
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na nga kami sa sinabi niya. Medyo may kalayuan nga lang pero okay lang dahil siya naman ang kasama ko, wala na akong hihilingin pa. Bumyahe kami palabas ng metro makarating lang ng dagat. Dahil nga may kalayuan nakatulog na siya sa byahe. Kararating namin pero hindi pa rin ako bumababa dahil tulog pa siya. Ang ganda niya talagang titigan. Wala ng gaganda sa kaniya. Napaiwas naman ako ng tingin ng gumalaw na siya. “Kanina pa ba tayo?” paos pa niyang tanong. “Kararating lang din naman.” Umayos na siya ng upo at inilibot ang paningin sa paligid saka bumaba kaya bumaba na rin ako. “May hinahanap ka ba?” tanong ko sa kaniya ng hindi matigil sa kakatingin niya sa paligid. “Ayun, dun tayo.” Turo niya sa isang ilalim ng puno na may mga gamit. Kumunot naman ang noo ko, kanino yan? “Kilala mo ba kung kaninong gamit yan?” tanong ko sa kaniya ng pakialamanan niya ang mga dun. “Ito ang gagamitin na
Bumili naman na ako ng ticket para sa papanuorin naming movie. Ako na rin bumili ng makakain namin sa loob. Pagkarating namin sa loob ay kakaunti pa lang din ang tao. Sa pangawalang upuan na rin kami umupo. “Mahilig ka manuod ng romance?” tanong ni Ash. “Ah siguro hehe, yan nadampot ko eh.” “Tsss, yan nadampot o yan talaga pinili mo?” “Pwede both? Haha.” Natatawa kong saad sa kaniya na ikinatawa niya naman. “Mag-ingat ka baka maulit nanaman yung nangyari sayo noong nakaraan.” “Hindi mo naman ako pababayaan diba?” “Ang bading mo talaga.” “Sige isang sabi mo pa ng bading ako, maski maraming tao hahalikan kita. Hamunin mo ako, sige.” Usal ko na ikinatikom naman ng bibig niya. Takot lang mahalikan eh, tssss. Sayang hehehe mahahalikan ko nanaman sana ang malambot niyang labi, haaaay. Pinatay naman na ang ilaw at ang tanging nagbibigay na lang ng liwanag ay ang screen sa harap. Marami rami na rin ang tao at ka
“Hindi ba maganda?” napakurap kurap naman ako ng ilang beses at tumikhim ng magsalita siya at pinasadahan ng tingin ang sarili niya. “Hindi naman, ang ganda mo nga eh.” Namamangha ko pang saad sa kaniya. “Kaya nga natulala eh, naku jan na nga kayong dalawa. Hoy warfreak ingatan mo yan ha?” “Oo naman yes!” tuwang tuwa ko pang saad kay Aira. Umakyat naman na ako sa hagdan at inilahad ang kamay ko sa kaniya habang nakayuko. Bahagya naman siyang natawa. “Akala mo naman prinsesa ang tutulungan mo.” Usal niya. “Eh prinsesa kita eh.” Napailing iling naman siya habang natawa. Inilahad niya na ang kamay niya at maingat ko namang hinawakan iyun. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya. “Hindi pa, ikaw kumain ka na ba?” napakagat labi naman ako dahil inaalala niya na ako kung kumain na ba ako. Eh sa natutuwa ako kahit na mga simpleng tanong lang eh. “Kain na lang tayo sa labas.” Saad ko na lang sa kaniya, kaunti lang naman
“Mali ba ako?” tanong ko sa kaniya pero umiling lang naman siya.“Hindi naman, I like your answer pero paano na kaya kapag nandun ka na? hindi na siguro natin alam kung tama pa nga ba nating pagsabayin.”“Bakit mo nga ba natanong?”“Wala naman, natanong ko lang. Mahilig kasi ako manuod ng mga ganun haha yung love story siya tapos may katungkulan yung isa sa kanila.” Saad niya, pero bakit pakiramdam ko hindi talaga iyun ang dahilan.Jusko Kent Chester, umayos ka baka mamaya iba ang isipin niya.“Oh.” Nilingon ko naman siya ng masalita siya.“Alas dose na pala.” Saad niya habang nakatingin sa cell phone niya.“Hindi ko rin namalayan, ang sarap mo kasi kausap eh.” Bahagya naman siyang natawa saka tumayo.“Umuwi na tayo baka hinahanap ka na rin sa inyo.”“Hoy, anong tingin mo sa akin? Babae? At ikaw ang lalaki? Hell no, hindi
Tuluyan na kaming nakalabas ng hotel na pinagkainan namin at hindi pa rin iyun maalis sa isip ko lahat ng sinabi niya simula kanina ng makasama ko siya. Para bang isang awitin na ang sarap pakinggan. Paulit-ulit ko iyong naririnig sa isip ko. Nakakabading pero iba yung saya na nararamdaman ko. Mag-uumapaw na iyun sa sobrang dami. Hindi ako agad nakakapagsalita kapag mga ganung biglaan ang mga sinasabi niya. “Saan naman tayo ngayon?” tanong ko sa kaniya at hindi ipinapahalata ang lakas ng epekto niya sa sistema ko. “Manatili na lang tayo sa isang mataas na bahagi ng lugar.” “Ng ganto na lang? Dumaan tayo sa mall bili tayo ng mangunguya natin.” Saad ko, tumango naman siya at sumakay na kami na sa motor niya. Umalis kami sa hotel, I lean my head on her shoulder habang nakasakay ako pero hindi niya naman iyun pinansin. The best resting place. Kung ganito ba naman ang mapagpapahingahan ko kapag napapagod ako, makakapagpahinga talaga ako ng
“Sakay na.” aniya kaya kahit na nahihiya at naiilang ako dahil magkadikit na magkadikit kami dito sumakay na lang ako.“Kumapit kang mahigpit baka mahulog ka at masalo ka ng iba.” Napakagat labi naman ako sa sinabi niya, kung baga ayaw niyang masalo ako ng iba? Yiiieee hahaha kinikilig talaga ako. “Sasalohin mo ba ako kapag nahulog ako?” “Siguro, maaaring oo.” Hindi siya sigurado ibig bang sabihin nito nalilito na rin siya sa nararamdaman niya? haaaaay sarap sa pakiramdam. Napahawak naman ako sa bewang niya ng bigla niyang bilisan ang pagpapatakbo niya. Dinama ko ang hangin na dumadampi sa katawan ko, mas masaya pala ang magmotor kesa ang magkotse dahil bukod sa nakakayakap mo ang mahal mo mas enjoy na enjoy pa yung view at ang hangin. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya pero hindi niya naman ako sinita o pinagbawalan kaya mas lalo akong nakakaramdam ng tuwa. Wala ng mas sasaya sa rides niyo ng taong mahal mo. Kailangan ko na yatang bumili n
KENT POVMay ngiti ako sa mukha ng pumasok ako ng kwarto ko, hindi ko pa rin makalimutan si Ash, araw gabi na lang ganito ako. Ang sarap palang mainlove.Hihintayin ko ang next time na sinasabi niya hehehehe. Parang wala nanaman siya sa mood kanina eh, ano kayang nangyari dun?Hindi bale, kahit araw-araw kang magsungit sakin okay lang, mahal kita eh. Hihiga na sana ako ng may kumatok sa pintuan ko.“Anak gising ka pa ba?” boses yun ni Mommy. Anong kailangan niya? nagtungo na lang ako sa pintuan saka pinagbuksan siya.“Why Mom?” nginitian niya naman ako ng nakakapangloko. Kaya kumunot ang noo ko.“Yiiieeee Ash is waiting you, nanjan siya sa sofa.” Natulala naman ako sa sinabi ni Mommy. She’s here at this hour?“Lalabas ka ba o hindi? Ikaw ang nanliligaw pero ikaw ang pinupuntahan, ano ba naman yan son?”“She’s different Mom, may nagagawa siyan