Share

Kabanata 57.2

Author: Rhea mae
last update Huling Na-update: 2022-01-17 21:09:40

“Ginugulo mo kasi ako! hindi ko tuloy napanuod!” inis ko ng usal sa kaniya saka tumayo.

“Eh wala naman ako dun eh. Sinong papanuorin mo dun?” nakanguso at kunwari pa niyang nagtatampo.

“Anong gusto mo? Sayo ko lang ituon ang paningin ko kapag naglalaro kayo? Hello? Ikaw lang ba ang manlalaro dun?” pitik ko pa sa harap niya.

“Hindi pero gusto ko ako lang.” Gigil akong napahawak sa buhok ko. Napakaisip bata niya! mas gusto ko pang makausap yung warfreak na laging seryoso dahil hindi makulit at hindi isip bata.

Jusko, sakit sa ulo.

“Ash.”

“Ano?!” galit ko ng usal ng tawagin niya ako.

“Galit ka naman na eh. Biro lang, ito naman.” Napairap na lang ako at sinamaan siya ng tingin. “Pero hindi ka naman ganyan dati ah? Kahit na inis na inis ka na sa akin dati hindi ka naman ganyan. Ayaw mo na ba sakin?” hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil sa itsura niya. Para siyang batang nakanguso at hindi pinagbigya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 58.1

    Isinakay ko na ang mga gamit namin sa kotse ko habang may ginagawa pa sila sa loob. Nang maayos ko na sakto rin ang paglabas nilang dalawa. “Wala na ba kayong gagawin?” tanong ko sa kanila. “Wala na, let’s go.” Sumakay naman na silang dalawa. Papasok pa lang naman ako ng may biglang paparating na sasakyan. Kaya tiningnan ko pa iyun dahil parang pamilyar sa akin. Maya maya ay pinatay niya na ang ilaw niya at ibinaba nun si Gavin. “Dre.” Usal niya. Napangisi naman ako. “Aira, nanjan na sundo mo.” Saad ko sa kaniya, bumaba naman siya. “Anong ginagawa mo dito?” kunot noo niyang tanong kay Gavin. Napailing naman ako, mahina ka pa dre. Lumapit naman na sa amin si Gavin. “Susunduin ka sana, sasabay ka pa sa kanila?” hindi naman agad nakasagot si Aira. Sinipat ko ang relo ko at malapit ng magseven. “Jan ka na lang kahit na dito na mga gamit mo, magkikita kita pa tayo sa school tapos pupunta pa ta

    Huling Na-update : 2022-01-20
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 58.2

    Ang mga gamit nilang sumisigaw ng kayamanan. “Order na tayo, what do you want guys huwag kayong mahihiya.” Sambit ni Charlotte ng nagtitingin na kami sa menu. Nilingon ko si Ash na kunot noong nakatingin sa menu. “Hindi ka ba pamilyar sa mga pagkain?” tanong ko sa kaniya. “Hindi eh, kung anong order mo yun na lang din ako.” usal niya saka binitawan ang hawak niyang menu. Ang cute cute niya talaga. Kaunti na lang talaga mapagkakamalan ko na itong galing sa ibang planeta eh. Ibinigay ko naman na ang order namin at hindi yun nagtagal kaya tahimik na kaming lahat kumain. Pagkatapos namin ay hindi naman na kami mga nag-usap usap pa dahil pare pareho na kaming mga pagod. Iba ang kwarto naming mga lalaki sa kwarto nilang mga babae pero syempre si Jamin sa mga babae sumama may tiwala naman kami dun kahit na lalaki pa rin siya. Bukas ko na iaayos yang mga gamit ko dahil ramdam ko na talaga ang pagod sa katawan ko. Tining

    Huling Na-update : 2022-01-20
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 59.1

    Napatitig ako sa kaniya ng sabihin niya ang mga katagang yun. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sasabihin. Nalulunod na ang puso ko sa mga sinasabi niya. Pakiramdam ko nahulog ako sa napakalalim na balon at hindi na makakaahon pa kailan man.Diretso lang ang tingin niya sa dagat. Alam kong sana pa lang yun pero ramdam kong sinusubukan din niyang magustuhan ako.“Ayaw kong pilitin ang puso ko, gusto kong hayaan na kusang maramdaman ko yun. Gusto kong gustuhin kita dahil gusto kita. Ayaw kong maramdaman mong ginusto kita dahil gusto mo ako.” Nilingon niya naman ako at ngumiti. Para akong nakahiga sa isang malambot na kama at nahuhulog ang libo libo mga puso mula sa kalangitan. Natutunaw ako sa bawat tingin at ngiti niya. Parang wala na akong nakikita sa paligid kundi siya lang, kaming dalawa lang. Wala na akong naririnig na ingay sa paligid namin at tanging malakas na tibok nalang ng puso ko.Alam kong seryoso siya sa mga sinasabi

    Huling Na-update : 2022-01-21
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 59.2

    Saan nagpunta ang mga yun? “Kent, Ash. Nandito kami!” inilibot ko ang paningin ko hanggang sa makita ko sila sa isang katamtamang laki ng kubo kaya lumapit na kaming dalawa ni warfreak. “Nagutom kami kaya umahon na kami hehehe.”saad ni Freya habang ngumunguya ng inihaw na karne na ibinabad sa iba ibang kasangkapan. “Gusto mo Ash? Masharap.” Daldal ni Aira kahit na punong puno ang bunganga niya ng pagkain. Hindi muna inubos bago nagsalita. Kinuha ko naman na ang iniaabot niyang kinakain din ni Freya kanina. “Ikaw dre? Hindi ka nagugutom?” tanong ni Kendrick kay warfreak na nananatiling nakatayo sa tabi ko. “Baka mangalay ka, maupo ka.” Saad ko sa kaniya saka humarap na rin ako sa mga babaeng nguya ng nguya. Ang dami rin talaga nito sila maghahanda eh. Kumain na rin ako dahil nakaramdam din ako ng gutom sa tagal ng yakap ng warfreak na to. Kaniya kaniya silang asaran, daldalan at biruan. Nakikitawa na lang din ako

    Huling Na-update : 2022-01-21
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 60.1

    “Ito ba ang gagawin mo dito?” nilingon naman niya ako at bigla siyang tumayo.“Paano mo ako nahanap dito?” nagtataka pa niyang tanong. Lumapit naman ako sa kaniya saka naupo sa tabi ng inuupuan niya. Napangiti na lang ako ng maramdaman ko ang paglaglag ng ilang mga bulaklak ng punong ito. Naramdaman ko naman ang pag-upo na ni warfreak.“Paano mo ako nakita dito?” ulit niya nanaman sa tanong niya.“Pinakiramdaman ka ng puso ko.” usal ko sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita at mas itinuon na lang ang atensyon sa harap. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sayo pero alam kong para sa sarili mo meron akong nagawa.Hindi ko alam kung anong dahilan ng ikinakaganyan mo at ayaw kong patagalin yan. Hindi ko kayang makita kang nasasaktan.“May nagawa ba ako?” tanong ko na sa kaniya habang nasa harap ang tingin ko at dinadama ang paghulog ng mga bulaklak ng cherry blossom

    Huling Na-update : 2022-01-22
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 60.2

    Natapos kaming kumain lahat at napagdesisyunan nanaman nilang maligo sa dagat. Naiwan naman kaming tatlo dito sa cottage namin. Hindi ko pwedeng iwan dito ang babae ko dahil may higad na nasa paligid lang. Pinapanuod lang namin silang maligo na hindi naman kalayuan sa amin. “Hindi ka ba maliligo/tara maligo lady.” Matalim kong tiningnan ang lalaking ito ng sabay kaming magsalita. Nagsalitan naman ang tingin samin ni Ash. Wala ni isa sa aming dalawa ang kumakalas sa matatalim naming tingin sa isa’t isa. “Eh kung kayong dalawa kaya ang maligo ng sabay?” sabat naman ni Ash sa aming dalawa. Nakanguso ko naman siyang binalingan ng tingin. “Ano bang relasyon niyong dalawa? Ang pagkakaalam ko ay wala namang boyfriend si Myth.” Pasipsip din ito eh. “Huwag mo nga siyang tawagin sa second name niya. Ano ka ba? Kapamilya?” paepal talaga ito eh, napakaraming babae jan sa tabi tabi na nakabikini lang na halata namang magugustuhan niya,

    Huling Na-update : 2022-01-22
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 61.1

    “Sana pagbalik natin dito, tayo na.” nilingon ko si warfreak na diretso lang naman ang tingin sa dagat. Mukhang hindi rin siya nagbibiro sa sinabi niya dahil walang bakas ng biro sa mukha niya. Napabuntong hininga naman ako, napapadalas na rin ang pagbuntong hininga ko dahil sa isipin. We even kissed, at hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nun. Parang nag-aapoy pero walang baga. That’s my first kiss. Siya lang ang lalaking nakakapagpatigil sakin minsan, nawawala ang Ashery na nagbago dahil sa pagkawala ng mga magulang at isang Kuya. At ayaw kong gawing dahilan ang nararamdaman kong saya dito ngayon at kalimutan kung anong iniwan ko sa amin. “Maghihintay ako sa araw na yun Ash.” Tiningnan ko ang mga mata niyang punong puno ng saya. Saya’ng ako ang nagbibigay sa kaniya at natatakot akong, ako rin ang magiging dahilan ng pagkawala ng mga yan.“Naririnig mo ba ako?” ilang beses ko pang kinurap kurap ang mga ma

    Huling Na-update : 2022-01-23
  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 61.2

    Siya man ang nakakapagpasaya sayo ngayon, bukas hindi na natin alam. May mananatili at may aalis. “Ayaw ko na pala, okay na ako sa tabi mo araw-araw hehe.” Pagbabawi niya ng sinabi niya. Lumipas ang ilang minuto at huminto na rin ang yate. “Yeheeeey we're here!” masayang anunsyo ni Aira habang nagsusuot na ng life vest niya. “Lalangoy ka ba?” tanong sakin ni warfreak. Tiningnan ko naman ang baba ng yate at malinaw na malinaw ang tubig habang kitang kita ang naglalanguyang mga isda. Iba-iba pa ang kulay, nakakatuwang tingnan. “Hmm.” “Sige suot mo na itong life vest.” Isinuot ko naman na ang ang kulay kahel na parang damit, life vest nga kung tawagin. Nagsusuot na rin ang mga kasama namin, natatawa na lang ako kay Vance na nag-iisa sa gilid habang isinusuot ang life vest niya. “Okay ka lang?” tanong ko dito. “Oo naman? Bakit mo natanong?” usal niya habang itinatali ang life vest niya. “Wala lang naman.”

    Huling Na-update : 2022-01-23

Pinakabagong kabanata

  • The Heiress(Tagalog)   Author's note

    Sorry po kung ngayon lang ako nagparamdam sa story na 'to. Ngayon ko na lang kasi siya ulit navisit since nabusy ako sa maraming stories ko. The true reason kung bakit hindi na ako nakakapag-update is because para raw siyang HIH or His into Her ni Miss Jonaxx. Ayaw ko naman na plagiarize ako or something ginagaya ko siya, nagkataon lang na nagkaroon kami ng same plot. So, since then parang nawalan ako ng gana na ituloy siya kahit kompleto na siya sa isip ko until sa ending niya. Kung itutuloy ko naman siya need ko na naman basahin hanggang umpisa para maintindihan ko yung flow ng sarili kong story. As an author po kasi mahirap yung makumpara sa mga sikat ng author lalo na kung tingin nila ay nanggagaya ako ng gawa ng iba. Maraming salamat po sa mga nagbasa at naghihintay ng update ko. Kapag lumuwag po schedule ko, magsisingit po ako ng update medyo busy pa po ako 'till June. Thank you;)

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 70.2

    “Ayan na!” sigaw niya kaya tiningnan ko naman yung butas at may pumasok nga. Mabilis ko naman iyung hinukay hanggang sa mahuli ko ang isang malaking talangka.“Oh my God, ang laki niya.” gulat pa niyang saad. Hinawakan ko naman sa magkabilang sipit niya saka ko iniabot sa kaniya.“Anong gagawin ko jan?” “Diba gusto mong makahuli.” “Yes pero ikaw na lang maghawak haha, masakit mangagat yan eh.” Napakamot na lang ako sa batok ko, walangya hahaha. Akala ko pa naman gusto niyang makahawak ng ganto. “So? Bitawan ko na?” “Edi bitawan mo na, kawawa naman kapag pinatay mo.” Napapailing na lang akong tumatawa sa kaniya.“Halika ka na, madilim na oh. Wala pa tayong ilaw. May dalang ilaw at battery jan si Vance, alam mo bang ikabit?” binitawan ko naman na ang kawawang talangka saka ko siya sinundan.“Isabit mo na lang jan sa sanga ng kahoy.” “Nasan yung battery?” “Ito oh.” Turo niya sa napakalaking battery. Talagang nanigurado

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 70.1

    Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na nga kami sa sinabi niya. Medyo may kalayuan nga lang pero okay lang dahil siya naman ang kasama ko, wala na akong hihilingin pa. Bumyahe kami palabas ng metro makarating lang ng dagat. Dahil nga may kalayuan nakatulog na siya sa byahe. Kararating namin pero hindi pa rin ako bumababa dahil tulog pa siya. Ang ganda niya talagang titigan. Wala ng gaganda sa kaniya. Napaiwas naman ako ng tingin ng gumalaw na siya. “Kanina pa ba tayo?” paos pa niyang tanong. “Kararating lang din naman.” Umayos na siya ng upo at inilibot ang paningin sa paligid saka bumaba kaya bumaba na rin ako. “May hinahanap ka ba?” tanong ko sa kaniya ng hindi matigil sa kakatingin niya sa paligid. “Ayun, dun tayo.” Turo niya sa isang ilalim ng puno na may mga gamit. Kumunot naman ang noo ko, kanino yan? “Kilala mo ba kung kaninong gamit yan?” tanong ko sa kaniya ng pakialamanan niya ang mga dun. “Ito ang gagamitin na

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 69.2

    Bumili naman na ako ng ticket para sa papanuorin naming movie. Ako na rin bumili ng makakain namin sa loob. Pagkarating namin sa loob ay kakaunti pa lang din ang tao. Sa pangawalang upuan na rin kami umupo. “Mahilig ka manuod ng romance?” tanong ni Ash. “Ah siguro hehe, yan nadampot ko eh.” “Tsss, yan nadampot o yan talaga pinili mo?” “Pwede both? Haha.” Natatawa kong saad sa kaniya na ikinatawa niya naman. “Mag-ingat ka baka maulit nanaman yung nangyari sayo noong nakaraan.” “Hindi mo naman ako pababayaan diba?” “Ang bading mo talaga.” “Sige isang sabi mo pa ng bading ako, maski maraming tao hahalikan kita. Hamunin mo ako, sige.” Usal ko na ikinatikom naman ng bibig niya. Takot lang mahalikan eh, tssss. Sayang hehehe mahahalikan ko nanaman sana ang malambot niyang labi, haaaay. Pinatay naman na ang ilaw at ang tanging nagbibigay na lang ng liwanag ay ang screen sa harap. Marami rami na rin ang tao at ka

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 69.1

    “Hindi ba maganda?” napakurap kurap naman ako ng ilang beses at tumikhim ng magsalita siya at pinasadahan ng tingin ang sarili niya. “Hindi naman, ang ganda mo nga eh.” Namamangha ko pang saad sa kaniya. “Kaya nga natulala eh, naku jan na nga kayong dalawa. Hoy warfreak ingatan mo yan ha?” “Oo naman yes!” tuwang tuwa ko pang saad kay Aira. Umakyat naman na ako sa hagdan at inilahad ang kamay ko sa kaniya habang nakayuko. Bahagya naman siyang natawa. “Akala mo naman prinsesa ang tutulungan mo.” Usal niya. “Eh prinsesa kita eh.” Napailing iling naman siya habang natawa. Inilahad niya na ang kamay niya at maingat ko namang hinawakan iyun. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya. “Hindi pa, ikaw kumain ka na ba?” napakagat labi naman ako dahil inaalala niya na ako kung kumain na ba ako. Eh sa natutuwa ako kahit na mga simpleng tanong lang eh. “Kain na lang tayo sa labas.” Saad ko na lang sa kaniya, kaunti lang naman

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 68.2

    “Mali ba ako?” tanong ko sa kaniya pero umiling lang naman siya.“Hindi naman, I like your answer pero paano na kaya kapag nandun ka na? hindi na siguro natin alam kung tama pa nga ba nating pagsabayin.”“Bakit mo nga ba natanong?”“Wala naman, natanong ko lang. Mahilig kasi ako manuod ng mga ganun haha yung love story siya tapos may katungkulan yung isa sa kanila.” Saad niya, pero bakit pakiramdam ko hindi talaga iyun ang dahilan.Jusko Kent Chester, umayos ka baka mamaya iba ang isipin niya.“Oh.” Nilingon ko naman siya ng masalita siya.“Alas dose na pala.” Saad niya habang nakatingin sa cell phone niya.“Hindi ko rin namalayan, ang sarap mo kasi kausap eh.” Bahagya naman siyang natawa saka tumayo.“Umuwi na tayo baka hinahanap ka na rin sa inyo.”“Hoy, anong tingin mo sa akin? Babae? At ikaw ang lalaki? Hell no, hindi

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 68.1

    Tuluyan na kaming nakalabas ng hotel na pinagkainan namin at hindi pa rin iyun maalis sa isip ko lahat ng sinabi niya simula kanina ng makasama ko siya. Para bang isang awitin na ang sarap pakinggan. Paulit-ulit ko iyong naririnig sa isip ko. Nakakabading pero iba yung saya na nararamdaman ko. Mag-uumapaw na iyun sa sobrang dami. Hindi ako agad nakakapagsalita kapag mga ganung biglaan ang mga sinasabi niya. “Saan naman tayo ngayon?” tanong ko sa kaniya at hindi ipinapahalata ang lakas ng epekto niya sa sistema ko. “Manatili na lang tayo sa isang mataas na bahagi ng lugar.” “Ng ganto na lang? Dumaan tayo sa mall bili tayo ng mangunguya natin.” Saad ko, tumango naman siya at sumakay na kami na sa motor niya. Umalis kami sa hotel, I lean my head on her shoulder habang nakasakay ako pero hindi niya naman iyun pinansin. The best resting place. Kung ganito ba naman ang mapagpapahingahan ko kapag napapagod ako, makakapagpahinga talaga ako ng

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 67.2

    “Sakay na.” aniya kaya kahit na nahihiya at naiilang ako dahil magkadikit na magkadikit kami dito sumakay na lang ako.“Kumapit kang mahigpit baka mahulog ka at masalo ka ng iba.” Napakagat labi naman ako sa sinabi niya, kung baga ayaw niyang masalo ako ng iba? Yiiieee hahaha kinikilig talaga ako. “Sasalohin mo ba ako kapag nahulog ako?” “Siguro, maaaring oo.” Hindi siya sigurado ibig bang sabihin nito nalilito na rin siya sa nararamdaman niya? haaaaay sarap sa pakiramdam. Napahawak naman ako sa bewang niya ng bigla niyang bilisan ang pagpapatakbo niya. Dinama ko ang hangin na dumadampi sa katawan ko, mas masaya pala ang magmotor kesa ang magkotse dahil bukod sa nakakayakap mo ang mahal mo mas enjoy na enjoy pa yung view at ang hangin. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya pero hindi niya naman ako sinita o pinagbawalan kaya mas lalo akong nakakaramdam ng tuwa. Wala ng mas sasaya sa rides niyo ng taong mahal mo. Kailangan ko na yatang bumili n

  • The Heiress(Tagalog)   Kabanata 67.1

    KENT POVMay ngiti ako sa mukha ng pumasok ako ng kwarto ko, hindi ko pa rin makalimutan si Ash, araw gabi na lang ganito ako. Ang sarap palang mainlove.Hihintayin ko ang next time na sinasabi niya hehehehe. Parang wala nanaman siya sa mood kanina eh, ano kayang nangyari dun?Hindi bale, kahit araw-araw kang magsungit sakin okay lang, mahal kita eh. Hihiga na sana ako ng may kumatok sa pintuan ko.“Anak gising ka pa ba?” boses yun ni Mommy. Anong kailangan niya? nagtungo na lang ako sa pintuan saka pinagbuksan siya.“Why Mom?” nginitian niya naman ako ng nakakapangloko. Kaya kumunot ang noo ko.“Yiiieeee Ash is waiting you, nanjan siya sa sofa.” Natulala naman ako sa sinabi ni Mommy. She’s here at this hour?“Lalabas ka ba o hindi? Ikaw ang nanliligaw pero ikaw ang pinupuntahan, ano ba naman yan son?”“She’s different Mom, may nagagawa siyan

DMCA.com Protection Status