“Ito ang dahilan kung bakit galit na galit sakin si Vance ng malaman niyang nakasama ako sa mga players.” Usal niya pa.
“Pwede ko bang malaman kung ano ang maaaring dahilan?” lakas loob ko ng tanong sa kaniya. Mapait siyang napangiti sakin. Pinunasan pa niya ang mga tumatakas na luha sa magaganda niyang mga mata.“Noong araw na yun, ang araw kung saan masaya kami ng aking Ama.” Panimula niya sa kaniyang mga kwento. Itinuon ko ang paningin sa kaniya habang siya naman ay kung saan lang nakatingin.“Napag-usapan naming gawin na namin ang una kong pangangaso, masayang masaya ako ng sabihin niya yun. Walang kasing saya. Halos kamamatay ng aking ina noong mga panahong yun, alam kong nalulungkot din si Ama pero alam kong ipinapakita niya lang na malakas siya para sa aming dalawa ng Kuya ko.”Kumunot ang noo ko, nagtataka man ako dahil Ama at Ina ang tawag niya sa mga magulang niya ay pinagsawalang bahala koTumayo na ako saka inilahad ang kamay ko sa kaniya.“Tara na baka hinahanap na tayo.” Anas ko sa kaniya. Iniabot niya naman ang kamay niya at tinulungan ko siyang tumayo saka nilisan ang lugar na yun.Masaya akong okay na ang relasyon nating dalawa ngayon, dahil hindi na katulad ng dati. Alas singko na kaya ilang oras din pala kaming nanatili dun.“ASH, KENT!” rinig kong sigaw sa gilid namin kaya nilingon namin ang mga kaibigan naming papalapit na sa amin.“Saan ba kayo galing? Kanina pa kami hanap ng hanap sa inyo.” si Aira.“Ash are you okay?” nag-aalalang tanong ni Gavin. Pilit naman ang iginawad na ngiti ni Ash.“Ayos lang.”“Ano bang nangyari? Bakit bigla ka na lang tumakbo? Please Ash tell me, nag-aalala ako.”seryoso at nag-aalala ngang saad ni Aira. Hinawakan pa niya ang dalawang kamay ni Ash. “May problema ba
KENT POVHindi ako makatulog kaya tumambay na muna ako sa veranda ng kwarto ko. Inaalala si Ash, iyun ang kahinaan niya, ang pamilya niyang nawala. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling, alam kong marami pa akong hindi nalalaman sa kaniya, hindi ko pa siya ganun kakilala pero kahit na kaunti walang nagbago sa nararamdaman ko sa kaniya.Sa totoo lang sa nakita ko sa kaniya kanina parang mas nadagdagan yung nararamdaman ko parang mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. Ipinakita niya sa akin ang halaga ng buhay kahit na hirap na hirap ka na at iwan ng buong mundo dapat manatili ka pa ring nakatayo at lumalaban.Isa siya sa mga nakilala kong babaeng matapang at malakas. Kahit anong mangyayari tuloy lang ang laban.Alam ko rin naman na hindi siya nanggaling sa isang matahimik na pamilya, parang kakambal niya ang problema base sa mga nakwento niya. Kung pinaslang ang mga magulang niya ibig sabihin
Hindi ako agad lumabas ng sasakyan ko dahil alam kong hindi naman nila ako makikita sa labas pero parang alam na nila kung kaninong sasakyan to dahil kumakatok na ang isa sa bintana ko. Bumuntong hininga naman na muna ako saka ibinaba iyun."Hi Luxorious, nasan ang mayabang mong kasamang babae?" tanong niya. At ano naman ang kailangan nila kay Ash?"Anong kailangan niyo?""Well, kung ayaw mong sabihin hihintayin na lang namin siya mamaya. See you around." usal niya na may pakaway pa bago sila naglakad palayo na tumatawa pa. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari at gawin nila kay Ash lalo na at siya ang anak ni Vice Gov walang kinakatakutan dahil alam niyang maraming kilala ang ama niya sa batas.Meron pa akong nabalitaan na may narape ang buo niyang barkada pero nabaliktad pa ang nangyari kaya walang ginawa yung biktima nila kundi ang tapusin ang sariling buhay dahil sa kahihiyan.&n
ASH POV"Siya ang anak ng nakakatanda kong kapatid, siya si Ashery Myth Moondale, ang taong nagmamay-ari ng lupang kinatatayuan niyo ngayon at ang lupang kinatatayuan ng bahay mo." usal ni Tito. Nanlalaking mata naman na tumingin sakin itong hilaw na Vice Governor na to. Taas noo ko siyang tiningnan at pati ang sunod sunod niyang paglunok ay nakita ko."Dad ano bang sinasabi nila?" nagtatakang tanong ng walang respeto niyang anak."Manahimik ka na DonDon, ikaw ang dapat na humingi ng tawad." mahinahon niya ng saad sa anak niya."Pero Dad-""Wala ng pero pero DonDon gawin mo na lang dahil malaki ang utang natin sa pamilya niya. Pasensya ka na iha, hindi kita nakilala. Ipagpaumanhin mo sana ang naging asal ko at ng aking anak. Anong dapat naming gawin para mapatawad mo na ang anak ko?" napangisi naman ako dahil sa pagbabago ng pakikipag-usap niya sa akin. Tiningnan
"Astig yun, nakapikit na pinatamaan ang target."Kaniya kaniya nilang puri sa akin. Napangiti naman ako.'Salamat warfreak' usal ko kahit na hindi niya narinig.Nagpatuloy ang laro hanggang sa matapos yun."Ang galing mo, paano mo nagawa yun? kahit na hindi mo nakikita yung target pero natamaan mo pa rin, bull's eye pa." namamanghang usal ng isa sa mga kalaban ko. Nginitian ko na lang sila saka nagkibit balikat. Binati lang nila ko saka ako lumapit kila coach."Hindi mo talaga ako binibigo Moondale." ngiting saad ni coach habang iiling iling pa. "Aasahan na kita sa championship." natawa na lang ako ng sabihin niya yun. "May laban ka mamaya at kung sino ang mananalo jan yun ang makakalaban mo. Go for championship tayo.""Susubukan ko coach." ani ko."Gagawin hindi susubukan." ngiting aniya. Tinanguan ko na lang siya.
Umalis na kaming dalawa ni Vance, naiilang man ako dahil ngayon ko pa lang siya makakasama tapos solo pa kailangan kong labanan dahil paano kung tinetesting niya lang ako at titingnan kung papasa sa taste niya para sa pinsan niya. “Ayaw mo bang sabihin sa akin?” biglang basag niya sa katahimikan. Nilingon ko naman siya. “Ang alin?” maang-maangan kong tanong dahil nahihiya talaga ko. Nasabi ko sa kanilang lahat pero hindi sa kaniya. “Kung anong plano mo ngayon?” napalunok naman ako, bakit nga tinago ko pa kung malalaman niya lang din mamaya? “Ah yun ba? Gusto ko sana surprise eh, alam ko namang close kayo ni Ash baka kasi makaramdam si Ash tapos ikaw ang pinilit niya, masabi mo.” Nahihiya kong saad dahil para naman ng sinabi ko na hindi siya mapagkakatiwalaan sa isang sekreto. Nilingon ko naman siya ng bigla siyang natawa. “Isa ka rin ba sa naniwala na mag-asawa talaga kami?” natatawa niyang aniya. “A
Naglakad na ako papuntang gym, kung ano ano kasi naiisipan nun eh. Kunot noo akong pumasok sa loob pero mas lalo akong nainis ng wala akong makita kahit isang tao. Ako ba’y pinagloloko ng mga to? Lalabas na sana ako dahil wala akong makitang warfreak dito ng may bigla akong narinig na isang tugtugin kaya ibinalik ko ang tingin ko sa harap saka hinanap kung saan nagmumula ang kantang yun.Playing: Love Alone“I told youMy heart’s leaning towards youA little moreThen I knew somethingWas scaring youIs it too much Or too fastOr too forward?”Mula dito ay kita ko sa dulo si warfreak na may hawak na mic at kumakanta habang nakatago ang isang kamay sa likod na akala mo may tinatago. Nagtataka ko siyang tiningnan. Anong pakulo to?“Should I step back and pretendI don’t feel this way?”“Well I don’t wanna tell a l
“Anong nangyari Ash?” nagtatakang tanong ni Aira ng makalapit na siya sa akin. “Ash, are you okay?” nag-aalala niya ng tanong ng napapahigpit ang hawak ko sa dibdib ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? nasubukan ko ng magmahal at masaktan pero bakit parang ngayon ko pa lang to nararamdaman? Bakit pakiramdam ko parang bago pa lang ako sa mga ganitong bagay? “Woi, ano? Okay ka lang ba? Magsalita ka naman.” Niyugyog ni Aira ang dalawa kong balikat, tiningnan naman niya ako sa mga mata. Ang mga mata kong makikitaan ng emosyon sa mga oras na to.“Natatakot ako Aira.” Usal ko. Bakit ang bilis na ngayon magbago ng emosyon ko? Alam kong wala akong nararamdaman kay warfreak pero bakit ayaw ko siyang masaktan? Dahil ba sa naramdaman ko na dati ang masaktan at umasa?Umasa siya pero hindi ko siya pinaasa, wala akong ginawa para umasa siya ng ganun.“Alam ko kung anong inaalala mo Ash, na
Sorry po kung ngayon lang ako nagparamdam sa story na 'to. Ngayon ko na lang kasi siya ulit navisit since nabusy ako sa maraming stories ko. The true reason kung bakit hindi na ako nakakapag-update is because para raw siyang HIH or His into Her ni Miss Jonaxx. Ayaw ko naman na plagiarize ako or something ginagaya ko siya, nagkataon lang na nagkaroon kami ng same plot. So, since then parang nawalan ako ng gana na ituloy siya kahit kompleto na siya sa isip ko until sa ending niya. Kung itutuloy ko naman siya need ko na naman basahin hanggang umpisa para maintindihan ko yung flow ng sarili kong story. As an author po kasi mahirap yung makumpara sa mga sikat ng author lalo na kung tingin nila ay nanggagaya ako ng gawa ng iba. Maraming salamat po sa mga nagbasa at naghihintay ng update ko. Kapag lumuwag po schedule ko, magsisingit po ako ng update medyo busy pa po ako 'till June. Thank you;)
“Ayan na!” sigaw niya kaya tiningnan ko naman yung butas at may pumasok nga. Mabilis ko naman iyung hinukay hanggang sa mahuli ko ang isang malaking talangka.“Oh my God, ang laki niya.” gulat pa niyang saad. Hinawakan ko naman sa magkabilang sipit niya saka ko iniabot sa kaniya.“Anong gagawin ko jan?” “Diba gusto mong makahuli.” “Yes pero ikaw na lang maghawak haha, masakit mangagat yan eh.” Napakamot na lang ako sa batok ko, walangya hahaha. Akala ko pa naman gusto niyang makahawak ng ganto. “So? Bitawan ko na?” “Edi bitawan mo na, kawawa naman kapag pinatay mo.” Napapailing na lang akong tumatawa sa kaniya.“Halika ka na, madilim na oh. Wala pa tayong ilaw. May dalang ilaw at battery jan si Vance, alam mo bang ikabit?” binitawan ko naman na ang kawawang talangka saka ko siya sinundan.“Isabit mo na lang jan sa sanga ng kahoy.” “Nasan yung battery?” “Ito oh.” Turo niya sa napakalaking battery. Talagang nanigurado
Pagkatapos naming kumain ay nagtungo na nga kami sa sinabi niya. Medyo may kalayuan nga lang pero okay lang dahil siya naman ang kasama ko, wala na akong hihilingin pa. Bumyahe kami palabas ng metro makarating lang ng dagat. Dahil nga may kalayuan nakatulog na siya sa byahe. Kararating namin pero hindi pa rin ako bumababa dahil tulog pa siya. Ang ganda niya talagang titigan. Wala ng gaganda sa kaniya. Napaiwas naman ako ng tingin ng gumalaw na siya. “Kanina pa ba tayo?” paos pa niyang tanong. “Kararating lang din naman.” Umayos na siya ng upo at inilibot ang paningin sa paligid saka bumaba kaya bumaba na rin ako. “May hinahanap ka ba?” tanong ko sa kaniya ng hindi matigil sa kakatingin niya sa paligid. “Ayun, dun tayo.” Turo niya sa isang ilalim ng puno na may mga gamit. Kumunot naman ang noo ko, kanino yan? “Kilala mo ba kung kaninong gamit yan?” tanong ko sa kaniya ng pakialamanan niya ang mga dun. “Ito ang gagamitin na
Bumili naman na ako ng ticket para sa papanuorin naming movie. Ako na rin bumili ng makakain namin sa loob. Pagkarating namin sa loob ay kakaunti pa lang din ang tao. Sa pangawalang upuan na rin kami umupo. “Mahilig ka manuod ng romance?” tanong ni Ash. “Ah siguro hehe, yan nadampot ko eh.” “Tsss, yan nadampot o yan talaga pinili mo?” “Pwede both? Haha.” Natatawa kong saad sa kaniya na ikinatawa niya naman. “Mag-ingat ka baka maulit nanaman yung nangyari sayo noong nakaraan.” “Hindi mo naman ako pababayaan diba?” “Ang bading mo talaga.” “Sige isang sabi mo pa ng bading ako, maski maraming tao hahalikan kita. Hamunin mo ako, sige.” Usal ko na ikinatikom naman ng bibig niya. Takot lang mahalikan eh, tssss. Sayang hehehe mahahalikan ko nanaman sana ang malambot niyang labi, haaaay. Pinatay naman na ang ilaw at ang tanging nagbibigay na lang ng liwanag ay ang screen sa harap. Marami rami na rin ang tao at ka
“Hindi ba maganda?” napakurap kurap naman ako ng ilang beses at tumikhim ng magsalita siya at pinasadahan ng tingin ang sarili niya. “Hindi naman, ang ganda mo nga eh.” Namamangha ko pang saad sa kaniya. “Kaya nga natulala eh, naku jan na nga kayong dalawa. Hoy warfreak ingatan mo yan ha?” “Oo naman yes!” tuwang tuwa ko pang saad kay Aira. Umakyat naman na ako sa hagdan at inilahad ang kamay ko sa kaniya habang nakayuko. Bahagya naman siyang natawa. “Akala mo naman prinsesa ang tutulungan mo.” Usal niya. “Eh prinsesa kita eh.” Napailing iling naman siya habang natawa. Inilahad niya na ang kamay niya at maingat ko namang hinawakan iyun. “Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya. “Hindi pa, ikaw kumain ka na ba?” napakagat labi naman ako dahil inaalala niya na ako kung kumain na ba ako. Eh sa natutuwa ako kahit na mga simpleng tanong lang eh. “Kain na lang tayo sa labas.” Saad ko na lang sa kaniya, kaunti lang naman
“Mali ba ako?” tanong ko sa kaniya pero umiling lang naman siya.“Hindi naman, I like your answer pero paano na kaya kapag nandun ka na? hindi na siguro natin alam kung tama pa nga ba nating pagsabayin.”“Bakit mo nga ba natanong?”“Wala naman, natanong ko lang. Mahilig kasi ako manuod ng mga ganun haha yung love story siya tapos may katungkulan yung isa sa kanila.” Saad niya, pero bakit pakiramdam ko hindi talaga iyun ang dahilan.Jusko Kent Chester, umayos ka baka mamaya iba ang isipin niya.“Oh.” Nilingon ko naman siya ng masalita siya.“Alas dose na pala.” Saad niya habang nakatingin sa cell phone niya.“Hindi ko rin namalayan, ang sarap mo kasi kausap eh.” Bahagya naman siyang natawa saka tumayo.“Umuwi na tayo baka hinahanap ka na rin sa inyo.”“Hoy, anong tingin mo sa akin? Babae? At ikaw ang lalaki? Hell no, hindi
Tuluyan na kaming nakalabas ng hotel na pinagkainan namin at hindi pa rin iyun maalis sa isip ko lahat ng sinabi niya simula kanina ng makasama ko siya. Para bang isang awitin na ang sarap pakinggan. Paulit-ulit ko iyong naririnig sa isip ko. Nakakabading pero iba yung saya na nararamdaman ko. Mag-uumapaw na iyun sa sobrang dami. Hindi ako agad nakakapagsalita kapag mga ganung biglaan ang mga sinasabi niya. “Saan naman tayo ngayon?” tanong ko sa kaniya at hindi ipinapahalata ang lakas ng epekto niya sa sistema ko. “Manatili na lang tayo sa isang mataas na bahagi ng lugar.” “Ng ganto na lang? Dumaan tayo sa mall bili tayo ng mangunguya natin.” Saad ko, tumango naman siya at sumakay na kami na sa motor niya. Umalis kami sa hotel, I lean my head on her shoulder habang nakasakay ako pero hindi niya naman iyun pinansin. The best resting place. Kung ganito ba naman ang mapagpapahingahan ko kapag napapagod ako, makakapagpahinga talaga ako ng
“Sakay na.” aniya kaya kahit na nahihiya at naiilang ako dahil magkadikit na magkadikit kami dito sumakay na lang ako.“Kumapit kang mahigpit baka mahulog ka at masalo ka ng iba.” Napakagat labi naman ako sa sinabi niya, kung baga ayaw niyang masalo ako ng iba? Yiiieee hahaha kinikilig talaga ako. “Sasalohin mo ba ako kapag nahulog ako?” “Siguro, maaaring oo.” Hindi siya sigurado ibig bang sabihin nito nalilito na rin siya sa nararamdaman niya? haaaaay sarap sa pakiramdam. Napahawak naman ako sa bewang niya ng bigla niyang bilisan ang pagpapatakbo niya. Dinama ko ang hangin na dumadampi sa katawan ko, mas masaya pala ang magmotor kesa ang magkotse dahil bukod sa nakakayakap mo ang mahal mo mas enjoy na enjoy pa yung view at ang hangin. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya pero hindi niya naman ako sinita o pinagbawalan kaya mas lalo akong nakakaramdam ng tuwa. Wala ng mas sasaya sa rides niyo ng taong mahal mo. Kailangan ko na yatang bumili n
KENT POVMay ngiti ako sa mukha ng pumasok ako ng kwarto ko, hindi ko pa rin makalimutan si Ash, araw gabi na lang ganito ako. Ang sarap palang mainlove.Hihintayin ko ang next time na sinasabi niya hehehehe. Parang wala nanaman siya sa mood kanina eh, ano kayang nangyari dun?Hindi bale, kahit araw-araw kang magsungit sakin okay lang, mahal kita eh. Hihiga na sana ako ng may kumatok sa pintuan ko.“Anak gising ka pa ba?” boses yun ni Mommy. Anong kailangan niya? nagtungo na lang ako sa pintuan saka pinagbuksan siya.“Why Mom?” nginitian niya naman ako ng nakakapangloko. Kaya kumunot ang noo ko.“Yiiieeee Ash is waiting you, nanjan siya sa sofa.” Natulala naman ako sa sinabi ni Mommy. She’s here at this hour?“Lalabas ka ba o hindi? Ikaw ang nanliligaw pero ikaw ang pinupuntahan, ano ba naman yan son?”“She’s different Mom, may nagagawa siyan