Kanina pa yamot na yamot si Jericson at panay tingin kay Kattie. Hanggang sa nagring ang cellphone niya at agad niyang sinagot. Nabungaran niya lang agad ang boses ng kaibigan niyang baliw. "Jericson Miller, ano tong nabalitaan ko na may bago kang flavor of the month?" tanong ni Clark na may kasamang pang-aasar pa. "Hmmm! Gago, saan mo naman napulot yan? May sasabihin ka ba kung wala ibaba ko na 'to at marami pa akong trabahong gagawin." pangbabara niya rito. "Chill! May bro's day make sure pumunta ka dami ka ng utang sa amin gago ka. Bye!" sabay baba ng tawag nito. Balik na sa pagta trabaho si Jericson at panakaw nakaw ang tingin kay Kattie. Habang si Kattie naman ay tahimik na nagta trabaho pero, minumura na sa kanyang isipan ito. Madali lang naman sana ang trabaho niya rito kaso ang nakakainis kasi ginawa siyang alalay nito. Hindi naman katulong ang inapplyan niya pero, wala siyang magagawa at nangangailangan siya ng trabaho. At nang malapit ng maglunch time hinihiling
Sa pag-aakalang bumalik si Kattie napatayo si Jericson sa kanyang kinauupuan. "Hey! Bro, bakit hindi ka pa ready. Ang sabi ko may get together tayo. Hwag mong sabihing hindi ka naman sasama?" tanong ni Clark. "Hmmm! Wala ako sa mood." sagot ni Jericson. "Wala sa mood o walang--" hindi na natapos ni Clark ang sasabihin ng may lumipad na stapler sa harapan niya at mabuti na lang na magaling siyang umilag. "Sira ulo ka. Sisirain mo pa ang mukha ko. Ano bang problema mo? Hindi ka ba naka score sa bago mo??" pang-aasar nito at unti na lang masasapok na siya ni Jericson. "Pinagsasabi mo dyan? Bahala ka nga hindi talaga ako sasama sainyo. Busy ako at wala akong time mag-inom." sagot niya at sinusubukan niya lang naman kung mapipikon niya ang kaibigan niya. Ang totoo kasi ready na siyang umalis at pumunta kung hindi ito dumating kanina. "Parang hindi ka talaga namin kaibigan." "Hahaha. Kailan ka pa naging jologs? Tara na nga bago pa magbago isip ko." yakag ni Jericson kay Cla
Pagpasok ni Kattie sa opisina, himalang wala pa ang boss niya. Hindi na lang niya ito pinansin pabor nga sa kanya iyon at walang mangbu bweset ng araw niya. Naupo na siya sa table niya at maya maya lang sinimulan na niyang magtrabaho. Hanggang sa magtanghali na at wala pa rin ang kanyang boss, kaya sobrang saya niya. Wala siyang kaaway at higit sa lahat tahimik ang kanyang buhay. Nang mag break time hindi na siya nag atubiling bumaba ng cafeteria at may baon naman siya palagi at isa mas alam niyang healthy ang mga kakainin niya. Pagkatapos niyang kumain tinabi na niya ang kanyang baunan at muling magsisimula sana ng trabaho ng biglang tumunog ang seradura ng pintuan at narinig niya ang mga yabag ng sapatos na pumasok sa loob. Hindi na siya nag abalang tumayo at nakita na niyang dumaan sa harapan niya ang boss niya at si sir Bryan.. Narinig niya na nag-uusap ang dalawa pero, ayaw naman niyang makinig pa at maki usyoso sa mga ito. Nagpatuloy siya sa pagta trabaho ng biglang m
At Dela Rosa and Trinidad Enggagement Party Maraming mayayamang angkan ang nagsipag daluhan naroon rin ang pamilya ni Kattie. Walang kaalam alam si Kattie na dadalo ang Daddy niya rito at ang madrasta nito. Habang si Jericson naman ay hindi mapakali sa kanyang kinauupuan panay linga niya sa pintuan nagbabakasaling dumating na si Kattie. "Nasaan ka na bang babae ka? Hwag mo sana akong pahiyain." bulong niya at halatang tense na siya lalo na't nakita na niya kanina pa si Maxine Dela Rosa.. Irita si Jericson at gusto na lang umalis lalo na't nakita na siya ni Mauro Dela Rosa ang groom to be na batchmate niya ng College. "Bro, thank you for coming." aniya... "No problem bro." sagot niya. "Wait, by the way where is your date?" tanong ni Mauro. "My date. Maybe she's late." pagdadahilan niya. Nang lumapit si Maxine kasama ang boyfriend nito para siyang nadurog. Pero, hindi niya dapat ipakita rito na talunan siya at hindi pa siya nakakamove-on sa pang iwan nito sa kanya noo
Kitang kita ang gulat sa mga mata ni Maxine ng nakita niyang ini escortan ng kanyang ex-boyfriend ang isang babae na kakadating pa lamang. Habang si Jericson naman ay todo ngiti sa mga tao at proud sa kasama niya ngayong gabi. Kaliwa't kanan ang lingon ng mga tao roon. Tila nabighani nang sobra kay Kattie. Ngiti lamang ang sinasagot niya sa mga papuri at pagbati ng bawat isa sa kanya hanggang sa nakita niya ang kanyang step mom kaya inismiran niya ito nanlaki naman ang mga mata ng ginang sa ginawa ni Kattie.. Ngunit hindi niya ito pinansin at nagdiretso na lamang siya sa paglalakad kung saan siya dalhin ni Jericson. Nang makadating sila sa table nito nakahinga na siya ng maluwag lalo na't nagsimula na ang iba pang seremonyas sa gabing ito. Habang nakikinig si Kattie hindi naman maawat sa kakatingin si Jericson sa kanya. At napapansin niya ang bawat tingin nito ngunit dedma lamang siya sa mga nangyayari. Hinanap niya ang Ama sa party kaso mukhang hindi ito dumalo. "Kattie, ikaw ba
Magsisigaw pa sana siya ng marinig niya ang baritonong boses nito. "Hwag ka ngang exaggerated dyan. Pasalamat ka binalikan kita umayos ka ng upo para maka alis na tayo. Ayokong gabihin sa daan at maraming maloko sa lugar na ito." ani niya. Nang marinig ito ni Kattie umayos na siya ng upo. At naramdaman na rin niya ang pag andar ng sasakyan. Sa loob ng sasakyan wala silang imikan na dalawa. Wala rin naman siyang naiisip na ita topic kaya naidlip na lang siya malayo pa naman ang bahay ng Tita Ellen niya. Habang si Jericson naman ay napasulyap sa reaview mirror at nasilayan niya ang mala anghel na mukha ni Kattie na nahihimbing ng natutulog. Napapangiti siya ng hindi niya malaman. Ayaw niyang aminin sa kanyang sarili na napapalagay na ang loob niya rito. Nagpatuloy siya sa pagda drive ng maalala niyang hindi pala niya naitanong kong saan nga ba ito nakatira kaya pag dating nila ng Manila nagpark siya para gisingin ito kaso hindi man lang nagigising ito kahit anong kalabit niya.
At Miller's building Pagpasok niya sa loob at naupo sa table niya naroon na ang boss niya at may nakalatag na mga documents. Nang mabasa niya ang mga ito lumaki ang dalawang mata niya. Isa itong agreement para sa pagpapanggap niya bilang fiance' nito. Talagabg seryoso nga ito akala niya kasi usapang lasing lang talaga. Wala sa isip niya ang lahat lahat. Nang mabasa niya ang nakasulat bigla naman itong sumulpot sa harapan niya. "Nabasa mo na ba lahat?" tanong nito. "Po? Hindi pa." pagsisinungaling niya. Hindi sa hindi niya nabasa lahat parang ayaw niya talaga na pumayag sa gusto nito. Pero, nagtatalo ang sarili niya dahil malaki laki na rin ang sampung libo lalo kung per day. "Okay, after mong basahin sign it at puntahan mo ko sa table ko, alright?" bilin nito. Hindi na niya ito pinansin pa. At pikit matang pinirmahan ang lahat ng mga dokumento na nagsasaad ng lahat ng kundisyon at rules nila habang nagpapanggap sila. Pagkatapos tumayo na siya at naglakad patungo sa table
Dinner Party at Palazio Sabay na dumating si Jericson at Kattie hindi naman nag ayos ng bongga si Kattie pero, sinigurado naman niyang maipagmamalaki siya ng kanyang date ngayong gabi. Pagpasok nila sa loob agad silang inassist ng staff at dinala kung nasaan ang table nila Maxine. Nang makita sila nito agad itong tumayo. Nakipag beso ito sa kanya at pinaunlakan naman ni Kattie. Nang makaupo na sila panay tanong ito tungkol sa kanila ni Jericson. "By the way saan nga kayo nagkakilalang dalawa?" tanong ni Maxine. "Ahmmm--" hindi nakapag salita si Kattie ng i-interrupt siya ni Jericson. Wala rin naman kasi siyang magandang sasabihin. Kung sasabihin niya ang first encounter nila wala naman maganda roon kaya natahimik na lang siya at nakinig kay Jericson ng hawakan nito ang kamay niya gusto niyang maasiwa kaso hindi naman niya pwedeng iwasan ito. "Well, we met at the airport, then she's going back to the Philippines too. We're same seat line then the rest is history." sagot
KINAUMAGAHAN KATTIE's POV Maaga akong nagising medyo masakit pa ang balakang ko sa kalokohan ng asawa kong napakagaling. Hindi ko alam kong anong oras na kaming nakatulog kagabi, pero isa lang naman ang masasabi ko walang pinag bago sa performance ito. Ang taas parati ng stamina nito sa katawan kaya lagi akong pagod at lantutay kapag natapos ang aming pulo't gata. Good luck na lang sa akin talaga sa hilig ng asawa ko. Babangon na sana ako ng biglang may dumantay na mabigat na hita sa hita ko na pilit kong inaalis kaso sa bigat niya nahirapan talaga ako. Maya maya lang niyakap niya ako at ikinulong sa mga bisig niya. "Love, naman," pero hindi siya nakinig bagkus mas siniksik pa niya ako sa katawan niya sabay amoy ng buhok ko at dila sa punong tainga ko. Halos magtaasan na yata ang lahat ng buhok ko sa buong katawan sa ginawa niya. "Love naman--" reklamo ko dito. "Mamaya na kasi, dito ka na lang muna." wika niya. Bakit ba ang landi ng bedroom voice ng asawa ko. Parang laging gus
Mabilis na lumipas ang bawat mga araw at hindi nila namamalayan tapos na ang School Year ni Ken at heto nga nagulantang na lamang sila na with highest honor pala ang kanilang panganay. Wala kasi itong sinasabi lalo na busy sila at hindi rin naman nila nasisilip ang card ng anak nila, dahil hindi naman sila kagaya nang iba na mabantay sa grades ng anak. Papunta na ang sila sa recognition ni Ken at mabuti na nga lang off nilang mag-asawa ngayon. Marami pa namang aasikasuhin sa Johnson at Miller Company. Hindi naman kasi pwedeng pabayaan nila ang kani kanilang kumpanya gayong sila na lang ang nagmamanage nito. Hindi na talaga bumalik ang step Mom ni Kattie at wala na siyang balita pa roon. Malapit lang naman ang school ng kanilang anak at doon lang rin naman gaganapin ang recognition nito. Excited si Ken sa mangyayari mamaya, dahil napaka espesyal nito para sa kanya. Nandito ang daddy at mommy niya at ang kapatid niya. Sinadya niyang hindi ipaalam sa mga magulang ang award niya at
One Month later... Matapos ang kanilang honeymoon at nakauwi na sila ng Mansyon. At sa Mansyon na sila ni Jericson umuuwi habang naging bahay bakasyunan na lamang nila ang Mansyon nila Kattie. Ok naman ang buhay nilang mag anak at nalaki na rin si Princess Janica ng hindi nila namamalayan. Isang buwan na rin ito. At heto nga ang first ever photo shoot nito. Maaga silang umalis ng bahay para makapunta sa photo shoot studio. At sasabay na rin sila para sa family picture nilang mag-anak. Medyo malayo kasi ang napili nilang studio kaya kailangan nilang agahan sa pag alis ng Makati. Si Bryan na rin ang naging driver nila at ayaw ni Jericson na mag drive kapag sobrang layo ng byahe. Pumasok na sila sa loob at pinasibat na ito ni Bryan. Mahigit dalawang oras ang byahe nila at pinatulog na lang muna ni Kattie si baby Princess Janica. Para hindi ito bugnutin mamaya sa photoshoot nito at ng kanilang pamilya. Habang ang mag-ama naman na Jericson at Ken ay nalilibang sa panunuod sa labas
KINABUKASANMaaga silang umalis ng hotel at plano nilang maghanap ng something private place kaya nagbyahe pa sila pa Batangas. Marami silang nakita roon at pinagpilian nila. Mahigit limang oras ang naging byahe nila bago sila nakarating sa resort. At yes maayos at tahimik nga ang lugar. Since na book at nakapag pay na sila thru online wala ng hassle pa. Pumasok na lang sila sa loob at sinabi ng caretaker ang mga rules and regulations bago sila iwanan doon. Naglibot libot muna sila hanggang sa nakita ni Jericson ang pool. Binaba muna nila ang luggage sa loob ng room. At nag aya na si Jericson na mag swimming sila sa pool. Ayaw sana ni Kattie kaso wala na siyang nagawa kasi mapilit ang kanyang asawa. Mabuti na lang may dala siyang swimsuit. "Hmmm, love mag swimsuit ka talaga? Hindi ka kaya lamigin niyan?" reklamo nito."Hindi naman siguro love at isa private resort naman 'to at tayo lang ang nandito." alibi niya.Sabagay nga kami lang pala ang nandito at walang makaka kita sa asawa
Maya maya umeksena naman ang asawa niyanat hindi ko napaghandaan ang biglang pag nakaw niya nang halik kay Kattie na ikinasigaw sobra nang mga tao. At bago pa nga niya mahampas ito nilayasan na nga siya ng loko-loko. Buti na lang binuksan na rin ang ilaw na dim lang at nag simula nang mag play nang music ang dj kaya nagtayuan na rin ang mga tao. Kaniya kaniya nang sumasayaw ang mga tao, kasama ang kani- kanilang partner sa saliw nang musika. Patayo na sana ako nang may humila nang kamay ko at iginaya ako sa mga taong nagsisimulang nagsasayawan sa dance floor. "Hi, Love!" bulong nito sa punong tainga ni Kattie. Tila naging musika sa pandinig niya ang boses ng kanyang asawa. Imbes na magsalita pa ay kinurot niya nga ito ng maalala ang mga kalokohang ginawa niya kanina. Nginitian niya lang siya nito sabay niyakap nang mahigpit na akala ay ayaw na nga siyang bitawan pa, yakap na ipapadama sayo na secured ka kapag siya ang kasama mo siya noon at ngayon ganyan ang nararamdaman n
Ilang oras lang nakarating sila sa venue. Inalalayan niya ito pababa ng kotse at pag dating nila sa venue. Marami na ring tao ang dumating at nag sisimula na ang party. Nagkaroon muna nang guessing game tungkol sa sa bagong kasal. "Are you ready?" tanong ng host. "Readyyy!" sigaw ng crowd. "Game.. "First question. Ilang taon ang bride nang nagkita sila ng first time ng groom? Tahimik ang lahat hanggang sa nag taas ng kamay si Milagrosa. Medyo nkwento kasi ito sa kaniya ni Kattie dati kaya may alam siya kahit paano. "Stand up pretty Lady." wika ng host. "27 years old." sagot nito. "27 years old. You got the correct answer." wika ng host. Nice. Siguro bestfriend 'to ng bride." biro ng host. "Actually, Yes." sagot ni Monica. At proud pa talaga ito. Nagulat naman ang ilang taong naroon na nakiki Maritess. "Next question please... "Anong edad naman nang groom nang magka kilala sila ng bride?" tanong ng host. This time iba ang nag taas. Kaibigan ito ni Jer
TWO WEEKS LATER KINABUKASAN... Sinabihan na nila ang mga bisita na dumiretso na sa hotel at doon na magkikita kita. Maaga silang nagpunta sa hotel at maging ang kanilang kasambahay sa Mansyon ay kasama maliban lang sa ayaw. May dumating na stylist at make up artist para ayusan ang ikakasal at maging ang kani kanilang bride's maid at grooms men. Masaya naman ang lahat na kahit may asawa na sila, sila pa rin pinili namin at ang iba naman ay mga single pa. Matapos ayusan ang lahat kaniya kaniya na alisan at punta ng simbahan. Nauna na si Jericson dahil inaayusan pa si Kattie at kinakabit pa ang pagkahaba haba niyang veil sa wedding gown. Hindi raw sila muna pwedeng magkita kaya nauna na talaga siya sa simbahan at sinama na niya si Ken ang kanyang little groom. Nang makalabas na siya ng Hotel nar'yan na si Bryan ang magiging driver niya for today. Isa rin sa kasama sa event. Ayaw sana nito kaso pinilit lang ni Jericson. "Tara na?" utos niya rito. Pina andar naman niya kaag
Natapos ang events na masayang masaya ang lahat para sa kanila. Naging madali para kay Kattie na makabangon, dahil kasama na niya ang kanyang anak na si Princess Janica syempre nandyan rin si Ken at si Jericson na palaging nakasupport lamang sa kanya sa anumang oras. Matapos ang masayang events plinano na nila ang nalalapit nilang kasal. Hindi na talaga mapipigilan pa ang kanilang pag-iisang dibdib. Matagal na rin naman naantala ito kaya ngayon ay tuloy na tuloy na talaga. Wala ng makakapigil pa na kahit sino pa. Ngayon ang araw ng meeting nila sa wedding coordinator. Magha hired sila nito para less stressed sa kanila para sa pag aasikaso. After lunch ang naging usapan nila na meeting kaya naihatid pa nila si Ken sa school. Kahit na may school Van ito ay nakasunod lang sila sa mga ito. Pagbaba ni Ken lumabas na rin sila at tinawag muna ni Kattie si Ken. "Son," tawag niya rito at lumingon naman ito sa kinaroroonan nila sabay takbo ng makita silang dalawa. "Mom and Dad. Wh
Two weeks Later.. Heto na ang pinakamasayang araw para sa pamilya Miller kasi finally mailalabas at maisasama na nila si baby Princes Janica sa Mansyon. Umaga pa nga lang ay punong abala na ang mag-ama na mag asikaso para sa warm welcoming party para sa kanilang anak. May mga ilan lang silang inimbita including Tita Ellie ni Kattie at hindi alam ito ni Kattie. Tanging si Jericson lamang ang may alam nito. At hindi alam ni Kattie. Pagkatapos nilang mag asikaso na mag ayos lumakad na silang mag-aama. Hindi naman mapigilan ni Kattie ang maluha ngayon habang lulan sila ng sasakyan na minamaneho pa rin ni Bryan. "Love, at last mauuwi at mayayakap na natin si baby Princess Janica." ani ni Kattie. "Yes, love at makakasama na natin siya." sang-ayon naman ni Jericson habang tahimik naman ang anak nilang si Ken. Hindi nga ito nag iisip ng kung ano-ano kasi para sa kanya wala dapat ipangamba at ikalungkot pa, dahil nakasurvived ang kanyang little sister. Mga isang oras lang rin