Third person point of view Mabilis na kumilos ang binata para gawin ang ipinag-uutos ng amo niya. Lumabas siya ng silid kung saan siya pinatawag nito at sa paglabas niya ay kaagad siyang sinalubong ng sandamakmak na mga kalalakihan, ang bawat isa sa mga ito ay may kaniya-kaniyaang hawak na patalim mula sa espada hanggang sa mga baril. "Follow us to the training room, madam wanted to train you first before you go to another battle." Said a monotonous voice. Napatingin siya dito at nakita niya ang lalaki na nakatayo sa pinaka-unahan ng pila. Napapalunok siya dahil sa biglaang pagkabog ng dibdib niya sa hindi maipaliwanag na kaba. "T-Training?" Alanganing tanong niya. "Yes, do you have a problem with that!?" May kataliman na tanong ng katabi nung naunang nagsalita. Napalunok siyang muli at magkakasunod na umiling. "I have no problem at all!" Malawak ang ngiting sagot niya. Hindi niya na hinintay pa ang magiging sagot ng mga ito, nagpatiuna na siyang maglakad kahit na wala siy
Cris point of view "Are you sure bro na kaya ninyo ng dalawa?" Tanong ni Luis habang inaalalayan niya ang girlfriend niya pababa ng sasakyan. "Oo nga bro, you know we can add a bodyguard para sa kaligtasan niyo," segunda naman ni Drake. Ngumiti siya at umiling sa mga ito. "Okay na ang mga bodyguard na ito baka mas lalong maparanoid ang girlfriend ko kapag dinagdagan ko pa." Sagot niya. Sabay na humalakhak ang mga pinsan niya. "Tara muna sa loob, mag-meryenda muna kayo," sambit niya sa mga ito nung pabalik na sana ang mga ito sa sasakyan. Nagkatinginan ang dalawa at mabilis na nagpatiuna papasok sa nakabukas na niyang gate. "Ang kakapal ng mga mukha niyo, nagpatiuna pa kayo!" Nagbibirong sita niya sa mga pinsan niya. Sabay na humarap ng nakangisi ang mga ito sa kaniya pero ang ngisi na nakita niya ay unti-unting naglaho at napalitan ng pagtataka. At isa sa napansin niya ay ang tingin ng mga ito, wala na sa kaniya kung hindi lagpas na sa kaniya. Dahan-dahan siyang tumingin sa
Cris point of view After ng pag-uusap nila ay umakto sila na parang walang nangyari at nagpatuloy sila sa tahimik na pagku-kwentuhan. At ang naging topic nila ay ang pinsan nilang si Dixson, alam nila na maselan ang usapin lalo na at tungkol ito sa namayapa nilang pinsan pero hindi nila maiwasan na magbigay ng kaniya-kaniyang saloobin. "So, you don't believe na patay na ang pinsan natin?" Pag-uulit nito sa sinabi niya. Nabaanggit niya sa gitna ng usapan nila na hindi niya pinaniniwalaan na patay na ang pinsan niya. Tumango siya. Napakurap-kurap ito at hindi makapaniwalang umiling. "I know that you have issues about death but that is absurd. You need to respect his family and his death, para nalang sa pinagsamahan natin." Matalim na sambit nito. "This is the reason why I don't want to tackle this matter with you." Komento niya. Umiling siya pero hindi pala nagustuhan ng mga ito ang sinabi niya dahil bigla nalang sabay na tumayo ang dalawa niyang pinsan. "You've changed a lot."
Cris point of view "I like Elena," hearing these words from my friend. Akala niya ay hindi siya masa-shock pero iba pa rin pala kapag personal mo na narinig na ang bestfriend mo ay may gusto sa girlfriend mo. Gusto niyang magwala pero hindi niya magawa dahil from the very beginning ay naramdaman na niya na may gusto ito kay Elena. From the way he looked at her, alam niya na meron pero hindi niya ito sinita dahil baka mali lang siya. Pero ngayon totoo pala. "Hindi ka ba nagulat?" Tanong nito. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago tumayo at inundayan ito ng suntok na mabilis nitong iniwasan. "Gago! Nagulat syempre pero ramdam ko na yan nung una pa lang!" Sambit niya at muli pang nagpakawala ng suntok. Napahinto ito at gulat na napatingin sa kaniya na nagresulta ng pagtama ng kamao niya sa mukha nito. "FVCK!" Malutong na mura nito at kaagad na sinapo ang nasaktang mukha. "Anong pumasok sa isip mo at isiniwalat mo ang nararamdaman mo?" Tanong niya, tumigil na siya
Cris point of view Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Samuel noong araw na iyon at ang pagsasa-ayos ng schedule ng pagkikita nila ni Ronamyr ay hindi na ito nagpakita sa kaniya. Ilang beses niya itong pinadalhan ng mensahe at imbitasyon na makipagkita sa kaniya but his friend refused any of his invitation tanging petsa lang ang tinugon nito sa mga mensahe niya, hanggang sa nagsawa na siya sa kakatext at tawag dito. At some point may hinala na siya kung bakit ayaw nitong magpakita sa kaniya pero hindi niya maiwasan na magtampo dahil hindi naman siya ganoon kababaw na tao para magalit siya dito dahil sa may gusto ito sa girlfriend niya. Sa halip na pagtuonan ng pansin ang pagiging missing in action ng kaibigan niya ay inabala nalang niya ang sarili sa imbestigasyon sa pagkamatay ng mga magulang niya at hindi niya maiwasan na maging masaya dahil nagkaroon na ito ng progress pero ang progress na iyon ay naghatid din sa kaniya ng mas matinding katanungan. At iyon ay ang pagkakasangkot ng
Elena point of view Martyr ba siyang maituturing kung hindi niya tanungin si Cris tungkol sa mga personal nitong lakad? Kulang ba ang pagmamahal niya kung hindi niya ipakita na nasasaktan siya? Gusto niya itong pigilan at sabihan na huwag umalis dahil nagseselos siya. Pero hindi niya kaya na manghimasok sa personal na buhay nito. Pero hindi niya kinaya ang selos na naramdaman niya kaya naiyak nalang siya kanina. Hindi niya dapat makikita ang mensahe ni Ronamyr kanina pero na-curious siya dahil sa kinikilos ni Cris. Kaya naman nung magkakasunod na tumunog ang cellphone nito ay pasimple siyang nagtungo sa pinaglalalgyan nito at pakiramdam niya ay pinira-piraso ang puso niya dahil sa sakit. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga at mabilis na pinakalma at inayos ang sarili. Ang tumatakbo lang sa isip niya ay wala naman mangyayari kung magmumukmok siya. Mula sa pagkakaupo sa hapagkainan ay tumayo siya isa-isang idinala ang pinagkainan sa lababo. Abala pa siya sa paghuhug
Cris point of view He said too much. And he knows it, not she is mad at him pero anong magagawa niya? Hindi naman talaga siya nakakaramdam ng awa para sa dati nitong kaibigan. After what she did to us, hindi dapat ito kaawaan. And now he is mad kasi umaakto si Elena na parang walang nangyari, na parang hindi ito nasaktan ni Ronamyr. "Do you know where to go?" Tanong niya. Ito nalang ang last resort niya para mapigilan ito sa pag-alis. Natigilan ito sa tuluyang pag-sakay sa taxi at mabilis na kumuyom ang mga kamay. "Sasakay ka ba Miss!?" Iritableng tanong ng driver ng taxi. Nagpabalik-balik ang tingin nito sa kanila ni Elena. Pinandilatan niya ito ng tingin, mukha naman natakot ito dahil namutla ito at bago pa makapag-react si Elena at sumibat na ang sasakyan ng hindi inaalala na bukas pa ang pinto ng backseat at kung may masagasaan. Kumalabog ng malakas ang puso niya dahil sobrang lapit ni Elena dito. "ELENA!" Sigaw niya at mabilis siyang tumakbo papunta dito para hilahin i
Elena point of view Kahit na paulit-ulit nitong sabihin sa kaniya na hindi ito nagsisinungaling ay hindi ito matanggap ng isip niya. "Hindi mo kailangan magsinungaling Cris! I deserve to know the truth about my past, our past and you refuse to tell me that. Pinagkait mo sa akin yung bagay na matagal ko ng gustong malaman. Hindi ba at pagsisinungaling ang tawag don?" Hindi ito nakakibo at mabilis lang na nag-iwas ng tingin. "Why? May ginawa ba akong hindi maganda sa 'yo para hindi mo sabihin sa akin? Ilang linggo mo ng alam na ikaw yung kasama ko noong araw na yun but instead of telling me you keep quiet. Do you hate me?" Tanong niyang muling. Mabilis na tumingin ito sa kaniya at magkakasunod na umiling. "I love you so much that I don't want you to hate me." Namuo ang luha niya. "M-Mahal k-kita Cris sobra pa sa buhay ko at ang sakit lang na malalaman ko na alam mo ang bagay na matagal ko ng gustong malaman." Lumapit ito at tinangka siyang hawakan pero mabilis siyang nag-i
Cris point of view Mas binilisan niya ang pagtakbo papunta sa kotse pero sakto sa pagdating niya ay siyang pag-andar natigilan siya at pansamantalang natulala pero ilang segundo lang ay nakabawi siya at mabilis na humabol sa sasakyan, pero huli na siya at ang tanging nagawa nalang niya ay ang siguraduhin na nakuha niya ang plate at ibang details sa sasakyan. Ilang minuto niyang pinagmasdan ang sasakyan na naglaho na ng tuluyan sa paningin niya bago siya bumalik sa hotel room niya para i-track ang sasakyan ni Ronamyr. "Do you gathered evidence?" Napatingin siya kay Samuel mula sa pagkakatingin niya sa laptop niya. Saka lang niya naalala na ilang araw na pala ang nakalipas mula nung kidnapin ni Ronamyr si Elena. "You've been up for three days bro. And you didn't even touched your food!" Bulalas nito. Napatingin siya sa pagkain na nasa harapan niya and true enough wala itong kabawas-bawas. Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. "I don't know how to eat in this type of
Elena point of view She felt stupid for falling in love instantly, and now karma hits her. She fell in love to a criminal and worst is, she gave herself to him many times. Binilisan niya ang pagtakbo palayo sa lugar na iyon, palayo kay Cris na walang ibang iniisip kung hindi ang katangahan na nagawa niya. All her life na kasama niya si Cris ay hindi siya naghinala na may madilim itong nakaraan. And now she can't even look at him in the eye without thinking the innocent life he took. Pagdating niya sa labas ng hotel ay hindi niya alam ang gagawin. Luminga-linga siya sa kaliwa at kanan niya para maghanap ng matatanungan and then it hits her. "You are so idiot Elena! You are a PhD Holder and you can't even find a cab!?" Singhal niya sa sarili. Naglakad siya palayo hanggang sa nakakita siya ng kotse na may sign na taxi sa itaas. Kaagad siyang nabuhayan ng loob at mabilis na tumakbo patungo doon. "I need to go to the airport!" May pagmamadaling aniya at siya na ang nagbukas n
Cris point of view "Ikaw na muna ang bahala sa Lolo at Lola ko," aniya sa kaibigan niya. Naghintay siya ng ilang minuto pero ramdam niya na parang may mali kaya naman pinatay niya kaagad ang tawag bago pa makapag-react si Samuel. Pagkapatay niya ng tawag ay nakarinig siya ng hagikgik dahilan para mabilis siyang mapatingin doon. "What?" Tanong niya kay Elena na malaki ang pagkakangisi sa kaniya. Umiling ito pero hindi nawala ang ngisi na nakapaskil. Pinagtaasan niya ito ng kilay at hindi niya tinantanan ng tingin sa huli ay malambing na yumakap ito sa kaniya. "What?" Tanong niyang muli dito. Umiling ito at mas hinigpitan ang yakap sa kaniya. "I am just happy kasi akala ko ay matitiis mo talaga ang mga Lola mo." Sambit nito. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Much as I hate that they lie to me, hindi pa rin sila mawala sa isipan ko." Sambit niya. "Thank god at hindi nawala ang lalaking minahal ko ng totoo. I was scared that you have change, because of
Samuel point of view "Hanggang kailan mo planong guluhin ang buhay ng kaibigan ko!?" Hindi niya maitago ang galit na nararamdaman niya. Pero ang babae na kaharap niya ay parang walang kahit anong nararamdaman dahil sa pag-ngiti nito. "I don't understand you," simpleng tugon nito. Umigting ang panga niya at padarag na binitawan niya ito. "Stop messing up my friends life or I will put you in jail for your remaining life!" Pagbabanta niya bago niya ito tinalikuran pero hindi pa siya nakakalayo nung bigla itong magsalita. "You don't know who you are dealing with." Napatigil siya sa paglalakad pero hindi siya tumingin dito. "I know exactly who I'm dealing with," maikling tugon niya at saka siya nagpatuloy sa pag-alis. "He messed my life first." Malinaw niyang narinig ang mga salitang binitawan nito bago siya tuluyang nakalayo dito pero mas pinilit nalang niya na huwag na itong pansinin dahil alam niya na useless lang kapag pinatulan pa niya ito. Pagkaalis niya kung saan
Samuel point of view "Darlinggg!" Gusto niyang maawa at the same time ay mapangiwi dahil sa nakikita niyang pagpalahaw ng Lola ni Cris habang mahigpit na nakayakap sa asawa nito. "Tumahan ka darling at nakakahiya sa kaibigan ng apo natin!" Pagalit ng Lolo ni Cris pero kahit galit ang tono ng boses nito ay ramdam pa rin niya ang awa doon para sa minamahal na tumatangis. Hindi niya maiwasan ang mainis sa kaibigan nagagawa nitong tiisin ang sariling Lola. Pero naiintindihan naman din niya ang kaibigan dahil valid ang reason nito para magdamdam. "Susubukan ko po ulit na tawagan si Cris." Nahiwalay sa pagyayakapan ang dalawa para tignan siya. Bakas ang labis na pasasalamat sa mukha ng mga ito. "Salamat iho." Umiling siya. "This is the only thing that I can do to help you but I can't promise you na magbabago ang isip ni Cris. I don't know kung ano ang dahilan ninyo sa pagsisinungaling niyo pero hindi ninyo pwedeng i-invalidate ang nararamdaman ni Cris. Pasensya na po pero ka
Cris point of view "Do you have a plan? You know, for a starter?" Napatigil siya sa pagtipa sa laptop na dala niya para tignan si Elena. Tahimik itong naghihintay ng isasagot niya. Nag-isip siya sandali ng isasagot sa tanong nito pero wala siyang maisip kaya naman nagkibit-balikat siya at muling bumalik sa pagtipa. "Then how are you gonna find answer to your question?" Tanong nitong muli. Napabuntong hininga siya kasabay ng paghinto sa pagtipa dahil wala pa siyang matinong maisasagot sa tanong nito. "I don't know yet, but eventually I will find the answer that I am looking for," siguradong sagot niya at saka siya muling nagpatuloy sa pagtipa. Namutawi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Hindi niya maiwasan ang pagtakhan ang pananahimik ng girlfriend niya kaya naman tinapunan niya ito ng tingin at doon niya lang nalaman na natutulog na ito. Natawa siya. "Tulugan daw ba ako eh," komento niya habang naiiling.Mabilis na tinapos niya a
Cris point of view "Tsk! Huwag naman kayong mang-inggit!" Napahiwalay sila ni Elena sa pagyayakapan dahil sa pang-aasar ni Samuel. "Shut up!" Singhal niya dito. Ngumisi lang ito at saka naglakad palayo sa kanila. Napapailing na inalis niya ang tingin niya dito para balingan si Elena na malaki ang ngisi. "Samuel is so annoying," komento niya na tinanguan nito. "He is annoying, but he care so much about you," Ani nito. What she said is true, Samuel can be annoying but he knows how to take care of his love ones and he is so thankful that he is with him all the way. "Magtitinginan lang ba kayong dalawa o aalis na kayo? Kasi kanina pa naiinip yung piloto sa kakahintay sa inyo!" "Oh my god, you are so annoying bro!" Pasaring niya pero ang loko ay ngumisi lang at binato sa kaniya ang isang back pack. "Lahat ng kailangan ni Elena ay nariyan na sa bag na iyan. Nandiyan na rin yung passport at visa na ipinahanda mo." Ani nito. Mabilis na bumaling si Elena sa kaniya at hin
HeartlessCris point of view"Are you and Elena doing okay?" Napatingin siya kay Samuel at tipid na napailing. Naalala niya kasi na hindi pa rin sila nakakapag-usap because Elena refuse to talk to him and that was couple days ago. "What!?" Hindi makapaniwalang tanong nito."I tried talking to her but she is the one refusing to talk to me, what should I do?" Tanong niya."She must be super mad for her to not talk to you." Ani nito and he couldn't help but nod in approval."I don't know what to do man, I don't want to leave her in this situation but this trip is important to me." Sambit niya. Nasa airport kasi siya ngayon dahil sa plano niyang pagpunta sa Rome kung saan nangyari ang auction at kung saan nagkaroon siya ng hinala sa kung sino talaga siya."Where is she right now?" Tanong nito."House, natutulog pa siya nung umalis ako," maikling tugon niya. Tumango ito at pagkuwa'y tumingin sa itaas kung saan nakasabi ang monitor. Ginaya niya ang ginawa nito at doon niya napagtanto na k
Elena point of view Ito na siguro ang pinakatahimik na byaheng nagawa niya kasama si Cris. And the deafening silence is making her anxious. "McDonald's is just meters away, you guys wanted to grab some foods? I'm starving!" Nawala ang panunuod siya sa mga nadadaanan nilang gusali pagkarinig niya sa sinabi ni Samuel. Luminga siya sa paligid and true enough, hindi kalayuan sa kanila ay nakita niya ang McDonald's. Pasimple niyang tinignan si Cris pero parang wala itong narinig kaya naman sa halip na sabihin kay Samuel na gutom na rin siya ay bumalik nalang siya sa panunuod sa paligid niya. Nakarinig siya ng magkakasunod na pagbuntong hininga and she assumed that it was Samuel. Pagkatapos ng buntong hininga ay sunod niyang narinig ang marahas na paghinga kasunod nito ay ang baritonong boses ni Cris. "Ihinto mo sa mcdo." Nanigas siya sa kinauupuan niya dahil sa lamig na nadama niya sa tono ng boses nito. Pero nakaramdam din siya ng tuwa dahil kanina pa siya nakakaramdam ng