Home / Romance / The HUNTRESS / Chapter 67

Share

Chapter 67

Author: Maybel Abutar
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Sa opisina ni Scion, seryosong nag-uusap ang dalawa ni Mr. Chan. Nakikinig naman si Scion sa mga sinasabi ng tauhan habang hawak niya ang mga larawan at impormasyon na nagpapatunay sa mga sinasabi nito.

“Sir, kumpirmadong si Red Notrice ang dahilan ng aksidente ni Sir William. Nahagip po siya ng camera sa boundary ng Argenxican at Canixer. Tinutumbok niya ng araw na iyon ang daan kung saan na-aksidente si Sir William. Nahagip din siya ng camera mula sa isang convenience store na kinukuha ang mga camera malapit sa nangyaring aksidente. Iyon ang nagsilbing ebidensiya para matukoy na siya ang salarin. Napag-alaman ko rin po na may kikitain si Sir William nang araw na iyon. Hinala ko po ay may nalalaman si Sir William na hindi dapat mabunyag kaya ginawa iyon ni Red sa kaniya,” saad ni Mr. Chan.

Napaisip naman si Scion kung ano ang nalaman ni William kaya ito napahamak. Maliban sa paghahanap kay Caroline at Isabella, wala na siyang pinapagawa kay William. Hindi naman ito ang tipo ng tao na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The HUNTRESS   Chapter 68

    Nagmamadaling bumalik si Eiress at Lord Scion patungo sa loob ng Alpha’s Den kasama si Trigger. Gusto rin malaman ni Eiress kung ano ang nangyari sa Argenxican kaya nagmamadali kanina si Trigger nang puntahan sila sa forestry.“What exactly happened, Trigger?” seryosong tanong ni Lord Scion nang makapasok sila sa opisina nito.“Nasagap ng satellite footage ang isang pagsabog sa gitna ng bayan. Tinawagan ko si Mr. Chan para alamin ang nangyari. Kumpirmadong may sumabog sa Argenxican at kasalukuyan kumikilos ang mga nakatanim na tauhan ng mga Villarama sa bayan.”“Gaano kalawak ang naapektuhan ng pagsabog?”Binaling ni Trigger ang monitor ng computer sa harap ni Lord Scion. Naka-display roon ang mapa ng Argenxican at halos kalahati ng mapa ay kulay pula.“Almost half of the city,” sagot ni Trigger.“D*mmit! Paano sila nakakuha ng ganoon kalakas na pasabog?”Bahagyang natahimik si Scion at Trigger. Nalulong sa malalim na pag-iisip ang dalawa. Tahimik naman si Eiress dahil sa kasalukuyang

  • The HUNTRESS   Chapter 69

    Nagkaroon ng munting pagsasalo sa Purok dahil kaarawan ni Aline. Pasimple namang lumapit si Aline kay Eiress. Tumitingin pa ito sa paligid na parang humahanap ng timing. Alam naman ni Eiress ang sadya nito sa kaniya kaya inunahan na niya itong magsalita.“Sinabi ko na sa kaniya ang pinasasabi mo kahapon. Hindi ko lang nasabi sa ’yo dahil gabi na ako umuwi,” saad niya kahit wala pa itong sinasabi.Plano talaga niyang sabihin kay Aline ang tungkol sa pinapasabi nito kay Trigger, kaya lang hindi na niya nakita kagabi ang kaibigan no’ng umuwi siya. Hindi na rin niya nakuha si Liam sa bahay ng mga ito para ilipat sa bahay nila. Hinayaan na lang muna niyang magpalipas ng gabi si Liam sa bahay ng mga ito. Maliwanag pa nang umalis siya sa Alpha’s den kahapon, pero nagtungo muna siya sa boundary para tignan ang mga nagkakampong tauhan ni Ronie Villarama malapit sa Chipan. Ilang araw na rin simula nang mapansin niya ang mga nakatayong tent doon. Kahina-hinala ang pananatili ng mga ito sa lugar

  • The HUNTRESS   Chapter 70

    Nanghihina si Eiress bago makarating sa Purok. Nanunuyo ang lalamunan niya dahil sa walang humpay na pagtakbo, pero halos matuyuan na rin siya ng tubig sa katawan dahil sa labis na pag-iyak. Tinupok ng pagsabog ang buong purok. Wala na siyang nakikitang kahit anong puno na nakatayo roon. Isa na ’yong malaking butas ngayon.“H-Hindi. L-Liam, anak ko? A-Aline? Nuno Karding? Nana Saling? Nasaan kayo?” Para na siyang mababaliw kapag nakikita niya ang mga bangkay ng mga kasama niya sa tribo habang naglalakad siya. “P-Please, magpakita kayo sa ’kin!” sigaw niya.Halos mawalan na siya ng lakas habang naglalakad sa natupok na lugar. Ang dating masayang Purok, ngayon ay abo na. Ang lugar na dating puno ng tawanan, ngayon ay pag-iyak na lang niya ang maririnig sa buong paligid. Wala na ang mga ngiti ng buong tribo dahil bangkay na ang mga ito. Ang iba ay sunog na sunog at hindi na makilala. Meron din natakpan ng lupa at kalahati na lang ng katawan ang nakikita.“H-Hindi totoo ’to! Panaginip lan

  • The HUNTRESS   Chapter 71

    Nakangiti at dinadama ni Luciano ang magandang awitin mula sa lumang music player na ipinadala niya kay Lamica sa kaniyang silid sa Nesselio’s hospital. Nakapikit siya at marahang kumukumpas ang mga kamay na parang isang maestro sa teatro. Maganda ang mood niya ngayon dahil natupad ang mga plano niya ayon sa kagustuhan niya. Hindi pala mahirap makuha ang mga gusto niya basta walang humahadlang sa mga desisyon niya.Bahagya siyang tumigil sa ginagawa nang may kumatok sa pintuan ng silid niya.“Lamica, pagbuksan mo ng pinto ang kumakatok sa labas,” saad niya kay Lamica nang hindi nag-abalang tingnan ito. Patuloy lang niyang dinadama ang magandang musika. Mas’yadong maganda ang mood niya para sirain iyon sa mukha ng tagasilbi niya.“Opo, senior!” sagot ni Lamica.Ilang sandali pa nang marinig ni Luciano ang pagbukas ng pinto.“I’m glad that you’re enjoying your stay here, Butler Luciano.”Kaagad binuksan ni Luciano ang mga mata nang marinig ang pamilyar na boses. Tumingin siya sa direksy

  • The HUNTRESS   Chapter 72

    Kinuyom ni Lord Scion ang mga kamay nang makita ang kaawa-awang kalagayan ni William. Wala itong malay habang nakasabit life support oxygen nito sa tubong nakakabit sa likod ng wheelchair. Seryoso naman si Red sa likuran nito habang nakatingin sa direks’yon niya. Hindi niya p’wedeng balewalain ang kakayahan ni Red dahil mabilis nitong natalo ang mga pinadala niyang tauhan para bawiin si William. Matalino ito at naisahan ang mga tauhan niya kaya natalo.“Lord Scion, lumabas ka na riyan at kailangan nating mag-usap!” saad ng boses ng isang matanda.Hindi nakinig si Lord Scion sa sinabi ng matanda. Nanatili siyang nakatago sa katawan ng hawak niyang bangkay.“Hindi naman kita sasaktan,” saad pa nito, pero duda siya sa sinasabi nito.“Kapag hindi ka nagpakita, uunahin ko ang kapatid mo!” muling sigaw ng matanda.Walang pagdadalawang-isip na binitiwan ni Lord Scion ang hawak niyang lalaki. Tumayo siya habang nakataas ang mga kamay. Wala siyang pagpipilian kun’di magpakita para hindi nito s

  • The HUNTRESS   Chapter 73

    Sa bayan ng Chipan, kasalukuyang nagmamasid si Trigger sa paligid para humanap ng daan palabas ng bayan. Nagkalat pa rin ang mga larawan ni Eiress sa bayan kaya nahihirapan silang pumuslit palabas. Iniwan niya naman ito sa isang abandonadong kubo para makakilos siya ng maayos. Wala pa rin pagbabago sa kundisyon nito at mas makabubuti sa kanilang dalawa kung iiwan niya muna ito pansamantala.Mabilis naman siyang lumihis ng daan nang tumingin sa kaniyang direks’yon ang isang tauhan ng mga Villarama sa Chipan. Nakuhang muli ni Rondell Villarama ang pamumuno roon at mas pinatibay nito ang pagbabantay sa papasok at lalabas ng bayan.“Hoy, lalaking naka-asul na damit! Tumigil ka at lumapit dito!” sigaw sa kaniya ng lalaki.Hindi siya tumigil at mas binilisan pa niya ang paglalakad. Naramdaman naman niya ang pagsunod ng mga ito kaya tumakbo siya.“Hulihin niyo siya!” sigaw ng isang humahabol kay Trigger.Nagpaliko-liko si Trigger sa mga eskinitang nakikita niya para iligaw ang mga humahabol

  • The HUNTRESS   Chapter 74

    Naging maugong sa lahat ng bayan ang pagkawasak ng Argenxican at Chipan. Kumalat din ang balita na nalipol ni Luciano Villacostel ang pamilya ng mga Wilt at ito na ang pumalit sa karangalan ng pamilya Wilt. Sinamantala iyon ni Luciano. Binisita nito ang bawat bayan at gumawa ng alyansa sa mga ito. Hindi naman nagdalawang isip ang mga pinuno ng bayan na makipagtulungan kay Luciano. Naniniwala ang mga ito na magiging matibay rin ang kanilang pamilya sa pagkampi ng mga ito kay Luciano. Sa loob ng dalawang buwan ay halos sakupin na ni Luciano ang labing-dalawang bayan maliban sa Polican at Boran. Ito ang mga bayan na pag-aari ng mga Nesselio. Ang Kiran naman ay hindi pumapanig sa kahit na sino maliban sa pera. Hinayaan muna ni Luciano ang Kiran dahil alam niyang may paggagamitan siya sa mga ito pagdating ng araw.Kasalukuyan namang nagtipon-tipon sa Canixer ang mga kaalyansang bayan ni Luciano para ipagdiwang ang tagumpay nito. Naroon din ang ibang kasosyo sa negosyo ng mga Wilt na harapa

  • The HUNTRESS   Chapter 75

    Sa isang bayan na sakop ng Janduran pansamantalang tumigil si Trigger at Eiress mula sa mahabang paglalakbay. Tinutumbok nila ang daan pabalik sa bayan ng Argenxican, pero natatagalan sila. Bukod sa kabayo ang sinasakyan nila, marami rin ang nagtatangka sa buhay nila na dapat nilang iwasan at lusutan.Bumaba si Trigger sa sinasakyan nilang kabayo bago alalayan sa pagbaba si Eiress. Nakakakilos na si Eiress ngunit hindi ito nagsasalita. Minsan ay bigla na lang itong matutulala at umiiyak. Walang nagagawa si Trigger kun’di hayaan ito sa pagluluksa.“Magpapalipas muna tayo nang ilang araw rito bago tayo maglakbay ulit. Nang sa ganoon, hindi nila tayo makita agad,” saad niya kay Eiress. Tulad ng inaasahan wala pa rin itong reaks’yon, pero alam niyang naririnig siya nito.Sinigurado ni Trigger na hindi sila masusundan sa lugar na iyon ng mga humahabol sa kanila. Gumamit siya ng isa pang kabayo para magpatuloy iyon sa pagtakbo at isipin ng mga kalaban na sila iyon. Ibang direks’yon ang tina

Pinakabagong kabanata

  • The HUNTRESS   Final Chapter

    Pagkatapos ng madugong laban, nagtungo si Eiress sa kanilang mansiyon sa Polican. Walang nagbago sa mansiyon mula sa kung ano ang itsura nito na natatandaan niya noong bata pa lang siya. Kasama niya sina Tandang Kaziro at Lord Scion. Naiwan naman si Trigger kasama si William at si Red ay umalis na rin nang matapos ang laban. Hinayaan na lang niya si Red dahil malaki rin ang nagawa nitong tulong sa laban kanina. Utang na loob din niya ang pagliligtas nito kay Liam kahit isa ito sa inutusan ni Luciano para ipahamak ang pamilya niya sa Chipan.“Your eye color is different from before,” saad ni Lord Scion habang papasok sila sa mansiyon. Magkahawak sila ng mga kamay at may mga bahid pa ng dugo sa katawan nila mula sa nagdaang laban.“Yeah. This is my original eye color.”“I have a vivid memory about a young girl with blue eyes. I don’t remember exactly what happened before, but I love her eyes.”“Do you think, it’s me?” tanong niya kay Scion.“I don’t know. Maybe yes, if we met at a very

  • The HUNTRESS   Chapter 84

    Halos mawalan ng malay si Luciano dahil sa galit. Hindi lang ang pagkatalo ng mga tauhan niya ang nagpapainit sa kaniyang ulo. Maging ang palpak na lakad ng magkapatid na Villarama at ang kapalpakan ng sarili niyang anak. Nasa harapan niya ngayon ang walang malay na si Isabella habang nakasilid sa isang kahon sa tabi ng gate ng mansiyon niya. Nagmistula itong regalo dahil sa balot ng kahon at ribbon sa ibabaw no’n.“Sino ang nagpadala ng kahon na ’yan?” galit na tanong ni Luciano.Walang sumagot sa mga tauhan ng matanda na lalo nitong kinagalit. Itinuon na lang nito ang galit kay Isabella. Nilapitan ito ni Luciano at sinipa para gisingin.“P*nyeta! Gumising ka riyan, Isabella. Ikaw ang inaasahan kong alas, pero narito ka ngayon at walang malay. Gising!” sigaw niya habang sinisipa ito.“Wala ka talagang k’wentang ama, Luciano,” saad ng malamig na boses.Naging alerto ang mga tauhan ni Luciano, pero hindi agad kumilos ang mga ito. Tumingin si Luciano sa direks’yon ng nagsalita. Ngumisi

  • The HUNTRESS   Chapter 83

    Abala sa pakikipaglaban si Eiress nang palibutan siya ng mga kalaban. Nahati ang atensiyon ng mga ito sa kaniya at sa mga tauhan ng Nesselio. Hindi pa tuluyang nakapapasok sa bayan ang mga ito. Ilan pa lang sa kampo ng Nesselio ang nakita niyang nakikipaglaban at ang karamihan sa mga iyon ay nagbabantay sa malaking gate sa bungad ng bayan.“Oh, sh*t!” saad ni Eiress nang tamaan siya ng sipa mula sa kalaban. Tumalsik siya sa isa pang kalaban at inambahan siya ng baril. Mabilis naman niyang inagaw ang baril ng lalaki at pinutok sa kasama nito. Alam niyang nag-aalangan ang mga itong paputukan siya dahil sa kanilang distansiya. Nakapalibot sa kaniya ang mga kalaban at sa simpleng pag-iwas niya ay tatama ang bala sa kasama ng mga ito.“You can’t kill me, idiots!”Inagaw niya ang baril ng lalaki at sunod-sunod niya itong hinampas hanggang bumagsak ito. Ginamit naman niya ang baril sa mga kalaban. Sunod-sunod siyang nagpaputok, ngunit agad naubos ang bala ng hawak niyang baril.“Patayin niyo

  • The HUNTRESS   Chapter 82

    Pawang mga tahimik ang grupo ni Eiress sa loob ng sasakyan habang binabaybay ang daan papasok sa bayan ng Canixer. Alerto ang bawat isa dahil sa mabilis nilang pagpasok na wala man lang sagabal. Tahimik din sa bayan at mabibilang sa daliri ang mga tao sa kalye.“Tulad ng inaasahan sa kapatid ko, hahayaan niya tayong pumasok sa teritoryo niya para ikulong dito. Inaasahan mo rin ba ito, Marchesa?”“Yes. Any moment from now, enemies will be scattered around us,” sagot ni Eiress.“Wala na rin silbi ang isang ’to sa atin. Bakit hindi mo pa siya patayin?” muling reklamo ni Trigger kay Eiress patukoy kay Red.“May silbi pa rin ako sa inyo, Trigger Wilt. Ibang lugar ang sadya ni Eiress sa loob ng Canixer at doon niya ako kailangan. Tama ba ako, Eiress?”Hindi naman sumagot si Eiress. Nanatiling nakatuon ang tingin nito sa paligid ng sasakyan. Wala na siyang nakikitang tao sa dinadaanan nila.“Itigil mo ang sasakyan,” utos ni Eiress kay Trigger.Walang pagdadalawang isip na sumunod si Trigger.

  • The HUNTRESS   Chapter 81

    Sa mansiyon ng mga Nesselio ay sabay-sabay at tahimik na kumakain ng agahan si Isabella kasama ang mag-asawang Carolina at Arturion. Hindi pa rin sanay si Isabella sa buhay ng pagiging Nesselio, pero kailangan niyang tiisin iyon para sa plano nila ng daddy niya.“Am I late with your breakfast?”Namilog ang mga mata ni Isabella nang marinig ang boses ni Cario.“Cario! Why are you here?” bulalas niyang tanong nang makita ang lalaki sa pintuan ng dining room. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito. Akala niya ay matatagalan si Cario sa bayan ng Boran.“Where should I go, except to my home?”Peke namang ngumiti si Isabella. “Ahm… I’m just surprised. I thought you’d stay in Boran for some weeks,” palusot niya.Hindi pinahalata ni Isabella ang pagtutol sa itsura niya dahil sa pagdating ni Cario. Hindi pa siya nakahahanap ng tiyempo para gawin ang plano niya sa mga Nesselio, at malaking sagabal si Cario sa gagawin niya. Alam niyang malakas at matalino si Cario, kaya kailangan niyang doblehi

  • The HUNTRESS   Chapter 80

    Nagmamadaling nilapitan ni Lord Scion si William. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ngayon ang kaniyang kapatid.“Kagigising ko lang, pero gusto mo yatang matulog ulit ako. Babalian mo ba ako ng buto sa higpit ng hawak mo? Bitiw na, Scion. Kailangan nating mag-usap muna bago ako matulog ulit,” biro ni William.Mabilis namang binitiwan ni Scion ang balikat ni William. “Pasensiya na, William. Hindi lang ako makapaniwala na gising ka na ngayon. Kumusta ang pakiramdam mo?”“Bukod sa mahina kong katawan, mukhang maayos naman ako.”“Kailan ka pa nagising?”“Dalawang linggo na mula ngayon.”“Dalawang linggo? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Nag-aalala ako sa ’yo dahil walang nagsasabi kung nasaan ka, pero dalawang linggo na pala simula nang magising ka.”“Huminahon ka muna, Scion. May dahilan kaya ngayon lang ako nakahanap ng pagkakataon na magpakita sa ’yo.”“Tell me your reason, William,” seryoso niyang sabi.Sinara muna ni Willi

  • The HUNTRESS   Chapter 79

    Nanatili si Red sa ospital ng Janduran kahit maaari na siyang lumabas. Hating-gabi na at hindi pa rin siya natutulog. Wala naman siyang gagawin doon kun’di tumitig sa kisame ng kaniyang silid. Naiinip na siya at gusto na lang niyang bumalik sa Canixer, pero hindi niya ginawa. May pakiramdam siyang pupunta roon si Huntress.“Based on your looks, you’re waiting for me, right?”Bahagyang nagulat si Red sa walang buhay na boses na narinig niya sa loob ng silid. Bumaling siya sa may bintana at nakita niya roon ang taong hinihintay niya. Nakaupo ito sa bintana at walang buhay na nakatingin sa kaniya. Base sa itsura nito, alam niyang bumalik na ang mga nawala nitong alaala.“Bakit diyan ka pa dumaan kung p’wede mo namang gamitin ang pintuan?” normal niyang tanong. Hindi siya natatakot kay Huntress kahit alam niyang bumalik na ito sa dati. Siguro hindi siya nakakaramdam ng takot, dahil tanggap na niyang mamatay na rin siya kapag nagpakita ito sa kaniya.Bumaba si Eiress mula sa bintana at lum

  • The HUNTRESS   Chapter 78

    Walang pagsidlan ang tuwa ni Runo Villarama nang hindi na nila naririnig ang mga putok mula sa loob ng gubat. Ilang minuto na ring walang sumasabog sa paligid. Hinala niya ay naubusan na ng bala ang mga ito.“Pasukin niyo na ang gubat. Mahina na ang depensa nila,” utos niya sa mga tauhan.Walang pagdadalawang-isip namang umabante paloob ang mga tauhan ni Runo. Dahan-dahan ang pagkilos ng mga ito. Pawang mga alerto sa paligid. Ngunit hindi nila namamalayan ang mabilis na kilos ng isang pigura dahilan para unti-unting mabawasan ang mga ito. Isa sa mga ito ang nakapansin sa pigura.“May kala—” Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang mabilis itong inatake ng pigura. Bumagsak ang walang buhay nitong katawan sa lupa kasunod ng pagbagsak din ng iba pang mga kasama nito.Nagtaka naman si Runo kung bakit wala pa rin siyang naririnig na putok sa loob ng gubat. Dapat sa oras na iyon ay narating na ng mga tauhan niya ang bahay ni Tandang Kaziro.“Sundan niyo!” muli niyang utos sa panibagong gru

  • The HUNTRESS   Chapter 77

    Sa kagubatan ng Janduran, muling nagising si Trigger ilang minuto pagkatapos mawalan ng malay. Tulad ng sinabi ng matanda, bumalik na rin ang lakas niya. Pinasan niya ulit si Eiress patungo sa tahanan ni Tandang Kaziro. Nasa unahan niya ang matanda at sinusundan lang niya ang tinatahak nitong daan. Malamig at bahagyang madilim sa gubat dahil sa malalaki at matatayog na punong kahoy. Maging ang sinag ng araw ay nahihirapang lumusot sa mga puno.“Mawalang galang na po, Tandang Kaziro. Bakit mo tinawag na Marchesa si Eiress?” tanong ni Trigger sa matanda habang naglalakad sila. Kanina pa iyon bumabagabag sa kaniya. Para bang may malalim na pakahulugan ang tawag nito kay Eiress.“Malalaman mo rin kapag nagising siya,” makahulugan nitong sagot na patuloy lang sa paglalakad.“Sigurado ka po ba na hindi lason o anumang mapanganib na gamot ang itinusok sa kaniya?” nag-aalala niyang tanong.“Sigurado ako, iho. Normal ang tibok ng puso niya at wala akong nakikitang problema sa katawan niya. Kun

DMCA.com Protection Status