Randall couldn't remember her name and that's why he had a hard time looking for her. Iniwan kasi siya nitong natutulog nang umaga. Ni hindi sila nakapag-almusal. All the memories that night came like a big wave crashing in. Noon lang nangyari sa kaniya 'yon-- ang maiwan mag-isa sa kama after a night of pure abandon. The woman was a virgin, at hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Matutuwa ba siya na siya ang una rito, o magagalit dahil pakiramdam niya ay lubusan na siyang nagsamantala. The sex was consented, at kahit pareho silang nakainom ay may natitira pa naman siyang diwa.Hindi niya alam kung saan ito iuuwi kaya dinala niya sa bahay na tinutuluyan niya. Bahay 'yon na minana ng kaibigan niya at ipagbibili na makaraan ang ilang araw. He said to use it at binigyan pa siya ng susi. Randall wanted to lie low and experience a normal life. Huling gabi na niya 'yon sa Batangas at naisipan niyang pumunta sa bar para magtanggal ng inip. And when he saw her, napangiti siya sa ginagawa
Nagpanting ang tainga ni Randall nang marinig ang tono ng asawa. Ngayon lang niya nakita na ganito ang ugali nito. Is she finally revealing her true colors? Huli na ba para magsisi siya sa biglang pagpapakasal sa babae? It's been an ordeal for him ever since they tied the knot. It wasn't that bad during the first few weeks but as time went on, Randall felt suffocated. Lahat ay inuutos nito sa kasambahay. Ariella doesn't cook, do laundry or even make the bed. He thought maybe because she's pregnant and her hormones are to blame pero nakapanganak na ito ay ganoon pa rin. The baby was premature at seven month, pero malaki ito para sa buwan at malusog kaya hindi kailangang itigil sa NICU. "You studied business, Ariella. You haven't made your name yet, pero kung umasta ka ay parang pag-aari mo na ang buong mundo."Kumunot ang noo ng babae at nagsalubong ang kilay sa kaniyang sinabi. Sa kahehele niya kay Aleli ay nakatulog ito sa bisig niya. Gusto lang magpabuhat at magpasayaw dahil inaant
Nora remained silent and waited for what her son is about to say. Bilang magulang ay nauunawaan niya ang pinagdadaanan nito. When her first husband was still alive, it wasn't always sunshines and rainbows during their marriage. Ganoon rin ngayong nag-asawa siyang muli. Being married doesn't guarantee that you will always see eye to eye. May mga bagay kayong hindi pagkakasunduan at normal 'yon sa isang relasyon. You are two different people united by marriage... and love. At the end of the day, the most important thing is for the couple to learn how to compromise. Meet halfway, and not count how many sacrifices you did for your better half."I never tell you about anything, Ma. I'm an adult and I can handle it, but my God! She's too much. I don't know what I did to deserve someone like her." Napasabunot si Randall sa buhok. He is mad and frustrated with his life. "What did she do?" Hindi madaling kumampi sa anak si Nora. She would always put herself in the middle and hear both sides.
Aria ended up going home at tumawag siya kay Ben para sabihin na after lunch na siya papasok sa opisina. Nagdahilan rin siya na sumakit ang tiyan niya pero ang totoo ay kinakabahan siya na makaharap uli si Randall. Ben told her to work from home instead. Noon lang siya nakahinga ng maluwag. Nang makarating siya sa bahay ay kaagad na nagpabuhat ang mga bata sa kaniya at yumakap. She missed her twins at pinupog niya ng halik ang mga ito. Aria played with them for a bit at nang makaamoy siya ng dumi ay kaagad na lumipad ang tingin niya sa kambal. River was calm, habang si Willow ay panay ang dag-is. Hinintay niyang matapos ito at saka dinala sa banyo para hugasan. Si Manang ang naiwan kay River. "Ikaw ha. Hinintay mo si Mama makauwi para magpahugas." Willow smiled at her na parang naiintindihan ang sinabi niya. "Kanino nagmana ang prinsesa ko? Kay Mama o Papa?" After washing her, Aria grabbed the towel and dried her. Dinala niya ito sa kwarto at saka nilagyan ng cream ang pang-upo para h
Sumapit ang first birthday ng kambal at dahil ka-birthday ito ng ama ay pinili niyang magleave ng tatlong araw para pumunta ng Florida kasama si Manang. Alam niyang magkakaroon ng kasiyahan sa pamilya ng mga ito at ayaw niyang mamili sina Ben kung saan pupunta. Isa pa, na-miss niya ang dagat at hindi pa niya nadadala roon ang mga bata. It's nice to get away from the cold weather and pile of snow. Sa Florida ay lumalamig rin sa gabi ang hangin, pero magsuot lang ng sweater ay okay na. Nagrenta siya sa Palm Beach ng isang Airbnb at may dalawang kwarto ‘yon, kusina at sala para hindi masyadong magastos sa pagkain. They will still eat out pero mas okay kung ganito ang set up. She also rented a car while they were there para makapag-ikot. Nag-eroplano kasi sila papunta sa Florida dahil masyadong mahaba ang biyahe kung magdadrive sila. Mahirap, lalo na at may dalawang paslit. “Aria, naitabi ko na ‘yong mga gamit sa silid n’yo. Magluluto ba tayo o kakain sa labas mamaya?”“Magpapadeliver
Pagod na sumalampak si Marinel sa bakanteng silya sa office ni Aria. She's been the Creative Manager since she returned to work at dahil flexible ang oras niya, nakakasama niya pa rin ang kambal. Anim na oras lang ang trabaho niya from Monday to Friday. She loves her job dahil nababalanse niya ang oras sa mga anak at sa trabaho. Wala nga lang siyang social life pero hindi naman 'yon mahalaga sa kaniya ngayon. Her kids are her top priority at hindi magbabago 'yon. Her three year plan is coming to an end at ilang buwan mula ngayon ay uuwi na sila sa Pilipinas. Ben has a new business pero hindi pa nito sinasabi sa kaniya kung ano 'yon hanggang hindi pa napapafinalize. At dahil sa Pilipinas ang bagong company ay doon siya ita-transfer. She will be the Vice President for Marketing, and Aria is excited about it. "What's the matter?" Itinigil ni Aria ang ginagawa para harapin ang staff niya. "She wants a different campaign. Ayaw daw niyang gamitin 'yong dati." "Who are we talking about?"
Kaagad na bumalatay ang inis at galit sa mukha ni Ariella. Hindi niya alam kung sino sa company ang babaeng nasa harap niya, pero naaalala niya ito sa park. She bumped into her while she was jogging. Hahara-hara kasi sa daan niya, alangan naman na siya pa ang umiwas. And Ariella doesn't care if this woman has babies with her. Pwede namang igilid ang stroller ng mga batang 'yon. "You're the woman from the park. What are you doing here? Housekeeping is that way." Ariella used her mouth and tilted her head to make a point. Sa labas daw ng pinto ang lugar ng mga housekeeper at hindi sa board room. Aria showed no emotions. Hindi siya makapaniwala na ito ang babaeng pinakasalan ni Randall. Was he that shallow? Noong gabing nakilala niya si Randall ay ni hindi niya man nakitaan ito na magtitiyaga sa isang babaeng katulad ni Ariella. Is it karma then? Then why does she feel bad for the father of her twins? "I am the Creative Manager for this company and we only have..." Tumingin sa relo si
Napahilot sa sentido si Randall pagkatapos makausap si Ariella. He was in the middle of an important meeting pero nag-excuse siya sa kausap para sagutin ang tawag nito. He thought it was about Aleli, their daughter. Tumawag lang pala ito para magcomplain na naman sa campaign. Hiyang hiya na siya kay Ben sa ugali ni Ariella at alam niyang pinagpapasensiyahan lang ito ng kapatid para sa kaniya. Ano kayang magiging reaction ni Ben kung malaman nito ang saloobin ni Ariella sa pamilya nila? Siguradong hindi ito matutuwa at ayaw niyang pati sa kaniya ay sumama ang loob ng kapatid.Wala silang araw na hindi nagtatalo ni Ariella sa bahay kaya gabi na siyang umuuwi at maagang umalis. Mostly, it's about petty things na pinalalaking pilit ng babae. Wala itong complain pagdating sa pera. She has an allowance of ten thousand dollars every month for her own needs. Kung ano'ng gawin ng babae sa pera ay wala na siyang pakialam doon. Randall just wants peace. Kinalimutan na rin niya ang tungkol sa seco
The love you take is equal to the love you make. Hindi ka dapat maghangad ng higit pa sa kaya mong ibigay. If you are meant to have it— it will be handed to you even without asking for it. Sa buhay, importante na matutong mahalin at pahalagahan ang pamilya, pagkakaibigan, at higit sa lahat— ang sarili. Dahlia learned it the hard way compared to others. Aria had it all and lost everything in just one night. Gary was weak and succumb to the call of the flesh. Randall played the field and the past caught up to him. Ariella was sick but refused to get help. And then there's Alicia, who loved her daughter dearly but was quick enough to turn her back when she gave her disappointment. The truth is, life is never going to be perfect and people will not always have what they want— and that's okay. Learn to be okay with it because there is always a reason behind it. Most often than not, if you are not given what you want, it is because you will given something better. Life is not a walk in
Humahangos na dumating si Dahlia sa hospital at kaagad na tinanong ang nurse kung nasaan ang asawa niya. Gary on the other hand was still in surgery. A few minutes later, dumating ang mga magulang ni Gary. Pugto ang mga mata ng ina nito at bakas ang pag-aalala sa mukha ng ama. Hindi pa rin nila alam ang buong pangyayari. All they have are bits and pieces of information from the police. They sat at the bench across from the operating room and waited for someone to come out. Tahimik na lumuluha si Dahlia. She is close to accepting defeat. Ang kaalaman na itinaya ni Gary ang buhay nito para kay Aria ay nagpapatunay na totoong mahal ng asawa niya ang dating girlfriend nito. It was painful. So painful that all these years, kasal na sila at nagkaanak ay hindi siya nagawang mahalin nito. Isang malaking sampal para sa kaniya 'yon at sapat para magising siya sa katotohanan na kahit ano'ng gawin niya, hindi niya mapapalitan si Aria sa puso nito. Her biggest mistake was betraying her friend and
One week later...The driver parked the car in front of the coffee shop. Naunang bumaba si Randall at inalalayan si Aria. She wanted a specific pastry kaya bago sila pumunta sa police station ay dumaan muna sila roon para bumili. Maayos na ang pakiramdam ni Randall at ang sumunod na check up ay walang naging problema. His wounds are healing nicely. Hindi magtatagal at gagaling rin ng tuluyan ang mga 'yon. "Can we eat outside for a bit? May oras pa naman at malapit na tayo sa police station," tanong ni Aria kay Randall nang maibigay ang order. "Sure. Let's stay here for a bit. Masarap?""Taste it. It's good." Aria's smiling kaya paniwalang paniwala naman si Randall na masarap nga. It turned out that it was very sour. May tamis rin pero napakaasim."M-Masarap nga." Pinigil ni Randall ang mapangiwi dahil ayaw niyang ma-offend ang asawa."Sabi ko sa 'yo e. Masarap talaga itong super lemon." Pinili nila ang pwesto sa may gilid. Nasa harap lang 'yon ng coffee shop at malapit sa sidewalk.
Naririndi na si Aria sa palitan ng salita ni Gary at Ariella. And they are starting to draw attention as well from the neighbours. It's a gated community with a nice neighbourhood. The visitors only need to present a valid identification and they can get in. If they look suspicious, the guard would call the owner of the house to validate the guest seeking entrance. Aria guessed Gary and Ariella didn't look suspicious so they let them through. "Can we please stop this? I don't know why the both of you are here but my husband just came home yesterday and we don't need this stress," wika ni Aria sa dalawa. Pinilit niyang magpakahinahon. The sun is getting hot and Aria wants to go inside the house too. Para matapos na lang ay aayusin niya ang pakikipagusap sa mga ito. "You don't need to see me. Si Randall ang gusto kong makausap." Iritable na si Ariella at pinagpapawisan na rin ito. Aria noticed the old car. Sigurado siyang hindi kay Gary 'yon. It must be Ariella's. "Ang loverboy mo na l
"YOU WILL NEVER BE WITH HER!" sigaw ni Dahlia. Nagising si Gary na pawis na pawis at parang umaalingawngaw pa rin ang boses ng asawa niya. It's not even six in the morning. Hanggang panaginip ay nadala niya ang huling sinabi sa kaniya ni Dahlia bago siya umalis. He is currently staying at his parents' home until he finds a new place. Balak niyang ibigay ang condo sa anak nila ni Dahlia. She would be the guardian of the child until such time. Hindi naman niya pwedeng paalisin ang mag-ina niya roon dahil walang uuwian si Dahlia. Her sister already sold their old house at bumili rin ito ng one bedroom condo. He's staying home today. Wala siyang ganang pumasok sa opisina. Simula nang maghire siya ng private investigator para kay Randall noon ay hindi na niya nasilip ang finances nila. He spent seventy thousand pesos to get information pero nauwi lang 'yon sa wala dahil alam na ni Aria ang lahat at tanggap nito ang nakaraan ni Randall. Ang akala niya ay magbabago pa ang isip nito kapag n
Na-discharge si Randall nang sumapit ang hapon. Additional tests were done and all returned normal so the doctor was comfortable to send him home. After three days ay babalik si Randall para sa check up. It helped that he was wearing a seatbelt then, but also— having a good vehicle helps. Kapag kasing-nipis ng lata ang body ng sasakyan, mas malala ang pinsala.“Daddy!” halos magkapababay na bati ni River at Willow sa ama. They truly missed him.“Careful with Daddy. He can’t lift yet so just hold his hand.” Nakinig naman ang kambal sa ina.Sinundo sila ng driver kanina sa hospital habang si Roxanne at Nora ay naiwan sa bahay para mag-asikaso sa pagdating nila. Nang makakain ng hapunan ay si Aria ang nag-intindi sa mga anak. Randall waited for the kids in bed and told them a bedtime story then kissed them goodnight. Masaya ang lahat na nakauwi na si Randall. Aria called her parents and told them as well pati na ang mga lola niya na walang tigil ang pagdarasal.They were already in bed
Roxanne didn’t leave until after dinner. Pinauwi niya ito para makapahinga at kagaya ng pinag-usapan nila ni Mama Nora, kung hindi pa gigising si Randall ay itatransfer na ito sa hospital sa Maynila. Hindi maiwasan ni Aria na isipin na baka may hindi nakita ang doktor kaya hindi pa rin nagigising si Randall. Aria already called the police and told them what happened with Ariella and Gary today. She is hoping it will help Randall’s case. Iimbitahan ng pulis ang dalawang binanggit niya para sa ilang katanungan. Naupo siya sa tabi ng kama ng asawa at hinaplos niya ang kamay nito. Inilapat niya ang pisngi roon at pumikit. When Randall wasn’t in her life before, mahirap pero kinaya niya. Pero nang iparanas nito kung paano siya mahalin, Aria didn’t want to spend another day without him in her life. She can’t imagine what her life is going to be like. “Baby, can you wake up now? Please.” Nangatal ang mga labi ni Aria at nagsimulang humikbi. "The children need you." Her voice broke. "I nee
“I—“Hindi pinatapos ni Aria si Gary sa sasabihin at mabilis siyang lumayo sa dating kasintahan. Fear crept up at kahit masama ang pakiramdam niya ay nilakasan niya ang loob. She went inside the car at halos hindi niya mapindot ang start button ng sasakyan sa nerbiyos. Ni-lock niya kaagad ang pinto for security.“Aria,” tawag nito sa pangalan niya nang makalapit. Kumatok ito sa bintana niya sa may driver’s side. “Ano’ng nangyayari sa ‘yo? Can we talk please? Ako na lang ang magmamaneho,” pakiusap nito. Hindi niya ito magawang tingnan. She focused on getting out of there. Kapag nagpilit ito ay tatawag siya ng pulis. He didn’t follow her home. Nang makarating siya sa bahay ay hindi muna siya bumaba ng sasakyan. Pinakalma ni Aria ang sarili at nang bumalik sa normal ang tibok ng puso niya, she got out of the car and went inside the house. Pinakiusapan niya ang kasambahay na kunin ang grocery sa trunk at dalhin sa kusina. Spending time with her kids for a bit calmed her nerves— only ge
Tumawag si Aria kay Manang para sa mga personal nilang gamit ni Randall na kakailanganin sa hospital. Hindi nagtagal at nadala ito sa kaniya ng isang kasambahay nila. Pinalitan niya ang blanket ni Randall ng mas malambot para maging komportable ito. She touched her arm and kissed it. As much as she wanted to kiss his cheek or lips, Aria was hesitant to do it. Baka masaktan niya ito. His skin looked so tender, and she has never seen her husband this fragile. Pinadalhan din siya ni Manang ng hapunan at ilang extra snacks including sandwiches kung sakaling magutom siya sa madaling araw. Pinilit niyang kumain para sa baby kahit na wala siyang panlasa. Aria held his hand and closed her eyes. Ipinagdasal niya ang kaligtasan ni Randall at nakiusap sa Panginoon na sana ay magising na ito. She stayed by his side a little longer and when she felt her legs being tired, saka lang siya lumipat sa sofa para itaas ang mga binti niya. Aria is taking care of herself and their unborn baby, and Randall