Dalawang linggo na at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung sino ang nag text sa akin bago ako matulog. Bukod doon ay hindi ko rin maintindihan ang ibig niyang sabihin.
Is that some sort of prank? Or is that a threat? Pero anong banta kung sakali? Wala naman akong nakaka-away sa pagkaka-alala ko.
"Good morning, ate!" bati sa akin ni Lezzie. Ginising na niya ako kanina para magkasabay na kaming tatlo kumain. Pero hindi kaagad ako bumaba dahil sa mga iniisip kaya't binalikan niya ako sa kwarto.
"Good morning! Eto na bababa na 'ko." tumango nalang siya at umalis na.
Bumaba na ako at tumulong sa paghahanda ng mga pagkain. Kung tutuusin dapat ay ako na lamang ang gumagawa nito dahil marami pang ibabalot si nanay mamaya.
Sa isang restaurant naman kami magde-deliver ngayon dahil kakilala rin namin ang manager doon. Madalang lang silang umorder pero maramihan naman.
"Ako na dyan, nay." Agaw ko sa kanya sa sinangag na ilalagay sa lamesa. She smiled at iniabot na rin sa akin.
"Nay, ilan ang order ni Ate Sally?" I asked her. Sinalinan ko na rin ng sinangag ang plato ang kapatid ko. Bagay na gustong-gusto kong ginagawa. Simple thing na parang pinag sisilbihan ko na sila.
"Apat na paper bag din kaya papasamahan na kita sa tricycle driver na madalas maghatid kay Lezzie." sabi niya.
Tumango nalang ako at umupo na sa mesa. Kalaunan ay si nanay naman ang pumwesto. Nagdasal kami at nagpasalamat sa Kanya bago kami kumain.
Napuno ng kwentuhan ang hapag-kainan. Isang bagay na ipinagpapasalamat ko kahit na hindi kami kumpleto.
Ilang taon palang ako noong iwanan kami ng tatay ko para sa ibang babae. Iniwan niya kami kahit dalawang taong gulang pa lamang noon si Lezzie. Hirap na hirap kami noon dahil si tatay lang ang inaasahan naming magtrabaho, kailangan kasi ni nanay alagaan si Lezzie. Kaya noong umalis siya ay para kaming iniwan na rin ng mundo.
Pero hindi iyon naging dahilan para hayaan naming malunod kami sa kalungkutan. Bumangon kami at nagpatuloy.
PAGKARATING ko sa restaurant na pinagtatrabahuhan ni Ate Sally. Kaunti lamang ang tao sa loob. Malamang ay mayayaman ang mga ito dahil mamahalin din ang mga pagkain na inihahain dito.
"Yan na ba 'yun, Hydra?" tanong niya sa akin matapos makita ang mga dala kong paper bags.
"Opo, Ate Sally. Pinasobrahan na rin yan ni nanay ng dalawa. Salamat po."
Tumango siya at iniabot sa akin ang bayad. Ngumiti ako at inilibot ang paningin sa kabuuan ng restaurant na 'to. Grabe dalawang beses palang ako nakakapunta rito dahil madalas ay si nanay ang naghahatid ng order.
This place screams money. Ang ganda ng interior design na halatang ginugulan ng pera. Sino kaya ang may-ari nito?
Naglalakad ako habang tinatanaw tanaw pa rin ang kabuuan hanggang sa may nabangga akong waitress at naitapon nito ang dalang juice sa table na katapat.
"Look what you've done!" pasigaw na sabi ng babae na nakaupo kanina.
"Are you stupid, huh?" tanong niya sa waitress. Nakita ko namang namutla ito dahil malamang ay mapagalitan siya ng manager.
"M-ma'am. I'm sorry po." nanginig pa ang boses niya habang humihingi ng tawad. Sandali wala naman siyang kasalanan.
"Kapag nalaman ito ng boyfriend ko, mag goodbye ka na sa trabaho mo!" patuloy pa itong sumigaw hanggang sa nakuha na nito ang atensyon ng mga tao.
"Sandali lang po, ma'am. Wala po siyang kasalanan. Ako po ang dapat managot." nakita ko ang pagtaas ng kilay niya sa sinabi ko.
Huwag sana ako pagbayarin nang malaki. Mukha pa namang mamahalin ang damit niyang natapunan.
I got nervous when I saw her grabbed the glass with water. Paniguradong ibubuhos ito sa akin. Hindi pa ako ready sa mala Cherry Gill na eksena.
Inabangan ko na ang pagbuhos ng tubig nang marinig ang baritonong boses sa bandang likuran ko.
"What's happening here?"
Napadilat ako at ang kaninang nakataas ang kilay at nagmamalditang babae ay biglang napalitan ng awa ang mukha.
"Look, babe. Ayoko nang makita pa ang empleyadong ito. She's too clumsy." sabi niya habang dinuduro ang waitress na ngayon ay putlang-putla na.
Humarap ako sa taong kausap niya na nasa likuran ko at gayon nalang ang gulat ko nang mamukhaan ko siya.
If my memory serves me right, siya yung Anthony na nakilala ko doon sa Samantello Condominiums. Ibig sabihin, girlfriend niya 'to? And ano yung sinasabi na empleyado niya? Don't tell me siya ang may-ari ng restaurant na 'to.
Nakita ko rin na medyo nagulat siya nang makita ako. Tumikhim siya at tuluyang lumapit sa amin.
"Babe, look at my dress. Napakarumi na at ang lagkit lagkit pa." pumadyak ito at kinuha ang panyo sa bag niya.
"Sige na, Clarissa. Bumalik ka na muna sa kitchen." sabi nito sa waitress.
"Sige po, sir. Pasensya na po talaga." yumuko ito at dali-daling umalis.
Sumipol ako at unti-unting tumalikod. Huwag na nila sana akong pansinin at baka mapagbayad pa ako. Humakbang na ako papaalis inilagay ko pa sa likod ko ang dalawang kamay na para bang turista na namamasyal habang sumisipol.
Ganyan nga, simplehan mo lang, Hydra.
"Where do you think you're going?" wala mang pangalan ay alam kong ako ang kinakausap niya.
Patay.
Humarap ulit ako sa kanila at itinuro ang pinto palabas. Nakakainis na 'tong babae na ito ah! Mukha namang clown pssh.
"Uhm... lalabas na po ako." sabi ko sa babae. Si Anthony naman ay pirmi lang na nakatitig sa akin.
"At bakit ka lalabas?" tinaasan niya pa ako ng kilay. Sus, baka nga wala siyang tunay na kilay tapos dinadaan niya nalang sa make-up.
"Kasi lalabas ako."
Nakita ko ang munting pagtawa ni Anthony sa sinabi ko. Luh may nakakatawa ba sa sinabi ko? Nagkibit balikat nalang ako at tumalikod para umalis.
Nagmadali ako at habang papalabas ay naririnig ko ang usapan nila.
"Hahayaan lang natin siya? Babe, this dress is expensive. Hindi ako papayag na hindi niya ito babayaran."
Hindi ko na narinig ang sinagot ni Anthony bagkus mas lalo akong nagmadali at sumakay sa tricycle. Ayoko nang bumalik sa restaurant na 'yun lalo na kung nandun yung babae. Nanganganib ang ipon namin ni nanay.
Habang nasa byahe ay naramdaman kong nag vibrate at tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at nakitang galing nanaman ito sa unknown number.
From: Unknown
You're cute.Alam ko naman yun pero huwag na niya sana sabihin pa sa akin.
Nagtaka ako dahil hindi naman siguro ito wrong send dahil sinabi niya ang pangalan ko sa text noong nakaraan. I should block this number tutal ayaw naman magpakilala.
IMBES na makatulog dahil sa hilo ay mas lalo pa akong nagigising. Gusto ko sanang utusan si Lezzie dyan sa tindahan para ibili ako ng gamot pero ayokong istorbohin ang mahimbing niyang tulog.
Bumangon ako at nagpunta sa kusina para kumuha ng maiinom. Para talagang umiikot ang paningin ko kaya nagdahan-dahan lang ako sa paglalakad.
Kinapa ko ang leeg ko pero hindi naman ako nilalagnat. Nang makainom ako ng tubig ay para namang hinahalukay ang tiyan ko kaya kahit masama ang pakiramdam ay nagmadali akong magtungo sa banyo.
Isinuka ko ang kaunting pagkain na kinain ko sa buong maghapon. Inabot din ako ng kalahating oras sa loob ng banyo dahil sobra akong nanghihina.
Siguro ay narinig ni nanay ang pagsusuka ko kaya't nagmadali siyang pumunta at inalalayan ako.
"Ano bang nangyayari sa'yo, 'nak? Baka may kinain kang kung ano sa labas? Hindi ka naman nilalagnat." sabi niya habang inaalalayan ako paupo. Inabutan niya pa ulit ako ng isang basong tubig.
"Tara, magpahinga ka na muna. Lalabas ako para bumili ng gamot at magpapatingin tayo bukas sa doktor." sabi niya at inalalayan ako papasok sa kwarto.
Kinabuksan ay maayos naman na ang pakiramdam ko pero pinilit pa rin ako ni nanay magpa ospital. Sinabi ko sa kanya na ako nalang mag-isa at kaya ko na. Wala na rin naman siyang nagawa kundi payagan ako.
"Ako nalang po, nay. Mabuti pa ay dito nalang kayo sa bahay at asikasuhin ang mga ibebenta. Maayos lang po ako."
Tumango nalang siya at ako naman ay dumeretso na sa ospital. Nag text na rin ako kay Trix na hindi ako makakagala kasama siya.
Pagdating sa ospital ay naghintay pa ako nang matagal dahil maraming tao ngayon. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa paglalaro ng games sa phone ko.
"Nagugutom na 'ko. Wala bang nagtitinda ng singkamas dito?"
Para akong tanga. Malamang ospital to saan ka makakahanap ng singkamas?
"Hydra Mercado?" nang marinig ang pangalan ko ay tumayo na kaagad ako at pumasok sa isang room.
Kung ano-anong tests ang isinagawa sa akin. Malamang malaki nanaman gastos nito. Kinuhanan din nila ako ng dugo sa bandang braso.
Kaunting oras pa ang lumipas ay may dumating na panibagong doctor.
Nalaman ko na OB-Gyne pala itong dumating na bago. Habang kinakausap niya ako ay may bago namang pasyente na kinakausap ang kaninang doctor.
"Ikaw lang nagpunta rito, hija? Where's your boyfriend?" nagulat ako sa tanong niya.
"Wala po" tumango siya. Hindi ko alam kung ano ang intindi niya sa sinabi ko. Kung wala ang boyfriend ko o wala akong boyfriend pero hindi ko nalang nilinaw.
"Kamusta po yung results, doc? Maayos lang po ba ako?" tanong ko.
Tumango siya at ngumiti sa akin. Nawala naman ang kaba ko.
"There's nothing wrong with your body, hija. Normal lang naman yung mga symptoms na nag occur sa'yo."
"Po? Paano pong normal?"
"Congratulations, Hydra. You're four weeks pregnant."
Para akong natulos sa kinauupuan ko. I can't move and I can't even blink. Totoo ba yung narinig ko? Ako? Buntis?
Kahit hindi ko alam kung paano isisiksik sa utak ko ang nalaman, pinakinggan ko pa rin ang mga dapat at hindi dapat. Binigyan niya rin ako ng ibang vitamins at reseta sa iba pang mga dapat bilhing gamot.
Habang naglalakad palabas ay para akong tanga na nakatulala at naglalayag kung saan ang isip.
Hindi pwede. Marami akong pangarap at hindi kasama ang pagbubuntis dito. Pero hindi ko kayang balewalain ang nabubuhay na bata sa sinapupupunan ko.
Bigla akong napahawak sa tiyan ko dahil sa naisip.
Kung sasabihin ko kay nanay, malamang ay tatanungin niya ako kung sino ang ama pero sino ang isasagot ko? Hindi ko nga kilala yun at hindi ko manlang nakita ang mukha.
"Ang tanga tanga mo, Hydra! Sobrang tanga mo!"
Ang daming pumapasok sa isip ko. Ang pag-aaral ko. Ang pangarap ko at ang kagustuhan ko na makapag tapos at makahanap ng trabaho. Maglalaho nalang ba na parang bula?
Hindi ko namalayan na nasa bahay na 'ko. I'm afraid to go inside. Makikita ko si nanay. Makikita ko yung hirap niya na mababalewala ko.
Umiiyak na pala ako pero tsaka ko lang nalaman noong nakita ko si nanay na tumatakbo palapit sa akin at biglang hinawakan ang mukha ko. Tinuyo ang mga luha ko na kanina pa tumutulo.
"A-anak, bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo? Masama ba resulta sa doktor? Sabihin mo sa akin, anak. May nanakit ba sa'yo?" sunod-sunod niyang tanong.
"N-nay..." napayakap nalang ako sa kanya at napa hagulgol. Nahihirapan ako pero hindi ko dapat itago. Mas madadagdagan ko lang ang disappointment niya kung itatago ko.
I need to be brave. For my baby.
Sa kabila ng lungkot ay may lumukob na tuwa sa akin. May buhay na sa sinapupunan ko.
Kumalas ako sa yakap ko kay nanay. Humarap ako sa kanya. Halata sa mukha niya na naghihintay siya sa sasabihin ko.
"N-nay... buntis po ako."
Kinabahan ako sa magiging reaksyon niya. Matapos kong umamin ay nakatingin lang siya sa akin at tahimik na umiiyak."Paano..." itinigil niya ang pagsasalita niya. Hinawakan niya ako sa mukha at tinuyo ang mga luha ko."Paano ang pangarap mo?" mahinahon niyang tanong. Lumukob ang kung anong pakiramdam sa akin.Bakit hanggang ngayon, kapakanan ko ang iniisip niya? I'm expecting her to get mad at me. Kasi masasayang ang hirap niya sa pagtitinda at paglalako.Hindi ko manlang siya makakitaan ng galit. Ibang
"Sino ang tatay niyan?" tanong sa akin ni Trix.Sinabi ko na rin sa kanya ang balita. Noong una ay gulat na gulat pa 'yan at akala ay prank lang yung sinasabi ko pero noong ipakita ko yung resulta nung nagpunta ako sa ospital ay doon lang siya naniwala."Anthony Villacorta.""Wait!" nakita kong nanlaki ang mata niya at tinakpan pa ang labi. "You mean the hot bachelor chef? Anthony Jimuen Villacorta?"Tumango ako. Ako lang yata ang napag-iiwanan sa balita. Kung hindi pa nangyari sa akin ito ay hindi ko p
Hindi ako nakasagot. Akala ko naman ay napag-usapan na nila ang pagpunta namin dito. Napatingin ako kay nanay at nakita kong nakatungo siya. Malamang ay narinig niya ang sinabi ni Anthony."Anthony! Show some respect!" pagsaway ni Tita Felicia sa anak niya. Ngayon palang ay nakikita ko na na hindi magiging madali ang paninirahan namin sa bahay na ito."Yaya Marie, pakihatid ang mga bisita sa kwarto nila." lumapit ang isang kasambahay sa akin at kinuha ang bitbit kong maliit na bag.Narinig kong nagdabog si Anthony at umakyat sa taas na panigurado ay papunta ng kwarto niya. Feeling ko talaga hindi kami welcome sa
Buong akala ko talaga ay hindi siya sasama. Sabi niya kasi kahapon ay busy siya kaya hindi na ako nagpumilit na sumama pa siya.Gusto kong sabihin na marupok siya kaso baka sa sobrang seryoso niya, magalit pa siya sa 'kin. Feeling ko lahat ng sabihin ko, may side comments siya."Akala ko may lakad ka?""Meron nga. Sasamahan kita magpa check-up. Bakit, ayaw mo ba?"Napaka sungit talaga."Uh, hindi naman."
Ilang araw ko hinintay kung kailan ako yayayain ni Anthony para makapunta at makita ko si Clint pero hindi na yata matutuloy.Nakaka disappoint kasi bukod sa nangako siya ay kung sino-sinong babae pa ang nakikita ko na kasama niya. Tsk wala siyang isang salita. Dapat sa kanya pinapa shoot to kill."Sana hindi mo mamana ugali niya, baby," sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko. Hindi ako makapag hintay na sumagot siya sa pamamagitan ng pagsipa."Sinong tinutukoy mo?" muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nang marinig ang boses ni Anthony.
Sa gulat ko ay kaagad ko siyang naitulak. Tumitig siya sa akin at muli akong hinalikan. Naguguluhan ako sa kinikilos niya ngunit hindi ko mapagkakaila ang matamis na lasa ng malalambot niyang mga labi.Gaganti pa lamang ako ng halik sa kanya ay bigla na niyang inilayo ang kanyang mga labi."Go back to sleep." sabi niya sa akin habang hinahaplos pa ang pisngi ko.Nakuha ko pang pumikit habang dinarama ang haplos niya. Ngunit makalipas ng ilang segundo ay hindi ko na ito maramdaman kaya dumilat ako.Ang b
Parang biglang umakyat ang mga dugo sa ulo ko. Kaunti nalang makakasuntok na 'ko. "Bakit mo binura??"Tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo. "That was just an accident, okay? Hindi ko nga sinadya na mabura!" sigaw niya pabalik."Wala ng natira? Nabura ba lahat?" lumapit ako sa kanya. Inilahad ko ang kamay ko na sinasabing ibigay at ipahiram sa akin ang cellphone."What?" tanong niya."Patingin ako nung phone. Baka naman pwede I revive!"
Hindi ako makatingin sa kanya. Parang ayoko munang makita siya. Naaalala ko pa nanaman kung paano niya ako sigawan dumagdag pa na hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya sa barkada niya tungkol sa 'kin."I'm sorry," sabi niya. "Hindi lang ako sanay na may gumagamit ng mga gamit ko.""Pasensya na at hindi rin ako nagpaalam. Hindi ko naman akalain na ganun yung magiging reaction mo," mahina kong sambit."How can I make it up to you?" naguluhan ako. Bakit? Bakit naman siya babawi?Parang wala sa bokabu
"Princess, okay na ba" tanong ko nang makita ko siyang bumaba ng kwarto na dala ang regalo na ibibigay niya mamaya kay Hydra. We are now preparing for our birthday surprise for Hydra. This will be her first birthday as my wife so I want this to be perfect. Kinakabahan ako dahil baka hindi niya magustuhan pero that's Hydra, she appreciates everything. "Yes, Papa. Matutuwa po si Mama nito." Wala siya ngayon sa bahay dahil pinapupunta raw siya ni Trixie sa bahay. Actually ay kasama si Trix sa plano. My wife is so oblivious to her surroundings so I don't think she would notice. Binati ko siya pagkagising na pagkagising niya. I told her that we will go out on a date and she just smiled and nodded. Siguro sa tingin niya ay simpleng date lang pero hindi niya alam na nagpaplano ako ng malaking birthday surprise. From Trixie: Pauwi na kami. Ayusin mo 'yang surprise mo! Dapat pati ako ma surprise ah!"
This is a special chapter to introduce the next story under the Billionaire Series. Behind the Actor's Drama."Gusto mo ba isumbong kita sa asawa mo?"Kasama ko ngayon si Trixie sa mall dahil balak namin panoorin ang bagong pelikula ni Clint. I know what's been going through Trix and Clint kaya hindi ko siya pinilit na sumama. Sabi niya naman ay nagbilin daw si Anthony sa kanya na samahan ako. Actually, the initial plan ay sa ang asawa ko ang kasama ko ngayon pero naging super hectic ang schedule niya and it's fine with me."As if naman magseselos pa yun kay Clint. Anyways, seryoso ba na okay lang sayo?" mas lumapit ako sa kanya para walang makarinig. "Ang balita ko ay pupunta siya dahil block screening itong tickets natin and he's invited."Inirapan niya lang ako. Napaka attitude talaga nitong babae na 'to. "Hello, mukha ba akong may paki kung magkita kami or what
"Is this always been hard?" he asked worriedly. Nasa banyo kami ngayon dahil ilang araw na akong nagsusuka. I'm pregnant with our 2nd baby. Noong una naman ay hindi naman ako masyadong pinahirapan ni Jamie sa pagbubuntis pero hindi ko alam kung bakit ngayon sobrang selan at sensitive ko."Hindi. Okay naman ako noon kay Jamie." muli akong naduwal. Hawak ni Anthony ang buhok ko para hindi masukahan habang hinihimas niya ang likuran ko."Mama, ito po yung water niyo." lumapit si Jamie sa akin at kagaya ng ama ay kita ko sa mukha niya ang paga-alala.Naging maayos naman ang pakiramdam ko. Bukod sa pagsusuka ay madalas din ako mag crave ng mga pagkain lalo na bandang madaling araw kaya si Anthony ang madalas kong naaabala.Ayos lang naman daw sa kanya kahit anong ipabili, iutos, at sa kahit anong oras. Actually ay mas masaya pa siya kapag nasusunod niya ang mga gusto ko dahil gusto niya ring bumawi sa mga pagkukulang niya sa amin noon.
Thank you for everything, peeps! Say goodbye to this couple."Light on or lights off?" I naughtily asked her that makes her giggle. Sinamahan ko siya sa isang lamesa at hinayaan siyang makipag kwentuhan sa'kin. I can see lust and desire by only looking at her eyes. Well, mukhang masusulit naman ang pagsama ko rito."Lights off." sabi nito na ikinataas ng labi ko."I'll wait for you in my room." I winked and left her. Nagpunta na ako sa table ng mga kaibigan ko.Imbitado si Jew at naisipan niya lang na isama kami. Family friend kasi ang pamilya ni Jew at ang pamilya ni Prim kaya nung hindi makasama ang parents ni Jew ay kami nalang ang isinama niya. I don't have something to do so I just decided to go out with th
Last chapter.Nung araw na iyon ay ikinasal nga kaming dalawa. Paglabas ko ng garden ay nakaayos ito at naghihintay na ang judge na magkakasal sa amin."Hindi na akomakapaghintayna maging asawa mo."tanda kong sabi niya.Kaming pamilya lang ang nandun para maging witness.Hindi ko alam kung paanong nakabili si Anthony ng white dress habang lahat kami ay tulog na. Basta pagkagising ko ay nakahanda na lahat ng gamit ko mula ulo hanggang paa.
Narinig ko ang sigawan ng mga tao na mas lalo pa yatang lumakas. Napatingin ako kay Jamie at nakita ko siyang pababa na ng stage at inaalalayan siya ng ibang event staff.Bumalik ang tingin ko kay Anthony na ngayon ay nakaluhod pa rin sa harap ko. Bawat segundo na hindi ako sumasagot sa kanya ay mas nakikita ko ang kung anong panghihina sa mga mata niya.Nanginginig ang kamay kong inabot ang kamay niya na nakataas pa rin dahil sa pagpapakita niya sa akin ng singsing."Ayoko..." nakita ko ang pagbalatay ng sakit sa mukha niya at kaagad siyang yumuko. Sinalo ko ng dalawang kamay ko ang mukha niya at nagulat ako na
Last 2 chapters :( Thank you for sticking with me and my story all throughout. Alam ko na marami pa akong kakaining bigas pero salamat at hindi niyo ako binitawan. Thank you po!"Happy Birthday, baby!" kahit tulog pa ay hinalikan-halikan ko siya. Naririnig ko ang ungot niya na para bang naudlot ang kanyang antok at ayaw pa bumangon. "Wake up na! It's your special day!"Dumilat siya at agad na napangiti nang makita akong nakasuot ng party hat. "Good morning, Mama...""Gising na ba ang birthday girl?" pumasok si Anthony na dala ang isang maliit na chocolate cake at nakaturok ang isang kandila na kulay pink.
Lumabas na ako at kinausap siya. Nalaman ko na rito siya nag OJT para maging college teacher. Dati rin kasi na nagtatrabaho sa University na ito ang Papa niya."Wait ha. Text ko lang si Anthony." sabi ko at tumango naman siya. Gusto ko na ipinapaalam sa kanya lahat ng nangyayari sa akin. Walang lihim kahit maliit na impormasyon na kailangan niyang malaman.To: Baby AnthonyNakita ko si Austein dito sa school. Dito raw ang OJT niya.To: Baby AnthonyI got a perfect score sa unang exam. Sana magtuloy-tuloy.
Agad siyang napangiti sa sinabi ko at pinatakan ako ng halik sa labi."Thank you! Tara na sa baba. Nagluto na ako ng pagkain at babaunin mo. Sinobrahan ko na dahil marami kang gagawin mamaya." tumango ako at bumangon na.Itinaas ko ang dalawang braso ko at naglambing. "Tayo mo ako.""Ay ang babe ko, naglalambing." lumapit siya sa akin at binuhat ako paalis ng kama. Ineexpect ko ay ibababa niya ako at patatayuin na pero natawa ako nang deretso lang kaming lumabas ng kwarto."Wag na baka ano isipin nila M