Simula ng makaharap ni Matthew si Prim ay lalong dumalas ang pagpunta nito sa Trinity High. Malakas ang kutob niya na may kaugnayan siya sa mga triplets ni Ms. Watanabe. Hindi lang niya matyiempuhan na kausapin ng sarilinan ang babae. Maraming mga mata ang nakabantay sa kanila maging sa loob ng flower shop.
Nasa loob siya ng opisina ng oras na iyon at kausap si Zoren.
“Business partner ni Ms. Watanabe si Mr. Fernan Aguas. Pagmamay-ari niya ang Rosefields sa Tagaytay,” sabi ni Zoren.
“Tell me more about Mr. Aguas. Mas interesado ako sa kanya.”
“Mukhang manliligaw siya ni Ms. Watanabe.”
Ipinakita ni Zoren ang mga stolen shots ng dalawa habang papasok ang kotse niya sa loob ng isang hotel ngunit lumabas si Prim at pumara ng taksi.
“She is an amazing woman.”
“Anong plano mo,Sir? Ibabahay mo ba?”
“Kung ito
Prim set an appointment with Thea’s CL Teacher at kinausap sa worry ng anak niya at sa malaking conflict nito. Irregular family sila. Hindi pa niya nasasabi ang tungkol sa kanilang ama dahil komplikado ang sitwasyon nila. “What do you think is the best thing to do, Ma’am?” “I will try if they agree for a reshuffle of assignments.” “Yes, please. I know that Thea is running for honors and I do not want her to worry about this last project. I know her work attitude. She wants everything to be perfect.” “How about the boys, Ma’am? Do you have any concern?” Umiling ito. Isa lang naman ang ipinakiusap ni Prim, para lang sa grupo ni Thea. Paglabas ng CL Department ay nakita siya ni Troy at niyaya sa school canteen. Kaswal lang ang usapan. Palagay ang loob niya sa binata, sinabi niya ang totoo tungkol sa problema niya kumbakit siya nasa school. “Mahirap n
Hindi inasahan ni Prim ang tawag na iyon mula sa Guidance Office. Nagmadali siyang umalis sa opisina. Nasangkot si Matthias sa gulo. Hindi naman daw ito nasaktan. Siya pa nga itong nanuntok. Doon niya nalamang binu-bully na pala ang mga anak niya dahil lang kay Mr. Aragorn. Sinasabihan silang mga “nawawalang anak ni Mr. Aragorn.” “Do you know anything about this, Ms. Watanabe?” “Know, what? Pakipaliwanag po kasi 'di ko maintindihan. Anong kinalaman ko diyan?” “Your kids are close to Mr. Aragorn.” “Partly, I know they encountered Mr. Aragorn once during the Family Day?” “No, Ma’am. Not just once.” “What?” “Mr. Aragorn is fond of coming here after Foundation Day. He started coming and even become our judge in our storytelling contest. But we always see him talking to your children.” “And, what are you im
Matagal na rin pinag-iisipan ni Matthew ang hakbang na gagawin para makumpirma ang kanyang haka-haka tungkol sa mga bata. Gusto niyang malaman sa bibig mismo ni Ms. Watanabe kumbakit ganoon kagaan ang loob niya sa mga ito. Umiisip siya ng paraan ngunit inadya ng pagkakataon na mangyari ang lahat. Tinawagan ni Matthew si Matthias ngunit humihikbi ito sa kabilang linya. Naisip niyang pinagalitan ito ng kanilang ina. Ngunit hindi niya inasahang maririnig ang boses ng babae sa kabilang linya. Mukhang nalaman na niya ang tungkol sa cellphone ng mga bata. Si Prim mismo ang kumontak kay Matthew at nakiusap kung puwedeng magkita sila. Inaasahan na ni Matthew ang tawag na iyon. Nakaupo siya sa sopa at kasalukuyang umiinom. Niluwagan niya ang kanyang kurbata. Seryoso niyang tiningnan ang larawan ng mag-anak sa ibaba ng kanyang office table. “See you tomorrow, Ms.Watanabe.” Kakaiba ang ngiti ni Matthew.  
Nagkaharap ang dalawa sa bulwagan. Maganda ang palamuti sa loob. Maliwanag dahil sa mga bukas na chandelier sa gitna nito. Hindi pa masyadong nahihimasmasan si Prim. Very overwhelming ang lugar at wala siyang masabi sa accommodation ni Mr. Aragorn. This is how it feels to be with Mr. Aragorn. Hindi lang siya magaling sa pagpapadala ng bulaklak kundi pati sa pagpili ng magandang lugar. He has a good taste. Tumayo pa ang lalaki pagkakita sa kanya. “Have a seat.” At hihilahin pa sana ni Matthew ang upuan para sa kanya. “I can do it.” Ngunit hawak na ni Matthew ang upuan. Inalalayan pa rin niya ito. Tinanggal ni Matthew ang butones ng kanyang tux upang hindi ito magusot pag-upo niya. “Are you okay now?” tanong nito. “Let’s talk,” sabi ni Prim. Wala itong kangiti-ngiti sa labi. “Let’s eat first. Napagod ako.” Medyo hinilot pa ang kanyang kamay.
Pinakatitigan ni Matthew si Prim at hindi ito makapaniwala sa narinig. Masaya siya sa kumpirmasyong iyon. Ang mga batang pinapangarap niya ay nagkaroon na ng katuparan. Ngayon niya napatunayang hindi naman siya baog. Ngunit hindi nila maiiwasan ang malaking gulo dahil sa nangyari sa school ng mga bata. “You are making my kids suffer. Hindi sila tatawaging mga nawawalang anak ni Mr. Aragorn kung alam ko. Kung nagpakita ka sa akin noon, hindi ko mapapakasalan si Dea. I looked for you. For that span of three months, I swear hinanap kita. Pananagutan ko ang nangyari sa ating dalawa. But you throw me down into the pit of hell dahil hindi ka nagpakita.” “Because you are not part of my plan,” pag-amin pa ng kausap. Nakayuko na ito at nagpahid ng luha. “And besides, hindi kita kilala at gusto ko lang magkaanak.” “Paano kung gusto ko rin ng anak?” “Mr. Aragorn…”
Isa lang naman ang solusyon sa problema ni Prim. Magsabi lang ng totoo sa mga anak ngunit hindi ito magiging madali para sa kanya lalo na sa estado ng buhay ni Matthew. Hindi sila puwedeng magsama dahil may asawa na ito. Pero hindi rin naman iyon ang gusto niyang mangyari. Gusto lang niyang ipaalam sa lalaki ang buong katotohanan. Gusto rin niyang ipaalam sa mga bata kung sino si Mr. Aragorn sa buhay nila. Maagang nagpahatid si Prim pabalik ng siyudad. “Gusto ko nang umuwi, Mr. Aragorn.” Hindi na siya napigilan ni Matthew. Sinenyasan niya ang alalay at ang driver nito. “Siguraduhin ninyong iingatan ninyo ang aking mahal na reyna,” utos niya habang nasa gazebo siya. “Yes, Boss!” Sumaludo pa ang dalawa. Nagpaiwan si Matthew habang nag-enjoy sa magandang tanawin doon. Ayaw muna niyang bumalik sa Maynila. Wala naman siyang daratnan sa bahay. Tinawagan muna niya si Naomi at tinanong kung kumusta s
Inalalayan ni Matthew si Prim ngunit umiwas ito. Dumistansya itong bigla. Madaling araw umalis ang kotse ni Matthew sa farm. Biyernes na ng araw na iyon. Wala silang imikan sa loob ng kotse. Nasa magkabilang dulo sila ng back seat ni Prim. “Mr. Aragorn, pakihinto saglit ang kotse. Nasusuka ako. Nahihilo ako.” Nagsuka ang babae dala na rin ng pagod at puyat. Sumama ang pakiramdam nito. “Do you think you can drive later?” “Magta-taxi na lang ako pauwi.” “Prim, I am sorry about what happened.” “Mr. Aragorn, let’s not talk about it.” Tumahimik na lang si Matthew. Nag-aalala din siya sa kondisyon ni Prim hanggang sa makarating na sila ng Maynila. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Hinawakan niya ang kamay ng babae habang nakapikit ito at nakasandal sa backseat. “Okay lang ako, Sir. Ganito lang talaga ako lalo na kapag pu
Some ten years ago, as far as Matthew’s memory could remember, he once met that woman. Maganda ang simula ng araw na iyon kay Matthew. Maaga siyang gumising at binati ang umaga ng may ngiti sa labi. Excited siya sa kanyang marriage proposal that day. Today is the day! Hindi na niya palalampasin ang pagkakataon. Maraming beses siyang minalas. Lahat ay pawang wrong timing at hindi niya alam kung may bad omen ba ang mga araw na napipili niya kaya hindi natutuloy ang kanyang plano. Tinawagan niya kaagad si Dea. “Hi, Sweetheart! I’ll fetch you later. Make yourself beautiful and gorgeous for tonight. I have a surprise for you,” dinig ni Matt ang matinis na tili ng kasintahan. It’s a pleasant sound to his ears lalo pa’t galing sa kanyang minamahal. He really loved Judea Copper. Siya lang naman ang kauna-unahang Asia’s Top Model of the Year para sa
Matagal ang recovery ng mga tadyang ni Matthias. But the miraculously heal on its own. Hindi na kailangan ng surgery. After six months, Matthias is beginning to respond. Si Matthew ang mas madalas na dumadalaw sa anak dahil buntis na si Prim.Natapos na ang therapy ni Matthias. Parang walang bakas ng aksidente sa kanyang katawan. Normal na ang kanyang paglalakad. Hindi na niya kailangang i-wheelchair o kaya ay magsaklay. Clear na ang kanyang mga laboratory test.Nainggit siya sa maraming kasiyahan na hindi man lang siya nakasama dahil patuloy pa itong nagpapagaling.“Mommy, please go home!” Iyon ang mga unang salita ni Matthias sa ina ng magkamalay ito.Sa ospital nagpagaling si Matthias. Hindi siya iniuwi kaagad. Minabuti rin ni Matthew na matapos nito ang kanyang recovery period at maging ang kanyang therapy. Hindi nakahabol sa graduation si Matthias ngunit puwede itong sumabay sa gradu
“I love you, Matthew,” bulong ni Prim sa asawa. Pinagmasdan niya ito habang himbing na himbing sa kanyang pagkakatulog. Ni hindi ito nagmulat ng mga mata ng idampi nito ang kanyang labi sa kanyang pisngi. ”Pagud na pagod ang ang aking mahal na asawa!” Napangiti siya kay Matthew. Madaling araw kasing gising ang mga babies at ayaw namang tulugan ni Matthew ang mga ito. Nilalaro pa talaga niya ang mga sanggol na wala namang kamuwang-muwang sa oras. Aliw na aliw talaga siya. Sina Helen at Carol ang tumutulong sa pag-aalaga sa kanila kapag hindi nagising si Matthew sa sobrang puyat. May segment din si Matthew dahil first time niyang mag-alaga ng mga babies. Hindi pinalampas ng Teo at Thea ang mga stolen moments ng ama kasama ang kambal na lalaki ng mga Aragorn. Pinagtawanan siya habang pinag-aaralan kung paano bihisan ang mga sanggol. Takot na takot siyang buhusan ng tubig ang mga ito habang pinaliliguan. Pinandidilatan
Kinabukasan ay parang batang nagyaya si Matthew sa mga anak na maglaro ng Hide and Seek pero sa loob lang ng mansion. Gusto lang niyang libangin ang kambal. Maiba ang taya at si Teo ang naiiba sa lahat. Tuwang-tuwa ang kambal, first time nilang maglalaro ng tagu-taguan. Hindi nila magagawa iyon dahil dalawa lang naman sila at maliit lang ang buong bahay. Wala silang masyadong tataguan. Saka lang sila nakakapaglaro kapag dumating ang kanilang nakatatandang kapatid. “Kasali si Mommy?” tanong ni Thea. “Oo naman. Baka mamaya siya pa ang magturo kung saan tayo nagtatago ‘yung mga kasali. Isasama ko siya,” sabi ni Matthew. “Bakit mo ba ako idinadamay sa laro ninyo. Pagod ako.” “Halika na!” Nagsigawan ang kambal dahil gusto nilang sumama sa ina ngunit sinenyasan ni Matthew si Thea na isama ang kambal. “Let’s go and hide. Dali!” Tak
Hindi nagpaunlak si Matthew sa kahit na kanino upang magpa-interview sa kanyang ginawa para sa asawa. Ipinataboy niya ang mga media na sumadya mismo sa winery at hindi na pinapasok ang mga ito. Minabuti niyang dalawin ang mga anak sa tahanan ng ma ito sa Rivera. Ginamit niya ang buzzer. Pinagbuksan siya ng kasambahay ngunit nagtaka siya dahil walang bata ang sumalubong sa kanya. Tahimik ang buong bakuran. Napasilip pa siya dahil baka nagtatago lang. Madala kasing gulatin siya ng mga ito. Pinapasok pa rin naman siya sa loob. “Nasaan sila? Nasaan ang mga bata?” “Ay, Sir… umalis po sina Ma’am. Kasama po niya ang mga bata. Hindi po ba nagpaalam sa inyo?” “Saan nagpunta? Namasyal ba?” “Eh, may dala pong mga maleta.” Napatakbo si Matthew sa kuwarto nina Prim. Wala na ang mga damit ng mga ito. Tinungo niya ang kuwarto ng kambal ngu
Six months later… Nagulantang ang buong Kamaynilaan ng pumailanlang ang panawagan na iyon ni Mr. Aragorn. Kitang-kita sa malalaking LED billboards ang kanyang pagsusumamo kay Prim na patawarin na siya nito. Napahinto ang ilang mga sasakyan upang basahin ang isang tila mala-MMK na love letter ng isang CEO sa kanyang pinakamamahal na asawa. It is an open letter. It is a humble peace offering that he hoped, Prim would be able to reconsider. “Dear Prim, I know, I broke the promise I made. For an instant, I was a dumb. However, this dumbfool asks for your forgiveness. Forgiveness which may not even make you forget. But what I can do is to help you heal the wound I have caused you. I want to repair the wrong things I have done. I want to fill our remaining years with all the love that a man could give. It is only when I am with you that I make happy and beau
Dahan-dahang inalis ni Matthew ang pagkakaipit ng kanyang braso sa ulo ng kambal. Himbing na himbing ang dalawa. Dinig niya ang seryosong kuwentuhan ng mag-iina sa sala paglabas niya ng master’s bedroom. Naupo siya sa tabi ni Teo. “Pakihilot nga,” baling nito sa katabi. Nangalay ang kanyang braso kaya ipinamasahe niya ito sa anak niyang binata. Nasa sala sa ikalawang palapag ang mag-iina at nagkukuwentuhan. “Kumusta naman ang tulog mo, Mr. Aragorn?” nakangisi pang tanong ni Prim sa asawa. Umiling ito. Hindi niya inasahan ang nangyari. Kasalukuyang paakyat naman si Thea dala ang miryenda. Nagpaluto si Prim ng ginataang bilo-bilo. Susubo pa lang si Prim ay narinig na niya ang sigaw ng kambal. Natigilan si Matthew ngunit sina Teo at Matthias ang nagpunta sa kuwarto upang kunin sina Marcia at Mitchell. Dinig ni Matthew na siya a
Wala sa sarili si Prim ng umagang iyon ng pumasok siya sa Eufloria. Magkahalong kaba ngunit may saya sa puso niya ng muli silang magniig ni Matthew. Biglaan lang ang lahat at hindi niya inasahan. Matinik pa rin ito sa babae at hindi naman siya makatanggi. Nanaig pa rin ang kanyang pagiging asawa dito. “Patawarin mo ako, Prim. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo at sa mga bata. Inaamin ko dahil masyado akong nagpadala sa selos. Nagalit kaaagad ako. Baka puwede mo akong bigyan ng huling pagkakataon upang patunayan sa iyo na mahalaga ka sa akin at ang mga anak natin.” “Puwede pa ba tayong magsama?” “Puwede pa kung mpapatawad mo ako. Magtiwala ka sa akin.” “Kahit magtiwala ako ng isang daang beses sa iyo kung hindi ka marunong magtiwala sa akin, magtatagal ba tayo?” “Prim, patawad! Patawarin mo ako.” Nakaluhod si Matthew sa harapan ni Pr
Pumayag na rin si Maxine na kunin ang isa sa kambal ni Prim upang magkaroon sila ng anak. Hindi naging matagumpay ang surrogacy nila sa ibang bansa. After trying for three years ay bumalik na lang sila sa Pilipinas. Akala ni Prince ay madali lang ang procedure ng surrogacy tulad ng ginawa kay Prim ngunit nakapag-isip-isip siya na hindi naman surrogacy ang kaso ng babae noon. Iyon lang ang pinalabas ni Dea upang pagtakpan ang kanyang pagkukulang. Muli siyang binuntutan ng dating gunman. Muli rin itong nagpakita sa kanya kaya nilimitahan na niyang muli ang paglabas ng umaga. Sinikap niyang hindi siya makikilala kapag lumabas siya. Pinuntahan ni Prince si Prim sa Eufloria upang pagbantaan na kukunin ang isa sa kambal. Gulat na gulat ang babae ng makapasok ito sa flowershop. “Nice to see you again, Prim.” Ibinaba nito ang kanyang red cap. “Sinong may sabing puwede kang umak
Hindi nagtagal si Matthew sa Japan. Bumalik din siya kaagad matapos sabihin ni Jude na pupunta ito sa mansion. Dala na nito ang kompletong report ng kasong pinaiimbestigahan niya. “Masyado ka namang busy ngayon ha! That’s good. Atleast, hindi ka mukhang problemado.” “Malaking problema dahil nakita kong bumalik na si Prince at Maxine.” “Si Prim na lang ang intindihin mo. Hayaan mo na ang kapatid mo. May sarili na rin siyang buhay.” “Exactly, let’s see what we got here.” Inilapag ni Jude ang folder sa ibabaw ng mesa. Nagkatinginan silang dalawa at nanatiling tahimik. “Nandito ang kompletong report ng Crime Lab at ng mismong ospital na sumuri sa katawan ni Mrs. Mia Aragorn. Read it for yourself. Madaling intindihin ang mga iyan. Puwede ko ring ipaliwanag kung gusto mo.” Hinigpitan ni Matthew ang hawak sa folder. Mahalagang mala