Malakas na nauntog ang ulo ni Anika sa dibdib nito kaya halos mahilo ang dalaga.At ang mga basong hawak niya. na may laman ng alak ay natapon din mismo sa dibdib ng dalaga kasabay nanh paghampas ng mukha niAnika sa katawan ng lalaking tiyempong natumbahan niya.Yukong yuko si Anika dahil inisip niyang baka isa iyong sa mga lalaki sa loob ng silid iyon at baka makilala siya.Halos manginig si Anika sa takot.Ang manager naman ay tila namutla nang mapasulyap sa lalaking nabunggo ni Anika. Pagkatapos ay bigla na lang kinakitaan ito ng takot ang mukha."Naku Sir Lyndon, Pasensya na po. Pasensya na po sa katangahan ng aming mga alaga. Pasensya na talaga" sabi ng manager na walang tigil ng paghingi ng pasensya.Bigla na lamang nanigas si Anika ng marinig kung sino ang taong natumbahan niya.Naramdaman ni Anika na ang tray na hawak niya ay hinablot ng lalaki at inabot iyon sa manager."Kunin mo ito" utos ni Lyndon.Ang maotoritibong boses nito ang lalong nagpalambot ng tugod ni Anika.Biglang
Maraming bisita sa pasilyo at tinitingnan nila si Anika na parang anghel na bumaba sa lupa. Kumaway siya ng kanyang mga kamay upang simpleng batiin ang mga naroroon ngunit agad siyang nahawakan ni Warren."Wala ka bang kahihiyan!?" Paangil na sita nito sa kanya" Mabilis na kumilos ang dalaga habang ang mga estrangherong bisita sa ibang partido ay nag-unat ng kanilang mga kamay upang hatakin siya papasok sa loob. "Ano ang ginagawa mo? Sawa ka na ba sa buhay mo ha?" Muling sita ni Warren. at hinawakan ni Warren ang buhok ni Anika."Pinipilit mo akong gawin ito. Hinahamon mo akong babae ka, pwes makikita mo ngayon ang hinahanap mo" banta nito.Hindi alam ni Anika kung saan nanggaling ang lakas niya dahil itinulak pa rin niya si Warren palayo. Sinimulan niyang pagdiskitahan ang mga waiter at bisita sa paligid niya.Nang lumapit si Lyndon, saktong nakaangat na ang kamay ni Warren para sampalin si Anika, isang malakas sa puwersa ang lumapat sa mukha ni Anika kaya nawalan ng balanse an
One year Ago...Madilim ang buong paligid, tanging liwanang ng tila malamlam na ilaw sa sulok ng silid na iyon ang makikita. Habang ang isang dalaga ay nangiginig ang tuhod sa kapalarang naghihintay sa kanya.Bagamat hindi tiyak ng babae ang kapalaran at balot ng takot ang kanyang dibdib sa posibleng maganap nang gabing iyon, walang choice ang babae kundi gawin ang nararapat isinapuso na lamang niya na ang dahilan kung bakit siya naligaw sa bar na iyon ay napakahalaga.Walang ibang hangad ang kanyang puso kundi ang magtagumpay nakasalalay nang gabing iyon ang kaligtasan ng kanyang kapatid.Bago umapak ang kanyang mga paa sa mamahaling club na iyon ay ipinagpasa diyos na lamang ng babae ang kanyang kapalaran sinuman at kung ano man ang maganap sa sandaling iyon ang mahalaga ay makalikom siya ng sapat na salapi para makabayad sa ospital at mailabas ang kapatid na naratay doon ng halos isang buwan.Para sa babae, hindi na mahalaga ang sarili niyang buhay at kaligayahan. Mas mahalaga sa
Si Lyndon ay kasalukuyang naglalaro ng kanyang kamay na may hawak na sigarilyo, nakatingin sa mukha ng babaeng lumapit sa kinaroroonan niya. Mayroon itong natatangong katangian at napakaganda sa lahat ng dako."Gwapo siya, totoo naman." Bulong ng isip isip ni Anika.May isang taong yumuko upang magsindi ng sigarilyo para kay Lyndon at inilagay nito ang kanyang kamay sa kanyang binti."Ikaw ang magsindi Anika bilis," dali-daling ibinigay ni Jino ang lighter sa kamay ng dalaga."Anika, ano ang ginagawa mo? Sindihan mo na ang sigarilyo?." Kinuha ni Anika ang lighter dahil sa patuloy na paghihikayat ni Jino."Si Sir Lyndon ay tiyak na makakatulong sa atin ngayon at sigurado ako na maliligtas niya ang iyong kapatid."Ang pangungusap na ito ay matagumpay na nagtulak kay Anika sa para lumapit sa harap ni Lyndon. Yumuko siya at inilagay sa bibig ni Lyndon ni ang sigarilyo.Kinagat naman ito ng ng binata ang dulo gamit ang kanyang mga ngipin. Sa sandaling ang lighter ay malapit nang maabot a
Habang nakatanaw sa labas ay tomonog ang telepono ni Anika sa kanyang bulsa. Dalawang beses niya itong kinuha at tiningnan, isang mensahe ang lumitaw."Magpunta ka rito." Nanlaki ang mga mata ni Anika habang tinitingnan ang pangalan ng taong nagpadala ng mensahe sabay sulyap sa taong nagmamaneho sa tabi niya."Guwapo si Jino at may magandang pinagmulan, ngunit hindi siya karapat-dapat kay dito. Kung malalaman ni Jino ang nakaraan na natulog na siya sa kama ni Lyndon ay tiyak na aayawan siya nito at magiging hul ina sng lahat para dito"sabi ni Anika sa sarili."Jino paki baba na lamang muna ako dyan sa tabi" Biglang nagsalita si Anika kaya nagulat ang katabing kaibigan."Bakit?"gulat na lingon sa kanya ni Jino."Gusto kong maglakad-lakad mag-isa sandali, " paliwanang niya. "Hindi pwede! Paano kung makaharap ka ng manyakis sa kalagitnaan ng gabi?" "Sige na, kailangan ko lamang magisip. Wala rin namang silbi ang pag-uwi agad. Kailangan kong makahanap ng ibang paraan.Hindi ko kayang
Pinakatitigan ni Lyndon ang babaeng hindi napakali sa harap niya. Ang kanyang mga mata ay napako sa maamong mukhan nito. Nang magsawa ay naglakbay ang mga mata ni Lyndon mula sa kurba ng ilong nito hanggang sa linya ng mapupulang labi pababa sa kurba ng dibdib at kurba ng katawan.Nakita na niya na ang ganda ng katawan nito maging ang kaakit akit na alindog. Ang babae ay ang tipo na kayang magpataob ng isang batalyon sa ngiti pa lamang nito. At ang ganda ng katawan nito ay ang klase na pinapangarap madalas ng mga lalaki sa kanilang kama"Balasahin mo ang baraha." muling utos ni Lyndon saka kampanteng isinandal muli ang kanyang mga likod sa sofa.Natutuwa siya sa nakikita pero hindi maiwasang mayamot siya sa kilos ng babae. Si Anika ay nakasuot ng maiksing damit ay kinuha ang baraha ngunit sa kanyang pagkuha ay hindi inaasahan na mapataas ang kanyang damit kung kayat na expose ang bahaging tiyan ni Anika.Nakita iyong ni Lyndon at pilyong hinawakan ang dalaga sa mismong parte ng bewang
Hindi nagawang matulog ni Anika ng gabing iyun, ginigising kase siya ng kanyang mga bangongot palagi. Samahan pa ng kanyang mga pangamba.Sa totoo lang natatakot si Anika na matulog dahil baka pag gising niya kapag sumikat na ang araw ay magising siya na ang kanyang kapatid na babae ay tuluyang pumikit habang buhay.Kinaumagahan ay inasikaso niya si Angela, hindi pa kase umuuwi anh kanilang ina. Madalas itong sagad sa trabaho at nag oovertime. Panggabi ang trabaho nito at kadalasan hapon na kinabukasan ang uwi at dahil pagod ay nakakatulog agad.Kaya ng araw na iyong ay magisa niyang inasikaso si Angela, pagkatapos ay nagtawag siya ng taxi at isinakay ito. Dinala niya ang kapatid sa isang mamahaling western restaurant.Hindi mapakali si Angela, hindi niya malaman kung saan ilalagay ang mga kamay at paa hanggang sa umupo na sila sa lamesa. Napakagara kase ng lugar at nakakailang pumasok.Ang malamyos na tunog ng piano ay kaaya aya sa pandinig ni Angela ngunit ng muli niyang igala ang
Naiyak na lamang si Anika.Hindi pa ito nangyari sa kapatid niya kaya takot na takot rin marahil si Angela.Naghagilap ng taong mahihingian ng tulong, nakita niya ang waiter na nakamasid lang sa gilid niya."Pakiusap, tumawag ka ng ambulansiya..Sige na tumawag ka ng tulong, bilis..!" pakiusap ng dalaga. Isang babae at isang lalaki ang dumaan. At nakitang halos mangisay at tumirik ang mga mata nii Angela.At mas naging mas matindi ang pagwawala nito.At halos naglalaway pa nga ang bibig.Nandiri ang babaeng kasama ng dumaan.Kaya tinakpan nito ang kanyang bibig.At ilong. At saka nagsalita ng hindi kanais nais."Ano ba naman yang itsura na yan. Nakakadiri. Nakakawalang gana kayang kumain dito. Bakit hindi niyo ilabas yan dito?Nakakagambala eh nakakawalang gana" sabi ng babae. Pagkarinig niyon ay nagmamadali naman si Anika na hinubad ang kanyang suot na blazer At itinakip sa ulo ng kanyang kapatid para hindi na ito makagambala pa sa mga nakakakita.Nang mga sandaling iyon, isang boses ng lala
Malakas na nauntog ang ulo ni Anika sa dibdib nito kaya halos mahilo ang dalaga.At ang mga basong hawak niya. na may laman ng alak ay natapon din mismo sa dibdib ng dalaga kasabay nanh paghampas ng mukha niAnika sa katawan ng lalaking tiyempong natumbahan niya.Yukong yuko si Anika dahil inisip niyang baka isa iyong sa mga lalaki sa loob ng silid iyon at baka makilala siya.Halos manginig si Anika sa takot.Ang manager naman ay tila namutla nang mapasulyap sa lalaking nabunggo ni Anika. Pagkatapos ay bigla na lang kinakitaan ito ng takot ang mukha."Naku Sir Lyndon, Pasensya na po. Pasensya na po sa katangahan ng aming mga alaga. Pasensya na talaga" sabi ng manager na walang tigil ng paghingi ng pasensya.Bigla na lamang nanigas si Anika ng marinig kung sino ang taong natumbahan niya.Naramdaman ni Anika na ang tray na hawak niya ay hinablot ng lalaki at inabot iyon sa manager."Kunin mo ito" utos ni Lyndon.Ang maotoritibong boses nito ang lalong nagpalambot ng tugod ni Anika.Biglang
Sanay na ni Anika na maalat ang palkitungo ng mga kasamahan. Ang mga babaeng nagtatrabaho sa club na yon ay hindi maganda ang pakikitungo sa mga babaeng pakiramdam nila ay mas maganda sa kanila.Lalong lalo na kapag ang babaeng yon ang pinaka sikat malakas kumita sa kasalukuyan. At sa mga gabing nagdaang iyon ay si Anika ang naging apple of the eye ni Madam Wendy at ng mga VIP costumer. At dahil doon pinagiinitan si Anika ng mga ibang babae sa club.Para sa mga ito dahil malaki ang kita ni Anika kesa sa kanila ay inaagaw ni Anika ang grasya kada gabi kaya parang naging tinik si Anika sa lalamunan ng lahat ng mga babaeng naroon.Dahil hindi lamang maganda si Anika para sa lahat.Siya sin ang pinakaseksi , pinakasariwa at may pinaka nakakaakit na mukha.Ang manager ng club nang sandaling iyon ay binuksan ang pinto ng kanilang pahingahan at tinawag si Anika."Aika, halika lumabas ka riyan nirerequest ka bg costumer" sabi nito.Nakabusangot na tumayo si Anika.Pero wala siyang karapatan
Naalala ni Julian na wala namang schedule si Lyndon ng kahit anong get together sa mga kaibigan nito. Wala itong mga kaibigan na makakasama at makaka inuman kaya't ipinagtaka iyon ng lalaki.Kaya naman napatanong si Julian sa amo."Sir gusto niyo bang tawagan ko ang ilan niyong mga kaibigan para may kasama kayo pagpunta roon.Wala kasi kayong ipina schedule sa akin tungkol dito"Sabi ni Julian."Hindi, Ayoko.Gusto ko ako lang mag isa" Seryosong sabi ng kanyang amo.Sa tagal na nagmamaneho at nagtatrabaho ni Julian sa kanyang amo ay mukhang alam na niya ang dahilan.Mukhang iisa lamang ang dahilan kung bakit nais magbalik doon ni Lyndon.Nang makarating sa club ay medyo napamaaga sila ng dating. kadalasan pag dumarating doon si Lyndol ay halos puno na na ito ng mga tao at halos napakaingay at napaka usok na.Isa sa mga lalaking manager ang agad siyang nakilala at lumapit sa binata at binati siya."Sir Lyndon, magandang gabi. Mabuti at napasyal kayo ulit. May mga nakahanda na pong silid sa
Nag atubili si Gwen sa pagsagot.Tinitigan si Lyndon at inalam ng dalaga kung may duda sa mga mata nito.Nang wala siyang makita lahit na anong pagdududa ay itinuloy ni Gwen ang pagsisinungaling."Oo naman, binigyan ko siya ng marami. Sobrang dami na sasapat para maiinom ng kapatid niya hanggang sa ang gamot ay maging available na sa mga botika at sinabihan ko siya na kung sakaling maubos at wala pa sa merkado ay magpasabi lamang siya" Pagsisinungaling ni Gwen pero naging mailap ang mga mata.Nagkunwaring hinimas ang mga kamay ni Lyndon para itago ang pagkabalisa ng mga mata niya."Ganun ba?Mabuti naman" Maiksing sabi ni Lyndon."Kahit papaano ay matatahimik na tayo at hindi tayo gagambalain ng babaeng iyon.Gusto ko lamang na sayo siya humingi ng gamot upang mapanatag ka na gamot lang ang nais niya at para na rin humingi siya ng tawad sa iyo." Paliwanang pa ni Lyndon.Nakayuko si Gwen kaya hindi na nakita ni Lyndon ang pagtalim ng mga mata ng babae at ang ngiting paismid ng dalaga.Hind
Nagkataon na ang driver na nasakyan ni Anika ng gabing iyon ay mabuting tao at naging tapat ito sa dalagang pasahero."Ineng, napakarami nito.Hindi niyo ako kailangan bayaran ng ganito kalaki" sabi ng lalaki."Manong, sa kalagitnaan ng gabi kayo ho ay nagtatrabaho at nagpapaka kuba sa pagmamaneho.Pasasalamat Lang ho yan dahil hinahatid ninyo kaming mga pasahero ng ligtas" yun na lamang ang sinabi ni Anika.Naguguluhan man at nalilito ay hindi na kumibo pa ang driver.Inayos ni Anika ang kanyang damit.Pagkatapos ay tumingin na sa labas ng bintana. Hindi ganun kadali para sa kung sino man ang mabuhay ng patas.Tulad na lamang din ng driver na kausap niya ngayon na kahit matanda na ay kinakailangan pang maghanap buhay para lamang maging patas at kaaya aya sa paningin ng iba.Ang mga ilaw sa daan ay hindi masyadong maliwanag, parang ang buhay niya tila laging malamlam.Ang driver ng taxi ay pasimpleng sumulyap sa babaeng sakay niya.Pansin ng matanda na iba ang babae kaysa sa mga babaeng m
Matapos ilabas ang lahat ng sama ng loob.Naglakad si Anika palayo sana sa lugar na yun. Pero ang lalaking palaging nagdadala sa kanya ng mga gamot ay nakita niyang naghihintay muli sa sasakyan tulad ng dati.Nang makita siya nito ay agad itong lumabas ng kotse naglabas ng sigarilyo at nagsindi.Matapos ang ilang hithit ay lumapit ito sa kanya.Hindi naman na nagulat pa si annika At alam na ng dalaga kung ano ang pakay nito."Asan ang pera?Tanong nito.Pero hindi na hinintay pa na sumagot pa ang dalaga agad itong hinablot ang bag na hawak ni Anika At kinuha roon ang pera.Lumapas ang ngiti ng lalaki ng makitang maraming laman ang bag ng dalaga.."Wow,kung ganito ba ng ganito gabi gabi eh di hindi nakakapagod magpunta dito" sabi ng lalaki na kuntento sa salaping nakita."Iba ka talaga.Gabi gabi kang tiba tiba.Oh eto na ang gamot mo" Abot sa kanya ng lalaki.Agad naman ano yung kinuha ni Anika iyon dahil para sa kanya yun lamang ang mahalaga.Kakalagay lamang ni Anika ng gamot sa kanyang
Magsasalita na sana si Lyndon at sasabihinng ipagsalin pa siya Anika ng alak dahil hindi pa siya tapos sa dalaga ng tumunog ng dalawang beses ang telepono na ng binata.Kinuha niya iyon at nakita niyang may mensahe sa messenger si Gwen."Bakit hindi ka pa umuuwi?" Iyon ang mensahe ng dalaga.Ang ilaw sa screen ng kanyang cellphone ay mas maliwanag pa kaysa sa ilaw sa loob ng pribadong silid kaya napansin ni Anika na medyo gumaan at nag relax ang kilay ni Lyndon kaya't iniisip ni Anika na posibleng si Gwen ang nagpadala ng mensahe.Dinampot ni Lyndon ang telepono at sinagot ang mensahe ni Gwen. sinabi niyang meron pa siyang appointment.Sinabi ron ng binata na mauna na itong matulog pero mulign tumunog ang messenger."Hindi ako makatulog.Natatakot ako pag wala ka sa bahay. Bumalik na na dito" sagot ni Gwen sa mensahe niya."Ano bang kinakatakot mo?""Takot ako sa mga multo" Sabi ni Gwen.Bumunting hininga ang binata.Hindi na alam ni Lyndon kung papaano sasagot sa mensaheng iyon ni Gwen.
"Aba, Tila kalabisan naman ata ang iyong pagkasakim. Hindi mo man lamang pinalapit si Duke sa babae. Mukhang malinaw ang ibig sabihin nito" sabi ng isang ginoo.Halos lahat ng naroon ay ipinagpalagay na interesado si Lyndon sa babaeng katabi pero lahat yun ay itinanggi ni Lyndon ng magsalita ang binata."Sino ang nagturo sayo na magsilbi ng ganito" Sabi ni Lyndon."Gawin mo ng mahusay ang trabaho mo" Nang marinig iyon ay biglang tumayo si Anika at umupo sa harapan ni Lyndon saka lumuhod sa kanyang paanan..Pagtayo ng dalaga ay agad niyang kinuha ni ang bote ng alak at tinimpla ito.Natutunan niya maghalo ng ibat ibang inumin at natutunan niya iyon ng ganun kabilis.Kabisado na ni Anika ang ganung mga galawan.Ang ginagawa ni Anika ng mga sandaling iyon ay kamangha mangha.Nang makita naman ni Madam Wendy na mukhang kursonada na ng kanyang VIP si Anika ay umalis na rin ito dahil hindi naman ito maaaring manatili lamang doon sa silid dahil may iba pa rin itong customer na kailangang asik
"Mawalang galang po mga ginoo. Ang babaeng katabi niyo ay hindi prostitute. Siya ay nagtatrabaho lamang dito bilang kompanyon. At katable ng mga manginginom. Hindi kasama sa kanyang trabaho. Ang iba pang gawain" Pagtatanggol ni Madam Wendy sa dalaga."Talaga..!!!" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Lyndon at pagkatapos ay matatalim na tingin ang ibinigay kay Madam Wendy.Natakot naman ang babae sa titig na iyon ni Lyndon kaya't hindi na nag aksaya pa ang babaeng magpaliwanang ang matanda "Kailanman lamang kase niyang kumita ng dagdag kaya siya narito" yun na lamang ang nasabi ni Madam.Isinubo ni Lyndon ang sigarilyo sa kanyang bibig pero hindi iyon sinindihan pagkatapos ay agad niyang sinulyapan si anika."Ano ba ang iyong pangalan?Kunwari ay tanong na Lyndon kaya Anika.Hindi malaman ni Lyndon kung bakit ganun ang kanyang naging tanong.Na kung tutuusin ay alam naman niya ang pangalan ng dalaga. Pero parang para kay Lyndon. Gusto niyang subukin kung hanggang saan kayang magpangg