Walang idea kung sino ang taong iyon na dumating ay humakbang si Anika patungo sa pinto at binuksan iyon.At nagulat siya ng makitang si Lyndon ang nag doorbell na iyon mula sa labas. Ang mukha ni Anika ay bigla na lamang nagbago at nangapal.Namutla ang dalaga at halos naninigas ang mga panga."Ano ba ang gustong mangyari ng lalaking ito?Gusto ba talaga nitong mamatay na siya sa takot?" sabi ni Anika na halos nanigas na sa kinatatayuan at pati ang mga labi nya ay hindi na nagawang maisara."May problema ba?bakit ka bumalik?" Pabulong na tanong ni Anika."Nagtatanong ka pa? Siyempre dapat ay ihatid mo ako sa ibaba" sabi nito."Ano! Bakit?" Tanong ni Anika, parang iniisip niya na baka nagkamali lamang siya ng dinig.Sakto naman ang mga sandaling iyon ay lumapit na ang ina ni Anika at nakita na ang bisita ng anak ay ang gwapong lalaking minsan nang nagpunta sa kanila. Kaya naman natuwa ang kanyang ina at halos mataranta."Anika bakit mo hinahayaang nakatayo lamang ang iyong bisita sa lab
Humakbang na si Anika pababa ng hagdanan. Pero pinigilan sya ni Lyndon at hindi man lang binitawan ang kanyang balikat.Natakot kasi si Lyndon, paano kapag bumaba si Anika At magulat ang mga daga at pagkatapos ay tumakbo ito paakyat at palapit sa kanila. Ano na ang gagawin niya? Hahayaan kaya siya ng dalaga na kagatin ng mga daga."Mabuti pa kaya ay tawagan ko ang kanyang assistant ko para tulungan tayo" Tanong ni Lyndon kay Anika."Ano ba? para daga lang, mangiistorbo ka sa ganitong oras? gusto mo pang magtawag ng ibang tao.Para ano? para makita tayong ganito?" Inid niyang sita."Sige! Katulad ka rin ng mga yan.Kaya dapat ikaw talaga ang in charge para paalisin yan.Bahala ka basta hueag mobg palalaputin sa akin ang mga yan" utos ni Lyndon.Alam mo sir Lyndon, Hindi na nakakatuwa yung mga salita mo. Napakasakit kung magsalita. Hindi ba ako tao sayo?So, daga pa lang ang turing mo sa akin hah!" May pagdaramdam na sabi ni Anika.Nang mga sandaling iyon ay muling nabuhay ang poot niya sa b
"Tama ka naman eh, tama ka naman sa mga sinabi mo kaya't huwag kang mag alala. Magiging malugod ako palagi,kung sa darating ng panahon ay susulpot ka ulit dito" Sabi ni Anika na may himig na pagdaramdam sa kanyang tono.Bigla namang kumunot at nagsalubong ang mga kilay ni Lyndol at pagkatapos ay inutusan ang kanyang driver na umalis na sa lugar na yon.Mabilis naman na isinara ni Juliang driverang pinto ng sasakyan at sa pamamagitan ng madilim na salamin ay nakita pa ni Lyndon si Anika na nakatayo pa rin doon at hindi man lamang gumagalaw.Samantala sa loob naman ng bahay ay naalala ni Angela na ang ate niya na biglang bumaba na naka white gown lang kung kaya't agad agad namang bumaba ang nakababatang kapatid ni Anika bitbit ang isang makapal na jacket para sa kanyang ate.Nakita niyang nakaalis na ang sasakyan ng bisita nito At nagulat siya kung bakit naroon pa rin ang kanyang ate. Lumapit si Angela at dinampot ang tsinelas na malapit sa paanan ng kanyang kapatid."Ate bilis suotin m
Makalipas ang halos isang linggo binuksan ni Anika ang drawer at nakitang ang naiwan lamang doon ay ang huling kahon ng gamot. Hindi siya nangahas maghintay hanggang sa matapos ang gamot kung kaya't agad na nagpanic ang dalaga.Plinano ni Anika na bago pa man iyon maubos ay pumunta na siya kay Lyndon dahil natatakot siyang muling bumalik sa dating katawan ang kapatid.Bago iyon ay tinawagan muna ni Anika si Lyndon para sigurado. Ayaw na niyang maulit ang nakaraang nagpunta siya ng walang pasabi at inabutan doon si Gwen.Patuloy na kinukumbinsi ni Anika ang sarili ba okay lang ang lahat na magpapatuloy na maayos ang lahat. Maya maya ay may sumagot na boses ng lalaki mula sa kabilang linya.Bose iyon ni Lyndon."Hello, Mister Lyndon" Nagpakumbaba at mahinahon ang ginawang tono ni Anika."Gusto ko sanang humingi ulit sa iyo ng ilang kahon ng gamot" deretso niyang sabi."Ah, ang gamot kasing nasa bahay ngayon ay ilang araw na lang bago maubos""Wala na ang gamot" Sagot ni Lyndon sa kabilan
"Hindi ba't hindi ka pumayag ng gabing yun at nagalit ka pa nga?"Dahil yun sa wala naman akong karapatang tumanggi hindi ba? Narinig niya ang malalim na buntong hininga mula sa kabilang linya."Please naman Mister Lyndol. Susundin ko ang pakiusap mo na yun.Magiging available ako para sayo, sa pangangailangan mo paghuhusayan ko pa jung gusto mo. Sa anumang oras kahit saan basta bigyan mo lamang ako ng gamot.Tulungan mo lamang ang kapatid mo" labis na pakiusap ng dalaga.Mababa ang boses ni Anika ng sandaling iyon na may pagpapakumbaba."Pero miss Anika sinabi ko yun nung gabi pero kinabukasan ay hindi na ako naging interesado pa sayo. Wala na akong interest sayo .Kaya tapos na ang deal na ito" Sabi ni Lyndon kay annika."Hindi please....Maawa ka Pakiusap...." Tuluyan ng lumuha si Anika at muling napahigpit ang hawak ni Anika sa telepono pinipigipang humagolhol sa harap ng telepono habang malalim ang hugot ng bawat hininga at dinig lahat iyon ni Lyndol kaya't napahigpit rin ang hawak
Pagkatapos mag doorbell ay binuksan na rin ni Anika ang gate,himalang wala na ang mga aso.Dumeretso ng pumasok ang dalaga.Nakaabang na sa kanya ang isang matandang katulong si manang Susan, ang yaya ni Gwen. Nang pumasok si Anika ay tila ba inaasahan na nito na darating siya.Nang sandaling pumasok si Anika sa pinto ay agad niyang nakita si Gwen na nakaupo sa kanyang wheel chair sa di kalayuan. Nagkusa na siyang kumustahin ang babae pero tinaasan lamang siya ng kilay ni Gwen hindi man lamang ngumiti bago ito nagsalita."Aba nakapagtataka naman.Bakit parang malayang malaya may nagpapayaot parito sa bahay na ito, hindi ba nakakapdgtaka Miss Anika" Sarcastikang ang tanong sa kanya ni Gwen.Sa pagkakasabing iyon ay napahinto sa paghakbang si Anika at nanatiling nakatayo na lamang sa pintuan.Hinubad niya ang kanyang sapatos at naghahanda na sanang pumasok ng magtaas ng boses si Gwen."Yaya, abutan mo nga ng dalawang pares ng tsinelas ang bisita.Baka kasi magdumi ang sahig at kumalat ang
Nang pumasok na si Lyndon sa loob ng bahay ay hindi na siya nagtaka na makita si Anika na naroon sa bahay niya.Iba talaga ang dedikasyun ng babae.Naglakad siya at nilagpasan ang dalaga at nagtuloy at lumapit sa kinarorooonan ni Gwen."Kamusta ang araw mo ngayon?Masaya ka ba? Uminom ka ba ng iyong mga gamot?" Malumanay At malambing na tanong ni Lyndon.Tila naman kinurot ang puso ni Anika sa ginawang iyon ng binata kaya inilayo niya ang tjngin at naituyok sa mga pigurine at libro sa shelves. Para kay Anika, Isang patunay lamang ang nakita ngayon na para sa mga ito ay isa lamang siyang laruan na pwedeng isantabi kapag hindi na kailangan at damputin kapag may pakinabang.Kaya pala sinabihan siya ni Lyndon na puntahan si Gwen ay para pasayahin ito at hindi para tulungan siyang makakuha ng gamot.Bagamat mabigat sa kalooban ng dalaga ang katotohanang nakita ay wala siyang magawa. Naroon na rin naman siya kaya't gagawin niya ang lahat para makumbinsi ang mga itong pagbigyan siya na makak
Pinanood naman siya ni Lyndol na may malamig na mga mata si Anika kahit muntikan na itong mahulog."Minsan kitang sinabihan na umakyat sa kama na yan noon At ginawa mo naman.Ngayon ay hindi mo na gustong sumampa pa ulit sa kama ko.Hindi ka na ba komportable? Tama ba?" Sumbat sa kanya nung LyndonTiniis ni Anika ang sakit sa mga binti kasama na ang sakit sa puso at kaluluwa. Bagamat nahihirapan at nananakit na ang mga paa, taas noong tinitigan ni anika ang binata."Sa tingin mo ba?Papayag ako papayag akong sumiping sayo sa kama.Kung hindi dahil sa gamot ng kapatid ko."Ano..!?" Tila nagpagting ang tenga na Lyndol sa narinig sa dalaga.Biglang nakita nibAnika ang pagdilim ng mukha na iyon ni Lyndon.Pero nangpakatatag ang dalaga.Ang puso ni Anika ay namanhid na para bang tinarakan ng malaking punyal at halos wala na siyang maramdaman."Malakas ba ang loob mo.Akala ko ba ay nakahanda kang gawin ang lahat para sa gamot""Ngayon na ang desisyon ay naipagkatiwala mo na kay Miss Gwen, At ang
Nagbago ang mood ni Anika, ngunit kung para sa gamot, wala siyang magagawa at wala siyang katapatang magreklamo.Napakulot na lang ang sulok ng labi ni Anika."Ah okay sige" sagot na lang niya.Maari na siuyng gumalaw ng malaya at magplano.Hindi na niya kailangang magmakaawa kay Lyndon, o kaya kay Gwen.At sa madaling salita, makakapagisip na siya kung paano naman tatakasan si Lyndon.Kinaumagahan, sumikat ang araw at sumisilap sa mga siwang ngalaling dahon ng puno na nangsusulot ng isang pagasa. Inihatid ni Yaya susan si Gwen sakay ng wheelchair nito sa pintuan. Tinitingnan ng matanda ang mga patak ng dugo sa wheelchair, na natuyo na lamang doon. Pinakatitigan din niGwen ang patak ng dugo."Yaya, kilaal mo na kung sino ang babaeng nagpunta kay Lyndon noong nakaraang gabi?" tanong bigla ni Gwen."Nagdala ng isang pitsel ng tubig si Yaya Susan saka bumulong kay Gwen."Tinanong ko na ang tungkol sa babaeng iyon at ang sabi, ito daw ay isang hostes mula sa pangmayamang club na pinupin
"Gusto ko lang sabihin na gusto ko pang mabuhay!" Sabi ni Anika.Tumayo siya at niyakap si Lyndon mula sa likuran. Ang likod nito ay malapad at matatag. Kaya niyakap niya iyon ng mahigpit.Dumaosdos ang isang kamay niya sa balikat ni Lyndon at niyakap na ng tuluyan ang binata.sa psgyakap ni Anika sa balikat ni Lyndon ang kanyang mukha ay nasobsob sa dibdib ng binata."Mr. Lyndon, pwede bang simula bukas ay hindi na ako pumasok sa club?" Hindi nagawang hilingin ito ni Anika dati dahil akala niya kasama si Lyndon sa plano ni Gwen ng iutos nitong pulasok siya sa club pero nalaman niyang walang kinalaman ang binata sa kademonyuhan ni Gwen, bukod pa sa noon ay halos si Gwen ang sinusunod ni Lyndon pero ngayon....Gustong ng sumugal ni Anika.Ang pagkampi ni Lyndon kay Gwen noon ay naging dahilan upang matakot si Anika.Pero ng makita niya ha halos maputol na paa ni Lester ganun din ang mga suntok sa mukha ni Xander, at ang tawag sa telepono na sinagot ni Lyndon sa sasakyan kanina kahit mal
"Ayaw mo?" Malalim ang titig sa kanya ni Lyndon."Oo, hindi kan a ba nakakaintindi ng tagalog ngayon? Tumingin si Anika Yanqing kay Lyndon at inulit ang sinabi,"Ang sabi ko, Ayoko...." Nakita niyang umataras ang lalaki; inilagay ang mabuto nitong mga daliri sa kanyang leeg, hinapikan nito si Anika ng mariin at dahan-dahang ibinubuka ang puting polo nito.Nalantad ang magandang balikat, collarbone, dibdib ni Lyndon. Nang tuluyang hubarin nito ang polo, parami nang parami ang bahagi ng katawan nito na nalalantad hanggang sa tinanggal nito ang sinturon sa kanyangbaywang.Nagulat si Anika dahil, Naligo si Lyndon kasama niya sa bathtub, at tumalsik ang tubig mula sa kanyang katawan papunta kay Anika.Ang bawat patak ng tubig ay nagpapanatili pa rin ng temperatura ng katawan ni Lyndon, mainit, maligamgam.Pagkatapos ay tahimik nitong Ipinasa ang shower head sa kamay ni Anika at wlang kibong umalis si Lyndon. Nawalan ng lakas si Anika parasuportahan ang sarili kaya napaupo siya sa bath
Samantala kabilang dulo ng linya, mahigit namang hinakawan ni Gwen ang kanyang telepono, ang mga luha ay malayang dumadalot sa kanyang mga mata. Pinunasan ito si yaya Susan ang luha ng alaga gamit ang kanyang mga daliri."Miss Gwen, hindi ito ang oras para umiyak" anito."Hindi man lang siya nagkunwari o nagsinungaling para hindi ako masaktan. Nagpunta talaga siya doon para kay Anika" nagaalala na si Yaya Susan sa alaga niya."Naisip mo na ba malamang ay alam ko din na ikaw ang gumawa ng paraan para si Anika at mapilitang magtrabaho sa club, kaya hindi imposible na hindi alam ni Felix na ikaw ang nanakot kay Anika kapalit ng gamot."Bakit naman sasabihin yun ni Anika."ikaw ang magtanong sa kanya? Tumigil sa pag-iyak si Gwen. "Bakit? Nagkalakas ng loob si Anika na sabihin sa kanya?""Nakita ko ang inutusan inutusan mo,Nanatili nakatiklop ang kanyang bibig. Pero ang kanyang paa at kamay ay baldado" sabi ni Yaya Susan."Ano ang ibig mong sabihin? "Noongunang makita ko, ayaw ko p
Namutla at nagkulay asul ang mukha ni Xander ng mapagtantong muntikan na siya. Hinawakan naman ng mahigpit ni Lyndon ang pulso ni Anika at naramdamab niyang tila hindi susuko si Anika kaya dinidiinan pa nila lalo ang pagkakahawak sa pulso nito.Sinulyapan ni Lydon ang mukha ni Anika, Ngayon lang niya nakita ang matindong poot at kulimlim ng mga mata ni Anika. Ilang beses na itong nasuklam sa kanya ngunit ngayon lamang niya nakita ang poot at tapang na ito ni Anika, ngayon lamang."Huwag magpadalos dalos" bulong nito kay Anika Binitiwan ni Xander si Sonia sa kamay, at ibinalibag ka paanan ni Lyndon.Ang mukha nito ay nanlamig na kinuha ang bote ng alak mula sa kamay ni Anika atitinapon ito sa lupa."Julian...." Senyas ni Lyndon"Yes sir...." "Ipadala mo muna ang babaeng ito sa ospital at bigyan siya ng bakuna sa rabies Agad namang kumilos ang lalak at mabilis na kinuha si Sonia. Napakatangkad ng lalaki sa isip isip ni Sonia, at nakikita lamang niya sa gilid ng kanyang mata na k
"Hindi...! Maawa ka sa kanya, huwag mo siyang idamay" halos magpumilitsi Anika na tumayo.Nakita niya ang panlilisik ng mga mata ni Xander. Alam ni Anika na may masama itong balak sa kaibigan.Ngunit may dumagan na mabigat na kamay sa kanyang balikat. Hinawakan siya ni Lyndon at sumulyap sa kanya ng matatalim."Huwag kang makialam sa buhay ng ibang tao" halos paangil na sabi nito nangarongi naman ito ni Sonia ay namutla ang mukhang babae.Pero bigla itong napaiktad dahil parang sinadyang pisilin ni Xander itaas na dulo ng kanyang sugat kaya bumulwak ng malakas ang masaganang dugo mula dito."Aaaah....tama na, maawa ka Mr.Xander." Halos mamatay na si Sonia sa sakit. Namilipit ang babae ng lalo pa itong higpitan ni Xander."Mr.Xander, pakiusap, pakawalan mo ako.Hayaan mo ako wala akong kasalanan sayo, bitawan mo ako" sigaw ni Sonia.Dalawang beses pang diniinan ni Xander ang sugat ni Sonia saka inilabas ang kanyang dila na tila ba isang halimaw na natutuwang namimilipt sa sakit ang ba
Napakaingat ni Lyndon sa pagbuhat kaya Anika, sa takot na kapag gumagamit siya ng kaunting puwersa, matutunaw ito sa kanyang mga bisig.Isinandal ni Lyndon ang ulo ni Anika sa kanyang dibdib, kung gising pa ito ngayon sa sandaling ito, tiyak na maririnig nito ang tibok ng kanyang puso.Maingat ang bawat kilos ng binata, ngunit halos hindi magawang tingnan ang namumulang mukha ni Anika. Dinala siya ni Lyndon sa labas, yumuko at inilagay sa sofa. Marahan niyang tinapik ang mukha nito,"Si Anika..... Anika, okay ka lang ba?" ngunit hindi magawang magsalita in Anika.Si Lyndon aman na halos pabulogn na ang timbre ng salita ay nakagawa lamang siya ng mahinang paghinga, na bahagyang tumaas atbumababa ang kanyang dibdib.Sumulyap si Lyndon sa coffee table, ngunit ang yelo sa loob ay halos matunaw na. Sa labis na taranta, kinuha ito ni Lyndon gamit ang isang kamay at ibinuhos ang tubig sa malaking pitsel sa mukha ni Anika.Nanginginig si Anika sa lamig, at ang tubig na bumubuhos sa kanyang b
"Mr. Xander anong ginagawa mo? Anong mangyayari kapag masyadong mataas ang temperaturta ha? may masama bang manyayari sa akin ha?" nagaalalang tanong ni Anika."Boss, Delikado ang ginawa mo, paano kung may mangyari sa kanya" sabi ng isa sa mga tauhan niya."Bakit? natatakot ka ba? Isa lamang siyang hostess, wala siyang halaga sa lipunan at walang mangangahas at magkakainteres maghanap dyan" sabi ni Xander. Ang lugar na ito ay ginawa para maglaro at magenjoy. Sinong gago ang pupunta dito para lamang mabored.Kinuha ni Xander ang upuan sa tabi niya at binasag ang temperature control, at kahit ang memory lock sa tabi ng door handle ay binasag din nito. maging ang mga tauhan ni Xander ay nagalala."Okay, hindi mo na kailangang lumabas, manatili ka na lang dyna Anika. Total matigas ka!"Hindi na makahinga si Anika kahit na nakasuot siya ng magaan at manipis na damit, ang temperatura na bnapakataas na ng degree at imposibleng makalabas.Lalong nahirapan si Anika at nanikip na ang dibdib at
Halos lumabas ang puso ni Sonia ng makita niya ang mstutulis na pangil ng dambuhalang aso. Nang makita ni Julian ang dalagang malapit sa mga aso ay sumigaw si Julian."Mag-ingat ka sa aso.!" Ngunit huling na. Hindi napansin ni Sonia ang asong nakatali sa dalawang haligi at sa oras na lumapit siya sa pintuan ang dalawang Tibetan Mastiff na breed ng aso ay dumamba na kay Sonia. Sa gulat ni Sonia at takot para sa sarili hindi siya agad nakaatras at hindi niya malayang naiharang niya ang kanyang kamay kung kayat nasakmal ang isa sa mga asong naunang nakalapit ang kamay ni Sonia.Agad namang sinakluluhan ni Julian si Sonia at inawat ang aso ngunit hindi napigilan ni Julian ang pagdamba naman ng isa pa at muling nasakmal si Sonia.Nang makita ni Sonia ang ngipi ng aso sa kamay niya at umagos ang dugong ay umiyak ng malakas ang dalaga at nagwala na sa takot.Sa pagkakataong iyon ay nagtungo si Lyndon sa pinto at binuksan upang alamin kung anong kaguluhan sa labas. Namumula pa ang mata nito