Bakit hindi ka pa mamatay?! Bakit hindi ka atakihin
sa puso at bawian ng buhay ngayon din mismo?!Iyon ang tumatakbo sa isipan ng katorse anyos na si Hilalry habang naniningkit ang luhaang mga mata at nagngangalit ang mga ngipin sa tindi ng galit na nararamdaman para sa ama.
Kadarating lang niya galing ng eskuwelahan at
malayo pa, naririnig na niya ang naghuhuramentadong boses ng ama. At ang kaaway nito ay walang iba kundi ang walang kalaban-laban niyang ina.Lasing na naman ang kanyang ama. Wala na naman sa katinuan at ang nangingibabaw na naman ay ang demonyong espiritu ng alak.
"Tama na yan, 'Tay!" hindi nakatiis na bulyaw niya
nang madatnang sinasaktan na naman nito ang kanyang ina.Binalingan siya nito. Dinuro.
"Umalis-alis ka sa harap ko ku
Tumunog ang alarm ng cell phone ni Hillary.Sinuri niya ang kanyang cell phone.Call nanay, ang dalawang salitang nagbi-blink sa LCD.Tatawagan nga pala niya ang ina sa ganoong oras. Inilagay niya iyon sa reminder dahil lately ay para siyang wala sa sarili.No.Ang totoo, nang huling dalawang lingo, walang ibanglaman ang kanyang isip kundi si Seven na nalilimutan na niya ang iba pang bagay. Kinalma niya ang sarili at nilunok ang malaking bikig na bumabara doon.Idinayal niya ang numero ng kanyang ina. Agad namang kumonekta iyon."N-Nay...""Tita Hillaly,'' sabi ng batang boses na sumagot."Angela po ito.""O, Angela." Bakit nasa pamangkin niya ang cellphone?"Si Inay?""Eh, ako po muna ang pinatao niya dito sa
"Hindi kita mahal."Paulit-ulit iyong umaalingangaw sa isip ni Seven habang sunod-sunod ang paglagok ng alak.Nang umalis siya kanina ay wala siyang ibangginawa kundi mag-drive nang mag drive. Nang mapagod ay bumili siya ng alak at nagmaneho pauwi.Oh, hell!Gusto niyang mamanhid. Gusto niyang mawala ang sakit na nararamdaman, ang rejection, ang pagkabigo.Muling tumungga si Seven. Hindi napigilan angpagbabalik-tanaw sa unang pagkakataon na nasilayan ng mga mata niya si Hillary..."Got your book, Mom," sabi ni Seven sa ina habangkausap sa cell phone.Nang malaman ng kanyang ina na nasa mall siya, inalam nito kung busy ba siya o nagmamadali dahil may ipabibili raw itong libro. May naka-schedule siyang appointment pero dahil hindi niya kayang biguin ang ina, sinabi niyang bibilhin na niya
"Salamat at sinagot mo ang tawag ko," agad na sabini Seven nang tanggapin niya ang tawag nito.Halos mag-uumaga na nang makatulog si Hillary. Dahil doon ay hindi na niya namalayan ang pag-alis ng bahay ni Seven para pumasok sa trabaho. Ni hindi siya sigurado kung pumasok ba ito ng silid para maligo at magbihis.Ang sabi ni Tili ay hindi raw nag-almusal si Seven at nagbilin na huwag na siyang gisingin.It was nine in the morning when she woke up. Hindiniya magawang kumain, ni kumilos. Napakatamlay ng katawan niya at mabigat ang pakiramdam. Dahil marahil sa mga nangyari. Sa totoo lang, hindi talaga niya alam kung ano ang susunod na gagawin.Lampas alas-dose na. Inaalok na siyang kumain ni Tili pero wala pa rin siyang gana. Iniisip niya kung...kung uuwi kaya si Seven para sabayan siyang kumain?Dahil kung hindi ay iyon ang unang pagkakataon nahindi sila magsasabay sa pananghalian. At magiging napakalungkot niyon.
"Why, thank you!" pilit pinasisigla ang boses na sabi niya."It is just unfortunate that Prince Levin is not hereto meet you. Prince Levin and your husband are great friends. I'm sure he will be thrilled to meet you."Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Hillary."Oh, I remember, what does Khliwane Anl Ire means""It means I love you, Madam."Oh! I love you pala ang ibig sabihin ng mga salitangiyon. Mga salitang laging sinasabi sa kanya ni Seven sa simula pa lang. Nanubig ang mga mata niya hanggang sa tuluyang makalaya ang mga butil ng luha roon. Inalis niya iyon gamit ang likod ng palad at binigyan ng pilit na ngiti si Tili.Khliwane Anl Ire.Parang nanunukso ang hangin at paulit-ulit na pinaaalingawngaw ang mga salitang iyon sa kanyang tainga.Pagkaraan ng ilang saglit ay narinig na nila ang pagdating ng sasakyang maghahatid sa kanya sa airport. Inilabas na ni Tili ang maleta niya.Na
Two months laterTinititigan ni Hillary ang halagang nakasulat sa tseke. Nakakalula ang pigurang naroon. Kayamanan nang maituturing. Kung magtatrabaho siya ay aabutin ng maraming taon bago siya makaipon ng ganoonkalaking halaga.Si Attorney Guillermo---ang abogado ni Seven---ang naghatid sa kanya ng tseke.Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang makauwi siya at tumupad si Seven sa kanilang kasunduan. Hindi na ito nagpapakita sa kanya. Ni wala siyang balita kung nakabalik na ba ito sa Pilipinas, o kung ano na ang ginagawa nito.And she was terribly missing him."Mahigpit na bilin ni Mr. Fuentes na iparating ko sa 'yo na kapag kailanganin mo ng ano mang tulong, puwede mo akong kontakin at---""Attorney," pag-awat ni Hillary sa sinasabi ng abogado. Inilapag niya ang tseke sa ibabaw ng mesa. Bago itinulak iyon papunta a harap nito. Itinago niyaang mga kamay sa ilalim ng mesa para maitago angpanginginig.&nb
Ang haplos sa nakayukong ulo ni Hillary sa kinahihigaang hospital bed ng kanyang ina ang gumising sa kanya."N-Nay," agad na sabi niya."Kumusta ho ang pakiramdam n'yo?" nag-aalalang tanong niya.Salamat sa Diyos at naisugod agad nila ito sa ospital, naagapan ang sana ay atake sa puso. Well, dapat ding pasalamatan si Seven dahil naroon ito at hindi nataranta.Dumating sila sa ospital sa tamang oras dahil sa binata. Sila kasi ni Chloe ay parehong natataranta at hindi alam ang gagawin."Sshh... she'll make it," pag-alo sa kanya ni Seven habang ang kanyang ina ay inaasikaso na ng mga doktor.Hillary was trembling and crying so hard. Hindi niyamapapatawad ang sarili kapag may masamang nangyari sa nanay niya.Hindi tumutol si Hillary nang yakapin siya ni Seven. Marahang hinaplos nito ang kanyang likod. Haplos na kumakalma sa kanyang kalooban. Muli siyang nakadama ng seguridad sa mga bisig na iyon. Para bang may karamay na, may
"Hey, what are you doing here?" sabi ni Chloe na kumuha sa atensiyon ni Hillary.Pagkatapos nilang mag-usap ay nakatulog ang kanyang ina. Ipinasya niyang lumabas ng silid paramagmuni-muni at timbangin an mga bagay-bagay.Nakatayo siya sa salaming dinging sa dulo ng hallway. Kahit nakatanaw sa labas, wala roon ang kanyang atensiyon dahil okupadong-okupado ang kanyang isip.Nilingon niya ang kaibigan. May bitbit itong basketna puno ng prutas at mga bulaklak.Hinalikan siya ni Chloe sa pisngi. "Kumusta siNanay?""She's fine. Natutulog. Gusto na gang lumabas. Pinangakuan ko na lang na bukas na bukas din, ilalabas ko na siya. Pero sa ngayon 'kako, kailangan niyang magpahinga."Lumapit sila sa upuan at naupo sila roon ni Chloe."Alam mong kailangan mo ring magpahinga," anito, ipinapaalala sa kanya ang kalagayan niya."Iwasan mong ma-stress. Iwasan mong mag-isip nang mag-isip.""H-hindi ko mapigilang mag
"Tinitingnan ba nila ako o paranoid lang ako?" sabi ni Hillary kay Chloe patungkol sa mga taong nakakasalubong nila na tumitingin sa kanya.Tinawagan siya ni Chloe kagabi at nagsabing samahan niya ito sa lakad nito. Dahil mukhang hindi tatanggap ng pagtanggi, walang nagawa si Hillary kundi ay ang pumayag. Sinundo siya ni Chloe bandang alas-diyes ng umaga.Because her mind was preoccupied, ang natandaan lang niya ay pumunta sila sa isang five-star hotel. Ngayon ay naglalakad sila sa isang hallway na hindi niya alam kung saan papunta.Tatlong araw na ang nakalipas. Nakalabas na ngospital ang ina ni Hillary. Higit sa lahat, nakadalawna rin siya sa puntod ng ama at nakapaglabas ng lahat ng sama ng loob. Ibinigay niya rito ang kapatawaran. Nakakamangha kung paanong pagkatapos niyon ay napakagaan ng kanyang pakiramdam. Wala nang pait, walang galit. Parang sa isang kisap-mata ay naghilom at tuluyang gumaling ang sugat ng kanyang pagkatao.Kung mayroo