Hunter POVNandito lang kami ni Aiden sa gilid ng pool at nag iinuman habang ang asawa ko naman at si Ciara ay binabantayan ang anak namin. Kanina ko pa napapansin ang titig na iginagawad ni Aiden kay Ciara, alam ko naman na hanggang ngayon ay hindi pa sila okay na dalawa."Huwag mo masyadong titigan, baka mamaya matunaw na 'yan." pagbibiro ko kay Aiden.Kumunot naman ang noo niya. "What are you talking about Hunter? Ang anak ko ang tinitingnan ko.""Si Sierra nga ba o ang nanay?" pang aasar ko pa."Alam mo ang mabuti pa ay uminom kana lang, hindi 'yong kung ano ano ang napapansin mo." pagmamatigas niya."Nakikita ko kasi, kanina ka pa nakatingin kay Ciara. Hindi mo kailangan magsinungaling sa akin dahil kilala kita." saad ko."At hindi ko din naman kailangan gawin ang bagay na 'yon.""So what's your plan now? Hindi naman pwedeng habang buhay na lang kayong ganyan. Alam kung mahal mo pa siya at mahal ka pa din niya pero bakit pinapatagal niyo pa?" pagtatanong ko."Hindi kasi gano'n ka
Ciara POVHalos isang buwan na ang nakalipas ng lumipat kami ng anak ko sa bahay ni Aiden, pero wala pa ding nagbabago sa pakikitungo niya sa akin. Madalas ko itong nahuhuli na may katawagan kapag nasa bahay at alam kung patuloy pa din itong nambababae.Minsan gusto ko na lang sumuko at tanggapin na wala ng pag asa na magkaayos pa kami at mabubuo ang pamilyang meron kami, alam ko sa sarili ko na ginagawa ko na ang lahat pero hindi pa din ako kayang patawarin ni Aiden o sadyang hindi na talaga niya ako mahal.Nasa mall ako ngayon dahil may mga bibilhin ako, hindi ko kasama si Sierra dahil nasa bahay ito nila Linnea. Kung dati na okay pa kami ni Aiden ay sigurado akong kasama ko siya at hindi kagaya ngayon na nag iisa na lang ako.At dahil inabot na ako ng tanghalian at nakaramdam na din ako ng gutom kaya naghanap ako ng makakainan na hindi masyadong maraming tao para hindi ako maghintay ng matagal sa pag oorder ng pagkain lalo na't lunch break ngayon.Napagpasyahan ko na do'n na lang k
Aiden POV Ng umalis si Ciara ay mabilis akong nagpaalam sa kasama ko, no'ng una ay ayaw niya pang pumayag pero hindi ako nagpapigil at sinabihan ko na lang siya na magkita na lang kami sa susunod na araw para hindi na siya magpumilit pa kahit na ang totoo ay wala na akong plano na makasama pa siya ulit dahil sa ugaling meron siya. Hinatid ko lang ang kasama ko sa sasakyan niya at pagkatapos ay nagmadali na akong sumakay sa kotse ko, kailangan kung makausap si Ciara dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya at naging eskandalo sa restaurant. Halos 30 minutes pa ang ginugol ko sa daan bago makarating sa bahay, alam kung wala ang anak namin dito dahil hiniram kanina ni Linnea at hindi ko alam kung iuuwi nila o do'n na patutulugin. Ipinark ko lang ang kotse ko at mabilis na pumasok sa bahay, ilang beses kung tinawag ang kanyang pangalan pero walang sumasagot. Naglakad ako papunta sa kwarto ni Sierra dahil sigurado akong nando'n siya ngayon. "Ciara!" sigaw ko sa pangalan niya ng mabuks
Pagkatapos maligo ni Ciara ay lumabas agad ito ng kwarto, alam niyang pumasok si Aiden dito dahil narinig niya ang pagbukas ng pinto, hinintay niya lang na tuluyan na itong makalabas. Pagkatapos nilang magkasagutan kanina ay iniyak na lang niya ang sakit na nararamdaman sa binitawang salita ni Aiden sa kanya. Naupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang buhok ng kanilang anak na si Sierra, masaya siya dahil alam niyang masaya na ito na kasama ang kanyang ama. Hindi niya lang alam kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon nila ni Aiden dahil bata pa ito at hindi pa gaano nakakaintindi. Nakapagdesisyon na siya, ilang beses niya itong pinag isipan ng mabuti at kahit na nahihirapan siya ay gagawin niya. Siguro nga ay tama si Aiden na umalis na siya sa pamamahay ng binata dahil ayaw na siya nitong makasama pa. Mahirap sa kanya gawin ang bagay na 'yon dahil hindi niya kayang iwan ang kanyang anak, pero kagaya nga ng sabi ni Aiden ay hindi niya ito pababayaan. Kailangan niya munang magpalayo la
Aiden POV Nagising ako dahil pakiramdam ko ay may mga kamay na yumuyugyog sa akin, pagmulat ko ng mata ko ay nakita ko ang anak ko na nakasampa sa kama. "Hey baby, what's wrong? It's too early." anas ko sa kanya. "Daddy where is mommy?" tanong niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko. "I thought she is in your room, she didn't sleep here." I said. "No dad, I didn't see mommy in my room." sagot niya naman sa akin. Mabilis naman akong bumangon at lumabas ng kwarto para tingnan kung nagsasabi nga ng totoo ang anak ko, baka kasi nando'n lang si Ciara at hindi niya lang napansin. Pumasok ako sa kwarto ni Sierra pero hindi ko nakita ang mommy niya, tiningnan ko pa ang banyo pero wala ngang tao do'n. Nagmadali akong bumaba para tingnan kung nasa kusina lang ito pero wala akong nadatnan do'n, sinubukan ko din na tumingin sa pool area pero wala ding tao do'n. Bumalik ako ulit sa kwarto ko para tingnan kung nando'n ang mga damit ni Ciara habang ang anak namin ay nakasunod lang sa akin marah
Ciara POVIt's been a month simula ng umalis ako sa puder ni Aiden, hanggang ngayon ay hindi ko pa din magawang tawagan ang anak ko dahil natatakot pa din ako na baka galit ito sa akin at isa pa ayaw ko naman na may masabi na naman si Aiden.Alam ni Linnea na umalis ako dahil pinaalam ko sa kanya ng tawagan ko siya isang linggo makalipas ng umalis ako, ilang beses niya din sinubukan na tanungin ako kung nasaan ako pero hindi ko sinasabi dahil ayaw ko na mag away na naman sila ni Hunter kapag nalaman ni Linnea at napilitan na naman itong itago.Ksalukuyan akong nakaupo sa terrece habang nakatanaw sa magandang view ng resort, mayamaya pa ay napatingin ako kay kuya ng tapikin niya ako at inabot sa akin ang hot choco."Wala ka bang plano mag ikot ikot man lang? Palagi ka na lang nagkukulong dito." anas niya."Hoy hindi kaya! Lumabas naman ako kahapon ah." sagot ko sa kanya.Umupo naman siya sa tabi ko. "Bakit hindi mo bisitahin ang anak mo? Alam kung na mimiss mo na siya.""Hindi gano'n k
Ciara POVNagising ako na puro puti ang nakikita ko, huli ko ng napansin na nasa ospital ako. Hanggang sa maalala ko ang nangyari sa akin na nawalan ako ng malay. Inilibot ko ang paningin ko kabuuan ng kwarto at nakita ko ang kapatid ko na nakahiga sa mahabang upuan."K-kuya." mahinang tawag ko sa kanya.Nakita ko naman na idinilat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin. Ng makita niyang gising na ako ay mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin."Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba?" sunod sunod na tanong niya sa akin.Agad naman akong umiling. "Anong nangyari? Bakit nandito ako? Ano ang sabi ng doctor?" tanong ko sa kanya na hindi pinapansin ang mga sinabi niya.Nakita ko naman ang pag aalinlangan sa kanyang mukha. "Ang mabuti pa magpahinga ka na muna Ciara, kung may gusto kang kainin sabihin mo sa akin at ipapabili ko."Nagtaka naman ako sa kanya dahil hindi niya sinasagot ang mga tanong ko, gusto kung malaman kung ano ang sinabi ng doctor dahil ba
Isang linggo pa ang inilagi ni Ciara sa ospital dahil sa mga test na ginawa sa kanya ng doctor, ng makalabas siya ay nag stay muna siya sa resort ng ilang araw bago nagpasya na bumalik sa city para bisitahin ang kanyang anak.Labis ang pag aalala sa kanya ng kapatid na si Sky at gusto pa siya nitong samahan pero tumanggi siya dahil kaya niya naman ang bumyahe mag isa at ayaw niya din na makadagdag pa sa trabaho ng kanyang kapatid dahil alam niyang busy din ito.Kasalukuyan na siyang nasa terminal kasama ang kanyang kapatid dahil hinatid niya nito sa sakayan ng bus."Are you sure na okay ka lang? Bakit kasi ayaw mo na lang pumayag na ihatid kita sa bahay ni Aiden." anas ng kanyang kuya."I told you kuya na okay lang ako, huwag kang mag alala dahil iuupdate kita time to time para hindi ka na mag alala pa. At isa pa hindi naman matagal ang magiging byahe ko." sagot naman sa kanya ni Ciara."Hindi lang kasi ako mapanatag lalo na sa kalagayan mo ngayon." wika ni Sky."Don't worry about me
Linnea POVPapunta kami ngayon ng asawa ko sa ospital kung nasaan ang best friend ko, hindi ko man lang alam na may pinagdadaan pala siya dahil hindi niya naman sinasabi sa akin. Kagabi ko lang nalaman ng tumawag si Aiden kay Hunter at nabanggit niya ang kalagayan ni Ciara. Honestly I feel bad dahil alam kung kailangan niya ako pero wala man lang ako sa tabi niya habang siya ay naghihirap."Are you okay baby?" tanong ng asawa ko."Ayos lang naman ako, iniisip ko lang si Ciara. Hindi ko man lang alam na may malubhang sakit siya." sagot ko sa kanya."Don't think too much, baka hindi niya lang sinabi sayo dahil ayaw ka niyang mag alala. Everything will be okay.""Hindi ko lang mapigilan kasi na hindi mag isip, syempre hindi naman pang karaniwan na sakit lang ang meron si Ciara tapos buntis pa siya." anas ko."Nandyan naman na si Aiden, alam kung hindi niya pababayaan si Ciara, mabuti nga at nagkaayos na silang dalawa at alam mo naman na malakas 'yang kaibigan mo at hindi siya susuko lal
Ciara POVIsang linggo na ang nakalipas simula ng magpunta dito sa ospital si Aiden dahil nalaman niya na ang tungkol sa sakit ko at tama nga ang naging hinala ko na si kuya ang nagsabi sa kanya ng bagay na ito. Simula ng araw na 'yon ay madalas ng nandito siya para alagaan ako kahit na ilang beses ko ng sabihin sa kanya na hindi niya kailangan gawin ang bagay na 'yon pero masyado siyang mapilit.Alam na din ng anak namin ang kalagayan ko at minsan nandito siya pero inuuwi din ng kapatid ko dahil hindi siya pwedeng manatili ng matagal dito sa ospital.Sa nakalipas na mga araw ay ramdam ko na ang panghihina, pero hindi pa din ako papayag na magpaopera. Kung may mawawala man sa mundong 'to ay sisiguraduhin ko na hindi ang anak ko. Matagal na akong nabuhay at hindi ko ipagkakait sa anak ko na masilayan ang ganda ng mundo.Alam ko na kahit mawala ako ay nandyan si Aiden para sa kanila at sigurado ako na hindi sila pababayaan nito at kahit na may makilala man siya na bagong babae sa kanyan
Bryan POVPagkatapos kung macheck si Ciara ay agad din siyang nakatulog, kailangan niya kasi ng pahinga dahil sa sitwasyon niya. Naiintindihan ko kung bakit ayaw niyang magpaopera dahil alam kung hindi madali sa kanya ang magdesisyon.Kasalukuyan akong nakaupo sa opisina ko habang kaharap si Aiden, ngayon ko lang ito nakita. Kailangan ko siyang kausapin tungkol sa kalagayan ni Ciara."Tatapatin na kita Aiden, hindi maayos ang lagay ni Ciara kaya kung wala kang balak na ayusin ang relasyon niyo sana lang ay huwag muna siyang saktan pa. She is like a sister to me dahil best friend ko ang kuya niya. Hindi siya pwedeng ma stress a kalagayan niya." panimula ko."Wala naman akong balak na gawin ang bagay na 'yon sa kanya. Bago ako nagpunta dito ay alam ko na ang magiging desisyon ko at 'yon ay ang ayusin ang pamilya ko." sagot niya naman sa akin."Hindi ba at pinuntahan ka ni Sky para kausapin? Sigurado ka na ba? Hindi ka lang ba napipilitan dahil may sakit siya? Alam mo naman na mas mabuti
Aiden POV Napansin ko ang pagtahimik ni Ciara, alam kung hindi madali sa kanya ang maniwala sa mga sinasabi ko at alam kung iisipin niya na napipilitan lang ako o kaya dahil lang sa sinabi sa akin ng kapatid niya. Nang sinabi sa akin ni Sky ang tungkol sa sakit ni Ciara ay bigla akong natauhan, hindi pwedeng hayaan ko na lang siyang sumuko at maiwan kami ng tuluyan. Ang nasa isip ko ay kailangan ko siyang mapapayag na magpa opera para tuluyan ng gumaling. I need to do everything to convince her. Kaya ng matapos kaming mag usap ni Sky at hindi na ako nagdalawang isip at pumunta agad sa ospital kung nasaan si Ciara. Alam kung mahihirapan akong kumbinsihin siya na magpagamot pero kailangan kung malaman ang totoong rason niya. Hinila ko ang upuan sa tabi niya at hinawakan ang kanyang mukha kaya nagtatakang tiningnan niya naman ako. "Now Ciara tell me, ano ang dahilan kung bakit ayaw mong magpagamot? At paano mo nasabi na masasaktan ako?" tanong ko sa kanya. Nanatili siyang nakatitig s
Ciara POV Kanina ko pa hinihintay ang pagdating ni Kuya dahil ang sabi ni Bryan ay umalis daw ito saglit at may kailangan na puntahan pero ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin siya bumabalik. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto kaya napangiti ako sa pag aakalang ang kapatid ko na 'yon pero ng makilala ko kung sino ang pumasok ay mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko. "A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Kailan pa Ciara?" "Anong pinagsasabi mo? At paano mo nalaman kung nasaan ako?" anas ko at iniwas ang tingin ko sa kanya. "Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman o kung sino ang nagsabi sa akin. Alam ko na alam mo kung ano ang ibig kung sabihin. Bakit? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?" bakas sa kanyang boses ang hinanakit. Napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang seryosong tingin na ibinibigay niya sa akin. Hindi ko alam kung paano siya napunta dito pero sigurado akong may kinalaman ang kapatid ko. "Answer me Ciara, bakit?" pag uulit niya. Nanatili pa
Aiden POV It's been a month simula ng pinalayas ko si Ciara sa bahay at hanggang ngayon ay wala akong naging balita sa kanya. Sinubukan ko din na ipahanap siya pero walang nakakaalam kung nasaan siya at kahit na kapatid niya ay sinubukan kung tanungin pero wala itong maibigay na sagot sa akin. Hindi ko din matanong ang mag asawang Silvestre dahil alam kung wala din silang alam dahil nasa ibang bansa sila ngayon kasama ang anak nila para magbakasyon. Ilang beses na din ako tinanong ng anak naming si Sierra at palagi ko lang sinasagot ay may inaasikaso ito. Hindi ko sinasadya na paalisin siya sa puder ko, masyado lang ako nadala ng emosyon ko dahil ayaw niyang sabihin sa akin ang totoo sa tuwing tinatanong ko siya and I hate it. Kaya kinabukasan ay hinanap ko siya pero hindi ko talaga makita, ilang beses ko din siya sinubukan na tawagan pero walang sumasagot. Kasalukuyan lang akong nasa bahay dahil hindi ako pumasok ng opisina, hindi din naman ako makakakapagconcentrate dahil sa kaka
Bryan POVNagdadrive ako ngayon pabalik sa bahay nila Aiden at dahil nakalimutan ni Ciara ang kanyang phone kaya wala akong choice kung hindi ang ibalik sa kanya ito kahit nagsimula ng umulan.Habang papalapit ako sa bahay nila ay napansin ko ang babaeng nakasalampak sa labas ng gate at hindi ako pwedeng magkamali alam kung si Ciara 'yon.Mabilis akong bumaba sa kotse ko at pinuntahan siya."Ciara?" pagtawag ko sa kanya, ng una ay hindi niya ako pinapansin at patuloy lang siya sa pagtawag sa pangalan ni Aiden.Kaya lumapit na ako at niyakap siya dahil basang basa na siya."Ciara, what happen?" tanong ko sa kanya."Si A-aiden, p-pinalayas niya ako." "What? That bastard! " galit na saad ko."Halika na at baka magakasakit ka pa, huwag mo muna isipin ang lalaking 'yon." anas ko at inalalayan siya pero hindi pa siya nakakatayo ng mawalan ito ng malay. Kaya kinarga ko na siya papasok ng sasakyan at nagdrive pabalik ng hospital.Isang oras pa ang lumipas bago kami makarating sa hospital at
Aiden POV Maaga akong umuwi ng bahay dahil maagang natapos ang meeting ko at wala naman na akong gagawin pa sa opisina, pagpasok ko sa loob at agad kung napansin na wala na naman si Ciara. Saan kaya nagpupunta ang babaeng 'yon? Halos isang buwan ko ng napapansin na mas lalong napapadalas ang pag alis niya pero kapag tinatanong ko naman siya ay palagi niyang sagot na may pinuntahan lang siyang kaibigan. Kung hindi ako nagkakamali ay palagi silang magkasama no'ng Bryan na hindi ko alam kung ano namamagitan sa kanila. Naiinis ako sa tuwing nakikita kung kausap niya ito sa phone o kaya nakikipagkita siya dito. Napapansin ko din ang pagbabago kay Ciara, madalas itong namumutla at unti unti pumapayat kahit palagi naman siyang kumakain, iniisip ko na lang na baka nagpapayat lang talaga siya. Ayaw ko naman tanungin kung may sakit siya o masama ang pakiramdam niya dahil ayaw kung isipin niya na concern ako sa kanya. Naalala ko ng gabing may mangyari sa amin, hindi naman ako lasing na lasing
Ciara POVKahit na tinatamad akong bumaba ay wala akong ibang choice kung hindi ang bumangon dahil gutom na din ako. Umalis kaya si Aiden?Inayos ko lang ang sarili ko at saka lumabas ng kwarto, nang makababa ako ay dumiretso na ako sa dining room at nagulat ako ng makita ko si Aiden na kumakain."Akala ko pumasok ka." saad ko."Sabado ngayon Ciara baka hindi mo alam." sagot niya naman sa akin.Umupo naman ako at kumuha ng makakain, kahit araw ay nakakalimutan ko na din."Ciara about what happen." napatingin ako sa kanya ng iopen niya ang topic na 'yon."No need to worry about it Aiden, hindi din naman kita pinigilan kaya huwag mong isipin na baka maghabol ako dahil hindi mangyayari 'yon. Alam kung lasing ka." saad ko at nakita ko naman ang pagtango niya.Nagpatuloy lang ako sa pagkain dahil wala na namang nagsalita na isa sa amin. Inaalala ko kung paano ako makakaalis ngayon dahil nandito sa bahay si Aiden, mukhang kailangan kung ireschedule muna ang chemo ko ngayong araw."Kailan uu