Aiden POV Maaga akong nagising para makapagluto ng almusal namin, hindi na ako nag abala pang gisingin si Ciara dahil ang himbing ng tulog nito. Pagkatapos kung magluto ay inayos ko na ito sa dining dahil alam kung mayamaya ay gising na siya at hindi nga ako nagkamali ng marinig kung nagbukas ang pinto ng kwarto. "Gising kana pala, umupo kana at kumain." saad ko sa kanya. "Nag abala ka pang magluto, sana ginising mo na lang ako." bulalas niya naman ng makaupo ito. "Pagkatapos mong kumain ay maligo kana at magbihis." utos ko sa kanya. "Bakit? Anong meron?" tanong niya. "May pupuntahan tayo." maiksing sagot ko. "At saan naman 'yon?” "Basta, huwag ka na maraming tanong at kumain na lang." anas ko. Ng matapos na kaming kumain ay ako na ang nagligpit dahil kailangan niya pang maligo at mag ayos dahil tapos na akong maligo kanina bago pa ako magluto, FASTFORWARD Nandito kami ngayon sa mall at nag iikot ikot, namili din kami ng grocery para sa bahay, hindi pa kasi maayos ang baha
Halos isang buwan na ng magkaroon ng label ang relasyon nina Ciara at Aiden na labis na mang ikinatuwa ng mag asawang Linnea at Hunter dahil sa wakas ay nag seryoso na din ang binata sa babae, alam nilang hindi naging madali kay Aiden ang lahat lalo na't minahal niya ng totoo si Linnea noon. Kasalukuyan silang nasa bahay ni Hunter dahil pareho silang walang mga pasok sa trabaho kaya nagpasya silang magkita kita para naman magkaroon sila ng bonding moments. Kanina pa yamot na yamot si Ciara dahil sa kanyang kasintahan kaya kahit hanggang sa byahe ay hindi niya ito kinakausap. Hindi na lang pinapahalata ni Aiden na natatawa siya dahil sa inaasta ng dalaga para hindi ito mas lalong mainis. Mayamaya pa ay nakarating na sila sa bahay ng mag asawa, mabilis naman na bumaba si Ciara ng hindi man lang hinihintay ang binata kaya napailing na lang ito. "Hello everyone!" sigaw ni Ciara ng makapasok ito sa bahay ng mga Silvestre. "Ano ka ba naman Ciara ang ingay ng bunganga mo." reklamo naman
Ciara POV Natapos ang buong araw na bonding naming magkakaibigan at nagkaayos na din kami ni Aiden, sa mga nakaraang buwan ay mas nakilala ko pa ng lubusan ito at masasabi ko na ang laki ng pinagbago niya. "Tired?" biglang tanong sa akin ni Aiden habang nagmamaneho siya. Tumingin naman ako sa kanya. "Medyo, pero okay lang naman kasi nagkaroon tayo ng time na magsama sama ulit." sagot ko naman sa kanya. Gusto pa sana ni Linnea na do'n na lang kami magpalipas ng gabi pero sinabi ni Aiden na uuwi na lang kami dahil hindi naman siya lasing. Nakantiyawan pa kami nila Hunter dahil do'n. "Okay na ang bahay niyo kailan mo balak na umuwi do'n?" "Hmm, baka sa susunod na araw na lang." ani ko. "Baka naman ma miss mo ako niyan." pang aasar nito. Inirapan ko naman siya. "Bakit kita mamimiss? Eh alam ko naman na kahit babalik na ako sa amin ay gagawin mo pa ring tambayan ang bahay. Psh!" sambit ko. Natawa naman siya. "Syempre, hinabilin ka sa akin ng kuya mo kaya dapat lang na siguraduhin k
Ciara POV It's been 5 months at naging maayos ang relasyon namin ni Aiden, madalas pa rin siyang nandito sa bahay at dito na din natutulog. Hindi ko nga alam kung paano niya napapayag ang kuya ko pero masasabi kung close na silang dalawa dahil sa kanya ako ipinagkatiwala ng kapatid ko sa tuwing nasa ibang bansa ito. Wala na akong ibang mahihiling pa sa buhay dahil kuntento na ako sa kung anong meron ako ngayon, lumalaki na ang business na sinimulan ko, may kapatid na laging nandiyan para sa akin, may boyfriend na nakasuporta sa lahat ng mga ginagawa ko at kaibigan na nagiging sandalan ko madalas. Siguro kung babalik sa nakaraan ay pipiliin ko pa rin ang ganitong buhay na meron ako ngayon dahil alam kung masaya ako. Napasandal na lang ako sa sofa, wala dito ngayon si Aiden dahil may meeting silang pinuntahan ni Hunter kaninang umaga at baka mamaya pa 'yon uuwi. Pipikit na sana ako ng biglang narinig ko na may nag doorbell sa labas kaya tumayo na ako para silipin kung sino 'yon. Nak
Aiden POV Maaga akong umalis sa bahay nila Ciara dahil may importanteng meeting kami na pupuntahan ni Hunter halos hapon na din kami natapos pero pakiramdam ko ay ilang araw na. Ang tagal naman kasi matapos mabuti na lang at hindi na inabot ng gabi. Nagpasya muna kami ni Hunter na magkape malapit sa lugar kung saan kami nakipag meeting. Ayaw niya naman mag advance dinner dahil nagluto daw si Linnea kaya mas gusto niyang kasabay kumain ang kanyang mag ina, niyaya niya pa ako pero tumanggi naman ako. "Saan ka diretso sa kanila ni Ciara?" tanong nito sa akin. Tumango naman ako. "Oo, do'n na din ako matutulog." sagot naman nito. "Bakit kasi hindi mo na lang yayain ng kasal ang girlfriend mo para tuluyan na kayong magsama na dalawa, sigurado ka naman siguro sa kanya." "Oo naman, wala na akong balak na maghanap ng iba. At isa pa nakaplano na talaga ang bagay na 'yan balak ko na talagang mag propose kay Ciara may mga ayusin lang muna ako bago gawin 'yon." saad ko. "Good to hear that, p
Ciara POV Napasalampak ako sa sahig matapos marinig at mga katagang binitawan ni Aiden, gusto ko man siyang habulin pero hindi ko magawa dahil kitang kita ko kung paano siya magpigil ng galit para lang hindi niya ako masaktan. Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa sakit ng nararamdaman ko ngayon, hindi pwedeng masira ang kung anong meron kami ni Aiden, hindi ko hahayaan na mawala ang taong nagpaparamdam sa akin that I am worth it to be love. Tanging iyak lang ang nagawa ko habang umaasa na panaginip lang ito, na bubukas ulit ang pinto at iluluwa nito ang nakangiting si Aiden sa harap ko. Pero sa bawat paglipas ng minuto ay ang paagsampal ng katotohanan sa akin na totoo ang mga nangyayari ngayon. Hanggang sa hindi ko na namalayan at nakatulog na ako. Kinabukasan ay nagising ako na wala siya sa tabi ko at do'n ko lang naalala ang nangyari, hangga't sa nagdaan pa ang mga araw ay hindi pa rin bumabalik si Aiden. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya ito sinasagot, ilang beses na d
Linnea POV Nakaramdam ako ng lungkot para sa kaibigan ko, alam kung hindi siya okay pero pinipilit niyang ngumiti sa harap ko para hindi na ako mag alala pa. Kaya niyaya ko na lang muna siyang maglibot para kahit papaano maibsan ang pag iisip niya. Ilang araw ko na din napapansin ang pagbabago ni Aiden, madalas itong lasing kung umuwi. Hindi ko na lang ito pinapansin dahil iniisip ko na baka marami lang siyang trabaho kaya umiinom ito para makatulog ng diretso, ayaw ko naman magtanong sa asawa ko. "Kalimutan mo na muna ang problema niyo ni Aiden, mag ikot ikot muna tayo at mag shopping. At isa pa mag paayos ka nga, halata kasing wala kang tulog ng ilang araw." pang aasar ko kay Ciara. Hinampas niya naman ako sa braso. "Hoy grabe ka sakin ah, akala mo naman ang ganda ganda mo." "Ay hindi ba halata? Ang ganda ko at blooming." sagot ko naman sa kanya. "Ay ewan ko sa'yo. Tara na at mag ikot kaysa kung ano ano 'yang sinasabi mo." natawa naman ako sa kanya, ang saya lang talaga asarin
Aiden POV Pagkatapos namin mag usap ni Hunter ay umalis agad ito, inayos ko naman ang mga papeles na nasa tabi ko at isinara ang laptop ko. At dahil friday naman ngayon kaya naisipan kung mag bar muna, madalas ko naman na gawin ito simula ng mag away kami ni Ciara, alam ko din ang ginagawa niyang pagsunod sa akin. Naglakad muna ako sa mini cabinet na nandito sa opisina at kumuha ako ng damit para makapag palit, ayaw ko naman na pumunta ng bar ng naka business suit. Mabuti na lang at may ganito sa opisina ko kaya pwede akong mag iwan ng damit. Matapos kung makapili ng susuotin ay diretso na ako sa banyo para magpalit. Alas syete na ng gabi ng makaalis ako sa opisina at tamang tama lang itong oras sa pagpunta sa bar hindi masyadong maaga at hindi din masyadong gabi. Inaamin kung namimiss ko si Ciara pero nandito pa rin ang sakit dahil sa nasaksihan ko, I know she loves me pero hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa ba 'yan matapos ng makita ko. Alam kung nagkakamabutihan na sila noon
Linnea POVPapunta kami ngayon ng asawa ko sa ospital kung nasaan ang best friend ko, hindi ko man lang alam na may pinagdadaan pala siya dahil hindi niya naman sinasabi sa akin. Kagabi ko lang nalaman ng tumawag si Aiden kay Hunter at nabanggit niya ang kalagayan ni Ciara. Honestly I feel bad dahil alam kung kailangan niya ako pero wala man lang ako sa tabi niya habang siya ay naghihirap."Are you okay baby?" tanong ng asawa ko."Ayos lang naman ako, iniisip ko lang si Ciara. Hindi ko man lang alam na may malubhang sakit siya." sagot ko sa kanya."Don't think too much, baka hindi niya lang sinabi sayo dahil ayaw ka niyang mag alala. Everything will be okay.""Hindi ko lang mapigilan kasi na hindi mag isip, syempre hindi naman pang karaniwan na sakit lang ang meron si Ciara tapos buntis pa siya." anas ko."Nandyan naman na si Aiden, alam kung hindi niya pababayaan si Ciara, mabuti nga at nagkaayos na silang dalawa at alam mo naman na malakas 'yang kaibigan mo at hindi siya susuko lal
Ciara POVIsang linggo na ang nakalipas simula ng magpunta dito sa ospital si Aiden dahil nalaman niya na ang tungkol sa sakit ko at tama nga ang naging hinala ko na si kuya ang nagsabi sa kanya ng bagay na ito. Simula ng araw na 'yon ay madalas ng nandito siya para alagaan ako kahit na ilang beses ko ng sabihin sa kanya na hindi niya kailangan gawin ang bagay na 'yon pero masyado siyang mapilit.Alam na din ng anak namin ang kalagayan ko at minsan nandito siya pero inuuwi din ng kapatid ko dahil hindi siya pwedeng manatili ng matagal dito sa ospital.Sa nakalipas na mga araw ay ramdam ko na ang panghihina, pero hindi pa din ako papayag na magpaopera. Kung may mawawala man sa mundong 'to ay sisiguraduhin ko na hindi ang anak ko. Matagal na akong nabuhay at hindi ko ipagkakait sa anak ko na masilayan ang ganda ng mundo.Alam ko na kahit mawala ako ay nandyan si Aiden para sa kanila at sigurado ako na hindi sila pababayaan nito at kahit na may makilala man siya na bagong babae sa kanyan
Bryan POVPagkatapos kung macheck si Ciara ay agad din siyang nakatulog, kailangan niya kasi ng pahinga dahil sa sitwasyon niya. Naiintindihan ko kung bakit ayaw niyang magpaopera dahil alam kung hindi madali sa kanya ang magdesisyon.Kasalukuyan akong nakaupo sa opisina ko habang kaharap si Aiden, ngayon ko lang ito nakita. Kailangan ko siyang kausapin tungkol sa kalagayan ni Ciara."Tatapatin na kita Aiden, hindi maayos ang lagay ni Ciara kaya kung wala kang balak na ayusin ang relasyon niyo sana lang ay huwag muna siyang saktan pa. She is like a sister to me dahil best friend ko ang kuya niya. Hindi siya pwedeng ma stress a kalagayan niya." panimula ko."Wala naman akong balak na gawin ang bagay na 'yon sa kanya. Bago ako nagpunta dito ay alam ko na ang magiging desisyon ko at 'yon ay ang ayusin ang pamilya ko." sagot niya naman sa akin."Hindi ba at pinuntahan ka ni Sky para kausapin? Sigurado ka na ba? Hindi ka lang ba napipilitan dahil may sakit siya? Alam mo naman na mas mabuti
Aiden POV Napansin ko ang pagtahimik ni Ciara, alam kung hindi madali sa kanya ang maniwala sa mga sinasabi ko at alam kung iisipin niya na napipilitan lang ako o kaya dahil lang sa sinabi sa akin ng kapatid niya. Nang sinabi sa akin ni Sky ang tungkol sa sakit ni Ciara ay bigla akong natauhan, hindi pwedeng hayaan ko na lang siyang sumuko at maiwan kami ng tuluyan. Ang nasa isip ko ay kailangan ko siyang mapapayag na magpa opera para tuluyan ng gumaling. I need to do everything to convince her. Kaya ng matapos kaming mag usap ni Sky at hindi na ako nagdalawang isip at pumunta agad sa ospital kung nasaan si Ciara. Alam kung mahihirapan akong kumbinsihin siya na magpagamot pero kailangan kung malaman ang totoong rason niya. Hinila ko ang upuan sa tabi niya at hinawakan ang kanyang mukha kaya nagtatakang tiningnan niya naman ako. "Now Ciara tell me, ano ang dahilan kung bakit ayaw mong magpagamot? At paano mo nasabi na masasaktan ako?" tanong ko sa kanya. Nanatili siyang nakatitig s
Ciara POV Kanina ko pa hinihintay ang pagdating ni Kuya dahil ang sabi ni Bryan ay umalis daw ito saglit at may kailangan na puntahan pero ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin siya bumabalik. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto kaya napangiti ako sa pag aakalang ang kapatid ko na 'yon pero ng makilala ko kung sino ang pumasok ay mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko. "A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Kailan pa Ciara?" "Anong pinagsasabi mo? At paano mo nalaman kung nasaan ako?" anas ko at iniwas ang tingin ko sa kanya. "Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman o kung sino ang nagsabi sa akin. Alam ko na alam mo kung ano ang ibig kung sabihin. Bakit? Bakit hindi mo sinasabi sa akin?" bakas sa kanyang boses ang hinanakit. Napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang seryosong tingin na ibinibigay niya sa akin. Hindi ko alam kung paano siya napunta dito pero sigurado akong may kinalaman ang kapatid ko. "Answer me Ciara, bakit?" pag uulit niya. Nanatili pa
Aiden POV It's been a month simula ng pinalayas ko si Ciara sa bahay at hanggang ngayon ay wala akong naging balita sa kanya. Sinubukan ko din na ipahanap siya pero walang nakakaalam kung nasaan siya at kahit na kapatid niya ay sinubukan kung tanungin pero wala itong maibigay na sagot sa akin. Hindi ko din matanong ang mag asawang Silvestre dahil alam kung wala din silang alam dahil nasa ibang bansa sila ngayon kasama ang anak nila para magbakasyon. Ilang beses na din ako tinanong ng anak naming si Sierra at palagi ko lang sinasagot ay may inaasikaso ito. Hindi ko sinasadya na paalisin siya sa puder ko, masyado lang ako nadala ng emosyon ko dahil ayaw niyang sabihin sa akin ang totoo sa tuwing tinatanong ko siya and I hate it. Kaya kinabukasan ay hinanap ko siya pero hindi ko talaga makita, ilang beses ko din siya sinubukan na tawagan pero walang sumasagot. Kasalukuyan lang akong nasa bahay dahil hindi ako pumasok ng opisina, hindi din naman ako makakakapagconcentrate dahil sa kaka
Bryan POVNagdadrive ako ngayon pabalik sa bahay nila Aiden at dahil nakalimutan ni Ciara ang kanyang phone kaya wala akong choice kung hindi ang ibalik sa kanya ito kahit nagsimula ng umulan.Habang papalapit ako sa bahay nila ay napansin ko ang babaeng nakasalampak sa labas ng gate at hindi ako pwedeng magkamali alam kung si Ciara 'yon.Mabilis akong bumaba sa kotse ko at pinuntahan siya."Ciara?" pagtawag ko sa kanya, ng una ay hindi niya ako pinapansin at patuloy lang siya sa pagtawag sa pangalan ni Aiden.Kaya lumapit na ako at niyakap siya dahil basang basa na siya."Ciara, what happen?" tanong ko sa kanya."Si A-aiden, p-pinalayas niya ako." "What? That bastard! " galit na saad ko."Halika na at baka magakasakit ka pa, huwag mo muna isipin ang lalaking 'yon." anas ko at inalalayan siya pero hindi pa siya nakakatayo ng mawalan ito ng malay. Kaya kinarga ko na siya papasok ng sasakyan at nagdrive pabalik ng hospital.Isang oras pa ang lumipas bago kami makarating sa hospital at
Aiden POV Maaga akong umuwi ng bahay dahil maagang natapos ang meeting ko at wala naman na akong gagawin pa sa opisina, pagpasok ko sa loob at agad kung napansin na wala na naman si Ciara. Saan kaya nagpupunta ang babaeng 'yon? Halos isang buwan ko ng napapansin na mas lalong napapadalas ang pag alis niya pero kapag tinatanong ko naman siya ay palagi niyang sagot na may pinuntahan lang siyang kaibigan. Kung hindi ako nagkakamali ay palagi silang magkasama no'ng Bryan na hindi ko alam kung ano namamagitan sa kanila. Naiinis ako sa tuwing nakikita kung kausap niya ito sa phone o kaya nakikipagkita siya dito. Napapansin ko din ang pagbabago kay Ciara, madalas itong namumutla at unti unti pumapayat kahit palagi naman siyang kumakain, iniisip ko na lang na baka nagpapayat lang talaga siya. Ayaw ko naman tanungin kung may sakit siya o masama ang pakiramdam niya dahil ayaw kung isipin niya na concern ako sa kanya. Naalala ko ng gabing may mangyari sa amin, hindi naman ako lasing na lasing
Ciara POVKahit na tinatamad akong bumaba ay wala akong ibang choice kung hindi ang bumangon dahil gutom na din ako. Umalis kaya si Aiden?Inayos ko lang ang sarili ko at saka lumabas ng kwarto, nang makababa ako ay dumiretso na ako sa dining room at nagulat ako ng makita ko si Aiden na kumakain."Akala ko pumasok ka." saad ko."Sabado ngayon Ciara baka hindi mo alam." sagot niya naman sa akin.Umupo naman ako at kumuha ng makakain, kahit araw ay nakakalimutan ko na din."Ciara about what happen." napatingin ako sa kanya ng iopen niya ang topic na 'yon."No need to worry about it Aiden, hindi din naman kita pinigilan kaya huwag mong isipin na baka maghabol ako dahil hindi mangyayari 'yon. Alam kung lasing ka." saad ko at nakita ko naman ang pagtango niya.Nagpatuloy lang ako sa pagkain dahil wala na namang nagsalita na isa sa amin. Inaalala ko kung paano ako makakaalis ngayon dahil nandito sa bahay si Aiden, mukhang kailangan kung ireschedule muna ang chemo ko ngayong araw."Kailan uu