The Unexpected Lover - Chapter 4
Hindi siya nakahuma sa sinabing iyon ng kaharap. Kahit na nang tumindig ito matapos tawagin ng bartender ay wala pa rin siyang naisip isagot. Sinundan na lamang niya ng tingin ang papalayong babae.
‘Ikaw man, Gloria,’ bulong niya sa sarili nang makabawi ng kaunting wisyo. ‘Hindi ka rin bagay dito.’
Pero paano pa sila makakaalis kung malagkit at mabigat ang nakakapit na putik?
Hindi niya namalayan na nagiging malalim na ang tinatakbo ng pag-iisp niya kaya nagulat pa sya nang biglang sumulpot sa tabi niya ang ina.
"Hoy, Lota! May kustomer ka na. Matanda. Parang bakla pero mukhang disente naman. Halika na. Huwag kang patay-patay!" Habang nagsasalita si Charito, hinihila na nito sa isang braso si Laurie kaya tuloy muntik na siyang mawalan ng balanse.
"S-sandali lang po, Inay," wika niya habang humahawak sa stool na binakante upang makatindig ng maayos.
"Huwag mo nga akong tawagin ng
The Unexpected Lover - Chapter 5"Tanghali? Isang gabi lang ang pinag-usapan natin, Mr. Rodriguez,"sunggab na naman ni Charito. "Kailangan mong magdagdag."Isang malamig na bahagi ni Laurie ang unti-unting humahanga sa pagiging mautak ng kanyang ina. Ganito ang tunay na negosyante."Walang problema." Dinukot uli ng lalaki ang pitaka. Hindi na nito binilang ang hinugot doon. Iniabot na lang agad sa may edad na babae."Gusto kita, Mr. Rodriguez," ang nakatawang wika nito habang isinususok sa loob ng bra ang ikalawang bungkos ng salapi. "Sana'y maging suki ka ni Lota."Sumusuray na si Laurie sa kanyang kinatatayuan. Parang nauubos na ang oksihena sa paligid niya."Goodnight, Madam. Sa muli nating pagkikita." Nagpaalam na ang lalaki. Naramdaman na nito ang pagsuray niya dahil lumipat sa beywang ang kamay nito. "C'mon, Lota. Let's get out of here."Umikot ang paningin niya kaya napilitan siyang pumikit. Nang dumilat siya, nasa labas na sil
The Unexpected Lover - Chapter 6Mistulang suite ang master's bedroom. May dalawang adjoining bedrooms na tig-isa ng toilet-and-bath. Ang sitting room ay sama-samang salas, opisina, maliit na kumedor at pick-up kitchen na kumpleto sa ref at stove/oven.Tiyak na may naghihintay na pagkain sa kanyang pagdating. Maalalahanin si Uncle Joe. Pero matagal na siyang nawalan ng ingat sa kanyang kalusugan.Kaya sa wetbar na nasa sulok ng sala ang direksyong tinugpa ng kanyang mga paa.Nagsalin siya ng brandy sa isang tumbler. Halos umapaw na kaya hindi na nilagyan ng yelo. Tutal mas gusto niya ang nakakasakit sa lalamunan niya kapag iniinom.Tuluy-tuloy ang pagtungga niya kahit na nagkakangiwi-ngiwi na. Napasinghap siya nang biglang humapdi ang sikmura.Ngunit imbis na mag-alala, natuwa pa siya. May ulcer na siya? Good.Ngingiti-ngiti siya sa sarili habang pasuray na lumalakad patungo sa silid-tulugan. Saan nga ba siya? Sa gawing k
The Unexpected Lover - Chapter 7KAHIT na halos gapangin ni Laurie ang pagpunta sa banyo, nagpumilit siyang magtungo doon. Gusto niyang mawala ang panlalatang nararamdaman sa buong katawan. Nalasing pala siya nang husto. Wala na siyang namalayan sa mga nangyari matapos maliyo sa ininom na whisky.Pero maigi na rin ang gayon. Wala siyang dadalhing alaala ng unang gabing nagtampisaw siya sa putikan...Itinapat niya ang sarili sa pinong bugso ng tubig. Maligamgam ang timpla ng tempetatura pero napasinghap pa rin siya. Paano'y mainit na mainit ang pakiramdam ng balat niya dahil sa humiliyasyon na dinanas.Nasaan si Mr. Rodriguez? Bakit ibang lalaki ang kasama niya sa kama?Nangaligkig na naman siya sa takot nang maalala ang madilim na anyo ng nakababatang lalaki. Para bang muhing-mihi ito sa kanya.Kailangang makaalis siya rito agad!Nagdumali siyang magbanlaw kahit na hindi pa gaanong nakakapagsabon ng katawan. Sa bahay na lang
The Unexpected Lover - Chapter 8SA kabila ng matinding pagpipigil hindi pa rin nakaila kay Marco ang paghihirap na dinaranas ni Laurie. Huminto ito at tinunghayan siya."Nasasaktan ka--" Napapatda ito nang makita ang mukha niya. "Damned shit! You're a virgin! A virgin prostitute!"Pumikit siya dahil hindi matagalan ang pang-uusig sa mga matang malalalim. Tumango siya habang kinakagat ang ibabang labi.Nawala na ang kirot sa laman, lumipat na sa kalooban. Masakit rin pala ang matanggihan."I--I'm s-sorry," hikbi niya. Humihingi siya ng dispensa dahil hindi naging lubos ang satispaksiyon nito sa serbisyo niya.God, talaga bang tanggap na niya ang maging isang kalapating mababa ang lipad?Hinintay niyang umalis sa pagkakadagan sa kanya ang bigat ng lalaki. Inaasahan niyang iiwan siya nito."Ako ang dapat na humingi ng sorry, Laurie," bawi nito, paanas. Malumanay na ang tono. Wala na ang tigas. Para bang inaalo siya. "My
The Unexpected Lover - Chapter 9KUMBAGA sa telebisyon, tapos na ang mga patalastas kaya tuloy na naman ang telenobela.Nasa bahay pa ang kambal nang dumating siya. Hindi pa nag-a-almusal. Wala pa raw ang kanilang ina."H-hindi umuwi?" paniniguro niya."Hindi, ate. E, ikaw, ngayon lang umuwi?" usisa ng mga ito."Er, nag-overtime kasi ako," pagdadahilan niya."E, ba't sabi ni Joanna, isinama ka raw ni Inay sa pinagtatrabahuhan niya?" sabad ni Junior. Marami na itong nalalaman--at hindi nagugustuhan sa buhay nila kaya marahil malimit magluko at magrebelde."Hindi, Junior." Pinagmatigasan niya ang pagsisinungaling. Bata pa ang kapatid para makaintindi nang lubos."Uh, puwede bang ikaw na ang bumili ng tinapay? Joanna, nakapag-init ka na ba ng tubig?" Inabala niya ang mga kapatid para mawala ang atensiyon sa kanya.Ginising niya sina Bebot at Remi para maisabay sa pagkain. Salu-salo silang lima. Napagtanto ni Laurie na palag
The Unexpected Lover - Chapter 10TUMINDIG si Marco nang makitang papalapit na si Laurie at ang weyter sa lamesa niya.Titig na titig siya sa babae. Napakalaki ng kaibahan nito sa nilalang na nakapiling niya sa nagdaang malamig na magdamag."Salamat," wika niya sa weyter habang inaabutan ng tip. Ipinaghila niya ng silya si Laurie.Naupo ito. Walang imik."Ano po'ng order n'yo, sir?" Hindi pa pala sila napapag-isa.Huminga muna nang malalim si Marco bago sumagot. Sinusupil uli ang pagkasabik na maghapong ginatungan ni Uncle Joe para manatili sa pagliliyab."Ladies drink at scotch on the rocks.""Pulutan po, sir?"Bumuntonghininga uli si Marco. "Tatawagin na lang kita kung gusto namin. Okay?"Naintindihan ng weyter na itinataboy na niya ito nang panlisikan ng kanyang mga mata. Halos kumaripas ito ng takbo palayo sa kanila."Sori, ser. Ihahatid ko po agad ang order n'yo, ser."Ibinalik niya kay Laurie a
The Unexpected Lover - Chapter 11TULUYANG nasira ang gabing iyon nang hilingin ni Marco na magpunta sila sa tinitirhan nina Laurie, matapos ang tamilmil na pagsasalo nila sa masarap na hapunan.Hinayang na hinayang siya sa masasayang na mga pagkain kaya kahit na nahihiya ay hiniling niyang ipabalot na lang ang mga natira. Mas importante ang mga kapatid niya kaysa sa kanyang kahihiyan.Mabilis ang pagpayag ng lalaki pero may kondisyon pala."Ihahatid na natin ang mga 'yan sa inyo ngayon," wika nito.Mabilis rin ang naging pagtanggi niya. Walang gatol ang pagtutol na lumabas sa bibig."Hindi," tutol ni Laurie, sabay iling.Ano'ng iisipin ni Junior? Paano niya ipapaliwanag ang presensiya ni Marco? Magdududa na naman ang kapatid niya. Mawawalan na ito ng pagtitiwala sa kanya. Pati paggalang na siguro. Kapag nagkagayon, maliligaw na ito ng landas."I'm sorry, Marco," pahayag niya, halos pabulong. Gusto niyang palis
The Unexpected Lover - Chapter 12 "HATINGGABI na naman, Laurie," bulong ni Marco sa gawi ng teynga ni Laurie. Nilinga niya ito para ngitian ng buong pagsuyo. "Nagiging paboritong oras ko na ito," dugtong pa niya. "Ako rin." Ngumiti rin sa kanya ang babae. "Hindi kaya naiinip na si Mang Nestor?" Bumadha ang pag-aalala sa maamong mukha. Bumangon siya, isinabay ang yapos na katawan ng dalawa. "Uuwi na talaga tayo ngayon," aniya, habang dinudukwang sa silya ang nakatumpok na mga damit nila. "Magbihis na tayo." Ayaw mang ipakita, halatang nahihiya si Laurie kapag nakatingin siya sa kahubdan nito. "You're a sweet woman," papuri niya habang kinukuha ang isang kamay nito para hagkan. Tinangka nitong bawiin ang kamay. "H-huwag--" pigil ni Laurie. Hindi bumitaw si Marco. Inilahad pa muna niya ang palad atsaka hinagod ng bibig ang mga kalyong naruroon. "Iniisip mong pangit ang mga kamay mo?" panghuhula niya. "Ang mga ito ang pinak
The Girl in His Dreams - Chapter10 Hindi gaanong nakatulog si Alona kaya medyo matamlay ang pagkilos niya pagbangon kinabukasan. "Good morning, neighbor!" Nagsasalang siya ng tubig sa takuri nang sumungaw ang ulo ni Brenda sa munting bintana na nasa pagitan ng kanilang mga kusina. Napangiwi siya dahil nagulat. Umalingawngaw kasi sa tahimik na paligid ang boses ng kaibigan. "Good morning din, " tugon niya, sabay ngiti ng pilit. "May coffee ka na?" "Wala pa," hikab nito. "Puwede bang tumawid d'yan? Wala kang kasama?" "Puwede. Wala akong kasama dito," banayad ang tugon niya kahit na bahagyang namumula ang mga pisngi. Sa isang iglap lang, nakatawid na si Brenda. Hindi nito itinatago ang matinding kuryosidad tungkol sa kanilang dalawa ni Rafael Morales. Wala ring itinago si Alona. Sinabi niya ang lahat-lahat, maliban sa mga detalye ng kanilang kap
The Girl in His Dreams - Chapter9 PAGKATAPOS ng napakahabang panahon, ngayon lang uli nalasap ni Rafael ang kumpletong kapayapaan sa sarili. Halos nakalimutan na niya kung ano ang pakiramdam ng lubos na satispaksiyon ng katawan. Napatigagal siya, matapos makarating sa kasukdulan. Gayundin ang nakatalik. Kapwa sila nawalan ng tinag. Nagmistulang mga estatwa, maliban sa malakas na paghingal at sa masasal na pagkabog ng dibdib. Aywan kung gaano katagal silang nanatili sa gayong ayos. Ang babae ang unang gumalaw. At ang unang bumasag sa katahimikan. "Uh, e-excuse me?" sambit nito, pabulong. "G-gusto kong pumunta sa bathroom, please?" Halos paigtad na umalis si Rafael sa pagkakadagan sa dalaga. "I'm sorry," wika niya. Mababa ang tono. Parang nalilito na di mawari. "I didn't realize," dagdag pa. Maliksi niyang inalalayan sa pagbangon ang babae. Nahagip ng mga mata niya ang puting roba
The Girl in His Dreams - Chapter8 WALA silang imikan habang nagmamaneho si Rafael. Tila napakalalim ng iniisip nito. Habang si Marie ay nakikiramdam. Nag-usap lang sila sandali nung nagtanong ng direksiyon ang lalaki patungo sa duplex house na inuuwian nila ni Brenda. "Will you let me come in?" tanong ng lalaki matapos nitong iparada sa tapat ng mababang gate ang sasakyan. Hindi na nag-isip si Marie. Tumango siya, bilang pagpayag. "C-come in," sambit niya habang itinutulak pabukas ang pinto ng tarangkahan. Esklusibo ang subdibisyon na iyon. Mahigpit ang seguridad kaya hindi na kailangan ang mga ultra-moderno at matataas na gate. Tanging ang standard na burglar's alarm lamang ang bantay sa mga bahay doon. "Sino ang nakatira d'yan sa kabila?" tanong ni Rafael habang naglalakad sila sa pathwalk na sementado. "Si Brenda." Wala sa loob ang pagtugon dahil nakatutok ang pansin s
The Girl in His Dreams - Chapter7PIGIL-HININGA si Marie habang naghihintay ng magiging tugon si Rafael Morales.Isinugal na niya ang lahat--para lang makita at makilala ang anak na kinasasabikan. Huwag naman sana siyang matalo...Habang umuusal ng panalangin, napapadalas ang pagsimsim niya sa alak. Hidi rin siya tumitingin sa gawi ng lalaki upang makapagkunwaring balewala sa kanya kung tumanggi ito. Ayaw niyang masaksihan nito ang pagkamatay niya, kung sakaling mabigo."Wine, ma'am, sir?" tanong ng isang waiter na napadaan sa tabi ng mesang kinaroroonan nila.Sabay pa silang tumango at tumugon. "Sure.""Thank you," aniya, pagkatanggap sa panibagong kopita ng alak. Agad niyang nilagok ang kalahati niyon upang magkaroon ng dagdag na lakas ng loob. Itinutulak na siya ng desperasyon.Nang mag-angat siya ng tingin, nakatitig na naman sa kanya si Rafael. Hidi na siya nakaiwas pa. Tuluyan na
The Girl in His Dreams - Chapter6HINDI inaasahan ni Marie ang patudyong tanong na iyon.Namula muna siya, bago nanginig. Naumid rin ang dila niya. Nawala pati ang boses.Kaya nakalipas ang sandali ng pagtanggi. Ang pananahimik niya inakalang pagpayag sa nais ni Raffy Morales."May I have this dance, Miss Santos?" tanong uli nito. Naging mas masuyo pa ang malalim na tinig.At para bang sila na lamang ang mga nilalang sa mundo nang mga sandaling iyon. Parang naglaho sina Brenda at Steve..."Nakakainggit naman sila, sweetheart," sambit ng kaibigan. "Sayaw din tayo."Nawalan ng saysay ang pasikretong paghingi niya ng saklolo dito. Walang anuman na tinalikuran siya upang iwan sa mapanganib na presensiya ni Rafael."Puwede ba kitang maisayaw, Marie?" untag nito. Tila paanas na. "Puwede na ba kitang tawaging 'Marie'?" Tila napakalapit na nito sa kanya."Uhm, o-oo," sambit niya,
The Girl in His Dreams - Chapter5NAKABAWI rin agad si Marie sa pagkabigla niya. Maraming Pilipino ang may apelyidong Morales."G-goodbye, sir," sambit niya bago minadaling pihitin ang ignition key."Bye." Kinawayan niya ng isa ni Mr. Reyes bago tumalikod para bumalik sa opisina.Malayu-layo na ang natakbo ng sasakyan nang ihinto ni Marie para tuluyan siyang makabawi ng sarili. Nanginginig siya na di niya mawari. Para bang ninenerbiyos. Ganitung-ganito ang naramdaman niya nung gabing iyon...Pero wala siyang dapat na ikatakot. Ayon kay Brenda, may ilang taon na ang nakakaraan, wala daw sa Pilipinas ang mag-anak ni Rafael Morales. Nagtungo raw sa Amerika dahil may itatayong bagong negosyo.Ngunit matagal na matagal na iyon. Atsaka, tsismis lang daw. Nasagap lang ng kaibigan mula sa mga sosyalan na hilig nitong daluhan.Pitong taon na ang nakakaraan--pero hindi ko pa rin sila makalimu
The Girl in His Dreams - Chapter4"Welcome to our humble company, Miss Marie Santos," ang masiglang bati ng may edad na general manager ng kumpanyang kumuha sa serbisyo niya bilang senior financial analyst.Pormal ang ngiti ni Alona, alyas Marie Santos.C.P.A. na si Alona pero mas nagustuhan niyang mamasukan sa mga pribadong kumpanya dahil mas challenging ang trabaho. Bukod sa malaki ang susuwelduhin niya."Thank you, sir," ang magalang na tugon niya. Prupesyonal ang matipid na ngiting isinabay niya. "I'm very much honored to be able to work for you," dagdag pa niya."Ho! ho! With your work track record, kami ang dapat na nagsabi n'yan, iha. I won't ever forget na kinailangan ka pa naming suyuin nang husto para mapapayag na magtrabaho ka sa amin.Bahagyang namula ang mga pisngi niya sa tinuran ng kaharap. "I applied for the job, sir," pagtatama niya."Only because I advised you to do so
The Girl in His Dreams - Chapter3Maliban sa ilang mga panloob, pantulog at pambahay na pawang mga pambuntis, wala siyang naiwang bakas upang matunton siya sa kinaroroonan.Ngunit ang mga bagay na iyon ay nabigyan lamang niya ng sapat na pansin nung makalipas ang isang mahabang buwan. Hindi lang ang sugat ng operasyon ang ginamot at pinagaling niya. Pati ang depresyon na gustong umalipin sa katinuan niya ay pinilit rin niyang palisin."Talagang ganyan lang sa umpisa, Alona," pang-aalo naman palagi ni Brenda. "Masasanay ka rin kapag tumagal-tagal.""Hindi ko inisip na mangungulila ako sa baby ko, Brenda," pag-amin niya. "Ang akala ko. Puwede kong ikondisyon ang sarili ko na trabaho lang ang lahat."Masyado mo naman kasing pinag-ukulan yata ng pansin, e," paninisi ni Brenda, pero magaan ang tono. "Ang rule number one sa pagiging babymaker: 'Be detached'. Kunwari hindi sa 'yo ang katawan mo habang nagbu
The Girl in His Dreams - Chapter2MULA sa ospital, nagtuloy si Alona sa bahay ng kaibigan na pinanggalingan ng ideyang lulutas sa mga problema niya."O, bakit hindi ka naman nagpasundo?" Nag-alala agad si Brenda, pagkakita sa maputlang mukha niya. "Grabe namang si Mrs. M na 'yon! Hindi ka man lang ba tinulungan umuwi? Basta na lang umalis pagkatapos kunin ang kailangan sa 'yo?" Patuloy ito sa pagbubusa habang tinutulungan siyang pumasok sa loob ng two-storey apartment."Gan'on ang usapan namin, Brenda, " paliwanag niya sa nanghihinang tinig. "M-malakas naman ang pakiramdam ko...""P'ano'ng magiging malakas? Ayan at sapo mo na ang sugat mo? Kelan ka pa ba nasa ospital? Bakit 'di mo man lang ako pinadalaw d'on? Para naman may nag-asikaso sa 'yo do'n," pang-uusig nito habang tinutulungan siya sa pag-upo sa malambot na sopa. "A, oo nga pala, 'yon ang usapan n'yo," bawi nito matapos balikan ang dalawang bag niya