Home / Romance / The Desirable Impostor / The Fake Wife - Chapter 19

Share

The Fake Wife - Chapter 19

last update Last Updated: 2021-06-23 10:19:02

CHAPTER NINETEEN

     "W-WALA siya dito?" bulalas ni Ruel.

     Umiling si Auntie Mina. Pormal ang tono at ang anyo nito. "Wala dito si Catherine, iho," ulit nito. "Halika. D'on tayo sa library. Naghihintay ang meryenda. Siguradong pagod na pagod ka sa biyahe."

     "Hindi naman," tugon niya, halos wala sa loob. Magmula sa Yachts' Club sa Manila Bay, ipinasundo siya ng tiyahin kay Mang Ped.

     Ipinilig niya ang ulo habang sinusundan ang maliit na hugis ng nag-iisang kamag-anak.

     Hindi niya maintindihan ang mga damdamin na nagsalimbayan sa kalooban nang malamang wala sa mansiyon ang babaeng impostor.

     "Catherine," sambit niya nang makabawi na naman ng wisyo. "Catherine ba ang pangalan niya?"

     Sumulyap sa kanya ang tiyahin. Nakangiti nang bahagya ang makipot na bibig. "Catherine Almonte, iho," anito habang tumatango. "M

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • The Desirable Impostor   The Fake Wife - Chapter 20

    CHAPTER TWENTY Panay ang yapos ng dalawang bata sa kapatid na panganay na matagal na nawalay sa paningin. Ilang linggo na siyang namamalagi sa condo. Siya ang naghahatid sa mga ito sa eskuwelahan at siya rin ang sumusundo. Kumbaga, bumabawi siya sa matagal na panahong hindi sila nagkikita. "Tutoo, Ate Cat? Talagang hindi ka na aalis nang madalas?" Paulit-ulit nang nagtatanong si John. Ngunit hindi naman nagsasawa si Catherine sa pagtugon. "Oo naman," aniya. Nakangiti nang buong giliw sa dalawang kapatid. "May kaunting ipon na ako. At puwede na tayong magnegosyo nang maliit. Tutulungan n'yo ba ako?" "Aba, oo, ate!" ang maagap na tugon ni Polly. "Tutulong kami ni John sa 'yo. Basta't nandito ka lang palagi sa piling namin!" "Tama 'yan, ate!" dagdag ni John. &n

    Last Updated : 2021-06-24
  • The Desirable Impostor   The Pretending Heart - Chapter 1

    The Pretending HeartSYNOPSISIsang heredera si Alison na sobra-sobra ang yaman para sa kapakanan niya bilang dalaga. Ang mga lalaki ay naaakit sa kanyang salapi.Hanggang sa magpanggap siyang ordinaryong babae at magkatagpo sila si Armando, isang binatang magsasaka at mahirap lang. Umibig sa kanya nang buong puso. Ipagtapat na kaya ni Alison ang tutoo?* * *The Pretending Heart - Chapter 1MASAYA ang ngiti ni Alison. Magaan ang mga paa niya sa pagpanaog sa hagdanang marmol na mistulang abanikong nakabuka ang hugis.Espesyal ang gabing iyon, kaya naman ang mahaba at tuwid na buhok niya ay nakapusod sa ituktok ng ulo. Bumagay sa suot niyang off-shoulder white evening gown. Ang tanging alahas na isinuot niya ay ang pearl earrings na iniregalo ni Edward nung nagdaang Pasko."Aba, ang ganda-ganda naman ng señorita ko," ang pabirong bati ng mayordoma, at dating yaya ni Alison,

    Last Updated : 2021-06-26
  • The Desirable Impostor   The Pretending Heart - Chapter 2

    The Pretending Heart - Chapter2 NANATILI kay Alison ang depresyon hanggang sa mga sumunod na araw. Nawalan siya ng ganang kumain. Palaging tahimik at malalim ang iniisip. Hindi makatulog sa gabi. Nag-alala na nang husto si Nana Senyang. "Alison, iha, ano bang nangyayari sa 'yo? Baka magkasakit ka na n'yan?" "E-ewan ko ho ba, Nana. Parang wala na akong ganang mabuhay..." ang matamlay na sambit ng dalaga. "Iha, iha, 'wag kang magsalita ng ganyan." Inalo agad siya ng matandang babae. Niyakap at hinaplus-haplos ng kulubot na kamay ang ulo at likod niya. "Matanda na ako, Nana. Hindi na ako magkakaasawa..." patuloy niya, pa-hikbi. "Oh, ang batang 'to! Am'bata-bata mo pa, iha! Aba'y treinta'y singko ka pa lang, a? Pero wala sa hitsura mo!" pagbubusa nito. "Sino'ng me sabi sa 'yong matanda ka na, ha? Si Edward ba?" Tumango si Alison. Hindi na makapagsalita dahil nagpipigil sa pag

    Last Updated : 2021-06-27
  • The Desirable Impostor   The Pretending Heart - Chapter 3

    The Pretending Heart - Chapter3 HALOS hindi nanibago si Alison sa mga pagbabagong dumating sa kanyang buhay, nang mga sumunod na araw. Para bang dati na siyang naninirahan sa isang liblib na baryo. Para bang hindi siya isinilang at lumaki sa kabihasnan. Paano'y napakalaking distraksiyon ng napakalakas ng puwersa ng atraksiyon na ipinakikita ni Armando para sa kanya. Mistulang isang higanteng magneto na nagsilbing distraksiyon. Palagi itong nasa paligid niya. Palibhasa, nasa kalapit-bahay lamang nakatira. Halos oras-oras ay lumilitaw ito sa harapan niya. Inaaliw siya. Kinakausap. Tinutunaw ng mga titig nito ang mga nakatagong hinanakit sa kanyang kalooban. Kaya naman kay daling napaghilom ang mga sugat sa kanyang puso. Unti-unting nanumbalik ang kanyang sigla. Pati na ang saya. "Masayang-masaya ako para sa 'yo, iha," wika ni Nana Senyang, isang umagang namimitas sila ng mga gulay na iluluto para

    Last Updated : 2021-06-28
  • The Desirable Impostor   The Pretending Heart - Chapter 4

    The Pretending Heart - Chapter4NAKAKITA ng tiyempo para makapag-'tanung-tanong' si Armando nang minsang magkasarilinan sila ni Alison. Nagkataong nakipaglibing ang dalawang matandang babae, nang magdala siya ng bagong pitas na mangga para sa dalaga isang tahimik na hapon.Atsaka, may isang buwan na silang magkakilala ng dalaga, kaya hindi na gaanong mahirap magbukas ng mga personal na paksa. Puwera na lang kung talagang umiiwas ang pagtatanungan..."Ilang taon ka na, Alison?" umpisa ni Armando."Er, thirty five."Na-sorpresa siya pero natuwa rin. "Kaunti lang pala ang tanda ko sa 'yo," aniya. "Ang akala ko'y malaki.""Mas madaling tumanda ang babae kaysa sa lalaki, Armando," pakli ni Alison. Tila hindi kumportableng pag-usapan ang edad.Saka lang niya naalala na 'unethical' nga pala ang gayon para sa isang babae. Lalo't lampas na sa kalendaryo. Isang karangalan na siguro niya nung sagu

    Last Updated : 2021-06-29
  • The Desirable Impostor   The Pretending Heart - Chapter 5

    The Pretending Heart - Chapter 5ISANG umaga, nagising si Alison sa malakas na buhos ng ulan sa bubungan ng bahay. Kaya pala maalinsangan kagabi, may balak magsungit ang panahon kinabukasan.Nakatulugan niyang nakabukas ang bintana kaya may pumapasok na anggi ng ulan sa loob ng kuwarto. Dali-dali siyang bumangon mula sa papag para isara ang dahon na yari sa pawid at kawayan.Ngunit napapatda siya sa tanawing nasulyapan sa labas. Nasa gitna ng palayan si Armando! Umagang-umaga'y nagpapaulan dahil sa pagtatrabaho. Ni walang pandong o balabal man lang bilang proteksiyon.Kumunot ang noo ni Alison. Saglit na nag-alangan kung ano ang dapat gawin. Maya-maya'y maliksi siyang nagbihis. Pinalitan ng blusa at pantalon ang suot na padyamang pantulog.Saka na siya mag-iisip.Sa kabila kasi ng puspusang panliligaw ni Armando nitong mga nakaraang araw at gabi, ang pinag-aaralan niyang kasagutan ay ang pagbigo rito. Kaya ang ipapakita niyang pag-aalala par

    Last Updated : 2021-06-30
  • The Desirable Impostor   The Pretending Heart - Chapter 6

    The Pretending Heart - Chapter6"MY God!" bulalas ni Armando. Paus na paos ang tinig, sanhi ng pinaghalong pagtitimpi at pagkabigla. "My God, Alison--" ulit nito. Paungol na."D-don't stop, please," pakiusap naman ni Alison. Pagaw na rin ang boses.Nanatili sa mahigpit na pagkayapos ang mga braso at binti ng dalaga sa matipunong katawan ng katalik. Pinipigil siya sa paglayo nang mapaigtad matapos matuklasang birhen pa ang kaniig."Make love to me," anas ni Alison. "Please...""Dammit, you don't have to plead," protesta ni Armando. Hindi maikubli ang paghihirap dahil sa pagkokontrol. "I'm hurting you--""No. Hindi na ako nasasaktan," bawi ni Alison, halos pahikbi na. Para bang nangangambang hindi na matuloy ang pagtatalik. Para bang iyon na lamang ang tsansa nito para makalasap ng ligaya… "Ituloy mo na, Armando. Mahalin mo na ako. Kahit na ngayon lang..."Kahit na mahalumigmig ang

    Last Updated : 2021-06-30
  • The Desirable Impostor   The Pretending Heart - Chapter 7

    The Pretending Heart - Chapter7WALA ring nakapansin kay Alison sa pagbalik niya sa bahay. Wala sa paligid ang dalawang matanda. Marahil ay nasa kapitbahay o nasa silid-tulugan pa ng mga ito.Tahimik siyang kumuha ng tuwalya sa kuwarto bago nagtungo sa batalan. Dali-dali siyang naligo.Halos pikit-mata siyang nagsabon ng katawan. Ayaw kasi niyang maalala ang mga halik na ikinintal ni Armando sa kanyang balat.Gayundin nung nagbibihis na siya. Ikinubli niya sa ilalim ng sweater na may mahabang manggas at mataas na neckline. Ni hindi man lang siya sumulyap sa salamin. Ayaw niyang makaharap ang sarili.Matapos magsuklay, humangos siya palabas ng kuwarto upang maghanap ng makakausap. Parang mababaliw siya kapag nanatiling nag-iisa nang matagal.Dinatnan niya sa kusina ang dalawang matanda. Nag-uusap ang mga ito tungkol sa nawawalang termos."Baka naman naiwanan mo lang kung saang tabi-tabi,

    Last Updated : 2021-06-30

Latest chapter

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 10

    The Girl in His Dreams - Chapter10 Hindi gaanong nakatulog si Alona kaya medyo matamlay ang pagkilos niya pagbangon kinabukasan. "Good morning, neighbor!" Nagsasalang siya ng tubig sa takuri nang sumungaw ang ulo ni Brenda sa munting bintana na nasa pagitan ng kanilang mga kusina. Napangiwi siya dahil nagulat. Umalingawngaw kasi sa tahimik na paligid ang boses ng kaibigan. "Good morning din, " tugon niya, sabay ngiti ng pilit. "May coffee ka na?" "Wala pa," hikab nito. "Puwede bang tumawid d'yan? Wala kang kasama?" "Puwede. Wala akong kasama dito," banayad ang tugon niya kahit na bahagyang namumula ang mga pisngi. Sa isang iglap lang, nakatawid na si Brenda. Hindi nito itinatago ang matinding kuryosidad tungkol sa kanilang dalawa ni Rafael Morales. Wala ring itinago si Alona. Sinabi niya ang lahat-lahat, maliban sa mga detalye ng kanilang kap

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 9

    The Girl in His Dreams - Chapter9 PAGKATAPOS ng napakahabang panahon, ngayon lang uli nalasap ni Rafael ang kumpletong kapayapaan sa sarili. Halos nakalimutan na niya kung ano ang pakiramdam ng lubos na satispaksiyon ng katawan. Napatigagal siya, matapos makarating sa kasukdulan. Gayundin ang nakatalik. Kapwa sila nawalan ng tinag. Nagmistulang mga estatwa, maliban sa malakas na paghingal at sa masasal na pagkabog ng dibdib. Aywan kung gaano katagal silang nanatili sa gayong ayos. Ang babae ang unang gumalaw. At ang unang bumasag sa katahimikan. "Uh, e-excuse me?" sambit nito, pabulong. "G-gusto kong pumunta sa bathroom, please?" Halos paigtad na umalis si Rafael sa pagkakadagan sa dalaga. "I'm sorry," wika niya. Mababa ang tono. Parang nalilito na di mawari. "I didn't realize," dagdag pa. Maliksi niyang inalalayan sa pagbangon ang babae. Nahagip ng mga mata niya ang puting roba

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 8

    The Girl in His Dreams - Chapter8 WALA silang imikan habang nagmamaneho si Rafael. Tila napakalalim ng iniisip nito. Habang si Marie ay nakikiramdam. Nag-usap lang sila sandali nung nagtanong ng direksiyon ang lalaki patungo sa duplex house na inuuwian nila ni Brenda. "Will you let me come in?" tanong ng lalaki matapos nitong iparada sa tapat ng mababang gate ang sasakyan. Hindi na nag-isip si Marie. Tumango siya, bilang pagpayag. "C-come in," sambit niya habang itinutulak pabukas ang pinto ng tarangkahan. Esklusibo ang subdibisyon na iyon. Mahigpit ang seguridad kaya hindi na kailangan ang mga ultra-moderno at matataas na gate. Tanging ang standard na burglar's alarm lamang ang bantay sa mga bahay doon. "Sino ang nakatira d'yan sa kabila?" tanong ni Rafael habang naglalakad sila sa pathwalk na sementado. "Si Brenda." Wala sa loob ang pagtugon dahil nakatutok ang pansin s

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 7

    The Girl in His Dreams - Chapter7PIGIL-HININGA si Marie habang naghihintay ng magiging tugon si Rafael Morales.Isinugal na niya ang lahat--para lang makita at makilala ang anak na kinasasabikan. Huwag naman sana siyang matalo...Habang umuusal ng panalangin, napapadalas ang pagsimsim niya sa alak. Hidi rin siya tumitingin sa gawi ng lalaki upang makapagkunwaring balewala sa kanya kung tumanggi ito. Ayaw niyang masaksihan nito ang pagkamatay niya, kung sakaling mabigo."Wine, ma'am, sir?" tanong ng isang waiter na napadaan sa tabi ng mesang kinaroroonan nila.Sabay pa silang tumango at tumugon. "Sure.""Thank you," aniya, pagkatanggap sa panibagong kopita ng alak. Agad niyang nilagok ang kalahati niyon upang magkaroon ng dagdag na lakas ng loob. Itinutulak na siya ng desperasyon.Nang mag-angat siya ng tingin, nakatitig na naman sa kanya si Rafael. Hidi na siya nakaiwas pa. Tuluyan na

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 6

    The Girl in His Dreams - Chapter6HINDI inaasahan ni Marie ang patudyong tanong na iyon.Namula muna siya, bago nanginig. Naumid rin ang dila niya. Nawala pati ang boses.Kaya nakalipas ang sandali ng pagtanggi. Ang pananahimik niya inakalang pagpayag sa nais ni Raffy Morales."May I have this dance, Miss Santos?" tanong uli nito. Naging mas masuyo pa ang malalim na tinig.At para bang sila na lamang ang mga nilalang sa mundo nang mga sandaling iyon. Parang naglaho sina Brenda at Steve..."Nakakainggit naman sila, sweetheart," sambit ng kaibigan. "Sayaw din tayo."Nawalan ng saysay ang pasikretong paghingi niya ng saklolo dito. Walang anuman na tinalikuran siya upang iwan sa mapanganib na presensiya ni Rafael."Puwede ba kitang maisayaw, Marie?" untag nito. Tila paanas na. "Puwede na ba kitang tawaging 'Marie'?" Tila napakalapit na nito sa kanya."Uhm, o-oo," sambit niya,

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 5

    The Girl in His Dreams - Chapter5NAKABAWI rin agad si Marie sa pagkabigla niya. Maraming Pilipino ang may apelyidong Morales."G-goodbye, sir," sambit niya bago minadaling pihitin ang ignition key."Bye." Kinawayan niya ng isa ni Mr. Reyes bago tumalikod para bumalik sa opisina.Malayu-layo na ang natakbo ng sasakyan nang ihinto ni Marie para tuluyan siyang makabawi ng sarili. Nanginginig siya na di niya mawari. Para bang ninenerbiyos. Ganitung-ganito ang naramdaman niya nung gabing iyon...Pero wala siyang dapat na ikatakot. Ayon kay Brenda, may ilang taon na ang nakakaraan, wala daw sa Pilipinas ang mag-anak ni Rafael Morales. Nagtungo raw sa Amerika dahil may itatayong bagong negosyo.Ngunit matagal na matagal na iyon. Atsaka, tsismis lang daw. Nasagap lang ng kaibigan mula sa mga sosyalan na hilig nitong daluhan.Pitong taon na ang nakakaraan--pero hindi ko pa rin sila makalimu

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 4

    The Girl in His Dreams - Chapter4"Welcome to our humble company, Miss Marie Santos," ang masiglang bati ng may edad na general manager ng kumpanyang kumuha sa serbisyo niya bilang senior financial analyst.Pormal ang ngiti ni Alona, alyas Marie Santos.C.P.A. na si Alona pero mas nagustuhan niyang mamasukan sa mga pribadong kumpanya dahil mas challenging ang trabaho. Bukod sa malaki ang susuwelduhin niya."Thank you, sir," ang magalang na tugon niya. Prupesyonal ang matipid na ngiting isinabay niya. "I'm very much honored to be able to work for you," dagdag pa niya."Ho! ho! With your work track record, kami ang dapat na nagsabi n'yan, iha. I won't ever forget na kinailangan ka pa naming suyuin nang husto para mapapayag na magtrabaho ka sa amin.Bahagyang namula ang mga pisngi niya sa tinuran ng kaharap. "I applied for the job, sir," pagtatama niya."Only because I advised you to do so

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 3

    The Girl in His Dreams - Chapter3Maliban sa ilang mga panloob, pantulog at pambahay na pawang mga pambuntis, wala siyang naiwang bakas upang matunton siya sa kinaroroonan.Ngunit ang mga bagay na iyon ay nabigyan lamang niya ng sapat na pansin nung makalipas ang isang mahabang buwan. Hindi lang ang sugat ng operasyon ang ginamot at pinagaling niya. Pati ang depresyon na gustong umalipin sa katinuan niya ay pinilit rin niyang palisin."Talagang ganyan lang sa umpisa, Alona," pang-aalo naman palagi ni Brenda. "Masasanay ka rin kapag tumagal-tagal.""Hindi ko inisip na mangungulila ako sa baby ko, Brenda," pag-amin niya. "Ang akala ko. Puwede kong ikondisyon ang sarili ko na trabaho lang ang lahat."Masyado mo naman kasing pinag-ukulan yata ng pansin, e," paninisi ni Brenda, pero magaan ang tono. "Ang rule number one sa pagiging babymaker: 'Be detached'. Kunwari hindi sa 'yo ang katawan mo habang nagbu

  • The Desirable Impostor   The Girl in His Dreams - Chapter 2

    The Girl in His Dreams - Chapter2MULA sa ospital, nagtuloy si Alona sa bahay ng kaibigan na pinanggalingan ng ideyang lulutas sa mga problema niya."O, bakit hindi ka naman nagpasundo?" Nag-alala agad si Brenda, pagkakita sa maputlang mukha niya. "Grabe namang si Mrs. M na 'yon! Hindi ka man lang ba tinulungan umuwi? Basta na lang umalis pagkatapos kunin ang kailangan sa 'yo?" Patuloy ito sa pagbubusa habang tinutulungan siyang pumasok sa loob ng two-storey apartment."Gan'on ang usapan namin, Brenda, " paliwanag niya sa nanghihinang tinig. "M-malakas naman ang pakiramdam ko...""P'ano'ng magiging malakas? Ayan at sapo mo na ang sugat mo? Kelan ka pa ba nasa ospital? Bakit 'di mo man lang ako pinadalaw d'on? Para naman may nag-asikaso sa 'yo do'n," pang-uusig nito habang tinutulungan siya sa pag-upo sa malambot na sopa. "A, oo nga pala, 'yon ang usapan n'yo," bawi nito matapos balikan ang dalawang bag niya

DMCA.com Protection Status