CHAPTER TEN
Tumawa nang patuya si Ruel. Tinunghayan nito ang mukha niya. "Bakit ba kailangan ko pang malaman 'yon?" Ito rin ang sumagot sa sariling tanong.
Habang unti-unti na namang pinagagapang ang nagbabagang bibig sa kanyang leeg, papaakyat.
"Ang importante, sa akin ka na uli ngayon, mahal ko."
Pasipsip na hinagkan nito ang kanyang mga labi.
Ipinilig ni Catherine ang ulo. Ilang ulit iyon. Inilalayo niya ang mukha.
Ngunit nakuntento ang kaniig sa kanyang punong-teynga. "Umuwi ka na uli sa akin," sambit nito.
Napalunok si Catherine.
Kailangan niyang iwaksi ang pagkalasing na idinulot ng naglalagablab na pagnanasa ni Ruel.
"Sa akin ka na lang, Arminda. Kaya kong ibigay sa 'yo ang lahat-lahat ng ibig mo," pangako nito, paanas.
&nbs
CHAPTER ELEVEN Nagmistulang panaginip na lang ang tagpong nangyari sa swimming pool. Nang sumunod na mga araw, naging payapa ang atmospera sa pagitan nilang dalawa ni Ruel. Ginagampanan pa rin niya ang kanyang papel bilang 'dutiful wife' nito. Habang pinaglilingkuran niya ang lalaki, unti-unti siyang nakakalimot. Unti-unti siyang nababaliw. Para bang nais na niyang maniwala sa pagkukunwaring ginagawa. Ano kaya ang pakiramdam ng maging isang tunay na asawa para kay Ruel Cervantes...? "Iha? Tila napakalalim ng iniisip mo, a? May problema ba kay Ruel?" Napapitlag si Catherine. Hindi niya namalayan ang paglapit ni Auntie Mina sa kinauupuan niya. "Huh! K-kayo pala, Auntie." Pinilit niyang ngumiti. "W-wala naman po akong pr
CHAPTER TWELVE HINDI inaasahan ni Catherine ang mala-paraisong lugar na naghihintay sa kanilang pagdating. Ubod nang lawak ang puting buhanginan na nakalatag sa paanan ng matayog na istruktura ala-lighthouse ang disenyo. "Nung maliit pa si Auntie, nangarap siyang magkaroon ng sarili niyang lighthouse. Kaya ganitong bahay ang pinili niyang ipatayo," pagkukuwento ni Ruel habang naglalakad sila sa dalampasigan kinabukasan. Dapithapon na sila nakarating dito matapos ang halos limang araw na paglalayag sa dagat. Sakay sila ng pribadong yate na pag-aari din ng mga Cervantes. Kasalukuyang nakadaong sa di-kalayuan ang naturang yate. Arminda. Nagsikip ang dibdib ni Catherine nang mabasa ang mga letrang nakapintura sa gilid ng puting sasakyang-tubig. Sinikil niya ang maling nararamdaman.
CHAPTER THIRTEEN Hindi kumibo si Catherine. Itinuon niya ang buong konsentrasyon sa pagkain. Pinilit niyang ubusin ang laman ng pinggan niya. Pati ang sa tasa niya. "Nagmamaktol ka ba?" untag ni Ruel nang tumagal nang tumagal ang katahimikan. Umiling ang dalaga. "Hindi." "Bakit hindi ka na nagsalita?" "Wala naman akong sasabihing importante," katwiran niya. "I see." Muli silang natahimik. Nang magsalita uli ang lalaki, tapos na sila parehong kumain. "C'mon, magpunta na tayo sa studio ko," aya nito. Tumango si Catherine. "Tatawagin ko lang si Maya para mailigpit ang mga ito." "Hihintayin kita sa sala." Nakasalubong nila si Maya sa koridor
CHAPTER FOURTEEN Kinusut-kusot ni Ruel ang mga mata. Para bang ginigising ang sarili kung sakaling bangungot na naman ang nagaganap. "Talaga bang nandito ka na ngayon uli sa piling ko, Arminda?" tanong nito, paanas. "Oo, Ruel," tugon ni Catherine. Nangingilid sa luha ang mga mata. "Hindi ka na aalis?" Umiling si Catherine nang magkaroon ng bara ang lalamunan. "God, Arminda!" bulalas nito habang isinusubsob ang mukha sa kanyang leeg at balikat. "You didn't know how I hated myself! How I felt guilty--nung mawala ka!" Halos wala sa loob, hinaplos ng mga daliri niya ang matatag na hubog ng mga pisngi at panga ni Ruel. "Ssh, tama na 'yan," anas niya. Ang tanging alam ni Catherine, nais niyang maibsan ang paghihirap ni Ruel.  
CHAPTER FIFTEEN Who is this woman? tanong ni Ruel sa sarili. Magmula pa nang una niyang makita ang babaeng sinasabi ni Auntie Mina na si Arminda, nawalan na siya ng katahimikan. Paano'y inuusig na naman siya ng kanyang konsensiya. Niloloko niya ang kanyang tiyahin, ang kanyang sarili--at ang babaeng ito. Ngunit hindi niya magawang ipagtapat ang tutoo. Nais rin niyang magkunwaring nasa piling pa nga niya si Arminda. Ayaw niyang matapos agad ang panaginip... Tinitigan niya ang babaeng nagpapanggap na asawa ni Ruel Cervantes. Ano ang motibo ng babaeng ito? Pera. Ipinilig niya ang ulo nang sumulak ang pagkadisgusto sa kanyang kalooban. Nais sana niyang magpatuloy ang pagkabighani niya para dito--kahit na hindi it
CHAPTER SIXTEEN Sa una lang ang kirot. And it was worth it, bulong ni Catherine sa sarili. Dahil ang sumunod sa sakit ay pulos walang kahulilip na ligaya. Parang hindi siya makapaniwalang nalasap na niya kung paano ang maging ganap na babae. At ang puro at ang dalisay na satispaksiyon. Parang walang katapusan ang pagsikdo at ang pagpintig ni Ruel habang pinadadaloy ang katas ng buhay sa kanyang katawan. At hindi pa rin ito umalis sa ibabaw niya kahit na nanumbalik na ang mga payapang alon. Aywan kung gaano katagal silang nanatili sa gayong ayos bago nag-angat ng ulo si Ruel. Tinunghayan siya nito. May kislap ang mga matang nakatitig nang buong pagsuyo. "I want you again," sambit nito habang ngumingiti ang mga
CHAPTER SEVENTEEN Natulig si Ruel sa sinabi ng babae. Ayaw niyang maniwala ngunit punum-puno ng sinseridad ang malambing na tinig nito. Habang naririnig niya ang mga hagulgol nito, parang may pinupunit sa kalooban niya. "Tumahan ka na," utos niya rito. Pilit na lang ang tigas sa tinig niya. Tinangka niyang hawakan ito sa balikat ngunit nanlaban ito. "H-huwag," pakiusap nito. "P-pabayaan mo na lang ako. Gusto kong mapag-isa!" Napilitan siyang pagbigyan ang babae sa hiling nito. Lumakad siyang palayo dito upang mapigilan ang sarili sa pag-alo dito. Tumanaw siya sa labas. Hindi na niya naaaninag ang di-kalayuang karagatan ngunit naririnig niya ang pagdating at pag-alis ng mga alon sa dalampasigan. Sumasaliw ang mahihinang hikbi ng babae.
CHAPTER EIGHTEEN "I-ikaw na ang magbukas, Inday," utos niya sa kausap. Kahit na sabihin niyang imposibleng masundan siya ni Ruel dito, hindi niya magawang iwaksi ang takot. Si Auntie Mina ang dumating. Agad siyang yumapos sa matandang dalaga. "Oh, Auntie!" Hindi na niya napigil ang mapaiyak habang nakayupyop siya sa dibdib ng butihing babae. "Tahan na, iha," pang-aalo nito. "Salamat at dumating po kayo!" hikbi niya. "Huwag ka nang mag-alala, iha," dagdag ni Auntie Mina habang panay-panay ang paghagod sa kanyang ulo at likod. "Nandito na ako. Hindi kita pababayaan." Unti-unting huminto ang pagluha niya. "Oh, Auntie, hindi ko na po alam ang gagawin ko!" "Ano ba ang nangyari? Bakit bigla ka na lang umalis sa resthouse?"
The Girl in His Dreams - Chapter10 Hindi gaanong nakatulog si Alona kaya medyo matamlay ang pagkilos niya pagbangon kinabukasan. "Good morning, neighbor!" Nagsasalang siya ng tubig sa takuri nang sumungaw ang ulo ni Brenda sa munting bintana na nasa pagitan ng kanilang mga kusina. Napangiwi siya dahil nagulat. Umalingawngaw kasi sa tahimik na paligid ang boses ng kaibigan. "Good morning din, " tugon niya, sabay ngiti ng pilit. "May coffee ka na?" "Wala pa," hikab nito. "Puwede bang tumawid d'yan? Wala kang kasama?" "Puwede. Wala akong kasama dito," banayad ang tugon niya kahit na bahagyang namumula ang mga pisngi. Sa isang iglap lang, nakatawid na si Brenda. Hindi nito itinatago ang matinding kuryosidad tungkol sa kanilang dalawa ni Rafael Morales. Wala ring itinago si Alona. Sinabi niya ang lahat-lahat, maliban sa mga detalye ng kanilang kap
The Girl in His Dreams - Chapter9 PAGKATAPOS ng napakahabang panahon, ngayon lang uli nalasap ni Rafael ang kumpletong kapayapaan sa sarili. Halos nakalimutan na niya kung ano ang pakiramdam ng lubos na satispaksiyon ng katawan. Napatigagal siya, matapos makarating sa kasukdulan. Gayundin ang nakatalik. Kapwa sila nawalan ng tinag. Nagmistulang mga estatwa, maliban sa malakas na paghingal at sa masasal na pagkabog ng dibdib. Aywan kung gaano katagal silang nanatili sa gayong ayos. Ang babae ang unang gumalaw. At ang unang bumasag sa katahimikan. "Uh, e-excuse me?" sambit nito, pabulong. "G-gusto kong pumunta sa bathroom, please?" Halos paigtad na umalis si Rafael sa pagkakadagan sa dalaga. "I'm sorry," wika niya. Mababa ang tono. Parang nalilito na di mawari. "I didn't realize," dagdag pa. Maliksi niyang inalalayan sa pagbangon ang babae. Nahagip ng mga mata niya ang puting roba
The Girl in His Dreams - Chapter8 WALA silang imikan habang nagmamaneho si Rafael. Tila napakalalim ng iniisip nito. Habang si Marie ay nakikiramdam. Nag-usap lang sila sandali nung nagtanong ng direksiyon ang lalaki patungo sa duplex house na inuuwian nila ni Brenda. "Will you let me come in?" tanong ng lalaki matapos nitong iparada sa tapat ng mababang gate ang sasakyan. Hindi na nag-isip si Marie. Tumango siya, bilang pagpayag. "C-come in," sambit niya habang itinutulak pabukas ang pinto ng tarangkahan. Esklusibo ang subdibisyon na iyon. Mahigpit ang seguridad kaya hindi na kailangan ang mga ultra-moderno at matataas na gate. Tanging ang standard na burglar's alarm lamang ang bantay sa mga bahay doon. "Sino ang nakatira d'yan sa kabila?" tanong ni Rafael habang naglalakad sila sa pathwalk na sementado. "Si Brenda." Wala sa loob ang pagtugon dahil nakatutok ang pansin s
The Girl in His Dreams - Chapter7PIGIL-HININGA si Marie habang naghihintay ng magiging tugon si Rafael Morales.Isinugal na niya ang lahat--para lang makita at makilala ang anak na kinasasabikan. Huwag naman sana siyang matalo...Habang umuusal ng panalangin, napapadalas ang pagsimsim niya sa alak. Hidi rin siya tumitingin sa gawi ng lalaki upang makapagkunwaring balewala sa kanya kung tumanggi ito. Ayaw niyang masaksihan nito ang pagkamatay niya, kung sakaling mabigo."Wine, ma'am, sir?" tanong ng isang waiter na napadaan sa tabi ng mesang kinaroroonan nila.Sabay pa silang tumango at tumugon. "Sure.""Thank you," aniya, pagkatanggap sa panibagong kopita ng alak. Agad niyang nilagok ang kalahati niyon upang magkaroon ng dagdag na lakas ng loob. Itinutulak na siya ng desperasyon.Nang mag-angat siya ng tingin, nakatitig na naman sa kanya si Rafael. Hidi na siya nakaiwas pa. Tuluyan na
The Girl in His Dreams - Chapter6HINDI inaasahan ni Marie ang patudyong tanong na iyon.Namula muna siya, bago nanginig. Naumid rin ang dila niya. Nawala pati ang boses.Kaya nakalipas ang sandali ng pagtanggi. Ang pananahimik niya inakalang pagpayag sa nais ni Raffy Morales."May I have this dance, Miss Santos?" tanong uli nito. Naging mas masuyo pa ang malalim na tinig.At para bang sila na lamang ang mga nilalang sa mundo nang mga sandaling iyon. Parang naglaho sina Brenda at Steve..."Nakakainggit naman sila, sweetheart," sambit ng kaibigan. "Sayaw din tayo."Nawalan ng saysay ang pasikretong paghingi niya ng saklolo dito. Walang anuman na tinalikuran siya upang iwan sa mapanganib na presensiya ni Rafael."Puwede ba kitang maisayaw, Marie?" untag nito. Tila paanas na. "Puwede na ba kitang tawaging 'Marie'?" Tila napakalapit na nito sa kanya."Uhm, o-oo," sambit niya,
The Girl in His Dreams - Chapter5NAKABAWI rin agad si Marie sa pagkabigla niya. Maraming Pilipino ang may apelyidong Morales."G-goodbye, sir," sambit niya bago minadaling pihitin ang ignition key."Bye." Kinawayan niya ng isa ni Mr. Reyes bago tumalikod para bumalik sa opisina.Malayu-layo na ang natakbo ng sasakyan nang ihinto ni Marie para tuluyan siyang makabawi ng sarili. Nanginginig siya na di niya mawari. Para bang ninenerbiyos. Ganitung-ganito ang naramdaman niya nung gabing iyon...Pero wala siyang dapat na ikatakot. Ayon kay Brenda, may ilang taon na ang nakakaraan, wala daw sa Pilipinas ang mag-anak ni Rafael Morales. Nagtungo raw sa Amerika dahil may itatayong bagong negosyo.Ngunit matagal na matagal na iyon. Atsaka, tsismis lang daw. Nasagap lang ng kaibigan mula sa mga sosyalan na hilig nitong daluhan.Pitong taon na ang nakakaraan--pero hindi ko pa rin sila makalimu
The Girl in His Dreams - Chapter4"Welcome to our humble company, Miss Marie Santos," ang masiglang bati ng may edad na general manager ng kumpanyang kumuha sa serbisyo niya bilang senior financial analyst.Pormal ang ngiti ni Alona, alyas Marie Santos.C.P.A. na si Alona pero mas nagustuhan niyang mamasukan sa mga pribadong kumpanya dahil mas challenging ang trabaho. Bukod sa malaki ang susuwelduhin niya."Thank you, sir," ang magalang na tugon niya. Prupesyonal ang matipid na ngiting isinabay niya. "I'm very much honored to be able to work for you," dagdag pa niya."Ho! ho! With your work track record, kami ang dapat na nagsabi n'yan, iha. I won't ever forget na kinailangan ka pa naming suyuin nang husto para mapapayag na magtrabaho ka sa amin.Bahagyang namula ang mga pisngi niya sa tinuran ng kaharap. "I applied for the job, sir," pagtatama niya."Only because I advised you to do so
The Girl in His Dreams - Chapter3Maliban sa ilang mga panloob, pantulog at pambahay na pawang mga pambuntis, wala siyang naiwang bakas upang matunton siya sa kinaroroonan.Ngunit ang mga bagay na iyon ay nabigyan lamang niya ng sapat na pansin nung makalipas ang isang mahabang buwan. Hindi lang ang sugat ng operasyon ang ginamot at pinagaling niya. Pati ang depresyon na gustong umalipin sa katinuan niya ay pinilit rin niyang palisin."Talagang ganyan lang sa umpisa, Alona," pang-aalo naman palagi ni Brenda. "Masasanay ka rin kapag tumagal-tagal.""Hindi ko inisip na mangungulila ako sa baby ko, Brenda," pag-amin niya. "Ang akala ko. Puwede kong ikondisyon ang sarili ko na trabaho lang ang lahat."Masyado mo naman kasing pinag-ukulan yata ng pansin, e," paninisi ni Brenda, pero magaan ang tono. "Ang rule number one sa pagiging babymaker: 'Be detached'. Kunwari hindi sa 'yo ang katawan mo habang nagbu
The Girl in His Dreams - Chapter2MULA sa ospital, nagtuloy si Alona sa bahay ng kaibigan na pinanggalingan ng ideyang lulutas sa mga problema niya."O, bakit hindi ka naman nagpasundo?" Nag-alala agad si Brenda, pagkakita sa maputlang mukha niya. "Grabe namang si Mrs. M na 'yon! Hindi ka man lang ba tinulungan umuwi? Basta na lang umalis pagkatapos kunin ang kailangan sa 'yo?" Patuloy ito sa pagbubusa habang tinutulungan siyang pumasok sa loob ng two-storey apartment."Gan'on ang usapan namin, Brenda, " paliwanag niya sa nanghihinang tinig. "M-malakas naman ang pakiramdam ko...""P'ano'ng magiging malakas? Ayan at sapo mo na ang sugat mo? Kelan ka pa ba nasa ospital? Bakit 'di mo man lang ako pinadalaw d'on? Para naman may nag-asikaso sa 'yo do'n," pang-uusig nito habang tinutulungan siya sa pag-upo sa malambot na sopa. "A, oo nga pala, 'yon ang usapan n'yo," bawi nito matapos balikan ang dalawang bag niya