At the Forrester Hotel..Dito naisipan ni Sir Stevenson mag lunch kami nila Miss Andrea. Ewan ko ba bakit sinama niya pa ako rito para ano maging chaperone nila. Hindi naman ako masokista para matagalan ang sweetness nilang dalawa. Alam ko naman na sila na rin yata. Ay! Ewan. Magpapaalam na lang ako mas mabuti pa nga."Sir Stevenson, mauna na po ako." pagpa paalam ko."Ha? Sandali lang Mara, nagmamadali ka yata. May hinihintay pa tayo." ani nito."Huh? Sino po?" Hmm! hindi kaya si Sir Draeden. Ang alam ko may asawa na 'yon. Hwag niyang sabihin si bweset ang dadating at hindi nga ako nagkamali nang makita ang pagmumukha ni Ace. Bakit ba siya nandito. Kainis! Bago pa ako maka tayo nakalapit na ito."Hi! Bro.""Hello! Miss Mara." nakangiting bati nito."Hello!" ngiting asong pakita ko rito. Pero, sa loob loob ko ang sarap niyang tapakan kainis."Aalis ka na?" tanong nito. Kakadating ko lang ha. Iniiwasan mo ba ako Miss Mara?""Huh?! Hindi ah! bakit naman kita iiwasan aber?" tanong ko ri
Isinakay ko siya sa mustang na dala dala ko. Nakita kung tahimik pa rin ito at hindi ko alam paano ko siya papa imikin, sapagkat tulala pa rin ito sa nangyari. Nagpatuloy lang ako sa pag drive at siya naman ay mukhang nasa huwisyo na. "Are you okay now, Miss Mara? If not I can call my friend doctor to check you." ani niya."OA lang. Doctor agad?? Okay lang ako, teka nga bakit mo ba 'to ginagawa? Tell me, wala akong ibabayad sa'yo. Mahirap lang ako at wala akong pera, ni hindi ko nga makuha ang kapatid ko kay Mamu-" She stop then started to cry. "Wait. Did I heard it right. Mamu? I heard that name.. Gusto ko siyang kausapin at mag tanong kaso wala siyang tigil kaka iyak. Kaya hinayaan ko muna siyang ilabas niya ang lahat ng nararamdaman niya."Here." sabay abot ko ng mineral water rito."Ano to?" tanong niya."Water ano pa ba? Bulag ka ba?" Tsk! "Alam kung tubig 'to, ang tanong ko bakit mo ko binigyan ng tubig.""Natural galing ka sa pag iyak so you need water right. Pero, kung a
TWO WEEKS LATER..After ng hinatid niya ko ginawa ko ang lahat para iwasan si Ace.. Pero, kahit anong iwas ko hindin nangyayari lalo na't kaibigan niya ang boss ko. Haixt! Katulad ngayon may events sa Forrester Hotel, pero nag change plan kaya sa isang resort na lang gaganapin ang pag proposed ni Sir Stevenson kay Miss Andrea, sana all na lang ako talaga ako. Ako kaya kailan??? Habang nag hihintay kaming lahat na magising si Princess Andrea ay este ma'am Andrea, nag re-ready na ang mga staff ng resort para mamayang gabi at si ma'am Andrea naman kasalukuyang tulog, dahil pinatulog ng kunwaring nagpa kidnapped sa'kaniya. Nakakakilig nga e' sana may isang tao rin magparamdam sa'kin ng ganiyan. 'Yung para kang prinsesa. Parang si sleeping beauty na matagal na nakatulog at ginising ng halik ng kaniyang prinsipe. At dahil nga doon, hindi ko naiwasang ngumuso at gayon na lang ang gulat ko ng may biglang humalik sa'kin..Napa dilat ako ng wala sa oras at kitang kita ko si Ace na nasa harapa
One Week Later..After the proposal ng boss ko sa fiance' niya na ngayon na si Miss Andrea, hindi ko na rin nakita man lang si Ace. Hindi ko alam bakit pakiramdam ko parang may malaking bahagi ng buhay ko ang nawala na hindi ko maintindihan. God knows na wala akong feelings sa'kaniya pero, bakit noong nawala siya na-miss ko ang presensya niya. Ginugol ko ang bawat araw ko sa pagta trabaho, kung minsan inaaya ako ni Zach para lumabas. Nang minsan nasa office ako ng boss ko bigla na lang nag ring ang cellphone nito. Pasimple kung sinilip kung sino ang natawag. Napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni Ace. Gustuhin ko man na sagutin ang tawag niya bigla akong nahiya lalo na't dumating na ang boss ko at kinuha ang cellphone niya."Yes! Mara, may kailangan ka ba?" tanong ng boss ko."W-Wala naman po sir, may tumawag lang po kasi. Sige po sir mauuna na po ako."Tumalikod na ako at naglakad pabalik ng desk ko. Ilang minuto akong nag sulat ***Barcelona Spain time 1:57 a.m"Hey! Bro, wha
Lumipas ang Isang buwan. Wala la rin akong balita kay Ace. Hindi talaga sigurong mahalaga ako para sa'kaniya. At habang tumatagal na hindi ko nakikita si Ace, mas lalo akong nalulungkot at nang hihinayang. Paano kung mag asawa na sila noong babaeng 'yon. Paano na ako?? Haixt!"Ayan kasi nasa huli talaga ang pagsisisi lagi." hiyaw ng traydor kung isip.Ginugol ko na lang ang mga bawat araw ko sa pag aasikaso sa trabaho at sa mga plano namin ni Zach para makuha na ang mga kapatid ko kay Mamu at magkakasama na rin kami.At ngayon nga ang araw na pinaka hihintay ko. Zach call me about the operation."Hi! Mara, are you ready? Nasakote na ang dumukot sa mga kapatid mo at may ilang na ligtas na mga bata. Hindi lang matukoy kung kasama ba ang mga kapatid mo." "Oo ready na ako, Zach. Sana ligtas ang mga kapatid ko." "Magkita na lang tayo sa headquarters ha. Hihintayin kita Mara." "Sige."Wala na sa linya su Zach, ngunit hindi mawala wala ang kabang nadarama ko ng mga oras na 'yon. Sana Lord
KINABUKASAN.. Maaga akong umalis ng bahay at tulog pa rin si Monica, hindi ako makapaniwalang kasama ko na nga siya. Nag-iwan lang ako sticky notes at dinikit ko na sa refrigerator. Pag dating ko sa company diretso ako sa desk ko at himalang wala pa ang boss ko. Inayos ko lang ang mga ilang gamit ko at ang resignation letter ko. Mahihirapan kasi ako sa kalagayan ko kakahiya naman kung palagi na lang akong a-absent kapag masama ang pakiramdam ko. Ginugol ko muna ang nalalabing oras ko sa pag aayos at pag transfer ng mga gagawin ng bagong secretary nito. Nag inat-inat ako ng ulo ng maramdaman ko 'yong pananakit ng batok ko.Ilang minuto lang rin naman narinig ko ang glass door hudyat na dumating na ang boss ko. "Mara," naulinigan ko ang boses nito na tinatawag ako. Kaagad naman akong tumalima at naglakad patungo roon. Kumatok ako ng tatlong beses, bago ko narinig ang sagot nito; "Please, come in." Pumasok na ako sa loob at naupo."S-Sir, bakit po?" "Okay lang ba if you brewed my c
Matapos naming makapag check-up. Natutuwa ako sa nalaman ko na healthy ang ongoing baby ko. "Mara, kanina ka pa tahimik r'yan. May problema ka ba?""W-Wala naman Ace, naisip ko lang kung gaano kabait ang boss ko.""Si Mr. Forrester?" "Oo, kahapon kasi nagpaalam na sana akong magre-resign sa company, kaso pinigilan niya ako.""Huh?! Bakit mo naman ginawa 'yon. Hindi naman siguro sagabal kung magta trabaho ka pa rin sa company. Ayon lang extra careful ang bilin ni Doc. Pero, tama naman ang boss mo. Pwede ka naman mag stop mag work.""Paano ang gastusin naming magkapatid kaunti lang rin naman ang naiipon ko.""Ako ng bahala roon." "Hindi na Zach, nakakahiya na marami ka ng naitulong sa'kin. Tama na 'yon." ani ko. Totoo naman na nahihiya ako kay Zach. Lalo na't wala naman akong balak na sagutin siya. Lintik kasing puso ko napaka hirap turuan. Sakabila nang pagkawalay ni Ace sa'kin, parati pa rin siyang laman ng isip ko. Alam ko naman na hindi dapat. Pero, anong gagawin ko kung palagi n
BARCELONA SPAINKanina pa ako walang imik sa board meeting. Puro tango lang ako kanina. Kaya heto inaasar na naman ako ni Anderson. "Sir. Ace, mukhang wala sa board meeting ang isip mo kanina. Ano babae ba?""Huh?! What are you talking about, Anderson? May iniisip lang ako pero hindi babae." pagsisinungaling ko at sana nga lang hindi niya nahahalata."Okay!" Nauna akong naglakad palabas ng company. Gusto kong umuwi ng bahay para makapag relax. Mabilis akong sumakay sa sasakyan at wala pang isang oras nandito na ako. I need some cold water para naman mahimasmasan ako. Tinapat ko ang palad ko sa tinted mirror glass door at nag simula na itong magsara. Ibinaba ko lang ang attaché case na dala ko kung saan naroon ang ilang documents. Alam ko naman na malayo at lumilipad ang isip ko kanina. Hindi ko nga yata naintindihan ang mga sinabi nila at na present.Kanina pa rin ako parang ewan na pinapagalitan ang sarili ko. Hinubad ko na ang coat na suot ko, maging ang ilang bagay na suot ko k
Matapos ang kasal nahuli kaming umalis at ninamnam muna namin a ng pag kuha ng pictures remembrance namin 'to at binayaran pa kaya sayang na sayang kong hindi susulitin.Maya maya nag aya na rin ang asawa ko kaya pumayag na rin ako. Na enjoy ko naman na rin ang moment. Inalalayan niya ako sa paglalakad at ang nakakatawa pa hawak nito ang veil kong pagkahaba haba na nakadugtong sa laylayan ng trahedeboda ko.Nang makalabas kami ng simbahan nag hihintay na ang wedding car na gagamitin namin patungong venue. Inalalayan niya akong muli sa pag sakay at yamot na yamot ang itsura ng mukha, dahil sa haba ng veil ko na hawak niya kanina pa."Bakit naka simangot ka??" tanong ko."Wala, sino ba kasing nagpa uso na gumawa ng ganitong veil na pagkahaba haba." reklamo nito. Kaya pinisil ko ang tungki ng ilong niya."Sungit mo naman, parang hindi ka masayang kinasal tayo." tanong ko na may himig na pagtatampo."Hindi naman sa ganon Wifey. Nababadtrip lang talaga ako sa haba ng veil ko." ani niya."
TWO WEEKS LATER Nang malaman naming buntis ulit ako ang magaling kong asawa ay nag ligalig na naman at pinamalita kaagad na buntis ako. Tuwang tuwa naman ang Mommy at Daddy maging ang mga kapatid ko. Nabalot lang ng tuksuhan sa mga kaibigan niya tila nagpapa unahan raw silang makarami ni Sir. Stevenson. Akalain mo 'yon buntis na naman ulit si Andrea. Kaya heto nga nasa Mansyon sila at nagkakasayahan kaming lahat bago ang kasal na itinakda. "Hoy! Ace, iba ka rin." banat ni Draeden na baog yata at hindi pa rin sila nagkaka anak ni Tanya."Sus! Mahina kasi ang geners mo." pang-aasar ni Mike. "Awatin niyo ako baka sapakin ko 'yan." pikon na saad ni Draeden."Tumigil na kayo. Baka ihampas ko sainyo ang bote na hawak ko." awat ni Stevenson at kapag siya na ang nag salita tameme na ang lahat."Siya nga pala, saan ba ang kasal?" tanong nito."Sa Barasaoin Church sabi ni Mommy, miracles church daw kasi 'yon at doon sila kinasal ng Daddy." wika ko."I see. Teka, kwento mo naman paano mo nagi
Nang mawala sa paningin ko ang asawa ko at nailipat na ako sa recovery room. Pinatawag kung muli ang asawa ko sa isang staff na nag lipat sa'akin. Naki usap lang ako na baka sakaling makita nila ang asawa ko.Para kasi akong ewan na nag hahanap na naman nang asawa. At nang pumasok ito sa loob bigla na lamang pumatak ang luha ko nang lumapit ito sa kinaroroonan ko at para akong batang kaagad na sumiksik dito sabay yakap ng mahigpit.Nagtaka man ito pero walang pakialam si Ace nang mga oras na 'yon, kundi gantihan rin ng mahigpit na yakap ang kaniyang asawa. At malaman ang totoong kundisyon nito."Wifey, bakit??? May problema ka ba? May masakit ba sayo? Tell me, para mapa check-up natin habang nandito pa tayo." wika niya."Wala, okay lang ako naman ako," sagot ko. Habang patuloy pa rin sa pag patak ang mga luha sa mga mata ko na hindi ko mawari. "Ssssh! Tahan na, nandito na ako, sorry kung nainis ka kanina sa'akin." wika nito. Hindi ko naman gustong mainis ka," dagdag pa niya. Ayoko k
Natapos ang party na masaya at maligaya ang lahat. Balik na kami ng PILIPINAS!!!Mahaba ang byahe, pero maligaya ang lahat sa kakaibang experience na kani kanilang naranasan lalo na't ang mga kapatid ko na alam naman natin na hindi namin na experience 'yan noong bata pa lang kami. Lumaki kaming salat sa hirap at tanging si Nanay lang ang nalakihan naming kasama at namatay pa. KINABUKASAN..Nagising ako na parang binibiyak ang ulo ko. Hindi ko alam kong ano bang nararadaman ko.Sa hindi maipaliwanag na dahilan walang tigil sa lag sakit ang ulo ko. Kaya naman ginising ko ang asawa ko."Husby, gising ang sakit ng ulo ko." wika ko.Napabalikwas naman ito ng bangon at tiningnan ako."Kumusta masakit pa din ba?" Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" tanong niya. "Hmm! Hindi na siguro." wika ko. "Sure ka?" tanong niya."Oo nga bakit ang kulit mo." inis na wika na medyo nataasan ko yata siya ng boses. "Fine! Ikaw na nga 'tong ina alala. Nang gising ka pa magagalit ka rin naman pala." sa
Nagising na lang ako nasa malambot na akong kama at wala ang asawa ko sa tabi ko. Bumangon ako at naglakad at ini-isa kong puntahan ang lugar kong saan pwede siyang pumunta kaso wala. Ano na naman kayang trip ng asawa ko. Hindi ko pa din ma contacts sina Mom at pati na rin ang mga kapatid ko.Lingid sa kaalaman ni Mara may nakahandang surpresa ang kaniyang asawa sa kaniya. Lalo na't hindi naman ganon ka bongga ang kasal nila noon. Kaya naman he wants to give Mara the best Wedding that she deserved. After all na nangyari at hindi siya nito iniwan man lang.Nasa venue na si Ace at chini-check kong naka set-up na ba ang lahat. He call Moning and Monica para sumundo sa ate niya. They plan to surprise her. Kaya naman hindi nasagot ng tawag niya ang dalawa, dahil nag hihintay sila ng go signal ni Ace. Maya maya lang nakarinig ng katok si Mara. Sa pag aakalang asawa niya ang dumating nagmamadali siyang buksan ang pintuan."Husby sa---" hindi na niya natuloy ang ilan pang sasabihin ng bumun
Akala ko uuwe na kami, ngunit nagulat na lang ako nang mag-aya itong mangibang bansa. Gusto niyang mag punta kami ng Italy."Wifey, gusto mo bang mag Italy?" tanong nito."What? Italy? Hindi na uuwe na tayo, 'yong mga anak natin paano na???" inis na tanong ko."Sina Dad, Mom, Moning, Monica madami naman sila doon. Hindi nila pababayan ang anak natin." paliwanag nito at gusto pang makalusot."Huh? Breastfeed ang triplets alalahanin mo 'yon. Kaya sa ayaw at sa gusto mo uuwe na tayo." anya."Okay. Ikaw na ang masusunod." anya. Ngunit akala ko susunod siya sa usapan namin kaso lang napansin na ibang daan pala ang lugar ba tinatahak namin. "Husby, nasaan tayo?" tanong ko.Ngunit patay malisya lamang 'to. At hindi man lang nagsalita. Kaya inis na inis ako sa pinag gagawa niya."Ano bang trip mo husby?" tanong ko at malapit ko na siyang sapakin talaga sa inis ko."Wala. Sige na uuwe na tayo nag short cut lang naman ako." ani nito.Ilang oras lang tanaw ko na rin ang way patungong Mansyon. B
KINAHAPUNANNagising ako na parang may humahalik sa leeg ko, nanaginip ba ako? Nang imulat ko ang aking mga mata ko nagulat ako nang nasa harapan ko na ang asawa ko. Halos maduking na ako sa lapit ng mukha niya sa mukha ko. Napabalikwas ako ng bangon at napakunot ng noo rito."Teka nga, anong oras na ba?" tanong ko. "Hapo na kaya bumangon ka na." anya. "Fine!" ani niya. "Ang kulit mo talaga, sinabi ko namang hwag mo akong ginig-- hindi ko na natuloy ang panenermon ko nang sunggaban niya ako ng halik. Pero, bigla ko siyang kiniliti sa tagiliran para matigil ang paghalik niya sa'akin.Napahalakhak ito ng malakas. Naalala ko na malakas nga pala ang kiliti niya sa bahaging 'yon."Ang daya, walang kilitan" reklamo nito habang binabawian ako ng kiliti at wala naman siyang alam kong saan nga ba ang kiliti ko. Kaya sumuko na lang rin ito."Ano? ibig sabihin hapon na??." tanong ko na medyo nagulahan sa pinag sasabi niya. Pag tingin ko sa may bandang labas nang bintana, nakita ko na magtata
Dahil sa nangyari kagabi hindi ko siya pinapansin. Nakakahiya kasi kay Mommy na mahuli niya kami. Naghahalikan lang kami, pero nakaka hiya pa rin 'yon. Siya ang nasa harapan at nakikita niya ang darating, pero hindi man lang niya ako sinabihan. Ano na lang ang iisipin ng Mommy ko sa akin. Asar!!!"Wifey, talaga bang 'di mo ko kakausapin?" tanong nito.Nanatili akong tahimik at ayoko siyang pansinin hanggang sa pangkuin niya ako at naglakad palabas ng Mansyon."Hoyyy! Saan tayo pupunta?" tanong niya. Pero, hindi ko siya sinagot at pinasok ko sa harap ng kotse. Lalabas pa sana ito mabilis kong ni-lock ang pintuan ng kotse at pinaharurot ito papalayo ng Mansyon. "Ano ba, saan ba tayo pupunta?" tanong nito.Hindi ko siya sinagot at nag drive lang ako nang nag drive. Pilit niyang ina agaw ang manobela sa akin. "Wifey, enough at baka mabangga tayo." saway ko rito."Stop the car. Baba ako." anya.Pero, hindi ko siya pinakinggan hanggang sa nakita ko ang Katerine's Resort at pinasok ko sa loo
Habang prenteng naka upo ako sa upuan tinawag ng pansin ng isang nurse ang atensyon ko at sinabi niya sa akin na pwede ko na raw puntahan ang mga anak ko sa nursery room. Kagya't nagmamadali akong nag tungo roon at pumasok sa loob. Hinanap ko ang bed ng tatlo kong anak. Nakita ko ang isa napangiti ako na makita kong kahawig ko ang isa sa triplets at ang isa naman ay pinaghalong mukha namin ng asawa ko at ang babae ay kamukhang kamukha ng asawa ko. "Hi! Ken Adrian ." bati ko sa unang anak naming lumas base sa naka sulat na oras sa tagged nito sa paa. Sumunod ko namang kinausap ang gitnang anak namin na si Kobe Arvin at ang babae naman na anak namin ay si Katelyn Ariela. Lahat ng pangalan nila napag usapan namin na may double name start sa letter K at A since Ace at Katerine ang pangalan naming mag-asawa.Matapos ko silang makita ang sunod ko namang pupuntahan ang asawa ko na kasalukuyang natutulog ng naabutan ko sa room.Hinaplos ko ang buhok niya sabay halik sa noo nito. Nagulat