Sean’s POV
Sumeryoso ang mga reaksyon ng mga taong nandito ngayon sa meeting. Maging ako ay hindi lubos maisip na nasa ganoong sitwasyon si Red. Hindi ko inintindi ang kalagayan niya at inisip ko pang baka isa siya sa traydor. Kung ako lang din ang nasa kalagayan niya, mukhang mahihirapan din ako magsabi sa iba ng nangyayari sa akin dahil mayroong bloody choker na nasa leegan niya. Dahil ang choker device na nasa leeg niya ay mapanganib. Wala pa sa sampung segundo ay pupuwedeng mamatay na ang may nakakabit nito.
Literal na hawak siya sa leeg at parang aso na kailangang sumunod sa lahat ng ipag-uutos. Sobrang tapang ni Red. Hangang-hanga ako sa kanya.
Napatingin kaming lahat kay King Arthur nang tumayo. Mapapansin ang nag-iigting nitong panga at nakakuyom na kamao. “What the fvck
-Sembrano’s Palace-Third Person’s POVNapahalakhak si Neizan nang paputukan niya paulit-ulit ang ulo ni Knoxx. Halos hindi na makilala ang itsura nito dahil sa brutal na pagpaptay sa kanya. Ang dugo nito’y kumalat sa sahig. Hindi alintana ni Neizan ang mga dugong tumalsik sa kanyang puting laboratory gown na suot niya.“Edi tumahimik ka rin…” aniya saka nagpatuloy sa pagputok ng baril sa gawing dibdib ni Knoxx. Nang maubos na ang bala niya’y dinuraan niya pa ang mukha ni Knoxx saka napangisi.“Ipakain niyo sa royal shark. Linisin niyo ang buong sahig,” utos niya sa tatlong Blood Armies na nakabantay sa labas ng restroom.
-Isla Royal-Zylan’s POVHabang nagsasalita si King patungkol sa gaganaping debut ni Reign ay nagsa-sign language ako kay Red mula sa malayo. Ang mga sinasabi ko sa kanya ay ang planong gaganapin na debut ni Reign at siya ang last dance. Hindi ko na sinabi ang iba pang sinabi ni King about sa engrandeng selebrasyon dahil hindi naman siya parte na ng planong iyon dahil ang nakatoka lamang sa kanya ay isayaw si Reign, i-block ang microchip nito na haharangin ng kanyang choker at aliwin lang si Reign hanggang sa matapos ang kanilang sayaw.Labag man sa aking loob na sana ako ang makasayaw niya sa last dance ay ipinaubaya ko na lamang. Balak ko rin sana kung normal ang lahat ay magkakaroon din si Reign ng debut sa white penthouse. Doon sana namin gaganapin ang kaarawan niya. At heto, sa plano ni King at ng iba
Grey’s POVPagkasabi ni King Arthur na mayroon daw kaming bisita ay mabilis kong ikinasa ang pistol na nakatago sa aking coat. Mabilis ko namang tinungo ang puwesto ng kakambal kong si Red na nagtataka kung bakit kami nagsikasahan ng baril. Nag sign language naman ako sa kanya.“V-I-S-I-T-O-R-S”Pagkatapos ay nakita ko sa gilid niya ang M16 rifle at ikinasa na rin. Tinapon niya naman sa gilid ang sigarilyong kanina pa nasa labi niya saka napangisi.“Yown! Bal, antok ako… tulog lang ako, ah?” wika ko sa kanya sabay kindat. Ito kasi ang sinasabi ni Prince Justine na kausapin namin si Red sa maling impormasyon. Napansin ko naman ang pagkunot niya ng noo.
Third Person’s POVMatamang nakaalerto sina Prince Patrick at Dominic sa back door ng mansyon. Naisip kasi nina Prince Ken at Prince Justine na silang dalawa na lamang sa entrance door dahil mas marami silang nagbabantay doon kasama sina Sean, Agustin at Demitri. Mas umalerto silang dalawa ni Dominic nang makarinig ng kaluskos sa may gawing kusina. Sumenyas naman si Prince Patrick na nakatago sa isang pader papunta sa kusina na mauuna siyang pumasok. Tumango naman si Dominic na hindi nalalayo sa kanyang puwesto na nakatago sa isang mahabang piano instrument.Dahan-dahan naman naglakad si Prince Patrick upang hindi makagawa ng kaluskos. Nang matantiya na niya ang puwesto niya sa kusina, sinilip niya ang pinanggalingan ng kaninang narinig nila ni Dominic. Nakita niya ang isang lalaki na hindi katulad ng ibang nakalaban nila. Nakasibilyan itong s
Third Person’s POV“Demitri and Agustin, sumama kayo kila Hyusiof para hanapin ang totoong Nathan Alonzo. Ang second prince. Huwag muna kayo magpapakita rito hangga’t hindi ko sinasabing puwede na kayo bumalik. Hindi puwedeng malaman ng kalaban na kasama ninyo kami rito,” wika ni Prince Ken sa dalawang lalaki na bagong salta sa organisasyon. “Nasisiguro kong magmamanman iyon dito kung sino ang mga kaanib ng Hari,” dagdag pa nito.Napatango naman ang dalawang lalaki na hindi nalalayo ang edad sa singkwenta’y anyos. Mayroon namang iniabot sa kanila si Prince Ken na tig-iisang device na tila singsing ang anyo. “This device can help you to find your location wherever you are. In case na may magtangka sa inyo, iilaw ‘yan para ma-track namin kayo.”
-Sembrano’s Palace-Timothy’s POVNang masiguro kong isang oras ng wala sa palasyo ‘yong si Prince Nathan ay balak ko sanang kontakin sina Prince Ken or si Prince Patrick. Hindi kasi ako makapaniwala hanggang ngayon at talagang nakakabigla ang mga pangyayari na pinaslang niya ang isa sa mga tinuturing niyang kaibigan, si Knoxx. Napatingin naman ako sa dalawang monitor na nagmumula sa Bloody West, nandoon si Prince Raymond na tila kausap ang tatlong komander ng Blood Armies, isa sa Silver, Gold and Royal.Ang tatlong komander na iyon ang mga namamahala sa iba’t-ibang designated na Blood Armies na nakaatas sa kanila. Ang Gold Commander ay pinapamahalaan ang mga Blood Armies na reapers and assasins na nasa mga misyon. Ang Silver Commander ay pinamamahalaan ang mga Blood Armies na nakap
Third Person’s POV“You know what, Brent, wala namang da;at ialrma sa palasyo dahil lahat ay nasa ayos ko,” ani Neizan kay King Arthur na katapat niyag nakaupo. Nasa living room silang dalawa. Nasa kabilang couch naman si Prince Ken na nakikinig lamang sa kanilang pag-uusap. Nagsalin pa ng alak si Neizan saka marahang sumimsim ng alak. “Ah~ it feels good. It’s been three weeks since you go out for vacation. And I think mas kailangan mo pa ‘yon pahabain para mas mag bonding kayo ng kapatid mong si Alyana,” dagdag pa nito saka matamis na ngumiti sa kaharap na hari.Napacross arm naman si King Arthur saka tumango-tango. “Yes, naisip ko rin naman ‘yan. Dinala ko lang siya rito sa Casa Sembrano dahil ito ang pinakamatandang mansyon ng aming pamilya. Gusto ko lang ipadama kay Alyana ang mga memorya ko rito s
-Isla Royal-Red’s POVNapayuko ako nang sumulyap muli sa akin ang nagpapanggap na Nathan. Paalis na kasi ito kaya kami ni Yana, ang kanina pang magkasama, nandito rin si King Arthur at Prince Ken na kahilera namin, tinitingnan ang pag-alis ng taong ito.“Until we meet again, Brent, Ken and Alyana. Collins, take care the princess…” aniya saka kumaway pa sa may bintana saka inandar ang sasakyan. Napahinga ako ng malalim. Tinapik naman ako ni Prince Ken saka nginuso ang hawak ni Yana na human size barbie doll. Nag-uusap sila ng kuya niyang si King.Sumensyas naman si Prince Ken. Nag sign language siya. “W-E-N-E-E-D-T-O-D-E-A-C-T-I-V-A-T-E-T-H-E-B-A-R-B-I-E,” aniya na prinoses
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang