Zylan's POV
Bumungad sa akin ang malakas na simoy ng hangin dito sa karagatan. Tanaw ko mula rito ang two storey house na pinasadya ko kama kailan lang. Ang bahay na iyon ay ipapakita ko kay Reign. Mas inuna ko munang pasiyahin siya sa gitna ng dagat sakay ng yacht. Hawak ko ang isang wine glass at nasa may nguso ako ng yate na kung saan ay ilang pulgada na lang ay puwede akong mahulog. Pinikit ko ang aking mga mata at dinamdam ang hangin na kanina pa tumatama sa akin.
Ang saya sa pakiramdam na magkasama kami ngayon. Iyong kami lang dalawa. Mas nagagawa ko ang mga gawain na gusto kong gawin mismo sa kanya. Ang pagsilbihan siya katulad ng ginagawa ng apat kong kasamahan sa grupo. Masaya ako na kahit dito ko lang siya dinala, nakita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata at sinseridad na nagustuhan niyang nandito s
-White Penthouse-Sean's POVTrenta minutos na ang nakalipas nang makauwi sina Damon at Yana. Tila nabuhayan naman ang bahay sa pagdating ni Yana dahil sa kanyang energetic na boses kasabay ng mga nagtatahulang aso na tila masaya sa pagdating ni Yana. Nakaupo lang akong pinagmamasdan si Yana na nakikipag-usap sa tatlong royalty dogs na ngayon ay naglalambing kay Yana. Si Grey naman ay prenteng nakahalumbaba habang pinagmamasdan din si Yana na nasa harapan namin. Si Dominic naman ay kakalabas lang ng kuwarto at tumabi sa amin. Napatingin naman ako kay Damon na pababa ng hagdanan, may dalang mga envelope at mga iba pang papel."Where's
Sembrano’s Palace-Third Person’s POVMagkatabi sina Zylan at Alyana na nakapaharap sa pitong Royalties na nakatitig lamang sa dalaga. Sina Ken, Timothy, Marvin, Raymond at Justine ay walang kaalam-alam sa mga nais pag-usapan ngayon at ‘yong kahapon pang pinag-uuspan nila na may konektado sa pagiging magkapatid daw nila Zylan at Alyana.Ang mga Blood Armies naman na nakapalibot ay aktibong alerto sa mga puwedeng mangyari sa meeting na magaganap. May mga hawak na mahahabang klase ng baril na kung saan ay nagkasahan kanina nang dumating sina Zylan at Alyana.“Kuya Brent, puwede ko po ba makita si Zander?” basag ni Alyana sa matinding katahimikan na bumabalot ngayon sa kanilang lugar. Napatingin naman sa kanya ngayon ang mga Royalties na nagpapakiramdaman lang.&ldqu
-White Penthouse-Sean's POV“Anong ulam, Dwaythe? Hehehe gutom na ako, e. Kasi si Zylan hindi ako pinakain *pout* “ natawa ako sa bungad ni Yana pagkarating pa lang dito sa bahay. Kusina agad ang pinuntahan nito.“Hahahaha! Nak, ng? Bakit hindi ka pinakain, Yana?” si Grey at inakbayan pa si Yana. Napatingin ako kay Damon at nakita ko kung papaano siya nagtaas kilay sa pagkakaakbay ni Grey kay Yana.“Bakit ako tinatanong mo Daizer? *pout* hindi naman ako si Zylan para sabihin sa’yo kung bakit hindi niya ako pinakain,” napapailing na lang ako sa mga inosenteng sagot ni Yana. Nagsandok na ako ng mga ulam sa mangkok at si Grey naman ang naglalagay sa lamesa.“Ha-ha-ha! Oo na!”Kakarating lang nila Zylan at Yana galing sa Sembrano’s Palace. Mabut
After 3 days…-Sembrano’s Palace-Timothy’s POVKanina pa ako hindi mapakali. Parang may hindi magandang nanagyayari ngayon. Parang may mali. Ako lang ba ang nakakahalata nito? O pati mga kapwa ko Royalties? Pero parang ang kalmado lang nila, parang hindi sila namomoblema katulad ko or talagang hinahayaan lang nila ang mga padating na problema? Pero may punto rin na huwag magsabi ng mga napapansin... dahil hindi din namin alam kung sino ang nagtatraydor sa grupo. Baka kapag may sinabihan ako, baka bigla akong patayin na hindi ko nalalaman.Katabi ko ngayon si Ken. Kanina pa ako nandito sa Human Access Robot niya na kung saan ito na ang naging bahay niya. Ito kasi ang pinakamalaking asset ng Sembrano's Palace. Lahat ng armas na nakapalibot sa buong palasyo ay konektado rito. At kapag nagkadehado
-Sembrano’s Palace-Someone’s POVTok! Tok! Tok!Napabangon ako sa kama ko nang may marinig akong kumakatok. Nag-aalangan pa akong rumespondeng pagbuksan ang pinto dahil baka ‘siya’ na naman ang bumungad sa’kin at mag-utos ng kung ano-ano. Hindi ko gusto ang mga gusto niyang mangyari sa Mafia at hindi ko akalain na ang katulad niya ang magtatraydor sa Blood Organization. Siya ang pinaka pinagkaaktiwalaan ng King pero heto siya't sinisira niya ang tiwala na binibigay sa kanya ng nakatataas.Parang hindi na siya ‘yong dating nakilala ko. Marami na ang nagbago sa kanya pero hindi ko siya masisisi. Maraming buhay na rin ang nawala sa kanya at ginagawa lamang
-Hacienda Villareal-Third Person’s POV“Zyra, watch your footsteps,” paalala ni Zylan sa nagmamadaling si Alyana na pababa ng eroplano. Kakababa lang kasi ng eroplanong sinasakyan nila na ang nagmamaneho ay si Prince Ken at King Arthur—dalawang Royalties—ni hindi nila alam na ang mga ‘to ang piloto ng naturang sasakyan.Pinagplanuhan kasi ito ni King Arthur. Pinatulog lang naman niya ang totoong piloto ng sasakyan at sila ang pumalit sa puwesto ng mga ito. At ang sinama niya sa planong niyang ‘to ay si Ken dahil ito lamang ang marunong sa pagpapatakbo ng eroplano. Gusto kasi niyang masubaybayan ang mga galaw ni Alyana kahit pa na pinagbawalan na siya ni Zylan na makita pa ito. Pero sino nga ba ang pipigil sa mga desisyon niya? Wala. At, kailanman ay wala p
-Hacienda Villareal-Grey’s POV“Kambal, nahigitan ni Damon ang yaman natin. Paksyet!” mahinang bulong sa’kin ni Red habang manghang nakatingin sa buong Hacienda nila Damon. Kanina pa kami nag-iikot ditong apat nila Sean at Dominic dahil mag-uusap daw muna ang magkakapamilya para kay Yana.Ang ganda talaga parang paraiso ang lugar. Ang lawak ng buong Hacienda at malinis ang buong paligid. Kalahati lamang ito ng Sembrano’s Palace pero ang ikinaganda nito ay ang sariwang hangin na babalot sa’yo. Parang ito ang tinatawag na 'Home' talaga. Naghihintay sa'yo ang mga magaganda at simpleng kabuhayan na narito.Napahinto ako sa pagmumuni-muni nang tapikin ako ni Sean at akbayan. “P
-Hacienda Villareal- Ken's POV Napaunat ako ng kamay ko nang makaramdam ng ngawit sa balikat. Magdamag kasi akong nakadisguise na nakapang security guard. At katulad ng nasa plano namin ni King, maglalagay ako ng mga tiny vider sa ilalim ng lamesa at iba pang parte ng bahay ng Villareal. Namataan ko naman si King na hindi kalayuan sa puwesto ko na nakapang disguise na magsasaka. Napansin kong tumango ito sa akin marahil ay pupunta sa aming van na naging hideout namin pansamantala sa pagmamanman dito sa lugar. Pasimple naman akong tumango sa kanya saka sumenyas ng code namin sa Blood Organization na tanging mga Royalties lamang ang nakakaintindi sa aming hand gestures. Mayamaya'y sumunod na ako sa van na sinakyan ni King. Bumungad sa akin ang sampung klase ng monitor na kung saan ay mga ipinapakita ay ang mga pinaglagyan ko ng tiny vider. Nakita ko naman sa kabilang monitor si Red na mag-isang
Third Person’s POV Matapos ang naganap na giyera ay lumabas na ang mga tinagong initiates nina Prince Marvin at Prince Patrick. Marami sa blood armies ang nawalan ng buhay dahil maging sila ay nagamit ng dark organization para labanan ang kanilang pinaglilingkurang pamilya. Ang mga pamilya naman nila ay buong tapang na pinagmasdan ang loob ng palasyo. Nagulantang sa nasasaksihang pagbabago na nangyari dahil sa nangyaring digmaan. Napaiyak ang ilan at ang karamihan naman ay natuwa dahil natapos na ang gulo rito. May mga naghihinagpis dahil ang kanilang mga kamag anak ay namatay ng walang laban at pati na ang mga kabataan na maagang binawian ng buhay. Sa isang linggong lumipas matapos ang nangyaring digmaan ng dugo bakas pa rin ang resulta ng mga ito sa buong Sembranos Palace. Pero unti-unting binabalik sa dati, tulong-tulong ang mga kaalyansa upang maibalik ang dating ganda ng palasyong kinatatayuan nila ngayon. Buong akala nila ay sasabog na ang palasyo ngunit laking pasasalamat n
Third Person's POV Tensyon. Iyan ang bumabalot sa panig ng blood organization. Tensyon na mapatay ni Arthyrn sa brutal na paraan at tensyon na mamamatay sa pag pulbos sa buong palasyo. Hinanda naman nina Prince Raymond ang kanilang mga sarili para maisagawa ang kanilang plano na baliktarin ang dapat mapatay ni Arthyrn. Kailangan nilang malinlang si Arthyrn para mapatay nito ang lider ng dark organization at hindi si King Arthur. Kasama sa kanilang plano ay si Teris na siyang gagawa ng taktika upang mailagay si Arthyrn sa harapan ng lider. Ang Da Silva brothers naman na sina Argon, Bismuth at Antimony ang mga gagawa ng magpapa agaw pansin sa mga cyborg pati na kay Arthyrn kasama din nila si Aldrin. Si Prince Raymond naman ang gagawa ng paraan para matanggal ang tali na nakalagay sa mga royalties at sa human innovators. Sina Dominic at Sean naman ang maiiwan sa laboratory. Hindi kasi puwedeng gamitin ni Sean ang katawan ni Grey para makipaglaban lalo pa't hindi niya ito sariling kata
Third Person’s POV “Oh… I like your first choice. Go on, take his blood, Arthyrn.” Sa narinig na ito ni Arthyrn ay sabay niyang itinaas ang dalawang katanang hawak niya. Nakita nilang lahat ang itim na itim na mata ni Arthyrn na kung saan ay tanda na wala ito sa sariling pag iisip. Tinitigan naman ni Emperor ang kanyang anak na tila tulala sa kanyang mukha. Nababahiran ang buong suot nito na kulay puti ng mga nagtatalsikang dugo na mga pinaslang nito. “Anak… Arthyrn, mahal na mahal ka ni Daddy. Patawarin mo ako, patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama sa inyo ng Kuya mo. Patawarin mo ako kung napabayaan kita… pero sana kung maalala mo man ako sa mga sandaling tapos na ang lahat, huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan ng lahat.” Natawa pa ang lider ng dark organization nang marinig ang mga sinasabi ng Emperor. n aka standby naman ang kamay sa ere ni Arthyrn na may hawak na katana at pababa nang pababa ito habang naglilitanya ang Emperor. “Masaya ako, A
Third Person’s POVHindi nakapagsalita si Emperor sa tanong ni King Arthur sa kanya. Napapikit naman ng mariin ang hari dahil sa kumpirmadong sagot sa tahimik na ama. Tumawa naman ng buong lakas ang lider saka pumalakpak. “Kaya nga maaga mong ibinigay ang posisyon mo as King sa iyong anak dahil para hindi ka mabuko, tama?” “Manahimik ka! Alam kong alam mo ang kung ano ang totoong dahilan ng lahat ng iyon! Balak ninyo kaming patayin at ginagamit ninyo ang mga babae para pabagsakin kami!” nanggagalaiti sa galit ang Emperor dahil mukhang nililinlang din nito ang kanyang panganay na anak sa mga kasinungalingan. Aminado siyang pinagpapatay niya ang lahat ng kababaihan iyon ay dahil sa kasakiman din ng mga ito na magtulong-tulong para mag alsa sa kanilang pamilya. Nais nilang patayin ang dalawang anak ng Emperor na siyang magmamana ng buong kapangyarihan at kayamanan ng Sembrano at Arzaga. “Bakit, anong kasinungalingan ang hindi totoo na pinatay mo silang lahat at tanging natira ay ang
Third Person’s POV Nanghihina ngunit pilit na lumalaban. Iyan ang tanging nararamdaman sa mga sandaling ito ni Aldrin. Ilang beses na niyang sinusubukan na kuhanin mula sa sealed na lagayan ang microchip na kakambal ng nasa loob ng katawan ni Arthyrn. Tila nasusunog ang kanyang kanang kamay dahil sa mga paso na natanggap nang tinatangka niyang ipasok ang kamay at makuha ang bagay na iyon. Ang sealed na kung saan ay magbibigay ng kakaibang init na sensasyon sa balat ang sino mang magtatangka rito. Inilibot naman ni Aldrin ang silid upang makakuha ng ano mang bagay na pupuwedeng magamit niya upang maiwasan na masaktan sa pagkuha nito. Napalingon siya sa wala ng buhay ng kanyang ama. May naisip siyang posibleng magamit niya ang kamay ng ama para kuhanin ang bagay na iyon. Nagdalawang isip pa si Aldrin at inulit muli ang naunang ginawa ngunit ganoon pa rin ang kinakalabasan, kapag mas sinagad niya pa lalo ang kamay sa loob ng sealed, puwedeng maputulan siya ng kamay. Napabuntong hinin
Third Person's POVTila nahilo sa mga sandaling ito si Sync. Hindi dahil sa nararamdaman niyang pagod o panghihina kundi dahil sa mayroong nagpoproseso sa utak niya. Mayroong mga linya na tila nagdidikta ng isang lokasyon sa isip niya na nagpapakita. Napansin naman siya ni Cherry."You okay?" makikita ang pag aalala ng babae sa kaibigan. Sinipa niya pa ang kalabang armado bago muling lingunin si Sync na ngayon ay napapakunot noo. Nilingon naman siya ni Sync saka nagpalinga linga. "She's coming right here… the princess is coming…" aniya saka nakatuon ang tingin sa isang daan. Mukhang narinig naman ni King Arthur ang sinaad ni Sync at nilingon din ang daan na tinitingnan ni Sync. Mabilis namang nakarating si Prince Nathan sa kanilang gawi at napansin niyang mas dumami pa ang kanilang mga nakakalaban. May mga humaharang pa sa kanyang mga armado na agad niyang tinadtaran ng bala. Napalingon naman sa kanya si Prince Patrick na ngayon ay may hawak na espada at pinagpapaslang ang mga armad
Third Person’s POV SA WAKAS ay napansin na rin ni Prince Ken ang kanyang smart watch. Nagtaka pa siya na ito ay halos isang oras nang nag-a-aalert sa kanya. At dahil busy siya sa pagpaslang sa mga cyborg ay hindi niya ito nakita. Muli na naman siyang sinugod ng cyborg at mabilis siyang bumwelo para sipain ito at saksakin sa mata nito. Nang mawalan na ng ilaw ang mata ng cyborg ay mabilis siyang umalis sa kinaroroonan at tumungo sa access room. Bawat madadaanan ni Prince Ken ay may naglalaban na mga kaanib nilang organisasyon at mga kalaban na organisasyon. Hindi niya na inabala ang sarili doon dahil kailangan niyang solusyunan ang nangyayari kay bloody access dahil hindi puwedenh madamay si blood access sa giyerang nangyayari. Puwedeng maulit ang nakaraan na kung saan ay may posibilidad na sumabog ito na delikado sa kanilang lahat. May humarang naman sa kanya na dalawang armado at inaatake siya. Sa gigil niya ay sinugod niya ang mga ito at ginilitan sa leeg. Mabilis namang binagsak
Third Person’s POVBAWAt madaanan nina Dominic at ng Da Dilva brothers ay mayroong mga blood armies na hallucinated na kung saan ay kanilang pinapatulog gamit ang weapon na ginamit kanina nila Dominic. Wala silang kaalam-alam na ang iniwan nilang mga blood armies na walang malay sa kabilang pader ng palasyo ay may mga namatay na dahil sa ginawa ng dalawang nagpapanggap na royalties. Katulong naman ni Dominic si Antimony sa pagbaril sa mga armadong bagong dating. Napag-alaman nilang galing ito sa iba’t-ibang grupo na ngayon ay inaatake sila. Mabuti na lamang at walang cyborg silang nakakasalubong dahil panigurado na mauubusan sila ng bala dahil ang weapon ng Da Silva brothers ay kailangan ng likidong muli na tila bala sa weapon na iyon. At sa mga sandaling ito ay paubos na ang likido sa loob ng weapon na iyon. Normal na baril na lamang ang kanilang hawak-hawak para panlaban. Naunang naglalakad si Bismuth na inaalalayan pa rin si Grey pero medyo umo-okay na rin ang lagay ni Grey kaya n
Third Person's POV Si Prince Timothy naman ay halos madehado sa pakikipaglaban dahil napuruhan siya ng cyborg sa kanyang hita. Bawat galaw niya ay ginagaya ng cyborg na ito hanggang sa atakihin pa siya ng isa pang cyborg. Natumba si Prince Timothy at nabitawan ang weapon na hawak niya. Sasaksakin sana siya ng cyborg mula sa likod nang agapan ni King Arthur. Ipinangharang nito ang metal na kamay sa kamay ng cyborg na nagtransform na espada. Hindi naman iyon inaasahan ng cyborg dahil ang pokus niya ay si Prince Timothy at nakatuon ang system na ginagaya niya ay si Prince Timothy kaya’t umikot ang mata niya para baliktarin ang gagayahin niya. Ngunit umiikot pa lang ang mata nito nang tusukin ni King Arthur ang dalawang mata ng cyborg kaya’t wala itong nakuhang identity ni King Arthur. Hinintay pa ni King Arthur kung may bagong mata ba na papalit sa cyborg na ito ngunit lumipas ang isang minuto ay walang lumabas na pamalit sa mata nito. Tinadyakan naman siya ni King Arthur bago tuluyang