AN/ Unang una hindi ko po isinulat ang storyang ito upang makilala ng karamihan. This story is clearly made to open our eyes into reality, that we should not trust anybody easily cause regrets always tends to happen at last. Again, please don’t expect too much angels HUHU. BTW I am new to this genre pero susugal tayo diyan welchians. Happy Reading!
“Dapat hindi mo hinahayaang palaging nakatali ang mahahaba at malalambot mong mga buhok baka masira iyan sa kakatali. At gusto ko sa darating na ika-pito mong kaarawan ay naka ayos ito ng mabuti dahil gusto ko palaging maganda ang prinsesa ko. Naaalala ko tuloy ang kabataan ko sayu anak noong mga--”
“Sugod!” Mga sigawan sa labas na aming narinig na biglang nagpa bahala sa akin at sa aking mahal na inang reyna na siyang nagpa hinto sa aming malumanay na usapan
“Kamahalan, may mga Assassin na sumugod sa atin, kailangan nyung maka ligtas at maka layo sa lugar na ito” nauutal na sabi ng matandang baabeng taga silbi. Agad kaming lumabas ng palankwin kasama ang matandang baabeng taga silbi, ngunit di kalayuan mula sa aming palangkwin ay tinamaan ng palaso sa leeg ang matandang babaeng taga silbi at agad itong binawian ng buhay.
Pabilis ng pabilis ang aming pagtakbo habang hawak hawak niya ng mahigpit ang aking kaliwang braso. Halos lumilipad na ako sa bilis ng pagkaka hila sa akin ng aking Ina.
“Ayon! Magtago tayo sa malaking puno na iyon” nanginginig na pagkasabi ng aking Ina na ramdam na ramdam ko ang takot at kaba sa kanyang mala-yelong lamig na kamay.
Mabilis kaming nagtungo doon ngunit di pa man kami nakaka lapit sa malaking puno na yon ay tinamaan ng palaso ang aking pinakaamamahal na inang Reyna sa kaniyang kaliwang binti ngunit patuloy parin ito sa pag takbo hanggang bigla nalang itong nadapa akala ko ay dahil sa kanyang sugat sa binti, ngunit nakitang kong may bago na naman sIyang tama, at sa bandang kaliwa ito ng kanyang dibdib na kung aking susukatin ay sa kanyang puso ito tumama.
“Ina! Ina tumayo po kayo, tatakas tayo ng sabay Ina!” naluluha kong sigaw habang hinihila patayo ang aking mahal na Ina.
Tumingin ako sa may bandang likod ko at nakita ko ang babaeng assassin na naka kabayong palapit na sa amin. Tumakbo ako ng walang alin langan hanggang sa aking mapagtanto na nasa dulo na pala ako ng mataas na talon, liningon kong muli ang nakahandusay na bangkay ng pinakamamahal kong babae sa ibabaw ng mundo habang patuloy na pinag sasaksak ng babaeng Assassin na may lilang laso--
“Kamahalan!” bigla akong nagising sa malumanay na tawag ng aking tagapag lingkod mula sa labas ng aking silid.
“Kamahalan, oras na po upang magtungo sa silid bulwagan.
Biglang dumapo sa aking isipan na ngayon pala ang araw ng pagtitipon ukol sa magaganap na kasunduan sa pagitan ng aming kaharian ang Sylverstein Kingdom at ng Shein Empire.
Nagmamadali kong pinatawag ang aking mga taga bihis. Maingat at nagmamadali nilang isunuut sa akin ang kulay rosas na mahabang sutla habang inaayos ang mala gintong-kulay na sinturon na siyang mas lalong nagpa tingkad ng aking kasuutan habang ipinamamalas ang mala-perfectong hubog ng aking katawan na siyang pinaka ayaw kong nangyayare, ngunit dahil sa espesyal ang araw na ito ay kailangan ko itong isuot alinsunod sa utos ng aking mahal na Amang hari at sya naring pag papakitang respeto sa Prinsepe ng Shein Empire na kahapon pa naririto sa palasyo.
“Itali niyo ang aking buhok” pa utos kung bigkas
“Ngunit mahal na Prinsesa, dalaga ka pa baka mapagkamalan ka pang biyuda sa gagawin mong ito” ani ng aking nakatatandang tagabihis na si Lady Matti, siya ang tagabihis ng aking mahal na Ina at matapos ng pamamaalam niya ay pinilit kong sa akin nalang siya manungkulan dahil napakabait niya, halos araw-araw ko nga silang naaabutan na nangongolekta ng magagandang bulaklak kasama ng aking Ina kung kaya’t napakagaan ng aking pakiramdam sa kaniya.
“Itali niyo na, mas mabuti na nga iyon dahil wala naman akong balak mag asawa” sagot ko habang naka titig sa labas ng bintana.
Naririnig kong natatawa sila sa sinabi ko ngunit hindi kona yon pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pag lalagay ng katamtamang pulbo sa aking pisngi.
-Queen Qiana’s point of view
“Kamahalan, narito po ang mahal na Reyna Qiana” marahang sambit ng matandang lalaking tagasilbi.“Sige pa pasukin mo” tugon ni Haring Christopher
Pumasok ako at tumambad sa akin ang nag aalinlangang mukha ng aking mahal na asawa
“Kamahalan, tayo na’t magtungo sa silid bulwagan” Panimula kong sambit at matapos ay siya ring agad na tumayo ang Hari mula sa kanyang upuan.
--
Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa loob ng silid at tanging ang mga mata ng bawat naroroon ang siyang tanging gumagalaw. Nahawi ng aking paningin ang Prinsipeng kanina pa naka titig sa akin na para bang gandang-ganda sa‘kin, aba! Sino ba naman ako para di kagiliwan napangiwi nalang ako sa aking guni-guni.“Hindi na ako magpapa ligoy ligoy pa mahal na Haring Christopher, ang pakay ko lamang dito ay upang iparating sa inyo ang kasunduang nais na maganap ng aking mahal na Amang Emperador sa pagitan ng Sylverstein at Shein” Madaldal na sabi ng Prinsipeng ito na masasabi kong napaka taas ng tingin sa sarili.
“Kung gayon, isang magandang balita yan, ngunit naniniwala ako na sa bawat hakbang na ginagawa ng Shein ay palaging may kapalit, dahil gaya ng nakararami ayaw niyo ring malugi tama ba ako Prinsipe Wynn?” patawang tanong ng aking Amang hari.
“Hahahahaha totoo nga ang sabi-sabing nalalanghap ko na napaka talino ng Hari ng Sylverstein, ngunit wag kang mag-alala kamahalan sapagkat isa lang naman ang hinihinging kapalit ng aking Ama, yon ay ang pakikipag isang dibdib ng iyong napaka gandang anak sa akin kapalit niyon ay hindi na sasakupin ng Shein ang inyong kaharian hangga’t ako at ang aking ama ang siyang namumuno, at gayundin ang pakikipag kalakal, malaya kayong makaka paglabas pasok sa aming Emperyo” nakaka iritang mahabang pahayag nito.
“Ipag paumanhin mo Prinsipe Wynn ngunit ang hinihingi niyong kapalit ay hindi basta-basta, siya ang panganay na Prinsesa ng kahariang ito at siya ang inaasahang susunod na mamumuno rito” ika ng mahal na Reyna Qiana ang ikatlong asawa ng aking Ama.
“Ngunit mahal na Reyna hindi rin basta-basta ang matatanggap niyong tulong at kapangyarihan mula sa amin kung kaya’t masasab--”
“Walang magaganap na kasalan” Malamig na sabi ng aking Amang hari.
“Hindi siya makikipag isang dibdib sa’yo, at walang magaganap na kasunduan sa pagitan ng Sylverstein at Shein, hindi kami uurong sa labanan hangga’t merong natitirang hininga sa amin iparating mo iyan kay Emperador Tsui bastos na Prinsipe” pasigaw na dagdag ng aking Ama.
“Huh, pagsisisihan niyong hindi tinanggap ang kasunduang ito” nanlilisik na sambit ng prinsepe at padabog na lumabas ng silid.
Naglalakad ako pauwi galing templo kasama ang sampung babaeng tagapagsilbi at anim na personal kong guwardiya na syang babae rin.
Dalawang araw na ang nakalipas ngunit di parin mawala sa aking isipan ang naging sagutan sa pagitan ng aking Ama at ng prinsIpe ng Shein. Gulonggulo na’ko. Pababa na kami ng mataas na hagdanang ito ng makitang kong patakbong lumapit sa amin si Zacc.
"Mahal kong Prinsesa nabalitaan muna ba ang nakaka kilabot na balita!?" nahihingal nitong sabi.
Siya pala si Zacc Chesther Hugh ang apo ng Punong Minestro, sya ang kaisa isa kong kababata. Siya ang naka tagpo sakin mula sa pagkakalunod sa talon. Sabay kaming pumasok sa pag iinsayo. At halos lahat ng mga sikreto namin sa isa't isa ay alam na namin, ganun kami kalapit.
"At ano na namang pekeng balita ang iyong naimbento ginoong Zacc?" pataray kong tugon habang naka tingin sa aking mga makikintab na kuko.
"Ano kaba naman Sapphire, ay! Ibig kong sabihin kamahalan. Hindi na ito peke, siguradong-sigurado na’ko ngayon dahil narinig ko mismong nag-uusap si Lolo at ni Ama na sasama daw ang mahal na Hari sa digmaan, at kasalukuyan na silang naghahanda!" mabilis nitong ulat na halos di ko na maintindihan.
"Ano!? Kinakailangan kong sumama, hindi ko hahayaang malagay sa alanganin ang mahal na Hari." patakbo akong bumaba ng hagdanan habang bitbit ang mahahaba kong dilaw na sutlang kasuutan.
-Lady Halen’s point of view
"Siguraduhin mong hindi ka papalpak ngayon Tyrone, isa lang ang pagpipilian mo, buhay ng iyong Ina o buhay ng Hari, at alam kong hindi mo matitiis na nakikitang nagdurusa ang pinaka mamahal mong Ina" marahang sabi ng babaeng nakaitim na damit at naka sombrero na mayroong itim na kulambong naka palibot dito. ‘Di ko man sila nakita at tanging anino lang nila ang siyang aking napapagmasdan mula sa loob ng aking silid, ngunit pamilyar sa akin ang boses ng babae."Hindi ko kayu bibiguin mahal na Reyna" pabulong na sabi ng lalaking ninja na siyang namang itinango na babaeng nakaitim.Nanginginig kong niyakap ang aking sarili, "Kailangang malaman ito ng mahal na Hari" bulong ko sa sarili ko habang nagmamadaling tumayo mula sa aking higaan matapos kung mapag tanto na umalis na ang dalawang taong nag uusap sa labas ng aking silid.
"Kamahalan, bakit po kayo lumabas? Kumuha lang po ako ng iyong gamot sandali, hali na po kayo sa loob ng iyong silid". Ika ng matandang babaeng tagapagsilbi
"Hindi, kailangan kong makita ang mahal na Hari" nanginginig kong sabi
"Ngunit kamahalan--"
Hindi kona pinatapos sa pagsasalita ang babaeng tagapagsilbi at agad agad akong tumakbo palabas upang balaan ang mahal na Hari sa masamang balak ni Reyna Qiana.
"Ano pang tinatayo-tayo niyo riyan? habulin nyu si Lady Halen, baka kung anong mangyari sa kanya!" rinig kong sigaw na utus ng matandang tagasilbi sa mga kawal.
--
"Handa na ang lahat kamahalan. Nasa labas na ng palasyo ang ating hukbo. Nagpa dala rin ng karagdagang liman-libong kawal si Gobernador Sergio" ulat ni Heneral Cognan."Kung gayon tayo na, hah-- hah--" mabilis naming pinatakbo ang aming kabayo.
--
Patakbo akong pumasok sa silid sandatahan at tanging matandang Asero nalang ang aking naabutan doon."Nasaan na ang mga kawal at ang mahal na Hari" nagmamadali kong tanong ko sa matandang Asero.
"Umalis na po sila kani-kanina lang mahal na Prinsesa"
Walang pagdadalawang-isip at kumuha agad ako ng espada at pana, at nagmamadaling isinuot ko ang baluting pang kawal. Mayroon akong sariling baluti na pinayari ng aking Ama mula sa bakal at pilak, ngunit wala na akong oras upang bumalik pa sa aking silid at isuot iyon kaya ito nalang muna ang pansamantalang gagamitin ko.
"Ang bilis mo naman, halos paliparin muna ang kabayo mo" hinihingal na sambit ni Zacc, sabay ngiti sakin. Iyong mga ngiti na masasabi kong mas lalong nagpapa guwapo sa tangang ito. Para talaga itong bulati na bigla nalang sumusulpot kahit saan saan.
"Tama na ang talumpati ginoong bulati, kumuha kana ng sandata mo ng maabutan natin sila"
Nagmamadali na naming nilisan ang silid sandatahan matapos naming isuot ang aming mga baluti ng makita ko si Lady Halen na parang wala sa sariling tumatakbo. Bumaba ako ng kabayo upang lapitan siya.
"Lady Halen, ang lamig ng mga kamay mo at namumutla ka, bakit ka lumabas ng iyong silid?" malumanay kong tanong. "Kailangan kong balaan ang mahal na Hari, nasa matinding piligro ang kanyang buhay" naiiyak nitong sabi. Siya si Lady Halen ang pangalawang asawa ng aking Ama. Malapit silang magkaibigan ng aking Ina. Galing sya sa katamtamang angkan, ngunit mahal na mahal siya ng aking Ina at ang kanilang pagkakaibigan ay hindi naputol hanggang sa sumakabilang buhay si Ina. Kaya noong nalaman kong nais siyang pakasalan ni Ama ay hindi nako nagmatigas dahil kailanman ay hindi ko ito nakitang nagpamalas ng sama at galit sa akin man o sa kahit sino man. Makalipas ang isang taong pagsasama ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng aking Ama, at isinilang ang nakababata kong kapatid ma si Louvier Morissette Sylverstein. "Wag po kayong mabahala Lady Halen, sasamahan po namin ang mahal na Hari" saad ni Zacc sa komportable nitong tono. "Ano ba kayo, hindi iyon ang
"Ah,! Ah!" Sunod sunod na nagbagsakan ang aming mga kasamahan matapos tamaan ng mga palaso. "Sandali, hindi galing sa likuran ang mga tama nila kundi galing sa ating unahan" pabulong kong hudyat habang naka taas ng bahagya ang kanan kong kamay upang pahintuin ang aming mga kasamahan. "Tama ka prinsesa, at kilala ko ang mga palasong ito. Galing ito sa mga kawal ng Sylverstein, malamang ay inutusan sila ng Reyna upang ipapaslang ka mahal na Prinsesa" ika ni Heneral Cognan Umupo muna kami upang magtago sa matatayog na damo. "Mahal na prinsesa napapa ligiran tayo ng mga kawal ng Shein at Sylverstein. Kailangan nating maghiwa hiwalay upang linlangin sila. Tiyak pag nagkasalubong ang mga kawal ng Shein at Sylverstein ay magpapatayan din ito" Paliwanag ni Heneral Cognan. "At paano iyon mangyayari?" maikli kong tanong "Paumanhin mahal na prinsesa ngunit kailangan mong maka l
"Woaaaahhh! Ano 'to?""Napaka yaman naman ng kaharian ni haring Walter, napaka liwanag ng kanilang siyudad" bulong ko habang nasa tuktok na ako ng bakod na ito.-Greyson's PoVUmiinom ako ng beer habang naka titig sa mga kumikinang na bituin sa langit ng marinig kong may tumatawag saking cellphone.Binuksan ko ang pinto ng kotse ko upang abutin ang cellphone kong kanina pa nagba-vibrate."Hello Tracy" Oh bakit na naman?" nakasimangot kong tanong kay Tracy mula sa kabilang linya."When are you going to return huh? Kanina pa kami nangangawit ni Harris kakatayo dito sa tapat ng gate mo! We've been here for almost 2 hours."Sige pauwi nako." malimit kong sagot"Hurry! And grab some beer on your way home, don't worry babayaran kita Mister kuripot" maarte netong sagot tapos ay pumsok nako sa sasakyan at pina andar na ito.--"Uhuu! Ano 'yon!? Aba! Sobra sobra naman ang yaman ni haring Walter pati pagong niya nag
Sapphire’s PoV Lagpas hatinggabi na hindi parin ako makatulog. Iniisip ko kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko sa masungit na lalaking iyon, at hanggan ngayon wala parin akong nararamdamang kaba o takot sa aking dibdib kahit na alam kong kaming dalawa nalang ang narito sa malaki niyang bahay. "Hays! Tumigil ka nga diyan Sapphire kung ano-ano ang pumapasok sa kukuti mo babae ka" pabulong kong sabi habang marahang sinasampal ang sarili ko. At ng tumingin ako sa itaas nikita kong nakatitig lang sakin ang lalaking masungit na ‘yon ng wala man lang ka emo-emosyon. Naglakad ito pababa habang naka bulsa sa kaniyang pajama ang kanyang dalawang kamay. "Wala ka bang balak hubarin yang coat ko?" malamig nitong bigkas habang nagsasalin ng tubig sa baso. Aba! May pagka manyakis din pala ang sungit na to! Huh! Baka akalain niya maghuhubad ako dahil lang sa pinatira niya ako dito sa bahay niya. *Huh! Asa ka! "Hindi! Bakit may problema ka ba!?"
“Yes, sweety I’m back!” nakangisi nitong sagot habang mariing naka titig sa akin. Mahigpit akong hinawakan ni Harris sa kaliwa kong kamay, dahilan upang mas manlisik ang mga mata ni Vincent. “Tara na!” sigaw ni Harris at nagmamadali ako nitong hinila patakbo sa kotse ng may apat na lalaking naka itim na biglang humarang sa kotse ni Harris. “Not so fast Doctor, walang lalabas dito ng buhay not unless sasabihin niyo sakin kong nasaan si Greyson” ika ni Vincent habang hinihipan ang kanyang itim na salamin. Pareho kaming nagkatinginan ni Harris. Nag back to back kami habang binibilang ang aming mga kalaban. “4 from the back” bulong ni Harris “dalawa sa unahan” pabulong kong sagot. Haaah!!---- -Princess louvier’s PoV “Kamahalan narito na po ang manggamot” mungkahi ng matandang kong taga silbi. “Tayo na” malimit kong tugon sabay na tumayo at lumabas ng aking silid. Nag-utos ako upang hanapin ang
Magtatakip-silim na hindi parin umuuwi si ginoong sungit, nangangalay nako sa kakalakad, tayo at upo. Nasanay na akong napapaligiran ng maraming tagasilbi kung kaya't ganito nalang ang nararamdaman kong lungkot."Ano kaya magagawa ko? Maghugas ng pinggan? wala namang maruming pinggan, tapos ko na rin diniligan ang mga halaman ni ginoong sungit, aba suwerte ng mga halaman na 'yon prinsesa pa talaga ang nagdilig sa kanila. Ano kaya kong linisin ko ang maruming silid na napasukan ko kagabi? *na siya ring sinang-ayunan ng aking isipan.Dahan dahan akong pumasok sa silid na ito, ang daming bahay ng gagamba, halata talagang wala ng gumagamit ng silid na ito. Habang isa isang tinatanggal ang mga bahay ng gagamba sa bintana naamani ang aking atensiyon ng isang kumikinang na bagay mula sa madilim na sulok matapos kong buksan ang bintana."Ano kaya iyon" tanong koNilapitan ko ito at nakitang isang malaking kahon gaya ng sa kaharian namin. Nakakandado ito per
Paika ika akong naglalakad sa madilim at makipot na lansangan upang maghanap ng malinis at ligtas na lugar kung saan ako makakatulog. “Kailangan mo ba ng tulong binibini? Mukhang may problema ka atah sa binti mo.” sita sa akin ng isang lalaki habang nakikipag inuman sa iba pang apat na mga lalaki. “Baka kailangan mong mag exercise miss, Hahahaha” natatawang sabi ng isa “Hahahaha mukha ata pare, wag kang mag alala binibini hindi ka naman namin papagurin diba mga pare? Hahahahah” ika ng isa pa saka ito sabay sabay na nagtawanan. Kung hindi lang ako napilayan kanina ko pa binali ang mga buto sa iyong mga katawan *sambit ko sa aking isipan. Pero sa kalagayan ko ngayon mukhang pagtakbo lang ata ang makakatulong sa akin. At isa pa, lima sila kaya mahihirapan lang ako pag kinalaban ko pa sila. Binilisan ko ang aking paglalakad upang makalayo na sa kanila. “Oyyy! Sandali lan
"What happen?" Sigaw na tanong ni Tracy. "It's a long story" sagot ko habang inaakyat paitaas si Sapphire. Nakatulog na siya sa daan kaya 'di ko na ito inabalang gisingin pa. Harris clear his throats saka nagsalita. "About earlier, I'm so sorry bro, I didn't really know about the real story" "What do you mean" I simply asked "Tracy already told me about her, I didn't really mean to hurt your Princess bro" ika nito sa mapag kumbabang tono. "That's fine for me, but I don't for her. One thing I can give you as an advice is that, be careful she's as fierce as lion" saad ko habang tinatapik ito sa kaniyang likuran. Lumabas na rin si Tracy matapos bihisan at linisin si Sapphire. Pumunta na kami sa baba upang mag dinner kahit mag-aalas diyes na ng gabi. At saka ko na rin pinaliwanag sa kanila kung saan ko natagpuan si Sapphire. Nagluto narin ng lugaw si Tracy para kay Sapphire at ako na ang nagdala nito sa taas. --
Sapphire's PoV"Ah!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko at isinilip ko ang aking mga mata mula sa pinagtataguan kong mesa.Agad na nagunaw ang aking mundo at ang masasayang ngitian at palakpakan kanina ay napalitan ng sakit at kirot na hindi kayang ipaliwanag ng mga salita."Honey!" Sigaw ko at agad na tumayo mula sa aking pinagtataguan."Relax ka lang! Madadamay kayo ng anak mo!" Sigaw na pigil sa akin ni Harris at mahigpit na hinawakan ang dalawa kong braso."Paano ako magre relax!" Sigaw ko sa kaniya at muling tiningnan ang nakatayo paring asawa ko na pulang pula na ang kaniya suot na white suit."Dagdagan pa natin yan Prinsipe!" Muling sigaw ni Qianna mula sa Helicopter at agad na muling pinaputukan ang duguan ngunit malakas paring si Greyson."Alam kong malabo na ang makaligtas ako at maisakatuparan ang mga pangakong pinangako ko sa kaniya kani-kanina lang, ngunit nais kong sa huling yugto ng aking buhay ay makita ang ka
Palapit ng palapit na ako kay Greyson na hindi na maitago ang kaniyang galak at saya na siyang nakapinta at maliwanag na masisilayan sa kaniyang malalapad na ngiti.Unti unti nang nakakahalata si Heneral Cognan sa aking ibang pag iyak, dahil naramdaman niya na ito na hindi na ito tears of joy. Sinusubukan kong tiisin at itago ang takot at kabang nagliliyab sa aking katawan ngunit kahit gaano ko man ito itago ay hindi ko parin kaya.Nang makarating na kami malapit sa unahan ay agad na yumakap si Greyson kay Heneral Cognan at niyakap naman ako nang napaka higpit ng mahal na Emperatres."Tahan na anak, masisira ang make up mo niyan, and I know the happiness you had right now, cause I'd been there before, kaya smile my gorgeous daughter-in-law and of course my soon to born handsome prince." Saad ng mahal na Emperatres habang niyayakap ako at marahang hinawakan ang aking tiyan.Hindi na ako makapag salita dahil sa kakaiyak, but I'm really wishing a
"It's time!" I heard Tracy screamed so freaking loud and it almost broke the door. I covered my head with my pillow and to the left side to hide my face from the sunshine of the morning sun. Why is she like that? This is really not the real her. I stated inside my head and heard again not just a loud screamed but a loud knock on my door. "Fine, you freaking piggy doll, why are you disturbing my day huh?" I screamed back as I opened the door. She's done bathing, what's happening why do I felt like got something special today. I tried to paused for a while and she's looking at me with her puppy eyes. "What is it?" why are you up too early? Do you have a date?" I inquired and she just wagged her head without uttering a single word. "Ano ngang meron?" sigaw ko sa kaniya habang hawak hawak ang aking tiyan. "Shhh, I'm talking to your tita Tracy my prince. Sabihin mo na para akong mamamatay sa kaba sa ibabalita mo" kamot ko sa aking ulo.
“Hello my baby” hiyaw ni Harris ng makita kami ni Greyson na papasok pa lang ng Hospital. Natawa nalang kami ni Greyson sa inasta ng kaniyang kaibigan, para itong bata kaya’t maging ang mga nurse staff ay natawa na rin.“Hindi pa yan nagsasalita, kaya wag kang ano” sita ko sa kaniya habang nagsi-shake hand ito ni Greyson. Tumingin ito sa akin saka ibinababa ang kaniyang tingin at tiningnan ang aking tiyan.“But he would talk soon, right future prince of Ashcroft?” tinaasan ko ito ng kilay saka namiwanang. Bahagya siyang napa ngiti at hinawakan ang ulo.“Hay nako, oo na babae na” bawi niya sa kaniyang sinabi kaya’t ngumiti nalang ako, ewan ko ba bakit gustong gusto ko na babae ang magiging anak namin, sana talaga babae. Bahagya akong napatawa sa aking imahinasyon.“Ang weird talaga ng mga buntis” inirapan ko itong muli saka ako tumingin kay Greyson.“At matampuhin din&rdqu
“Ahh” napa atras nalang ang prinsesa sa sobrang lakas ng pag ataki ng Emperador. Sa sobrang bilis nito ay maging siya ay nahirapang iwasan ito at agad na nagtamo ng malaking sugat sa kaniyang hita at napaluhod nalang ito dahil sa hindi na niya kayang itayo pa ito.“Ganito pala kahina ang pinuno ng tinatawag nilang magagaling na mamamana sa Ashcroft” sambit ng Emperador habang nagpapalibot libot sa nakaluhod na Prinsesa.“Huh!” sigaw ni Prinsipe Wynn at Prinsipe Farjeon.“Isa ba itong pagtitipon? ang mga anak ko ay kinakalaban na akong lahat” sambit ng Emperador. Agad na itinayo ni Prinsipe Wynn ang kaniyang kapatid at tinalian ng isang tela ang sugat ng prinsesa.“Mali ka Emperador, dahil pagtutulungan ito ng magkakapatid para mabigyan ng hustisya ang aming mga magulang na walang awa mong pinaslang” sambit ni Prinsipe Farjeon.Una nang sumugod si Prinsipe Farjeon, ngunit gaya ni Prinsesa H
Ligtas na nalisan ni prinsipe Farjeon ang Emperyo ng Shein ngunit nabigo naman siyang makumbinsi ang dalawa niyang kapatid.“At paano kami nakakasiguro na hindi ka bitag para lamang makapunta kami sa Emperyo at mahuli ng iyong minamahal na ama” naghihinalang sambit ni Prinsesa Haracchi.“Sabi ko, hindi ko siya Ama!” sigaw ni Prinsipe Farjeon.“Wag kanang umarte Farjeon, dahil hindi bagay sayong gampanan ang karakter ng isang bida, hindi talaga bagay sa’yo kaya’t bumalik ka na sa Emperyo at magsimulana kayong maghanda, dahil sa muling pag lusob ng Knightwalker at Sylverstein ay paniguradong tangin pangalang ng emperyo ng Shein na lang ang siyang tanging maaalala ng mga tao sa Ashcroft.” mahabang pangangaral ni Prinsipe Wynn.“Kung ayaw niyong maniwala, hindi ko kayo pipigilan, basta’t kung maaari lamang, pahiramin niyo lang ako ng mga sapat na kawal upang kalabanin ang kaunting mga kawal na natiti
Hindi parin mawala sa isipan ni Prinsipe ang kaniyang mga nalaman at nakaluhod parin at tulala ito habang nakatingin sa puntod ng kaniyang mga magulang.“Ina, Ama? alam kong masaya na kayo diyan, ngunit nais kong madama niyo ang katarungan at hustisya kahit nariyan na kayo” malakas nitong kinimkim ang kaniyang mga kamao habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha mula sa kaniyang mga mata.***“Wag kayong masyadong magbunyi dahil hindi pa tapos ang laban” bulong ni Qianna habang pinagmamasdan mula sa malayo ang Emperyo ng Knightwalker at ang unti unting pagyabong at pagbangon ng Emperyong ilang decadang nalugmok dahil sa kasakiman ng mga Shein.“Tayo na, may kailangan pa tayong balikan” Imbita niya sa dalawang Ministrong nananatili paring tapat sa kaniya.Matapos matalo ng mga Sylverstein ang libo libong kawal ng Aerosmith ay nahirapan na itong bumangon ulit at maging ang mga kawal na natitira sa buong palasyo ay hindi
“Bakit ba natin ginagawa ito?” tanong ko kay Greyson habang nakayakap sa kaniya at nakahiga ang aking ulo sa kaniyang dibdib.Kasalukuyan kaming nakahiga sa aking silid nang makauwi na kami mula sa malayong paglalakbay galing sa mataas na bundok na iyon.“What do you mean my sweetie honey fiancee?” tanong nito sa akin. Gosh, every time na naririrnig ko ang salitang fiancee para talag akong naiilang, naninibago lng ako ng sobra.“I’m taking about the early celebration, shouldn’t we be preparing instead of being like this, kasi in any moments baka ang Shein naman ang sumugod sa atin” salaysay ko.“Yes of course we are doing that, hindi ko lang pinapahalata. Nasa kanya kanya ng himpilan at grupo ang mga kawal at sundalo natin kung kaya’t mapapansin mong medyo kulang na ang mga kawal sa Emperyo. Dahil naka puwesto na sila malapit sa hangganan para mapigilan agad agad ang mga kalaban kung sa
“Oh honey!” napabulong nalang si Sapphire sa kaniyang nakita. Isang malalaking mga balloon lettering na ang nakasulat ay MARRY ME? na siyang nasa likod ng nakatakip na tela. “We’d been together for the long time my sweetie queenie, and we’re both there to lift each of us whenever we’re not okay, and we never spend a day or let a night just pass without settling some misunderstandings and problems we had. That’s why I’m now here, we’re both in this moment.” Unti unting naglakad si Greyson palapit kay Sapphire habang dala dala pa rin ang microphone, mas lalo pang nagtaka si Sapphire kung bakit may mga speaker na rin dito sa Ashcroft. “Now, I want us not just to be boyfriend and girlfriend, I think it’s now the for us to take another step forward in our relationship” Lumuhod ito at may kinuha mula sa kaniyang bulsa, and unexpectedly pull out a silver ring with a blue crystal gem stone on its top habang may naka ukit namang GS sa likuran ng singsing. “My queen Sapphire W