Blake's point of view"Anong ginagawa mo dito?!" May halong irita na tanong ko kay Annika ng makita ko ito sa loob ng hospital. Lumabas ako sandali para habulin sana si Connor dahil magpapabili sana ako ng pagkain para kapag nagising si Sabina ay may kakainin ito. Pero pagdating ko dito sa pinaka first floor ng hospital ay bumungad sa'kin si Annika na kausap si Connor."Blake, h-how is she?" Nanginginig ang boses nito at patuloy sa pagluha pero hindi noon nabago ang seryosong expression ko.Hindi ako nag-abala na sagutin ang tanong nito. "What the hell are you doing here?" Matigas na tanong ko, tinitigan ko si Connor pero hindi ito makatingin sa'kin ng diretso. Binalik ko ang tingin kay Annika at naabutan ko ito na nakatingin sa'kin na puno ng pagmamakaawa bago yumuko lang. I closed both my fist and eye to control my anger, pero hindi ko pa din napigilan ang sarili ko na bulyawan ito. "What the hell Annika, What are you doing here!?" Napahinto at napatingin sa'min ang mga tao na nasa
Good morningfinally! Ngayon lang ako nagkaroon ng time na makapag thank you sa inyo. this is not an update andito lang itong notes na ito para makapag pasalamat ako sa walang sawa ninyong pagbabasa at pag-vote at comment you don't know how much I'm so grateful with all your efforts na basahin ang akda ko sana ay hindi ko kayo madisappoint. I'm not a perfect writer pero gagawin ko ang best ko masatisfy ko ang bawat isa sa inyo gamit ang pag-update ng quality na chapters.thank you so much sana ay lagi kayong pagpalain ng panginoon ciaoLichtAyuzawa
Sabina's point of viewHindi ko alam kung paano namin pinalipas ang gabi na hindi nag-uusap. Five minutes after our love making or kung love making ba yun dahil sa mga naalala ko, tinanong ko ito kung kabit niya ba ako pero hindi ito sumagot. Twenty minutes after mangyari ang pagniniig naming dalawa ay umalis kami ng hospital, because I can't take any more minutes in that place. Ngayon nandito kami sa condo, tahimik na magkatabing nakahiga sa kama, nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. "She went here," panimula ko ng hindi na ako makatiis. "Hmm," tanging tugon nito. Napipikon na sinuntok ko ito."Aray, bakit ka ba nanununtok!" Nagrereklamong tanong nito.Sa halip na sumagot ay nagpatuloy ako sa pagkwento ng nangyari habang inaalala ko ang lahat ng ito. "Hindi pa tayo tapos mag-usap noon ng may kumatok. So I decided to open the door, I greeted her kasi akala ko si Manang Corazon siya. Pero noong narinig ko siyang nagsalita, saka ko lang na-realize na ibang tao pala ito.
Blake's point of view"Hey, why are you crying?" Kanina pa kami dito sa kwarto at kanina ko pa ito binabantayan habang umiiyak. Kanina after magpaalam ni Sandoval ay nakita ko si Manang Corazon na inaalalayan si Sabina paakyat sa second floor. Pero bago ako tuluyang sumunod dito ay tinawagan ko muna si Guztav.Ilang ring lang ay narinig ko ang boses nito na pumailanlang,"hello boss," magalang na pambungad nito."I want you to investigate Elena Laureano-Guzman," yun lang ang sinabi at kaagad ko ng narinig ang sagot nito. "Right away," hindi ko na pinatagal pa ang usapan namin kaagad ko ng pinatay ang tawag at tinungo ang kwarto namin. Pagkapasok ko sa kwarto ay nakita ko si Sabina na umiiyak habang si Manang Corazon naman ay abala sa pagpapatahan dito. "Ako na po ang bahala sa kanya," sambit ko sa matanda na kaagad naman tumango at lumabas ng kwarto."Hey, what's wrong baby?" Nilapitan ko ang nakahiga nitong katawan at mahigpit na niyakap pero kaagad itong lumayo."W-What if, walang ma
Blake's point of view12:00 in the afternoonMackinley Hills Room 651"Clara, I thought that girl is dead!?" Dinig ko mula sa pinagtataguan ko ang galit na sigaw nung psychiatrist ni Sabina. Hinintay ko ang isasagot ng nasa kabilang linya but no luck siguro ay hindi naka-speaker phone ang tawag nito."You told me, that you're gonna get rid of her? Her mom is the reason why my husband is gone, I want her dead as soon as possible!" Muli ay galit na sigaw nito. Napangisi ako pagkarinig sa sinabi nito. Tinanaw ko ang mga kasama ko na kagaya ko ay nagtatago sa bawat sulok ng bahay. Sinenyasan ko ang mga ito na lumabas na at magpakita sa babae. Ginawa ng mga ito ang nais kong mangyari, unang lumabas ay si Vasquez na tahimik na naglakad sa tabi ng babae, kaagad na nanlaki ang mata nito pagkakita kay Vasquez, iginala nito ang mga at kaagad na namutla ito pagkakita sa'kin."Hello Mrs. Guzman!" magiliw na bati ko dito gamit ang malamig kong boses. "P-Paano ka-kayong n-nakapasok?" Kinakabahan
Blake's point of viewAbala ako sa mga papeles na nire-review ko ng dalawang beses na tumunog ang cellphone ko para sa isang text. Kinuha ko ito sa may coffee table at binuksan, may dalawa akong text isa ay galing sa mommy ko at ang isa naman ay galing sa hindi naka-save na numero. Una kong binuksan ang text galing kay Mommy. From: Mom"Son I'm sorry if naglihim kami, your brother is in jail, 10 years na niyang pinagbabayaran ang kasalanan niya," after reading my mom's text message pakiramdam ko ay napakasama kong anak for not listening to them nung nag-explain sila sa'kin.Last night kasi tinawagan ko sila at masasabi ko na hindi naging maganda ang pag-uusap namin dahil sa nalaman ko na may kapatid ako at ito ang pumatay sa mommy ng babaeng mahal ko. Nagreply ako sa mommy ko para sabihin na naiintindihan ko siya and I'm going to visit my brother soon but not just now, because I am not ready to face him, sinabi ko din na I felt betrayed that they shouldn't keep secrets because we'r
Sabina point of viewPagkatapos akong iwanan ni Blake sa opisina nito para umattend sa meeting ay siya naman pagpasok ng dalawang babae na hindi ko kilala pero nagsimula na laitin ako."Besty, bakit may squatter dito?" Dinig kong tanong ng isang boses. Pinakinggan ko ng mabuti ang boses nito kung pamilyar sa'kin pero, hindi. Nanahimik lang ako na nakaupo sa coach pero mahigpit ang hawak ko sa handle ng handbag ko."Hindi ko nga din alam besty, baka naman nag-apply siyang cleaner?" Maarteng sagot naman ng isa pang babae na may soft pero matinis na boses. Kung makapagsalita naman kayo akala ninyo ang ga-ganda ninyo, eh ang lamang niyo lang naman ay yung yaman ninyo na meron din naman siya," mahabang litanya ng boses na medyo pamilyar sa'kin. "At sino ka naman, kaano-ano ka ba ng squatter na iyan? Hindi ka naman mukhang gusgusin na kagaya niya para ipagtanggol mo siya?" Maarteng tanong ng babaeng nagtanong kung bakit may squatter dito.Kinagat ko ang gilid ng labi ko para pigilan ang s
Third person point of viewBlake knew it's just a matter of time ay magtatanong na si Sabina, pero ang hindi niya in-expect na ganito kaaga."Sino si Ramon at ano ang ginawa mo sa kanya?" Tanong ni Sabina kay Blake gamit ang seryosong boses, hindi alam ni Blake kung ano ang gagawin, he was tempted to tell her the truth pero may pumipigil sa kanya na magsabi ng totoo, dahil maaaring mabunyag ang ginawa ng kapatid niya. "Okay lang kung hindi mo gustong sagutin ang tanong ko," muli ay sambit ni Sabina , Blake looked at Sabina and he can see in her face that she's dying to know who Ramon is.Napabuntong hininga si Blake at handa ng sabihin dito ang totoo,"Ramon is-" panimula ni Blake pero kaagad iyong naputol ng may sumingit sa pag-uusap nila. "Sir Blake, safe na po na lumabas," singit ni Vasquez sa seryong pag-uusap ng magkasintahan."Let's go home, huwag ka ng mag-alala sa mga nangyari ngayon dahil sila Vasquez na ang bahala." Blake said monotonously and hold Sabina's hand to guide he
Sabina point of view12 years later...."Sigfred Blaiz, ano itong natanggap kong text from your teacher na nakipagsuntukan ka daw!?" Nakapameywang na tanong ko dito, habang pinanlalakihan ko ito ng mata.Kakagaling ko lang sa conference meeting ng SVE Corporation ng tawagan ako ng teacher nito para lang sabihin na nakipag-away daw ang anak ko.Hindi ito sumagot, tinitigan lang ako nito at pinagkibitan ng balikat."Sigfred Blaiz Taylor Jenkins, kailan ka pa natutong magkibit balikat sa'kin!? You are grounded!" Nang-gigigil na singhal ko dito."Mom, that's unfair, you can't use your mother role to do that!" Giit nito pero pinanlakihan ko lang ito ng mata."Oh! Of course I can," wika ko at nginisihan ko ito bago tinalikuran."Ugh!" Dinig ko pang napu-frustrate na d***g nito.Nagpunta ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubig dahil pakiramdam ko ay magkaka-high blood ako sa batang iyon.Abala ako sa pag-inom ng tubig ng maramdaman ko ang kamay na pumulupot sa baywang ko."Nagsusumbong
Vivien point of viewPagkagaling ko sa school ay ibinaba ko lang ang bag ko sa sofa at dumiretso kaagad ako sa kusina para kumuha ng tubig ng mapadaan ako sa opisina ni Mommy at Daddy at dahil sa bahagya itong nakabukas ay dinig na dinig ko ang pagtatalo ng dalawa.Napailing ako dahil lagi silang ganyan sanay na sanay na ako. 'Ano na naman kaya ang pinag-aawayan ng dalawang 'yon?' tanong ko sa aking isipan bago nagpatuloy sa pagpunta sa kusina.Pagkatapos kong uminom ng tubig ay bumalik na ako sa sala ng maisipan ko na magpakita muna sa dalawa para pigilan ang mga ito sa pag-aaway, pero habang lumalapit ako dito ay mas lumilinaw sa'kin ang pinag-aawayan ng mga ito."Hindi ako makakapayag na bibigyan mo ng pera ang ampon mo!" Sigaw ni Daddy. Napailing ako dahil pera na naman ang pinag-aawayan ng mga ito pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang sinabi nitong ampon.'May ampon si Mommy at Daddy? Sino?' Magkakasunod kong tanong at mas lumapit pa ako para mas marinig ko ng malinaw ang pina
Sabina point of viewSix months later...Decades ago I was just a blind girl who dreamt to see the beauty of the world and then I happen to met a ruthless yet sweet and caring billionaire who don't just made my dream come true but he made me his whole world too. Sa loob ng halos dalawang taon na magkasama kami, naramdaman ko ang roller coaster of emotions, ilang kapahamakan ang naranasan at napagtagumpayan namin ng magkasama, muntik na kaming maghiwalay pero hindi hinayaan ng diyos na mangyari iyon. Nawalan kami ng mga taong kakilala pero naka-gain kami ng panibagong mga kaibigan na sumuporta sa'min at nangakong susuportahan kami hanggang sa huli."Baby, don't leave me hanging!" reklamo ni Blake. Napatingin ako dito at saka ko lang naalala na nasa kama nga pala kaming dalawa at kasalukuyan siyang nasa pagitan ng mga hita ko at pinapaligaya ako."Sorry," nahihiyang paghingi ko ng paumanhin at hinawakan ko ang ulo nito para mas ilapit sa basa kong pagkababae."This is your punishment for
Third person point of viewNagkagulo ang mga nurse na abala sa pag-kwentuhan galing sa pagra-rounds sa mga room ng kani-kaniyang pasyente ng mula sa bukana ng hospital ay isa-isang ipinasok ang mga duguang katawan na nakahiga sa stretcher na tulak-tulak ng ilang mga nakaunipormeng pulis at nurse na rumesponde sa nangyaring malaking gulo."We need a doctor here, this one is not breathing anymore!" Kaagad na lumapit ang isang babaeng doctor at bago ito mamgsimulang suriin ang pasyente ay tinawag nito ang dalawang pangalan ng kasamahang doctor."Doc Lim, Doc Dela Constacia, kayo na ang bahala sa magkasunod na pasyente!" Malakas na wika nito at nagsimulang suriin ang pasyente mula sa pag-check ng vitals at pulso nito pero malungkot lang na umiling ang pasyente at tumingin sa pambisig na orasan."Time of death, 7:45 AM," wika ng doctor at lumayo na sa stretcher. Malungkot na itinulak na ng mga nurse ang stretcher papuntang morgue."I'm doctor, Ethan Lim, what's the status of the patient?"
Sabina point of viewPagkagising ko ay mukha kaagad ng nanay ko ang bumungad sa'kin. Iginala ko ang paningin ko sa pagbabakasakaling makikita ko sa kwarto ko si Mommy Aurora pero tanging kami lang dalawa ang tao dito. "Where's Mommy Aurora?" tanong ko dito, namutla ito pero bigla ding ngumiti ng matamis, "umuwi muna sandali, anak para kumuha ng mga malinis na damit." "tss." yun lang ang naging tugon ko at tinalikuran ko na ito. "Nagugutom ka ba? May binili akong prutas baka gusto mo ng apple, ipagbabalat kita o kaya naman ay orange," pinasigla nito ang boses at naglakad papunta sa lamesa kung saan nakalagay ang basket na may lamang iba't-ibang prutas."Hindi ako nagugutom." monotone na sagot ko, dahil nakaharap ako sa may lamesa ay nakita kong humigpit ang hawak nito sa mansanas."Ano ang gusto mo anak? Kahit ano ibibigay ni Mommy," tanong nito sa'kin."Umalis ka, yun ang gusto ko." matalim na sagot ko at ipinakita ko dito na hindi ako natutuwa sa presensiya niya."S-Sorry, anak ku
Sabina's point of view"Blake!" Sigaw ko kasabay ng pagbalikwas ng bangon dahil sa isang masamang panaginip, sa panaginip ko ay naaksidente daw kami and then the next thing ay kumakaway sa'kin si Blake habang naglalakad palayo ng may payapang ngiti, pero nagtataka ako kung sino at bakit may nakahawak sa kamay ng asawa ko na isang batang lalaki na kagaya din nito ay kumakaway habang matamis na nakangiti."Ugh!" Daing ko at kaagad nagsisi sa ginawang mabilisang pagbangon ng maramdaman ko ang matinding sakit na bumalot sa bawat himaymay ng katawan ko."Blake?" tinawag ko ang pangalan ng asawa ko habang ginagala ko ang paningin ko sa paligid, walang kahit isa, maliban sa'kin.Puro puti lang ang nakikita ko, kinusot ko ang mga mata ko dahil baka nagkakamali lang ako ng tingin, pero hindi dahil puro puti lang talaga ang kulay na nakikita ko. Binalot ako ng kaba at madiin kong kinurot ang braso ko sa pag-aakalang baka nananaginip pa ako pero napadaing ako dahil sa sakit, "aray!"Hinimas ko a
Third person point of view"Where have you been!?" pasinghal na tanong ni Aurora sa kararating lang na si Vivien. Kanina pa siya kinakabahan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang doctor na gumagamot sa anak niya tapos itong kaibigan niya ay ngayon lang dumating.Hindi kumibo si Vivien sa halip ay umupo ito sa isa sa mga nakahilerang upuan sa labas ng operating room at malungkot na tumingin sa kanya. Doon palang ay alam na kaagad ni Aurora na may nangyaring hindi maganda, kaya naman kaagad siyang tumabi dito at niyakap ito."What happened?" Nag-aalalang tanong ni Aurora sa kaibigan habang hinihimas ang braso nito to console her. Huminga ng malalim si Vivien at mariing pumikit bago nahihiyang tumingin diretso sa mga mata nito, "I went to my step-father's place." Napasinghap si Aurora pagkarinig sa sinabi ng kaibigan alam niya kasi na hindi magkasundo ang dalawa, saksi siya sa paghihirap ni Vivien para lang mapatunayan ang sarili sa ama-amahan at ng hindi ito sumbatan sa p
Third person point of viewNanlulumong napaupo si Connor sa mga nakahilerang upuan sa lobby ng hospital, habang nanlalaki ang matang nakatingin siya sa pinto ng operating room kung saan kasalukuyang ginagamot ang nag-aagaw buhay niyang pinsan at matalik na kaibigan. Habang nakaupo at tahimik na naghihintay sa labas ng operating room ay napansin niya ang dalawang pulis na naglalakad palapit sa kanya, ito din ang mga tumulong sa kanya kanina. Nanatili lang siyang nakaupo habang magkasalikop ang kamay hanggang sa tuluyan ng makalapit ang mga ito at tumayo sa harapan niya."Mr. Connor Sullivan?" tanong ng isa sa mga pulis, tiningala niya ito at tumango siya bilang pagsang-ayon."Yes, I-I am C-Connor," Nangangatal na sagot niya. Habang nakatingin sa mga pulis ay ramdam niya ang panlalamig ng kanyang mga kamay at hindi nakakatulong ang malakas na buga ng hangin na nagmumula sa aircon ng hospital. "My name is Captain Kelvin Romero at nandito kami para magtanong ng ilang katanungan para sa
Blake point of view"Putangina Connor, ano bang ginagawa mo diyan!?" Galit na singhal ko dito dahil nakabaluktot lang ito sa isang sulok at yakap ang kamay habang ito ako nagpapakahirap na salagin ang bawat suntok ng mga preso na ito."Ikaw kaya ang masakit ang kamay hindi ka mamilipit-SHIT!" gigil na ani nito na hindi natuloy dahil napamura ito at mabilis na gumulong palayo sa lalaking balak sana itong suntukin."Punyeta!" mura ng kalbong preso na puno ng tattoo ang ulo dahil imbes na si Connor ang tamaan ng kamao nito, ay tumama iyon sa semento."Damn it! Saan ba nanggaling ang mga ito?" hindi ko naiwasan ang mapamura habang nagpupunas ng pawis dahil sa pagod."Aba malay ko, ni hindi ko nga nakita ang mga 'yan, tinuro mo lang sila sa'kin!" bulalas ni Connor na ngayon ay nakatayo na ng tuwid at naghahanda na sa bakbakan."Ang daldal ninyo, para kayong mga babae!" Sigaw ng isang preso na kulot ang buhok at puro peklat ang katawan."Putangina mooooo!" Sigaw ni Connor at kaagad na tumak