Ngayong araw, may pagkakataon si Heather na umuwi at samahan ang kanyang ina sa pagpunta sa ospital para magpa-check-up.Dahil hindi pa siya buntis, pinayagan siya nina Mono at Xeron na makipagkita kay Hera.Habang nasa ospital, nakasalubong ni Heather si Tasya, isa sa mga nurse doon, na nagtanong tungkol sa isang ad para sa surrogate mother."Magpaparehistro ka ba bilang surrogate mother sa Miracle Life clinic?" tanong ni Tasya matapos siyang hilahin sa gilid."Bakit po, Nurse?" tanong ni Heather, nagulat sa biglang pag-usisa ng nurse tungkol sa surrogate mothers."Gusto ko lang malaman. Kasi kaninang umaga, nakita kong may bagong advertisement ang clinic tungkol sa paghahanap ng surrogate mother.""Bagong advertisement?""Oo, naghahanap ulit sila. Hindi ka ba nakapasa kahapon?"Saglit na natulala si Heather bago umiling. "Hindi ko alam tungkol doon. Siguro... siguro hindi ako nakapasa kasi... wala naman silang tawag sa akin."Napilitang magsinungaling si Heather dahil natata
Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ni Heather ang mga sinabi nina Tasya at Rubecka.Magkakaugnay ba ang mga sinabi ng dalawa? Hinahanap ba talaga ng clinic ni Doktor Mono ang kapalit niya bilang surrogate mother? Nahanap na kaya nila?Maraming tanong ang bumabagabag sa kanya. Ang kaligtasan ng kanyang ina ay nakasalalay sa batang dadalhin niya para kay Xeron. Pero paano kung palitan siya? Wala nang matitirang pag-asa para sa paggaling ng kanyang ina.Napagpasyahan niyang pumunta kay Doktor Mono para tanungin ito ng direkta. Kailangan niyang malaman ang katotohanan.“Si Doktor Mono lang ang makakapagpaliwanag ng lahat,” bulong ni Heather sa sarili.Kinahapunan, dumating si Heather sa Miracle Life Clinic.“Pwede ko bang makausap si Doktor Mono?” tanong niya sa front desk officer.“Pasensya na po, hindi po available si Doktor Mono ngayon. May maitutulong po ba ako?”Hindi niya maaring itanong ang tungkol dito kung kani-kanino lang. Malamang, hindi rin alam ng officer ang sagot sa
Isang taxi ang huminto sa harapan ng lobby ng gusali ng Montellano Corporation.Bumukas ang pintuan ng taxi, at bumaba si Heather. Tiningnan niya ang napakagandang gusali na may sixty floors. Matapos maghintay ng maraming oras sa klinika ng Miracle Life, hindi pa rin bumabalik si Dr. Mono. Kaya nagdesisyon si Heather na puntahan si Xeron sa opisina nito.Naglakad siya papunta sa reception desk sa loob ng lobby.“Magandang hapon, maaari po bang makausap si Sir Xeron?” tanong ni Heather nang buong tapang.“May appointment po ba kayo?”“Wala po, pero may mahalaga akong kailangang malaman sa kanya kaya need ko siyang makausap,” direktang sagot ni Heather. “Pasensya na po, pero kailangan po munang magpa-appointment,” tugon ng receptionist. Hindi niya maaaring papasukin kahit sino nang walang paunang abiso mula sa nakatataas, lalo na’t opisina ito ng CEO.“Heather po ang pangalan ko. Puwede po bang pakitanong kay Sir Xeron? May mahalaga po talaga akong kailangang sabihin sa kanya,”
Sa opisina ng CEO ng Montellano CorporationNakatayo si Xeron na nakapulupot ang mga braso, nakasandal ang balakang sa gilid ng kanyang mesa."Why are you here?" tanong ni Xeron habang nakatuon ang malamig na tingin kay Heather na papalapit.Si Heather, bagamat kinakabahan at natataranta, ay huminto sa paglalakad. Pilit niyang nilalabanan ang kaba habang pinapalakas ang loob na magsalita.Ang authority ni Xeron ay tila bumalot sa kanya, at unti-unting humina ang determinasyong dala-dala niya kanina."M-may gusto po akong itanong," sagot ni Heather nang may halong kaba at tapang."Sige, sabihin mo na," tugon ni Xeron, halatang naiinip.Hindi niya inasahan na ang mahinhing dalaga ay maglalakas-loob pumunta sa opisina niya. Ano kaya ang gusto nitong itanong?"Naghahanap po ba kayo ng ibang surrogate mother? Totoo po ba ang narinig ko?" lakas-loob na tanong ni Heather."Yes, it's true," sagot ni Xeron nang walang pakialam, pero hindi inalis ang tingin sa dalaga. Parang hindi niya
Sinulyapan ni Xeron ang kanyang relo habang nakikinig kay Echaves, isa sa kanyang mga business partners.Gaya ng napagkasunduan, nasa loob sila ng isang restaurant, nag-uusap tungkol sa negosyo habang nagkakainan.Sinikap ni Xeron na mag-focus sa usapan, pero kung bakit biglang sumagi sa isip niya ang matapang na ekspresyon ni Heather mula kanina. Ang kislap ng kanyang mga mata ay tila gumugulo sa kanyang pakiramdam.Nakakapagtaka, bakit hindi maalis sa isip niya si Heather? Dahil ba sa sinabi nito o dahil sa tapang nitong humarap sa kanya at gawin ang lahat, basta’t huwag lang masira ang kanilang agreement?Sa totoo lang, hindi naman niya iniisip na kanselahin ang kanilang kasunduan.Dagdag pa rito, sinabi rin ni Mono ngayong hapon na wala pa rin siyang nahahanap na ibang surrogate mother. Kaya wala namang dahilan para kanselahin ang kanilang napagkasunduan ni Heather.Hanggang ngayon, si Heather pa rin ang pinakamainam na kandidato.“Mr. Xeron, paano kung ituloy na natin ang p
Kinakabahan si Heather at isiniksik niya ang buhok niya sa likod ng kanyang tainga habang dahan-dahang lumalakad palapit kay Xeron na nakaupo sa sofa. Tinitigan ni Xeron si Heather habang papalapit ito sa kanya. Para etong isang anino ng isang payat na dalaga na may magagandang binti. Ang magaan at sariwang amoy na kanyang naamoy noon ay bumalik at bumungad sa kanyang pang-amoy. Ang pinaghalong amoy ng lavender, bergamot, at grapefruit na bahagyang naamoy ay nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa loob niya. Namumula si Heather, nahihiya siya at kinakabahan. Mahigpit niyang hinahawakan ang tuwalya na nakabalot sa kanyang katawan na para bang natatakot na maalis ang tanging pantakip niya. Bumalik ang alaala ni Heather sa sakit na kanyang naranasan noong kanilang unang gabi, at muli siyang nag-aalala siya. Pinatatatag niya na lamang ang kanyang loob para mabuntis na siya nang magiging anak ni Xeron kahit pa kailangan niyang tiisin muli ang sakit na iyon. Tumayo si Xeron nan
Nararamdaman na ni Xeron ang napakalaking pag-aalab sa kaloob-loob niya. Hindi alam ng dalaga ang epekto na kanyang naiidulot nang hawakan neto ang bawat pulgada ng kanyang balat at maging ang pagdampi pa neto sa sensitibong bahagi ng kanyang katawan. She didn't even know na ginigising niya ang isang gutom, uhaw, at mas nauuhaw na leon! Tinitigan ni Xeron ang namumulang mukha ng dalagang nasa harap niya.Nais niyang yakapin ang dalawang masasarap na labi neto ngunit ang kanyang matatag na puso na nagnanais na hindi magdadala ng damdamin sa kanilang relasyon ang tanging pumigil sa kanyang pagnanasa. Bilang kapalit, bigla niyang hinila si Heather kaya nagkabanggaan ang kanilang mga katawan at matapos neto ay mabilis niyang binuhat ang dalaga. "Aahh! S-sir Xeron!" Napasigaw si Heather dahil sa biglaang pagkilos ni Xeron. Awtomatikong kumapit ang dalawang kamay niya sa leeg ni Xeron at ang dalawang binti niya ay nakapalibot sa baywang ng lalaki. Hindi pinansin ni Xeron ang
Pumasok si Xeron sa kanyang sasakyan at tahimik na napaupo. What did he just do right now? Nasa isip ni Xeron ang katanungan habang inaalala ang nangyari sa silid kanina lang. Nararamdaman ni Xeron na hindi lang ang kanyang katawan ang nagnanais kay Heather kundi pati na rin ang kanyang kaluluwa. Napakalaki ng pagnanasa na iyon kaya gumawa siya ng higit pa sa dapat na gawin. Ang kanyang mga halik at ang kanyang mga kamay na mahusay na naglalakbay sa katawan ni Heather. Paano niya nagawa iyon? Ibig bang sabihin nito ay niloko na niya si Rubecka? "Nakarating na po tayo, Sir." Ang pahayag ni Robin ay nagpaputol sa pag-iisip ni Xeron. Tumingin siya sa labas ng bintana at nakita ang dalawang palapag na bahay sa isang eksklusibong lugar na kanyang tinitirhan kasama si Rubecka. Nang abutin niya ang kanyang bag ay napansin ni Xeron na hindi pa niya nasusuot muli ang kanyang singsing sa kasal. Agad niyang kinuha ang singsing na lagi niyang suot sa loob ng tatlong taon. Nak
Alas-singko na ng hapon pero hindi pa rin bumabalik si Xeron sa opisina niya. Hininto ni Robin ang kotse sa harap ng malaking bahay sa isang exclusive subdivision, at bumaba nanan si Xeron. Imbes na bumalik sa opisina ay nagdesisyon ni Xeron umuwi na lamang. Pumasok siya sa bahay at nakita si Rubecka na nakasandal sa sofa, may kakwentuhan sa telepono, maybe isa sa mgakaibigan niya. Wala etong kamalay-malay na nakauwi na ang asawa niya. Napa-ubo si Xeron para manotice siya ng asawa.Ilang sandali na kasi siyang naghihintay pero hindi pa rin tumitigil si Rubecka sa pakikipag-usap sa telepono. “Xer?” Nagulat si Rubecka nang lumingon at makita si Xeron na nakasandal sa pagitan ng sala at dining room, nakasabit ang jacket sa braso. Hindi naman siya umuwi ng maaga ganito kaaga at hindi rin siya nagpaalam kay Rubecka. Lumapit si Xeron kay Rubecka at huminto sa harap niya. Inilagay niya ang bag niya sa mesa at nilagay ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon niya, tapos nag
Kakalabas lang ni Mono sa delivery room matapos tumulong sa dalawang normal na panganganak. Gusto na niyang magpahinga, kumain, at siguro, mag-power nap kahit kalahating oras lang dahil ubos na ang lakas niya at pagod na siya.Sana naman, walang emergency call na darating. “Si Mr. Xeron po doc, naghihintay sa inyo sa labas” sabi ng isang senior nurse, itinuro ang exit door. Xeron? “Paki-clarify naman kung gaano na siya katagal na naghihintay sakin” pakiusap ni Mono. “Halos mga isang oras na po ata?”sagot ng nurse na medyo nag-aalangan at nagkibit-balikat. Hindi na nagtanong pa si Mono at lumabas para hanapin si Xeron. May importante sigurong sasabihin sa kanya si Xeron kaya nagawa nitong maghintay ng halos isang oras at iwang ang trabaho neto nang halos isang oras sa loob ng isang araw. Pagkatapos mag-ikot sa delivery area, nakita niya sa wakas si Xeron na nakaupo sa isang bench sa park at naninigarilyo. Nakabukas ang ilang butones ng kanyang polo at nakarolyo ang m
Kumuha si Heather ng isang sanga ng puting sampaguita sa garden ng bakuran. Kahit na ang araw ay maaliwalas ay hindi parin neto mabago ang nararamdaman ni Heather, ang bigat-bigat parin ang loob niya. Huminga siya ng malalim at napapikit habang kalmadong inaamoy ang sampaguita. Sana lang, ganito ka-saya at ka-relaxing ang buhay niya. Di pa rin mawala sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Kahit anong pilit niyang kalimutan, lalo na ang mga masasakit na salita ni Rubecka ay hindi niya magawa, paulit-ulit lang sa utak nya ang mga ito. Malalim na ng iniisip niya kaya hindi niya narinig ang ingay mula sa bahay. “Where is that woman?” Si Xeron ay pulang-pula ang mukha at nagmamadaling pumasok sa bahay. “Si Miss Heather po?” Nauutal na tanong ni Sara, mukhang hinahanap nga neto si Heather. “Sino pa ba? where is she?!” Singhal ni Xeron sa ginang. Dumiretso siya sa kwarto ni Heather at padabog na binuksan ang pinto. Wala si Heather. Hinanap niya ito sa buong bahay, ngunit
"Magandang gabi po, Ma'am Rubecka. Gusto niyo daw po akong makausap?" bati ni Heather, nakangiti siya at nakataas ang ulo. Parang biglang nagkalakas nang loob si Heather, hindi na siya natatakot or nahihiya kay Rubecka. Dahil ba kay Xeron? Nagulat naman si Rubecka nang makita ang pagbabago ng ugali ni Heather, mas naging confident at matapang na siya ngayon. "Tsk" bulong ni Rubecka at saka umirap at tumayo mula sa pagkakaupo. Nginisian niya ng puno nang pang-iinsulto si Heather habang pinagmamasdan ang dalaga. "Heather, narinig kong pumunta ka kahapon sa Puerto Prinsesa" sabi ni Rubecka habang umiikot-ikot sa harap ni Heather, nakalagay ang mga kamay sa kanyang bewang. ‘Ah, kaya pala ako hinahanap ni Ma'am Rubecka? Kasi nakita ko si Xeron?’ Naisip ni Heather. Tumigil si Rubecka sa paglalakad at humarap kay Heather, hinihintay ang sagot ng dalaga. "Yes po, Ma'am Rubecka. Pumunta po ako sa Puerto Prinsesa kahapon, si Sir Xeron po ang nag-utos sa akin na pumunta." Matapa
Beep beep beep… Nagising si Heather sa tunog ng alarm. Pagkaalis kasi ni Xeron ay pansamantalang nanatili lang si Heather sa villa. Nakahiga lang siya sa kama at nanood ng TV. Wala siyang gana lumabas. Hanggang sa nakatulog siya dahil sa boring na palabas sa TV. Nagising nalang din siya dahil sa alarm niya. Walang gana siyang bumangon, pero kailangan niya. Pumasok siya sa closet at nagbihis ng tahimik. Wala naman siyang masyadong aayusin at dadalhin dahil karamihan ng mga damit at gamit niya ay nasa maleta pa rin niya. Habang isinasara niya ang maleta, nakita niya ang damit ni Xeron na suot niya kanina. Naka-display ito sa rack. Kinuha ni Heather ang damit at inamoy ito ng malalim. Pinikit pa niya ang mga mata at inamoy ang bango ni Xeron na nakadikit sa damit. Hindi niya alam kung ang damit ba o ang villa ang may amoy ni Xeron. Kahit ano pa man iyon, ang panlalaking amoy na iyon ay nakadikit na sa isip niya. Naisipan niyang dalhin pauwi ang damit kaya
"Wait lang, Xeron anak. Parang okay na ang pakiramdam ko, parang hindi na kailangan ng operasyon 'di ba? 'Di ba, Rubecka?" Agad na umalma si Angie nang marinig ang salitang ‘operasyon’.Agad siyang humingi ng tulong kay Rubecka para kumbinsihin si Xeron. "Yes… Yes, love. Parang gagaling na si Mommy if ipapahinga niya lang to." Napilitang sumang-ayon si Rubecka para mapanatag ang ina. "Huwag kayong mag-alala, Mrs. Angie" singit ni Dr. Nazarette “As a doctor, I highly recommend you to undergo surgeries as earliest as posible. Kasi kung hindi, baka magka-heart attack ka si Mrs. Angie at hindi ko masasabi kung kakayanin niya pa ang susunod na atake." Nag-isip sandali si Xeron. "Nangyari na ba 'to dati?" tanong niya. "Of course! But I must admit, there's only a 70% chance of success" sagot ni Dr. Nazarette. Namutla si Angie. "Here's the thing, Sir Xeron, Mrs. Angie. It's better talaga to have a surgery kesa naghintay pa tayo lumala. That's why I recommend this1" paliwanag
Nasa first-class section ng eroplano Xeron ngayon, may binigay naman si Ross sa amo na isang dokumento. “This is a another report nang mga imbestigador tungkol kay Mr. Fernando at Mr. Raziño.” “What did they see, this time?” tanong ni Xeron habang binubuksan ang dokumento. “According to the documents sir, matagal na pala magkasosyo si Mr. Fernando at Mr. Raziño, hindi lang kamakailan, kundi halos ilang taon na” paliwanag ni Ross. Tinuro niya ang taon kung kailan natagpuan ng imbestigador nila ang mga bakas ng pakikipagtulungan ng dalawa sa underworld. Kumunot ang noo ni Xeron. Labing-isang taon!! ang tagal naman pala! Hindi niya akalain na ganto ang magagawa ng father in law nya.No wonder Fernando found it so hard to cut ties with the high-profile smuggler. “Find out what kind of collaborations they have done” sabi ni Xeron habang nakahawak sa baba niya. In the world of dark market, hindi imposibleng, isang ilegal na gawain lang ang ginagawa ng isang tao. Kasi,
Nang magising si Xeron ay tanghali tapat na. Ngunit tulog na tulog pa si Heather sa tabi niya. Ang himbing ng tulog, para siyang anghel o di kaya'y sanggol. Marahang hinahaplos ni Xeron ang buhok ng dalaga, ayoko niyang gisingin at istorbohin ang tulog nito. Alas-nuebe na nang tanghali ng silipin bi Xeron ang relo sa side table. Dahan-dahan naman siyang bumangon, pagkatapos ay maingat na naglakad papuntang banyo upang maligo.Pagkatapos maligo nang binata at mag-ayos nang sarili, binuksan na ni Xeron phone niyang pinatay nya kagabi para walang makaistorbo sakanila ni Heather. Ting! Ting! Ting! Sunod-sunod na tubig ng phone niya dahil sa dami nang notifications. Aba, syempre naman! Halos 12 oras ba naman nya itong pinatay. Ang mga tawag at text galing kina Rubecka, Ross, Alexis, at Trace ang agad na bumungad sa binata. At syempre, Si Rubecka agad ang hinanap ni Xeron. Sunod-sunod din kasi ang tawag niya kagabi at kanina pa. Nagaalala siya dahil baka kung may ano
Huminga nang malalim si Heather matapos ay saka dahan dahang huminga nang palabas. Ang sarap ng tulog niya. Parang ngayon lang siya nakatulog nang ganito ka-gagaan kahit dilat na ang mga mata niya ay nanatili parin siyang nakahilata at relax na relax. Tahimik na tahimik ang villa na kinaroroonan nya. Walang istorbo. Sa totoo lang ay parang nananaginip pa rin siya dahil ang ganda ng pakiramdam niya ngayon to the point na parang na hindi totoo. Sobrang saya nya. Naalala niya ang nangyari kagabi… o dapat sabihin, ang nangyari buong magdamag. Namula ang pisngi ni Heather. Hindi lang pala minsan nila ginawa ni Xeron ‘yun. Hindi lang sa kama. Pati sa sofa at sa harap pa nga ng mga glass wall! Those glass walls witness their heated encounters, her with Xeron. Hindi niya maintindihan kung bakit sila ganoon ka-wild kagabi. Siguro dahil sa ambiance ng lugar? O may iba pang dahilan? Napabalik siya sa realidad. Mas lalong luminaw ang paningin niya habang nakat