Naapinat-inat ako nang malanghap ko ang aroma ng fried chicken mula sa aking kwarto.
Hindi ko alam pero sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Naalala ko naman ang nangyari kagabi. Nagtaka ako kung bakit ako narito na sa aking kwarto. Ang alam ko ay nasa sofa rin ako natulog. Kumuha langa ko ng kumot at unan namin ni Gio.
Pumasok muna ako sa C.R. para gawin ang aking morning routine. Nang matapos ako ay lumabas na agad ako sa aking kwarto. Nakita ko namang nakatalikod si Gio sa akin. Alam kong nagluluto na naman ito dahil suot-suot niya ang aking apron na color pink. Napangiti ako dahil ang cute niya sa suot na iyon kahit likod pa lang ang aking nakikita.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at niyakap siya sa likod. Napaigtad siya ngunit nakabawi naman ito sa pagkakagulat.
“Good morning, Honey,” bati niya sa akin.
“Good morning too,” saad ko sa kaniya. Bumalik naman agad siya sa kaniya pagluluto kaya napasimangot ako.
Napakunot ang aking noo nang masilaw ako sa liwanag ng ilaw. Naramdaman ko na may humahaplos sa aking pisngi. Napakurap-kurap ako nang makita ko si Gio sa aking harapan.“Nasaan ako?” tanong ko sa kaniya.“Narito ka sa kwarto mo, Honey,” malungkot niyang saad sa akin.“Si-si Tatay?” tanong ko sa kaniya.“Wa-wala na si Tatay, Honey. I’m sorry,” naiiyak niyang saad sa akin.Napahagulhol naman ako nang marinig iyon sa kaniya. Sobrang sakit mawalan ng minamahal lalo nakung alam mong hindi na muli itong babalik s aiyo kailanman.“A-ano raw ang dahilan nang pagkawala ng Itay?” tanong ko sa kaniya.“Inatake raw sa puso, Honey. Hindi rin ni Nanay alam na may tinatago na pala itong sakit sa puso. Hindi lang niya sinasabi sa inyo. Matagal na raw ito simula nang nasa kolehiyo ka pa. Palihim siyang nagpapa-check up at umiinom ng gamot,” saad ni Gio sa akin.Napat
Nakaalis na si Gio sa Pilipinas, hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paramdam sa akin, siguro ay nagpapahinga pa iyon. Hindi pa naman naka-active status ang kaniyang messenger. Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng kabaong ng aking Tatay. Nakatulala lamang ako roon. Inaalala ang mga memories namin noong malusog at buhay pa siya.Kung sana sinabi niya lang ng maaga na sumasakit ang dibdib niya ay sana pinagamot ko na siya. Mayro'n naman akong ipon sa eh. Nakatago lamang iyon sa bangko ko.Tumulo ang aking luha nang maisip iyon. Masiyadong mahirap tanggapin at sobrang nakakapanghinayang. Ang dami kong what if's na naiisip. Sobrang dami kong gustong sabihin kay Tatay. Gusto kong sabihin na mahal na mahal ko siya at ako na ang bahala sa aming pamilya, na huwag siyang mag-aalala dahil hindi ko papabayaan ang aking kapatid at si Nanay ngunit paano ko ito masasabi sa kaniya? Wala na siya.Naramdaman ko ang paghimas sa aking likod. Napalingon ako nang makita ko
Gio’s POV Nang makaalis ako sa Siargao ay agad kaming pumunta ng America. Hindi na ako kumuha ng mga damit sa aking condo dahil mayroon naman akong town house doon. Doon na rin ako namamalagi kapag mayro’n akong Business trip dito sa America. It’s so sad that Scarlet is not here. Ayaw ko mang umalis ngunit kailangan talaga ako rito, baka mawalan kami ng mga investors at iyon pa ang pagkabagsak ng kompaniya na ilang taon ko nang iniingat-ingatan. “Good afternoon, Sir,” bati sa akin ng aking assistant kasama niya si Anne na nakangiti sa akin. “Sir, Mabuti at nakarating kayo,” saad ni Anne sa akin ngunit hindi ko na lamang siya pinansin. “Anong sabi ng investors, Ian?” tanong ko sa aking assistant. Bukod kasi kay Mr. John ay mayro’n akong isa pang assistant na si Ian. Bago pa man ako umalis sa Pilipinas ay tinawagan ko agad si Mr. John para pumuntang Siargao to assist Scarlet there. “Bukas daw ay babalik sila and he wants you here,” saad
Ilang oras din kaming nag-usap ni Scarlet bago ako nagpahinga. Sumasakit na kasi ang aking ulo dahil din sa jetlag. Rinig ko ang tunog ng aking cellphone hudyat na may message sa aking email. Tiningnan ko agad ito baka importante ngunit napasimangot ako nang makitang si Anne pala iyon. Agad kong binasa ang kaniyang e-mail.“Good morning again, Sir. The attached file is your presentation tomorrow. If you have a query, don’t hesitate to call me.” Iyan ang nakasulat sa kaniyang message. Napakunot ako ng may kiss emoji siya sa hulihan ng message. Napailing ako at humiga na lamang sa aking kama para magpahinga, mayamaya ay nakatulog na ako.Katok na malalakas ang gumising sa akin. Napainat-inat ako at napapikit-pikit. Sino na naman ang isturbong gumising sa akin nakakainis ah. Napatingin ako sa orasan sa aking gilid, gulat ang rumehistro sa aking mukha nang makitang mag-a-alas otso na pala ng gabi. Damn!Ilang oras ba ako natulog? N
Gio’s POV Kinabukasan ay agad akong pumunta sa kompaniya. Maaga akong pumasok para i-review ulit ang presentation ko mamaya. Kailangan ko nang tapusin ang gagawin ko rito para makauwi na ako kay Scarlet. Hindi lang iyon, para makalayo na rin ako kay Auntie Leila. Kailangan kong kumilos baka may gawing masama na naman ito sa akin or worst pilitin na naman ako nitong galawin siya. Napapikit ako ng mariin, siya ang dahilan kung bakit naging marahas ako kay Scarlet noon. Walang sawa niya akong binaboy sa loob ng bahay niya. Hindi niya ako tinigilan. Napapikit ako ng maalala ko ang nangyari noon. *** Matapos kong makausap sa telepono si Auntie Leila ay agad akong napabuntong hininga. Nang mabalitaan niyang naging kami na ni Scarlet at seryoso na ako sa kaniya ay agad siyang nagalit sa akin. She wants me to cut ties with Scarlet ngunit ayaw kong pumayag to the point na nam-bla-blackmail na siya ngayon. Kagaya nga ng ginagawa niya ngayon. She wants me to go to her house or else something
“Sir…”Napalingon ako sa tumawag sa akin, si Anne lang pala. Matalim ko siyang tinitigan ngunit hindi man lang ito nawindang o nailang.Medyo matagal ding nawala ako sa aking sarili mabuti na lang at tinawag ako ni Anne.“What?” masungit na tanong ko sa kaniya.Napalunok siya at napangiti ng peke. Siguro ay hindi niya nagustuhan ang aking pagtrato sa kaniya.“The investors are here, hinihintay na po kayo,” saad niya sa akin. Tumango ako sa kaniya at agad na na naghanda para sa presentation. Pansin kong hindi pa ito umaalis at nakatitig lamang sa akin.“Do you need something? May sasabihin ka pa ba?” tanong ko sa kaniya.“I need you, sir…” Nagulat ako sa kaniyang sinabi.“Ano?” tanong ko sa kaniya. Tila ba natauhan siya kaya napaiwas siya ng tingin.“Wala sir, alis na ako sabi ko. Sumunod na lang po kayo,” pekeng tawa niya sa
“Meet me at Hemingway Café in front of your hotel. I have something to discuss with you. It’s about the sudden death of your girlfriend’s father.”Kanina ko pa tinitigan ang text na na-receive. I have to go, hindi ko alam kung ano ang kinalaman ng pagkamatay ni Tatay dito ngunit na-cu-curious talaga ako sa text na ito. Agad akong napapikit, iniisip kung ano ang dapat ko bang gawin.Mabilis akong nagbihis para puntahan ang nag-text nito sa akin. Kahit kinakabahan ay kailangan kong pumunta dahil tungkol ito sa girlfriend ko. Nang makalabas ako sa hotel ay agad akong tumawid papuntang Hemingway Café, malapit lang naman siya nasa bungad lang talaga ng hotel ko.Nang makapasok ako ay umupo ako sa sulok para i-meet ang taong pasimuno ng text na iyon. Siguro naman ay kilala niya ako. Nagpalinga-linga ako ngunit wala akong makitang kahina-hinala. Lahat naman ay busy sa kani-kanilang pagkain, ang iba ay nagtatawan at nag-kuwe-kuwentu
Lily’s POVAnak ako ni Leila Berkshire, isa sa sikat sa mga business woman sa Pilipinas. Marami ang nagtatanong kung paano nga ba ako naging anak niya. Sabihin na nating nabuntis siya ng isang amerikanong naka-one night stand niya sa America. Sa madaling salita ako ay nabuo sa isang pagkakamali. Dalaga pa noon ang aking ina nang mabuntis siya kaya naman ay hindi niya talaga ako naalagaan ng mabuti. Kinamumuhian niya ako.Namulat ako nang wala akong tatay sa aking tabi. Sabi ng aking ina noon ay namatay na raw ang tatay ko. Sampung taong gulang ako noon, sa Amerika nanirahan at laging nakakulong sa kwarto. Walang pagmamahal sa magulang at puro masasakit na salita lamang ang naririnig ko sa bibig ng aking ina.I grew up thinking that my life was normal. That it’s normal for my mom talking bad to me at pinapalo kapag naiinis o kaya naman ay nagiging makulit ako. Na normal lang na umuuwi ang aking ina ng mga iba’t-ibang lalaki at kung sino-sino rin
Gio Tapik na mahina ang pumukaw sa akin kaya napalingon ako sa aking likuran. “Darating din iyon, bro. Huwag kang mag-alala, hindi ka no’n tatakasan,” natatawang saad ni Tom sa akin habang karga-karga ang kaniyang cute na cute na anak. Ganito pala ang feeling ng ikakasal na, sobrang nakakaba na natatae ako. Tangina mixed emotions. Kasalukuyan kaming nasa altar at hinihintay ang aking mapapangasawa. “Tangina kasi, namimiss ko na siya, gusto ko na siyang makita. Ilang araw ko nang hindi nakikita ang asawa ko, miss na miss ko na siya,” saad ko sa kaniya na ikinatawa niya. “Relax, bro. Darating din iyon!” pangungumbinsi ni Tom sa akin. Lahat ay narito na maliban na lang sa aking mapapangasawa. Mayamaya ay napatayo ako ng tuwid dahil unti-unting binuksan ang pintuan ng simbahan at iniluwa noon ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Ang aking mapapangasawang si Scarlet Hart Berkshire. “Damn! Bakit ang ganda niya
Scarlet Mabilis na na-discharge si Gio sa hospital. Kunti lang naman ang tama niya sa katawan, ang isa tagiliran at ang isa naman ay braso. Labis akong nagpapasalamat sa Diyos dahil hindi niya ako binigo. Hindi niya kinuha ang aking mahal sa akin. Napangiti ako nang may pumulupot na braso sa aking beywang. Kasalukuyan kaming nasa terrace ng kaniyang condo. Bumalik na kasi ako sa condo niya dahil nga ako ang nag-aalaga sa kaniya. “Ano ang iniisip mo, honey?” tanong niya sa akin habang nakasiksik ang kaniyang mukha sa aking leeg at hinahalik-halikan iyon ng marahan. Medyo nakikiliti ako pero okay lang naman. “Naiisip ko lang ang lahat ng paghihirap nating dalawa noon. Simula noong magkakilala tayo hanggang ngayon, marami tayong pinagdaanan na trials ngunit heto tayo magkasama pa ring dalawa,” saad ko. “Alam mo, kahit ano man ang pagsubok na dumating sa atin, tayo at tayo lang naman ang magkakatuluyan, honey kasi we belong to ea
Scarlet Labis ang pagbuhos ng aking luha nang makita kong natamaan ng bala si Gio. Panay tibok ng aking puso dahil sa sakit at takot na nararamdaman ko. ‘OH, GOD! HUWAG NIYO PONG KUNIN SA AKIN SI GIO’ “G-Gio, huwag mo akong iwan! Huwag kang pipikit,” saad ko sa kaniya habang hawak-hawak ang kaniyang dalawang pisngi. Namumungay ang kaniyang mga mata, halos puno ng dugo ang kaniyang pisngi dahil sa mga kamay kong may dugo dahil sa balang tumama sa kaniya. “HUWAG NIYO AKONG HAWAKAN! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!” rinig kong sigaw ni Leila. Hindi ko na lang ito pinansin dahil tanging kay Gio lamang ako naka-focus. Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking pisngi at ngumiti ng marahan. “You’re… safe… at… last,” saad niya sa akin. Tumulo ang kaniyang luha sa kaniyang pisngi. Napaaray naman siya at napahawak sa kaniyang tagiliran. Rinig ko ang ambulansiyang sa labas kaya kumalma na ang aking pakiramdam. “Oo, pero you’re not
GIO Wala kaming sinayang na oras, mabilis kong kinontak ang aking mga tauhan para papuntahin sa location ni Leila. Mabilis ko naman silang sinabihan sa plano namin. Sila na ang bahala sa mga tauhan ni Leila at kami naman ni Tom kay Leila. “Mag-iingat kayo roon, kung kailangan niyo ng tulong tawagan niyo lang kami ni Lily,” seryosong saad ni Aira sa amin habang nagsusuot kami ng bulletproof. “Mag-iingat ako para sa’yo at para sa baby natin, babe. Huwag kang mag-alala uuwi ako ng walang galos, promise!” saad ni Tom sa kaniya t mabilis niyang hinalikan sa noo ang kaniyang kasintahan na si Aira. “Mag-iingat ka rin, Gio. May tiwala ako sa iyo,” saad ni Lily sa akin. “Salamat. Para sa ating kalayaan at kay Scarlet.” Napangiti nama nito at napatango. Matapos kaming naghanda ay agad na kaming nagpaalam sa dalawa. Namimilit pa nga itong gustong sumama ngunit hindi namin pinayagan dahil delikado. Kasalukuyan kaming nasa ko
GIOMABILIS akong umalis sa club para maabutan sina Scarlet. Mabilis akong sumakay sa aking kotse at bumyahe papuntang Siargao. Kanina pa tawag ng tawag sa akin si Leila ngunit hindi ko man lang ito pinansin. Wala akong pakialam kung ano na naman ang problema niya, gawin niya lahat ng gusto niya para sa kasal pero hindi ako sisipot. Baliw siya.Pilit kong tinatawaga ang cellphone ni Scarlet ngunit nakapatay ito. Nawalan na ako ng pag-asang makontak siya kaya tinigil ko na lang. Makikita ko naman siya sa Siargao nasisiguro ko iyon. Kailangan kong magpaliwanag sa kaniya kung alam ko lang na dadating siya ay inabangan ko na lang sana siya sa labas ng club para makaiwas sa mga babae sa loob. Damn!I will never cheat on her. Iyan na siguro ang pinaka imposible kong gagawin, takot ko na lamang sa kaniya na baka iwan niya ulit ako. Ayaw ko nang mangyari iyong nakaraan, baka hindi ko kayanin. Wala akong sinayang na oras at mabilis din ang pagkakat
I immediately went to Royal Night Club, marami pa rin ang mga taong nagsisipasukan sa loob, mga mayayamang businessman at businesswoman. Nang makapasok ako ay agad na hinanap ng aking mga mata ang kaibigang si Tom ngunit hindi ko siya mahanap. Lumapit ako sa bartender, kilala ko na rin kasi ito.“Long time no see, boss! Matagal na kitang hindi nakita rito ah, miss ka ng grupo!” saad niya sa akin nang makita ako. Isa rin kasi siya sa stripper dito, minsan bartender at minsan din naman ay stripper. Kailangan niyang kumayod dahil may sakit ang kaniyang ina, pareho kami ng sitwasyon ngunit magkaiba nga lang ng status sa buhay.“Medyo naging busy eh, ikaw? Ang nanay mo? Kumusta?” tanong ko sa kaniya.“Mabuti na ang lagay ng nanay, mga ilang buwan daw ay makakalabas na siya sabi ng doctor. Maraming salamat pala boss sa pagdo-donate ah, malaking tulong iyon sa akin,” ngiti niyang saad na ikinatango ko na lamang.“Mabuti
ILANG araw na ang nakalipas simula noong nagkahiwalay kami ni Scarlet. Hindi ko na rin siya ma-contact pati sina Aira at Tom. Tanging kay Lily lamang ako nakikibalita. Sabi niya, hindi raw niya nakikita na si Scarlet sa condo at wala na raw tao roon. Sina Aira at Tom naman ay palaging busy, hindi ko na rin sya naabutan sa kompaniya. Alam kong iniiwasan ako nito at alam ko naman ang dahilan. Kasalukuyan akong nasa office ko at tinitingnan ang mga ebedinsiyang gagamitin ko sa korte laban kay Leila. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko nasa harap ko na ang lahat kulang na lamang ang presensiya ko sa police station ngunit hindi ko magawang ilakad ang aking mga paa roon dahil natatakot ako na hindi na naman ako papaniwalaan ng pulis. I never trust police officers. Natatandaan ko noon nung nagsumbong ako sa mga pulis, I was 18 years old that time. Na-realize ko noon na mali ang ginagawa sa akin ni Leila at hindi ko na iyon masikmura. I really have to do something para ma
GIOLABIS akong nasaktan nang makita ko si Scarlet na umiiyak habang akay-akay ni Aira. Masakit para sa akin na makita niya ang ginawa ko kanina, I have no choice kung hindi ko sinunod si Leila , magagalit siya baka masaktan pa niya ang aking kasintahan. I was so mad at the same time scared dahil wala man lang kaming kalaban-laban sa mga tauhan ni Leila. Mas maigi na itong malayo ako sa kanila dahil mas ligtas sila kapag kasama nila ako.Yakap-yakap ni Leila ang aking braso ngunit wala akong pakialam sa kaniya. Nandidiri ako sa kaniya sobra gusto ko siyang itulak pero hindi puwede. Isang kanti ko lang sa kaniya ay gagawa na naman ito ng masama at kababalaghan sa mga mahal ko sa buhay.“Don’t worry, Gio. Bukas na bukas ay ikakasal na tayo, akin ka na at wala nang makakaagaw sa iyo. Wala na si Scarlet dahil iniwan ka na niya,” saad niya sa akin. Mas lalong uminit ang aking ulo dahil sa sinabi niya. Para bang bumalik ako sa nakara
Scarlet POVKasalukuyan kaming nasa park at hinihintay si Leila. Hindi ako mapakali dahil ang tagal niyang dumating. Kanina pa kaming alas nuebe rito ngunit wala pa rin siya, mag-aalas dyes na.“Pupunta pa ba ang mga kumuha kay Patpat, anak?” naiiyak na tanong ni nanay sa akin.“Opo, alam kong pupunta iyon, tiwala lang po, nanay,” saad ko sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. Ang totoo, kanina pa ako kinakabahan dahil hanggang ngayon hindi pa nag-re-reply si Leila. Iniisip kong baka nagbago ang kaniyang isip o kung ano man. Tadtad na siya ng text ko, imposibleng hindi niya mabasa iyon. Napatingin ako sa kamay naming ni Gio na magkahawak. Mayamaya lamang ay maghihiwalay na kaming dalawa at hindi ko alam kung kakayanin ko bang mawalay sa kaniya. Subalit tatatagan ko ang aking loob para sa kapakanan ng aking kapatid na si Patpat. Alam kong hindi papayagan ng Diyos na maghihiwalay kaming dalawa, may tiwala akong gagawa siya ng paraan par