Tahimik na nakaupo si Marcuz sa loob ng kanyang opisina, pero hindi ang mga papeles sa harapan niya ang laman ng isip niya. Mula nang mabanggit ni Lennah ang tungkol sa kanyang pagkabata sa isang orphanage, hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaibang interes sa nakaraan nito.
Ang bawat piraso ng kwento ni Lennah ay parang mayroong kakaibang koneksyon sa kanyang buhay, lalo na sa alaala ng kanyang yumaong asawa, si Nina. Hindi niya lubos maisip kung paano o bakit, pero ang pakiramdam na ito ay patuloy na bumabagabag sa kanya. May isang bagay sa pagitan ng kanilang mga buhay na naghahanap ng sagot—isang katotohanan na hindi nila kayang takasan. Hindi mapigilan ni Marcuz na magduda. Posible bang may ugnayan ang nakaraan ni Lennah sa kanyang pamilya? --- Kinabukasan, tinawagan ulit ni Marcuz si Ramon, isang matalik na kaibigan na isa ring pribadong imbestigador na matagal nang nagtatrabaho sa mga sensitibong kaNakatanggap si Marcuz ng mensahe mula kay Ramon Sa mensaheng iyon, sinabi ni Ramon na tapos na ito ang pagsisiyasat sa nakaraan ni Lennah at may natuklasan itong mga bagay na maaaring magbigay-linaw sa mga tanong ni Marcuz. Agad na pinapunta ni Marcuz si Ramon sa kanyang opisina upang pag-usapan ito nang personal. Ilang minuto lang ang lumipas nang dumating si Ramon, dala ang mga dokumentong naglalaman ng kasaysayan ni Lennah. Pagpasok pa lang sa opisina, napansin ni Marcuz ang seryosong ekspresyon sa mukha ng kaibigan. May kaba siyang naramdaman, may bigat ang balitang dala ni Ramon. “Marcuz,” bungad ni Ramon, habang inilalapag ang mga dokumento sa mesa ni Marcuz. “Hindi naging madali ang pagsisiyasat sa nakaraan ni Lennah. Halos walang record ng biological family niya, at halos lahat ng data na nahanap ko ay mula lamang sa orphanage na kinalakihan niya.” Napakunot ang noo ni Marcuz. “Wala bang kahit anong i
Tahimik na naglalakad si Lennah patungo sa opisina ni Marcuz nang makarating sa kanya ang ilang tsismis mula sa kanyang mga kasamahan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may bumabalot na lihim sa pagitan nila ni Marcuz nitong mga nakaraang araw. At sa ilang mga pagkakataon, ay nararamdaman niyang palihim na pinag-aaralan ni Marcuz ang kanyang pagkatao. Lalo pang tumibay ang hinala niya nang hindi sinasadyang marinig niyang pinag-uusapan ito ng ilang mga tauhan sa kumpanya. "Narinig ko, parang nagtanong daw si Sir Marcuz sa ilang detalye tungkol kay Lennah. Ano kaya ang plano niya?" sabi ng isang kasamahan. Dahil sa narinig, lalong lumalim ang kaba sa kanyang dibdib. May gustong alamin si Marcuz tungkol sa kanya na hindi niya maintindihan. Hanggang saan ba ang nararapat niyang ibigay sa boss na ito, at bakit may bahagi sa kanya ang ayaw maging bukas sa kanyang pinagmulan? Hindi na niya mapigilan ang sarili at dumirets
Sabado ng gabi nang magdesisyon si Marcuz na imbitahin si Lennah at ang kanyang anak na si Spencer sa isang maliit na pagtitipon sa bahay ng mga Villafuerte. Ipinagdiwang ng pamilya ang kaarawan ng isa sa mga tiyahin ni Marcuz, at naisip niyang magandang pagkakataon ito para mas lalo pang makilala ni Lennah ang ilan sa mga malalapit sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng dalaga, pero sa kabila ng pag-aalinlangan, may bahagi sa kanya ang nagsasabing ito na ang tamang oras. "Marcuz, sigurado ka ba na gusto mong sumama ako sa isang family gathering?" tanong ni Lennah sa telepono. "Oo, Lennah. Huwag kang mag-alala. Alam kong medyo hindi ka komportable, pero gusto ko lang talaga na makasama ka. At isa pa, natutuwa rin si Spencer na naroon ka." Naroon ang lambing sa boses ni Marcuz na para nagpapakalma kay Lennah. Nag-isip saglit si Lennah bago siya sumagot, may halong kaba at tuwa sa kanyang damdamin.
Nasa loob ng kanyang maliit na apartment si Lennah, nakaupo sa may bintana habang pinagmamasdan ang tahimik na gabi. Hawak niya ang tasa ng mainit na tsaa, malayo ang isip niya, wala sa init ng inumin kundi sa lalim ng kanyang nadarama. Ilang gabi na ang lumipas mula sa pagtitipon ng pamilya Villafuerte, pero dama pa rin niya ang saya at init ng gabing iyon. Mula nang makilala niya si Marcuz at si Spencer, hindi na tumigil ang mga tanong sa kanyang isipan. Hindi niya akalaing magiging ganito kalapit ang loob niya sa mag-ama. Sa tuwing magkasama sila, lalo niyang nararamdaman ang kawalang katiyakan. “Pamilya,” bulong niya sa sarili. Iniisip ang kanyang mga nakaraang taon bilang isang ulila, palaging mag-isa sa mga mahahabang gabi. Ngunit sa piling nina Marcuz at Spencer, muling nabuhay ang pangarap na iyon, isang tahanan kung saan siya ay bahagi, kung saan may nagmamahal at nagpapahalaga sa kanya. Pero natatakot siya.
Sa loob ng kanyang tahimik na kwarto, nakaupo si Lennah malapit sa bintana, ang kanyang mga mata ay nakatingin sa labas habang niyayakap ng malamig na hangin ng gabi. Tahimik niyang sinariwa ang kanyang mga alaala, bumabalik sa panahong unang beses niyang nakilala si Marcuz. Sino ang mag-aakalang ang relasyong nagsimula sa mga simpleng tinginan ay mauuwi sa ganito kalalim na pagmamahalan? --- Nang unang pumasok si Lennah sa Villafuerte Group, simpleng empleyado lamang siya—isa sa mga bago at tahimik sa opisina. Sa kabila ng kanyang kagustuhang mag-focus lamang sa trabaho, hindi niya maiwasang mabighani sa presensya ng kanilang CEO. Si Marcuz Villafuerte—ang matalino, masinop, at matipunong lalaki na hinahangaan ng lahat. Hindi lang dahil sa angking talino at husay, kundi dahil sa kakaibang lakas ng personalidad na halos lahat ng tao sa opisina ay tahimik na sumusunod sa kanyang mga utos. Sa kabila ng pagiging
Abala si Lennah sa mga papeles sa kanyang mesa nang biglang lumapit si Marcuz sa kanya. Nasa gitna siya ng pag-aayos ng mga dokumento nang magpakita si Marcuz na may kasamang masayang ngiti. “Good morning, Lennah,” bati ni Marcuz. Nagulat si Lennah, pero agad din siyang ngumiti. “Good morning, Sir Marcuz. May kailangan po ba kayo?” Bahagyang natawa si Marcuz. “Tama na ang ‘Sir,’ Lennah. Marcuz lang.” Bagamat sinanay niyang tratuhin si Marcuz nang pormal, parang may bahaging hindi siya komportable sa ideya ng pagiging masyadong malapit. Gayunpaman, may halong lambing at lambot ang tinig ni Marcuz na nagpakalma sa kanyang damdamin. “Marcuz,” ulit ni Lennah, hindi maikakailang tila mas magaan ang kanyang damdamin sa bigkas ng pangalan nito. “May kailangan ka bang ipaayos?” “Wala naman. Gusto ko lang sanang imbitahin ka… sa lunch, kung may oras ka,” sabi ni Marcuz, nakangiting nakati
Nasa loob ng kanyang apartment si Lennah, nakaupo sa sulok ng sofa habang hinahalo ang tasa ng mainit na kape. Tahimik niyang iniisip ang mga unang sandali ng kanilang pagkikita at pagsasama ni Marcuz. Mga alaalang puno ng kilig at pagkatuto. Nakakagulat kung paano siya nito napalapit nang ganoon kabilis, kahit pa alam niyang may mga parte ng nakaraan ni Marcuz na maaaring mahirap para sa kanilang relasyon. Ngunit hindi niya maitatanggi, ang bawat sandali kasama ito ay parang hindi lamang alaala kundi mga bahagi ng kanyang pagkatao. --- Isa sa mga unang pagkakataon na lumabas sila ni Marcuz ay sa isang gabi ng Biyernes. Inimbitahan siya nitong kumain sa isang restaurant na medyo tahimik at may magandang ambiance. Naka-reserve na ang kanilang mesa, at habang nagpapalitan ng kwento, napansin ni Lennah ang mga simple pero makahulugang kilos ni Marcuz. “Lennah,” sabi ni Marcuz habang binubuksan ang menu. “Ikaw ang pumili, kahit
Pagpasok ni Lennah sa opisina ng Villafuerte Group isang umaga, ramdam niya ang bigat ng mga tingin ng kanyang mga katrabaho. Ang dating simpleng mga pagtingin ay parang napalitan ng mga nagtatakang sulyap at mahihina na bulong-bulungan. Hindi niya maiwasang mapansin ang pagbubulungan ng mga tao sa likuran niya habang naglalakad siya papunta sa kanyang mesa. Sa bawat hakbang, palakas nang palakas ang mga pag-uusap na nagpaparamdam sa kanya ng kakaibang kaba at pag-aalala. "Narinig mo na ba? Si Lennah, lagi daw kasama ni Sir Marcuz. Nakita ko pa nga silang magkasabay lumabas minsan," narinig niyang sabi ng isang empleyado. Bahagyang nakatagilid ang mukha para hindi mapansin ni Lennah ang kanyang pagtitig. "Hindi naman siguro totoo," tugon ng isa pa, pero may halong panunuya sa kanyang boses. "Bakit siya pa 'di ba? Dami namang mas maganda dito sa opisina." Ramdam ni Lennah ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. A
Sa isang malamig na umaga sa New Zealand, naupo si Marcuz at Lennah sa kanilang veranda habang nagkakape. Nasa harapan nila si Spencer, na abala sa paglalaro ng kanyang tablet. Subalit may seryosong bagay sa isip ni Spencer na matagal na niyang gustong pag-usapan.“Mom, Dad,” simula ni Spencer, ibinaba ang tablet at tumingin sa kanilang dalawa. “Pwede ba akong magtanong ng seryoso?”Napatingin sina Marcuz at Lennah sa anak nila, halatang nagtataka.“Ano iyon, anak?” tanong ni Marcuz habang nilapag ang tasa ng kape.“Gusto ko nang magpatuli,” diretsong sagot ni Spencer.Nagulat si Lennah at napatingin kay Marcuz, habang si Marcuz naman ay hindi napigilan ang bahagyang ngiti.“Tuli? Sigurado ka na ba, anak?” tanong ni Marcuz.Tumango si Spencer, seryoso ang ekspresyon sa kanyang mukha. “Opo, Dad. Gusto ko na pong maranasan iyon. Parang bahagi ng pagiging binata ko.”Hinaplos ni Lennah ang likod ng anak. “Kung yan ang gusto mo, Spencer, susuportahan ka namin. Pero... sa tingin mo ba hand
Sa gitna ng malamig na umaga, muling nabalot ng liwanag ang tahanan nina Lennah at Marcuz. Isang simpleng bahay sa New Zealand, napapalibutan ng malalagong puno at matatanim na bulaklak, ang nagsilbing tahimik na saksi sa bagong simula ng kanilang pamilya. Si Baby Emma, na ngayon ay isang taong gulang na, ay tumatawa habang binabantayan siya ni Spencer sa kanilang maliit na hardin. Nasa gilid si Lennah, abala sa pagtatanim ng bagong mga halaman. Samantalang si Marcuz naman ay nagpapanday ng simpleng lamesa para sa café na binuksan nila sa bayan. “Spencer, huwag mong kalimutang bantayan si Emma, ha?” paalala ni Lennah habang nililinisan ang kanyang mga kamay mula sa lupa. “Mommy, huwag kang mag-alala. Ako ang kuya. Lagi ko siyang poprotektahan,” sagot ni Spencer habang inaabot kay Emma ang kanyang paboritong stuffed toy. Ngumiti si Lennah. Hindi niya maiwasang maiyak sa saya. Sa kabila ng lahat ng sakit at hamon ng nakaraan, narito sila, masaya, buo, at puno ng pagmamahalan. ---
Sa ospital, narinig ang unang iyak ng bagong silang na sanggol. Sa pagitan ng luha at ngiti, mahigpit na hinawakan ni Marcuz ang kamay ni Lennah habang inihain ng doktor ang kanilang anak. “Congratulations, it’s a healthy baby girl,” sabi ng nurse habang inilalapit ang sanggol kay Lennah. Napaluha si Lennah habang tinanggap ang kanilang anak sa kanyang bisig. “Hello, munting anghel,” bulong niya habang tinitingnan ang maliliit na kamay at paa ng sanggol. “Kompleto na tayo.” Si Marcuz, halatang puno ng emosyon, ay marahang hinaplos ang ulo ng kanyang anak. “Ang ganda niya, Lennah. Tulad mo.” Tumawa si Lennah ng mahina, nakaramdam ng hindi maipaliwanag na ligaya. “Marcuz, salamat. Hindi ko magagawa ito nang wala ka.” Habang pinagmamasdan nila ang kanilang anak, biglang pumasok si Spencer, na may dalang maliit na bouquet ng bulaklak. “Mommy! Daddy! Nasaan si baby sister?” Inilapit ni Marcuz si Spencer sa kama. “Halika, anak. Eto na ang baby sister mo. Meet her.” Dahan-dahang lumap
Maalinsangan ang umagang iyon habang naghahanda si Lennah ng agahan. Nakabukas ang bintana ng kanilang kusina, at mula rito ay tanaw niya si Marcuz at Spencer na naglalaro ng bola sa hardin. Habang pinapanood niya ang mag-ama, naramdaman niya ang kakaibang pagod na bumalot sa kanya sa kabila ng maganda niyang gising. “Mommy, luto na ba ang pancakes?” tanong ni Spencer habang pumapasok sa kusina, pawisan ngunit nakangiti. “Sandali na lang, anak. Umupo ka muna diyan at magpahinga,” sagot ni Lennah, pinilit ang ngiti kahit ramdam niya ang panghihina ng katawan. “Okay, Mommy! Pero masarap na amoy nito!” sagot ni Spencer habang umupo sa tabi ng mesa. Napansin ni Marcuz ang bahagyang pamumutla ni Lennah nang sumunod siya kay Spencer papasok sa kusina. “Lennah, ayos ka lang ba? Parang matamlay ka ngayon.” Tumango si Lennah. “Siguro pagod lang. Medyo masakit din ang ulo ko kaninang umaga, pero mawawala rin ito.” Ngunit hindi nawala ang pag-aalala sa mukha ni Marcuz. “Siguraduhin mong m
Pagdating nina Marcuz, Lennah, at Spencer sa kanilang tahanan, agad nilang naramdaman ang kakaibang katahimikan at kasiyahan na hatid ng pagbabalik. Ang liwanag ng araw na pumapasok sa bintana ay parang yakap ng bagong simula. Habang inilalabas nila ang kanilang mga bagahe, napuno ng masayang tawanan at kwentuhan ang bahay. “Ang saya na narito ulit tayo,” sabi ni Marcuz habang iniaabot ang maleta ni Lennah sa sala. “Iba talaga ang pakiramdam ng bahay.” “Oo nga,” sagot ni Lennah habang tinitingnan ang paligid. “Pero ngayon, parang mas may bago na akong nakikitang liwanag dito. Para tayong nagsimula ulit.” Tatakbo-takbo si Spencer, hawak ang isang laruan na binili nila mula sa honeymoon. “Mommy, Daddy, pwede ko bang ipakita ito kay Ella bukas? Sigurado akong magugustuhan niya ito!” Napangiti si Lennah habang pinagmamasdan ang anak. “Oo naman, anak. Siguraduhin mo lang na iingatan mo iyan, ha?” Kinabukasan, habang umiinom ng mainit na kape sina Lennah at Marcuz sa terrace, pinag-usa
Sa ilalim ng asul na langit ng New Zealand, kung saan ang mga bundok at malalawak na halaman ay nagsilbing likas na altar, nagtipon ang malalapit na kaibigan at pamilya nina Marcuz at Lennah para saksihan ang kanilang muling pag-iisang dibdib. Ang lugar ay punong-puno ng kulay. Ang mga bulaklak na in-arrange nang maingat, ang banayad na musika mula sa isang lokal na banda, at ang ngiti ng bawat bisitang naroon. Habang naglalakad si Lennah patungo sa altar, hawak ni Spencer ang laylayan ng kanyang puting damit. Halatang-halata sa mukha ng bata ang saya, proud na proud sa papel na ginagampanan niya. Tumayo si Marcuz sa dulo ng aisle, ang kanyang mata ay nag-aapoy sa pagmamahal habang pinapanood ang kanyang bride na papalapit. “Ikaw ang pinakagandang nakita ko, Lennah,” bulong ni Marcuz sa sarili habang pinipigilan ang pagpatak ng kanyang luha. Nang makarating si Lennah sa harap ng altar, bahagya siyang tumigil at huminga nang malalim. “Handa na ako,” sabi niya kay Marcuz habang magk
Tahimik na gabi iyon sa kanilang bahay. Habang nasa kusina si Lennah, abala sa pag-aayos ng hapunan, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Marcuz na may hawak na maliit na bouquet ng mga puting rosas. Napatingin si Lennah sa kanya, nagtataka. “Para saan ang mga bulaklak na ‘yan?” tanong niya, bagamat may ngiti sa kanyang labi. Lumapit si Marcuz at iniabot ang mga bulaklak. “Para sa’yo, siyempre,” sagot niya. “At para ipaalala kung gaano kita kamahal.” Napangiti si Lennah ngunit naramdaman niya ang kakaibang tensyon sa paligid. May kung anong naiiba kay Marcuz—parang may mas malalim pa siyang gustong sabihin. Pagkatapos nilang maghapunan, iniabot ni Marcuz kay Lennah ang isang envelope. “Buksan mo,” aniya, punong-puno ng pananabik. Nang buksan ito ni Lennah, nakita niya ang isang maliit na card na may nakasulat na, “Will you marry me again?” Natigilan siya, pinipigil ang luha sa kanyang mga mata. “Marcuz, ano ito?” mahina niyang tanong. Tumayo si Marcuz mula sa kanyang upuan,
Sa loob ng kanilang bagong bahay sa New Zealand, naupo sina Marcuz at Lennah sa kanilang dining table, may dalang tasa ng kape at isang makapal na notebook. Si Spencer naman ay nakaupo sa sahig, gumuguhit gamit ang kanyang mga krayola, abala sa sariling mundo ngunit tahimik na nakikinig sa usapan ng kanyang mga magulang. “Marcuz,” simula ni Lennah habang binubuklat ang notebook, “Matagal ko nang gustong gawin ito. Jsang bagay na hindi lang para sa atin, kundi para rin sa community. Isang maliit na café, marahil, na may kasamang gallery para sa mga local artists.” Ngumiti si Marcuz. “Gusto ko ‘yan, Lennah. Para sa akin, ito ang paraan natin upang magpasalamat sa pagkakataong binigay ng lugar na ito. Bukod pa doon, magiging maganda rin ito para sa mga tao rito na naghahanap ng inspirasyon o simpleng pahingahan.” “Daddy!” biglang sabi ni Spencer habang nilalapit ang kanyang guhit. “Pwede bang maglagay tayo ng corner para sa mga bata? May mga libro, laruan, at crayons din tulad nito?”
Umaga. Habang nagkakape si Lennah sa veranda ng kanilang bahay sa New Zealand, napansin niya ang isang envelope na nakalagay sa mesa. Hindi niya alam kung paano ito nakarating doon, ngunit agad niyang napansin ang pamilyar na sulat-kamay sa harapan. Galing ito kay Benjamin. Pinagmasdan niya ang envelope habang unti-unting bumabalot sa kanya ang damdaming hindi maipaliwanag. Nang tuluyan na niyang buksan ang sulat, nagsimula siyang magbasa. ‘Lennah, Kumusta ka? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan, kasama si Marcuz at Spencer. Nag-aalangan man akong sumulat, naramdaman kong kailangan kong gawin ito. Gusto ko lamang ipabatid ang saya ko para sa inyo. Napagdaanan natin ang napakaraming bagay, ngunit sa huli, masaya akong makita kang masaya at buo na ang pamilya mo. Dito sa lungsod, patuloy akong nag-aadjust. Nagbukas ako ng maliit na negosyo—isang coffee shop sa tabi ng gallery kung saan madalas akong magpinta. Naalala ko ang mga araw na magkasama tayong nag-uusap habang umiinom ng ka