OMG! Alam pala ni Luna! Tingin niyo paano kaya iyon nangyari guys? BTW bukas na po ang ending! Bale midnight or AM ko upload ang ending part. Ang update para bukas ay before midnight ko naman i-uupload para magkakasunod na ang inyong mababasa sa May 29 and Ending na! Sinong excited sa ending at paano kaya magtatapos ang kwento ni Luna at Sebastian? Comment kayo guys para ganahan ako bukas mag sulat! Maraming salamat sa nagbabasa kahit na may naiinis na sa inyo dahil sa update ko kahapon hahaha love you all guys!
*FLASHBACK*“NASA stock room po ang footage!” takot na sabi ng lalaki na siyang nagtago ng footage na iyon.Noong mga nakaraang araw lang ay isang lalaki ang pumunta sa kaniya at katulad ng babaeng nasa harap niya ngayon ay pinagbabantaan siya. Ang akala nito matatahimik na ang buhay niya pagkatapos niyon ngunit hindi pala.Nakahinga siya ng maluwag ng ibaba na nito ang baril na nakatutok sa kaniya at mayroong kinuha sa kaniyang bag.“Here, take this. Lumayo ka na dito para wala ng ibang makahanap sa’yo.”Natigilan siya sa sinabi ng babae. Katulad ‘din ng lalaking pumunta sa kaniya ay ganoon ‘din ang ginawa nito at binibigyan siya ng pera. Naisip niya na ganoon pala talaga kapag mayaman at mayroong gustong itago, matatapatan lang ito ng pera.Hindi naman na siya nagreklamo at kinuha ang sobre. Napatingin muli siya sa babae at kita niyang naiiyak na ito. Hindi niya ito masisisi dahil ang hinahanap lang naman nito ay ang katotohanan.“Pwede ho ba akong magsalita?” tanong niya na ikinatin
DOON na sila bumuo ng plano na dalawa. Nalaman ni Luna ang plano ng kaniyang ina, sila ang inutusan nito kasama sina Vivian at Luke para kunin siya at si Lisa. Mabilis naman nakaisip si Luna ng plano para sa bagay na iyon.Ang sabi niya dito ay magpanggap siya na kakampi pa ‘rin ng mga ito at siya ang dudukot kay Lisa pagkatapos ay ilalayo ito kila Luke at Vivian. Kailangan mapagsama sama ni Luna ang mga target nila sa iisang lugar.Isinama na ‘rin nilang dalawa si Seera dahil ito ang pagababantayin nila sa kambal sa oras na ma-blackmail na ito ni Vivian. Yes, alam ‘din ni Luna na gagamitin ni Vivian ang kambal dahil na ‘rin nasabi iyon sa kaniya ni Yannie.Gusto ni Luna na lituhin ang mga ito at mapaniwala na trinaydor siya ng mga malalapit sa kaniya lalo na si Seera. Mabuti nalang at magaling umarte ang kaibigan niya at napaniwala niya si Luke na trinaydor siya nito. Kaya naging magkakampi silang dalawa.Ang lahat ng iyon ay syempre alam ‘din ni Celine. Noong dumating ito sa restaur
“ALAM mo bang kamuka mo ang daddy mo?” nakangiting sabi ni Lorenzo na siyang ikinakurap ng mata ni Yannie.“Sigurado akong masaya siya ngayon dahil nasa tamang daan ka na. What was happened in the past will remain at the past. Nasa kasalukuyan ka na ngayon hija at choice mo na magbago na ibig sabihin pinapatawad ka na ‘rin namin.”Mas lalong napaiyak si Yannie dahil sa sinabi nito na ikinapunas naman nito sa kaniyang luha.“Noong mawala ang daddy mo ay naroroon ako. Ibinilin ka niya saakin Yannie kaya matagal na panahon ko na ‘rin ikaw pinababantayan para lang maging ligtas ka.”Totoo ang sinasabi ni Lorenzo dahil kitang-kita niya sa CCTV footage na sinubukan siyang tulungan ng ama ni Luna ngunit pinagbintangan pa siya ng kaniyang ina. Oo walang alam ang ina niya noong una pero nalaman ‘din nito ang katotohanan at napanood iyon ngunit mas pinili niya pa ‘rin ang kaniyang tiyo.Ina pa ‘rin niya si Ginnie ngunit hindi niya ito magagawang mapatawad sa katotohanang iyon. Maybe not now but
Si Rocky naman ay inalis ang kamay ni Vince sa bibig niya at sinamaan ito ng tingin. Naputol lang iyon ng lapitan siya ni Riri at mahinang kinurot sa tagiliran.“Actually, mayroon pa po akong sasabihin sa inyo bago ang plano.” Paunang sabi ni Yannie na ikinataka nila.Napatingin si Yannie sa kanilang lahat at kita niya na nag-aabang ang mga ito ng kaniyang sasabihin habang si Seera naman ay nakangiti sa kaniya at nag thumbs up. Ganoon ‘din ang ginawa ni Lisa dahil alam na nilang dalawa ang katotohanan.Napahinga ng malalim si Yannie bago siya tuluyang magsalita.“Mayroon po akong half-sister sa side ni mommy. Nagkaroon sila ng anak ni tito Fernan at bata pa ako noon pero tandang tanda ko pa na iniwan niya ang kapatid ko sa ibang bansa pagkatapos niya itong maipanganak. Akala ko ay kapatid ko siya kay daddy pero nito ko lang nalaman na hindi dahil hinahanap nila ito ngayon lalo na si tito Fernan.”Nagulat ang mga ito sa sinabing iyon ni Yannie na mayroong anak ang dalawa!“Grabe! Nagaw
SAMANTALANG sa lugar kung saan andoon sila Luna ay kanina pa sila naghihintay na dumating sila Ginnie at Fernan. Alam ni Luna at Celine na ang mga ito ang inaantay nila ngunit ang kambal ay hindi.Tumigil na ‘rin sa pag-iyak ang mga ito kung kayat tahimik na.“Sorry I’m late everyone!”Napatingin sila sa nagsalita at walang iba kundi si Yannie habang bitbit si Lisa na nakatali at mayroong mga pekeng sukat sa muka.Sinabi niya kila Vivian at Luke na siya nalamang ang pupunta sa lugar na napag-usapan nila dahil muntikan na silang mahuli kung saan ang bagong location.“Akala namin patvy ka na,” ngising sabi ni Vivian na ikinatawa ni Yannie.“Matagal mamatvy ang masamang damo, Vivian.”“Yes! Kaya nagkakasundo tayo e! Best friend na talaga kita!” tuwang sabi ni Vivian at niyakap pa si Yannie.Sa loob loob ni Yannie ay gusto niyang masuka dahil sa ginagawa nito ngunit kailangan niyang umarte dahil naroroon si Luke at nakamasid sa kanila.Gustong matawa ni Luna dahil alam niya na gusto ng it
“HINDI totoo ‘yan!” sigaw na sabi ni Luna.“Shut up!” sigaw ni Fernan kay Luna at muling tinignan si Ginnie. “Ginnie!” tawag pansin niya sa asawa na ikinatauhan nito at unti-unting tumango.“O-oo! A-ang daddy ni Luna ang gumawa niyon sa daddy mo. K-kitang kita ko mismo.” Utal na sabi nito sa anak.“See? I told you ‘wag kang maniniwala sa kaniya.” Ngiting sabi ni Fernan at niyakap si Yannie.Gusto na iyong itulak ni Yannie at gawin ‘din dito ang ginawa niyang pagpatay sa kaniyang ama ngunit hindi iyon sapat. Gusto niyang pahirapan muna ito at magmaka-awa na patayin nalamang siya.“Seems like totoo ang sinasabi ni Luna. Look at our lady’s boss reaction.” Bulong ni Vivian sa boyfriend niya.“I agree. Bulag nalang si Yannie kung hindi niya mapapansin ‘yun.” Sagot ni Luke dito.Nagulat silang lahat ng bigla nalamang tumawa si Luna ng pagkalakas lakas.Humiwalay si Fernan sa pagkakayakap kay Yannie at naglakad ito papunta sa gawi ni Luna.“Tito—” hindi natuloy ni Yannie ang pagtawag niya di
NATIGILAN si Ginnie dahil sa kaniyang narinig at nagsimula ng kabahan dahil doon.“A-anong ibig mong sabihin anak? H-hindi totoo ang sinasabi ni Luna…”“Sinungaling!” sigaw ni Yannie na siyang ikinaatras ni Ginnie. “Tinitignan ko kung aamin ka kanina pero hindi! Hanggang sa huli ay ipinagtatanggol mo pa ‘rin ‘yang si tito Fernan! Hindi ka na naawa kay daddy mommy! Hindi mo manlang binigyan ng katarungan ang pagkawala niya!”Napailing si Ginnie dahil sa sinabi ng anak niya at nagsimula ng tumulo ang luha niya.“Eto! Napanood ko dito ang katotohanan!” inihagis ni Yannie ang USB na agad nakilala ni Ginnie kaya natigilan siya.Bigla siyang lumuhod sa harap ng anak niya at umiyak ng umiyak.“Patawarin mo ako anak! Patawarin mo ako at tinago ko ang katotohanan! Nagsisisi ako! Nagsisisi ako sa ginawa ko!”Hinawakan pa ni Ginnie ang magkabilang paa ni Yannie ngunit inalis lang iyon ni Yannie at umatras sa ina.“Huli na ang pagsisisi mo mommy. Kung hindi ka pa mahuhuli ay hindi mo sasabihin s
NANG malaman nilang dalawa ang katotohanan ay mabilis na umuwi ang dalawa dahil na ‘rin sa gusto ng babae. Wala namang magawa si Apollo dahil iyon ang gusto ng girlfriend niya at sumunod sila sa lugar kung saan nila nalaman na naroroona ng mga ito.Ang scene na babarilin na ng ama ni Princess ang mommy at kapatid niya ang inabutan nito. Hindi napansin ni Apollo na tumakbo ng mabilis si Princess at hinarang ang sarili dito, huli na para pigilan ito.Ang mga andoon ay nagulat ‘din dahil sa nangyari lalo na si Yannie na siyang nasa harapan ni Princess.“P-princess!”“O-okay lang ako ate,” ngiting sabi ni Princess at hinawakana ng sugat niya.Mabilis na nakarating si Apollo doon at agad na tinakpan ang pag agos ng dugo niya. Dahil sniper si Princess ay kalkula niya ang segundo ng pagtama ng baril sa target nito kung kaya mabilis ang kilos niyang sinalo ito gamit ang balikat niya.“B-bakit mo ginawa ‘yun?!” sigaw na tanong ni Yannie na ikinangiti ni Princess sa kaniya.“Dahil pamilya ko ka