Chapter 9 (5) Sayruz Future In Laws
(Sayruz POV)
Kung saan-saang kalsada ako lumusot dahil hindi ako makapaghintay sa report ng mga tauhan ko. Hindi ko talaga aakalain na sa huli gagawin ito ni Angie. Ako itong nauna niyang kumbinsihin, tapos heto na ang gagawin niya?!
At makakabundol pa sana ako, kung hindi ko mabilis na naipreno ang sasakyan. Hindi lang anak ko ang mawawala kung hindi ako magdadahan-dahan. O sadyang kinakabahan ako na baka tuluyan na ngang pinalaglag ni Angie ang anak ko sa sinapupunan niya.
Nang makatawid ang mag-ina, pinatakbo ko ulit ang sasakyan. Alam kong may tatawag lang sa akin kapag nahanap na nga nila si Angie. Yun lang ang tawag na inaasahan ko. Ngunit tumunog ang phone ko. Sinagot ko na hindi ko man lang tinitignan kung sino ang caller.
“Finally, you answer my call, Ruz. Galit ka parin ba sa akin?” F*ck. Si Sasa ang tumatawag. At nangako ako sa sarili ko na hindi ko
Chapter 9 (6) Sayruz Future In-laws(Angie POV)“Sabihin mo sa akin, may itinurok na ba sila sayo!”“Anong ginagawa ng isang walang modong ‘to sa surgery room!” Bulyaw ni Doktora. Kaya napangisi si Sayruz. Di ko na napigilan ng humarap siya dito.“Tss. Ako lang naman ang ama ng dinadala niya. Ngayon, since nga nasagot ko na ang tanong mo, sagutin mo ang akin. Kung hindi uubusin ko kayo mawalan ng lisensya. May itinurok na ba kayo sa kanya!”Di ko namalayan napahawak ako sa kamay niya. “Hindi… Wala pa silang itinurok sa akin.” Ako na ang sumagot, ngunit hinihintay niya na ang doktora mismo ang magsalita.“Sakto lang ang dating mo. Wala naman. Miss, sa tingin ko may kailangan kayong pag-usapan ng ama ng dinadala mo. And for your information Mr. Choi, sinabi lang naman niya na niya kilala ang ama ng anak niya. Yun ang sinaad niya. Malinaw na wal
Chapter 9 (7) Sayruz Future In-Laws(Angie POV)“Excuse me po.” Bahagyan akong napayuko sa harapan ng mga kasamahan ko. Inalis ko ang pagkaloudspeaker ng phone ko at lalabas sana ako ng silid ng…“Where are you going? Bakit kailangan mo na alisin ang pagka-loudspeaker ng phone mo? Let us hear it, Angie.” Lumingon ako sa kanya. Kinakabahan ako. Umiling at muling naglakad palabas ng humarang si Michael sa akin, at hinablot ang phone ko. Muli nitong ni-loudspeaker ang phone ko.Alam kong namumuo na naman ang luha sa aking mga mata. Naalala ko na sa tuwing nagwawala ang aking ama, ang tanging nagagawa ko lang noon ang takpan ang tenga ng aking mga kapatid habang sinisikapan ni Mama na pakalmahin ito. Simula noon, nangako ako na Ipapagamot ko si Papa, ngunit ng dahil sa pag-ibig ko kay Julius naging selfish ako. Nakaligtaan ko ang mga pangako kong binitiwan.“Angelicaaaaaaa! Wag na w
Fated to Marry the Devilby DeathWish(Missamy Charm POV)Four o'clock in the morning!Ganyan ako kaaga gumising with full recharge ng energy! Bawal ang simangot. Dapat naka-smile lagi at tumawa ng sagad!Kaya ngumiti ako sa sarili ko, ang ganda ko.Inhale… Exhale… Oh come with me fresh air! Good blessing and everything good!Inhale… Exhale… I love myself! I love you all! And I love everything!Inhale… Exhale… Mabait ako! Masaya! Masigla! At MAGANDA!Inhale… Exhale… I love you Almighty Father, please Guide Us and I thank for this sweet day! Amen.Bangon!Ayos ng hinigaan at full energy na tinakbo ang banyo. Hilamos, mugmug.Takbo sa maliit naming terrace, at pinagsigawan kasama ng mga Tandang…“Good m
Chapter 9 (8) Sayruz Future In-Laws(Angie POV)Hindi ko inaasahan na kailangan ko pa talagang magpalit ng damit para lang maka-uwi sa probinsya. Tama na sana ang T-shirt lang, pants at jacket, pero ang ipinasuot sa akin, isang dress na parang isang mayaman na magbabakasyon sa tabing dagat.May kumatok sa banyo, kaya nagmadali na akong lumabas kahit talaga ayoko ng suot ko. At ang sumalubong sa akin si Sayruz na napatitig sa kanyang relo. “Talaga bang may balak ka na umuwi sa inyo?” Madiin na titig sa akin, mula paa hangang ulo. “Tss.” Sabay talikod nito.Napatitig na lang ako kay Michael, napabuntong hininga na lamang ito.Sumunod ako sa kanila. Lumabas sa likuran ng hospital dahil nakarating kay Michael na nasundan na nga si Sayruz ng mga taga media dito sa hospital ng ate niya. Naghihintay ang sasakyan na kaagad naman pinagbuksan ng tauhan niya. Nauna siyang pumasok, at tumango na lamang
Chapter 9 (9) Sayruz Future In-Laws (Angie POV) Napa-iling ako kaagad sa ideya niya. “Ano, hindi maari. Kung pwede nga sana ako na muna ang magpapakita sa kanila. Maari mo na ako ibaba sa bayan, at babalikan ko kayo. Kumain na muna kayo ng hapunan.” Parang natigilan si Sayruz sa kanyang binabasa. Saka nga muling nagkasalubungan ang mga mata namin. Ako naman itong napayuko ng bahagyang. Hangang sa narinig kong napahalakhak na naman ito. Seryoso ako. Di ko halos ma-isip kung ano ang mangyayari sa kanya kapag nakita siya ng aking ama. Kailangan ko muna ito maka-usap at ipaliwanag ang tungkol sa nangyaring aksidente. “Miss Angie, kinakahiya mo ba ako?” Agad akong napa-iling. “At saka impossible na ikahiya mo ako.” Napatango ako. “O bakit ayaw mo ako ipakilala sa mga magulang mo?” “Mr. Choi, hindi naman sa ayaw kitang ipakilala sa kanila. Nais ko lang na—.” “Sa inyo tayo maghahapunan. Kaharap ng pam
Chapter 9 (10) Sayruz Future In-Laws (Sayruz POV) Natatawa ako bigla habang nasa harapan nga ako ng aking hapunan, habang ang pamilya ni Angie hindi nga pumayag sa kagandahang loob ko na nilalapag ko sa harapan nila. Nais nilang pakasalan ko ang anak nila na siyang dahilan kung bakit nagulo ang mundo ko at pilit kong inaayos. Bigla nga ako nagkaroon ng takot na baka malaman ni Sasa ang nangyari at di matangap nito. Oh F*ck! Sayruz Choi, anong pinasok mo? Nabitawan ko ang kutsara at tinidor saka ako tumayo sa aking kinaka-upuan. Sino naman ang merong ganang kumain? Mga tauhan ko nakatayo lang sa paligid at si Michael nakayuko sa taligiran ko. “Gusto nilang pakasalan ko si Angie dahil meron silang nakikita sa akin? Sino nga ba ang tanga na pakakawalan ang malaking isda? Sabihin mo sa akin Secretary Michael, sino? Diba wala?” Napatango ang kausap ko. “Kaya ginagawa nila ito.” Saka ako napapalakpa
Chapter 9 (11) Sayruz Future In-Laws(Sayruz POV)“Taran.” Masayang bumalik si Angie sa sasakyan dala ang nais nitong bilhing pagkain. “Kunti na lang silang bumibili kaya nakabili ako.”Isinandal ko lang ang aking likuran sa upuan. Senenyasan ang driver na bumalik na sa hospital. At itinahimik ko na lamang ang aking bibig dahil hindi ko halos maisip ang nakuha kong kahihiyan kanina. Tss. Di ko na kasalanan kung wala akong dalang cash, sa hindi yun naging uso sa akin. Ngunit nakuha ng pansin ko ang biniling pagkain ni Angie. Amoy na amoy ko ito at sa tingin ko hindi masarap. Nang makabalik kami sa hospital, naghihintay na sina Michael. Agad siyang lumapit sa akin, at si Angie naman nagmadaling umakyat kung nasaan ang pamilya niya. Tss.“Master Sayruz, sa tingin ko sinadya talaga ng dumaang motorsiklo yung pagtilamsik ng maduming tubig kay Miss Angie.”&ld
Chapter 9 (12) Sayruz Future In-Laws(Sayruz POV)Hindi ko inaasahan ang nadatnan ko sa silid ni Mr. Reblando. Kanina, kampante ako na makaka-usap ko siya ng maayos ngunit… ng hindi niya makita ang anak niya, lalo na si Angie, nagsusumigaw ito at nagwawala sa galit. Paulit ulit niyang sinasabi na malandi ang kanyang anak, at nais niyang tapusin ang kahihiyan na ginawa nito.“Master Sayruz…”“Ganito ang epekto ng sakit ni Mr. Reblando?”“Ayon na din sa sinabi ng inyong kapatid.”“Si Angie?”“Si Miss Angie naroroon parin sa ward.” At tuluyan na nga akong lumisan sa silid ni Mr. Reblando, habang ginagawa ang lahat ng mga doktor na mapahupa ito sa galit na nararamdaman. Sa nakita ko, medyo nga kinakabahan ako para kay Angie. Tapos, gusto niyang mag-isang harapin ang nagkakaganito niyang ama? Nababaliw na ata ang babaing yun. Di ba s
(Angie POV)Dumaan ang pitong buwan… Nasa harapan ako ngayon ng napakalaking larawan ni Grandma… Nitong isang linggo lang, pumanaw na din siya at sumunod na sa mga ninuno nito. Tandang-tanda ko pa ang mga salitang iniwan niya sa akin…Mahal na mahal ako ni Sayruz…Sa hindi namin inaasahan, isang araw, iiwan na nga kami ng tahimik ni Grandma… Tahimik at maayos. Pagkatapos ako nito hintayin sa harapan ulit ng altar kasama si Sayruz. Oo, ang singsing sa palasingsingan ko… Ay muling nagpakasal nga kami ni Sayruz. Masayang-masaya noon si Grandma.Sa wakas na ayos niya ang pamilyang di naman niya inaasahan na mawawasak niya. Tahimik ang pagkamatay ni Grandma, natulog ito pagkatapos makipaglaro kay Zade, at di namin inaasahan na hindi na pala siya magigising.“Masayang-masaya si Grandma na pupuntahan ang ninuno namin at sasabihin na maayos niya tayo
(Angie POV)Natakot ako kanina…Hindi ko man lamang naitangi kay Sayruz na anak niya si Zade… At mabuti na lang nagawa kong magsinungaling kahit paano, at ipakita na wala na akong nararamdaman sa kanya. Pero ngayon, nakatulala akong nakatitig sa mga maliliit na bulaklak…“Ang Ate, bumabalik na ata ang pag-ibig. Ayieeee.”“So, Mommy, siya yung daddy ko na sinasabi ninyong pinapa-iyak kayo. Bugbugin ko po para sa inyo?” Napangiti ako sa sinabi ni Zade. Saka umiling ako.“Kahit anong mangyari, pabaliktarin man ang mundo Zade, daddy mo yun. Diba? Respect your Mom and Dad?”“I do. But sabi niyo pinapa-iyak niya kayo.”“Halika nga dito baby ko.” Na ikinalapit kaagad sa akin ni Zade at niyakap ko ito. “Kung ano man yun, sa amin na lang yun ni Daddy. Hindi kailangan na madamay ang baby Zade namin. Hindi naman ako sinasaktan physically ni Da
(Sayruz POV)Pagpasok ko sa loob, napaka-presko… Parang inuwi ako nito sa bahay ng dati kong asawa… Gawa sa matitibay na kahoy, simple ngunit elegante. Humingi ako ng pamphlets tungkol sa restaurant na ito, at nabasa ko roon ang pinag-daanan ng restaurant sa France. Mga Frances ang karamihan na major sponsor, at ng lumaon naging mga shareholder.Kaya dapat lang na hindi ko tantanan ang may-ari nito.“Good afternoon, our very first guest.” Kuha ng attention ko ng isang batang lalaki na may mapusok na pisngi at ang mga mata nito may kalakihan. Natatawa nga ako sa sarili ko dahil… bakit parang nakikita ko lang ang sarili ko noon habang nakatitig ako sa refleksyon ng salamin. May kasamang waiter ang batang lalaki. Saka nga ang batang lalaki mismo ang lumapag ng tsaa sa harapan ko.“Jasmin tea, na special tea ni Chef Unni.”“Thank you,” At napabow nga ang batang chef sa harapan ko
(Angie POV)Six years passed by… Pinitas ko ang ilang kumpol ng Jasmin sa puno nito. Saka bumalik ako sa kusina para gawin nga itong tea. Naghihintay ang customer para matikman ang sariwa at organic tea ng bulaklak na pinitas ko.Anim na taon nga ang lumipas hindi ko aakalain na diretso lang ako sa magagandang layunin na nais ko sa aking buhay. Hindi ko din akalain na magandang buhay ang ibibigay sa akin ng isang banyagang bansa sa akin. Siguro hindi ako tumigil at nagpatalo na lamang ng basta-basta upang matupad itong pangarap ko……Pangarap na ang nagbigay sa akin ng inspiration, ang bukod tanging naging lalaki ko sa buhay… Si Sayruz nga, at hindi ko yun itatangi. Pero ang alaala kahapon, ay parte na ng kahapon na kailangan tangapin, namnamin kung masakit, patawarin, at tuluyan ngang kalimutan.Inamoy ko ang aroma ng bulaklak pagkatapos ko nga pakuluan. Perpekto!Napangiti na l
(Angie POV)“Mahal ko talaga si Sayruz. Sa ating dalawa ang talaga namang nagmamahal sa kanya, ay ako. Naipit lamang kayo sa sitwasyon na ito dahil buntis ka. Sana mapakingan mo Angie ang hiling ko ito. Mahal ko si Sayruz.”“Miss Sarah…” Lumapit siya sa akin at kinuha nito ang kamay ko.“Nakiki-usap ako sayo. Luluhod pa ako sa harapan mo para makita mo kung gaano ko kamahal si Sayruz. O sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin para tuluyan mo nang mapa-ubaya sa akin ang mahal ko.” Hindi ako makapagsalita. Sa sinasabi ni Miss Sarah parang hindi ko pa tuluyan na pinakawalan si Sayruz. Hindi na ako diba gumugulo, ano ang ginagawa nila ngayon?“Miss Sarah wala na kaming communication ni Sayruz. Hindi ako gumugulo na ako gumugulo sa inyo.”“Hindi ka na nga gumugulo, ngunit ang isipan ni Sayruz, ay yang dinadala mo! Di mo ba nakikita? Hindi na niya ako magawang ma
(Sayruz POV)Iminulat ko ang aking mga mata. Pamilyar sa akin ang silid na ito… Hangang sa napangisi ako. Ang silid na ito… Ay Ang silid ko sa pamamahay ng Choi.Bumangon ako, ngunit hindi ko inaasahan na ang paa ko merong kadena na sapat lang pumunta sa banyo, at malapitan ang bintana. Nakita ko din sa paligid na bantay-sarado ako ng mga tauhan ni Grandma. Lumapit ako sa pinto, at pilit na binubuksan ito, ngunit nakasara sa labas. Bulsh*t!“Grandma! Buksan niyo ito! Fuck!”(Angie POV)Naghintay ako kay Sayruz, at nakalatag na nga sa harapan ko ang pagkain namin. Halos kalahating oras na ang nagdaan, hindi pa siya bumabalik. Inabot ko ang inuming tubig at napa-inom ako.Nasaan na kaya siya? Wag naman sana may nangyaring masama sa kanya.Susundan ko na sana siya na sa pagtayo ko, may nagsidatingan na mga lalaking naka-business suit, at gumawa sila ng daan para ng
(Sharmaine POV)“May sinumpaan kang katungkulan dito Senen. Please, gawin mo naman.”“Sa pagka-alam ko meron ka din namang sinumpaan diba Sharmaine? Yun kung hindi ka kay kamatayan nanumpa na maging kakampi nito.”“Senen!”“Nilalason mo ang Chairwoman.” Na biglang ikinasingkit ng mga mata niya. Natahimik ako. Saka naman nito kinuha ulit ang kanyang tsaa. “At kamuntikan mo pang lasunin din ang asawa ni Sayruz.” Saka hinigop nito ang tsaa.“Paano mo yan nalaman?”“So, totoo?”“Sabihin mo sa akin paano mo yan nalalaman?!”“Doctor ako na nanumpang ibigay ang lahat ng makakaya ko para kalabanin ang anghel ng kamatayan. Hindi ba Sharmaine? Ikaw Sharmaine, hindi lang para kay kamatayan nanumpa, kundi sumamba ka din sa pera. Kaya nga yan ang tumutulak sayo para gawin ang mga kamalian na ito.”“Hindi!
(Angie POV)“Angie, kailangan kong puntahan ang tatay mo at ang kapatid mong si Chin, dito na muna kayo ni Sayruz.” Si Mama, habang tinatali niya ang kanyang buhok. “Sayruz, pasensya ka na iho sa nangyayari.”“Hindi na ho sila sa akin iba, kapamilya ko na din naman kayo.”“Maraming salamat iho.”Kaya si Mama nga ang umalis para bumalik sa hospital. Sasakyan na ng tauhan ni Sayruz ang ginamit ni Mama para maayos at mabilis nga na makapunta ito sa hospital.May ngilan-ngilan na kapitbahay namin ang sumilip kay Tin, at may kinuhang mga tauhan na galing sa catering si Sayruz para maayos nga ang burol ng kapatid ko.“Kumain na tayo Angie. Ako mismo ang nagluto noon para sayo.”“Sayruz…”“Shhh. Kailangan mo kumain, kahit kunti lang. Hindi magugustuhan ng kapatid mo na nagpapa-gutom ka. Diba?Kaya kumain ako kahit kunti lang. Sinigurado naman ni Sayruz na nanatiling umiinom ako ng bitamina ko saka sapat na tubig na kailangan ng aking katawan.“Ngayon naiintindihan ko na hindi ka maayos makak
(Angie POV)Hindi pa bumabalik si Tin, kaya napagdesisyunan namin ni Sayruz na umuwi sa bahay. Nagbabakasakali na umuwi ito. Ngunit wala kaming nadatnan, kundi isang ale pa ang dumating at sinabi na dumating na ang bayaran sa kuryente at tubig.“Saka iha, yung tatay mo merong loan, pumunta yung maniningil dito kanina, hindi na namin napigilan, may mga kinuha nang gamit sa loob ng bahay niyo. Matagal na daw yung due-date. At hindi daw nagpakita kailan man ang tatay mo doon sa kooperatiba. Hay naku, kaya ayaw kong pa-utangin ang pamilya niyo, kasi ginagawa na lamang na biro ang mga utang nila.” Huling sinabi nito na napatalikod na nga…Napabuntong-hininga si Sayruz…Pumasok naman ako sa bahay at halos hindi ako makapagsalita sa nakikita ko… Parang may kung anong mga magnanakaw ang pumasok sa bahay namin. Napaka-gulo. Nawala yung TV, ilang simpleng appliances sa bahay namin… Sa nakikita ko, kung si Mama ang naririto tuluyan na siyang nadismaya.“Sabihin mo sa akin kung saan kayo mayroon