Lilie
Nakatulala lang ako sa kaniya. Ang bilis ng tibok ng puso ko, parang nabingi ako sa biglaang pag-amin niya. Hindi ko alam kung ano ang trip ngayon ni Lucas. Natawa na lamang ako at umiling. Baka mamaya ay binibiro lang ako nito.
"No, you're lying. Nagbibiro ka lang 'diba?" Pagtatanong ko sa seryosong boses. Kitang-kita ko tuloy ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko.
Napakagat ako ng labi at napailing. Ayoko, ayoko munang maniwala. Baka mamaya ay naguguluhan lang din si Lucas katulad ko. Ayoko munang maniwala, natatakot ako. Baka mamaya ay biglaan siyang magbiro.
Umiling siya, kitang-kita ko kung gaano siya kadesperado na ipaliwanag sa akin ang nararamdaman niya. Kitang-kita ko kung paano siya matigilan
LiliePagpasok ko ay sinalubong agad ako ng isang babae na naka-unipormeng waitress. Nakangiti siya sa akin habang hinihintay ako."This way po Maam," saad niya sa akin at itinuro sa akin ang daan. Pumasok kami sa isang hallway at tumigil sa isang pinto. Magsasalita pa sana ako ng bigla siyang nawala kaya wala na akong nagawa kundi pumasok ng tuluyan.Napanganga ako sa nakita ko. Ang bawat puno ay may mga iba't- ibang kulay na Christmas lights ang nakapulupot dito. Ang nilalakaran ko naman ay puno ng kulay puti at asul na petals ng mga rosas.Napansin ko rin ang mga picture. Teka? Mga picture ko ito. Simula pagkabata hanggang ngayon ay naandito lahat. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Lucas ang lahat ng ito.
LilieNapaupo ako sa sahig ng itulak niya ako ng pagkalakas-lakas. Pagtingin ko sa gumawa no'n ay nagulat na lamang ako kung sino ito."Rina, tama na ang sakit!" Sigaw ko dahil muli siyang sumugod sa akin at sinabunutan sabay pinagsasampal ako. Mariin kong kinagat ang labi ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.Pero pinanlinsikan niya ako ng mata at hinawakan ang panga ko, siguro sa sobrang higpit ay baka magkapasa ako."Napakalandi mo! Mang-aagaw ka!" Sigaw niyang muli.Hindi ko alam kung ano ang inagaw ko sa kaniya at kung bakit nagkakaganito siya.Tinayo niya ako pero sobrang higpit pa rin ng hawak niya sa buhok k
LilieNapasinghap na lamang ako ng sabay kaming bumagsak ni Lucas sa lupa. Nabasag ang salamin ng kotse niya dahil dito tumama ang bala. Nagtalsikan pa sa amin ang iilang bubog ng salamin kaya napapikit ako.Nasa ibabaw ako ni Lucas at sobrang higpit ng yakap niya sa'kin. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso naming dalawa, miski ang paghinga namin ay sobrang bilis din, parang nakikipaghabulan kami kay kamatayan.Halos kapusin ako nang hininga ng itapat muli ng lalaking naka-motorsiklo ang kaniyang baril sa akin. Napapikit na lamang ako at hinintay ang balang tatama sa akin.Nagulat na lamang ako ng pagbaliktarin ni Lucas ang pwesto naming dalawa. Siya na ngayon ang nasa ibabaw ko kaya siya ang natamaan. Kitang-kita ko
Lilie“I mean, I like your face, walang pimples or gasgas kahit ni isa. You can be my model,” saad niya at lalo pang pinagkatitigan ang mukha ko.Napasigaw na lang kaming dalawa ni Keegan ng mawala siya sa harapan ko. Pagtingin ko ay hawak na siya ni Lucas at pinilipit ang braso niya.“What the heck are you doing, Keegan!” Pagalit na sigaw ni Lucas at mas lalong inipit si Keegan sa pader.“Easy, wala akong ginagawa,” depensa ni Keegan at pilit na kumakawala at nagtagumpay naman siya sabay itinaas ang dalawang kamay.“Anong wala?! Ano? trip mo lang hawakan at ilapit ang mukha mo sa girlfriend ko!”“Fine! Kaya ko lang naman ginawa iyon dahil pasado ang girlfriend mo sa pagiging model ko,” sabi ni Keegan at itinulak si Lucas.“No! Hindi siya ang magiging model mo,” ma
LilieBumili muna kami ni Lucas ng kandila at bulaklak bago pumunta sa puntod ni Mama.Nang nasa harapan na ako ng puntod ni Mama ay umupo ako sa damuhan at ninamnam ang simoy ng hangin.Nilagay ko ang bulaklak sa gilid ng puntod niya pati na rin ang kandila at sinindihan ito. Maingat kong pinunasan ang puntod ni Mama, nagtataka pa ako dahil maayos pa ito at alam kong may naglilinis pa dito."Sorry Mama kung ngayon lamang po ako nakabisita sa'yo," panimula ko at umayos ng upo sa damuhan. “May nangyari po kasing hindi maganda,” dugtong ko at pumikit saglit.“Ma, alam mo bang nami-miss na kita, kayo po ni Papa. Kahit naman may tampo ako sa kaniya ay nami-miss ko pa rin siya. Binibisita ka kaya ni Papa?” Naluluha kong tanong at tumigil saglit dahil bigla kong naalala si Papa.Kumusta na kaya siya ngayon? Hinahanap niya kaya ako? May pake
Lilie“Tungkol ba ito sa kaso ko?” Kinakabahan kong tanong sa kaniya kaya tumango siya. Nang tama ang hinala konay dali-dali akong bumaba. Narinig ko pang sumigaw si Lucas.“Hey! Darling, be careful. Baka mamali ka nang hakbang sa pagbaba.” Pero hindi ko na lamang pinansin ang pagsigaw niya dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko.Pagbaba ko ay nakita ko ang dalawang pulis. Tumayo silang dalawa at nakipagkamay sa akin. Naramdaman kong umakbay sa akin si Lucas. Umupo kami at nagsimula nang magpaliwanag ang mga pulis. Naglagay pa si Manang ng maiinom at pagkain sa harapan namin.“Ako si Inspector. Ramil. Ako ang nakatoka sa kaso mo Ms. De Vega. Alam kong isang taon na ang nakakalipas pero ngayon lamang namin nahuli ang suspek,” Panimula niya.“Ang pangalan ng suspek ay si Mauricio Velasco. Kahapon namin siya natagpuan sa kaniyang lungga. Pinalitan niya pala ang kaniyang pangalan kaya na
LilieIsang linggo na ang nakalilipas simula ng ma-confine si Lucas pati na rin si Julie. Si Julie ay naaksidente pero hindi naman ganoong malala. Kaya pala hindi namin ma-contact ito noong isang linggo ay may emergency pa lang naganap.Nakulong na si Rina at Mauricio. Hindi ko aakalaing maggagawa sa akin ni Rina ang bagay na 'yon. Kaya pala gano'n na lamang ang trato niya sa'kin ay may binabalak na pala siyang hindi maganda. Hindi ko aakalaing mababaliw si Rina ng dahil lamang sa pag-ibig.Si Rina ay dinala sa mental hospital dahil sa naging kondisyon niya, habang si Mauricio naman ay nasa kulungan na. Nalulungkot ako na nasasaktan sa nangyari kay Rina.Kahit naman may hindi siya magandang ginawa sa akin ay nasasaktan pa rin naman ako. Dahil tinuring ko siyang isa sa matalik kong kaibigan. Lalo na sa Papa niya na labis na nasasaktan ngayon, dahil sa ginawa niya.
LilieBiglang nagsidatingan ang isang doktor at nurse. Lahat kami ay pinalabas kabilang na si Julie. Kahit ayoko at takot na takot akong lumabas ay si Keegan na mismo ang humigit sa akin palabas ng kwarto ni Lucas.Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano nila i-revive si Lucas. May isang nurse na naglagay ng resuscitation sa kaniya habang ang doctor naman ay pina-pump ang dibdib niya. Nagkakagulo na rin sila sa loob.Napatingin kami kay Julie ng bigla itong sumigaw. “Teka, bakit nasa labas din ako?! I'm also a patient too!”Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon, naghalo na ang takot at pag-aalala ko sa nangyayari kay Lucas.Kaya tuloy-tuloy siyang pumasok sa kwarto ni Lucas at may mga nurse na nag-asikaso sa kaniya. Umiiyak at nanghihina akong napahawak sa salamin na nakaharang sa aming dalawa ni Lucas.
LilieNang basahin ko ang sulat sa akin ni Lucas ay naiiyak na lamang akong napatingin kay Julie."Kaya ba hindi ako pinapansin ni Lucas dahil dito?" Pagtatanong ko kay Julie na ngayon ay nakatingin lamang sa akin habang nakangiti.Dahan-dahan siyang tumango at sumagot, "Oo, that's the only way para hindi mo mapansin ang mga pinaplano ni Lucas para sa'yo. And I'm sorry for that, Lilie.""Para kayong mga ewan. Ginawa niyo na namang akong tanga. Bakit ganiyan kayo?!" Natatawa kong sagot kaya natawa na rin siya.“Si Lucas ang nakaisip niyan, bilang kapatid niya. Sumunod na lang ako sa utos niya. Sayang 'yong libre niya sa akin na pang-isang buwan,” bulong niya sa akin kaya inirapan ko siya.Napatingin kami sa isang guard na ngayon ay nakatayo sa harapan namin na tila ay hinihintay pa kami.“Ma'am Juli
LucasTime flies so fast. Tuluyan ng naka-recover si Lilie and I am the most happiest person in the world when she's back to the old Lilie that I knew.Pero sa araw-araw na pananatili niya dito sa akin at magkasama kaming dalawa. Alam kong sa sarili kong iba na ang nararamdaman ko sa kaniya. Natatakot lang ako na umamin.For so many years of waiting for her and wanted to see her again. I'm afraid to confess to her. Whenever she's around, she always makes my day. She always makes me laugh, smile, and feel comfortable with her.Every time I feel exhausted, she's always there to lighten up my mood and day. Whenever everything feels wrong, she's always saving me even though she never knew it. For me, when everything feels wrong, she's the one who will make it right.All I can say is... she's always saving me from all the problems I have, from all the circumstances that I'm facing. Basta, ang alam ko lang mahal ko siya.Pinagkati
LucasI'm a mess, I don't know where to go. My mind is in a mess right now. I'm like a puzzle who are finding his missing pieces, until now.I don't know what to do in my life right now, I can't see where the right path and light is. I don't know where the hope they are saying. All I can do is to stare at the river whenever I want to jump in.I'm in a mess.My mind are in darkness.Can someone save me?I feel like I am a lost puppy who are waiting for his owner to find me. I stare at the sky and smiled. All my life, all I can do is to take care of everything, all I can do is to pursue everything they want.They say, my life is perfect, our life is perfect. But they are wrong, I'm wrong. I thought too that our life is perfect but it was not, until my parents died.Noong mga panahon na 'yon, hindi ko na alam kung saan ako pupunta,
Lilie"Pagod ka na ba sa akin, Lucas?" Mahina kong tanong at alam kong narinig niya dahil gumalaw siya ng kaunti. Nakatalikod pa rin siya sa akin kaya hindi ko makita ang reaksiyon niya. Pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko dahil hindi ko masambit ang salitang gusto kong sabihin sa kaniya."L-lucas..." Tanging pangalan niya lamang ang nasambit ko at hinihintay ang sagot niya. Nagsimula na ring magtubig ang mata ko. Kaya lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang braso niya. Nagulat na lamang ako ng bigla na lamang niya itong tanggalin na tila'y napapaso siya sa paghawak ko."Magpahinga ka na Lilie, saka na lang tayo mag-usap," malamig niyang saad kaya tumango ako at umatras ng tatlong hakbang papalayo sa kaniya."S-sige, kapag hindi ka na pagod Lucas," piyok kong saad at pinanood ko lamang siya na umalis sa harapan ko. Tuluyan na akong humagulgol ng mawala na siya. Hindi m
LilieMinsan sa buhay natin may mga taong aalis sa tabi natin na hindi natin aasahan. Minsan naman may bumabalik pero 'yung iba? Hindi na muling babalik pa sa buhay natin.Magugulat na lang tayo isang araw, wala na sila sa tabi natin. Ang masakit pa, kung kailan nakasanayan na nating naandito sila palagi sa tabi natin saka pa sila mawawala na parang bula.Mahirap kalimutan ang isang taong minahal mo kahit sa sandaling panahon lang ang binigay sa inyo. Pero minsan kailangan tanggapin na may mawawala sa buhay natin kahit sobrang sakit.Kailangan nating magpaalam kahit ayaw pa natin, kailangan nating tanggapin kahit masakit sa puso natin at higit sa lahat, kailangan natin maging matatag kahit mahirap.Ako? Kung ako ang tatanungin... noong mawala si Mama sa tabi ko ay sobrang hirap, isama mo pa ang sarili ko. Pero akala ko wala na pa lang mas sasakit pa doon. Meron p
Lilie“Papa,” umiiyak kong saad at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Kitang-kita ko kung gaano siya kasaya nang makita niya ako.Umupo ako sa tabi niya at dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ko. “Lilie, anak. Patawarin mo si Papa,” umiiyak na rin siya katulad ko.“P-papa, matagal na po kitang pinatawad, napatawad na po kita. Wala ka na pong kasalanan sa akin,”saad kong muli pero umiling lamang siya at nagpatuloy.“Patawarin mo ako, Lilie... pinatay ko ang Mama mo.” Dahil sa sinabi niya ay naguluhan ako. Ano ang ibig sabihin ni Papa? Anong pinatay niya si Mama?“Pa, hindi niyo po kasalanan 'yon.” Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Papa.“Pinatay ko ang Mama mo, kung hindi
TRIGGER WARNINGLilie"Miss, masarap 'tong gagawin ko sa'yo," bulong niya sa aking tainga habang ako naman ay nanginginig na sa sobrang takot.“K-kuya, h-huwag po,” pagmamakaawa ko habang inilalayo ko ang katawan ko sa kaniya. Mas lalo akong nanginig sa takot ng hawakan niya ang pambaba ko.“Lilie!” Napasinghap na lamang ako ng may gumising sa akin. Pagtingin ko sa tabi ko ay nakita kong si Lucas na sobra ang pag-aalala sa akin.“Why are you crying?” Tanong niya habang pinupunasan ang luha ko. Bigla ko na lamang siyang niyakap at doon humagulgol, hinaplos naman niya ng marahan ang buhok at likod ko.“Did you have a nightmare again? Did you take your medicine last night?” Sunod-sunod na tanong niya sa akin kaya umiling ako habang yakap-yakap pa rin siya. Naramda
LilieKahit hilam ng luha ang pisngi ko ay lumingon ako kila Keegan na nakangiti sa amin at sinenyasan ko silang ano 'to.Ngumiti at tumango lamang sila sa'king tatlo kaya muli kong hinarap si Lucas na nakanta at nakatingin na sa akin ngayon.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Nanginginig ang mga tuhod ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko at higit sa lahat, grabe ang kasiyahang namumutawi sa dibdib ko ngayon.Nagpatuloy siya sa pagkanta at kitang-kita ko kung paano tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Kaya ang ginawa ko ay unti-unti kong hinakbang ang mga paa ko papalapit sa kaniya.Tinigil niya saglit ang pagkanta at tumayo, may kinuha siyang isang puting rosas at unting-unti lumalapit sa akin. Kaya ang lakad ko ay naging takbo na.Tinakbo ko ang distansiya naming dalawa at kasabay no'n ay niyakap ko siya nang sobrang h
Lilie"Ano Lilie, hindi makapaniwala, talagang nagustuhan nga kita,” saad niyang muli dahilan para mabingi ako.“Keegan, baka nagbibiro ka lang, ayoko ng ganiyan na biro,” kinakabahan kong saad kaya natawa siya sa reaksyon ko.“Te, para kang natatae, past tense na ang sinabi ko. Ang ibig kong sabihin ay nagustuhan, kumbaga ngayon wala na. Jusko ka!”“Bakit mo naman ako nagustuhan?”“Ewan nga eh, nakakatawa nga dahil ikaw ang kauna-unahang babaeng nagustuhan ko. Pero isang buwan lang naman ang pagkagusto ko sa'yo tapos, wala na,” paliwanag niya sa akin at natawa.“Alam mo, hanga rin ako sa'yo Keegan, hindi mo ako tinake advantage,” ani ko kaya tumawa siya.“Hindi naman kasi ako tinuruan ng mga magulang kong mang-agaw ng taong may mahal ng iba, ka