AMELIAExcited na naman ako dahil ito ang pang-apat na beses na dadalaw ako sa clinic para sa aking pre natal check-up! Pero ngayong araw ay mag isa lang akong nagpunta ng clinic. Maaga kasi ang aking appointment sa mga araw na ito kaya sila Ian at Sophia ay nasa trabaho pa nila. Ok lang din naman sa akin. Tanging si Ms.Isabel pa lang din ang nakakaalam na ako ay buntis , maliit pa rin naman ang tiyan ko! Wala naman akong pakielam kahit malaman ng lahat ng tao sa opisina. Kaya lang hindi ko lang talaga ugali ang makipag-kwentuhan sa mga ka opisina ko! Magkakaiba kasi kami ng department ng mga kaibigan ko.Dumiretso na nga ako sa room ni Dra. Renata, pinapasok na din kasi ako ng receptionist dahil tapos na ang aking sinundan. Abdominal Ultrasound naman ang ginawang pag ultrasound sakin. Healthy naman daw si baby makikita din sa monitor na pumipintig pintig na ito Malakas na din ang heartbeat niya."Amelia gusto mo na bang malaman ang gender ni baby? kita ko na ang gender niya!" pagtata
Balisa si Sandra ng matapos ang kanyang check-up. Nagbigay din ng request si Dra.Renata para magpa MRI sya. “Bessy hindi pwedeng malaman nila Mommy Veronica ang sitwasyon ni baby . Baka mamaya malaman nilang hindi ito kay Arnaldo.” Magulo ang isip ni Sandra, hindi pa ito maka-alis sa tapat ng pintuan ng room ni Dra. Renata. “Kung magpapa MRI ako paniguradong katapusan ko na” Kinomfort naman siya ni Kenzo. Hindi din ito makaisip ng paraan kung ano ang dapat nilang gawin. Naawa din ito sa sitwasyon ng bata. Alam kasi niyang malaking problema ang maaring maging epekto nito sa development ng bata. Inaya na ni Kenzo si Sandra inalalayan niya ito ng biglang may mapansin siya sa lobby ng ospital. Si Kenzo ang nakapansin dito dahil parang lutang itong si Sandra na naglalakad. “Sis! Diba ayun yung babae na nahuli mo sa kwarto ni Arnaldo?” Gigil na turo ni Kenzo kay Amelia. Naalala niya ito dahil wala naman itong suot na salamin kapag wala ito sa opisina. “Asan?!” Biglang nabuhay ito n
Nang makauwi siya ng mansion ay kasama niya si Kenzo. Pinakita niya sa kanyang mga in laws ang kanyang pinamili para sa kanyang baby boy. Nagsinungaling naman siya sa mga ito at sinabing healthy ang baby niya. Pinakita niya ang picture ng ultrasound na binigay ng doctor sa kanya. Dahil sa wala rin naman alam ang mga ito sa pagtingin ng resulta ng ultrasound ay basta pinakita ni Sandra ang larawan ng kanyang baby base sa ultrasound. Natuwa ang mga ito na very visible na ang gender nito. Nagpapasalamat naman ang dalawang matanda sa palaging pagsama ni Kenzo dito tuwing may check-up itong si Sandra , ganun din sa mga lakad nito.“Mommy! Magkakaroon po pala kami tonight ng get together nila Kenzo kasama ng iba naming friends , magpapadespedida kasi itong si Olena ikakasal na kasi siya sa fiance niyang taga Canada!” Pagpaapaalam ni Sandra kay Veronica“Ah ganoon ba iha! Walang problema ipapasundo ko na lang kayo sa driver pag uwi niyo. Saan bang hotel kayo?!”“Naku mommy wag na po! Late na
POV TIMBinati ni Tim ng nakangiting aso ang Doctora. Diretso siyang umupo sa coach sa gilid ng desk ng Doctor. Nakadikwatro ipa to ng paa na animo'y nasa bahay lang nila. Alam ng Doctor na may pakay na naman ito sa kanya. Dahil takot na takot ang boses ng receptionist nila ng tumawag ito sa kanya. Ayaw niya ng gulo kaya kalmado niyang sinabihan ang kanyang receptionist at papasukin na ito diretso sa room ng kanyang clinic. "Yes Tim, what can i do for you!" Propesyunal na tanong ng Doctor. "I heard that Sandra has problem with the baby. "Pagsisimula nito. "Ayoko ng magpapaligoy ligoy pa, Hindi maaring magpa MRI si Sandra dahil malalaman ng mga Alcantara ang problema.Hindi pwedeng malaman ng mga ito na may deperensya sa bata. Isa pa , are you thinking?!" maangas na tanong nito sa doctor. "kung magpapa-MRI si Sandra may chance na malaman ng mga to na hindi anak ni Arnaldo ang bata. Alam mo namang kailangang maisilang ng ligtas ni Sandra ang batang iyon!. Meron akong gustong malaman
Pagkapasok ni Arnaldo sa kanilang kwarto ay nilapitan niya si Sandra na nakaupo sa malambot na sofa coach sa gilid ng kanilang kama. Nanonood ito ng movie ng kanyang maabutan."Sandra, if your not tired. I just want to invite you to go out dinner with me?!" pagbati nito kay SandraNabigla naman si Sandra sa biglang pagbabago ng ihip ng hangin, hindi normal kay Arnaldo na kausapin siya pag ito ay dumadating mula sa trabaho. Palagi kasi itong dumidiretso sa banyo upang mag-shower at dumiretso sa kanyang study room an connected sa aming kwarto. Mahihiga na lang ito sa maliit na bed na binuo niya kapag siya ay matutulog na. "oh! Hi Arnaldo. Hindi naman , wala naman akong ginagawa. Sige bibilisan ko lang magbihis." nagmamadali itong tumayo sa kanyang pagkaka-upo. Tila bata na mabilis itong nagbihis upang hindi maiwan. Iniisip kasi niyang baka magbago ang isip nito. Aba once in a bluemoon lang itong mag-aya. Hindi pala. Sa buong pagsasama nila ay ngayon lang siya nito niyayang mag dinner s
SA LOOB NG BANYOMaingat na kinuha ni Sandra ang suklay ni Arnaldo at kanyang inilagay ito sa isang supot . Kinailangan kasi niyang makuha ito dahil ito ang gagamitin nila para sa isasagawang DNA Testing. Pasilip silip siya sa pintuan ng dahil baka biglang bumalik ulit ito sa kanilang banyo. Kampante na sya ng maisilid niya ang suklay ni Arnaldo sa kanyang bag at makitang tuluyan na itong umalis ng mansionHumanap naman siya ng tsempo para makapag-paalam sa kanyang in-laws dahil kinailangan niyang makipag-kita kay Tim sa isang coffee shop na malayo sa kanilang subdivision.Sinalubong siya ni Tim sa pintuan. Sabay na silang nagtungo diretso sa counter. Umorder sila ng cake at cold coffee ang para kay Sandra, habang sila ay naghihintay ng kanilang order ay inabot na ni Sandra kay Tim ang plastic na may suklay na dala niya . Ipinatong niya ito sa ibabaw ng lamesa , agad din naman itong kinuha ni Tim. Sinigurado ni Sandra kay Tim na gumamit siya ng gloves ng kuhain niya ito.Nakangisi nam
SA COMPANY NILA ARNALDOTinawagan ni Sandra ang kaibigan nitong head ng HR Department. Personal siyang nakipagkita dito. Sa pagkakataong ito hindi siya sumakay sa VIP elevator kundi sa elevator na sinasakyan ng mga staff. Dahil hindi pa niya planong magpakita kay Arnaldo . Kailangan muna niyang asikasuhin ang tungkol kay Amelia.Ng makarating si Sandra sa floor ng HR Departmeng ay taas noo itong naglakad papunta sa opisina ng HR Head. Kahit na binabati siya ng mga tao sa kanyang paligid ay ismarte itong naglakad at walang lingon-lingon. Hindi naman sya bumabati pabalik sa mga ito. Bago pa man siya makarating sa pinto ng Head ng HR ay sinalubong na siya nito. Malaking ngiti at pagbati ang binungad sa kanya ng kaibigan.“Hi Sandra! Ang tagal na ng huli kang nakapunta dito. Buti naman at napabisita ka!” Pagbati ni Eunice. Ito ang head ng hr department sa SB GroupBumeso si Sandra dito “kaya nga Eunice! Namiss kita!” Ka-plastikan nitong sagot.“Mmmmppp Sandra yung mga ganyan mo alam ko y
Dumiretso na siya sa Condo nila ni Tim. Nag-leave na lang siya ng message dito na doon na sya maghihintay hanggang makarating ito. POV TIM Samantalang habang si Tim ay nasa gitna ng transakyon ay walang tigil ang kakaring ng kanyang telepono ng tignan niya ito ang calls ay nanggagaling mula kay Sandra, malaki ang transaksyon na iyon kaya hindi siya maaring pumalpak. Kaya pinatay niya ang kanyang cell phone para walang abala sa pakikipag-deal niya. Ang mga kotrabandong kasing iyon ay dadalhin nila sa Cebu , Dumating na ang kanilang ka-deal , lahat ng mga kasama nito ay puro armado, ganoon din sa hanay nila Tim, puro sila kargado ng baril. Bukod sa mga tauhan nilang kasama nila sa loob ng warehouse ay may mga nagbabantay din silang tauhan sa harap at likod ng abandonadong warehouse na iyon. Hindi naman kasi basta-basta ang pera na pakakawalan sa transaksyon na ito. 500milyon ang halaga ng drogang dala nila. Naging maingat ang magkabilang grupo dahil hindi sila maaring ma-kalaboso ng
Nakapalibot na samin ang crowd . Lahat ng ito ay kaniya kaniyang haka haka tungkol sa akin. May ilang kumakampi at ang iba naman ay nghuhusga.“Sinasabi ko na nga ba may tinatago yan siya.” Sabi niya sa akin ng iba“Kung asawa niya si Drake Alcantara dati ibig sabihin isa siya sa malalaking pamilya?! Siya pala ang kaibigan ni Amelia Alcantara ang asawa ni Mr.Arnaldo Alcantara ang famous CEO na bukod sa gwapo ay sobrang yaman pa” sabi ng isa sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa kanilang mga sinasabi. Ayokong makipag talo sa kahit na sino sa kanila.“Anong kaguluhan ito?” Anas ni Abuello."ito kasing babaeng ito ngfe-feeling. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nandito pa rin hanggang ngayon. " mayabang na sabi ni Eunice. Nakatingin lang ako kay Abuello. Tuloy-tuloy pa rin si Eunice sa pang iinsulto sa akin"magtigil ka! lapastangan ka sa mga sinasabi mo sa aking apo." matapang na sigaw ni Abuello. Wala na akong magagawa . Ngayon ay alam na ng mga tao kung sino talaga ako. Nag
SOPHIA POVTuwang tuwa ang lahat sa sinabi ni Abuello. Naging usap-usapan naman sa buong opisina ang diumano pagdating ng babaeng apo ng mga Campbell. Napapailing na lang ako sa aking Abuello . Hindi talaga niya titigilan ang pang aasar sa akin. Alam kong ginagantihan ako ni Abuello dahil sa paglalayas ko noon. Isa pa malapit na din matapos ang aming kontrata. Babalik na ako sa Pilipinas. Ilang beses man niya akong pagalitan ay alam kong mahal na mahal ako ni Abuello. Nakikita raw niya sa akin ang pagka suwail ni Mommy noon.Matapos ang aming trabaho ay umuwi na din ako kagad. Ngayon kasi darating ang magsusukat ng damit na gagamitin namin sa event ng Campbell. Lahat ay may imbitasyon na gayundin ako.“Aba Sophia mukhang may gusto kang sabihin samin?!” Nakangiting tanong ni Lolo.“Huh?! Tungkol naman po saan ang sinasabi niyo?” Nagmamang maangan kong tanong sa kaniya.“Hay iha ayan ka na naman. Ang hilig mong maglihim sa amin ng daddy mo. Alam mo ang tinutukoy namin. May mga nababalit
AT THE SITE WORK SOPHIA POV "Hi Clarkson, Medyo late ka ata ngayon? himala aah!" tanong ko kay Clarkson "sorry naku grabe nagkaka traffic na rin kasi ngayon dito . Bihira naman itong mangyari . Pasensya na. Dumaan pa kasi ako sa Starbucks para bumili ng kape natin." sabi pa niya sakin "hahaha ano ito suhol. Bawal iyon" sagot ko pa sa kanya "hindi naman naalala ko lang na baka hindi ka pa nakakapag kape masyado kasing maaga ang pagpunta natin dito sa site." sagot naman niya sa akin. Itinuro ko na kay Clarkson ang lahat ng gagawin sa tuwing siya ay mag-sa-site visit. Masaya kaming nagkakatawanan ni Clarkson nagiging magaan na ang loob ko sa kaniya nitong mga nagdadaang araw. Habang tumatagal nakalimutan ko na ang ex husband kong si Drake. Alam kong hindi magandang pakinggan pero tingin ko ay nahuhulog na ako kay Clarkson. "a-attend ka ba sa pa event ng kumpanya?" tanong niya sa akin "mmm hindi ko pa alam, baka wala naman akong choice kailangan kong pumunta doon (muntik
"hindi mo na kailangang gawin ito. Tama naman sila Patricia baka mamaya pag-initan na naman ako ni Eunice." sagot ko pa kay Clarkson. "don't worry hindi ka na niya guguluhin pinagsabihan ko na si Eunice. Pasensya ka na talaga kay Eunice akala kasi niya porket magkaibigan kami ay pwede na niyang panghimasukan ang buhay ko. Nakababatang kapatid ang trato ko sa kaniya. Saka wag ka na lang maniniwala sa mga sasabihin niya. Madami kasi siyang mga sinasabi sa utak niya na siya lang nakakaalam. Akala niya boyfriend niya ako." sabi pa ni Clarkson sa akin. "halata nga, hahaha. kaya nga hindi ko na lang pinapatulan." sagot ko naman. Biglang dumating si Vanessa ang sekretarya ni Wesley. Lumapit ito sa amin kaya naputol ang aming pag-uusap. "Sophia, Clarkson pinapatawag kayo ni Sir Wesley. Kailangan daw niya kayo sa office niya ngayon. Hinihintay na nila kayo sa office niya." sabi nito sa amin "sige susunod na kami" sabay naming sagot nagkatawanan pa kami. Inayos ko lang ang aking gamit. Ini
CLARKSON POVAFTER 1 WEEK LEAVENabalitaan ko sa aking mga kasamahan ang ginawang pagsugod ni Euince kay Sophia. Hindi ko ito pahihintulutan. Ayokong ng dahil dito ay maudlot ang namumuong matamis na pagtitinginan namin ni Sophia kaya naman una kong ginawa ng malaman ko ito ay pinuntahan ko siya sa opisina dala ang paborito niyang kape mula sa starbucks. Nais kong humingi ng pasensya sa gulong ginawa ni Eunice. Bago pa man ako makarating sa station ni Sophia ay naharang na ako ni Eunice. "is that for me Clarkson?!" ang laki ng ngiti nito sa akin. Parang walang ginawang kasalan itong si Eunice. Napataas ang isang kilay ko. Hindi ko itotolerate ang ganoong klaseng ugali."Anong gulo na naman ang ginawa mo Eunice? akala mo ba hindi ko malalaman ang mga ginawa mo?" naiinis kong tanong sa kaniya."hindi ko alam ang sinasabi mo?! hindi kita maintaintindihan. Anong gulo ang sinasabi mo?" pa-inosenteng tanong niya sa akin"you know exactly what i am saying!. Grow up Eunice hindi pwedeng laha
SOPHIA POV CEO OFFICE Pagpasok namin sa loob ng opisina ni Wesley ay mayabang na nakapamewang itong si Eunice sa akin. "That Biatch Mr. Wesley, i want you to terminate her!". Nakatayo pa ito sa gilid ni Wesley. Napapataas naman ang kilay ko sa akto nitong si Euince sa harapan ng aking kapatid. Ganito ba talaga ka close ang dalawang ito. Napapailing na napapangiti naman ako sa kanila "Bakit Eunice anong offense ba ang ginawa sayo ni Ms. Gonzales?!" tanong kay Eunice ni Wesley "Mr. Campbell, masyado siyang mayabang saka ang rude niya sa akin. Alam mo bang sinigaw-sigawan niya ako sa harapan ng iba pang empleyado. Nakakaawa kaya ako, nakakahiya (yumuko pa ito at nakahawak sa braso ng aking kapatid) sinabihan niya pa aking linta daw ako. Sabi pa nga niya kahit magsumbong pa daw ako sa kahit na sino. Kahit pa daw na ikaw na CEO hindi niya aatrasan." nagpapaawang sabi nito sa aking kapatid. Napabirit naman ako ng kakatawa sa kasinungalingan nitong Eunice na ito. Matalim niya ako
SOPHIA POVLAST DAY SA HOSPITAL“Pasensya na Sophia, nagtatalo ata kayo ng boyfriend mo! Mukhang mainit ang ulo niya ng lumabas mula dito sa silid mo. Dinala ko lang tong sushi set . Nabanggit mo kasi kahapon na nag crave ka sa Sushi aalis na din naman ako kaagad.” Sabi ni Clarkson sa akin.“Sinong boyfriend?!” Nagtataka kong tanong“Yung lumabas mula dito sa silid mo. Yung matankad na lalaking maputi.” Sagot niya sa akin.“Hahhahaha! Sorry (napatakip ang aking palad sa aking bibig) hindi ko boyfriend yun, nakababatang kapatid ko siya” sagot ko naman sa kaniya.Natawa naman kami pareho sa kaniyang naisip. Pinagsaluhan na namin ang sushi na kaniyang dala dala.Sa halos 3 araw ng pananatli ko sa ospital ay walang araw na hindi ko nakikita itong bumisita sa akin. Masaya ako sa tuwing nakakasama ko si Clarkson. Sabay lang din kaming pinalabas ng ospital. Bagaman si Clarkson ay binigyan pa ng another 1 week leave dahil sa may benda pa ang kaniyang braso. Hindi din siya makak-kilos ng maayo
SOPHIA POV Hiyang hiya ako kay Clarkson ng dahil sa kapabayaan ko ay nalagay ko sa kapahamakan ang kaniyang buhay. Pwede naming ikamatay parehas ang hindi ko pagtingin sa signage na nakalagay sa may unahan ng lobby. Aaminin ko na busy kasi ako sa pagtingin ng mga picture nila Drake. Hindi ko maiwasang mainggit sa tuwing makikita ko ang development ng kanilang anak ni Isabelle. Buong buhay kong bibitbitin ang sakit na nararamdaman ko dahil sa pagkawala ng aking anak. Nang makabalik na ako sa aking silid sa ospital ay siya namang dating ng kapatid kong si Wesley. Galit na galit ito kasama ang mga imbestigador at pulisya. Nagpunta ito sa ospital para tanungin kung nais kong maghabla ng kaso. Kasama ng mga ito ang contractor na naka assign sa project na iyon. Nakakaawa ang mukha nitong halata mo ang sobrang pagkatakot. "YES WE WILL FILE A CASE AGAINST THE CONTRACTOR , THEY ARE VERY CARELESS!" galit na sagot ni Wesley sa pulis "Wesley, ako na lang. Hayaan mo na akong magdesisyon.
CLARK POVBAGO ANG AKSIDENTENabighani talaga ako sa taglay na kagandanhan ng bagong trainee sa Campbell Corp, hindi ko ito malapitan dahil nahihiya ako sa kaniya, naririnig ko ang mga kaibigan nito at tinatawag siya sa kaniyang pangalan bilang Sophia. Panay ang pagtitig ko sa kaniya habang naglalakad ito papasok ng lobby. Halos mabunggo na ako sa warning signs na nakalagay sa renovation na ginagawa sa pasilyong iyon. Halos araw araw ko siyang nakakasabay sa pagpasok sa opisina magmula ng magsimula ako sa ang aking training sa Campbell Corp. Simple lang si Sophia pero napaka inosente ng kaniyang mukha. Dahil sa sobrang pagkatutok nito sa pagtingin sa kaniyang cellphone ay hindi niya napansin ang warning sign na nakalagay sa bandang unahan ng entrada ng lobby . Nagsigawan ang tao sa aming paligid, tinakbo ko ito ng walang pagdadalawang isip ng mapansin kong malalaglag ang ceiling sa ginagawang renovation. Hindi din niya narinig ang pagsigaw ng mga tao sa kaniya dahil may nilagay siyang