Lumipas ang mga araw at buwan. Ngayon ay isa na akong ganap na Grade 12 Student. Ga-graduate na kami. At ako ang itinanghal na Cheer Leader. Panay pa rin ang pag iwas ko kay Yohann.. Hindi na kami nag kikita sa Mansion. Nagulat ako nang isang hapon may isang Veyron na huminto sa harap ng aming school. Saktong labas ko lang noon at nag hihintay na si Kuichiro sa may parking lot. Hinarangan ako ng kotse at natigilan ako nang lumabas si Yohann. Naka business attire ito at sobrang guwapo. Nag tinginan ang mga estudyante dahil sa sobrang lakas ng dating ni Yohann. Aakalain talaga nila na artista ito sa sobrang lakas ng appeal."Let's go." Malamig niyang yakag. Kumunot ang aking noo roon."Huh?" Naguguluhan kong tanong. Tinanggal niya ang suot niyang glasses at sumenyas na sumakay na ako sa kotse niya. Nag tilian naman ang mga estudyante nang makita ang guwapo nitong mukha."Kyaaahh! Sobrang Guwapo pala talaga! Artista ba siya?""Grabe! Akala ko artista! May kahawig e!""Grabe ang porma n
Nagkaroon nang Social Gathering sa England. Sobrang grande ng dekorasyon ng buong venue at hindi ako makapaniwala sa dami ng mga sikat na artista at kilalang tao sa lipunan maging mga businessman and women ang dumalo."Itikom mo 'yang bibig mo, hindi kita isinama rito para ipahiya ako." seryosong sabi niya. Nauurat naman ako sa pagiging masungit nito. "Ang sama ng ugali mo, uuwi na nga lang ako." nababanas kong sabi. Saka ako tumalikod. Mag lalakad na sana ako palabas nang hawakan nito ang aking kamay. Natigilan ako sa aking pag alis nang maramdaman ang kaniyang kamay. Nawala ang galit ko at napalitan ng kakaibang kilig. Pero nag pumiglas ako. Napakaraming tao at paparazzi. Nakakahiya.Nainis na naman ako rito."Bitawan mo nga ang kamay ko." naiinis at malamig kong sambit. Pilit kong tinatanggal ang kaniyang kamay sa kamay ko. Pero mas dinidiinan niya lang ang pagkakahawak."No, huwag matigas ang ulo mo. Sorry. Tara na." seryosong saad ni Yohann. Nagulat ako nang marinig ko ang sal
It was a Summer Vacation..Sobrang init at talaga namang hindi ko na kaya mag stay sa Mansion. Sinisipon naman ako sa tuwing gagamit ako nang aircon then lalabas ako to buy something.. Medyo hassle masiyado. Ayoko namang iasa sa mga kasambahay o tauhan ni Yohann."Hello, Miss Claudine?" napalingon ako kay Mimi.. Isa sa kasambahay sa Mansion."Oh? Hey!" bati ko pabalik. She smiles at me.."Miss, nag iwan po ng notes si Sir Yohann na hindi siya makakauwi nang ilang araw. Take care of yourself daw po." seryosong saad ni Mimi. Tumango ako saka uminom ng malamig na tubig.. Aalis na sana siya nang sabihin kong..."Wait! I want to ask you something. Gaano ka na katagal sa Mansion?" seryoso kong sabi. Tumango naman siya at tumingin sa'kin."Ano po iyon? 9 years po." magalang niyang tanong."Can you tell me something about Yohann? Medyo matagal na ako rito at kilala siya ni Daddy. Pero wala namang nakukuwento sa'kin ang Daddy ko noon. Kumbaga, hindi ko talaga lubos kilala si Yohann at nag tata
The getting to know each other encounter.. Suprise for her.Sobrang bilis nang panahon. At birthday ko na ulit. It was my 19th birthday at ayoko ng i-celebrate. Parang hindi ko na trip mag handa tuwing birthday ko. Hindi dahil malaki o matanda na ako. Ayoko lang maalala iyong araw na nawala si Dad. Pinatapos lang niya ang kaarawan ko at umalis na siya sa mundo.Pero nag bago iyon. When Yohann prepares a surprise.It was my birthday and that night akala ko sobrang dilim ng buong Mansion. Maybe, Yohann is not there. Baka busy sa trabaho o nag out of town.Pero habang nag lalakad papasok natigilan ako. Nang unti unting nag liwanag ang paligid mula sa kandila at lightnings na ihinanda niya. Sa pag lipas ng mga minuto unti unting bumuo sa malamig na sahig ang Happy Birthday, Claudine!At ang pag sabog ng confetti. Kasabay noon ang pag kanta ni Yohann ng Happy Birthday to you! Kumabog ng malakas ang aking dibdib habang pinag mamasdan siyang nag lalakad patungo sa'kin. May hawak siyang m
Started with a hug..College Life..Sobrang lakas ng ulan nang biyernes nang gabi. Ginabi ang klase namin. Ganito pala kapag College may mga pang gabing subject talaga. Iyong Economics ko kapag Wednesday 5:30-6:30. Grabe! Tapos kapag Logic naman 6-7 pm kami every Friday. I sighed. Pakiramdam ko sobrang drained nang utak ko sa Logic na subject. Still, nakaka tuwa dahil naiintindihan ko siya.Nauna na si Kuichiro kanina noong hindi pa naulan dahil nag excuse siya. May emergency raw sa kanila. Kaya wala akong masakyan pauwi. Nag pasundo ako kay Manong pero hanggang ngayon ay walang nadating. Baka na stuck up sa Traffic.Nag hihintay pa naman ako rito sa may harap ng convenience store. Wala pang silungan. Ayoko namang mag stay sa loob dahil sobrang lamig. Hanggang sa huminto ang isang kotse. Kilalang kilala ko ang veyron na ito. Lumabas si Yohann na may dalang payong at sweater. Inilagay niya iyon sa'kin at pina-sakay ako sa kaniyang kotse. Kinilig ako sa paraan ng pag lalagay niya ng
Natagalan iyong Mekaniko sa pag dating. Dahil hanggang ngayon ay napaka lakas pa rin ng ulan. Pinaka ayoko talaga sa lahat ng panahon ay ang maulan. Bukod sa nakaka lungkot ay ang hirap rin kapag may lakad ka or pauwi ka. Especially sa mga walang payong at mga taong papasok sa school or sa trabaho.Hassle masiyado.Binitawan ko ang pagkaka-yakap kay Yohann nang higitin ako nito at yakapin. Doon ko lang narealize na parang sobrang init ng singaw niya."Hey, are you okay?" nag aalala kong tanong. "Hmm.. Paano nga kaya kung mag kasing edad tayo? At ikaw iyong nauna kong nakilala? Talaga bang hindi ako masasaktan?" kuryoso niyang tanong. Lumakas ang kabog ng aking dibdib sa tanong niyang iyon. Sino ba namang hindi kakabog ang dibdib kung crush mo ang mag tatanong sa'yo ng ganiyan?"Oo. Kung ako lang sana iyong nauna." sambit ko. Niyakap niya ako lalo."Do you believe in Destiny?" tanong niya."Yes, naniniwala ako roon. Tadhana ang mag de-decide kung sino ang makikilala natin pero tayo pa
Napaisip si Yohann at napangiti sa kaniyang mga nalaman. Ganoon rin si Claudine."Seryoso ka ba riyan? Baka naman dahil lang may lagnat ka at nag dedeliryo ka na?" seryoso kong tanong. Ayokong madismaya ha. Baka sabihin neto, joke lang ay nako! Makakatay ko siya!"Yeah. Hindi naman ako mag sasabi kung mang ti-trip lang ako o gagawa ako nang kuwento." seryosong tugon ni Yohann. Hinawakan niya ang aking kamay at pinaupo na ako ng ayos."Siguraduhin mo lang." nakataas kilay kong sabi."Kung ganoon, sisimulan ko na palang mang ligaw.. Habang nag aaral ka, mamahalin na kita at kikilalanin nang lubos." maririnig mo sa boses ni Yohann na masaya siya at nakaka taba ng puso na ayos na ang lahat. Akala ko unrequited love itong nararamdaman ko para sa kaniya. O di kaya ay gaya ng kanila ni Euphemia na Unfulfilled. Ayoko talagang umasa sa wala. "Yep, siguraduhin mo lang na wala kang ibang nililigawan o babae. Dahil ayoko ng may kahati." seryoso kong sambit. "Sa lagay kong ito makaka-pang babae
Pinaramdam ni Yohann sa'kin kung anong pakiramdam ng minamahal ng kagaya niyang tapat at seryoso. Walang araw na hindi siya nag effort para sa'kin. Madalas pa nga kaming mag date. Hinahatid sundo niya ako mag hapon. Naging routine na niya iyon sa pag lipas ng mga araw hanggang maging taon.It was another summer vacation at mag kasama kaming nag bakasyon sa Cavite.Kakaiba ang lamig ng klima roon at napakaraming magagandang tourist spot. Nag tungo kami sa Malibic-libic falls para maligo. Solo naming dalawa ang ilog dahil last day na ng pasok ng mga estudyante.Graduating na ako that time kaya nag dasal ako maigi na huwag sana akong mapahamak.Sinamahan kami ng mga tanod roon.. Bawal kasi ritong basta ka nalang pumunta. Kailangang mag sabi ka muna sa Barangay para walang maging problema.Natuto rin kaming mag paalam sa may lugar para hindi kami mapahamak.Sobrang linaw ng tubig roon at napaka ganda rin ng falls. Malawak na pabilog ang hugis ng ilog at napapalibutan ng malalaking puno.M