Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib nang mga oras na iyon.Napaka sarap pala sa pakiramdam maging magulang. Excited na akong lumabas ang baby ko. "Sobrang saya mo yata?" tanong ni Luigi. Nakabalik na ako sa Mansion kasama si Manang Theresa. "Best, I am now a new moms." nakangiti kong sambit. Sabay yakap kay Luigi. Hindi naman siya naka sagot. "Congrats." tipid na sabi ni Luigi. Saka naupo sa may sofa. Uminom siya ng juice at pinag lagay ako ng akin."Samahan mo akong mamili ng mga gamit ni Baby bago ako manganak." nakangiti kong sambit. Tumango nalang siya. "No worries, sasamahan kita. Ikaw pa malakas ka sa'kin." aniya nang nakangiti. After 4 months mag papa-ultrasound na ako ulit. Para malaman kung ano talaga ang gender ni Baby. Kinahapunan..Nag luto lang kami ni Manang ng mga kakainin namin ng Hapunan. Sigurado akong magugustuhan ni Luigi lahat ng putahe dahil talagang paborito niya ang iniluto namin."Thank you, sumasarap ka lalo mag luto ah." puri ni Luigi. Ngumiti lang
Luigi Point Of ViewLumipas ang mga araw, linggo hanggang sa naging buwan. Nalaman na naming lalaki ang anak nila Yuan at Hope. Pinangalanan na agad ito ni Hope na Luhan. Kahit pa may lihim akong pag tingin kay Hope. Hindi ako naghahangad na masuklian niya ang pagmamahal ko. Lalo na at alam kong si Yuan pa rin naman ang mahal niya. Kahit anong gawin ko, wala akong laban roon. Kilala ko si Hope, kapag mahal niya ang isang tao matagal bago siya makalimot. Hindi lang iyon, gaya ni Hope ayoko ring masira ang samahan naming dalawa. Masyado ko siyang mahal, ayokong dumating ang araw na maging kami at ako mismo ang maka-panakit sa kanya. Hindi ako perpektong tao, I have my own flaws at imperfections. Hindi lang ako iyong Luigi na kilala ng lahat na mabait at Knight in Shining Armor. I am the worst, hindi ko nga magawang ipaglaban ang pag mamahal ko kay Hope e.. Masaya na akong nakakasama siya araw araw. Ayos na ako na magkasama kami sa Mansion. Makita lang siyang masaya ay masaya na rin ako
Hope Point Of ViewAfter 2 years..Naisipan namin ni Luigi na umuwi nang Pilipinas. Pero bago iyon, nag tungo muna kami sa London para roon mag liwaliw. I smile at nang makita ang London Bridge at London Eye kakaibang saya at excitement ang aking naramdaman. Napaka sarap sa pakiramdam ang sariwang hanging humahampas sa aking balat. "Mag jacket ka kaya?" concern na sabi ni Luigi. Umiling ako."Naku! Gusto ko ngang nadadampian ng ganitong hangin ang aking katawan e." sabi ko. Napailing nalang siya. Hawak namin ang kamay ni Luhan habang nag lalakad sa may Park.Binilhan namin si Luhan ng masasarap na pagkain. Saka ice cream at naupo kami sa may Bench. "Excited na akong umuwi ng Pilipinas." nakangiti kong sabi."Siguradong excited na rin sila Tito at Tita kapag nakita ang kanilang apo." nakangiting tugon ni Luigi."Can we meet my grandma's and grandpa, Mama?" tanong ni Luhan. Ngumiti ako roon saka niyakap siya."Yes, son. We will. Soon, we just need to stroll here with you." I said. Ser
Yuan Point Of ViewHalos mag ta-tatlong taon rin siyang nawala tapos magki-kita kami para lang sabihin niyang tapos na kami? Damn it! Sobrang tagal kong nag hintay. Sobrang tagal kong pinag sisisihan na sana hindi ko na naiisip pa si Hershey, edi sana hindi ganito. Hindi sana kami nagka-layo ni Hope. Alam mo yung pinaka masakit na good bye? Iyon yung hindi pa naririnig ng tainga mo pero nararamdaman na ng puso mo.Wala na ba talaga kaming pag asa? Hanggang dito nalang ba ang lahat? Tatapusin nalang ba niya ng basta-basta ang aming nasimulan?Bakit ang dali lang para sa kanya mag bitaw ng mga ganoong salita? Parang hindi ko siya nagawang pasayahin noon? Bakit kailangan pang umabot sa Divorce? Nang dahil lang sa pag aakalang mahal ko pa ang ex wife ko? Iiwan niya na ako basta basta? Napaka unfair noon. Pumasok siya sa buhay ko, ginulo niya ang nananahimik kong mundo. Tapos bigla nalang siyang mang iiwan sa ere?"Anong sinabi mo?" malamig kong tanong. Hinawakan ko siya sa may pala-pu
Hindi malaman ni Hope kung bakit siya nasasaktan. Akala niya tuluyan na siyang nakalimot. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig sa mga oras na iyon nang tuluyan na siyang pakawalan ni Yuan. Ang kanyang ego at katatagan ay sinukat nang sandaling talikuran siya ni Yuan. Iyon naman ang ginusto niya pero napaka sakit pag masdan ang unti-unting pag alis ng lalaking sobra niyang minahal.Kasabay ng pama-maalam ni Yuan ang pinaka masakit na kanta na sinulat ni Hershey na ngayo'y tinu-tugtog at kina-kanta ng Dark Deimos Society.Song Title:"What, Why, How, When"Intro:What are you doing?Why are you leaving?Why do you always say sorry?How about my feelings?How about me? When you're goneWhen you left me behindWhen I found outthat I'm not in your armsWhen I found no trace of you aroundWhen I felt so sad and all I can do is to crySi Danielle Raphael Salvatore ang kuma-kanta kaya hindi magka-mayaw ang mga tao sa kilig kahit sobrang sakit ng mga lyrics na binibitawan nito. Damang dam
Panay ang pupog ni Luhan ng halik kay Hope habang naka-higa siya sa Hospital Bed. Napa-iling nalang si Luigi rito."Big boy na e, nahalik pa sa Mama." pang aasar ni Luigi."Heh!" salubong ang kilay na tugon ni Luhan.Napaka cute nito at mas lalong yumakap sa kanyang Mama."What happened to you?" tanong ni Luigi kay Hope. Mababakasan ng matinding pag aalala ang guwapo nitong mukha."Napagod lang siguro ako sa pag gagala natin. Pauwi na ba tayo ng Pilipinas bukas?" malumanay kong tanong."Next time, hindi kana namin papagurin. Anyway, yeah. Uuwi na tayo bukas. Kamusta ang pag uusap niyo?" muling tanong ni Luigi."Sino siya mama? Bakit kamukha ko siya?" kuryosong tanong ng batang si Luhan. Napabuntong hininga si Hope saka tumingin kay Luigi."Go on, tell him.. Karapatan niyang malaman." seryosong udyok ni Luigi."Your father.." tipid na sagot ni Hope. Natigilan si Luhan sa kanyang narinig at bumagsak ang luha sa maganda nitong mata."My Papa? Bakit hindi niya ako kilala? Bakit hindi ko s
Bago mag lunch break pumunta si Luigi sa Opisina ni Yuan sa London. Pinapasok naman siya ng secretary nito matapos sabihin ang pangalan niya at itawag sa intercom. Kasama ni Luigi si Luhan na ngayon ay nakaramdam ng matinding hiya habang binabaybay nila ang pasilyo papunta sa Opisina ng kanyang ama."Uncle L, kinakabahan ako. Baka sungitan ako ni Papa." mahina ang boses na sabi ni Luhan. Napangiti si Luigi sa sinabi nito."Hindi 'yan, mabait naman ang Papa mo sa kanyang mga anak. Pwede naman siyang magpa-DNA Test kung hindi siya maniniwala sa sasabihin ko." seryosong tugon ni Luigi at kinalma si Luhan. Tumango ang maliit na ulo nito sa kanyang narinig."Narito na tayo, behave Luhan huh." paalala ni Luigi bago pumasok. Nag taas naman ng kanang kamay si Luhan na tila namamanata. Pag pasok nila sa loob. Sumalubong ang seryosong mukha ni Yuan habang nakaupo sa swivel chair nito."Anong ginagawa mo rito?" malamig na tugon ni Yuan kay Luigi saka ipinag salikop ang kanyang palad."I am not h
Dinala ni Yuan si Luhan sa tinutuluyan niya sa London at nakipag video call sa kina Yohann at Dryce para sabihin ang magandang balita."Oh, Dad napatawag ka?" bungad na tanong ni Yohann."I have a surprise. Where's your twin sister?" takang tanong ni Yuan."I am here, Daddy! Why?" masiglang tugon ni Dryce. Dalaga at binata na ang kambal na anak ni Yuan. Napaka guwapo at napaka ganda ng mga ito."I found your Mom." aniya sa seryosong tinig. Natigilan sila Yohann at Dryce."Talaga dad? Ang tagal rin ninyong hinanap si Mom.. Puro lang padala ng gifts ang ginagawa niya. Nasaan siya ngayon?" mabilis ang naging tanong ni Dryce kalaunan."Narito siya sa London, kasama ang kapatid niyo." seryosong tugon ni Yuan. Nagulat at nanlaki ang mata ng kambal sa kanilang narinig."Seryoso/Di Nga Daddy?" sabay pang tanong ng dalawa. Tumango si Yuan."Yes, buntis siya nang umalis siya sa'tin. Kasama ko ngayon ang kapatid niyo. Pero hindi ang Mommy niyo." pinakita ni Yuan ang tulog na si Luhan na naka hig