Thes, alam kong mabait ka pero huwag ka magpapauto sa kapatid mong maldita, ha! Thank you so much po for reading!
Hindi ako pumayag na makipagkita kay Caitlin. Sinabi ko sa daddy na hindi pa ako okay sa ginawa nito kahapon at ayoko pa itong makaharap. Nauunawaan naman daw niya, humingi na rin ako ng pabor na kung maaari ay sana mapagsabihan niya ang kapatid ko sa ginawa nito kay Luther kahapon.This is actually the first time na sinasabi ko sa kanila ang saloobin ko sa ilang beses na pagpapahiya at pagwawala ni Caitlin sa harapan ko. Tahimik lang ako sa napakatagal na panahon because I'm considering our family's relationship. Pati na rin ang reputasyon na iniiangatan ni dad. Pero lahat nga talaga may hangganan. Masasagad at masasagad ka.("I'm really sorry, anak. Alam ko malaki ang pagkukulang ko sa 'yo. Akala ko kasi okay lang ang mga pakiusap ko noon dahil alam mo na may pinagdaraanan rin na sakit ang kapatid mo. Hindi natin hawak minsan ang desisyon at iniisip niya. Pero mali rin na hindi ko rin nako-consider ang nararamdaman mo.")I've had enough already. Parang naroon na rin ako sa punto na
TRIGGER WARNING: Mental Health Content. This story contains themes related to mental health, including but not limited to depression, anxiety, trauma, and self-harm. Reader discretion is advised. Hindi nga ako nagkamali na maaaring sumama si Caitlin sa daddy para sa dinner na ito. Dahil ito at nasa entrance pa lang kami ni Luther ng restaurant ay natanaw ko na ang kapatid ko na masayang kausap ang aming ama. Napahinga ako ng malalim at mas kumapit ang kamay ko sa braso ni Luther habang naglalakad kami. "Based on your reaction you didn't know that your sister will join us tonight," rinig ko na sambit niya. Tumango naman ako at bumaling sa kaniya. “Ang sabi ko talaga sa ddady ay ayaw ko na makita si Caitlin.” Nakasimangot ako pero siya ay nakangiti, hinawakan niya ang pisngi ko at kinurot 'yon. "Don't worry, I am here," dagdag niya pa at hinimas ang pisngi ko. "Iyon nga ang dahilan kung bakit narito siya," pagkasagot ko non ay siyang pagbalik ko ng tingin kay Caitlin a
I don't want my father to worry about me, but I really can't control my emotions once they get triggered. Kung hindi nagpasya si Luther na umalis kami ay hindi ako makakapagsalita para magpaalam at umiwas, or if I was alone there and wasn't with him, baka doon na ako umiyak sa harap ng dad pati ni Caitlin at mailabas ang lahat ng hinanakit ko. Na ayaw ko naman na mangyari. This is one of the hardest parts of having this illness—it doesn't choose a time. It can hit you anywhere, and you can break down anytime. "Do you want anything?" Umiling ako kay Luther, tipid na ngumiti. He knelt on one knee and took my hands. I was sitting on the sofa while he was kneeling in front of me. I wonder what he is thinking right now? Alam ko naman na hindi niya ako pinag-iisipan ng kung ano, na weird ako dahil bigla akong nagiging ganito. I don't see anything else in his eyes right now. It’s just pure care—and worry. "Sorry, Luther. Nag-aksaya lang tayo ng gas..." iyon ang nasabi ko. Tumayo naman
"Naging stalker pa ata kita?"Biro ko na ikinangiti ni Luther sa akin. Ngayon ay kinakain naman namin ang ice cream na dala niya. We're on top of our bed. Nakasandal ako sa balikat niya habang nakaakbay siya sa akin. Ako ang may hawak ng lalagyanan ng ice cream at nagsusubo sa kaniya. Sabi niya hati daw kami tuloy yung isa ayun natutunaw na."You can actually say that."At nang ako naman ang susubo sa kutsara ay napahinto ako at umangat ang tingin sa kaniya. Huy, that was just a joke! Pero, 'di nga?"We? Sinundan-sundan mo ako?" tanong ko sa kaniya. Parang hindi naman makatotohanan. Siguro kung recently lang? Alam ko na abala rin siya, eh. Saka yung unang pagkikita talaga namin ay feeling ko naweirduhan siya sa akin. Hindi ko nga ine-expect na mai-in love siya ng ganito na pati ang nakaraan ko pinagkaaksayahan niya talaga ng oras.Pero gaano kadami kayang interview ang napanood niya? Hindi kaya siya nagtaka na bakit sa mga 'yon ang tino ko, parang inosente tapos nung nakilala niya ako
We didn’t stay in Cebu as planned because Luther had to return to Manila immediately due to an emergency at his company. Apparently, one of their projects had an accident involving around ten construction workers, wala namang malalang nakatamo ng sugat pero nakakabahala pa rin. At nang makita ko talaga ang reaksyon ni Luther ay nag-alala ako, parang ito ang unang beses na may nangyaring ganitong problema sa kumpanya niya dahil sa nakita ko sa kaniya. He's really worried. 10:00 am na at nagkausap naman kami kanina. Kagabi kami nakabalik ng Manila at agad siya na tumungo non sa site dahil umaga nangyari ang aksidente. Wala pa siyang pahinga non, nag-aalala nga ako pero ito at nagpadala naman siya ng message sa akin na nakita na niya isa-isa ang mga trabahador nila at okay na nga naman daw. "Ms. Thes, ito po pala ang data natin sa nakaraang tatlong buwan." I looked at Kyla, the manager of my bar, as she placed a folder in front of me. I immediately picked it up and stared at it. I’m
"Thank you, Princess!""You are welcome po, Ms. Thes!" ngiting sagot niya naman at lumabas na muli ng opisina ko.Ako naman ay pinagdiskitahan na ang cookies. Enjoy na enjoy talaga ako. Nang sumimsim naman ako ng lemonade ay napataas ang mga kilay ko dahil mas sumarap pa 'yon kaya naman tumawag ulit ako ng tao para magpala pa ng another glass.At habang kumakain ako ay nakatanggap naman ako ng bagong mensahe. I thought it was from Luther pero nang mabasa ko na galing 'yon sa jumbothotdog ni Tangi ay muntik pa akong masamid sa pag-inom."Kakagulat naman 'to."I opened Rozzean's message at sa mensahe ay mukhang hindi na rin siya makapaghintay na magpropose kay Tangi. Eh kauuwi lang ng kaibigan ko don sa bahay niya, 'di ba? Katatapos lang rin ng unforgettable yacht trip nila. Mukhang nagmamadali itong si Rozzean itali ang bestfrien ko sa kaniya.Ngayon ito at tinatanong ni Rozzean kasi kung today daw ba ay free ako. Nagreply naman ako na okay ako after lunch kasi magkikita kami ni Luther
What I heard really shocked me. Akala ko ay alam ko na ang lahat ng nangyari kay Tangi at dito kay Rozzean noong mga panahon na nagkaroon sila ng problema. Because I was there, I saw how my bestfriend was devastated, nakita ko kung paano umiyak, magsisi sa nagawa niyang kasalanan at kung paano niya sinabi sa akin na ilang beses niyang sinubukan na humingi ng tawad kay Rozzean. Pero wala siyang nabanggit sa akin na kahit ano tungkol kay Luther. And that night when I met Luther in my bar, ang alam ko nga non ay sinundan niya si Tangi. Was it because he was worried about her? A-At nung mga panahon ba na 'yon ay magfiance na silang dalawa? God... hindi ko gusto itong nararamdaman ko. I felt like something hard and sharp pierced my heart. Ayoko makaramdam ng selos kay Tangi pero ito na umaahon na 'yon kaagad sa akin. At kahit nang nagsasalita na ngayon si Rozzean sa harapan namin ni Luther at sinasabi ang plano niya ay ang isipan ko, nasa nakaraan pa rin. Kung paano naging fiance ni Tang
I think I've heard enough. Parang sapat na sa akin ang narinig ko para umalis ng sasakyan ni Luther at lumayo muna sa kaniya. My anger intensified, and jealousy and pain filled me when I heard what he said. Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko at alam ko na malapit nang magbadya ang mga luha. "Baby..."Napatango ako at napapikit ng mariin sandali. Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil kahit 'yon pa lang ang narinig ko, sobra na akong nasasaktan.He knows damn well that Thaliana Tangi is my best friend, at alam niya... a-alam niya na dapat niyang sinabi sa akin ito mula pa lang sa simula!"Catalina, I liked her, yes. But not in a way that I would steal her from my brother or that I truly wanted her to be mine. Hindi ganoon dahil alam ko kung ano ang lugar ko. Ayokong gumawa ng mas ikagagalit sa akin ni Cyron dahil nakita ko na kahit galit siya noon kay Thaliana, mahal niya pa rin ito. And i-it was a different feeling, not like this. Hindi katulad ng nararamdaman ko sa 'yo.""Kahit na