Share

Chapter 258

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2024-11-09 22:47:21

Niluwagan ko ang neck tie at hinubad ang suot kong suit. Kinuha ko ang baril na nasa ibabaw ng mesa at itinutok 'yon sa ulo ng lalaking pumatay sa ina ni Kaisha. Kinuha ng aking mga tauhan ang sakong nakatakip sa ulo ng lalaki at tinanggal ang telang nakatakip sa mga mata nito.

Pinanliliitan ko ng mga mata ang aking mga tauhan nang mapansin ang pamamaga ng mukha ng lalaki. Halos hindi ko na makilala ang mukha niya dahil napuno ito ng pasa at sugat.

"Isang tanong, isang sagot. Sino ang totoong nag-utos sa inyo na patayin si Mrs. Madelo?" Binaril ko ang mga paa ng tatlong lalaking kasama niya nang hindi siya sumagot. Ngumisi ako nang marinig ang pagsigaw at pagdaing nang mga kasamahan niya.

"Papatayin niya ang pamilya namin kapag nagsumbong kami sa inyo," saad ng lalaki.

"Ako ang papatay sa kanila kung hindi mo sasabihin sa akin ang lahat ng nalalaman mo!" sigaw ko, sinuntok ko ang mukha niya kaya napasigaw siya sa sakit. "I won't hesitate to kill your family. Ipaparamdam ko sa kani
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 259

    Kaisha’s POVKaagad kong napansin si Theo na kumakaway sa akin habang naglalakad ako palabas ng airport. Hinanap ko si Sevi, pero hindi ko nakita. Siguro hindi niya sinama kasi may pasok ang bata. Lumawak ang ngiti sa labi ko nang mapansing may bitbit siyang bulaklak para sa akin.“I missed you,” he whispered, hinalikan niya ang pisngi ko at saka binigay ang bulalak sa akin. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse. “How’s the flight?” tanong niya nang umupo siya sa tabi ko.“Okay lang. Natulog ako sa biyahe,” sagot ko habang inaamoy ang bulaklak na nakabalut ng plastic kahit na wala naman talaga akong maamoy.Hindi ko mapigilang mapangiti dahil naalala niya pa rin na allergy ako sa bulaklak. He remembers everything.“May pasok pa si Sevi ngayon?” Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.“Wala. Nasa bahay lang. May ginagawa siya para sa ‘yo.”“Really? Ano naman ‘yon?”“We will find out later kapag nakauwi na tayo. Matulog ka muna dahil mahaba pa ang biyahe natin.”Mahigit tatl

    Last Updated : 2024-11-10
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 260

    “Magbihis ka dahil may pupuntahan tayo,” saad ni Theo sa akin pagkauwi niya sa bahay. Binuhat niya ako at pinaupo sa ibabaw ng mesa. Hinalikan niya ang labi ko. “Ang ganda-ganda talaga ng asawa ko.”“Bolero. Saan ba tayo pupunta?”“Sa museum tapos didiretso tayo sa waterpark. ‘Di ba matagal mo nang gustong pumunta roon?”“Hindi natin isasama si Sevi?”Inayos niya ang takas kong buhok. “May pasok pa ang anak natin. Ipapasundo ko siya mamaya.” Pinagsiklop niya ang aming mga kamay at hinalikan ang aking daliri kung saan nakalagay ang mga singsing na binigay niya sa akin noon pati ang aming wedding ring. “Gusto kitang pakasalan ulit.”Pinanlakihan ko siya ng mga mata. “At bakit? Matagal na tayong kasal.”“Pero hindi naging maganda ang nangyari sa atin pagkatapos ng kasal na ‘yon. Gusto kong magsimula tayo ulit. Sevi will be the ring bearer.” Hinalikan niya ang aking ilong. “Gusto kong ikasal tayo sa simbahan.”Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya upang hindi niya mahalatang kinikilig

    Last Updated : 2024-11-10
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 261

    Nakatutok ako sa telebisyon, ang mga balita ay naglalaro sa screen. Narinig kong binanggit ang pangalan ng Geislers Group, at bigla akong na-curious."Ang Geislers Group ay naglabas ng anunsyo kanina lang," sabi ng news anchor, ang boses niya ay puno ng pagkamangha. "Ibinenta nila ang lahat ng kanilang shares sa Del Fuego Group, na nagresulta sa pagbitaw ng kanilang kontrol sa kompanya."Napahawak ako sa aking dibdib. Bakit? Bakit nila gagawin iyon? Ang Del Fuegu Group ay isa sa mga pinakamalaking shareholder ng Geislers Group, at ang kanilang pag-alis ay tiyak na magkakaroon ng malaking epekto sa kompanya.Napatitig ako sa screen nang itutok sa pamilya ni Theo ang mga cameras. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha ni Theo. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa posibleng mangyari sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko noon. "Ang dahilan ng biglaang pag-withdraw ng Del Fuego Group ay hindi pa malinaw," patuloy ng news anchor. "Ngunit ang ilang mga eksperto ay nagsasabi na ito ay maaaring da

    Last Updated : 2024-11-10
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 262

    Sa isang exclusive na restaurant ako dinala ni Theo. Pagkarating namin doon ay kaagad kong nakita ang mga taong pinagkakatiwalaan ng kanilang pamilya. Luminga-linga ako sa paligid habang sinusundan namin ang dalawang staffs na kausap ni Theo.Huminto kami sa isang room na may nakasulat sa pinto na ‘For VIP only’ Maingat nilang binuksan ang pintuan at pumasok naman kaming dalawa ni Theo sa loob. Humigpit ang paghawak ko sa braso niya nang makita ang kaniyang mga magulang, Board of Directors ng Del Fuego Groups, at ang mag-asawang Geisler na nakahiwalay ng upuan dahil ang nasa tabi ni Mr. Harvey Geisler ay ang bago niyang babae na si Grace Ledesma.Tumayo silang lahat nang makita nila kami. Mukhang kami na lang yata ang hinihintay ng lahat. Sinulyapan ko si Mr. Geisler, galit ang nakikita ko sa mukha niya. Ito ang kauna-unahang tiningnan niya ako ng masama. Yumuko ako upang iwasan ang kaniyang malalim na pagtitig sa akin.“I can't believe it. You withdrew all of your shares in our compa

    Last Updated : 2024-11-11
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 263

    Tahimik kong pinagmasdan sina Sevi at Macky na mahimbing ng natutulog sa iisang kama. Hindi ko mapigilang mapangiti nang mapagtantong nagkasundo sila ngayon. Hindi ko alam kung paano pinagkasundo ni Theo ang dalawang bata kasi noong una silang magkita ay parang isumpa na ni Macky si Sevi kasi ayaw niyang may ibang kahati sa oras ni Theo. “Hindi pa ba tayo matutulog?” tanong ni Theo nang matapos siya sa pagpupunas ng pasa sa braso ni Macky. “Inaantok na ako, pero gusto ko muna silang makita.” Umupo ako sa tabi ni Macky. “Nilagyan mo na ba ‘to ng gamot?” Maingat kong hinawakan ang braso ng bata. “Oo. Umiiyak nga siya kanina, pero pinatahan ni Sevi.” Namilog ang aking mga mata sa sagot niya. “Si Sevi?” Tumango si Theo. “Pinahiram din ni Sevi ng mga gamit kaya hindi ko na lang pinahatid ang mga gamit ni Macky rito. Mukhang nagkakasundo naman silang dalawa.” Hinalikan ko ang noo ng mga bata. “Sana magtuluy-tuloy na ang pagiging malapit nila sa isa’t isa. Naawa ako para kay Macky

    Last Updated : 2024-11-11
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 264

    “Ano ang balak mo ngayon? Ibabalik mo pa rin ba ang bata sa kaniya kahit na binubugbog niya ang sarili niyang anak?” tanong ko kay Theo na abala sa paglilinis ng kaniyang kotse. “Gustohin ko man ang hindi na ibalik ang bata sa kaniya, wala pa rin akong magagawa kung kukunin niya sa atin si Macky. Anak niya ‘yon. Wala kayong karapatan sa bata.” Bumuntong-hininga siya at pinatay ang tubig. “Mahirap din magbintang kung wala tayong ebidensya. Hindi pa rin sapat ang sinabi ni Macky.” “Kung ibabalik natin si Macky, naaawa ako sa bata. Ang payat-payat pa niya, na para bang hindi pinapakain ng maayos. Willing akong tatayong ina ni Macky. Gusto ko siyang alagaan at palakihin ng maayos. Delikado ang buhay niya kung nasa puder siya ni Grace.” Sumandal ako sa kotse at pinagkrus ang aking mga braso. “Huwag mo na lang kaya ibalik si Macky sa kaniya? Total mas gusto naman ng bata sa ‘yo. Wala rin naman problema sa amin kung sa atin muna siya titira. Kung hindi niya naramdaman ang pag-aaruga ng is

    Last Updated : 2024-11-12
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 265

    “Y-You are his biological father?” Hindi makapaniwalang tanong ko kay Mark. Lumayo ako ng ilang pulgada sa kaniya. Tumingin ako kay Macky na hindi maalis ang ngiti sa labi habang nakatingin kay Mark. “N-No. I’m not his biological father,” depensa ni Mark. Kinuha niya ang kamay ni Mack at lumayo sa bata. “I don’t know him. Ngayon ko lang nga siya nakita.” “Daddy…” Macky whispered. “He kept calling you –”“Kai, baka ganiyan lang talaga ang bata.” Nilapitan ako ni Ben. “Macky, hindi mabuti ‘yang ginagawa mo. You can’t call anyone like that,” pangangaral ni Ben sa bata. “But Macky mentioned that he’s his biological father.” Tumingin ako kay Mark. Pinanliliitan ko siya ng mga mata nang mapansin ang pamumutla niya. “Hindi mo ba talaga siya anak?” Mabilis na umiling si Mark. “He is not my child, Kai. I’m single. I’m single for almost eight years.” Bumaling siya kay Macky. “Sorry, kid. But I’m not your father.” Napakagat-labi ako nang biglang umiyak si Macky. Nilapitan ko ang bata at si

    Last Updated : 2024-11-12
  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 266

    Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay bigla akong naging bingi sa sinabi ni Theo. Nakatingin lang ako sa tatlong lalaki na naglalakad palabas ng aming bahay habang si Theo ay nagsisigaw, pero wala akong marinig. Nakabalik lang ako sa sarili ko nang hawakan ni Theo ang magkabilang balikat ko. Pumungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit. Napasinghap ako at bumaling kay Macky na umiiyak. “Ang tanga-tanga ko…” Finally, nagawa kong magsalita. “Ang bilis-bilis kong nagtiwala.” “Wala kang kasalanan. Masyado ka lang talagang mabait at mabilis magpatawad,” Theo whispered. Inalalayan niya ako papasok ng aming bahay. Nakita kong kinuha ng aming katulong si Macky. Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya. “Kailan mo pa nalaman ang tungkol sa pagkatao nina Ben at Macky?” Halos hindi ko na makilala ang boses ko. Hindi kagad siya nakasagot sa tanong ko. “I hired someone,” pabulong niyang sagot. “May kopya rin ako sa DNA Test Resul

    Last Updated : 2024-11-12

Latest chapter

  • The Billionaire's Substitute Bride   To all my beloved Readers

    January 11, 2024 TBSB is now signing off na po. Yes po, tinuldukan ko na ang book na ito. Hanggang Book 3 lang siya kasi nakapagpasya na ako na gawing separate books ang Book 4 at Book 5. Baka next week ay masimulan ko na siya at mai-apply. Maraming salamat sa pagsama sa akin nang mahigit pitong buwan. Wala akong balak tapusin ng ganito kaaga ang librong ito kasi nagbabalak pa akong magsulat ng kwento sa mga apo ng Del Fuego, pero lahat ng 'yon ay naglaho sa isipan ko simula noong October 2024. Sa mga taong nagtiwala at patuloy na sumuporta sa akin, maraming salamat po. Sa mga taong nakilala ko rito, ikinagagalak ko po kayong makilala. Isa sa mga dahilan kaya maaga kong tinapos ang TBSB ay dahil magiging abala na ako next month o after ng LET 2025. I'm a student po. A 4th year student taking up a Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Magiging abala na po ako sa mock board review kaya baka mawala ako pansamantala sa GoodNovel. Simula po bukas, ipagpapatu

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 391

    Brielle’s POV Maingat na pinarada ni Mark ang kotse sa labas ng gate ng aming bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siniil kaagad ang labi ko ng halik. Nangunot ang aking noo nang kagatin niya ang labi ko. Itinulak ko siya palayo sa akin. Nang tingnan ko siya, namumula ang mga mata niya. “May problema ka ba sa akin?” Tinaasan ko siya ng kilay at pinagkrus ang aking mga braso. Ngumisi siya, dahilan kaya uminit ang ulo ko. “It’s our wedding anniversary, pero hindi mo man lang maalala.” Napakagat-labi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan. Sa sobrang busy ko sa ospital ay hindi ko na namalayan kung anong petsa na ngayon. Humakbang ako palapit sa kaniya, mukhang nagtatampo siya sa akin kasi nakalimutan ko ang wedding anniversary namin. “Sorry na. Nakalimutan ko. Alam mo namang marami akong iniisip na problema, ‘di ba?” Niyakap ko siya, pero hinawi niya ang kamay ko. “Sa lahat ng pwedeng makalilimutan, wedding anniversary pa talaga

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 390

    Brielle’s POV “Baby, come here,” sabi ni Mark akin nang pumasok siya sa aming kwarto. “Hey, ilabas mo lang lahat ng hinanakit mo,” bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. “Just cry and cry hanggang sa mawala ang sakit…” “I missed him already,” mahinang sabi ko at kumalas sa yakap niya. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang palad ko at hinawakan ang picture frame ni Daddy. “Can’t believe it that you’re gone, Dad…” Umupo ako sa kama. Napansin ko agad ang pagtabi niya sa akin. Hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. “Thank you for killing that bastard.” Tiningnan ko si Mark, bakas sa mukha niya ang pagkagulat. “Thank you for saving me, Mark. Kung pareho kaming nawala ni Daddy, baka mas lalong hindi kakayanin ni Mommy at ng mga kapatid ko.” “Hindi mo kailangang magpasalamat. Asawa kita. Obligasyon kita. Responsibilidad ko ang protektahan ka.” Hinaplos niya ang aking mahabang itim na buhok. Bumuntong-hininga ako. Isang taon na ang nakalipas mula nang nawala si D

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 389

    Mark’s POV Basang-basa ako ng tubig-ilog, halos hindi na makahinga sa pagod at takot. Nakayakap ako kay Brielle, ang katawan niya ay walang buhay na nakasandal sa akin. Ang puso ko ay tila tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam kung paano ko siya nailabas sa malamig na tubig, ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas siya. “Brielle,” bulong ko sa kanyang tainga, ang boses ko ay halos hindi marinig. “Brielle, please.” Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, ang kanyang mga labi ay namumutla, at ang kanyang mga mata ay nakapikit. Naalala ko ang lahat ng mga nangyari. Ang pagkidnap sa kanya, ang paghabol ko kay Luigi, ang pag-iwas sa mga bala, at ang pagtalon ko sa ilog para lang mailigtas siya. Lahat ng iyon ay parang isang malabong panaginip. “Brielle…” Pinagpatuloy ko ang pag-alog sa kanya, umaasang kahit papaano ay magising siya. “Gising na, please. Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan. Kailangan ka namin. Hinihintay ka ng mga anak natin.” Ginawa ko na ang lahat para masagip siya. Nags

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 388

    Brielle’s POV Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtantong panaginip lang ang lahat. Walang kadenang nakatali sa mga kamay at paa ko. Wala ring sugat ang aking paa. Buhay pa ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Madilim ang paligid. Hinanap ko ang switch ng ilaw at binuksan ‘yon. Pagkabukas ko sa ilaw, mukha kaagad ni Luigi ang nakita ko. Napaatras ako pabalik sa kama nang makita ang hawak niyang baril. “We are leaving,” matigas niyang sabi at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. “Pakawalan mo ako!” Pilit kong binawi ang aking braso sa kaniya. “Tama na! Nasasaktan ako!” Napamura ako nang bigla niya akong sampalin sa pisngi. “Sasama ka sa akin!” sigaw ni Luigi. “Hindi ako sasama sa ‘yo! Pakawalan mo na ako!” Itinutok niya ang baril sa akin. Namilog ang aking mga mata nang maaalala ang nangyari sa panaginip ko. Bigla na lang lumambot at nanginig sa takot ang aking tuhod. Hindi ako pwedeng mamatay dahil kailangan

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 387

    Brielle’s POV “Let me go!” sigaw ko nang marahas akong hilahin ni Luigi papasok sa loob ng van. I can’t believe it. He kidnapped me. Bagay na hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin. He raped me. Ilang gabi niya akong ginagamit. Diring-diri na ako sa sarili ko. “Luigi, I’m begging you. Pakawalan mo na ako,” pagmamakaawa ko. “Nakuha mo na ang gusto mo, ‘di ba? You raped me…” halos hindi ko na makilala ang boses ko nang bumagsak ang mga luha ko. “I won’t do that, Brielle. You’re mine.” Hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang labi ko, pero kinagat ko ang labi niya. Tumawa siya at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Kaya pala baliw na baliw ang asawa mo sa ‘yo kasi ang sarap-sarap mo.” Marahas niyang hinalikan ang leeg ko. Ginamit ko ang natitirang lakas sa katawan ko upang pigilan siya sa gagawin niya. “Kill me, Luigi! Huwag mo na akong pahirapan pa!” sigaw ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mong gawin sa akin? You touched me multiple times. Please let me go. M

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 386

    Mark’s POV Mag-iisang buwan na mula nang ma-kidnap si Brielle sa airport. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan. Ilang araw na rin akong hindi makatulog at makakain ng maayos sa kaiisip kung saan siya dinala. Sa tuwing may nababalitaan akong may natagpuang katawan sa iba’t ibang lugar ang mga pulis, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpunta sa lugar dahil baka si Brielle na ‘yon. Ang kalusugan ng triplets ay naaapektuhan na rin dahil ilang linggo nang nawawala si Brielle. Hinahanap na siya ng mga anak namin. Sa tuwing naririnig ko ang pag-iyak nila, parang hinihiwa ang puso ko. “Wala pa rin bang balita tungkol sa kapatid ko?” matigas na tanong ni TJ nang dumating ang mga pulis sa bahay nila. Nagpaalam ako kay Kaisha na aalis muna dahil may tatawagan lang ako. Dinial ko kaagad ang numero ng tauhan kong nagbabantay sa lahat ng mga kinikilos nina Lander, Jarren, at Karina. Sila lang ang mga taong gagawa ng ganito sa akin. Wala akong ibang taong pwedeng paghinalaan

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 385

    Mark’s POV Tatlong araw na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Brielle. Wala kaming maiturong suspect dahil hindi namin makita ng maayos ang mukha ng taong kumuha kay Brielle sa CR. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at nakita kong pumasok sa loob ang aking biological mother. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang aking atensiyon sa computer. “Hijo, pwede ba tayong mag-usap?” mahinang sabi niya. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” Pinatay ko ang computer at humarap sa kaniya. “Para saan?” “Tungkol sa kompanya…” Ngumisi ako. “Hindi pa naman ako namumulubi kahit na nawala ang mga bagay na pinaghirapan ko. Hindi ako interesado sa kompanya ninyo.” Bumuntong-hininga siya at lunapit sa akin. “I need you, hijo…” Nangunot ang aking noo. “Mukhang nakalimutan mo yatang mas pinili mo ang isa pang anak sa labas ni Papa kesa sa akin. Gusto ninyong ibigay ang posisyon na ‘yon para sa akin, pero may kondisyon. Nang hindi ko sinunod ang kagustohan n

  • The Billionaire's Substitute Bride   Chapter 384

    Mark’s POV Kanina ko pa tinatawagan si Brielle, pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Nandito ako ngayon sa airport, naghihintay sa kanila. Nauna akong bumalik sa Pilipinas dahil inasikaso ko ang mga ari-ariang ninakaw ng aking mga kapatid: hotels and resorts ay nakapangalan na sa kanila. Sa tulong ng aking magaling na lawyer, may posibilidad na mabawi ko ang mga ari-ariang nawala sa akin. Sa ngayon, dahan-dahan ko munang babawiin ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Hinding-hindi na ako magpapakaduwag at magpatalo sa takot. Kumaway ako nang makita ko sina TJ at Kaisha, hindi nila kaagad ako napansin kaya tinawagan ko si Kaisha. Kasama nila ang triplets. Mabilis silang tumakbo patungo sa kinaroroonan ko. “Nasaan si Brielle?” tanong ko at nilapitan ang mga bata. “Kanina pa namin siya hinahanap. Nagpaalam siya kanina sa amin na pupunta muna raw siya sa banyo, pero hanggang ngayon aay hindi pa nakabalik,” sagot ni Kaisha. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dalawang buwan ng

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status