May isang binata na kanina pa pinagmamasdan at nakasunod sa dalawang mag asawa, ito ang araw na pinakahihintay niya. Matagal niya na itong na plano pero hindi pa siya nakakahanap ng tamang tiyempo para maisagawa ito.
Maya maya pa ay nag ring ang phone nito at nakita niyang tumatawag ang kanyang kapatid, hindi niya pinapaalam dito na nasa Pilipinas siya dahil paniguradong susundan niya nito at mapupurnada ang kanyang plano. Lahat ng ito ay ginagawa niya para sa kanyang kapatid dahil ayaw niyang nasasaktan ito.
Mabilis niyang nilagay sa kanyang tenga ang earphone at sinagot ang tawag. "What is it?" tanong niya.
"Where are you kuya? Ilang buwan kana na hindi umuuwi," boses sa kabilang linya.
"May inaasikaso lang ako sa business, bakit?"
"At saan naman 'yon? Ang totoo nasaan kaba kasi talaga? Bigla ka lang umalis ng hindi nagpapaalam," baka sa tono nito ang paghihinala.
Nasa isip ng binata ay hindi pwedeng malaman ng kanyang kapatid ang totoo at
Killian POVMabilis kaming nakarating sa hospital, sobrang takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon para sa aking mag ina. Nang makarating kami sa hospital ay mabilis na inasikaso ng doctor ang aking asawa, naiwan ako dito sa labas ng emergency room dahil hindi pwedeng sumama ako.Halos sabunutan ko ang aking buhok dahil sa halo halong emosyon na nararamadaman ko. Hangga't nasa panganib ang mag ina ko ay hindi ako magiging okay. Mabilis kung tinawagan ang mga magulang ni Hailey para ipaalam ang nangyari dahil nandito sila sa Pilipinas samantalang ang mga magulang ko ay nasa ibang bansa.Sunod na tinawagan ko si Vaugh dahil alam ko na siya ang unang makakapunta dito dahil hindi kalayuan ang condo nito dito. Dinial ko ang kanyang numro kahit na nanginging ang kamay ko sa sobrang takot."Hello bro? Bakit napatawag ka?" tanong ng kaibigan ko.Hindi agad siya nakasagot dahil hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Gusto niya ng maiyak sa labis na fr
Nasa opisina ng doctor ang mag asawang Dominique, pinag utos nito na ilipat na ang kanilang anak na si Hailey sa ibang hospital ng walang nakaalam kahit pa ang asawa nitong si Killian."Sigurado kana ba kumpare sa desisyon mo? Mahirap kalaban ang asawa ni Hailey, baka hindi siya maniwala kapag pinalabas natin na wala na ang mag ina niya. Ayaw kung mapahamak at madamay." tanong ng doctor."Makakaasa ka na hindi ka madadamay dito kumpadre, gusto ko lang na maging maayos ang anak at apo ko. Hindi naman namin ipagkakait sila kay Killian pero hangga't hindi pa nagiging maayos ang lahat gusto ko muna silang ilayo." siguradong wika ng ama ni Hailey."Nasisiraan kana ba ng bait Drake? Ilalayo mo ang mag ina ni Killian sa kanya? Hahayaan mong mabuhay ang anak at apo natin na wala si Killian?""Pansamantala lang naman ito ma," anas naman ni Drake"Hindi gano'n kadali 'yang desisyon mo! Papalabasin mong patay ang anak at apo natin sa lahat, tapos sasabihin mo
Kinaumagahan ay nagpasya si Killian na pumunta sa bahay ng mga magulang ni Hailey para makita ang bangkay ng asawa. Kasama niya ngayon si Vaugh, Premiere at Jade.Puno ng katahimikan lang ang namumutawi sa manilang apat habang binabaybay nila ang lugar patungo sa bahay nila Hailey.Isang oras din ang naging byahe nila bago makarating sa bahay nito at ng makarating sila do'n ay napansin nila ang katahimikan sa bahay.Sabay sabay sila na nagsibabaan at nagtungo sa bahay. Pinagbuksan din naman sila ng katulong ng mga Dominique."Nandito ba sila tita Mina?" tanong ni Jade."Nasa loob po sila, pasok na lang kayo." sagot naman ng katulong.Nagtuloy tuloy na sila sa pagpasok at nadatnan nila ang mag asawa, nabaling ang tingin ng mga ito sa apat."Anong ginagawa mo rito?" galit na tanong ng ama ni Hailey kay Killian."I don't want any trouble pa, gusto ko lang makita ang asawa ko." mahinahon na sambit ni Killian."Ang sabi po ka
Fastforward..It's bee 4 years simula ng mamatay si Hailey at ang anak nila ni Killian, marami ang nagbago lalo na sa binata, bumalik ito sa dati na mainitin ang ulo, arogante, strict at seryoso. Pero kahit na gano'n ay nandiyan pa rin ang kanyang mga kaibigan na nakaalalay sa kanya.Kasalukuyang nasa opisina si Killian, katatapos niya lang pumirma ng mga papeles na kailangan niya ay tumayo ito at kumuha ng alak. Sa nakalipas na taon ganito ang nagiging routine niya papasok sa opisina at mag iinom. Halos naging miserable ang buhay niya ng mawala ang kanyang sawa at anak at hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang nagluluksa.Nang makuha niya na ang alak ay bumalik na siya sa kanyang upuan at nagsimulang uminom, hindi niya mapigilan ang hindi mapatingin sa litrato ng kanyang asawa na nakapatong sa kanyang table, nagsimula na namang tumulo ang kanyang luha na agad niya namang pinunnasan.'I miss you wife, please comeback to me. Ang tagal mo ng nawala pwede
Hailey POV It's been 5 years pero wala pa rin akong maalala, kapag nandito sila daddy at tinanong ko ay hindi nila ako masagot ng maayos ang sabi lang nila sa akin ay dito talaga ako nakatira. Simula ng magising ako sa aksidente at nagkaamnesia ay si Gian na ang nakakasama ko dito, kahit sa panganganak ko ay siya din ang nakasama ko. Minsan ko na rin tinanong si mommy tungkol sa ama ng anak ko pero lagi lang nito iniiba ang usapan. Pakiramdam ko ay may itinatago sila sa akin, may mga bagay sila na ayaw sabihin sa akin, sa loob ng limang taon pakiramdam ko ay malaki ang kulang sa pagkatao ko at gusto kung malaman 'yon lalo na ang nakaraan ko. Nasa matinding pag iisip ako ng may biglang humila sa bestida ko at nakita ko ang anak ko. He is already 4 years old, pero kahit na gano'n ay matalino siya at diretso na magsalita mukhang nakuha niya ang katalinuhan sa kanyang ama kahit ang hugis ng mukha at mata ay hindi niya nakuha sa akin. "Mommy what are you t
Philippines.... Kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan nila Hailey, mas lalo siyang nakahinga ng maluwag dahil sa wakas ay nakarating sila sa Pilipinas ng walang naging problema. Alam niyang hahanapin siya ni Gian oras na malaman nito na wala sila sa bahay at baka pati ang kanyang ama, pero ayaw ng magpapigil pa ni Hailey para malaman ang katotohanan. "Mom is this Philippines?" the little boy ask. "Yes baby, nandito na tayo." nakangiti namang sagit ng dalaga. Hawak hawak niya ang maliit na kamay ng anak habang pababa sila ng eroplano, pakiramdam ni Hailey ay dito niya mahahanap ang sagot sa kanyang mga kasagutan kaya hindi siya magsisisi na umuwi sa lugar na ito kahit pa may amnesia siya. Nang makuha na nila ang mga bagahe nila ay agad na silang lumabas ng airport. "Are you hungry honey?" Hailey asked to her son. "I little bit mommy," sagot naman nito. At dahil nakaramdam na din ng gutom ang dalaga ay nagpasya muna si
Gian POV Maagang natapos ang inattendan kung business conferrence himbis na tatlong araw ay naging dalawang araw lang ito kaya maaga akong umuwi, kasalukuyan na akong nakasakay sa kotse pauwi ng bahay dahil kakalapag lang din ng sinasakyan kung eroplano. Habang nasa kotse ako ay hindi ko maiwasan ang isipin ang nangyari sa loob ng limang taon, nakiusap sa akin si tito Drake na alagaan ko si ang anak niya dito sa Paris dahil na aksidente ito at nagkaroon ng amnesia. Magkaibigan ang mga magulang ko at magulang ni Hailey kaya tinanggap ko ang hininging pabor nito. Nang makita ko si Hailey sa unang pagkakataon ay nagulat ako, hindi ko makakalimutan ang kanyang itsura, siya ang babaeng nabangga ko na asawa ni Killian at nalaman ko din na buntis ito. Noong una ay nakaramdam ko ng takot dahil sa nagawa ko, alam kung magagalit si tito Drake kapag nalaman niyang ako ang bumangga sa kanyang anak at naging dahilan kung bakit ito nagkaamnesia at 'yon ang hindi ko hahayaa
Hailey POVKatatapos ko lang mag ayos ng mga pinamili namin sa super market, mabuti naman ay nagmukhang bahay na itong tinutuluyan namin dahil may laman na ang kusina. Inayos ko na din ang inorder kung pagkain para sa hapunan namin at ng maready na ang lahat ay lumabas na ako sa kusina para tawagin ang anak kung nanonood ng cartoons."Kian, let's eat na. Mamaya mo na ipagpatuloy 'yang panonood mo," wika ko at mabilis naman itong tumayo at lumapit sa akin."Tara na mommy," sagot niya naman at hinila na ako sa hapagkainan.Laking pasasalamat ko na lang sa Diyos dahil binigyan niya ako ng anak na magiging lakas at sandalan ko para mabuhay."Anak saan mo gustong mag aral?" tanong ko dito sa kalagitnaan ng pagkain namin.Nilunok muna nito ang kanyang kinakain bago tumingin sa akin. "Can I stop for a while mom?" He said."Why?""Eh kasi mommy alam ko naman na konti lang 'yong pera natin at ayaw ko ng mabawasan pa 'yon pag nag aral pa
Sabay sabay naman sila sa pagtayo ng may marinig na iyak ng isang bata na nanggagaling sa loob ng delivery room. Biglang naghalo na parang bola ang kaba na nararamdaman ni Killian kanina at nakahinga na siya ng maluwag. Hindi niya mapigilan ang mapayakap sa katabing si Premiere dahil sa sobrang saya na nararamdaman. "Stop hugging me bro." biro naman ng kaibigan. Masaya silang magkakaibigan pero alam nila na mas nangingibabaw ang kasiyahan na nararamdamn ni Killian, alam nilang hindi nito nasaksihan ang panganganak ni Hailey sa kanilang panganay na si Kian kaya gano'n na lang ang labis na saya na nararamdaman nito ngayon. Bumukas naman ang pinto ng delivery room at lumabas ang doctor kaya mabilis na lumapit sa kanya si Killian. "Kamusta ang mag ina ko doc.?" tanong niya dito. Malapad na ngiti naman ang iginawad ng doctor sa kanya. "They are both safe Mr, Neilsen you don't need to worry. Congratulations to your new baby girl and you can see the booth of
Naging masaya ang buhay ni Hailey at at nagpakasal silang muli ni Killian, simple lang ang naging kasal nila dahil na din sa kagustuhan ng dalaga dahil ayaw niya ng masyadong magarbo dahil para sa sa kanya ay sapat ng nandiyan ang kanilang mga magulang at mga kaibigan. Naalala niya pa ang naging pag uusap nila ni Gian ilang araw bago ginanap ang kanilang kasal, humingi ito ng tawad sa kanilang mag asawa sa maling nagawa at nangako na hindi na nito uulitin sadyang mahal niya lang ang kanyang kapatid kaya pinili niyang maghiganti kay Killian dahil sa pananakit nito kahit ang totoo naman ay si Chandria ang nang iwan sa binata. Hindi akalain ni Gian na ang plano niyang paghihiganti lang ay hahantong sa puntong nahulog na ng tuluyan ang loob niya kay Hailey at minahal niya ito ang kaso ay hindi na pwede dahil kasal ito kay Killian at dahil mabait si Hailey ay pinatawad niya ito at gano'n din si Killian. "Baby bilhan mo naman ako ng mangga." anas ni Hailey ka
Hailey POVNagising ako dahil sa tumatamang sinag ng araw sa mukha ko, hindi ko na katabi si Killian kaya mukhang siya ang nagbukas ng binata. Hindi man lang ako ginising. Nakakainis talaga minsan ang lalaking 'yon.Bumangon na lang ako at dumiretso na sa banyo para maligo. Baka nasa baba na ang asawa k ko kasama ang anak namin dahil wala naman siyang pasok sa kompanya ngayon, pero hindi ko inaasahan na maaga siyang magiging lalo na't palaging late naman itong magising kapag sabado at linggo.Na matapos na akong maligo at nakapagbihis na din ay lumabas na ako ng kwarto para hanapin ang mag ama ko, pero halos maikot ko na ang buong bahay ay wala akong nakita na kahit isa man lang sa kanila. Nasaan na kaya ang mga 'yon?Nadatnan ko ang yaya ni Kian na nagdidilig ng halaman, nagtaka ako dahil ang alam ko ay dapat ang anak ko lang ang bantayan niya pero bakit nandito siya sa bahay pero wala naman si Kian.Lumapit ako sa kanya at napatingin naman ito sa
Hailey POVKasalukuyan na kaming nasa kwarto ng asawa ko, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa bawat titig na ibinibigay sa akin ni Killian. Napapakagat ako sa labi ko para maitago ang kabang nararamdaman ko.Suddenly Killian held me closer to him, magsasalita pa sana ako ng bigla niya na akong hinalikan sa labi, pakiramdam ko ay malulunod ako sa halik na iginagawad sa akin ng asawa ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil ramdam ko ang pangangatog ng mga tuhod ko, hindi naman bago sa akin ang ganitong bagay dahil ilang beses na din namin itong nagawa at may anak na din kami."Hmmmm!" mas lalo kung naramdaman ang paglalim ng mga halik niya sa akin, ipinasok niya sa bibig ko ang kanyang dila ng hindi ko man lang namamalayan.Habang ang kanyang mga kamay ay unti unti ng naglalakbay sa loob ng suot kung damit. Napasandal na lang ako sa headboard ng kama ng dahil dito, nakakaramdam na din ako ng init sa bawat paghimas ng asawa ko sa aking katawa
Hailey POVSimula ng unti unti ng naging maayos ang kalagayan ko ay bumalik na din ang sigla ng pamilyang meron kami. Nagkaayos na din kami ng asawa ko, no'ng gabing nakita ko siyang umiiyak sa loob ng banyo ay nasaktan ako. Alam kung sobrang hirap ng pinagdaanan niya simula ng ma hospital kami ni Kian.Hanga ako sa asawa ko dahil kahit na alam kung nahihirapan at napapagod siya ay hindi siya sumuko hanggang sa maging maayos ng tuluyan ang pamilya namin. Alam ko na din ang lahat ng tungkol kay Gian, napag usapan namin ni Killian na palampasin na lang ang nangyari at huwag ng magsampa ng kaso. Naiintindihan ko naman kung bakit naging gano'n siya dahil sa kapatid niyang nasaktan.Sa mga magulang ko naman ay nagkausap na din kami, humingi sila ng tawag lalo na si Daddy sa nagawa niyang paglayo sa aming mag ina kay Killian. Nagkaayos na din sila ng asawa ko no'ng mga panahong hindi pa ako okay. Madalas na din nila hiramin si Kian dahil namimiss nila ang anak ko, sa
Killian POVGabi na ng makauwi ang mga kaibigan namin at ngayon ay dalawa na lang kami ng asawa ko ang natitira dito sa baba dahil kanina pa naiakyat si Kian ng kanyang yaya, kumuha ako ng mag aalaga sa anak ko para hindi na mahirapan pa si Hailey kapag gumaling na siya.Pagtingin ko sa oras ay malapit na mag alas nwebe kaya tumayo na ako. "Baby akyat na tayo sa taas para makapagpahinga na. It's getting late." ani ko kay Hailey at pinatay na ang tv.Binuhat ko na lang siya paakyat at iniwan ang wheelchair sa baba, okay naman ang mga binti niya pero hindi pa siya nakakalakad ng maayos katulad ng dati. Pagpasok namin sa kwarto ay inihiga ko na siya sa kama at nilagyan ng kumot."Matulog kana para makapag pahinga kana ng maayos." anas ko at hinalikan siya sa pisngi.Agad niya namang ipinikit ang kanyang mga mata habang ako naman ay humiga na sa tabi niya. Hinintay ko muna siyang makatulog ng tuluyan bago pumikit.Sa kalagitnaan ng tulog k
Killian POV Isang linggo na ang lumipas ng makalabas ng hospital ang anak at asawa ko, kagaya ng sabi ng doctor ay magaling na si Kian maliban sa asawa ko na hanggang ngayon ay may mga benda pa din at kailangan niyang mag wheelchair. Wala namang nagbago, bumalik na ang dating sigla ng anak ko kaya mas naging panatag ako. Maliban na lang sa asawa ko na naging tahimik at minsan na lang umimik, madalas din siyang tulala at kapag kinakausap ko siya ay tanging tango o iling lang ang sinasagot niya. Noong mga unang araw namin dito sa bahay ay madalas ko siyang nakikitang umiiyak at palaging nananaginip tuwing gabi na sinisisi niya sarili niya at galit daw ako sa kanya. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng awa para sa asawa ko dahil sa nangyayari, hindi ko lubusan nakakaramdam ng saya dahil pakiramdam ko ay hindi pa din maayos ang pamilya ko. At sa mga magulang niya naman ay ilang beses na din silang bumisita dito, kinausap na din nila si Gian at humingi ito ng tawad
Hailey POVNandito pa rin ako ngayon sa hospital at nagbabantay sa anak ko, kasama ko ngayon si Vaugh dahil wala naman daw siyang gagawin kaya dito niya na lang naisipan na tumambay. Kakaalis lang ni Killian dahil pupunta ito sa opisina.Habang nagbabalat ako ng mansanas ay napansin ko na naiwan niya ang isang folder kaya mabilis ko itong kinuha para ihabol sa kanya, mukhang hindi pa naman siya nakakalayo dahil wala pa isang minuto siyang nakaalis."Vaugh, ikaw na muna magbantay dito ha? Saglit lang ako ihahabol ko lang ito kay Killian baka kasi kailangan niya." paalam ko dito.Tumango lang ito at mabilis na akong lumabas. At dahil wala pang available na elevator dahil puro lahat paakyat ay naghagdan na lang ako, sinubukan ko pang tawagan ang asawa ko pero hindi naman ito sumasagot. Ang ginawa ko ay dumaan na lang ako sa hagdan para maabutan pa siya.At dahil sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang basang sahig sa hagdan dahilan para mad
Killian POVNagmadali akong umalis sa hospital, ang totoo niyan ay hindi naman talaga ako pupunta sa opisina kung hindi ay kikitain ko ang binayaran ko para mag imbestiga at ngayon ay nandito ako sa harap ng bahay ng mga magulang ni Hailey, bago ako pumunta dito ay nakipagkita muna ako sa imbestigador na binayaran ko at alam ko na ang totoo.Kanina pa ako kating kati na puntahan ang lalaking 'yon pero kailangan ko munang ayusin ang gusot sa pagitan namin ng mga magulang ng asawa ko. Kahit naman na hindi kami ngayon okay ni Hailey ay hindi naman ibig sabihin no'n ay hahayaan ko na lang ang lahat.Dalawang beses ko lang pinindot ang door bell at agad itong nagbukas, binati pa ako ng katulong nila dahil kilala naman na nila ako pero naglakad lang ako diretso sa loob."Nasaan sila Mama at Papa?" tanong ko."Nasa sala po sila sir Killian."Agad naman akong naglakad papunta kung nasaan sila at nakita ko ang mga ito na nag uusap. Natigil lang sila