Share

Chapter 5

Author: LadyAva16
last update Last Updated: 2023-03-20 15:00:49

"Apo naibigay mo na ba yong hinihingi ni Sir William sayo?"Muntik akong mabulunan sa tubig na iniinom ko dahil sa tanong ni Lola. 

Pagkatapos kong iwan si Sir William kanina nagtago muna ako saglit doon malapit sa bodega dahil hiningal ako sa pagtakbo pabalik dito sa hacienda.

Letseng lalaking yon, apaka bastos ng bunganga. Anong akala niya sa mani ko for sale? Excuse me lang! Bawal pa pitasin tong mani ko dahil bata pa ako. Kino-corrupt talaga nitong si Sir William ang innocent mind ko. Nakakainis!

"O ano Amethyst ba't di ka nakasagot dyan?" untag ni Lola sa aking dahil nanatili akong tahimik. Tumalikod ako kay Lola para hugasan ang basong pinag-inuman ko. Sa muli kong pagharap sa kanya halatang hinihintay niya ang aking sagot.

"A-ano ho daw bang hinihingi ni Sir William Lola?" balik tanong ko kasi hindi ko naman alam kung anong tinutukoy ni Lola. Isa pa paano nalaman ni Lola na si Sir William ang kasama ko kanina?

"Ha? Hindi mo ba alam? Ang sabi ni Cara sinamahan mo daw si Sir William kasi hinihingi ang mani mo?"

Loko loko din ito si Ate Cara, sa dinami dami ba ng rason mani pa ang naisip niya? Bigla tuloy nagflash back yong sinabi ni Sir William kaninang kakainin niya daw ang mani ko.

"Saan ka ba kasi galing? Bakit parang lutang ka? Nakuha niyo ba ang mani?"

"A-anong mani Lola?" medyo napataas pa ang aking boses. 

"Bakit anong mani ba Amethyst? Malamang yong maning binebenta mo. Bakit may ibang mani ka pa ba?"

"A-ah e, oo nga po Lola sabi ko nga yong maning benta ko po. Hehe." Feeling ko tuloy namumula ako ngayon. Anong mani ba kasi ang nasa isip ko? 

"Oh anong nangyayari sayo ba't namumula ka?"

Hindi ko pinansin ang tanong ni Lola kung bakit namumula ako.

"Ahm, ayaw na daw ni Sir William La, allergic na daw siya sa mani ngayon. Pulburon na lang daw La, pero wala akong dala... ayos sana yon para mabilaukan siya." mahinang kong dugtong sa huling sinabi ko.

"Anong allergic? Hindi kaya..." Natigilan ako dahil  biglang sumabat si Sir William.  " Lola Belinda, may favorite Lola, Kamusta po?" nagmano muna ito kay Lola bago binalingan si Nana "Nana Mildred, may favorite Nana of all times, payakap po." 

Ay s****p! Magaling mambola ang Sir William niyo. Si Lola naman at Nana ay tuwang tuwa sa alaga nila. Niyakap pa silang dalawa ulit ni Sir William. May suot na itong puting t-shirt ngayon na hapit sa katawan niya. Siguro nahiya kina Lola at Nana, mabuti naman para di siya kabagin sa kakabalandra ng katawan niya.

Ang giliw niya kina Lola at Nana samantalang kanina sabi niya hindi siya pumapatol sa mga katulong. Kung banggitin niya pa ang salitang katulong parang diring diri siya eh. May pagka plastik din pala 'tong si Sir William e. 

"William hijo, sabi ni Amethyst ayaw mo na daw sa mani niya dahil may allergy ka daw?"

"Sinong may sabi na allergic ako sa mani Lola Beling?"

Oh shit! Hindi ko alam paano ko babawiin ang sinabi ko kay Lola. Andito pa naman si Nana Mildred, baka isipin niyang sinungaling ako. Bakit ba kasi biglang sumusulpot tong si Sir William dito sa kusina? Iniwan niya na naman siguro ang mga kaibigan niya doon sa may pool area.

Nakakaloko pa itong ngumiti sa akin tsaka may pakindat kindat pa. Hindi man lang ba siya nahiya sa Lola ko?

"Si Amy, itong apo ko sabi niya allergic ka daw sa mani niya."

Hala bakit 'mani' ko talaga? Ang sagwa naman pakinggan.

Bwesit kasi tong si Sir William eh. Dati wala lang naman sa akin sa tuwing nababanggit ang mani ko...I mean ang maning paninda ko, pero ngayon parang iba na tuloy ang dating nito sa akin.

"Of course not, Lola, alam mo namang paborito ko yung 'mani' ng apo mo." Sagot nito na binigyang diin ang salitang 'mani'  at muli pang kumindat sa akin kaya si Lola at Nana Mildred ay tumawa pa sa kanya.

Sumimangot ako kay Sir William dahil alam ko namang pinaglalaruan niya na naman ako. Mas maigi pa yong tahimik siya kesa sa kung ano anong lumalabas sa bunganga niya. Akala ko pa naman masungit at tahimik lang ito yon pala sobrang ligalig din, tsaka ang bastos pa ng bunganga. Lahat ata ng lumalabas sa bibig niya may double meaning. Di kaya ako lang ang nagbibigay ng ibang kahulugan doon?

"Oh anong nangyari Amethyst, sabi mo ayaw ni si Sir William sa mani mo?"

"Ahh kasi ano Lola...k-kasi..." hindi ko matuloy tuloy ang gusto kong sabihin dahil ayokong magsinungaling ulit kay Lola.

"I was just joking kanina Lola, sinabi ko kay Peanut... I mean kay Louisse na pag hindi siya ang nagluto ng mani allergic ako, diba Louisse?"

"Ay opo..y-yun nga po Lola." sang-ayon ko kay Sir William.

Ewan ko lang kung naniwala ba si Lola Belinda sa akin dahil pinukulan niya ako ng nagdududang tingin kaya agad kong iniwas ang mga mata ko sa kanya.

Ayokong tingnan ang nakakalokong mukha ni Sir William pero kahit hindi man ako tumingin sa kanya dama ko ang intensidad ng titig nito sa akin. Para bang binabasa nito kung ano ang nasa isip ko.

Ito talaga si Sir William walang pinipiling lugar. 

"San kayo galing kanina? Ang sabi ni Cara may kinuha kayo doon sa likod?" nag-angat ako ng tingin at nakita kung natigilan din si Sir William sa tanong ni Lola pero ang loko agad ding nakabawi.

Hindi ko alam kung ako ang tinatanong ni Lola o si Sir William dahil sa aming dalawa ito nakatingin. Nagkunwari akong inabot ang carrots na nasa mesa at kumuha ako ng kutsilyo para balatan ito. Hindi ako sumagot at nagkunwaring naka-focus ako sa pagbalat ng carrots, mahirap na baka masugatan pa ang kamay ako.

"Ahm...kumuha kami ng uling Lola, tsaka nagpasama ako kay Louisse kasi sabi ni Cara alam nito kung saan nakalagay ang mga uling."

Wow ang talino ah, bilis nakaisip ng palusot. Gusto kong matawa sa naging sagot niya pero pinigilan ko ang aking sarili.

"Anyway Lola, diba sabi mo marunong magluto si Louisse ng bibingka? May dala po ba kayo?"

Paano niya nalaman na marunong akong magluto ng bibingka? Oo nagbebenta ako nito pero hindi ko alam kung dinadalhan ba siya ni Lola ng mga niluluto ko.Tsaka kung dinadalhan man siya ni Lola as if naman kung kinakain niya ito? Mukha niya!

"Bakit mo po natanong, Sir William?" 

Hindi ko na napigilan ang sariling tanungin siya. Feeling ko kasi may iba na namang kalokohan ang pumasok sa utak nitong si Sir William. Sa dinami dami ng dapat kainin, bibingka ko pa talaga ang hinahanap niya? Hanep ah.

"Gusto ko sanang tikman yong bibingka mo, Louisse."

Kunwari seryosong sabi nito pero halata namang pinipigilan niyang matawa. Hindi pa ito nakuntento at umikot pa ito at tumabi sa akin.

"Patikim mo naman sa akin ang bibingka mo, Louisse. Matagal ko na gustong tikman yan...I mean miss ko na ang mga dinadala ni Lola dito sa akin."

Ngumuso ako sa kanya. Ayoko ngang magluto para sa kanya. Madami namang nagbebenta ng bibingka sa bayan bakit yong luto ko pa ang hinahanap niya? Mapagkunwari talaga ang lalaking 'to, kundi ko lang ito amo baka kanina ko pa ito sinagot sagot. Halata naman kasing pinagti-tripan niya lang ako. Hmmp! Style mo Sir William, bulok!

"Hayaan mo hijo, kapag nkabalik kayo ulit dito dumaan ka sa bahay at ipagluluto ka namin ni Amethyst ng bibingka."

"Aww love niyo po talaga ako, Lola Beling."paglalambing niya pa kay Lola kaya pasimple akong umirap.

"Kumusta na po kayo Lola? Hindi ka ba mabo-bored sa bahay niyo? Pwede naman kayong sumama dito kay Amethyst kung gusto niyo po."

Parang nakadama ako ng kakaibang kasiyahan dahil sa sinabi ni Sir William, halata ang concern nito kay Lola Belinda ko. Ang lambing pa ng pagkikipag-usap niya dito. Sabagay si Lola yong nag-alaga sa kanya nung maliit pa siya kaya siguro close silang dalawa.

"Ayos lang ako William, gusto ko pa nga sanang magtrabaho kaso itong apo ko ang nagpupumilit na tumigil na ako."

Lumingon sa akin si Sir William at ngumiti. Iyong genuine na ngiti at walang halong kalokohan.

"Basta kapag may kailangan po kayo Lola wag po kayong mahiyang magsabi sa akin ha. Tsaka wag kang mag-alala dito sa apo mo. Kaming bahala ni Nana Mildred dito, diba Na?"

" Abay syempre, wag kang mag-alala Aling Beling kami ang bahala sa magandang apo mo. Tsaka itong si Sir William, siya na ang mamamahala nitong hacienda. Walang ibang makakalapit dyan sa apo mo."

Tiningnan ko ang reaksyon ni Sir William kung kokontrahin niya ba ang sinabi ni Nana Mildred pero tumango tango lamang ito bilang pagsang-ayon.

"O akala ko ba ayaw mo dito sa hacienda kasi mabo-bored ka lang? "

Natatawang tanong ni Lola sa kanya. Nakita ko pang napakamot siya sa batok niya na tila ba nahihiya.

"Noon yon Lola, iba na ngayon..." tumingin pa ito sa akin saka kumindat. 

Hala bakit may pakindat ito sa akin? Ano naman ngayong kung nagbago ang isip niya?

"Siguradong walang makakalapit dito kay Amethyst dahil andito si Sir William, takot lang ng mga nun sa alaga mo Beling." dagdag pa ni Nana Mildred kaya natawa na rin pati si Lola. "Wala pa naman sigurong nobyo tong apo mo ano?"

"Dapat lang matakot sila Mildred, bata pa yang apo ko tsaka bawal pa yan magnobyo. Kung sino man ang magkakagusto dyan dapat umakyat muna ng ligaw sa bahay."

"Okay po, Lola. Noted."

Sagot ni Sir William kaya sabay kaming napalingon sa kanya.

Noted? Para saan ang noted niya?

"O, Sir William andito lang po pala kayo. Kanina pa ko kayo hinahanap ng mga kaibigan niyo sa labas. Akala namin saan na kayo umabot ni Amethyst eh."

Bungad ni Ate Cara. May dala itong pitsel na walang laman saka mga baso.

"Wala nga  Cara eh, ayaw ni Peanut...I mean Louisse" natatawang sagot nito kay Ate Cara. Si Ate naman parang sanay na sa mga kalokohan ni Sir William.

"Wala ka pala Sir eh." tumatawang sabi ni Ate Cara bago dinala sa lababo ang mga hugasin. " Apo lang pala ni Lola Beling ang makakapatumba sayo."

"Ako nang maghuhugas niyan Ate Cara." agad akong tumabi kay Ate Cara sa lababo. Ayokong tingnan ang nanunuksong ngiti ni Sir William. Si Ate Cara naman ay nakita ko pang pangiti-ngiti nito na tila nanunukso din sa amin. 

"San kayo pumunta beh?"tanong niya sa akin pero mahina lang ang boses niya.  Lumingon muna ako kina Lola baka kasi marinig nila ang sagot ko, pero busy sila ni Nana sa pakikipag-usap kay Sir William. Si Sir William naman tawang tawa sa pinag-uusapan nila.

"Dinala ako ni Sir William doon sa likurang bahagi ng hacienda ate."

"Oh, bakit daw?" tanong ni Ate pero mahina pa din ang boses. Para na kaming nagbubulungan dalawa.

"Ewan ko sa kanya, ang sabi niya wag ko daw pansinin si Sir Knight. Aburido ata siya doon kay Sir Knight kasi sabi niya inis daw siya dito."

Napasinghap si Ate Cara, nanlaki pa ang mga mata niya na tila di makapaniwala. "Talaga beh?"

"Oo Ate, pero wag ka maingay baka marinig tayo ni Sir William."

"Tapos ano pang ginawa niyo doon? Ang tagal niyo namang bumalik, ilang beses na akong pabalik balik dito sa kusina kanina pero wala pa rin kayo."

"Wala kaming ginawa doon Ate, yon lang naman ang sinabi niya."

Hindi ko na binanggit kay Ate Cara ang tungkol sa biro ni Sir William na kakainin niya ang mani ko dahil nakakahiya. Baka kung ano pang isipin ni Ate Cara, ang bata bata ko pa kaya.

"Andyan pa ba si Sir Knight? Inis pa din ba siya kay Sir William?"

"Wag mong banggitin pangalan ni Sir Knight, baka marinig ka ni amo."

"Bakit bawal ba?"

Natatawang umiiling si Ate Cara sa akin na para bang may mali sa sinabi ko. " Basta beh sundin mo na lang ang sinabi ko. Alam mo na, para iwas gulo."

"Bakit Ate, hindi ba sila bati ni Sir Knight? Bakit niya ito in-invite dito sa hacienda kung inis pala siya? Saka ang sinabi niya sa akin, si Sir Knight lang daw ang hindi ko e-entertain, ibig ba sabihin ayos lang makipag-usap sa ibang kaibigan niya?"

Biglang natawa si Ate Cara sa akin. Paano seryosong seryoso ako sa tanong ko sa kanya.

"Oww? Kay Sir Knight lang daw ba?"

"Oo ate. Hindi mo ba nakita yong inis niya kay Sir Knight kanina? Sinighalan niya pa ito, wala namang masamang sinabi si Sir Knight diba?"

"Ganyan na ang mga iyan beh, dati pa. Basta ako sayo, wag ka munang lumapit doon kay Sir Knight ha." Lumingon pa ito sa likuran namin. "Mabait yan si Sir William pero masama din magalit. Mabilis pa yang mapikon sa mga kaibigan niya."

"Ganun po ba? Okay, sige po." nagkibit balikat pa ako.Kinuha ko ang basahan pampunas sa kamay ko saka muli hinintay kung matapos si Ate sa pagpunas sa lababo.

"Inosente ka pa talaga beh. Sige na dun ka na sa mesa."

Umupo ako sa mesa at yong mga gulay naman ang pinagdiskitahan ko. 

"Lola hatid ko kayo mamaya pag-uwi ha." Umangat ako ng tingin at hinintay ko ang maging sagot ni Lola sa kanya.

"Wag na hijo, salamat nalang." Kumunot ang nooni Sir William sa naging sagot ni Lola.

"Bakit po, La?"

"Nagsabi kasi si Knight kanina na isasabay niya daw kami pauwi ni Amethyst, may sasabihin daw siya sa akin sa bahay eh."

"Patay!" dinig kong bulong ni Ate Cara.

Ayokong maging assuming pero parang totohanin ata ni Sir Knight yung sinabi niya kanina na pupunta siyang bahay. Yun pa naman ang dahila kung bakit nainis si Sir William kanina.

Pagtingin ko kay Sir William nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Isang malalim ng hininga pa ang kanyang pinakawalan bago sumagot kay Lola.

"Ako po ang maghahatid sa inyo ni Amethyst, Lola. Wag kayong maniwala dun kay Knight, nagbibiro lang yon."

"Ganun ba? Para naman kasing seryoso ito nung sinabi niya kaninang siya ang maghahatid sa amin." inosenting sagot ni Lola sa kanya. Gusto ko sanang sumabat pero nakita ko ang pag-iling ni Ate Cara na parang sinasabi nitong wag na.

"Naku Lola, wag kang magpapaniwala dun, tsaka ako yong alaga mo oh, dapat ako ang magahahatid sa favorite Lola ko, diba?" Dinantay niya pa ang ulo niya sa balikat ni Lola, panlalambing niya para lang pumayag ito. " Sige na po, La, balik na ako doon sa mga kaibigan ko ha."

Hindi niya na hinitay ang sagot ni Lola sa kanya. Sa tingin ko naman hindi talaga ito papayag kung si Sir Knight ang maghahatid sa amin.

"Haba ng hair mo beh..." bulong ni Ate Cara sa akin. 

"Ate?" mahinang sagot ko sa kanya. Kita ko pang sinulyapan nito si Nana Mildred at Lola bago muling bumulong sa akin.

"Mantakin mo yon, dalawang haciendero pinag-aagawan ang beauty mo?Pretty talaga ng bebe namin oh. Naks!"

Hindi ko maiawasang pamulahan sa sinabi ni Ate Cara. Paano may pasundot sundot pa ito sa gilid ko. " Kinikilig ka beh?" 

"Ate!"

"Wag kang bumigay agad ha. Pahirapan mo muna sila."

"Ewan ko sayo Ate Cara." nahihiyang sabi ko sa kanya. 

"Oh Carla Ysabel, ano naman yang binubulong-bulong mo dyan kay Amethyst? Naku tong batang 'to kung ano ano naman sigurong kalokohan ang tinuturo mo kay Amy."

"Nanay naman! Ang bait-bait ko kaya." pagmamaktol ni Ate.

"O sya tama na yan, hatid niyo 'tong ulam doon kina Sir William. Dalhan niyo na din sila ng yelo doon para hindi na kayo pabalik balik."

Ako ang nagdala sa ulam at si Ate Cara naman sa yelo. Malayo palang dinig na namin ang tawanan nila na parang walang nangyaring tensyon kanina. 

"Yong sinabi ko sayo beh, tandaan mo." bilin ni Ate Cara bago paman kami makalapit.

Unang nakapansin si Sir William sa paglapit namin. Agad itong tumayo at kinuha ang dala kong ulam. Wala itong sinabi, tahimik lang din ang mga kaibigan niyang nakamasid sa amin.

Napasulyap ako kay Sir Knight, seryoso lang itong nakatingin sa akin. Wala akong mabasang ekspresyon sa mukha niya kaya umiwas na lang din ako ng tingin sa kanya. Ayoko din namang maulit ang nangyari kanina sakaling mapansin ni Sir William na nakatingin ako sa kanya.

"Louisse sabay na tayong uuwi mamaya, ako ang MAGHAHATID sa inyo ni Lola Belinda." 

Sadyang nilakasan niya pa ang boses niya na parang pinaparinig sa mga kasama niyang siya ang maghahatid sa amin ni Lola.

"Yun oh!" biglang sabat ni Sir Simone na nakipag-apir pa kay Sir Ethan.

"Kaya naman pala pabebe si Gago!" kantyaw ni Sir Ethan pero ang dalawang magkapatid ay tahimik lamang. 

Si Sir Knoxx tila walang pakialam at seryoso lang na nakatingin sa baso niya habang si Sir Knight naman ay blangko pa rin ang mukha.

"Shut up, Fucker!" singhal niya sa kanyang mga kaibigan pero deadma ang mga ito sa kanya. 

"Pikon si Gago! Maypa deny-deny pa yon pala---"

"Ayaw niyo talagang tumahimik?" warning niya sa mga ito.

"Doon na kami sa loob Sir, tawagin niyo na lang po kami kung may kailangan kayo ha." Sabat ni Ate Cara. Nakita ko pa ang pagsulyap niya kay Sir Knoxx bago kami umalis pero hindi man lang siya binalingan nito ng tingin.

"Okay Cara, thanks."

Hindi pa man kami nakakalayo ni Ate Cara, narinig kong tinawag ako ni Sir William.

"Peanut..."

Hindi ako lumingon pero mahina akong siniko ni Ate Cara. "Peanut daw beh."

"Hayaan mo yan Ate, hindi naman Peanut ang pangalan ko."

"Wag mong galitin beh baka ibang mani ang mapitas niyan." natatawang sagot ni Ate Cara sa akin pero nagmatigas ako, hindi ko nilingon si Sir William.

Papasok na sana kami ni Ate Cara ngunit biglang may humawak sa aking braso kaya napilitan akong tumigil.

"Don't be stubborn, Louisse, hinatayin mo ako mamaya kung ayaw mong maparusahan." 

Comments (14)
goodnovel comment avatar
Ludy Perez
naboring ako ng slight. kaya inuskip ko na
goodnovel comment avatar
Ateloiv Ocsalon Oiramla
nagustohan ko ang kuwento..
goodnovel comment avatar
Brando Espiritu
next please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Mistake   Chapter 6

    "Sa susunod na lang Knight ha, sabi kasi ni William siya na ang maghahatid sa amin nitong apo ko. Alam mo naman yong kababata mo nagtatampo agad kapag hindi pinagbigyan."Dinig kong sabi ni Lola kay Sir Knight. Tahimik lamang akong nakamasid sa kanilang dalawa dahil kanina pa pasulyap sulyap si Sir William sa akin na tila binabantayan ang bawat galaw ko. Nakita ko pa ang pag-angat ng kilay niya ng makitang kausap ni Sir Knight si Lola."Ayos lang po, Lola. Bibisita na lang po ako sa inyo kapag bakante po ako." nakangiting sagot ni Sir Knight kay Lola. Sinulyapan niya pa ako tsaka ngumiti din sa akin. " Kung gusto niyo po, pasyal din kayo sa hacienda namin. Tiyak matutuwa si Mommy kapag nakita niya po kayo. Isama niyo din po si Amethyst La, para makapunta siya sa amin.""Magtatrabaho na itong si Amethyst dito sa hacienda e, siya na ang papalit sa akin. E-kamusta mo na lang ako sa Mommy mo Knight, matagal ko na rin hindi nakikita si Madam.""Sure La, sabihin ko kay Mommy..." Lumingon mu

    Last Updated : 2023-04-04
  • The Billionaire's Mistake   Chapter 7

    Madaling araw pa lang gising na ako. Kailangan kong maharvest ang mga gulay at maihatid sa palengke bago ako pupunta ng hacienda. Tuloy pa rin ang pagsu-supply ko ng gulay kay Aling Susan, yon nga lang kailangan kong magdouble time kasi nga kailangan ko ding pumunta sa hacienda ng maaga. Kailangan maaga din akong nakapagluto ng pagkain ni Lola at Lilet.Since hindi naman araw-araw ang harvest ko , nagluluto din ako minsan ng kakanin at dine-deliver ko din sa palengke. Kailangan kong magdoble kayod dahil gusto kong mag-aral sa susunod na taon . Tsaka kailangan ko ding may extra kita para sa gamot ni Lola, hindi kakasya ang sahod ko kung dito lang ako aasa."Lilet, ito yong mani at yema na pwede mong ibenta sa mga kalaro mo mamaya. Tapos kung wala kang pupuntahan mamaya, pakisamahan mo si Lola dito ah? Dito ka na rin kumain para may kasama si Lola, nakaluto na ako ng pagkain ninyo."Si Lilet ang anak ng kapitbahay naming si Merly. May duty sa club si Merly kagabi kaya dito ko na pinatu

    Last Updated : 2023-04-04
  • The Billionaire's Mistake   Chapter 8

    "Beh, anong plano sa debut mo?" Si Ate Cara na kanina pa ako kinukulit kung anong gagawin ko sa Byernes. Martes pa lang naman ngayon pero ayaw niya talaga akong tantanan kahit sinabi kong simpleng salo-salo lang ang gusto ko sa bahay namin ni Lola."Alam mo Amethyst tayong mga babae, isang beses lang tayong magde-debut, dapat kahit papano sa araw na yon maging memorable ito sa atin."Alam ko naman yon pero uunahin ko pa bang magcelebrate kesa sa bumili ng gamot ni Lola sa hika? Hindi ko pwedeng unahin ang ibang bigay. Paano nalang kung biglang atakihin si Lola kapag wala siyang naimon na gamot?"Wala pa kasi akong ipon Ate Cara. Yong sahod naman ni Lola sa pagtatrabaho dito dati sapat lang para pambili ng gamot niya, tsaka yong kita ko naman sa pagbebenta ko nang kung ano-ano ay sapat lang din pambili ng pagkain namin.""Ayos lang ba sayo na akong bahala para sa birthday mo? Alam mo namang parang kapatid na ang turing ko sayo dahil wala naman kasi akong kapatid na babae. Gusto ko rin

    Last Updated : 2023-04-04
  • The Billionaire's Mistake   Chapter 9

    Kasama si Lola Belinda, nagpunta muna kaming simbahan bago tumuloy sa resort kung saan gaganapin ang debut ko. Si Ate Cara ang nag-asikaso ng lahat. Imbitado din ang ibang kapitbahay namin, syempre hindi mawawala ang mga malalapit sa akin, sina Jonas, Ate Merly at Lilet.Gabi ang napili naming oras ni Ate Cara para sa party, pero alam kung kanina pa sila nandito sa resort kasi madami pa daw siyang asikasuhin. Sinabi ko sa kanyang gusto kong tumulong pero ayaw naman niya dahil may surprise daw siya para sa akin."Beh halika, make up ka muna doon para sa pictorial mo." Salubong ni Ate sa akin. Nagmano pa ito kay Lola tapos excited na humarap sa akin."Hala may ganun pa po ba Ate?" nahihiyang tanong ko sa kanya.Nakakahiya naman napagastos pa tuloy si Ate Cara. Meron pa siyang pina cater na pagkain at may letchon pa talaga. Meron pang nagde-decorate sa hall na ni rent niya para daw sa program mamaya. "Kailangan pa ba Ate? Ang laki na ng nagastos mo para sa birthday ko.""Syempre! Ikaw p

    Last Updated : 2023-04-04
  • The Billionaire's Mistake   Chapter 10

    "Fuck off, Brute!"Tinulak ni Sir William si Sir Knight palayo sa akin, muntik pa itong mawalan ng balanse dahil hindi napaghandaan ang ginawa ni Sir William sa kanya.Nakaramdam ako ng kaba dahil halata ang galit sa mukha ni Sir William. Napansin ko pang nakakuyom ang kamao niya at umiigting ang panga niyang nakipagsukatan ng tingin kay Sir Knight."What's wrong with you, Gago?" Nagtatakang tanong ni Sir Knight sa kanya. Halatang nabigla din ito sa inasal ni Sir William."Are you out of your mine, Gago ka talaga ano!?" Singhal ni Sir William sa kanya."Tang-ina mo! Mas Gago ka!"Balik sigaw ni Sir Knight na handa na atang makipagsuntukan kay Sir William.Mabuti at kami lang ang mga tao sa bahaging ito ng resort,kundi tiyak na pagpipyestaha kami ng mga tao dito. "Knight!" Si Sir Knoxx na agad naman hinila ang kakambal niya. "Stop it!"Nagsukatan pa ng tingin silang dalawa ng kakambal niya. Nag-iigtingan pa ang mga panga nila kaya lalo akong natakot.Baka pati silang magkapatid ay mag-

    Last Updated : 2023-04-04
  • The Billionaire's Mistake   Chapter 11

    Slight SPG :) - Special Peanut for Mr. Guerrero _____________________________________"Uhm, Nana, saan po si Ate Cara?" tanong ko kay Nana na busy sa paghahanda ng meryenda.Pagdating ko kanina si Ate Cara agad ang hinanap ko dahil hindi ko ito nakita. Natapos na lang ako sa iba kong gawain pero wala pa rin siya.Pagkatapos ng party nung nakaraang gabi hindi na ako nakapagpasalamat sa kanya dahil hindi ko din siya nakita. Bigla na lang itong nawala doon sa hall. Hindi na rin ito pumasok simula noon."Nasa bahay si Carla Ysabelle, Amy. Nag-aasikaso ng mga papeles niya pabalik sa ibang bansa." halata ko ang lungkot sa boses ni Nana. Kahit ako nalungkot din naman nung malaman kong aalis pala siya. " May kailangan ka ba sa anak ko?""Wala po, Nana. Gusto ko lang magpasalamat kay Ate Cara para sa pag-asikaso sa debut ko." nakangiti kong sagot sa kanya. "Salamat din po sa inyo Nana ha, ang swerte niyo po kay Ate Cara, napakabait niya.""Talagang maswerte ako sa anak kong yan. Kahit hindi

    Last Updated : 2023-04-06
  • The Billionaire's Mistake   Chapter 12

    "Love can you please come with me for a while?"Nagtataka akong humarap sa kanya. Alas 11:00 na ng gabi saan naman kaming dalawa pupunta?"May ipapakita lang ako sayo, Love, promise! Nagpaalam na ako kay Lola Belinda."Nakapagbihis na ako ng pambahay kanina habang kausap niya si Lola.Sabi niya kasi magpalit ako ng damit na kumportable ako. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila ni Lola basta ang sabi niya lang kakausapin niya lang ito."Ayos lang ba itong damit ko sa pupuntahan natin?" nag-aalangan pa ako, baka naman kasi maisipan niyang dalhin ako sa bayan e nakapambahay na ako."It's fine , Love. You're still beautiful kahit ano pa ang suot mo.""Bolero! Tara na nga!" mahina ko pang pinisil ang pisngi niya. Natatawa pa itong humalik sa akin.Sinilip ko muna si Lola sa silid niya, magpapaalam pa sana ako kaso nakatulog na ito. Sinigurado kong may laman ang pitsel niya ng tubig baka sakaling kailanganin niya ito mamaya."Saan mo ba ako dadalhin Mr. Guerrero?" biro ko sa kanya ng

    Last Updated : 2023-04-06
  • The Billionaire's Mistake   Chapter 13

    SPG: Striktong Patnubay at Gabay. May pitasang mangyayari(Let me hear your thoughts for this chapter, Avangers.)___________________________________" I want more, Love, please..." his raspy voice is begging for more.How could I say no to him kung ang katawan ko ay para ng sinisilaban sa sensasyong hatid na bawat halik at haplos niya sa akin."If I say no, titigil ka ba?" I said trying to test his patience."Yes, Love, if that's what you want." His breath is fanning my feminity. Parang sinasadya niya pang ilapit ang mukha niya sa aking pagkababae."Do you want me to stop, Love?" He asked but his eyes is looking at me full of lust. Muli niyang pinadaanan ng dila ang aking hiwa. "Stop me now, Love." He said teasing and licking my clit.How can I kung stop kung tinutukso niya ako? Sa halip na pigilan siya ay isang malakas na ungol pa ang kumawala sa akin ng muli niyang masahiin paiikot ang kaselanan ko.Sa bawat dampi ng labi ni Anthony sa pagkababae ko ay lalong nagliliyab ang apoy n

    Last Updated : 2023-04-06

Latest chapter

  • The Billionaire's Mistake   Epilogue-Last Part

    "Nervous?" pasimpleng bulong ni Ethan sa akin. I raised my brows at him. I will never give them the satisfaction to laugh at me dahil alam kong naghihintay lang ang mga ito ng pagkakataon para pagtawanan ako. "Malamang! Baka nga mahimatay yan si Guerrero mamaya kapag nakita si Amethyst eh." sulsol naman agad ni Simone kaya nagkatawanan ang iba pa naming kaibigan. "Yon ay kung hindi aatras si Amy, balita ko pa naman nagkita sila ng kababata niya kahapon. Baka nagbago na ang isip nun." si Calyx naman ang bumwelo."Yeah right, baka bigla na lang may iiyak dyan mamaya." segunda ni Derick na akala mo din ay matino eh."Anong iiyak? Baka kamo magwawala kamo." Si Knight na ngumisi pa sa akin. " But seriously Dude, we're happy for you." tinapik niya ang balikat ko."Congrats Guerrero, I'm glad you find your gem." nakangiting bati ni Ethan sa akin. " You're so lucky to have her back." he smiled and tapped my shoulder. "Thanks Brute. I hope you you'll find her soon, too."Malungkot siyang ng

  • The Billionaire's Mistake   Epilogue Part 2

    "What the fuck, Sarmiento!?" naiinis kong sagot kay Knight. Kanina pa kasi ito nangungulit sa akin tungkol sa pagbabalik ni Charmagne dito sa Pilipinas. The hell I care? Hindi ko na ito girlfriend ngayon. She broke up with me to pursue her dream to be a model but seems like she failed at heto nga pabalik na ng Pilipinas. Ang kinaiinisan ko ay ako ang ginugulo ni Knight dahil sinabi daw sa kanya ni Charm na magpapasundo ito sa akin dahil busy ang parents niya."What do you want me to tell her?" ganting sigaw din ni Knight. I know naiinis na din ang gagong to kasi siya ang ginugulo ni Charm dahil hindi ko sinasagot ang mga tawag nito."Tell her I'm busy or make an excuse for me."I'm pissed already. Wrong timing naman kasi ang tawag ni Knight dahil may site visit ako ngayon dito sa dinonate naming building sa isang public school dito sa lugar namin."Gago ka rin eh, ginawa mo pa akong sinungaling. Bakit ba kasi ayaw mong sagutin ang tawag niya? Lintek naman Guerrero oh, hindi lang ika

  • The Billionaire's Mistake   Epilogue Part 1

    William Anthony Guerrero's POV"Tao po! Lola Belinda, are you there?"I was waiting outside of Lola Beling's house waiting for her to come out because I will give her the food prepared by Nana Mildred that she forgot to bring. Pagkatapos kong mangabayo kanina pinakiusapan ako ni Nana na idaan itong paper bag na may lamang pagkain dito sa bahay nina Lola Beling. Dahil gusto ko naman magmaneho ng sasakyan para magstroll-stroll lang dito sa lugar namin, kaya pumayag ako.Ilang minuto na akong naghihintay dito sa labas at Ilang beses ko ng tinatawag ang pangalan ni Lola pero wala pa ring sumasagot sa akin. Alam kong may tao sa loob kasi parang may nagsasalita. I'm not sure if it's from the tv or radio but seems like someone is listening or watching drama or maybe teleserye perhaps.I looked around to see if Lola's outside watering the plants or doing something but she's not there. Baka nga nasa loob lang ito at hindi narinig ang tawag ko sa kanya or baka naman nasa likod bahay. Nababagot

  • The Billionaire's Mistake   Chapter 46

    Warning:SPG————————————————————————"Aahhh..." hindi ko mapigilang mapaungol ng malakas dahil sa ginagawang pagpaparusa sa akin ni William.He's licking and eating my pussy from behind as my punishment for the five long years that I hide myself and my son from him. Mukhang ako pa ngayon ang may kasalanan sa kanya kung makapaningil siya sa akin. Pero iba naman ang klase ng parusa niya, nakakabaliw at nakakahibang.Tinotoo nga nito ang sinabi niyang utang ko sa kanyang limang bata at ngayon na hindi pa kami sigurado kung buntis na nga ba ako ay hindi niya talaga ako tinitigilan. Wala dito sa silid si Clark dahil doon ito natulog sa silid ng Lola at Lolo niya kaya heto si William nag-e-eat all you can na naman."Love...s-st-aaahhh,stop muna please..."Nanginginig na ang mga tuhod ko dahil kanina pa ako nakatuwad at siya naman ay walang sawang dinidinilaan ang pagkabababe ko mula sa aking likuran. Ilang posisyon na ang nagawa namin at ilang beses ko na ring narating ang rurok ng kaligaya

  • The Billionaire's Mistake   Chapter 45

    " Amethyst, a-anak, I'm sorry...p-please don't leave..."Lumakad ang mommy niya palapit sa amin pero agad akong tinago ni William sa likod niya. Nakita ko ang sakit na gumuhit sa mukha ng ginang dahil sa ginawa ni William na tila pinoprotektahan ako laban sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang dapat kong gawin ngayon ,aalis ba kami o pagbibigyan ang hiling ng Mommy niya? Inaamin ko, nasaktan ako sa ginawa ng mama niya kanina lalo't pati ang anak ko ay nasaktan din. I know how excited my son was. Last week pa itong nangungulit sa ama niya tungkol sa mga bagay-bagay dito sa hacienda at hindi namin inaasaha na ganito lang pala ang mangyayari. If I have known na masasaktan lang pala ang anak ko, mas maigi pa sigurong hindi na lang kami pumunta dito. Kung ako lang, ayos lang sa akin. Sanay na akong mahusgahan, but my son is an exception. He's too young for this. "Anak please...don't leave." muling pakiusap niya kay William.Nakikiusap din ang mga mata niyang tumingin sa akin at g

  • The Billionaire's Mistake   Chapter 44

    "How's everything here, Tita? Did I miss something?"Hindi sumagot ang mommy ni William pati ang daddy niya ay tahimik lang din pero tila wala namang pakialam si Charmagne sa reaksyon ng mga ito. Nagkaibit balikat pa ito na tila ba ayos lang sa kanya. It seems like she's really close to William's parents to act this way."Anthony, my baby, I miss you." malambing niyang bati kay William na ikinakunot naman ng noo na anak ko.Lalapit sana si Charmagne kay William para yumakap pero mabilis niyang naitaas ang kamay niya para pagilan ito. "Stay where you are, Charmage. I'm warning you." Mariing sabi niya dito pero tumawa lang ang babae sa kanya."Hey what's wrong? Is it bad to miss you? Para naman wala tayong past Anthony, nakakasakit ka ng damdamin." Pinalungkot niya pa ang kanyang boses at kunwarin nagpapahid na luha na akala niya siguro effective pero nagmumukha lang siyang baliw sa ginagawa niya."Why do you miss my Tatay?" hindi napigilang itanong ng anak ko. Pati ako ay nagulat dahil

  • The Billionaire's Mistake   Chapter 43

    "Tatay, Nanay, let's go! Why are taking too much time?"Kanina pa nangungulit at pabalik-balik si Clark sa labas ng banyo para madaliin kami ng Tatay niya dahil pupunta kami ngayong araw sa hacienda. Paano kami mapapabilis kung si William ay talagang hinintay lang na matapos maligo ang anak para pasukin ako sa loob. Nang tinanong ko siya kung naka-ayos na ba ang bata sinabi lang nitong si Lilet na daw ang bahala.Humirit pa ito ng isang beses sa loob kaya lalo kaming natagalan sa paliligo. Nakakahiya tuloy dahil ang lakas ng boses ni Clark. Hindi ko rin alam kung inutusan na naman ba ito nina Lilet at Ate Tess."W-William." mahina ko siyang tinampal sa balikat para patigilin siya sa pagsipsip sa utong ko habang ang isang kamay ay maingat na nagmamasahe sa aking pagkababae.Kinakalampag na ng bata ang pintuan ng banyo, paano ang tagal na namin dito sa loob. Ang quickie ni William ay isang oras na ata pero hindi pa ito nakuntento. Nakatapos na ito ng isang round at heto gusto pang mak

  • The Billionaire's Mistake   Chapter 42

    Warning: SPG.... hahaha sagaran na 'to. _____________________________"Okay son...we'll do..."Nagkatinginan kaming dalawa pagkatapos niyang kausapin ang bata. Pagtapos, walang sabi-sabi, agad niyang sinibasib ng halik ang mga labi ko, puno ng pananabik at tila uhaw na uhaw sa makamundong pagnanasa. Gusto kong magprotesta dahil pagod na ako pero ang katawan ko mismo ang tumatraydor sa akin. Isang halik lang mula kay William ay muli na namang nabuhay ang init sa aking katawan."L-love..." saway ko na ungol ang kinalabasan. "ohhh...uwi na t-tayo..." magkahalong pagtutol at pag-ungol ang lumabas sa aking bibig kaya napatawa ang gago. Bwesit gusto kong matunaw sa hiya. Napaghahalataan tuloy na tigang na tigang talaga ako. "Miss na miss kita, Love. Isa nalang please..." napapaos na sabi niya sa akin. Maypa-please please pang nalalaman e nakapwesto na nga siya sa harapan ko at nagsisimula ng paulanan ng halik ang aking pagkababae."Love!" kunwari protesta ko para makabawi sa hiya dahil

  • The Billionaire's Mistake   Chapter 41

    "...take me now, Love."My mind is hazy, nawawala na ako sa tamang huwisyo dahil sa nakakakiliting pagkiskis ni William sa dulo ng kahabaan niya sa akin. I know he's doing it in purpose. Talagang sinabay niya pa ang proposal niya habang nakakatutok ang alaga niya sa akin.He's teasing me. He really know my weakness. Alam na alam niyang kapag ginawa niya ang bagay na ito hindi ko siya mahihindian lalo na at pinainit niya muna ang buong katawan ko. Sinimulan niya munag buhayin ang apoy ng pagnanasa bago niya ako alukin ng kasal."Ahhh...William please..." I begged as if my life depended on it. I'm getting wilder and wilder. I'm in heat. Tuluyan na akong ginupo ng apoy ng pagnanasa at sabik na sabik ako sa kanya.I moved my hips forward again hanggang sa maramdaman ko ang dulo ng pagkalalaki niya na dahan-dahan pumasok sa aking bukana. Mariin akong napapapikit dahil sa kakaibang sarap na aking nararamdaman ng maramdaman ko ang mainit na balat at namimintig na ugat ng kanyang pagkalalaki

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status