PARANG pinatapos lang silang makaraos ni Matt, nang ganap na nilang marating ang climax ay siya ring pagtigil ng ulan. Hinalikan siya nito sa nuo saka isa-isang dinampot ang mga damit niyang nagkalat sa damuhan. “Magbihis ka na, sa bahay na natin gagawin iyong kasunod na rounds. Baka magkasakit tayo kapag dito ulit natin ginawa ang kasunod,” nakangising sabi nito sa kanya. “Hindi pa pala ito tapos?” Aniyang napaangat ang isang kilay. “Don’t tell me ayaw mo na?” Pilyong tanong nito. Namula ang mukha niya. Nahihiya siyang sumagot pero ang totoo ay hindi rin naman siya kuntento sa isa lang. Ewan ba niya kung bakit ganito ang pakiramdam niya kay Matt. Tinulangan siya nitong sumakay sa kabayo. Napayakap siya nang mahigpit nang simulan nitong patakbuhin ang kabayo. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Manang Terry nang dumating sila sa bahay, basing-basa ang mga damit nila. “Naku, magsipagligo na kayo. Diyos ko, kanina pa ako n
NAGULAT SI NATALIA nang marating nila ang climax ay bumaba si Matt sa pagitan ng kanyang mga hita at ipasok ang dila duon. Napahiyaw siya sa kakaibang sensasyong idinulot niyon sa kanya. Naglaro ang dila nito, ginalugad ang bawat sulok niyon. “Matt. . .” Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi, pakiramdam niya ay lalabasan na naman siya dahil sa ginagawang iyon ng lalaki. Maya-maya ay sinupskop nito ang tungkil niyon, tumirik ang kanyang mga mata sa sarap na inihatid niyon sa kanya. Waring nanunuot hanggang sa kaliit liitang himaymay ng kanyang katawan ang ginagawang iyon sa kanya ni Matt. “Lalabasan na ako,” sabi niya rito, pilit niyang inaalis ang ulo nito sa pagitan niya ngunit mas lalo nitong hinigpitan ang kapit sa kanyang balakang. Hindi na niya napigilan ang pagsabog ng kanyang katas sa bibig nito. Animo’y isa itong gutom na gutom na kinain ang lahat ng iyon. Ang daming bagong karanasan ang nadama niya sa isang araw lang
“NAKU naman Matt, ilang beses ko bang sasabihin sa iyong may pera pa naman ako. Sobra-sobra na iyong ibinibigay mo sa amin. . .” “Tanggapin nyo na po ‘yan, Manang Terry. Mas okay na iyong sobra kesa kulang,” nakangiting sabi ni Matt sa matanda, nang hindi iyon tanggapin ng babae ay pilit niya iyong isinuksok sa mga kamay nito, “Magagalit ako kapag hindi mo ito tinanggap.” “Bakit ba napakabait mo sa akin?” Napabuntong hiningang tanong ng matanda, saka tiningnan ito nang matiim, “Kaya gabi gabi, wala akong dasal kundi ang maging masaya ka at ilayo ka sa mga masasamang tao at mga sakuna.” Anang matanda sa lalaki. Napangiti lang si Matt sa tinurang iyon ng matanda. Nilingon siya ni Manang Terry, “Alagaan mong mabuti itong lalaking ito. Bantayan mo sa mga babaeng umaaligid,” pabirong sabi nito sa kanya. Tipid na ngiti lang ang itinugon niya ditto. “Sige ho, aalis na kami. Kayo na munang bahala rito.” Paalam ni Matt
“I LOVE YOU,” Bigla ay nasabi ni Natalia kay Matt pagkatapos nilang magtalik. Biglang napabalikwas si Matt, gulat na gulat na napatingin sa kanya, nakakunot ang nuo. “Alam mong hindi kasama sa usapan natin ang ganyan, hindi ba?” Sabi nito sa medyo galit na tono. “Hindi ako robot, Matt. Hindi ko ginustong maramdaman ito!” “Ngayon pa lang, sinasabi ko na saiyong wala kang aasahang pagmamahal mula sakin,” matabang na sabi nito sa kanya, tumayo ito at pumasok sa banyo. Ilang sandali pa ay naririnig na niya ang lagaslas ng tubig. Parang may matalas na bagay na gumuguhit sa kanyang dibdib habang inuulit sa isipan ang sinabi ni Matt. Hindi kasali sa usapan nila ang ma-involve ang kanilang mga damdamin? Ramdam niya ang pangingilid ng kanyang mga luha. Maski siya ay ilang beses niyang minura ang kanyang sarili dahil sa nararamdaman niyang ito kay Matt. Ngunit kahit anong gawin niyang pagpipigil, ewan kung bakit nakaramdam pa rin
AKMANG TATAKBO palabas ng mall si Girlie ngunit kaagad siyang nahawakan sa braso ni Dean. “Bitiwan mo ako kung ayaw mong simigaw ako ditto!” “Sa lahat ng ayoko iyong ginagago ako!” Galit na galit na sabi ni Dean kay Girlie, napangiwi si Girlie nang halos mapilipit na ang braso niyang hawak nito. “Pwede ba Dean, nasasaktan ako,” aniyang pilit na kumakawala sa pagkakahawak nito. Nangako siya kay Matt na hinding-hindi na siya makikipag-ugnayan pa kay Dean kapalit ng malaking halaga ng pera at hindi naman niya iyon sisirain lalo pa at pinagbantaan siya ni Matt na oras na sumira siya sa usapan ay ipakukulong siya nito. Alam niyang hindi nagsisinungaling sa kanya si Matt nang sabihin nito ang mga kabulastugang kinasasangkutan ni Dean at ayaw niyang madamay pa rito. “Bakit mo ako pinagtataguan?” Tanong nito sa kanya. “Obvious naman, hindi ba? Masama kang tao at ayokong masangkot sa mga illegal transactions mo!” Prangkang sabi niya rito.
“NAKAKASUKA ka,” galit na dinuraan ni Natalia sa mukha si Matt, iniisip pa lamang niyang pagkatapos nitong makipag-sex sa kanyang kapatid ay siya naman ang gusto nitong sipingan ay gusto ng bumaligtad ng sikmura niya. Pinahid lang ni Matt ng kamay nito ang dura niya saka waring na-trigger ito sa ginawa niya, kaagad siyang itinulak pahiga ng kama. Pinigilan niya ang pag-alpas ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung paano niya nagawang ibigin ang ganitong klase ng lalaki na wala namang pakiramdam basta mapagbigyan lang ang tawag ng katawan. Akmang hahalikan siya nito sa kanyang mga labi ngunit mabilis niya iyong iniiwas. Suklam na suklam siya. Pinunit ni Matt ang suot niyang damit, hindi siya nagpapakita ng kahit na anupamang emosyon dito. Ni hindi niya ipinahalatang naapektuhan siya nang hawakan nito ang maseselang bahagi ng kanyang katawan. Gumapang ang mga labi nito sa kanyang dibdib, paibaba sa kanyang pus
“SAAN MO DINALA SI GIRLIE?” Pinagpapalo ni Natalia ang dibdib ni Matt, “Hayup ka, napakasama mo talagang tao! Nakakadiri ka!” Sigaw niya rito ngunit hindi niya alam kung bakit kahit anong sabihin niyang pang-iinsulto ay hindi siya nito pinapansin kaya mas lalong naghuhumiyaw ang galit na nararamdaman niya para dito. Kinaiinisan rin niyang bigla na lamang nitong pinaalis ng mansion si Girlie na ni hindi man lamang niya alam kung saan ito dinala ng lalaki at ayaw naman nitong sabihin kung nasaan ang kapatid niya. “Napaniwala akong kahit pano may natitira pang kabutihan dyan sa puso mo. Na talagang tinulungan mo ako para hindi tuluyang mapariwara ang kapatid ko. Iyon pala, pareho mo lang kaming pinaglalaruan, hayup ka. Wala kang kasing sama!” Umiiyak na sigaw niya rito. Hindi nagsalita si Matt, sa halip ay isinara nito ang binabasang libro at lumabas ng library ngunit wala siyang balak na tigilan ito hangga’t hindi niya ito napapaamin kung nasaan a
KAARAWAN ng isang kilalang senador at isinama ni Matt si Natalia sa pagtitipong iyon. Binihisan siya ni Allyson ng isang kulay gold na gown. Isang simpleng blue sapphire earings at bracelet naman na nagkakahalaga raw ng thirty five million pesos ang ipinasuot nito sa kanya. Ang kanyang blue pumps na may mga sapphire na dekorasyon ay milyon rin daw ang halaga. Marami ng tao nang dumating sila ni Matt. Pagkalipas ng ilang minuto ay namataan niya ang pagdating ni Elena. Ang ganda rin nito sa suot na red gown. Pagkalalaki ng mga makikinang na diamonds na suot nito sa katawan. Pihadong hindi bababa sa isang daang milyon ang halaga ng mga iyon. Nakakalula. Parang lahat ng mga babae ay gustong magpatalbugan sa isa’t-isa. Iniwan siya saglit ni Matt sa isang sulok para kapulungin ang isang congressman. Nakakuha ng pagkakataon si Elena para malapitan siya. “Nakakatawang kahit san na lang magpunta si Matt, may bitbit na escort girl,” mapanuyang sabi
HABANG HINUHUBAD ni Matt ang suot niyang wedding gown ay titig na titig siya rito. Hindi pa rin niya mapaniwalaan na asawa na niya ito ngayong gabing ito. Asawang tunay hindi kagaya nang nauna nilang kasal na parehong hindi pa nila tiyak ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa. This time ay siguradong-sigurado na sila. Napapikit siya nang bumagsak ang suot niyang wedding gown sa sahig at titigan nito ng buong pagnanasa ang magandang hubog ng kanyang katawan. Saka nagmamadali nitong kinalas ang suot niyang bra at parang batang sinupsup ang kaliwang dibdib niya, habang ang isang kamay nito ay abala sa paghuhubad ng suot niyang panty. “Matt. . .” tawag niya ng buong pagmamahal sa pangalan nito, ang kanyang kamay ay malayang ginagalugad ang likuran nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka hinubad ang lahat nitong suot. Mas lalong nag-init ang kanyang buong katawan nang malantad ang waring hinulma na katawan ng asawa. Nangigil na napakagat labi siya ha
HABANG NAGLALAKAD patungo sa altar si Natalia ay hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang naiisip ang mga pinagdaanan niya para lamang makamit ang pag-ibig na pinakahahangad niya. Alam niyang hindi siya ganuon kadaling matatanggap ng buong pamilya ni Matt ngunit nangako sa kanya ang lalaki na kahit na anong mangyari ay ipaglalaban nito ang pag-ibig nito para sa kanya. Besides, wala naman na itong pakialam kahit itakwil pa ito ng pamilya, ang mahalaga ay magkasama silang dalawa. Kaya nga kahit si Dean lamang ang pamilya ni Matt na dumalo sa kasal nito ay itinuloy pa rin nila ang pag-iisang dibdib. This time ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan nila, harangan man sila ng sibat. Nakapagpaalam na rin si Matt sa lahat nitong mga empleyado. Ang lahat ng negosyo nito ay ibinenta na nito. Ang pamamahala sa negosyo ng pamilya ay tinanggihan na rin nito. Nakapagpasya na silang pagkatapos ng kanilang kasal ay sa isang isla sa Palawan
“FUCK NO!!!!” NAPABALIKWAS SI ELENA nang magising kinabukasan katabi ni Bamboo na hubot hubad, “Fuck no!” Pinangingilabutang sigaw niya habang unti-unting naalala ang namagitan sa kanila ng kanyang alalay nang nagdaang gabi. Parang siyang masusuka na di niya mawari. Paano nangyaring ibinigay niya ang kanyang sarili sa lalaking ito. “Ma’m?” Bumangon ito at tangkang lalapitan siya ngunit nandidiring tumakbo siya sa loob ng banyo at kinandado iyon, “Go away,” sigaw niya rito, “Lumayas ka na at ayokong makita pa ang pagmumukha mo.” “Ma’m mahal kita!” Dinig niyang sigaw ni Bamboo sa kanya. Tuluyan na siyang napasuka sa narinig. Iniisip pa lamang niyang makikipagrelasyon siya sa isang mababang uring gaya ni Bamboo ay pinangingilabutan na siya. Ano na lamang ang sasabihin ng mga kaibigan niya sa kanya? Tiyak na pagtatawanan siya ng mga ito kapag pumatol siya sa isang gaya ng lalaking ito? “Ma’m okay lang ho ba kayo?” Nag-aalalang tanong nit
“IKAW BA TALAGA ANG PINSAN KO NA SI MATT?” Natatawang tanong ni Dean sa lalaki habang pinapanuod itong waring gutom na gutom na nilalantakan ang dala nitong mga pagkain. Napapangiti lang si Natalia habang pinood ito. Nuon lamang niya nakitang kumain ng ganito karami si Matt. Napagod marahil ng husto sa paglilinis kaya napaparami ang kain. “And what about you? Ikaw ba talaga yan?” sagot ni Matt kay Dean, “Look at you, never ka pang nagging ganito sa ibang babae.” Napangisi si Dean, saka nagkibit ng balikat. Maya-maya ay sabay na nagkatawanan ang mga ito na waring nagkaunawaan na ang kanilang mga mata sa kung ano ang nagawa ng pag-ibig sa kanila. Kung nuon ay pareho sila ng paniniwalang isang kalokohan ang pag-ibig, ngayon ay pareho rin silang nagkakaganito ngayon nang dahil sa pag-ibig. “Pero tanggapin natin ang katotohanang ngayon lang tayo nagging ganito kasaya, hindi ba?” Sabi ni Dean. “I know,” masayang sagot naman ni
HINDI makapaniwala si Natalia habang tinititigan niya si Matt, kusang pumapatak ang kanyang mga luha sa mga naririnig mula sa lalaki. “Mahal mo rin ako? K-kailan mo pa naramdaman ‘yan?”Tanong niya rito. “I don’t know. Baka matagal na. . .hindi ko alam, pero kailangan pa bang malaman kung kelan? Ang mahalaga, mahal kita.”” Napakurap-kurap siya walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapaniwalaan na isang araw ay darating ang sandaling ito na napakatagal rin niyang hinintay. “I love you, Natalia.” “I love you too, Matt.” Punong-puno ng kaligayahang sabi niya rito. Wala na siguro siyang mahihiling pa ng mga sandaling yon. Wala talagang imposible sa taimtaim na nanalangin at nanampalataya. Ibinigay ng Diyos ang kanyang panalangin. Kailangan lang niyang maghintay ngunit worth it naman ang paghihintay niyang ito. Nang muling angkinin ni Matt ang kanyang mga labi ay buong pagmamahal niya iyong
RAMDAM NI MATT ANG matinding galit ni Natalia at hindi niya ito masisisi. Kahit naman sinong matinong babae ay magagalit sa mga ginawa niya rito and yet ramdam niya at nakikita niya sa mga mata nito na mahal pa rin siya nito kaya kahit ipinagtatabuyan siya nitong palayo ay nagpilit siyang yakapin ito. “Please get off me, ayaw na kitang makita pa!” sigaw nito sa kanya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang yakap rito saka siniil ito ng halik sa mga labi. Sa umpisa ay nanlalaban pa ito ngunit unti-unti ay bumigay na rin ito at nagpaubaya na sa kanyang mga labi na buong pagmamahal na inaangkin ang mga labi nito. Ramdam niyang tinugon na rin nito ng mainit at buong puso ang kanyang mga halik. Damn, si Natalia lamang ang babaeng kailangan niya at ito lamang ang makakapagpapuno sa emptiness na nararamdaman niya. Dinukot niya ang engagement ring at inilabas iyon, saka humiwalay rito para lumuhod sa harapan nito, “Will you marry me, Natalia?”
NANG MAGMULAT ng mga mata si Matt ay nasa loob siya ng ospital. Si Natalia kaagad ang kanyang hinanap. Nang di niya ito makita ay nagmamadali siyang tumayo. “Matt, saan ka pupunta?” Nag-aalalang tanong ni Elena sa kanya ngunit parang walang naririnig na tinawagan niya si Rigor para ipaalam ditto na pupuntahan nila si Natalia. “Natalia? Hindi mo na ba talaga makakalimutan ang babaeng iyon?” Yamot na sigaw ni Elena sa kanya ngunit di na lamang niya ito pinansin. Natatandaan na niya ang lahat. Mahal niya si Natalia. Hindi lamang katawan nito ang kailangan niya kundi ang kabuuan nito at ang lahat-lahat ditto. Naalala na niyang bago maganap ang aksidente ay nakapagdesisyon na siyang ibenta ang lahat ng kanyang mga negosyo. Nasabi na rin niya sa ama na hindi niya tatanggapin ang alok nitong pamahalaan ang kanilang negosyo at ipagkatiwala na lamang nito iyon sa iba. He was about to propose at nakapagplano na siyang pakasalang muli si Nata
“WHAT IS WITH HER, RIGOR?” Halos paanas lamang na tanong niya sa lalaki nang tanggapin niya mula rito ang iniabot nitong whisky sa kanya, “Bakit hindi sya mawala sa isipan ko?” “Sir, nang gabing mangyari ang aksidente, nanggaling ka sa bahay nila. Actually masayang-masaya ka ng araw na iyon. Nakapagpasya ka ng ibenta ang lahat ninyong mga negosyo at magretire sa isa sa mga isla na nabili ninyo. Hula ko, kung hindi nagkaroon ng emergency, nakatakda ka ng magpropose k-kay Natalia. May binili na kayong engagement ring para sa kanya, Sir.” Natigilan siya. “Sabi nyo pa nga, gusto ninyo siyang pakasalang muli sa simbahan.” Napakunot nuo siya. Wala siyang matandaan ni isa sa mga sinasabi nito. Siya, magreretire? Wala sa bukabularyo niya ang magretire lalo na ng ganito kaaga. Napangisi siya, “I guess masyado kang nagpapanood ng mga pelikula kaya kung anu-anong naiisip mo,” natatawang sabi niya kay Rigor. “May ambush interview
“MINSAN MAHIRAP basahin kung anong tumatakbo sa utak ng pinsan kong iyon kaya nga napakagaling nya pagdating sa pagnenegosyo,” sagot ni Dean kay Girlie, “Kaya di natin alam kung nagpapanggap na lang syang wala syang naalala ngayon.” “Kung anuman nasa utak nya, bahala sya basta sana tupdin ni Ate iyong pangako nya sa kanyang sarili na talagang kakalimutan na nya ang lalaking iyon,” sabi ni Girlie. “Madaling sabihin, mahirap gawin. Ilang beses kong sinubukang kalimutan ka pero di ko nagawa.” Napairap si Girlie kay Dean, “Iba naman iyong satin dahil pareho nating love ang isa’t-isa. But in Ate’s case, sya lang ang nagmamahal.” “I don’t think so. Palagay ko, nuong nagdesisyon si Matt na iwanan na ang lahat, gusto nan yang lumagay sa tahimik. And then the accident happened. At may palagay akong mahal nya si Natalia kaya gusto na nya ng tahimik ma buhay.” Natawa si Girlie, “Iyong lalaking iyon, magmamahal? Ewan ko lang pero kah