Ryan / Matthew's POVMay private jet ang Collins family na laging nakaantabay kung kailan ko ito gustong gamitin. Dahil may emergency, agad kong tinawagan si Brody na ihanda ang eroplano dahil aalis ako tonight papuntang Italy.“Are you sure you don’t want me to come with you?” Ang tanong ni Brody habang inihahanda na sa kanyang pre-flight procedures ang private plane.“No, stay here.” Tanggi ko. “You have to oversee the completion of our plans. Hindi pwedeng maantala ang grand opening ng kumpanya. Keep me posted.”And with that ay sumampa na ako sa eroplano na puno ng alalahanin sa aking isipan.Ang pagkakaalam ko kasi, kahit tumatanda na si papa ay hindi naman ito talagang sakitin. Maliban sa humihinang katawan dala ng katandaan, wala naman itong iniindang karamdaman.Hindi kaya sa sobrang pananabik nito sa kanyang apo ay hindi na ito nakapagpahinga nang maayos?Inayos ko ang pagkakaupo sa loob ng eroplano at isinandal ang back rest dahil alam kong medyo mahaba ang flight kahit pa h
Freslin's POVGumising ako nang maaga hoping to see my dad in the morning. Pero paglabas ko ng kwarto ay tahimik pa rin ang buong bahay maliban sa mahinang tunog ng orasan sa dingding.Alas singko ng umaga. Ganitong oras din kahapon nang madatnan ko sina mommy at daddy na naglalambingan sa may kusina.Hindi nila ako napansin, dahil kadalasan naman natutulog pa ako sa kwarto nang ganitong oras.Hawak-hawak ni daddy sa beywang si mommy at magkalapit ang kanilang mukha na nagbubulungan. Namumula ang mukha ni mommy na nakangiti. Paminsan-minsan ay kinukurot niya si daddy na nagkukunwari namang nasasaktan.I should not have disturbed them. But it was the first time I saw mommy so happy and relaxed. Also, I was curious about the inexplicable happiness that’s bursting inside me.So I approached and silently looked at them. The lights were still dimly lit, so it took time for them to notice that I was near them.I was already just an arm away from them. Pero sobrang busy nila sa isa’t-isa.Ku
Diana's POVWith Professor Berkeley’s unexpected visit, mas naging masaya ang araw namin ng anak ko. Pinangako kasi ni Ryan na ia-announce na niya ang engagement naming dalawa during the grand opening of Collins Industries.Dahil pinutol ko na ang ugnayan ko sa aking pamilya, ang mga Miller, yung mga naging close friends and mentors namin sa isla ang masasabing pamilya ko na lang sa ngayon.It’s great to have the professor as a witness to my engagement.“Magandang balita yan, Diana. Siguradong matutuwa yung mga elders doon sa isla kapag nalamang ikakasal ka na.”Then napa-buntong-hininga ito, “Alam ng marami sa isla kung gaano ka naghirap para lang mabuhay kayo ng anak mo. Mabuti at mabubuo na rin ang inyong pamilya.”Naramdaman kong parang may bumara sa lalamunan ko at agad namula ang gilid ng mata ko sa narinig. Saksi ang mga tao sa isla sa mga pinagdaanan ko para mabuhay lang kami ni Freslin.Buntis ako nang mapadpad sa isla. Ang dala naming tatlong daang libo ay naubos agad nang i
Ryan / Matthew's POVNang ipagbigay-alam sa akin ni Mr. Carlson na may bisita kami at may dala itong balita tungkol doon sa ‘miraculous pill’ na binanggit ni Dr. Jervins, agad akong nabuhayan ng loob.Sa living room ng manor, agad tumayo ang bisita nang makita akong dumating.Matangkad at may awra ng isang aristocrat ang bisitang lalaki. Siguro ay nasa singkwenta anyos ang edad nito. He flashed a friendly smile as he extended his right hand for a handshake.“Hello, Mr. Collins. I apologize for the unannounced visit, I’m Decker Emerett,” he said.I shook his hand and replied, “No, I’m glad you took the time to visit me. Please have a seat.”After the simple pleasantries, the man informed me of the purpose of his visit.“I heard from some channels that you were looking for a certain pill,” the man said. “I have that pill that you need.”Napatayo ako sa gulat at halos napalundag sa saya. Ang buong akala ko, may dala lamang na balita tungkol sa hinahanap kong gamot ang taong ito.Hindi ko
Diana's POVMula nang magka-usap kami ni Ryan kagabi, hindi na maalis sa isip ko ang pag-aalala, lalo na at mag-uumaga na at wala pa rin akong natatanggap na tawag mula sa kanya.Mabuti na lang at bago mag-tanghalian ay tumawag si Brody sa akin.“Kumusta na sina Ryan at ang kanyang ama?” Ang agad na tanong ko sa kanya.Napabuntung-hininga si Brody nang malalim bago nagsalita, “Ayon, pagod sa biyahe. Hindi sya nakatulog buong magdamag dahil sa pag-aalala sa kalagayan ni Master Collins. Pinainom ko muna ng sleeping pills nya, at nang makapagpahinga na.”“Si Master Collins naman ay nandito sa villa at mino-monitor ng mga doktor. Sadly, he’s still in a coma.”I sighed and made a promise inwardly to broach the idea of bringing Master Collins to the island when I get to talk to Ryan.“So, Diana… Are you ready for tomorrow?”Brody changed the topic when he felt the sorrow in my voice. I’m thankful for it though, a little bit of distraction is a big help during these trying times.“I am. Fres
Ryan / Matthew's POVI saw the pain, disappointment, and despair in Diana’s eyes. Her body was trembling as she stared at me with eyes full of tears.Parang pinipiga ang puso ko sa sakit na nadarama, pero kailangan kong tibayan ang aking damdamin dahil nakapag-desisyon na ako.Diana… Freslin… I'm so sorry!Sa tabi ni Diana, nakita ko ang ekspresyon ng mukha ni Freslin na hindi makapaniwala sa nangyayari.Tumingin sya sa umiiyak nyang ina, at sa akin na nasa entablado katabi ni Lisa. Nakita ko kung paano nagdilim ang mukha nito sa galit at mangiyak-ngiyak na dahil sa sama ng loob.“Daddy! You promised mom! You promised me, that you will not make her cry again. I hate you!”Parang akong sinuntok sa sikmura sa narinig na paratang ni Freslin. I opened my mouth to try pacifying him, pero parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Walang katagang lumalabas sa bibig ko.Desperation washed over me as I realized that if I let go of this chance to explain, I might forever lose Diana and Fresl
Tatlong buwan na rin buhat nang opisyal na magbukas ang Collins Industries sa Dumaran, Palawan. Sa okasyon ring ito ipinahayag ang engagement ng bilyonaryong si Matthew Ryan Collins sa pamosong artista na si Lisa Hues.Sa simula ay may usap-usapan na may kakatwang nangyari sa event na iyon. Ang sabi ay may isang babae na iniyakan nang husto ang kasunduan ng pagpapakasal ni Matthew kay Lisa.Pero, ang mas nakaka-intriga ay ang batang lalaking kasama nung babae na tinawag pang ‘Daddy’ si Mr. Collins.But for whatever reason, these rumors were extinguished the moment they surfaced in whatever medium, whether in print, social media, or TV.May mga nasampulan pa nga na mga reporter nang magtangka silang ibalita ang tungkol dito. Hanggang sa wala nang nangahas pang patunayan ang mga haka-hakang ito. At pagkalipas nang ilang buwan, nalimutan na ito ng marami.Pero hindi si Diana. Hindi niya makakalimutan ang sakit na dinulot ni Ryan nang gabing iyon. Maging ang batang si Freslin. Hindi nito
Diana's POVNaisip kong bumalik na lang sa isla pagkatapos ng pagtataksil ni Ryan sa akin. Pero pinigilan ako ng mga taong totoong nagmamahal sa akin at palaging nandyan para sa akin— sina Jade at Troy.Si Professor Berkeley naman na kinakatawan ang mga elders namin ni Freslin sa isla, ay abot-abot sa langit ang galit dahil sa ginawa ni Ryan sa aming mag-ina.Ginamit nya ang kanyang malawak na impluwensya sa academe para himukin ang lahat na huwag suportahan ang Northfield Educational System. Dahil sa panawagang ito, maraming guro ang nagpasyang mag-resign sa kanilang pwesto sa institusyon, kasama na ang dean ng Mathematics department ng Northfield na naging estudyante ni professor Berkeley noon.Hindi inaasahan ng Northfield na mapipilayan sila sa ganoong paraan. Ang mga gurong nagbitiw ay mga respetadong instructor sa iba’t-ibang aralin, at hindi madali na palitan silang lahat sa maikling panahon.Kabilang pa dyan ang negatibong epekto ng pag-urong ni Freslin na mag-aral sa kanila.
Ryan / Matthew's POVThe National Computer Conference? Hmm… Kung hindi ako nagkakamali ay para itong business expo ng mga bagong invention ng mga kilalang computer hardware and software manufacturers.Tampok din dito ang mga freelance designers na balak i-promote sa madla ang gawa nila.Kada dalawang taon ay may nagaganap na pagtitipon para ipahayag sa buong mundo ang mga innovations na may kinalaman sa mga computers.Bukod pa dito, mayroon ding nagaganap na mga paligsahan sa huling araw ng conference. Tatlong araw ang buong event at ang talagang dinudumog ay ang huling gabi kung saan nagtitipon-tipon ang mga magagaling sa computer hacking.May paligsahan sa pabilisan ng pag-decode ng isang computer system. Ang nakataya ay hindi lang ang karangalang maitanghal na pinakamagaling na hacker sa bansa, kung hindi pati na rin ang malaking premyo para sa kalahok na mananalo.Noong huling conference, ang pot money ay nasa P20 million na nilahukan ng mahigit isandaang hackers mula sa iba’t-iba
Diana's POVNagising ako na medyo masakit ang aking ulo. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa mga nangyari at the end of the event.Pagkatapos kasi akong maisayaw ni Ryan ay may binulong ito sa akin. Sa labis na gulat ko ay hindi ako naka-react kaagad. Ayun, naisuot na naman pala ulit ni Ryan ang jade bracelet sa kamay ko.Huli na nang mapansin ko at nakalayo na ito, bitbit ang nanggagalaiti na si Lisa. Literally, hinatak ito ni Ryan paalis ng venue, dahil kung hindi ay baka sinugod na ako nito sa stage dahil nag-aapoy na naman ang mga mata nito sa selos at galit.Sa totoo lang ay wala akong pakialam sa anumang isipin ni Lisa nang mga oras na iyon. Mas interesado ako sa sinabi ni Ryan bago siya umalis. Ano kaya ang ibig nyang sabihin?Habang nakahiga ako ay itinaas ko ang aking braso at pinagmasdan ang berdeng bracelet na nakasabit sa aking kamay. Kumikinang ito sa ganda at totoong bagay ang kulay nito sa aking balat.Ang sabi nya ay bigay ito ng kanyang ina bago ito n
Diana's POVClarissa was mildly surprised at Ryan’s request to dance with the person who donated the jade bracelet. Perhaps she was thinking that Ryan was so captivated by the jewelry and wanted to thank the person by offering to dance with her.But, I know for a fact that Ryan does not only know who owned the bracelet, he was also the one who actually gave it to me.The last thing I want is to dance with him! I nervously looked at Clarissa and prayed that she would refuse Ryan.Clarissa’s gaze went my way for a second. It might just be my imagination but I could swear she mouthed ‘I’m sorry’ to me before smiling mischievously at Ryan.“That can be arranged, Mr. Collins. That is, if you manage to win this last auctioned piece.”Napangiti si Ryan na puno ng kumpyansa. Kung pera lang ang usapan, may tatalo ba sa kanya sa Dumaran? Sumandal ito sa upuan nya at sumenyas na ipagpatuloy na ang naudlot na auction dahil sa anunsyo niya.Nakuha naman agad ni Clarissa ang ibig ipahiwatig ni Ryan
Diana's POVAnim na tao ang kasya sa bawat lamesa. Bukod sa aming apat nina Stephan, Ryan, at Lisa, nandoon din ang mag-asawang sina Dumas at Carol Klein. May-ari sila ng pinakamalaking sardine factory sa Pilipinas, ang kanilang pabrika, andito mismo sa Dumaran.Ang mga huling sariwang isda sa mayamang karagatan ng Palawan at West Philippine Sea ay agad pino-proseso dito at pagkatapos ay inililipad sa iba’t-ibang parte ng bansa. Bukod sa kanilang canning business ay may stake din ang mga Kleins sa paggawa ng mga sangkap sa pagluluto gaya ng toyo, suka, ketchup, oyster sauce, at marami pang iba.Nang maupo kami ay siniguro ni Stephan na mailayo ako sa side ni Ryan kaya naman katabi ko sa pag-upo si ginang Carol. Sa edad na halos singkwenta-anyos ay parang nasa late 30s lang ang hitsura nito. Siguradong maalaga ito sa katawan dahil healthy-looking, makinis, at animo’y kumikinang ang balat nito.Mabait din ito at palangiti. Kaya naman mabilis kaming nagkapalagayan ng loob. Naisip ko tulo
Ryan / Matthew's POVAs the CEO of Collins Holdings, kasama talaga sa responsibilidad ko ang dumalo sa mga importanteng social functions. Tulad ng charity auction ng House Ritz sa Century Hotel ngayong gabi.I would have preferred to go alone pero palaging nakabuntot sa akin si Lisa. Nang tinanggihan ko ito ay agad itong nag-drama sa harap ng aking ama.My father is still muddle-headed, akala pa rin nya na si Lisa ang perfect daughter-in-law nya. He has no recollection that I already have a son with Diana. And it’s difficult to go against his wishes lalo na’t mahina pa rin ang katawan nito.So, I had no choice but to bring Lisa to the auction as my date. But I had no intention of being seen interacting with her intimately.Kaya naman nang dumating na kami sa venue ay agad akong naghanap ng paraan to ditch her. I found some familiar business partners and approached them, then I told Lisa to find our table and wait for me there because I would be discussing confidential matters with som
Diana's POVNakasunod na pala sa likuran ko si Clarissa at narinig nito ang mga pinagsasabi ni Mathilda laban sa akin.“Okay ka lang, Diana?” nag-aalalang tanong nito sa akin.“Don’t worry, Clarissa. Okay lang ako.”Nang masigurong walang naging problema sa akin ay ibinaling ni Clarissa ang atensyon nya sa dalawang babae na sumugod sa akin kani-kanina lang.“House Ritz gave your families invitation, pero kayo ang ipinadala nila dito? Unbelievable! Didn’t your families tell you to behave when you come to my turf?”As expected of a young lady from a first-rate family, may kakaibang aura nga itong si Clarissa kapag nagsasalita. Sa loob ng room kanina ay malumanay ang kilos at pananalita nito. Akala ko ay ganito talaga ang natural demeanor nito sa lahat ng pagkakataon—soft-spoken na akala mo’y hindi makabasag- pinggan.Mali pala ako. Depende pala ito sa kaharap niya.Confronting the two brats, Clarissa displayed the true bearing of an elite member of the society. Standing straight, she ad
Diana's POVThe last person I want to encounter right now is Ryan, but here he is. Despite his frightening expression, I could not help but hold my breath.For a second, my mind blanked out and I didn’t know what to do.Mathilda was holding my right hand, and Ryan was holding the other one.Ang awkward ng situation ko. At bakit parang galit ito kay Lisa? Shouldn’t he be on his fiancée’s side?Also, bakit ang lagkit ng tingin nya sa akin? Hindi ko gustong magkaroon pa ang ibang tao ng idea tungkol sa aming dalawa.I’m certain na alam na ni Lisa ang tunay na ugnayan namin ni Ryan, na may nakaraan kami, considering that she is targeting me this way.I tried to pry my hand away from Ryan’s grasp, pero mahigpit ang pagkakahawak nya sa akin.“Lisa, didn’t I warn you not to bother Diana?” Ryan repeated his words, but this time his gaze was fully directed at Lisa.His eyes were cold and full of explosiveness, even I could feel na galit na galit siya. But why?Umiwas ng tingin si Lisa pero nag
Diana's POVI checked House Ritz’s charitable works on their website. They were mainly focused on giving scholarships to poor students and sponsoring talented youths in several artistic and literary fields like music, arts, and literature.Maraming mga iskolar ang House Ritz na napagtapos nito sa pamamagitan ng kanilang scholarships. Ang ilan nga sa mga ito ay nagkamit na ng hindi matatawarang katanyagan sa iba’t-ibang larangan sa buong mundo.Naisip ko na masusing pag-aralan ang kanilang mga pamamaraan para kung sakali mang maisakatuparan ko ang planong pagpapatayo ng sariling foundation para sa mga single moms and abandoned children, may ideya na ako kung paano ito gawin nang maayos.Tiningnan ko rin ang proseso ng mga nakaraang charitable auctions nila. Maaari palang mag-donate ng mamahaling gamit ang mga bisita para i-auction sa event. Ang proceeds na makukuha ay mapupunta sa funding ng House Ritz sa ilalim ng pangalan ng taong nag-donate ng gamit.May mga naitabi akong mga bagay
Diana's POVUmaayon ang lahat sa plano. Ito ang lumabas sa report na ibinigay ni Selena sa akin. Tatlong linggo na magmula nang mailipat sa pangalan ng Lumina ang ilan sa mga lupain na dating pagmamay-ari ng mga Collins.Ayon sa napagkasunduan, nakakuha ang Lumina ng mahigit sa sampung ektaryang lupa sa silangang bahagi ng Dumaran, specifically sa barangay ng Danleg.Pinili namin ang lugar na ito dahil sa malawak na beachfront nito na angkop sa plano naming pagpapatayo ng daungan in the future. Kapag nangyari ito ay didiretso na sa Danleg ang barko ni Mang Danny mula sa biyahe nito sa isla, imbis na dadaan pa sa main port ng Dumaran.Inaasahan namin na kapag tuluyan nang magiging 100% operational ang Lumina dito sa Danleg, dadami ang mga matang tututok sa aming aktibidad. Marami kaming lihim na operasyong gagawin kaya magpapatayo ang Lumina ng sarili nitong port para mapigilan ang mga may masasamang balak.Bukod pa dito, ang pribadong airstrip para sa private jets at helicopters ay ka