Pasensya na po ginabi ang update at iisa lang ito. Maghapon po kasing masama ang pakiramdam ko hanggang ngayon. Pinilit ko lang pong mag update kahit isa. Bawi na lang po ako bukas. Salamat at goodnight.
“Brandon, ikaw na muna ang bahalang magbantay kina Hivo at Bia. Naroon din naman si papa. Ihahatid ko muna sina Maya at Hope sa condo unit nila.” Kinarga ni Gavin si Hope na ngayon ay tulog na tulog na matapos nilang kumain at magkwentuhan sa may coffee shop. “Sige po, Sir Gavin. Paano po pala kap
[“Ah ‘yon ba? Walang anuman! Alam mo namang mahal na mahal ko kayong mag-asawa lalo na ngayon at magkakaroon na ulit ng bagong miyembro ng pamilya.”] Napakagat labi si Brandon. ‘Ikaw ang may sakit, ate…at hindi ako. Ang masaklap, walang gamot sa pagiging sinungaling, manggagamit at pagiging abusad
Dire-diretsong pumasok sa opisina ni Luke si Fitz. Inalis niya ang kaniyang sapatos at saka nahiga sa couch na animo'y nasa sarili niyang opisina. “Hey, bakit hindi mo man lang sinabing uuwi ka na pala? Sana nasundo kita sa airport,” aniya sabay kuha ng kaniyang cell phone sa kaniyang bulsa para mag
Madilim na ang kalangitan. Walang bituin o buwan na maaaring magsilbing liwanag ni Avva habang nagmamaneho. Tanging ilaw lamang mula sa kaniyang kotse ang gumagabay sa kaniya sa madilim na daan. Ang mga huni lang ng insekto ang siyang ingay na naririnig niya. Nagmamaneho siya patungo sa isang liblib
Dahan-dahang inilapag ni Gavin si Hope sa kama. Nang ibaba niya ito ay naupo siya sa tabi nito at pinagmasdan ang paslit. Himbing na himbing na si Hope dahil pagod na pagod ito matapos niyang ipasyal sa isang amusement park. “I want that cotton candy while we are playing, daddy!" wika ni Hope haba
Sumimangot si Gavin. “Ikaw na lang ang kakainin ko kapag hindi ko nakain mamaya ang luto mo," pabirong sabi niya. Napahinto sa paggagayat ng mga rekados si Maya. Binitiwan niya ang kutsilYo at saka hinarap si Gavin. Namewang siya. "Fine. Cook our food. I'm just kidding," Gavin said as he giggled.
“Maya." Ngumiti si Angelita kay Maya at malambing na hinawakan ang kamay nito. “Hija. Naisipan lang namin na dumalaw ng kapatid mo. Matagal-tagal ka na rin naming hindi nakikita. Kumusta ka na? Dito ka na pala nakatira sa renowned condo na ito," manghang turan niya. Tumaas ang kilay ni April nang
“Can you explain, Why?” Hinawakan rin ni Gavin ang kamay ni Maya. “I want to understand why are you acting like this, Maya.” Maya heaved a deep sigh and looked down. Nahihiya siyang aminin kay Gavin ang totoo, lalo pa’t magulo na ang buhay nila dahil kay Avva. Ayaw na niyang hilahin pa ito sa iba
“Maya?” Parehong napalingon sina Betina at Maya nang marinig ang boses na iyon. Umaliwalas ang mukha ni Maya nang makita si Gaia. “Gaia!” lumapit si Maya rito at yumakap. Si Gaia naman ay hindi maalis ang mga mata kay Betina. Kadarating lang niya at agad niyang hinanap si Maya upang makipagkwe
“May gusto ka bang kainin, Betina?” tanong ni Maya habang nagtitingin ng mga stocks sa fridge. Napairap si Betina. Nakatalikod si Maya sa kaniya kaya hindi nito nakikita ang ekspresyon niya. Tiningnan niya si Maya mula ulo hanggang paa at napangiwi. ‘Ito ba ang babaeng bumihag sa puso ni Gavin? S
“That is a once-a-lifetime wedding, of course, we should spend a lot of money on it!” giit ni Donya Conciana. “We can’t interfere with what the kids want,” giit naman ni Don Gilberto. “But Maya deserves to experience wonderful things, okay? Minsan lang mangyari ang kasal sa buhay ng isang baba
“Hindi ko rin alam, love eh. Kadarating lang nina lolo at lola no'ng kausap ko sina tito," tugon ni Maya. Hinawakan ni Gavin ang bewang ni Maya. “May problema ba?” Walang sumagot sa tanong niya. Tiningnan niya ng isa-isa ang naroon ngunit wala pa ring sumagot sa tanong niya. Napabuntong hininga na
“Ma’am?” Rinig na rinig ni Maya ang katok mula sa labas ng kuwarto nilang mag-asawa. Marahang inilapag ni Maya ang bunso niyang anak sa crib. Nang masigurong himbing na himbing na ang tulog nito saka pa siya nagtungo sa may pintuan. Binuksan niya ang pinto. “Bakit? Nand'yan na ba ang mga bata?”
“Gutom na yata ‘yan,” ani ni Maya saka inabot kay Gavin ang bote ng gatas. “Ikaw na ang bahala kay baby, ha? Magluluto na ako.” Hindi na nakaangal pa si Gavin kay Maya dahil kumaripas na ito patungong kusina at iniwan na sa kaniya ang pag-aalaga sa bunso nilang anak. Habang abala si Gavin sa pag-
“Are you sure na kaya mong gumalaw-galaw?” nag-aalalang tanong ni Gavin kay Maya. Bahagyang natawa si Maya sa reaksyon ng asawa. “Oh, please, my love! Hindi ko kayang humilata lang sa kuwarto. And the kids are asleep kaya wala akong gagawin.” “Paano kung mabinat ka?” kunot-noong sabi ni Gavin.
Nagkatinginan ang tatlong bata at sa isang iglap ay binitawan ng mga ito ang hawak na banner at mabilis na tumakbo papalapit sa ina. Sa bisig ni Maya ay nagsumiksik sina Hivo, Bia at Hope. Parang sasabog sa tuwa ang puso niya dahil ramdam na ramdam niya ang higpit ng yakap ng kaniyang mga anak. Ila
Sa Villa ng mga Thompson ay abala ang lahat sa paghahanda sa pagdating ng bagong miyembro ng pamilya. Inutusan ang mga kasambahay na maghanda ng kaunting pagkain samantalang ang tatlong bata naman ay abala sa pagkukulay sa ginawa nilang banner. Pinagmamasdan naman ni Donya Conciana at Don Gilberto a