Hii! In case if malito po kayo, ang scene na ito ay after makita ni Midel si Lorah. Happy reading!
"Ha?!" Naguluhan ang isang bata at hindi napansin ang babaeng lumapit sa kanila. Huli na upang mapansin niya ito dahil inatake na siya ng babae at hiniwa ang balikat niya. Malakas na napasigaw sa sakit ang bata at sinapo ang kan'yang balikat. "A-Aray! Ang sakit!" "Darius!" sigaw ni Nash nang dagli na lamang na tumakbo ang kan'yang kaibigan patungo sa bagong grupo. Inis siyang napaigting ng mga ngipin. Nilapitan niya rin ang bagong grupo at inignora ang nag-aalalang pagtawag sa kan'ya ni Ashy. "Nash! H-Huwag mo akong i-iwan!" "Layuan mo ang kaibigan ko!" Dumampot ng bato si Nash at kahit alam niyang maling manakit ay malakas niya itong hinampas sa likod ni Midel. Natumba ang babae ngunit hindi nito nabitawan ang patalim. "Tumakbo na kayo!" sigaw ni Darius sa apat na batang nagdadalawang-isip pang sinipat ang hindi kilalang babae. Nagdesisyon din silang tumakbo palayo at nilapitan sila Ashy na naihi na sa takot at napahikbi. "N-Nash, D-Darius!" pagtawag ni Ashy at hindi na napigilan
"Yey, magkagrupo tayo, Ashy, Art!" Napapalakpak sa tuwa si Lily at dumiretso na sila sa unahan. Apat sila sa grupo at si Bria ang pang-apat sa kanila."Hello!" Tipid itong kumaway at nakinig na sa nasa unahan. Natapos ang pagtatawag ng grupo at sinabi na ng babae ang gagawin."This a competition, kids. Importante kung sino ang mananalo dahil dito makikita kung sino ang mga magagaling. Pero huwag kayong mag-alala, mas nais pa rin namin na ma-enjoy n'yo ang tasks." Binasa ng babae ang papel sa clipboard niya. "So mayroon tayong limang level ng task. Ang unang level ay easy, second is normal, third is intermediate, fourth is hard and last level or the fight level is very hard. Magtutungo tayo sa Kalinga School dahil mas swak ang lugar doon. At nga pala, hindi n'yo na kailangang pumili ng leader." Naglakad palayo ang babae. "Let's go, kids. Pumunta na tayo sa school." DAHIL magkalayo ang grupo ni Ashy at Nash ay nagkahiwalay sila ng bus. Ilang minutong biyahe ang hinintay ng mga bago s
"Ibig-sabihin ay ang task 5 ay gagamitin ang buong school." Nagsitanguan sila Ashy sa sinabi ni Art. Samantala, ang lalaki naman ay binuksan ang hawak na manual at binasa ito."First task; take the trophy in the student's building, third floor, third room. Notes, don't read the second task if not done with the first task." Sinarado ni Art ang manual at at nirolyo pabalik ang mapa. "Kailangan nating pumunta sa student's building.""E 'di ano ang saysay ng pagtatago natin?" Napanguso si Lily ngunit nauna pa ring maglakad palayo. Hinabol siya ni Bria na umabresete sa kan'ya. Naiwan si Ashy at Art sa office. Akmang lalabas na rin si Ashy sa silid nang tinawag siya ni Art. Taka siyang pumihit paharap. Bumungad sa kan'ya si Art na walang emosyong nakatitig sa kan'ya."Bakit?" Kumurap-kurap si Ashy habang takang-taka. Hindi sumagot si Art at nilagpasan lamang ang babae. Napamaang si Ashy sa ikinilos ni Art at gulat na hinarap ito."A-Art..." Tumigil ang bata sa paghakbang nang tinawag siya n
Matagumpay na nakapasok sila Ashy, Lily, Bria, at Art sa building. Sinarado ng huli ang entrance nito upang siguruhin na walang makakapasok sa kanilang base."Nakakapagod iyon!" Bumuga ng hangin si Bria at nilapag ang hawak na trophy sa sahig. Pinatong niya ang kan'yang dalawang palad sa kan'yang dalawang tuhod. Sunod-sunod siyang huminga nang malalim at naglabas ng panyo. Pinunasan niya ang kan'yang pawis at pagod na sumandal sa pader. Si Lily naman ay naupo sa sahig at dito na nagpahinga. Samantala, si Ashy ay pinunasan ang pawis at humingang malalim. Bigla niyang naalala si Nash, iniisip niya kung nakatapos na rin kaya ang mga ito ng task 1."Tatlong minuto tayong magpapahinga." Nilabas ni Art ang manual at mapa. Nilatag niya itong dalawa sa sahig at tahimik na inaral. Saglit niyang sinulyapan si Ashy na inaantok na sumandal sa pader."Sa hallway patungong clinic ang next na location natin." Muling nirolyo ni Art ang mapa at binasa naman ang manual. Binigkas niya nang malakas at ma
"Patay sindi lang ang ilaw pero walang multo rito. Hindi ito hospital o isang eskwelahan na tinayo sa mismong dating sementeryo." Bumagal ang paglalakad ni art nang makita anf taong nakatayo sa dulo ng hallway. Nasa tapat ito ng pintuan kung nasaan anf clinic. Ilang metro mula sa clinic ay ang glass shelf na tinutukoy ng manual."Sandali..." Akmang lalapit na sila Art dito nang nagsalita si Lily na siyang nakatayo sa dulo. Marahan siyang ngumiti. "Patawad pero ang task 2 ng grupo namin ay kuhain ang trophy sa taong may hawak nito at pupunta sa hallway." Naglakad papalapit si Lily at inilahad niya ang kan'yang kamay sa paraan na hinihingi niya ang trophy na hawak ni Art."Hindi namin puwedeng ibigay sa iyo ito." Matalim ba tiningnan ni Art si Iily na napanguso."Pero kailangan ko talagang magawa anf task 2. Ikaw Asht? Gusto mo bang hindi makapasa ang grupo ni Nash sa task 2?""Huwag mong idamay si Ashy rito." Pumuwesto si Art sa harapan ni Ashy at mas matalim na tiningnan ang babaeng b
Napupuno ng bulaklak ang likod ng Kalinga School. Ang parting ito ay iba sa garden ng Kalinga."Ang gandaa!" Napalundag sa saya si Ashy at malayang tumakbo takbo sa malawak na lupain. May mga bench ang likuran ng school. May usa ring malaking track and field. Sa tabi ng track and field ay ang isang basketball court. May isa pang building sa malayo. Ngunit isang palapag lamang ito. At dahil sa glasswall nito ay nakita niyang isang malaming swimming pool ang nasa loob ng gusali."Ashy!" pagtawag ni Art nang mapansin na tumatagal na si Asht sa pagtingin sa malawak na tanawin. "Kailangan na nating bumalik.""Mmm, okay, Art!" Malawak na ngumiti si Ashy at patakbong nilapitan si Art. Tinangay ang kan'yang mahabang buhok na halatang malambot at inaalagaan. Napatigil si Art nang mapansin kung gaano kasaya ngayon si Ashy. Mayamaya ay tipid siyang ngumiti at sinalubong si Ashy ng isang yakap."Art?" Napanguso si Ashy nang mapansin ang mahigpit na pagkakayakap sa kan'ya ni Art. Kung alam niya la
"Si Lily ang unang nag-suggest. Sumunod lang ako sa gusto niya." Tinago ni Bria ang dalawa niyang nakuhang badge at nilapitan si Art na saktong natapos ang binabasang manual."Ano ang sunod nating gagawin, Art?""Hmmm..." Ibinaba ni Ary ang hawak na manual. He smiled meaningfully. "Ang pang-apat na task ay mang-agaw ng base.""Yes!" Nakangiting napasuntok sa hangin si Lily at nag-apir sila ni Bria. Si Ashy naman ay lumapit sa tatlo at nilingon si Bria."Hindi ba ay dalawa na ang nakuha mong badge mula sa isang grupo?"Tumango si Bria. "Gusto mo bang sabihin ay kumuha na lamang tayo ng isang badge sa grupong kukuhaan ko ng badge?""Mmm." Tumango si Ashy."Good idea!" Niyakap ni Bria si Ashy at natatawang ngumiti. "Ang galing mo talaga, Ashy! Ikaw ang the best!""Thumbs up, Ashy." Pinorma ni Lily ang kan'yang kamay patungo sa isang thumbs up. Binigyan niya nito si Ashy."Let's go, friends!" Parang superman na nilagay ni Bria ang kan'yang dalawang kamao sa kan'yang magkabilang bewang. Na
"Sumuko na lang kaya tayo?" suhestiyon ng batang nakahalukipkip at panaka-nakang napapatingin sa paligid. Napatingin ito sa direksyon nila Ashy kaya ang apat na bata at mabilis na nagtago at sumandal pader. Si Bria ay tinakpan ang kan'yang bibig upang pigilin ang sarili na tumili. Si Art ang nasa unahan nila na muling sumilip sa grupo. Wala na sa kanila ang mga mata ng batang babae na ngayon ay kausap ang batang lalaki na napatayo."Gawin na lang natin ang ibang task," wika nito at naglakad palayo. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ng mga miyembro niya ang pintong nakasara. Nang tuluyang makalayo ang kalabang grupo ay saka lumabas sklay Ashy, Art, Lily at Bria sa kanilang pinagtataguan."Muntik na!" Nakahinga nang maluwag si Bria at ngumisi at humalukipkip. "Akala ko ay malakas silang grupo, iyon ay hindi pala.""Sundan na natin sila. May plano ako." Inunahan ni Lily ang kan'yang mga kaibigan kaya walang magawang sumunod sa kan'ya sila Ashy. Nagtago sila sa isng basurahan nang makit
Mrs. Mauricia stood from her seat. Gayundin si Nero na napatingin kay Judas. Nagkatinginan ang dalawa at madilim na ngumiti si Nero habang si Judas ay nang-uuyam siyang nginitian. Shianna walked to them at lumapit kay Kael na nagbabasa ng diyaryo habang nakadekuwatro sa couch. Nilapag nito ang diyaryo sa kan'yang tabi at naglabas ng isang pakete ng sigarilyo. Kumuha siya ng isang yosi at sinindihan ito. The large had four long couches. Nasa front side si Kael at nasa left side naman si Nero at Mauricia. Across Kael's seat where were Shianna and Ivana were seated. Katabi naman ni Cayer si Judas on the right side.Isa-isa munang tiningnan ni Kael ang lahat bago nagsalita. Inilabas niya ang isang sealed plastic bag from his coat at ipinakita ito sa lahat. Kumunot ang noo ni Shianna nang makita ang itin na panyo. Sunod na inilabas ni Kael ang sealed bag na may strands of hair. "These two had matched. I did a DNA test and it's positive. It matched Violet.""So what to do with that black ha
Pinulot ni Judas ang evidences na nasa table at napahawak sa kan'yang baba nang pinagmasdan niya ang mga ito. Kumunot ang kan'yang noo at seryosong tiningnan si Shianna. "Saan niyo nakuha ang mga 'to? These papers" —sinulyapan niya ang mga papeles na nasa table, sunod ay ang larawan— "and these photos. Ebidensya ang lahat ng ito! Who owned these?" He licked his lips at napailing. Nilapag niya ang mga larawan at hinarap si Shianna na kay Ivana naman ang atensyon. Kinagat ni Ivana ang kan'yang labi at napabuntong-hininga. Diretso niyang tiningnan si Judas sa mga mata. "Ako ang kumuha ng mga litratong iyon at ng documents. I got those from Blanco Corporation na nasunog kanina lamang."Natahimik si Judas at sinulyapan si Cayer. Cayer was his mother's secretary. Although nagulat siya na makita itong kasama pa rin ni Shianna, wala naman dito ang atensyon niya. Wala rin siyang balak sabihin kay Harriet ang totoo. Mapapahamak lang si Shianna kung sakali."I'll be honest." Namulsa si Judas. "V
"Nagkasunog daw sa Blanco Corporation?"Napaangat ng tingin si Lorah matapos marinig ang sinabi ni Judas. Kasalukuyan siyang nasa kusina at nag-aalmusal. Alas-kuwatro pa lamang nang umaga ngunit nakaligo na siya at mag-aalmusal na lamang. Umupo si Judas sa metal chair sa harapan ng counter at nilingon si Lorah na parang walang narinig. Judas smirked. "I heard you have a meeting with Violet Fascis? Ano'ng pinag-usapan n'yo?""It's none of your business." Nagsalubong ang mga kilay ni Lorah at uminom ng malamig na tubig. Nilingon niya si Judas. "What the hell is happening to you? Pati ba naman meeting ko with Violet ay pinapakialaman mo.""That's because Violet Fascis is Sullian's cousin?" Kumunot ang noo ni Judas at sinulyapan ang kasambahay na naglagay ng breakfast sa harapan niya. "You know the Fascis reputation at tayo rin ang nag-lead ng laban against sa kanila. So you don't have reasons to talk with her—"Galit na ibinagsak ni Lorah ang kutsara sa counter at nagtitimpi na pinagmasd
Ivana covered her mouth. Napalingon siya sa pinto nang marinig ang sunod-sunod na yapak papalapit. Halos mapatili siya sa takot at dali-daling dinampot ang phone at pinatay ang tawag. Napalunok siya at nagtago sa gilid ng pinto. Ang pintig ng kan'yang puso ay rinig na rinig. Tumutulo ang pawis niya sa kan'yang leeg habang pinapakinggan ang yapak na nagtungo malapit sa pinto. Niyakap niya ang phone at taimtim na nagdasal na sana ay hindi pumasok si Violet sa silid.Pero parang hindi pa siya pinapatawad ng langit sa nagawa niyang kasalanan dahil mabagal na nagbukas ang pinto. Halos manigas si Ivana sa takot nang tuluyang bumukas ang pinto. Mas tinakpan niya ang bibig at tumigil sa paghinga. Titig na titig siya sa babaeng nasa harapan niya. Dahil nasa likod siya ng pinto, hindi pa siya nakikita ni Violet.Para kay Ivana, mas nakakatakot pa ang sitwasyong ito kaysa noong nalaman ng parents niya na kabit siya ni Dmitri. Ivana didn't know Violet. Ang mas kinakatakot niya ay kamag-anak ito n
Careful and slowly, Ivana got out of the office. Since Violet was using flashlight, hindi siya nahihirapang sundan ito. Ang tanging problema lang ay nahihirapan siyang mangapa sa dilim dahil ang daanan niya ay hindi na naiilawan.Violet used an elevator na siyang ikinahinto ni Ivana sa paglalakad. Using the other elevator, she opened it a little later. She waited for a bit and when it opened, nauuna na si Violet sa paglalakad. Hindi pa rin nito napapansin si Ivana na kanina pa nakasunod. Due to Ivana always escaping her parents kapag kailangan, nasanay na siyang kumilos nang halos walang nagagawang anumang ingay.Violet continued walking until she reached the end of an hallway which was the way to the backdoor. Nagtago si Ivana sa dilim nang lumingon si Violet sa kan'yang direksyon. Violet went outside. Nang makalabas ay saka sumilip si Ivana sa pinto. She saw Violet touching a wall. Mayamaya lamang ay isang tunog ng pagkaskas ang pumainlang nang ang bahagi nv dingding ay nag-slide pa
"Violet Fascis?" ang tanong ni Ivana matapos marinig ang sinabi ng kan'yang kapatid. Nakangusong tumango si Carolina at hinarap ang kan'yang ate."Yes. At after they talked, an announcement that Papa bought the Blanco Corporation was revealed. Knowing that kamag-anak ni Sullian ang dating C.E.O ng Blanco Corporation, tayo siyempre ang mapapasama. Para tayong mga supporter ng kriminal." Umirap si Carolina. "Gosh, gusto ko ns talagang lumayas sa pamilya na ito."Inis na nagdabog si Carolina at lumabas sa office ni Victor. Meanwhile, Ivana bit her lip at gumawa ng isang desisyon sa kan'yang isipan. Ten o'clock in the evening. Ivana was wearing black hat and black long trench coat. Nasa labas siya ng Blanco Corporation na sarado na ngayon. She had to be careful though, dahil naglilibot na ang mga guwardiya ngayong oras. Makakaabot sa kan'yang ama ang balita na nag-espiya siya kung siya'y sakaling mahuli siya.Aurelius family was the one of the most prestigious families. Although
Kumunot ang noo ni Ivana at hindi makapaniwalang tiningnan ang kan'yang kuya. "What the fuck you mean? Don't tell me, you like Shianna after all?"Frustrated na tumango si Vincent at naupo sa couch. Samantala, salubong naman ang kilay na kinagat ni Ivana ang kan'yang kuko. Her family was messed up. Her parents were part of the underworld tapos ito, Vincent had a fucking fake engagement with Freya. Katatapos pa nga lang ng issue ni Ivana with Dmitri tapos ito naman."Ah fuck." Hinagod ni Ivana ang kan'yang buhok at saktong dumating ang dad nila. Sunod na dumating si Allegra na mukhang galing pa sa party with her friends. May pink fur pa ito sa balikat na pinarisan ng white long halter dress. Sabay na naupo si Victor at Allegra at tinaasan si Vincent ng kilay."Dad," frustrated na wika ni V incent. "You know I am planning to buy a startup company. Bakit naman Blanco Corporation ang binili mo at biglaan pa? That company is not fit to us—""So ano ang gusto mong gawin ko, Vincent?" Sineny
She wasn't ready to tell Vincent and Carolina ang totoo. She would confront her parents first.Ivana looked up at the sky na makulimlim pa rin. Mapait siyang ngumiti. Why she felt something was going to happen? Ivana loved her family dearly, kahit hindi niya maramdaman ang pagmamahal mula dito. All this time, her parents forced her to become this perfect daughter na kahit sinumang tao ay hindi kakayanin. Ivana didn't desire the company anymore. Ang nais na lamang niya ay sumayaDahil nakakapagod ding maghangad ng bagay na hindi mo makukuha. At nakakapagod din na gawin ang mga bagay na hindi mo nais para lang sa iba. Pleasing people was exhausting. It was messing up her mind. Ivana didn't want to please anyone dahil in the end, wala ring mangyayari sa buhay niya.Pinunasan ni Ivana ang tumulong luha sa kan'yang pisngi. Nagpaalam na sila ni Dmitri kay Solei na nagpaalam na ring babalik sa trabaho."So what's your plan after this?" tanong ni Ivana matapos nilang makasakay ng kotse. Nilin
Awtomatikong napahawak si Ivana sa kamay ni Dmitri nang lumapit sa kanila si Solei. Kumakabog nang malakas ang kan'yang puso. Pero palihim na rin siyang naiiyak dahil kaharap niya ang babaeng naging kasalo niya kay Dmitri. Solei was the woman she hurt the most.Suminghap si Ivana at napakagat-labi. Pilit niyang binaling ang kan'yang paningin kay Solei na kalmanteng inilahad ang kan'yang palad. Napatitig si Ivana sa kamay ni Solei bago mabagal itong tinanggap. Nangilid ang kan'yang mga luha lalo na nang hinatak siya papayakap ng babae."I'm sorry," usal ni Ivana at niyakap pabalik si Solei. "I'm really, Solei. I should have never done that. I'm sorry. You don't deserve all what I've did."Lumuluha na si Ivana nang lumayo siya kay Solei. Akala niya ay wala lamang ito kay Solei dahil kanina pa ito tahimik, pero nang makita niya itong luhaan ay halos tumalon ang kan'yang puso. Mapait na ngumiti si Solei at sinulyapan si Dmitri."Gusto kong maging masaya at makalaya sa nakaraan, kaya as mu