Dumating ang araw ng birthday party ni Jasmine. Sa ngayon nga ay nakasakay sina Clarissa at Lilet sa sasakyan ni Ralf. Samantalang sina Rafa at Jasmine naman ay may sariling sasakyan. Papunta sila ngayon sa isa sa mga private beach resort na pagmamay-ari ng kaibigan ni Jasmine sa Lingayen, Pangasinan. Mabilis lang ang magiging biyahe nila dahil may sariling mga sasakyan, at wala namang masyadong traffic sa dadaanan nila... "Salamat sa pagsama ninyo sa amin, Clarissa at Lilet. Sa totoo lang ay nag-aalangan akong sumama dahil ayaw ko namang maging third wheel kina Rafa at Jasmine. Pero nang malaman ko na kasama pala kayo ay um-oo na agad ako." ang nasabi ni Ralf, habang nagda-drive ito. "Sa totoo lang ay nahihiya kami ni Lilet na sumama. Pero dahil nakiusap si Jasmine ay napa-oo na rin kami." ang turan naman ni Clarissa, habang nakaupo ito sa passenger's seat. "Sir Ralf baka gusto ninyo pong kumain ng "tupig." Masarap po ito, niluto at ipinabaon ng nanay ko para may makain po tayo
Wala nang ibang nagawa so Clarissa kung hindi ang pumayag sa suhestiyon ni Rafa."Gusto mo bang sumama sa amin, Bethany?" ang tanong niya sa kaibigan."Ah, kayo na lang dalawa ni Rafa ang tumuloy. Balak ko kasing mangolekta ng mga seashells para gawing kwintas o dekorasyon sa bahay." ang imporma ni Bethany kina Rafa at Clarissa.Isa sa mga libangan ni Bethany ay mangolekta ng mga kabibe dahil mahilig siyang magdisenyo at gumawa ng mga kwintas, pulseras, hikaw at iba pang palamuti gamit ang mga ito. Kitang-kita ni Clarissa ang excitement sa mukha ni Bethany habang nakatingin sa buhanginan ang kanyang kaibigan."Sige, magkita nalang tayo mamaya, Beth!" ang nasabi naman ni Rafa.Matapos noon at nagsimula nang magkakad-lakad sina Rafa at Clarissa sa dalampasigan. "I hope you don't mind me asking Clarissa, but what are your plans for the future?" nagsimulang magtanong si Rafa sa kanya.Hindi inaasahan ni Clarissa na ganoon kaseryoso ang itatanong nito sa kanya kaya naman medyo nagulat siy
Tandang-tanda pa niya lahat ng sinabi ni Rafa sa kanya... "I want to take my chances, so I'm taking a risk now, Clarissa. What I feel for you is not a simple crush or a mere attraction. I'm absolutely sure that what I feel for you is something pure, special and genuine. Minahal na kita agad, simula nung araw na yun nakita kita sa garden. Sa totoo lang ay matagal ko nang gustong sabihin sa'yo ang aking nararamdaman, at ito na qng pagkakataon para malaman mo kung gaano kita kamahal, Clarissa..."Matapos sabihin sa kanya ni Rafa ang totoo nitong nararamdaman, nakiusap siya sa lalaki na bigyan siya ng kaunting panahon upang makapag-isip. Nangako siya na kapag nakapagdesisyon siya ay muli niyang kakausapin si Rafa.Napatigil si Clarissa mula sa kanyang pagbabalik-tanaw nang marinig muli ang boses ni Rafa. "---That sounds fun! Puwede ba akong sumama at makipiyesta sa inyo?" ang nakangiting tanong nito."Oo, puwede naman... Mas maganda kung maraming dadalo sa piyesta." ang tugon naman ni C
Nagpakawala muna ng isang malalim na buntonghininga si Ralf bago siya muling nagsalita."Ang mahalaga ay ligtas ka na ngayon kasama ang baby... Teka, nasabi mo sa akin kanina na sinubukan mong kausapin ang dati mong kasintahan?" ang biglang niyang tanong.Tumango si Jasmine bilang tugon. "Oo. Naglakas loob akong tawagan siya. Nag-sorry siya Pero iyon na lamang ang nasabi niya dahil busy siya sa trabaho." ang imporma ng babae."Teka, nasaan ba siya ngayon?" ang nagagalit na tanong ulit ni Ralf. “Nasa Korea siya para sa isang International Conference para sa mga propesor. Ayokong istorbohin siya dahil sa katangahan at pagiging makasarili ko." Jasmine stated, while looking guilty. "But you have to talk to him sooner or later..." ang udyok ni Ralf kay Jasmine, habang hawak ang kamay niya. "Kasalanan ko ang lahat ng ito. Sana sa simula pa lang ay iniwasan ko na siya para hindi na nangyari ang lahat ng mga ito. Sana ay hindi ko nasaktan ang asawa at anak niya. Sana din ay hindi ako naka
"Anong ginagawa mo dito, Clarissa?" ang malamig na tanong ni Ralf sa kanya. Nanginginig si Clarissa habang nakatingin sa mga mata ni Ralf. Wala siyang nababanaag na kahit among ekspresyon sa mukha nito. Pero ramdam niya ang malamig na pakikitungo nito sa kanya... But she can't really blame him for behaving that way after what happened to his younger brother, Rafa. "Gusto ko lang sanang malaman ang kondisyon ni Rafa." ang kinakabahang sagot ni Clarissa. Samantala, nakakaramdam ng pagkaawa si Ralf Kay Clarissa, pero hindi Niya iyon ipinapahalata sa ina. Kitang-kita niya ang pag-aalala at pagsisisi sa buong mukha ni Clarissa, at nakikita rin Niya ang nanginginig nito. Alam niya na nasa state of shock pa ang babae dahil sa mga nangyari. Huminga ng malalim si Ralf bago nagpasyang magsalita muli. "The doctors has stabilized Rafa, but they said that he is not completely out of the woods yet. Kasalukuyan siyang nasa ICU at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Kaya naman patulo
"Pasensiya ka na sa mga nangyari, Clarissa. kung maibabalik ko lang sana ang oras..." ang nasabi ni Carl, habang punong-puno ito ng pagsisisi. "Kuya, huwag mong sisihin ang sarili mo. Katulad nga ng sinabi mo kanina, walang may gusto na naaksidente si Sir Rafa." ang malumanay na nasabi ni Clarissa. "Hindi natin maikakaila na may nagawa akong mali. Nag-aalala lamang ako sa'yo at kay tatay dahil hindi basta-bastang pamilya ang nabangga ko. Sa totoo lamang ay medyo kinakabahan ako dahil hindi natin alam kung ano ang iniisip ngayon ng pamilya Esquivel, ang pinakamakapangyarihan at pinakamayaman na pamilya dito sa ating bayan." bakas sa mukha ni Carl ang pangamba. "Ano ang iniisip mo ngayon, Kuya Carl?" ang biglang naitanong ni Clarissa. Tinitigan siya ng kanyang nakakatandang kapatid, habang seryoso ang mukha nito. "Kailangan nating makaalis ng San Carlos, Clarissa. At sa lalong madaling panahon. Kailangan nating makatakas mula sa pamilya Esquivel. Hindi na tayo dapat mag-aksaya ng or
Malapit na ang araw ng pag-alis nina Clarissa papuntang Maynila, kaya naman napapadalas ang pagbisita ni Bethany upang samahan ang kanyang kaibigan. Kasalukuyang nagkukwentuhan sina Clarissa at Bethany habang sila ay nagmemeryenda... "May itatanong sana ako sa'yo, Beth..." may biglang naalala si Clarissa. "Ano yun?" ang curious na tanong naman ni Beth. "May narinig ka bang balita tungkol sa kalagayan o kondisyon ni Rafa?" tanong ni Clarissa, dahil gusto niyang malaman kung ano na ang nangyari kay Rafa matapos ang malaking aksidente. Hindi niya ito madakaw sa ospital dahil naging mahigpit ang utos ni Donya Victoria sa mga security staff ng ospital na huwag siyang papasukin. Kaya naman hindi pa rin niya maiwasang ma-alala dahil wala talaga siyang kaalam-alam tungkol sa totoong kondisyon ng kanyang kaibigan. Kaya ang tanging pag-asa niya ay makakuha ng pinakabagong update mula kay Bethany, na nagtatrabaho pa rin bilang kasambahay sa mansion ng pamilya Esquivel. "Naku, ngayong nait
Makalipas ang ilang araw. Nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga si Clarissa, habang nakatingin sa mga kahon na puno ng kanilang gamit sa loob ng malaking truck. Simula sa araw na ito ay lilipat na sila sa ibang lugar, magsisumula ng panibagong buhay kasama ang kanyang pamilya. Mami-miss din niya ang lahat ng mga tao sa San Carlos. Maiiwan niya ang kalahati ng kanyang pagkatao sa lugar na kanyang kinalakihan. Nang makasakay na silang mag-anak sa truck ay tuluyan na itong umandar. Binigyan ng huling tingin ni Clarissa ang kanilang bahay, pagkatapos ay tumingin siya sa unahan sa kalsada, umaasa ng mas magandang buhay at magandang kinabukasan sa malaking lungsod ng Maynila... ================================= Mabilis na lumipas ang mahigit isang dekada. Biglang nakaramdam ng nostalgia si Clarissa nang makapasok siya sa loob ng kanilang bahay sa San Carlos. Napansin niya na halos walang nagbago sa kabuuan ng kanilang bahay. Napatigil siya sa pagmumuni-muni nang nakarinig si
The wedding renewal ceremony and the wedding reception is finally over.Rafael and Eliza are in their room, while reminiscing the years of their married life."We've been married for so many years, Eliza pero hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko sa'yo. Ako na ang pinakamaligayang lalaki sa mundo ngayon. Katulad nga ng nauna kong pangako sa'yo, I will support you and love you endlessly. I want you to remember that I'm here as your lover and your supporter. You don't have to call me everyday...You also don't have to remember our anniversaries, dates and birthdays... As long as I know that you love me as much as I love you, it's already enough for me. I couldn't ask for more..." Rafael ardently said to his wife.Eliza's love for this man is so overwhelming, and she couldn't control her emotions anymore. Tears started falling from her eyes while looking at Rafael, overflowing with love.She wouldn't be this happy if it wasn't for Lola Victorina's cupid antics. She is so lucky and glad
Makalipas ang sampung taon.Rafael and Eliza are having a big wedding ceremony for their renewal of vows, after ten years of marriage.As of the moment, they are now exchanging their vows..."I will always love you, support you, and care for you, even during your bad hair days, even on your monthly-you-know-what-it-is, and during your hormonal imbalance as well. I will stay by you through good times and bad times. I will never leave you nor forsake you. I will love you until the end of time, Eliza, my love..." Rafael was the first one to say his vows, much to everyone's laughter.Afterwards, it was Eliza's turn to say her vows."Rafael, my heart, body and soul are yours forever. I will laugh with you, scream with you, wrestle with you, have a debate with you, and the list goes on. Whatever you do, I will stay by your side, to infinity and beyond. I love you will all my heart and soul..." she said, as she was trying her best to control her tears...The priest nodded at them in return."
Makalipas ang ilang buwan.Busy naman ngayon sina Rafael at Eliza dahil sa paghahanda nila sa kanilang kasal.Sa ngayon nga ay kausap nila si Miss Charmaine, ang kanilang wedding planner.Magiliw itong nakikipag-usap sa kanila, kaya naman very comfortable sina Rafael at Eliza na sabihin ang kanilang mga plano..."Ano bang theme ang gusto mo, Eliza?" ang biglang tanong ni Rafael."Ang gusto ko Sana ay garden wedding.Gusto Kong maikasal sa malawak na garden sa Hacienda Esquivel." Eliza dreamily answered."Sounds like a good plan." ang pagsangayon naman ni Rafael."Pero kung may iba ka namang gusto ay okay din lang sa akin." ang nasabi naman ni Eliza."Don't worry about me, love. Alam kong espesyal para sa mga babae ang kanilang kasal and I want it to be memorable for you. That's why let's have a garden wedding." ang responde ni Rafael."Maraming salamat, love." ang tugon ni Eliza. Na-touch si Eliza sa sinabi ng binata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na papakasalan si
Tierra Alta Facility.Kasalukuyang nakikipagkuwentuhan si Eliza sa Isa sa mga in-patient sa Tierra Alta nang bigla siyang puntahan ng Isa sa mga staff at may binigay itong sobre sa kanya."First time mong makatanggap ng sulat, Eliza... Hindi kaya love letter iyan?" ang nakangiting biro ng staff sa kanya."Sus, imposible iyon. Pero salamat sa pagbibigay mo sa akin nito." ang pasalamat ni Eliza."Okay lang...O sige basahin mo na iyan at ako na ang bahala kay Erica." ang suhestiyon ng kasamahan."Salamat... Babawi na lang ako Mamaya." pasalamat naman ni Eliza.Nang makaalis na ang dalawa at saka naman Niya binuksan ang sulat. Nanlaki ang kanyang mga mata nang malaman Niya na galing kay Valeria ang sulat! Agad niyang binasa ang sulat sa kanya ni Valeria...Eliza, Siguro ay nagulat ka dahil nakatanggap ka ng sulat mula sa akin kahit na nagkaroon tayo ng hindi pagkakaunawaan noon. But I just want to apologize for being selfish. I guess, when you’re inlove with someone, hindi mo na alam ku
"Oh, Good morning, Eliza.” ang nakangiting bati sa kanya ni Valeria, habang inilagay nito ang perfectly cooked sunny side-up eggs, bacon, hotdogs and ham sa mga plato."Anong ginagawa mo dito, Valeria?" ang nagtitimping tanong ni Eliza."Well, as you can see, I am cooking breakfast." Valeria answered shortly. "Hindi ako bulag, Valeria. Sagutin mo ang tanong ko." ang naiinis na turan ni Eliza.But before Valeria could answer, they suddenly heard Rafael's voice."Good morning, Kailani."Bago pa makapagsalita si Eliza ay inunahan na siya ni Valeria."Good morning, Rafael! You just woke up at a perfect time because I just finished cooking breakfast for us. Alright, everyone! Breakfast is ready!” ang nakangiting anunsiyo ni Valeria.Samantala, kanina pa nanggagalaiti na sa inis si Eliza nang dahil kay Valeria.This woman is really getting into her nerves! ===============================Later that evening. Rafael has been pacing back in forth in the living room while feeling restless. H
Ngunit bigla din siyang napasimangot nang makita niya ang isang basket sa tabi ni Valeria. At kung hindi siya nagkakamali, pagkain din ang laman ng basket na iyon... At mukhang nabasa naman ni Rafael ang nasa isip niya.Mabilis siyang nag-isip ng paraan upang maiwasan ang galit ni Valeria."Ah! Tamang-tama lang ang dating mo, Eliza! Nagdala rin si Valeria ng pagkain... Pagsalo-saluhin natin ang mga pagkain na dala ninyo." ang suhestiyon ni Rafael. He is silently praying na sana ay huwag magkaroon ng gulo sa pagitan nina Eliza at Valeria.Bigla namang nagkatinginan sina Eliza at Valeria. Pigil-hiningang hinintay nina Rafael at ng mga obrero ang susunod na mangyayari sa pagitan nina Eliza at Valeria... Ngunit makalipas pa ang ilang minuto ay muling nagsalita si Valeria."Actually, pagsaluhan ninyo na lamang ang konting naihanda ko. Napadaan lang namin ako dito upang ihatid ang mga pagkain. Sana magustuhan ninyo ang niluto ko. And I have to go, Rafael. Kailangan ko kasing pumunta ng bay
Makalipas ang ilang sandali.Matapos makausap ni Rafael sina Tiyo Anton Tiya Violeta at matapos niyang makapagpaalam ay napagpasiyahan niyang hanapin si Eliza upang yayain na niya itong umuwi.Kanina pa niya hinahanap si Eliza, at hindi niya maiwasang mag-alala para sa dalaga...“I can still handle myself. I just want a glass of champagne!" bigla niyang narinig ang boses ni Eliza sa may di-kalayuan. Dali-dali niyang tinahak ang daan papunta sa lugar kung saan niya narinig ang boses ni Eliza. Nagulat siya nang makita niya si Eliza sa may poolside at kasama nito si Ryle. Nakita niya na pasuray-suray nang maglakad si Eliza, at nakaalalay naman dito si Ryle.Ngunit hindi niya nagustuhan ang paghawak ni Ryle sa dalaga dahil halos nakayakap na ito kay Ryle "Ryle! What the hell are you doing?” ang sita niya dito, habang naglalakad siya papunta sa mga ito. Daling-daling nilapitan ni Rafael ang dalawa at pilit na kinuha niyang hinila si Eliza mula sa lalaki."Hindi ba ikaw dapat ang tanungin
Masaya silang sinalubong ni Valeria, ang main host ng party...“Mabuti naman at pinaunlakan ninyo ang imbitasyon ko, Rafael and Eliza. Now the guests are complete.” ang masayang bati sa kanila ni Valeria.Ngunit napansin ni Eliza na na kay Rafael lamang ang atensyon nito.“Thank you for inviting us, Valeria.” Rafael thanked her.“Malalim ang pinagsamahan natin noon, Rafael. And besides, I'm glad Eliza is here as well. Mas maganda kung maipapakilala mo siya sa maraming tao bilang fiancé mo. This way, please.” ang tugon naman ni Valeria, ngunit hindi man lamang nito tinapunan ng tingin si Eliza.Nauna ito naglakad at nakasunod naman sila ni Valeria dito.“You could be a very good actress, Valeria. I know you don't like me for Rafael, but don`t worry. The feeling is mutual...” ang naiinis na bulong ni Eliza sa kanyang sarili.Makalipas pa ang ilang minuto ay narating na nila ang ang grandiosong dining room ng pamilya ni Eliza... Eliza saw a very long table ay nakita niya na marami ring b
Kinabukasan.Unti-unting iminulat ni Eliza ang kanyang mga mata. She lazily stared at the window. Nakita niya na mataas na ang araw...At katulad ng kanyang nakagawian ay naghilamos, nagsepilyo at nagbihis na si Eliza upang maging presentable siya sa harap ni Rafael.She is now slowly making her way towards the kitchen ngunit bigla din siyang napahinto nang makarinig siya ng isang boses ng babae..."I'm really glad to see you again, Rafael."Nagtago muna sa kalapit na dingding si Eliza at lihim siyang nakinig.May nakita siyang isang babae na nakaupo sa may sofa. Nakita niya ang maamong mukha ng babae. Actually, malaki ang pagkakahawig nito kay Iza Calzado. She has long, jet black hair. She also has an innocent face. Mukhang ito ang tipong babae na gugustuhing protektahan ng mga lalaki…“---Masaya din ako na makita ka, Valeria. Kumusta ka na?” narinig naman ni Eliza ang boses ni Rafael.Napanganga si Eliza nang marinig niya ang pangalan ni Valeria.“Siya pala si Valeria… She looks so b