CHAPTER THIRTY-NINE
GAEL'S POV
SAKTONG alas siyete ng gabi ay nakarating na kami sa mansyon, kanya-kanyang tungo kami sa sari-sarili naming silid upang magbihis.
Matapos kong magbihis ng pambahay na damit ay agad kong tinungo ang hagdan patungo sa kusina para kumuha ng tubig, nakalimutan ko kasing bilinan ang maids kanina na ubos na ang tubig ko sa kwarto.
Nadatnan ko sa kusina si Stephy ngunit inignora ko muna ito dahil sa uhaw na uhaw na ako, kinuha ko ang isang pitsel ng tubig sa ref. at kumuha ng baso para magsalin. Lumapit ako kay Stephy na ngayon ay seryosong pinagmamasdan ang bawat galaw ko.
"Handa na ba ang eroplanong sasakyan ko mamaya?" Tanong ko matapos lumagok ng isang basong tubig, habang hinihintay ang kanyang sagot ay muli akong nag salin at uminom.
"Ipinagbigay alam ko na po sa pilotong magiging kasama niyo sa byahe mamaya, Queen." Magalang na saad nito. Tumango naman a
CHAPTER FORTY GAEL'S POV AFTER that kiss ay napagpasyahan na naming bumaba at tumungo sa dining area na kung saan naroon ang mga kaibigan namin. Nadatnan namin ito na nag-aasaran at nagtatawanan kaya naman napapangiting lumapit kami ni Dace sa kanila. "Let's eat," I said with a smile on my face. Nagsimula ng kumain ang lahat kaya tunog na lamang ng mga kubyertos ang maririnig, nasanay na din kasi sila na walang mag-iingay tuwing nasa harap ng pagkain. Ilang sandali pa ay natapos na ang lahat, agad akong nag-abot ng tissue at marahang pinunasan ang gilid ng labi ko bago tumingin kay Stephy. "Handa na ba ang private plane na sasakyan ko mamaya?" Anas ko. "Maayos na po Queen, nasa likod na po iyon at mabusising tinitingnan ng pilotong makakasama niyo sa byahe." Magalang na saad nito na ikinatango ko lamang. Napagdesisyunan ko na pumanhik patungo sa akin
CHAPTER FORTY-ONE GAEL'S POV KASALUKUYAN akong nakaupo sa aking kama dito sa mansyon namin sa New Zealand. Kakatapos ko pa lamang ayusin ang ibang gamit na dala ko. Hindi ko kasi ito ipinaayos sa katulong dahil masyadong pribado ang mga gamit na ito. Inikot ko ang aing paningin sa buong silid. I miss this room. Sa paglibot ko ng aking mga mata ay nahagip ng aking tingin ang aking telepono. Agad na pumasok sa isip ko sina Dace. Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama bago tinungo ang mesa kung saan nakalagay ang aking telepono. Agad kong tinipa ang numero ni Dace na agad namang nag ring. Ilang saglit pa akong naghintay bago ito tuluyang nasagot. "What makes you so long to answer, Dace Kairon Hashton?" May halong inis na saad ko. "I'm in the bathroom, Hon." Malambing na saad nito. "Umuwi ba si Dad?" Tanong ko rito habang naglalakad patungo sa couch. "
CHAPTER FORTY-TWO GAEL'S POV I wake up at exactly five in the morning. Kailangan ko pang maghanda at mauna sa training ground para tingnan kung maayos na ang mga gamit na gagamitin namin sa pag-eensayo mamaya. Sandaling kinuha ko muna ang aking telepono upang tingnan kung may mensahe rito at hindi nga ako nagkamali. Stephy texted me that they're going to the university later. Batid kong ala una pa lamang ng umaga sa Pilipinas kaya mas pinili ko munang hindi mag reply sapagkat sigurado akong natutulog pa ang mga ito. Ipinuyod ko ang aking buhok at antok na tinungo ang banyo. Marahan akong naghilamos at kinuha ang toothbrush para linisin ang aking ngipin. Pagkatapos kong magmumog ay muli akong naghilamos at kumuha ng malinis na towel para punasan ang aking basang mukha. Muli akong lumabas ng banyo upang kumuha ng komportableng damit na aking susuotin na tugma sa gagawing traini
CHAPTER FORTY-THREEGAEL'S POVANG kaninang mainit na pagpapalitan ng bawat suntok at sipa ay mas lalo pang uminit, ang kaninang mabagal na paglalaban ay biglang bumilis.Lumapit ako sa abalang si Luke upang may ibulong."Luke, I'm going to do something, please monitor the training, I'll be back in a bit," I whispered, sandaling napatingin ito sa akin bago tumango at nagpatuloy sa kanyang ginagawang pagtapon ng mga armas.Nagsimula na akong maglakad papunta sa pinto ng mansyon upang tumungo sa aking silid. I need to figure out something, what's really the connection between Cassandra and the Black Society.Pagkarating na pagkarating ko sa aking kwarto ay agad kong kinuha at binuksan ang aking laptop. Nagtagal pa ng ilang minuto ang pagbubukas nito, agad kong binuksan ang aking gmail upang tingnan kung na send na ni Stephy ang pinapagawa ko sa kanya. Tiningnan ko rin kung mayroon bang e
CHAPTER FORTY-FOURGAEL'S POVNAGING mabilis ang paglipas ng araw. Panibagong umaga na naman ngayon at mayroon na namang training ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ako ang mag ma-manage. Kailangan ko pa kasing tukuyin kung sino o anong grupo kabilang ang lalaking nakita ko kanina.Nandito ako ngayon sa silid kung saan naroon ang mga computers at laptops na nagmomonitor ng mga security camera sa buong paligid, maging labas o loob man ng mansyon.Nagtataka na tiningnan ako ng tauhan ko na nagbabantay sa harap ng pinto, siguro ko ay nagulat lamang siya kung bakit ako nandito. Pagkapasok sa monitoring room ay agad akong lumapit sa lalaking ngayon ay nakautok sa monitor at mabusising pinapanood ang bawat pangyayari na nahuhuli o nahahagip ng security camera."Hey, can you do me a favor?" I approach him. Agad naman itong lumingon sa akin at bahagyang yumuko upang magpakita ng paggalang.
CHAPTER FORTY-FIVE GAEL'S POV NAALIMPUNGATAN ako dahil sa pagtawag sa aking pangalan. Bahagya kong kinusot ang aking mga mata bago ito paunti-unting binuksan. "We've now arrived at the Philippines, Queen." The man in front of me uttered. I nod at him before fixing my hair. Agad kong kinuha ang maliit na bag na dala ko na naglalaman ng aking cellphone at cards. Tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo at maingat na bumaba ng eroplano. Inalalayan naman ako ng aking tauhan hanggang sa ako'y makababa. Alas singko pa lamang ng umaga kaya naman bahagya pa akong napapapikit dahil as pagka-antok. Mabilis naman akong sinalubong ng ilan sa tauhan ni Dad na sumundo sa akin dito sa airline. Akmang sasakay na ako sa kotse ng biglang may tumawag sa aking cellphone. Pagod na kinuha ko ito sa aking bag at walang tinging sinagot ito. "Queen, we've already track Kai's location! H
CHAPTER FORTY-SIXGAEL'S POVAGAD akong bumaba pagkarating namin sa distenasyon kung nasaan ang headquarters ng Black society kung saan naroroon si Dace.Mabilis ko namang sinenyasan ang aking mga tauhan na maging alerto sa kanilang paligid. Kampante naman akong walang mamamatay sa mga tauhan ko dahil sa suot nila ngayon, maaaring magkaroon lamang sila ng sugat at magtamo ng konting pinsala sa kanilang katawan ngunit sigurado akong hindi naman ito magiging malala na aabot hanggang sa pagkawala ng kanilang hininga.Nagsimula akong maglakad patungo sa bukana ng headquarters kaya agad naman akong sinundan ng mga tauhan ko, ang iba ay humiwalay ng direksyon, ang iba ay sa kaliwang parte, ang iba ay sa kanan, ang iba ay patungo sa likuran ng headquarters na ito habang kami nina Wexan, Jayeib at ng mga empresses at ng iba pang natitirang tauhan ay nanatiling tinatahak ang daan patungo sa main door.
CHAPTER FORTY-SEVEN {AFTER 4 YEARS} DACE POV APAT na taon na ang nakakalipas magmula ng bumalik si Gael galing New Zealand. Masasabi kong naging malaking pagsubok ang naranasan namin simula noon pa man. But guess what? Graduation day na namin ngayon! Nandito ako sa bahay namin kasalukuyan akong inaayosan ni mom. Isang linggo na akong hindi natutulog sa mansyon ng mga Villamero dahil marami din akong inaasikaso. Months from now ako na ang mag mamanage ng company namin at ng restaurant ni mom. Kung tatanungin niyo kung anong nangyari sa apat na taon? Simple lang . Going strong parin kami ni Gael. May mga pagkakataong nag-aaway kami pero hindi kami natutulog na hindi kami nagbabati. At hindi niyo aakalaing mas marami sa away namin ay ako ang dahilan. Lagi kasing may mga lalaking lumalapit sakanya kaya hindi ko naiiiwasang mag selos kahit na alam kong pilit niy
EPILOGUE DACE'S POV ABALA ang lahat para sa malaking salo-salo na dinaluhan ng mga kilala at bigating mga tao. Ipinagdiriwang namin ngayon ang ikapitong kaarawan ng aking anak. Maging ang mga nakilala namin sa isla mahigit dalawang taon na ang nakalilipas ay nandito din dahil na rin sa kagustuhan ni Gael, maging ako ay nais ding narito sila dahil na rin sa tulong na kanilang ibinigay at ipinagka-loob sa amin nung mga panahong hinahanap namin si Karie. Karie is now a jolly girl, mas naging malapit siya sa mga batang nakatira sa isla kung saan siya dinala ni Cassy noon. Madaming nangyari sa loob ng mahigit dalawang taon. After that incident, mas lalong pinatahimik ni Gael ang mundo ng mafia. Ang mga tauhan niya ay isa-isa niyang binigyan ng parangal dahil sa labis na tulong na naibigay nito sa pamilya namin, lalong-lalo na sa pamilya nina Gael. Matapos ng pagbibigay ng parangal ay nagpasya n
CHAPTER SIXTY-THREE GAEL'S POV MAINGAT at walang ingay na naglakad ako patungo sa direksyon nina Cassandra at Karie, tinungo ko ang parte kung saan hindi niya masyadong mahahalata ang aking presensya. Maging ang mga tauhan ko ay naging maingat sa kanilang mga galaw habang isa-isang pinapatumba ang ilang tauhang kasama ni Cassandra. This crazy girl never learn, I already gave her a chance to live and continue her life but here she is now, meddling with my family. Naramdaman ko din ang pag sunod sa akin ni Dace mula sa likod. Unti-unti ng napapatumba ng kasamahan ko ang mga lalaking nakapalibot sa buong kweba. "I'm not going to let your mom live happily with you and your dad, your dad is supposed to be mine, I am the first girl in his life, I should be his last." Rinig kong wika ni Cassandra sa anak ko na naging dahilan upang mas lalong pumulahaw ang iyak nito. Pinagmasdan ko pa ang
CHAPTER SIXTY-TWO GAEL'S POV ILANG minuto pa ang itinagal namin sa dagat bago namin marating ang kabilang isla. Masyado ritong tahimik at bilang lamang ang mga bahay na makikita, hindi gaya sa islang pinanggalingan namin na mayroon ng mga itinayong establisyemento. Marami rin ang puno rito, kung titingnan ay nakakatakot manirahan sa lugar na gaya nito dahil na rin sa nasa gitna ito ng dagat at masyadong mapuno ang lugar. Maingat na nagsi-baba ang mga tauhan namin sa bangka, ilang bangka din ang ginamit namin upang makatawid lahat ng mga tauhan kong sasama sa paghahanap. Ang ilan namang tauhan na naiwan sa islang pinanggalingan namin ay binabantayan si Dad at maging ang dalagang nakasaksi sa pagkuha ng hindi pa kilanlan na babae sa aking anak. "Dace, can you tell them to wait for a while, I'll just going to discuss something." Sabi ko kay Dace sapagkat nauna itong nakababa ng bangka, samantalan
CHAPTER SIXTY-ONE GAEL'S POV KASALUKUYAN akong nakaupo sa isang silya sa loob ng isang restaurant, inaantay ko lamang si Dace sapagkat bumili ito ng maiinom. Matiim na pinagmasdan ko na lamang ang paligid. Ang bawat galaw ng mga tao sa paligid ko ay wala namang kahina-hinala kaya bahagyang kalmado ang pakiramdam ko. Matapos ng usapan namin ng mga tao ko sa van ay napagpasyahan na naming maghanda na lamang sa mangyayaring gulo mamaya. Sa totoo lang, I don't want war anymore, I don't want that someone will end their life just because of this war, but that woman reached my limit, whoever that woman is, I feel pity for her, she just messed with the wrong person. I will just not feel pity for them if they hurt my daughter. Nakarinig ako ng ingay ng pagbagsak ng kubyertos kaya naman napatingin ako sa aking harap at doon ay nakita ko ang isang dalaga na may dalang tray. Tiningnan ko ang sahig at
CHAPTER SIXTY GAEL'S POV PINAGMASDAN ko ang matanda na tumango-tango habang nakatingin sa litrato ng anak ko. Maging ang pag bukas ng bibig nito upang magsalita ay pinagmasdan ko. "Mukhang namumukhaan ko ang batang ito, iho." Saad nito na anging dahilan upang mas lalo kong itinutok ang aking atensyon sa kanya. "Saan niyo po siya nakita, manong?" Mabilis na tanong ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Sa naaalala ko ay may kasama itong babae nang mapadaan sila rito, kasalukuyan akong nag-aayos ng aking bangka noon ng mapadaan sila, umiiyak pa nga iyong bata habang hawak-hawak nung babae ngunit isinawalang bahala ko lamang iyon dahil akala ko ay pinapagalitan lamang ng babaeng iyon yung bata." Wika nito habang nakatingala pa, tila inaaalala nito ang pangyayaring nasaksihan niya kahapon. Bahagyang nanghina ang aking mga tuhod ngunit laking pasasalamat ko dahil hawak ako ni Dace sa bewang
CHAPTER FIFTY-NINE GAEL'S POV HINDI pa tuluyang sumisikat ang araw ay tumayo na ako mula sa pagkakahiga, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa labis na pag-aalala para sa anak ko. I stretched my body before walking through the bathroom. Agad akong naligo at nag toothbrush bago lumabas suot ang roba. Dumiretso ako sa cabinet at kumuha ng masusuot ko, isang shirt at beach short lamang ang kinuha ko para suotin dahil pupunta lang naman kami sa katabing isla para magtanong. Sinulyapan ko si Dace na natutulog pa ngayon, alam kong hindi ito nakatulog kanina dahil alam niyang pwede akong lumabas ng kwarto kapag natulog siyang gising pa ako. Muli akong bumalik sa cr at nagbihis na, matapos iyon ay nagtawag na lamang ako sa isang restaurant sa islang ito upang padalhan kami ng pagkain. Lumapit ako sa kama at kinuha ang aking telepono. Bahagyang niyugyog ko rin ang balikat ni Dace upang gisingin ito.
CHAPTER FIFTY-EIGHT GAEL'S POV SERYOSO ang mukha na ginagamot ni Dace ang munting sugat ko sa paa, at kahit na seryoso ito ay alam kong kinakabahan na rin ito para sa anak namin. He's just being calm para hindi ako mag panic. Nakatingin lamang ako sa kawalan at iniisip ang maaring lugar kung nasaan ang aking anak. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng hapdi ng lagyan ni Dace ng alcohol ang sugat ko ngunit hindi ko na yun ininda sapagkat mabilis na pumasok sa isip ko ang babae sa restaurant kanina. The woman who's holding a newspaper. Yung babaeng may hawak na dyaryo ngunit baliktad ang pagkakahawak nito. And also the woman who's looking for as from afar. Madaming posibilidad at haka-haka na sa isip ko dahil sa babaeng iyon na basta na lang sumagi sa isip ko. There is a possibility that Karie was in the hands of that woman. And I need to get my daughter back dahil sigurado akong labis ito
CHAPTER FIFTY-SEVENGAEL'S POVMATAPOS naming mag-agahan ay bumalik muna kami sa hotel room para magbihis ng panligo. Kasalukuyang tumatalon-talon si Karie dahil sa pagkasabik, kanina niya pa ako inuutusang bilisan ang aking galaw para raw makapag-swimming na siya. Si Dad naman ay nasa sarili niyang kuwarto. Sigurado akong nagbibihis na din ito dahil isa siya sa pinakagustong kasama ni Karie sa pag swimming.Napapailing na napatingin na lang ako sa anak ko na ngayon ay nakakalong na kay Dace at sinusumbong ako dahil daw sa napakatagal kong kumilos. Natatawang pinagmamasdan lamang ito ng aking asawa bago sumusulyap ng tingin sa akin.Kinuha ko sa maliit na kabinet ang isang pares ng two-piece at ang ipapatong ko ritong see-through na dress bago kinuha ang damit na ipapasuot ko kay Karie. Nang umikot ako paharap kina Dace ay nasalubong ko agad ang matalim na tingin nito maging ang pagtaas ng isa
CHAPTER FIFTY-SIXGAEL'S POVMAAGA akong nagising dahil inaabangan ko ang pagdating ni Dad, maaga daw kasi silang bumyahe papunta dito kaya naman maaga din silang makakarating dahil wala silang nadaanang traffic.Maingat na umalis ako sa kama dahil baka magising sa mahimbing na pagkakatulog ang dalawa. Madali pa namang magising tong si Karie."Hmm..." rinig kong anas ni Karie, kakasabi ko lang eh. Lumapit ako sa anak ko at bahagyang hinaplos ang kanyang buhok upang bumalik sa himbing ang pagkatulog nito.Hindi naglaon ay bumigat nang muli ang paghinga nito senyales na malalim na ulit ang kanyang tulog. Dumiretso ako sa bag namin at kumuha ng maisusuot na damit. Matapos makapili ng damit ay tumungo na ako sa banyo upang maligo. Naging mabilis lamang ang ginawa kong pagligo dahil may balak naman kaming mag swimming maya-maya oras na dumating na si Dad. Pagkalabas ko ng banyo ay nadatnan ko pa ding tu