CHAPTER THIRTY
DACE POV
NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na dumadampi sa mga paa ko akmang gagalaw ako ng maramdaman kung may kung anong nakadagan sa akin. Nang maimulat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Gael na nakaunan sa dibdib ko habang ang isang kamay ay nakayakap sa akin.
Napangiti ako ng makita kung gaano kaamo ang kanyang mukha. Para siyang anghel. Hinimas ko ang kanyang buhok na naging dahilan para gumalaw ito. Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata at tumingala sa akin. Nang mapagtantong naka unan siya sa dibdib ko ay nagsalita ito.
"Sorry," habang kinukusot kusot pa ang mata. Why so cute hon?
Nang akmang tatayo na ako ay naramdaman ko ang pag kirot ng ulo ko. Damn! Hangover.
Nakaupo na si Gael sa tabi ko at pinag mamasdan ang bawat galaw ko.
"Inom pa," saad nito habang nakatingin sa ‘kin. Imbis na ngumisi at matawa ay yumuko ako bago
CHAPTER THIRTY-ONEDACE POVASwe reached the mall we immediately go to the 3rd floor to watch a cinema. I was holding Gael's hand. Habang nasa likod naman namin sina Jayeib at Wexan kasama din nila sina Rosalie at Stephy. Bumili agad kami ng ticket para sa panonoorin naming movie. Romance ang genre nung story na pinili nung mga girls kaya kahit action ang gusto namin mas pinili nalang namin kung ano ang gusto ng mga babae naming kasama. Happy ending naman ang naging katapusan ng story.Buong panonood namin ay naka sandal lang sa dibdib ko si Gael habang ako naman ay naka-akbay lang sa kanya. Seryosong-seryoso siya sa panonood kanina kaya hindi ko na lang inistorbo, baka kung ano pang maibato nito sa akin dahil sa abalang-abala siya na nakatutok sa telebisyon. Pagkalabas ng sinehan ay kanya-kanyang kwentuhan tungkol sa napanood, nag-asaran pa nga sina Jayeib, Wexan kasama na rin an
CHAPTER THIRTY-TWO DACE POV "D-dace?" Lahat kaming nasa mesa ay napatingin sa kung sino mang tumawag sa pangalan ko. Nasa likod namin ito ni Gael. "C-cassy" mahinang usal ko. Naramdaman ko naman kung paano hinablot ni Gael ang kaliwang kamay niya na kanina'y hawak ko. "H-hon," namumungay kong saad habang nakatingin kay Gael. Kita ko kung paano nangilid ang luha sa kanyang mata. "C-comfort room." pormal na paalan ni Gael ngunit hindi parin naiwasang manginig ang boses. Nang makatayo si Gael ay susundan ko na sana siya ng biglang "Dace can we talk?" sambit ng babaeng kanina'y pumutol sa tawanan namin. "Ahmm Kai we'll just follow Queen." paalam nina Stephy bago binalingan ang kanilang manliligaw. Nang magsimula ng maglakad ang dalawang empress ay tinignan ko naman sina Wexan na nakatingin din saakin bago ako tinanguan. Nang ako nalang at si Cassandra ang na
CHAPTER THIRTY-THREE JAYEIB'S POV WEEKShad past na ni anino ni Queen ay hindi namin nasilayan. Wala akong makitang impormasyon kung nasaan siya gayong saming tatlo ako ang magaling sa pag track. Hindi kami nakakatanggap ni isang impormasyon tungkol kay Gael. AT kung si Dace naman ang iniisip niyo? masasabi kong kaawa awa siya. Maghapong iinom at tanging bukang bibig ay ang pangalan ni Gael. "Dace enough. Akala mo ba matutuwa si Gael kung ganyan nalang lagi ang ginagawa mo?" sermon ni Wexan sa umiinom na naman naming leader. "Bakit ako iniwan ni Gael. Sabihin niyo nga Jayeib hindi ba ako karapat dapat mahalin?" emosyonal na sabi nito. Kung sa ibang pagkakataon sana ay magagawa ko pang tumawa pero hindi sa mga oras na ito. Awa yan ang nararamdaman ko. Awang awa na ako sa kaibigan ko. Sa mga araw na nagdaan ay lagi na kaming nandito sa condo unit ni Dace dahil nakakahiya kung dun pa
CHAPTER THIRTY FOUR GAEL'S POV TWO WEEKShad past at nandito na ako sa NAIA. Oo nakauwi na ako ngunit walang kahit sinong nakakaalam nun kahit pa si Dad. Dumiretso ako sa condo para kunin ang kotse doon ni Dace na ginamit ko noong nakaraan. Nasa university ngayon sina Dace kaya ayos lang na umuwi ako ng mansyon ng hindi nila nakikita. After an hour ay nakarating na ako sa mansyon. Kita ko ang mga bodyguard na pakalat kalat sa palibot ng mansyon. Nang madetect ng camera sa gate ang sasakyan na sinasakyan ko ay agad itong bumukas. Kita ang gulat sa mukha ng mga guard at kasambahay ng makita nila akong sakay ng kotse dahil narin nakababa ang bintana sa driver seat. "Good afternoon Young lady," isa-isang bati ng mga kasambahay pagpasok ko palang ng double door. "Good afternoon," bati ko pabalik. "Don't tell Dace and his friends that I arrived already." dagdag ko pa bago nagtungo
CHAPTER THIRTY-FIVE GAEL’S POV ILANG linggo pa ang dumaan mula ng makauwi ako sa Pilipinas. Ngayon ay patungo kami sa headquarters ng Villamero clan para pag-usapan ang tungkol sa bagong grupo ng mga Mafia na bigla na lamang nagsilitawan. Akala ko ay huli na yung sa mga Takahashi clan, hindi pa rin pala. Sa loob ng ilang linggo lagi kong napapansin na may nakasunod sa bawat lakad namin ni Dace, at hindi ako magkakamaling sabihin na kilala ko kung sino iyon. “Hon, let’s go!” Sigaw ni Dace na ngayon ay nasa labas na ng pinto ng passenger seat. Agad ko namang inalis sa isip ko ang kanina lamang na gumugulo dito at nakangiting tumingin kay Dace. “Thank you.” Saad ko ng alalayan ako nitong makababa. Ilang sandali pa ay may narinig kaming pagtikhim. Nilingon ko ang mga ito at aking nakita ang grupo ng mga gangster empresses at maging sina Wexan at Jayeib na ngayon ay nasa tabi ni Stephy at R
CHAPTER THIRTY-SIX GAEL’S POV MAAGA akong nagising dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Bahagya pa akong nagtaka kung bakit nandito na ako sa aking silid gayong ang alam ko ay nasa sasakyan pa ako. Pilit kong iminulat ang aking mga mata bago tiningnan ang orasan sa gilid ng aking kama. Nag-iinat na bumangon ako mula sa pagkakahiga upang maglakad patungo sa bintana upang makita kung saan nanggagaling ang ingay. Agad na dumaan ang kaba sa aking sistema ng makita ko na may isang tauhan na nakahandusay sa may bandang labas ng mansyon. Lakad-takbong tinungo ko ang daan palabas ng aking silid at seryosong tinawid ang distansya sa pagitan ng silid at ng gate ng mansyon. Agad kong nilapitan ang tauhan kong nakahandusay ngunit agad akong nanlumo ng makitang wala na itong buhay. Ngunit agad na napansin ko ang isang papel na may bahid ng dugo na nakalagay sa may bandang kamay ng tauhan ko.
CHAPTER THIRTY-SEVEN GAEL'S POV PAGKATAPOS ng pag-uusap namin sa secret room ay inaya ko na sila upang magtungo sa cafeteria. Naglalakad kami sa field ng marinig ko ang pinag-uusapan ng ibang estudyante. "She's so feeling close, kung makakapit kay Kai ay akala mo siya ang girlfriend." I heard one of the students said. Ang mabagal na paglalakad ko kanina ay bahagya kong binilisan, madaming estudyante na din ang napapalingon sa akin ngunit hinayaan ko na lamang ito, mabilis na tinahak ko ang daan patungo sa cafeteria. Nasa entrance pa lamang ako ay narinig ko na ang isang matinis na boses ng isang babae. "Dace, samahan mo na kasi ako mamaya, we're going to the mall, I'm just going to buy some clothes." Parang batang pamimilit nito kay Dace na ngayon ay nakakunot ang noo, at halata sa nakabusangot nitong mukha ang inis at pagkairita. Napangiti naman ako dahil dito kaya mabagal
CHAPTER THIRTY-EIGHT GAEL'S POV PAGKARATING ko sa office ni Dad ay agad akong kumatok sa pinto bago ko ito tuluyang buksan. Nadatnan ko si Dad na nakaupo sa kanyang swivel chair habang may hawak na papeles sa kanyang kanang kamay. "Pinatawag mo daw ako." Seryoso ngunit bakas ang paggalang na sambit ko. "Hi, Princess. Just wanna tell you about something." He said while flashing a bright smile on his lips. "About what?" "Alam kong may alam ka na kung sino ang kaaway mong grupo ngayon hindi ba?" He asks seriously while looking at me. Nangunot naman ang aking noo dahil doon. How did he know? "How did you know?" Nagtatakang tanong ko at naupo sa upuang nasa harap ng kanyang mesa. "I have lots of eyes in this university, my princess, at alam kong alam mo na nasa loob ng unibersidad na ito ang kaaway mo." "I'm still in the process of investigating dad, pero sa mga galaw n
EPILOGUE DACE'S POV ABALA ang lahat para sa malaking salo-salo na dinaluhan ng mga kilala at bigating mga tao. Ipinagdiriwang namin ngayon ang ikapitong kaarawan ng aking anak. Maging ang mga nakilala namin sa isla mahigit dalawang taon na ang nakalilipas ay nandito din dahil na rin sa kagustuhan ni Gael, maging ako ay nais ding narito sila dahil na rin sa tulong na kanilang ibinigay at ipinagka-loob sa amin nung mga panahong hinahanap namin si Karie. Karie is now a jolly girl, mas naging malapit siya sa mga batang nakatira sa isla kung saan siya dinala ni Cassy noon. Madaming nangyari sa loob ng mahigit dalawang taon. After that incident, mas lalong pinatahimik ni Gael ang mundo ng mafia. Ang mga tauhan niya ay isa-isa niyang binigyan ng parangal dahil sa labis na tulong na naibigay nito sa pamilya namin, lalong-lalo na sa pamilya nina Gael. Matapos ng pagbibigay ng parangal ay nagpasya n
CHAPTER SIXTY-THREE GAEL'S POV MAINGAT at walang ingay na naglakad ako patungo sa direksyon nina Cassandra at Karie, tinungo ko ang parte kung saan hindi niya masyadong mahahalata ang aking presensya. Maging ang mga tauhan ko ay naging maingat sa kanilang mga galaw habang isa-isang pinapatumba ang ilang tauhang kasama ni Cassandra. This crazy girl never learn, I already gave her a chance to live and continue her life but here she is now, meddling with my family. Naramdaman ko din ang pag sunod sa akin ni Dace mula sa likod. Unti-unti ng napapatumba ng kasamahan ko ang mga lalaking nakapalibot sa buong kweba. "I'm not going to let your mom live happily with you and your dad, your dad is supposed to be mine, I am the first girl in his life, I should be his last." Rinig kong wika ni Cassandra sa anak ko na naging dahilan upang mas lalong pumulahaw ang iyak nito. Pinagmasdan ko pa ang
CHAPTER SIXTY-TWO GAEL'S POV ILANG minuto pa ang itinagal namin sa dagat bago namin marating ang kabilang isla. Masyado ritong tahimik at bilang lamang ang mga bahay na makikita, hindi gaya sa islang pinanggalingan namin na mayroon ng mga itinayong establisyemento. Marami rin ang puno rito, kung titingnan ay nakakatakot manirahan sa lugar na gaya nito dahil na rin sa nasa gitna ito ng dagat at masyadong mapuno ang lugar. Maingat na nagsi-baba ang mga tauhan namin sa bangka, ilang bangka din ang ginamit namin upang makatawid lahat ng mga tauhan kong sasama sa paghahanap. Ang ilan namang tauhan na naiwan sa islang pinanggalingan namin ay binabantayan si Dad at maging ang dalagang nakasaksi sa pagkuha ng hindi pa kilanlan na babae sa aking anak. "Dace, can you tell them to wait for a while, I'll just going to discuss something." Sabi ko kay Dace sapagkat nauna itong nakababa ng bangka, samantalan
CHAPTER SIXTY-ONE GAEL'S POV KASALUKUYAN akong nakaupo sa isang silya sa loob ng isang restaurant, inaantay ko lamang si Dace sapagkat bumili ito ng maiinom. Matiim na pinagmasdan ko na lamang ang paligid. Ang bawat galaw ng mga tao sa paligid ko ay wala namang kahina-hinala kaya bahagyang kalmado ang pakiramdam ko. Matapos ng usapan namin ng mga tao ko sa van ay napagpasyahan na naming maghanda na lamang sa mangyayaring gulo mamaya. Sa totoo lang, I don't want war anymore, I don't want that someone will end their life just because of this war, but that woman reached my limit, whoever that woman is, I feel pity for her, she just messed with the wrong person. I will just not feel pity for them if they hurt my daughter. Nakarinig ako ng ingay ng pagbagsak ng kubyertos kaya naman napatingin ako sa aking harap at doon ay nakita ko ang isang dalaga na may dalang tray. Tiningnan ko ang sahig at
CHAPTER SIXTY GAEL'S POV PINAGMASDAN ko ang matanda na tumango-tango habang nakatingin sa litrato ng anak ko. Maging ang pag bukas ng bibig nito upang magsalita ay pinagmasdan ko. "Mukhang namumukhaan ko ang batang ito, iho." Saad nito na anging dahilan upang mas lalo kong itinutok ang aking atensyon sa kanya. "Saan niyo po siya nakita, manong?" Mabilis na tanong ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Sa naaalala ko ay may kasama itong babae nang mapadaan sila rito, kasalukuyan akong nag-aayos ng aking bangka noon ng mapadaan sila, umiiyak pa nga iyong bata habang hawak-hawak nung babae ngunit isinawalang bahala ko lamang iyon dahil akala ko ay pinapagalitan lamang ng babaeng iyon yung bata." Wika nito habang nakatingala pa, tila inaaalala nito ang pangyayaring nasaksihan niya kahapon. Bahagyang nanghina ang aking mga tuhod ngunit laking pasasalamat ko dahil hawak ako ni Dace sa bewang
CHAPTER FIFTY-NINE GAEL'S POV HINDI pa tuluyang sumisikat ang araw ay tumayo na ako mula sa pagkakahiga, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa labis na pag-aalala para sa anak ko. I stretched my body before walking through the bathroom. Agad akong naligo at nag toothbrush bago lumabas suot ang roba. Dumiretso ako sa cabinet at kumuha ng masusuot ko, isang shirt at beach short lamang ang kinuha ko para suotin dahil pupunta lang naman kami sa katabing isla para magtanong. Sinulyapan ko si Dace na natutulog pa ngayon, alam kong hindi ito nakatulog kanina dahil alam niyang pwede akong lumabas ng kwarto kapag natulog siyang gising pa ako. Muli akong bumalik sa cr at nagbihis na, matapos iyon ay nagtawag na lamang ako sa isang restaurant sa islang ito upang padalhan kami ng pagkain. Lumapit ako sa kama at kinuha ang aking telepono. Bahagyang niyugyog ko rin ang balikat ni Dace upang gisingin ito.
CHAPTER FIFTY-EIGHT GAEL'S POV SERYOSO ang mukha na ginagamot ni Dace ang munting sugat ko sa paa, at kahit na seryoso ito ay alam kong kinakabahan na rin ito para sa anak namin. He's just being calm para hindi ako mag panic. Nakatingin lamang ako sa kawalan at iniisip ang maaring lugar kung nasaan ang aking anak. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng hapdi ng lagyan ni Dace ng alcohol ang sugat ko ngunit hindi ko na yun ininda sapagkat mabilis na pumasok sa isip ko ang babae sa restaurant kanina. The woman who's holding a newspaper. Yung babaeng may hawak na dyaryo ngunit baliktad ang pagkakahawak nito. And also the woman who's looking for as from afar. Madaming posibilidad at haka-haka na sa isip ko dahil sa babaeng iyon na basta na lang sumagi sa isip ko. There is a possibility that Karie was in the hands of that woman. And I need to get my daughter back dahil sigurado akong labis ito
CHAPTER FIFTY-SEVENGAEL'S POVMATAPOS naming mag-agahan ay bumalik muna kami sa hotel room para magbihis ng panligo. Kasalukuyang tumatalon-talon si Karie dahil sa pagkasabik, kanina niya pa ako inuutusang bilisan ang aking galaw para raw makapag-swimming na siya. Si Dad naman ay nasa sarili niyang kuwarto. Sigurado akong nagbibihis na din ito dahil isa siya sa pinakagustong kasama ni Karie sa pag swimming.Napapailing na napatingin na lang ako sa anak ko na ngayon ay nakakalong na kay Dace at sinusumbong ako dahil daw sa napakatagal kong kumilos. Natatawang pinagmamasdan lamang ito ng aking asawa bago sumusulyap ng tingin sa akin.Kinuha ko sa maliit na kabinet ang isang pares ng two-piece at ang ipapatong ko ritong see-through na dress bago kinuha ang damit na ipapasuot ko kay Karie. Nang umikot ako paharap kina Dace ay nasalubong ko agad ang matalim na tingin nito maging ang pagtaas ng isa
CHAPTER FIFTY-SIXGAEL'S POVMAAGA akong nagising dahil inaabangan ko ang pagdating ni Dad, maaga daw kasi silang bumyahe papunta dito kaya naman maaga din silang makakarating dahil wala silang nadaanang traffic.Maingat na umalis ako sa kama dahil baka magising sa mahimbing na pagkakatulog ang dalawa. Madali pa namang magising tong si Karie."Hmm..." rinig kong anas ni Karie, kakasabi ko lang eh. Lumapit ako sa anak ko at bahagyang hinaplos ang kanyang buhok upang bumalik sa himbing ang pagkatulog nito.Hindi naglaon ay bumigat nang muli ang paghinga nito senyales na malalim na ulit ang kanyang tulog. Dumiretso ako sa bag namin at kumuha ng maisusuot na damit. Matapos makapili ng damit ay tumungo na ako sa banyo upang maligo. Naging mabilis lamang ang ginawa kong pagligo dahil may balak naman kaming mag swimming maya-maya oras na dumating na si Dad. Pagkalabas ko ng banyo ay nadatnan ko pa ding tu