Pinilit kong lumabas nang unit ko kahit na alam ko sa sarili kong hindi ko pa talaga lubos na kaya. Nagmadali ako upang makarating nang mabilis sa opisina ni Gabriel. Balak kong sabihin sa kniya ang tunay na nangyari. Pagkaalis ni Felicity sa silid ko kanina'y mas nalugmok ako't nahirapan na tanggapin ang nangyari.
Ginagawa akong puppet at pinapasunod sa nais niya. Tandang-tanda ko kung paano niya ako habulin at saktan nang nasa ilalim kami ng karagatan. Pinilit niyang kuhain ang Crystal kahit na labag 'yon sa akin.
Tinakot niya rin ako't pinagbantaan na sasaktan ang mga kaibigan ko kapag nagsabi ako nang tunay na nangyari. Kaya naman kahit masakit ay itinuro ko si Victoria. At ngayon pinapanalangin ko na sana'y nasa mabuti siyang kalagayan. Nawa'y hindi siya mahuli ng mga ghouls.
Ngunit sa kabila nang lahat ay labis-labis ko pa ring pinagtataka ang tunay na katauhan ng nasa katawan ni Felicity. Batid ko nang
Mataman kong sinusuklay ang mahaba at kulot na buhok ng babaeng nasa repleksyon ng salamin. Maayos naman ang babae na 'to hindi lang talaga marunong mag-ayos ng sarili.Kinuha ko ang eyebrow liner at ginuhitan ang kilay ng kulay brown. Sunod ay nagdampi ako nang foundation sa aking pisgngi. Mayamaya'y sinunod ko ang lipstick na medyo dark ang kulay.Ngumiti-ngiti ako sa harapan ng salamin, satisfied na ako sa postura na ako nag gumawa ngunit hindi sa aking buhok. Napaikot ang eyeballs ko sa kapangitan ng buhok ng babae na 'to.Tumayo ako't umalis sa harapan ng salamin at nagtungo sa banyo. Ilang minuto pa'y dala ko na ang gunting at plantsa sa buhok.Sinuklay-suklay ko ang alon-alon na buhok ko bago pinag-isipan kung akong gupit ang babagay do'n."Maliit naman ang mukha mo, siguro'y babagay sayo ang maiksing buhok," pakikipag-usap ko sa repleksyon.Dinampot ko ang gunting at tinantya kung saan puwede
Gabriel. Nakapatong sa dulo ng back rest ng swivel chair ang aking ulo habang nakasalikop ang dalawa kong kamay at nakapatong sa lamesa. Maraming bagay ang nangyari sa mga araw na dumaan. Stress na stress ako't gulong-gulo ang isipan. Ganito ba kabigat ang dadalhin ko bago tuluyang lumisan dito? Mariin kong ipinikit ang mata upang kahit papaano'y mawala ang pagod na naroon. Kanina'y nagtungo si Darren sa opisina't tinanong ako nang tungkol sa nangyari kay Victoria. At dahil sobrang kulit at naaasar ako sa kaniya'y oo sumang-ayon ako na tama ang nalaman niya. Dahil sa palagay ko'y hindi niya lang niya kung kanino nalaman ang bagay na 'yon. Nakatitiyak akong nagkausap sila ni Victoria. Ayoko na sanang pagtuonan ng pansin ang mga nangyayaring kakaiba sa Tenement kung hindi lang palaging nadadawit ang babaeng balak kong pagsalinan ng pamamahala rito. Aywan ko ba, siguro'y may ba
Gabriel. I woke up with my head hurts and blood is coming through the wounds in different parts of my body. I vividly remembered everything. Magkausap lang kami ni Felicity sa sasakyan kanina pagkatapos ay isang rumaragasang class 3 vehicle ang sumalpok sa gilid ng pick up. Tumaob at nabangga sa isang puno ang kotse. Nayupi pa ata ang sasakyan ko. Pagkatapos ay nawalan na ako ng malay. Ngunit ano ang ginagawa ko rito ko ngayon? Nilinga ko ang paligid, madilim ang lugar at anging isang maliit na bumbilya lang ang nagbibigay ng liwanang sa kabuuan ng kinaroroonan ko. Iniawag ko ang sarili' nalaman na nakatali ako sa isang upuang kahoy. Nasa likuran ang aking mga kamay at ang aking bibig ay may busal. Naglilikot ako upang makawala ngunit walang silbi ang lahat ng iyon. Ano ba'ng ginagawa ko rito? Sin
Sadya ngang malaki ang galit nila kay Gabriel dahil sa ginawa nilang pananakit at pagpapahirap dito. Binugbog ng mga tauhan ni Gargoyle ang binata. Ilan beses ring nakisama ang poot ni Hermina sa kanila.At si Kalexx, hinayaan niyang manawa ang kaniyang mga mata na panoorin ang dating kaibigan na malugmok at halos mabasag ang mukha.Wala na siyang pakialam dito ngayon. Ang kaniyang nais ay maparusahan ito, pagkatapos ay isasagawa na niya ang layuning ibalik ang minamahal sa kaniyang piling.Habang lumaypay ang katawan ni Gabriel na nakaupo na nakali ang mga kamay, siya nama'y prente sa isang taas na palapag ng abandonandong pabrikang kanilang pinaglagian.Mula roon ay tanaw niya ang nanghihinang katawan ng lalaki. Napangiti na lang sia na para bang satisfied na makita 'yong nangyayari sa kaniya.Hawak niya sa kabilang kamay nag ressurection s
Chapter 56Jayka/Felicity."Walang hiya ang Gabriel na 'yon." Gigil na gigil ako habang nakikipagbuno sa isang merman na kanina pa ako hinaharang sa aking daraanan.Ilang beses na rin akong gumawa at nagakawala ng mahika mula sa aking kamay. Bilang isang Forest witch, halos lahat ng mahika na nagagawa ko'y may kinalaman sa kalikasan.Napalabas ako ng mga baging na siyang ginamit ko upang maitali at maihampas sa kanila, nagtawag ng mababangis na hayop at siyang ginawa kong mga pananggalang.Galit na galit ako sa ginawa nila sa 'kin, so nagmukha lang pala akong tanga sa mga mata nila?"Ahh! Mamatay kayong lahat!" Sigaw ko bago nagpalabas ng mga sapot na siyang sumilo sa ilang kalaban ko.Pinahid ko ang ilang likido ng dugo na nasa may gilid ng aking labi. Sinira na nila ang lipstick
Chapter 57Gabriel.Buong akala ko'y nakikinig siya sa mga sinasabi ko, hindi pala. Sa totoo'y nadala ako sa kaniyang iyak at drama. Pawang kasinungalingan lang pala ang lahat ng 'yon.Napatayo ako't hinila ang maliit na kutsilyong itinarak niya sa may leeg ko. Hindi ko akaling napakatigas ng kaniyang puso.Ngunit hindi ko siya masisisi, talagang wala siyang maaalala dahil ibinalik lang ang kaniyang kaluluwa. Nabubura lahat ng memorya ng sinuman na nilalang na dumadaan sa tulay patungo sa kabilang mundo. At siguradong nilagyan lamang ni Kalexx ng mga peke at nakakagalit alala ang kaniyang utak."Ano'ng akala mo maututo mo na naman ako? Huh! Hindi mo ako maidadaan sa mga kuwento mo Gabriel!" galit na sabi niya sa akin.Tumayo na rin siya at inayos ang sarili. Pinunas niya ang mga pekeng luha na lumabas sa kaniyang mga mata. 
Chapter 58Jayka.Ginagalit ako ng babae na 'to. Kanina pa siya humaharang sa mga kilos ko.Mas dinagdagan ko ang mahika na nilabas upang malakas din ang maging bato sa kaniya.Sunod ay gagamitin ko na sa kaniya ang killing spell para matapos na. Masyado nang nagtatagal ang 'party' na 'to."Sige ganiyan nga, mas lalo akong ginaganahan sa 'yo, ang kaso'y nagmamadali na ako. Wala na 'kong oras para makipaglaro pa," turan ko.Kaa-alis lang sa harapan namin ang lalaki na dapat ay siyang pinagtutuonan ko ng pansin. Binuhat siya ng babaeng sirena at isang lalaki na nakikita ko na rin sa loob ng Tenement.Nililipad ng hangin ang dulo ng aking buhok na maiksi. May karungisan na rin ang aking sarili dahil sa nangyaring 'to."Alam mo, dapat sa 'yo ibinabalik sa k
Chapter 59 "Apo ko..." garalgal ang boses ko na nilapitan ang aking mahal na apo. Hindi ko alam, wala akong alam . . . Patawarin mo 'ko, apo ko. Nag-uunahan ang mga luha ko na dumausdos pababa ng aking pisngi. Ang lahat ay bumalik sa aking alaala. Ang malambing at mabait na batang inalagaan ko ng napakaraming taon . . . Si Victoria, ang aking pinakamamahal. ... "Granny, ano po 'to? Bakit may maiksing palda sa cabinet ko?" Nagsisigaw ang apo habang bumababa mula sa kaniyang kuwarto. "Ah, binili ko apo. Isuot mo babagay 'yan sa 'yo," sagot ko sa kaniya. "Pero Granny..." naiirita siyang umaayaw sa kaisipang 'yon. Tumayo ako't nilapitan siya, kinuha ko ang hawak niyang yellow sexy palda. Itina
After 100 years."So, paano ba 'yan? Mauna na muna kami? Kailangan ko ng humabol sa enrollment nitong si Letizia. Ikaw na muna ang bahala rito ha." Ginawaran ni Felicity ng halik sa pisngi ang kaibigang si Cindie. Pinakiusapan niya ang kaniyang kaibigan na siya na munang mamahala sa Apartment na pagmamay-ari niya. Kailangan niyang samahan ang anak sa bago nitong papasukang paaralan."Oo na, ako na ng bahala rito. Enjoy kayo ni baby girl, okay?" Pinisil pa ni Cindi nag matambok na pisngi ng kaniyang inaanak kay Felicity. "Ninang naman eh. Malaki na
Dumating ang dalawang bampira sa Council building. Sapilitan ang kanilang ginawang pagpasok sa pribadong lugar ng mga supernaturals. Pinatumba pa nila ang mga security na nagbabantay sa buong paligid. Handa si Darren sa magiging kaparusahan sa ginagawa niyang karahasan ngayon, ang tanging goal lamang niya ay ang tulungan at bumawi kay Felicity. 'Yon lang. Ilang nagbabantay ang naibalibag at napatulog niya sa bawat bigwas na kaniyang ginawa. Pasulyap niya na tinatapunan ng tingin si Felicity. Bago lang sa kaniya ang bagay na 'to, at kakailanganin pa nito ng gabay. Ngunit sa pinapakita niya ngayon ay mukhang hindi na niya kailangan ng gano'n. Katulad niya'y marami na rin itong napabagsak na mga nakaitim na tagapangalaga ng kapayapaan sa loob ng Council. Tuluyang lumabas ang pangil na pinipigilan ni Felicity, na-triggered lang ng may biglang sumakal sa kaniya. Ang guwardiyang 'yon ng naging kauna-unahang nilalang na nakagat niya. Kumapit ng mapulang dugo sa kaniyang ngipin at labi.
Hindi maramdaman ni Felicity ang paa niya na sumasayad sa lupa. Napakabilis ng pangyayari, bigla niya na lamang nadama ang pagbilis nang tibok ng kaniyang puso. Punong-puno siya ng adrenalin, matapos n matikman ang dugo ng kaniyang mga kaibigan ay para ba siyang nabuhayan. Tuluyan nang naintindihan ni Felicity kung ano ang mga kakatwang tunog na naririnig niya. Naging klarado ang mga bagay na 'yon sa babae. Sa kaunting panahon ay natutunan niya ang teleportation, bumilis din ang kilos niya, specifically, sa pagtakbo.Masarap sa pakiramdam ngunit nakakatakot dahil sa kabila nito'y hindi nito alam ang iba pang rules ng pagiging isang bampira. Lalo na ang tungkol sa pag-inom ng dugo, 'yon ang pangunahing pinagkukunan nila ng lakas. Ngayon ay inisip lang niya na pupunta siya sa T
Eight in the Evening."Master. Master." Niyugyog ng house elf nang paulit-ulit ang nakahandusay na si Felicity. Naikilos naman ni Felicity ang kaniyang kaniyang ulo pabaling bilang sagot sa house elf. Mayamaya ay binuhay na nito ang kaniyang amo patungo sa malambot na sofa. Pinaypayan at inabutan muli ng tubig. Naubos niya ang lamn niyon ngunit wala pa ring epekto. Nanghihina na ang kaniyang katawan, sa hindi niya malamang dahilan."Master. Narito na sila." Doon lang nagmulat ng kaniyang mata si Felicity, hirap ngunit pinilit pa rin niya. Eksaktong sa paglinaw ng kaniyang paningin ay ang pagdating ng mga kaibigan niya galing sa Tenement. Sina Victoria, Cin
Dinala ng apat na kalalakihan si Gabriel sa Council. Binitbit na lang nila basta-basta ang landowner ng Tenement Uno. May kumalat na balita patungkol sa pagkamatay ng pantas na si Dessalonia- at si Gabriel ang idinidiin nilang may gawa ng pagpasyal. Paghihiganti kuno ang motibo. Pagkapasok pa lang ay idineretso na nila si Gabriel sa silid ng pagpupulong. Naroon, nakaupo sa kani-kanilang mga silya ang mga deities na may iba't ibang katungkulan. Ang matandang si Lusarias, ang diyosa ng Klima't Panahon na nakaupo sa pinakadulong bahaging upuan.Si Andromeda, ang diyosa ng Kagandahan ay naroon din. &n
KINAUMAGAHAN ay nagpasya na kami ni Gabriel na umuwi na. Tiyak matutuwa si Fifi kapag nalaman niya na nakabalik na kaming dalawa. Pinahiram na lang kami ni Kira ng kotse para hindi na kami mahirapan pa sa pag-uwe. Pinadalhan niya pa kami ng mga pagkain at ilang souveniers daw sa pagtungo namin sa kaniyang resort. Tuwang-tuwa ako ro'n sa unan na may nakaprint na mukha ni Kira. Ano't gano'n ang souvenier niya? Hindi man lang print ng kaniyang resort, eh. Kumaway ako kay Kira nang nagsimulang paandarin ni Gabriel ang sasakyan. He also waved back to us, hanggang sa tuluyan kaming makaalis.
Hindi pa rin matapos-tapos ang pangungilit ko kay Gabriel hanggang sumapit ang gabi. Nagpaka-clingy ako sa kaniya. Inaya ko siyang sa silid ko matulog para makanood kami ng movies at kumain ng popcorn. Nasa kusina kami ngayon ni Gabriel habang siya ang kitchen master at ako ay nakaupo lang at nakatunganga sa kaniya. Binabantayan ko ang bawat kilos na ginagawa niya. Simula sa pagbukas ng gas stove hanggang sa paglalagay ng mga rekado sa lutuan. Ang sabi niya'y magluluto raw siya ng pasta, 'yong mas masarap daw sa iniluto ni Darren. Medyo natawa ako sa sinabi niyang 'yon. Nabanggit pa talaga niya si Darren? "Masarap ba talaga 'yan?" tanong ko sa kaniya ng ilagay na niya ang cream sa pan.
Masaya lang ako buong maghapon na kasama si Gabriel. Ngayon araw ay nagkaroon na kami ng pagkakaunawaan, ngayon kung kailan huli na. Kumain kami, naglakad-lakad at nagpabalik-balik sa pag-swimming. Pinahiram kami ng kaibigan niyang si Kira ng speedboat. Nakakatakot dahil first time kong makasakay do'n pero dahil kasama ko naman si Gabriel ay walang naging problema. Actually, naging masayang masaya lang kami. Magkahawak ang kamay, magkayakap at nahahalikan ko siya, bilang siya. Ilang beses kong tinititigan si Gabriel kapag may pagkakataon, kitang-kita ko rin sa kaniya ang kaligayahang na nabubuo sa kaniyang mga mata.
Chapter 132"Good morning." Nakangiti at masaya kong bati kay Gabriel nang magising siya. Kanina pa ako nakatitig sa kaniya. Hindi na ako nagulat na narito siya sa tabi ko, walang suot na kahit ano at tanging ang puting kumot lang ang nagtatakip sa kaniyang katawan--ah hindi! Sa aming dalawa pala. Nakapatong ang baba ko sa palad ko, kung saan nakatukod naman ang siko ko sa higaan. Iginalaw niya ang kamay at ipinatong sa aking ulo. He becane to caress my hair. "I hope you have a good sleep," sabi ko.