Chapter 125
DIRE-DIRETSO ako sa aking silid matapos kong maihatid si Darren sa labas. Sapilitan ko na siyang pinapasok sa sasakyan niya kanina kahit na makikipagkuwentuhan pa sana ako.Bigla na lang kasing sumama ang pakiramdam ko. Muntikan akong mahilo sa malalakas na ingay na nag-u-unahang pumasok sa tainga ko patungo sa aking ulo.
Hindi ko alam kung paanong nangyari 'yon, hanggang ngayon kasi'y gano'n pa rin ang pakiramdam ko. Halos mabiyak na ang aking ulo sa sobrang sakit. Ni-hindi ko na nagawang makarating hanggang sa aking higaan. Gumapang na ako para lang maabot ang kama.
Doon, nakakuha ako ng lakas, mahigpit na nakakapit sa sapin ng kama ang kanan kong kamay habang ang kaliwa'y nasa aking buhok.
May sumisigaw, humihiyaw, umiiyak at mayroon ding ingay galing sa iba't-ibang uri ng sasakyan. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang nangyayari. Hindi naman ako nag-da-drugs para magkaroon ng hallucinations. &nbs
Chapter 126PINAGALITAN ko ang sarili sa harapan ng salamin pagkatapos kong pumasok. sa banyo."Ba't ko ba itinanong sa kaniya 'yon?" Isinandal ko ang likuran sa malamig na pader at doo'y dahan-dahan inuumpog ang ulo."Ang clumsy mo talaga kahit kailan, Felicity." Nakasaklay sa balikat ko ang tuwalya na gagamitin ko sa pagligo ngayon.Matapos kong tanungin sa kaniya ang bagay na 'yon ay biglang nagbago ang atmosphere sa hapag ng kainan kanina. Ang sagot niya ang siyang nakapagpahupa sa mataas na self-confidence ko sana."Oo. Masiyado ka na kasing halata," simula ko. "May gusto ka ba sa akin?" malakas ang loob ko na tanong sa kaniya.Natigilan si Gabb sa pagkain , inilapag niya ang kutsara't tinidor sa ibaba't humarap sa akin. He was having a heavy eye on eye contact on me. Bahagya pang kumikilos ang kaniyang adams apple na mas nakadaragdag sa gandang lalaki niya.Sh*t.
Chapter 127MALIBAN sa hindi naman ako classy na tao ay hindi rin ako ma-alam paano mag pairing ng isusuot. Kaya naman pink hoodie jacket at gray jogger pants lang ang isinuot ko kapares ang white rubber shoes.Alam mo 'yung ang init ng panahon pero mas pinili mong ibalot pa lalo ang sarili mo? Some people love this kind of get up. At isa ako ro'n.Ibinulsa ko ang cellphone at wallet at saka lumabas sa aking silid. Tumambad agad sa harapan ako ang matikas na tindig ni Gabb. Kasabay nang pagsara ko sa pinto ay siya namang paglingon niya sa akin.Grabe! Hindi talaga nakakaumay ang pagmumukha niya. Mas lalo pa ngang nakakagigil ang maliliit niyang mga mata at ang matangos na ilong.Beat.Umiwas ako ng tingin sa lalaking iyon, may kakaiba kasi akong naramdaman. Pakiramdam ko'y may nag-uunhanan na kung ano da dibdib ko.&
Chapter 127.2Ninamnam ko muna nang ilang sandali pa ang malambot na kama bago tumayo nang may malakas na puwersa. Napa-upo ako habang nilalaro pa ang mga palad sa higaan.Ngunit natigil iyon ng may kumatok sa pintuan at sinabing may dala silang pagkain at maiinom. Parang lumaki bigla ang hugis ng aking tainga nabg marinig ang sinabi nila.Nagugutom na nga talaga ako, kumain nga ako kanina pero isinuka ko naman lahat."Coming." Excited kong sabi.Ngunit ang excitement na 'yon ay biglang napalitan ng pagkagulat at takot nang ang pagtakbo ko'y tila naging triple sa normal bilis nito. Ilang segundo lang ay nasa harapan na ako ng pintuan.'Ano'ng nangyari?'Muli ay may kumatok, tumalima ako at binuksan 'yon kahit na nangangatal ang mga kamay ko.Binati ako ng lalaking nakasuot ng pang
Chapter 128.Gabriel.GUMANTI ako sa pagkaway ni Felicity sa akin.Mula rito sa aking kinauupuan ay tanaw na tanaw ko siya. Masaya siyang nakikipaglaro sa mga bata na nagpapasahan ng bola habang nasa tubig.Mabilis rin ang pagguhit ng ngiti sa labi ko. Masaya ako na makitang maayos ang kalagayan niya. Kahit pa sabihin na ilang araw o oras na lamang ay magbabago na siya.Nawala ang tuwa sa mukha ko nang maalala ang bagay na 'yon. Bagay na dinesisyon ko para sa kaniya. Hindi ako naging gano'n ka vocal pagdating sa babaeng 'yon na kulot at buhaghag pa ang buhok. Parati ko siyang nasusungitan, maliban sa ilang pagpaparamdam ko ay wala talaga akong naibigay na assurance sa kaniya.Isang mabuting tao si Felicity, hindi siya mahirap pakisamahan, bukod pa ro'n ay isa siyang totong tao.Tama si Darren sa
Chapter 129"Grabe. Feeling ko magkaka-sunburn ako sa sobrang tagal ko sa ilalim ng sikat ng araw." Alas singco na ng hapon ko naisipang umahon mula sa tubig-alat. Talagang ninamnam ko ang pakiramdam sa dagat."Oo. Namumula na nga ang mukha mo." Bigla akong napasimangot sa isinagot ni Gabb sa akin.'Sino ba kasi ang naka-isip na magtungo sa beach?'"Anyway, mamaya, 'wag ka nang magpunta sa sinabi ni Kira na party. Pagkakain ay magkulong ka na lang sa silid mo. Tatawagan kita." Nagulumihanan ako sa mga sinabi ni Gabb. Bakit naman gusto niyang magkulong lang ako sa kuwarto?"Ang over acting mo, basta pupunta tayo. Sayang ang chance no." Reklamo ko sa kaniya.Kinuha ko ang tuwalya na nasa kamay niya't ipinunas 'yon sa buhok ko. Salita pa ako nang salita patungkol nga sa party. Sinabi ko sa kaniyang si Kira naman ang bahala sa isusuot eh
Chapter 130Gabriel.Matatalim na tingin ang ibinato ko kay Kira nang bulabugin niya ako sa aking silid. Nagsi-siyesta ako, pinakikinggan ang kilos na magagawa ni Felicity. Kanina'y hindi ko inia-alis ang tingin ko sa kaniya, lumalabas na kasi ang senyales ng kaniyang pagiging bampira. Kaya ngayo'y nananatili akong nakabantay rito. Hindi ko man siya makita'y mapakikiggan ko naman siya kahit na may makapal at matigas na pader ang naghahati sa kinaroroonan namin ngayon.Ibinaba ko ang mug ng aking kape sa lamesita bago sumulyap kay Kira. "Ano bang gusto mo?""Well, hihintayin lang naman kita, sabay na tayo sa pagpunta sa party." Tumayo ito at nagtungo sa may veranda.Ngumisi ako. "Hindi nga ako pupunta, bakit ba pauli-ulit ka?""Grabe ka naman bro, ngayon mo lang ako binisita rito tapos ganiyan ka pa? Ouch!" Nagkunwari pa i
Chapter 131 Gabriel. Nakatitig lang ako sa maamong mukha ni Felicity habang nagsasayaw kami sa gitna. Hindi pa rin nagbabago ang tugtugin na nanggagaling sa kumpol ng mga musikero na imbitado sa kasiyahan. Napaka ganda niya ngayon, bagay na bagay sa kaniya ng humahapit na kulay pink na damit. Napangiti rin ako bigla sa buhok niyang banat at hindi uma-alon.Nang nag-iba nang timpla ang musika ay hinawakan ko isang kamay niya't iginiya siya paikot. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi, halata ang pagkagalak sa kaniya.
Chapter 132"Good morning." Nakangiti at masaya kong bati kay Gabriel nang magising siya. Kanina pa ako nakatitig sa kaniya. Hindi na ako nagulat na narito siya sa tabi ko, walang suot na kahit ano at tanging ang puting kumot lang ang nagtatakip sa kaniyang katawan--ah hindi! Sa aming dalawa pala. Nakapatong ang baba ko sa palad ko, kung saan nakatukod naman ang siko ko sa higaan. Iginalaw niya ang kamay at ipinatong sa aking ulo. He becane to caress my hair. "I hope you have a good sleep," sabi ko.