JALENE’s Pov
Gaya ng inaasahan ko, magkaiba kami ng silid ni Frank. Apat na pinto ng hotel room na iyon mula sa kanya bago ang akin. Nasa pinakadulo ang kanya. Talagang asiwang-asiwa siya sa akin, ano?
Sabi nga niya sa akin, ’wag daw akong kakatok kung wala namang mahalaga. Saka sa text niya lang ako kinakausap. Gaya na lang ng oras ng kasal namin bukas. Kaya sa tingin ko, bukas ko pa siya makikita. Paid na rin daw ang dinner na ipapa-deliver niya kaya walang rason para kami’y mag-usap.
Sana pala nandito si Tino. At least, may nakakausap ako.
Kakatapos ko lang noon mag-ayos ng mga gamit at kumain nang makaisip na maglakad-lakad sa beach. Hindi naman ako makatulog kaya nagpadala ako kay Frank ng text na lalabas.
Bahala ka— ’yan ang text niya kaya lumabas ako. Binigyan naman niya ako ng pera kaninang pag-alis sa bahay niya kaya balak ko ring mamili kapag may nagustuhan ako.
Sayang nga at hindi nakasama si JV. Busy sa unibersidad. Ako, huminto ngayong taon. Baka sa susunod na taon ako papasok. Kapag nabigyan ako ng pera ni Frank, balak kong ipagpatuloy ang pag-aaral. Isang taon na lang naman sa kursong tourism, makakapagtapos na ako.
May mga nadaanan akong pub at mga kainan pero pinigil ko ang sarili ko. Baka magalit si Frank.
Mahigit dalawang oras yata ako sa labas kakalakad. Nauupo din naman ako kapag may nadadaanang bench. Mukhang masarap mag-nightlife dito. Siguro yayain ko na lang si Tino kapag dumating. Natatakot din ako dahil marami akong nakikitang unipormadong mga amerikano. US navy. Territory kasi nila kasi talaga ang Guam.
Pagbalik ko ay bumili ako ng pizza at maiinom. Bigyan ko na lang si Frank kung gusto niya.
Tanaw ko sa hallway ang isang babaeng naglalakad. Huminto ito sa pinakadulo at kumatok.
Saktong pagbukas niyon ang pagdating ko sa unit ko. Saka ko lang napagtantong kay Frank na unit ang kinakatukan ng babae.
Maganda at sexy ang babae. Amerikana. Maiksi ang suot kaya napagtanto ko kung ano siya. Isa siyang bayarang babae.
Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko. Okay lang sa girlfriend niya na may ibang babae si Frank? Naku, kung ako ’yan, bawal
Hindi ko nakita si Frank dahil mabilis na pumasok ang babae.
Tumingin ako sa pizza at softdrinks. Sayang kung hindi ko mabigyan si Frank. Malaki ito kaya hindi ko maubos.
Pagkalapag ko sa maliit na mesa ng pizza at maiinom ay nahiga ako. Biglang pumasok sa isipan ko si Frank.
Kung sino-sino ang babaeng inaangkin niya. Hindi ba pwedeng ako na lang kapag mag-asawa na kami? Kesa maghanap at magbayad pa siya. ‘Di ba?
Pwede ko kayang i-suggest ’yan sa kanya? Hello! Malinis naman ako. Hindi na siya lugi sa akin dahil virgin pa ako. Saka gusto ko rin siyang matikman talaga.
ang dami ko nang na-encounter na lalaki, mga pinapakilala ni JV, pero hindi ko type. Ewan ba. Pero ang Uncle Frank niya, bihira kong makita pero gusto ko siya.
Na-curious na naman ang isipan ko kung ano na ang ginagawa ni Frank at ng babaeng iyon. Hindi na ako mapakali sa higaan, kung tatayo ba o uupo.
Tumingin ako sa pizza. Napangiti ako nang may maisip. Tutal gusto ko siyang bigyan naman talaga ng pizza, kaya naman lumabas ako at kumatok.
Kagat ang labing inulit ko ang pagkatok. Mga sampu na siguro iyon pero walang nagbubukas, kaya naman inulit-ulit at binilisan ko. Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto.
“Is Uncle Frank inside?” kunwa’y tanong ko. Kasi naman ang babae ang nagbukas talaga? Nakatapis naman siya. Pero kakaiba si Uncle, ungentleman.
“I’m Jalene. Her future—” Hindi ko na naituloy nang maalalang baka pagalitan ako ni Frank. “I mean, I’m his niece.”
“Oh. Come in.”
Ngumiti ako sa kanya at humakbang. Agad na hinanap ko si Frank. Salubong ang kilay niya. Nakasandal siya noon, nasa kama ito at pawis na pawis. Mukhang naistorbo ko sila.
“Anong sabi ko sa ’yo, Jalene? ‘Wag kang kakatok kung hindi mahalaga!”
Ngumiti ako sa kanya. “Sa pagkakatanda ko, mahalaga ang pagkain. Hindi ba naituro ’yan sa inyo? Kaya kumatok ako.” Tinaas ko ang pizza na hawak. “Baka magutom kayo, e.”
Nilingon ko ang babae na hawak ang tuwalya niya.
“Are you hungry, miss? I bought you pizza.”
“I’d love to eat pizza, Frank. What do you think?” malanding tanong ng babae.
Aba’t mukhang magmumukbang sila ng pizza? Eh, paano ako? Dapat pala hindi ko na siya inalok.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Frank habang nakatingin sa babae.
“Get out, Jalene. Pakilapag na lang ng pizza.”
“Sandali, hahatiin—”
“Get out!” sigaw niya na ikinapitlag ko.
Lumabas na lang ako, pero malakas ang ginawa kong pagsara sa pintuan.
Hindi naging maganda ang tulog ko kaya medyo nagkaroon ng pangingitim sa ilalim ng mata ko.
“Okay lang kayo, ma’am?” tanong ni Tino sa akin nang pagbuksan ko. Ang aga niya kumatok kasi. Mukhang kararating lang niya.
“Sa tingin mo?” naiinis kong tanong.
Kumamot na lang siya ng ulo.
“Remind ko lang po kayo. Dapat po nakabihis na kayo ng 10. 11 po kasi ang schedule ng kasal niyo ni Senyorito.”
Tumango ako sa kanya. Kinuha ko rin ang box na hawak niya. Hindi ko alam kung ano ’yon, pero para sa akin iyon dahil may pangalan ko.
Tiningnan ko ang box kung ano ang laman. Natigilan ako nang makita kung ano iyon.
Puting bestida. Parang ngayon lang nag-sync-in sa isipan ko na ikakasal na nga pala ako.
Ikakasal nga ako sa lalaking type ko pero wala namang gusto sa akin. Kaya nakakalungkot palang isipin na ikakasal ako na walang pag-ibig na namamagitan sa amin.
Pero gaya nga ng sabi ko sa sarili ko, gagawin ko ang lahat para mag-work ito. Para kay Nanay. Mapasayan ko man lang siya kahit na nasa kabilang buhay siya.
Tiningnan ko sa salamin ang sarili ko habang nasa harapan ko ang bestida. Simple lang siya. Talagang wala lang ako talaga sa kanya. Paano ko kaya siya mapaibig sa akin?
Nang maaalala ang edad ko ay nalungkot ako. Isa ito sa dahilan, e. Ayaw niya sa bata. So, magpapaka-mature ako kung gusto niya!
Dahil wala akong dalang makeup. Ang akala ko kasi ipapaayusan ako ni Frank sa sikat na salon. O ’di kaya sila ang pupunta rito.
Bandang eight nang magpaalam ako kay Tino na pumunta ng salon. May nakita ako kagabi. Malapit lang.
“Samahan ko na po kayo, ma’am.”
“‘Wag na. Malapit lang naman.”
“Baka bigla po kayong umalis. Magagalit sa akin ang senyorito.”
Natigilan ako saglit. Natawa ako ng mapakla.
“‘Wag kang mag-alala, kailangan ko ng pera ng amo mo kaya hindi ako mawawala sa civil wedding na ito. Okay?”
Ilang sandali siyang hindi nakaimik bago tumango.
“Tawag ho kayo kapag gusto niyong magpasundo.”
Napatitig ako sa kanya. “Salamat, Tino. Alam mo, kahit na sumusunod ka lang sa amo mo, na-appreciate ko ang effort mo.” Tinapik ko ang braso niya at ngumiti. Sinuot ko na rin ang shades ko at iniwan ito.
For me, maaga pa naman kaya dahan-dahan ang hakbang ko. Malapit lang naman dito ang superior court na pupuntahan namin kaya may oras pa ako. Saka simpleng ayos lang naman ang ipapagawa ko sa aking mukha at buhok dahil sa simpleng kasuotan ko.
May karugtong agad. Hinati ko ang chapter, e.
JALENE’s PovHabang papalapit ang oras ng kasal namin ni Frank ay kinakabahan ako. Sana maging maayos ang lahat. Pero alam ko naman pagdating sa pagsasama hindi, naisaksak ko na sa isipan ko ’yan, na may contract rin kaya ang expectation ko ay hindi ganoon kataas. Pero ’di ba, sabi ko, susubukan kong mag-work? Kaya kinakabahan ako. Paano kung masaktan nga ako gaya ng sabi ni JV?Mabilis lang naman ang ginawa sa aking mukha at buhok. Sabi nga no’ng Pinay na nag-aayos sa akin, maganda na ako kaya konting ayos lang. Kaunting pa-wavy lang ng buhok ko rin dahil maganda na ang pagkaka ayos ng salon sa Pilipinas.Nakita ko sa mga mata ni Tino ang paghanga nang salubungin ako. “Ang ganda niyo pala kapag naayusan, ma’am.”Ngumiti ako. “Salamat, Tino.”Tumingin ako sa pintuang bumukas sa unahan.“Tino, dumating na ba si—” Natigilan si Frank nang makita ako. Hinagod niya ako nang tingin pero wala siyang komento.“Nandyan ka na pala.” Kunwa’y tumingin ito sa relo nito. “10:10, dapat nakaalis na
JALENE’s Pov ALAM ko naman na hindi lahat ng ikinasal ay masaya o ang dahilan nila ay ang pagmamahal. Pero hindi ko akalaing ganito pala ang pakiramdam. After na mai-announce ang pag-iisang dibdib namin ni Frank, mas lalo lang lumala ang trato niya sa akin. Talagang hindi niya nagugustuhan ang presensya ko. “Baba.” Hindi ko naiwasang ikunot ang aking noo. “Ano po?” Bakit naman ako bababa? Medyo malayo pa ito sa inuukupa naming hotel! “Are you deaf?” Tumingin si Frank sa driver at alalay niyang si Tino. “Bukas, ipa-schedule mo si Jalene sa doctor, mukhang may problema sa pandinig.” “Hindi ako bingi, Frank. Naiintindihan ko ang sinabi mo. Bababa ako. ‘Di ba?” Inulit ko pa ang sinabi niya. “Bakit? Huh?” Sumulyap ako sa labas. “Ang layo pa ng hotel!” dugtong ko pa. “Dahil may lakad ako,” sabi niya. Tumaas ang kilay. “Hindi ba pwedeng ihatid mo ako, huh?” “Maaga pa naman, Senyorito. Ihatid muna natin—” “Hindi ko sinabing magsalita ka dyan, Tino! Fvck!” agaw ni Frank sa sasabih
FRANK’s PovINIS na tumayo ako. I don’t know what to say. Talaga naman kasing may kasalanan ako dahil iniwan ko siya sa gitna ng kalsada. Pero hindi naman iyon ganoo kalayo, a! Kaya sigurado akong sinadya niyang hindi umuwi nang maaga para inisin ako. Hindi ako kumbinsido sa rason niya.“Lumabas ka nga muna, Jalene,” ani ko na lang.“Wow. Ako talaga ang lalabas?” Luminga ito saka ngumisi. “Sa pagkakatanda ko, room ko ito. So, bakit ako ang lalabas? Hindi ba dapat ikaw, Uncle Frank?”Hindi talaga ako nakakpag-isip kapag nasa harap niya. Nakakainis! Bakit nga ba nawala sa isipan kong hindi ko ito silid?Tumayo ako at walang sabi-sabing iniwan ito. Napapitlag pa siya dahil sa paraan nnag pagsara ko ng pintuan.Kumatok ako sa silid ni Tino. Dire-diretso akong pumasok nang pagbuksan niya ako.“Tawagan mo ang contact natin. Gusto kong mapabilis ang pag-release ng marriage contract para makauwi na ang batang iyon. Wala akong sakit na high blood, pero sa tingin ko magkakaroon na kapag nagtagal
JALENE’s PovGARDEN wedding ang nais ng Don kaya masaya ako. Isa ’yan sa pangarap ko. Kahit na kunwarian lang ay masaya akong mararanasan ko ang bagay na ito. Fan ako ng mga garden wedding.“Natanong ni Lolo kung ano ba ang gusto mo, kaya ayan, garden wedding,” ani ni JV na ikinalingon ko sa kanya.Nasa bintana kami noon na dalawa at nasa mismong event place na. Salamin ang dingding kaya kitang-kita ang pagga-ganapan.“Kaya naman pala wish granted, beshy.” Ngumiti si JV pero nahalata ko ang lungkot sa mga mata.“Totoo na ba ‘to?”“Hello, kaya nga tayo nandito, e! Eh ‘di, totoo na.”“Dumating na si Kassandra. Nakita ako sa post niya nakaraan, kumain siya sa fine dining restaurant. May ka-holding hands pa siya. Sa tingin ko, si Uncle Frank ’yon.”Napakunot ako ng noo. “P-pero maghapon siya sa meeting niya kahapon. A-alam ko nag-out of town pa nga para i-meet ang client. ‘Yon ang narinig ko kay Tino.”Umiling si JV. Pinakita sa akin ni JV ang picture at naka-tag na restaurant. Talagang n
JALENE’s Pov“You can take this spot beside me, Jalene.” Tinampal ni Kassandra ang tabi niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay.“Salamat po, Auntie. Pero kung nasaan ang asawa ko, I think, doon ako uupo.” Sabay tingin kay Frank nang masuyo. Talagang pinagdiinan ko din ang salitang asawa.“Did you just call me Auntie?!” Halos manlaki ang mata niya nang tanungin niya ako.Tumango naman ako na parang inosente.“How could you call me Auntie?” Tumingin ito kay Frank na parang humihingi nang tulong. “Narinig mo ba ang tawag niya sa akin, honey? My God! Kailan pa ako nagmukhang Auntie?”“Just now,” panggagaya ko sa kaartehan niya.“Just call her Kassandra, Jalene!”Nameywang ako nang harapin si Frank. “Ilang taon na ba siya, huh?”“33?” sagot naman ni Frank.“Frank! I’m only 32! Pinantanda mo naman ako ng isang taon!” Pinaningkitan ni Kassandra si Frank ng mata. “Nakalimutan mo na ba?”“Oh, I’m sorry, honey.”“32 na pala, e! Kumapara naman sa edad kong 22?” Nagulat si Kassandra siguro dahil
FRANK’s PovPAGDATING na pagdating ng chopper sa bahay-bakasyunan ko sa Palawan, agad akong nagbukas ng laptop para tingnan kung hindi nga ba lumabas si Jalene. Binilinan ko naman si Tino na kung lalabas ang batang iyon, e, samahan niya. Saka bawal kako makita ng tauhan ni Papa o ng kung sino man na malapit sa ama. Kunot ang noo ko nang hindi matanaw si Tino sa bahay. Hindi ko makita si Jalene dahil walang camera sa loob ng silid niya, sa pintuan lang. Kaya naman idinayal ko ang numero sa bahay, at ang nakasagot ay ang kasambahay ko.“Si Jalene, Manang?”“Ay, kasama po ni Senyorita si Tino. Ang paalam po, e, may bibilhin sa convenience store.”“Okay.”Akmang papatayin ko ang linya nang magsalita ulit ang matanda.“Ay, ayan na po yata. Narinig ko na po ang busina, e.”“Salamat, Manang.” Sabay patay niyon.“Sa labas lang ako, hon!” paalam mayamaya ni Kassandra sa akin.“Okay!” Hindi ko na tiningnan ang ayos ni Kassandra.Pinanood ko sa monitor ang dalawa. Napakunot ako ng noo nang makit
FRANK’s Pov“What is she doing here, Frank?” Halata ang inis sa mukha ni Kassandra pero binalewala ko. Nagpatuloy lang ako sa paghakbang papasok.“Frank!” Tumigil ako at nilingon siya dahil bahagyang nagulat si Jalene. “Will you please shut your mouth muna? Magigising mo siya. Let’s talk later. Mabilis lang ako.”Binilisan ko na ang lakad ko bago pa magising si Jalene. Baka dahil sa kalasingan kaya madali siyang nakatulog. Sa bakanteng room, katabi ng silid nila ni Kassandra niya dinala ang dalaga. Malinis naman doon dahil iyon naman talaga ang dapat na magiging silid ni Jalene kung natuloy siya kasama kanina.Dahan-dahan ang ginawa kong paglapag kay Jalene sa kama. Hindi sinasadyang napatingin ako sa labi niyang napaawang. Napalunok ako dahil bigla siyang mag-pout.Mayamaya ay kumilos siya, kinamot niya ang bandang tainga kaya nagpasya na akong tumayo baka magising pa. Subalit bago pa man ako makaalis ay bigla na lang nagmulat siya.“Pati ba naman sa panaginip ko, pumasok ka, Fran
JALENE’s PovNAKAPIKIT pa rin ako nang iangat ko ang braso ko iinat iyon. Parang ang sarap ng tulog ko dahil wala akong maramdamang katamaran sa aking katawan. Pero napamulat ako nang maalalang uminom nga pala ako kagabi. Napakapa ako sa noo ko.Himala, hindi ako mainit. Natigilan ako mayamaya nang may mapagtanto.“Teka, nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko nang makita ang kisame.Hindi iyon ang pintura ng aking silid!Napabalikwas ako nang bangon at inilinga ang paningin. Nanlaki ang mata ko nang makita ang lalaking nasa harap ng laptop. Bagong paligo ito dahil basang-basa pa ang buhok niya. Kasalukuyan din niyang nilalaro ang mapupulang labi niya kaya napakagat ako ng ibaba ko ring labi.Grabe ang view, ang ganda talaga— este ang gwapo niya. Napansin siguro niya na gising na ako. Napunta sa akin ang tingin niya.“I’m glad you’re awake.” Kaswal na tumingin siya sa relong pambisig niya. “Kumain ka na dahil tatawagan mo pa si Papa.”Matagal bago nag-sync-in sa akin ang sinabi niya. Per
JALENE“COME in,” yakag ni Frank sa akin.Umiling ako sa kanya. “Hindi na kailangan, Frank. Dito na lang. Ikaw naman talaga ang sadya ko. Since nasa harapan na kita, hindi na kailangang pumasok.”Natigilan si Frank.Inilabas ko sa bag ko ang ziplock na envelope ko at inilabas ang divorce paper na dala ko pa mula Guam. Tanging pirma na lang niya ang kulang, tapos na ang problema ko. Kumunot ang noo ng dating asawa habang nakatingin sa mga papel.“What’s that?” Biglang nagseryoso siya. Kanina, may ngiti pa sa labi niya, pero ngayon, biglang napalis.“Divorce paper. Sorry at late akong nagpakita. I’m sure hinanap mo ako para dito.” Imbes na kunin, tumitig lang siya sa akin. “Frank!” tawag ko nang bigla siyang tumalikod sa akin. The heck! ‘Di ba? Ito ang gusto niya?“Umalis ka na, Jalene!” tanging sigaw lang niya. “Aba’t ‘di ba, ito ang gusto mo?” sigaw ko.Hindi siya sumagot. Akmang sisigaw ulit ako nang biglang sumara ang gate. “Frank! Ano ba?!” “Ma’am, mas mabuti pong umalis na
FRANK’s Pov7 years later…KASALUKUYAN akong nasa meeting noon nang pumasok si Tino. Lahat napatingin sa kanya dahil sa hingal na hingal siya. Saka talagang ang lakas ng loob nitong istorbohin ang board meeting.“What the heck, Tino?”“Senyorito, may balita na po kay Ma’am.”Bigla akong napatayo. “I’m sorry. I need to leave.” Tumingin ako sa sekretarya kong si Jerome. Binilinan ko siya na i-send sa akin ang napag-usapan. Patapos naman na kami at na-address na ang ilang concern nila.“Where is she?”“Palapag na po ang eroplanong sinasakyan niya.”“What? Baka nakalapag na iyon!”“Papunta naman na po si Mathew, Senyorito. Kung makaalis naman po, siguradong susundan niya po.”Tumango-tango akom “Make sure na hindi mawala kamo sa paningin niya.”“Sasabihin ko po.”Mabilis ang naging kilos namin ni Tino. Halos takbuhin ko ang papuntang elevator. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Ang magkaroon ng balita kay Jalene. Ngayong bumalik na siya, hindi ako makakapayag na mawala ulit si
JALENE’s PovPAGKAGALING sa burol, dumeretso ako sa bahay ni Frank. Sana lang hindi pa nagbago ang passcode dahil kung hindi, hindi ako makakapasok. Pagpasok na pagpasok ko kaagad ay nakaramdam ako ng lungkot. Ang daming memories ang nag-flash sa aking isipan. Naalala ko, noong unang araw namin dito, halos wala kaming pinalampas na sulok dito. Walang sawang inangkin namin ang isa’t-isa. Intense ang laging namamagitan sa amin kapag kami ay nagnininiig.Napangiti ako nang mapakla. Hindi naman totoo ang mga pinakitang iyon ni Frank. Walang totoo sa lahat ng aking nakikita. Kaya nga nandito ako sa bahay ni Frank para kunin ang ilang mga gamit ko. Hindi naman kasi totoong asawa niya ako. Pero kahit na sa ganoon, hindi ako nagsisisi. Iba ang hatid sa akin ng batang nasa sinapupunan ko. Wala mang natira sa akin ngayon, alam kong hindi ako iiwan ng magiging anak ko. Kaya hindi ko dapat pagsisihan iyon. Tamang tao ako na nahulog lang sa maling tao. Walang mali sa akin. Na kay Frank. Dahan-d
JALENEPAGKA-SEND ng mensahe kay Tino ay binalik ko sa maliit kong side table ang cellphone. Sabi ko kay Tino, may kukunin lang akong mga dokumento sa bahay ni Frank, subalit wala siyang reply. Kaya naman nagpasya akong kay JV dumaan.“Hindi ako pwedeng umalis ngayon sa ospital, Jalene. Isinugod si Lolo kanina.”Natigilan ako sa narinig. “B-bakit?” kinakabahan kong tanong.“Hindi ko alam, besh. Pero ang huling nakausap niya ay si Uncle.”Doon na ako napapikit. “P-pwede ba akong dumalaw, JV? Nandyan ba ang Uncle mo?”“Kakauwi niya lang, pero babalik ’yon dahil papunta si Attorney.”“Punta ako dyan, JV. Please?”“Hindi mo rin siya makakausap, Jalene. Ang tanging gusto niyang bisita ay si Attorney. Ni isa sa amin ni Uncle hindi rin niya kinakausap, kaya mas lalo pa siguro ikaw.”“S-sisilipin ko lang siya, JV. Kahit iyon lang, please?”Saglita na nawala sa linya si JV. “Sige. Pero mabilis lang, huh?”Mabilis ang kilos ko na nagbihis. Mabuti na lang at wala si Frank nang dumating ako. Sin
JALENEAGAD akong nagpa-discharge pagkaalis nila Frank. Wala naman nang problema sa billing dahil nabayaran na ni JV bago umalis. At imbes na umuwi sa bahay na binili ni Frank para sana sa amin, sa dati kong apartment ako tumuloy. Doon ko binuhos ang sama ng loob para kay Frank.Matapos niya akong buntisin, itatanggi niya? Ano bang akala niya sa akin, maruming babae? Sabagay, kahit nga si JV, pinag-isipan niya ng masama. Tanghali ako nagising kinabukasan. Marami ring missed calls ang rumehistro sa cellphone ko mula kay Frank pero hinayaan ko lang iyon.Alam kong madadamay si Warren sa problemang ito kaya tinawagan ko siya para makipagkita. Dinner niya ako pinagbigyan dahil busy siya maghapon sa trabaho niya. Nagsisimula na kasi siyang magsersyoso umano sa buhay.Hinihintay ko noon si Warren nang may lumapit sa akin. Nakangiting Kassandra ang umupo roon kaya tinaasan ko siya ng kilay.“Mukhang hinihintay mo ang loverboy mo, Jalene.”Natawa ako nang pagak. “Oo, hinihintay ko nga,” ani
JALENE“JV,” tawag ko sa pangalan ng kaibigan. “Bakit, beshy?” ani ng kaibigan kabilang linya.“P-pwede mo ba akong sunduin?” Saglit na natigilan ang kaibigan.“May problema ba? Hindi ko gusto anh tono ng pananalita mo.”“Pwede bang puntahan mo na lang ako dito?” ani ko, imbes na sagutin ang tanong niya.“Okay. Nasaan ka ba?”“N-nasa ospital.”“Ano?! Anong ginagawa mo sa ospital? Alam na ba ’to ni Uncle? Natawagan mo na ba siya?”“H-hindi ko siya natawagan. A-ayoko, JV. Kaya sana ’wag mong sabihin. Pwede ba?”“May nangyari nga,” pag-conclude niya.Hindi na siya nagtanong, pero dinig ko ang buntonghininga niya sa kabilang linya.“Puntahan kita ngayon din. Nasaan ka ba?”Matapos kong sabihin ang address ng ospital at pinatay na ng kaibigan. Pinatihulog ko ang cellphone ko sa dibdib. Nakatitig lang ako sa kisame ng ospital na iyon. Muntik na. Muntik na akong makunan kanina. Buntis ako. Iyon ngayon ang pinoproblema ko. Kasi kung ang magandang pakitungo niya sa akin nitong nakaraan dahi
JALENELUMIPAT din kami agad nang maayos ang mga gamit na pinamili namin. Gusto ko na rin talagang lumipat dahil nga naalala ko pa rin si Kassandra sa bahay na iyon. Mabuti na lang at naisipan ni Frank na bumili ng bagong bahay para sa aming pagsisimula. At dahil sa ginawa niyang iyon, parang bumabalik ang tiwala ko sa mga sinasabi niya. Mukhang mahal na nga talaga niya ako.Talagang natigil ang chismis tungkol sa kung sino ang asawa ni Frank. Nang pumasok ako, halos ilag naman sila sa akin. Nang sumabay din ako noong lunch, sinabi nilang naiilang sila sa akin. Sabi ko, kung ano ako noong pumasok rito, ’yon pa rin naman ako. Kaya naman pumayag silang sasabay pa rin ako sa kanila sa pagkain kapag wala si Frank. Gaya ngayon.Akmang susubo ako ng pagkain nang dumating si Lenny. “Hinahanap ka ni Boss,” aniya.Agad akong tumayo at binitbit ang pagkain. “Sabi ko, sabay tayong kakain. Bakit hindi mo ako hinintay?”“Aw. Nag-text ka?” Tumango ang asawa. Hindi niya dala ang cellphone niya dah
JALENEPAGDATING namin sa bahay ay natulog si Frank. Hindi naman ako makatulog dahil alas singko y medya na kaya sa sala ako tumambay.Nang marinig ko ang pagtunog ng mga kagamitan ay tumayo ako at tumulong kay Manang sa pagluluto. Umakyat din ako pagkatapos para maligo. Tulog na tulog pa rin si Frank nang pumasok ako sa banyo. Nandito siya sa aking silid matutulog simula nang maging maganda ang pakikitungo niya sa akin.Natigilan ako nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Bahagya kong inilabas ang sarili mula sa shower room para sumilip.“F-Frank,” nautal kong sabi nang makitang hubo siya.Nakangiting lumapit siya sa akin. Sinuyod niya rin ang kahubdan ko kaya napalunok ako.Akmang babalik ako sa ilalim ng dusta nang higitin niya ang bewang ko. Napahawak din ako sa dibdib niya noon.Titig na titig siya sa akin noon.“Alam mo ba kung bakit umuwi tayo nang maaga?”“Bakit nga ba?” tanong ko.“Gusto ni Papa na masigurong may laman na ’yan sa susunod na buwan.”Napangiti ako. Iniwan ko si
JALENE“P-PAPA,” anas ko nang tumapat ang wheelchair niya sa amin ni Kassandra.“Follow me, Jalene.” Tumango ako. “And you?” Tumingin siya kay Kassandra. “Get the hell out of here,” matigas utos ng matanda.“P-pero, Tito, dito na po ako nagtatrabaho,” nauutal na sabi ni Kassandra.“Security!” sigaw ni Papa na ikinalunok ko. Halos maputol ang ugat niya sa pagsigaw lang ng isang salitang iyon. Sakto namang bumukas ang pintuan ni Frank na ikinatigil niya. Kaya naman sa kanya natuon ang atensyon ni Papa.“Ilabas mo ang babae na ito, Frank, kung ayaw mong ipakaladkad ko siya sa security!”Dali-dali namang lumapit si Frank kay Kassandra at iginiya ito palabas. Kita ko sa mga mata ng babae ang panlilisik niya nang tingnan ako. Ito ang unang beses na tiningnan niya ako.“Papa, pasok na po tayo sa loob,” suhestyon ko. Tumango ang matanda sa akin kaya sinimulan ko nang itulak ang wheelchair.Nakita ko na rin kasi ang mga kasamahan ko sa labas na nakatingin sa amin lalo na noong pinalabas si Kas