Share

Chapter 5

Author: maria adelle
last update Huling Na-update: 2022-01-09 09:52:06

"Kailangan ko ba talagang sumama sa'yo? Hindi ba puwedeng dito nalang ako?" Nakasimangot kong tanong kay Deolino habang pinapanood ko siya na nagsusuot ng sapatos.

"Hindi puwede. Isa pa, nakaayos ka na." Sagot niya sa akin habang tinatali niya ang sintas ng kanyang sapatos.

"Gusto ko pang matulog, eh." Pabulong kong reklamo ngunit tila narinig naman niya.

Tiningnan niya ako ng matalim habang nakataas ang isang kilay. "Puwede bang tumigil ka na sa pagrereklamo mo? Linggo ngayon, araw ng Diyos. Ibigay mo ang araw na'to sa KANYA. Tulog ka ng tulog, di ka naman bumabait."

Kumunot ang aking noo. "Ano namang kinalaman ng tulog sa pagiging mabait?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. "Isa pa, dati naman na akong mabait. Sa mga katulad mo lang talaga na masasama ang ugali lumalabas ang pagiging m*****a ko."

Uupo sana ako nang bigla siyang tumayo at hinila ang isang kamay ko na bahagya kong ikinagulat.

"Ang dami mong sinasabi. Tara na." He said saka muli akong hinila palabas ng bahay.

Iwinasiwas ko ang aking kamay upang mabitawan niya ako. Hindi naman niya inalintana iyon. Sa halip ay isinara na lamang niya ang pintuan ng bahay at ini-lock iyon.

Nang muli siyang humarap sa akin ay muli na naman niyang kinuha ang isang kamay ko. Nauna siyang maglakad at dahil hawak niya ang kamay ko, parang hinihila na niya ako.

Pilit akong kumawala sa hawak niya ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Ano ba! Let go of me!" I whispered through gritted teeth.

Ramdam ko ang tingin sa amin ng bawat taong nadadaanan namin. They were giving us curious stares na hindi ko nagugustuhan. Baka kung ano pa ang isipin nila tungkol sa aming dalawa ni Deolino.

God! I don't even want to be associated with this man!

Hindi talaga niya binitiwan ang kamay ko which made me feel uncomfortable. Magaspang ang palad niya, matigas. So manly.

"Deolino! Uyab nimo na?" (Deolino! Girlfriend mo ba iyan?) Tanong ng isang lalaki na nakasalubong namin. Matangkad ito ngunit medyo may kapayatan. Nakangisi ito kaya't kitang-kita ko ang bungal niyang mga ngipin.

Napangiwi ako.

"Ngano man? Gwapa noh?" (Bakit? Ang ganda, ano?"

"Lagi bay! Naka-jackpot jud ka ba! Aha man na nimo nakita?" (Oo nga! Naka-jackpot ka! Saan mo ba nakita 'yan?)

Kumunot ang aking noo. Wala akong naiintindihan sa pinag-uusapan nila.

Ngumisi si Deolino.

"Diha ra gud sa kilid-kilid." (Sa tabi-tabi lang)

Biglang tumawa ng malakas ang payat na lalaki.

Hindi ko naman napigilang itaas ang aking isang kilay nang pasadahan ako ng tingin ng lalaki.

"What are you looking at?" Suplada kong tanong.

Muling tumawa ng payat na lalaki. "Yawa! Ga-english pa jud! Lahi rajud ka bay!" (Tangina! Nage-english pa! Iba ka talaga!) Anang payat na lalaki saka nakipaghigh-five pa kay Deolino.

Nawalan na ako ng gana na makinig pa sa usapan nila. Wala rin naman akong naiintindihan.

Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay umalis na ang lalaki at nagsimula na kaming maglakad ulit ni Deolino patungo sa simbahan.

"Kanina nagmamadali tapos ngayon, siya din pala ang magiging dahilan kung bakit matatagalan kami." Pagpaparinig ko. "Bitawan mo na nga ang kamay ko! Naaalibadbaran ako sa'yo!" I said saka pilit kong inalis ang kamay niya na nakahawak sa akin.

"Tss. Tumahimik ka nga. Ang sakit sa tainga 'yang boses mo." Aniya na ikinasimangot ko.

Hindi niya talaga binitiwan ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa simbahan.

Muli ay naramdaman ko na naman ang titig ng mga taong nasa simbahan nang pumasok kami ni Deolino.

Geez! Ganito ba talaga ako kaganda that people can't help but stare at me every time I am around?

Umupo kami sa pangalawang bangko mula sa huling upuan. Pinauna niya ako sa pag-upo at doon lamang niya binitiwan ang kamay ko.

Gentleman din pala ang isang 'to? Hindi halata eh.

Alam kong masama pero wala talaga sa Pari na nasa harapan at nagsasalita ang atensiyon ko. Wala rin akong maintindihan sa mga sinabi niya. Antok na antok pa ako at ang gusto ko lamang ay matulog.

Sinimplehan ko ng tingin si Deolino na seryosong nakikinig sa Pari.

Okay, I must admit. He's not that bad.

Mahahaba at mapipilantik ang kanyang mga pilikmata. Matangos din ang kanyang ilong and his lips were wide. His upper lip is thin while his lower lip is full.

Personally, mas gusto ko ang lalaking manipis ang labi but to be fair, bumagay kay Deolino ang labi niya.

He is oozing with manliness. His skin color, his posture at ang mga bigote sa kanyang mukha screams manliness.

Parang gusto kong sumipol bigla.

Nakatitig pa rin ako sa kanya at tila napansin naman niya iyon dahil bigla siyang lumingon sa akin. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin at umaktong nakikinig sa Pari.

Nagulat na lamang ako when he leaned closer towards me and whispered into my ear that made my heart beat faster.

"Huwag kang titig ng titig sa akin. Baka matunaw ako. Sabihin mo nalang kasi na nagagwapuhan ka sa akin."

Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking tainga na nagpatindig sa aking mga balahibo.

Mabilis akong lumayo mula sa kanya. Nabangga ko pa ang braso ng katabi kong matandang babae na binigyan ako ng masamang tingin at inirapan pa ako bago muling ibinaling ang tingin sa harapan. Maarte nitong pinapaypayan ang kanyang sarili.

Napaingos ako.

Tingnan mo nga naman, nagsisimba pero ang sama naman ng ugali. Kaya hindi ako madalas nagsisimba eh. Naiirita ako sa mga ganitong klase ng tao. Walang palya sa pagsisimba, palaging nagdadasal at laging tinatawag ang pangalan ng Diyos pero maiitim naman ang budhi. Wala ng ibang ginawa kung hindi ang pumuna at bantayan ang kilos ng ibang tao kahit nasa simbahan pa sila. 'Yung iba naman, nagtsitsismisan pa habang ang iba, abala sa paggamit ng cellphones nila. At ang iba, reklamo ng reklamo dahil ang tagal matapos ng Pari. Hindi nga ata nila pinapasok sa puso at isipan nila ang lahat ng sinabi ng Pari.

"Huwag mo nang pansinin. Makinig ka nalang." Ani Deolino na mukhang nakita ang ginawang pag-irap sa akin ng matanda.

Kung sana naiintindihan ko ang salita nila, ano? Paano ako makakapagconcentrate sa pakikinig kung wala naman akong naiintindihan.

Pero hindi ko na sinagot si Deolino. At kagaya ng sinabi niya, nakinig ako. I tried to listen kahit wala naman talaga akong naiintindihan.

"Peace." Nakangiting at tumatangong sabi ng babae na nasa harapan ko nang lumingon siya sa akin.

"Peace." Nakangiti ko namang tugon sa kanya.

Ganoon rin ang ginawa ko sa ibang tao. Ganoon rin sana ang gagawin ko sa matandang katabi ko ngunit hindi naman niya ako hinarap o nilingon man lang na ikinasimangot ko.

Ngunit kaagad naman akong napalingon kay Deolino nang kalabitin niya ang balikat ko.

"Peace." He said at ang sumunod niyang ginawa ay hindi ko inaasahan.

Bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

Nanlaki ang aking mga mata at umawang ang aking mga labi.

Hindi makapaniwala ko siyang tinitigan habang nakangisi naman siya.

He raised his hand and gave me a peace sign while saying, "Peace".

Wala sa sariling napahawak ako sa aking d****b na malakas ang tibok.

Kung bakit ganoon lamang kabilis ang tibok ng aking puso ay hindi ko alam.

Hanggang sa matapos ang misa ay hindi na ako umimik. Tila lutang ako. And my heart is still beating so fast.

What the hell is this? Hindi naman na ako gulat.

Ni hindi ko na namalayan na hindi na pala daan papauwi sa bahay niya ang tinatahak namin.

Saka lamang ako tila nagising nang muli niyang kinuha ang kamay ko then he pulled me close to him as we cross the street.

"Saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong when we finally crossed the street.

"Sa palengke." Maikli niyang tugon.

"Anong gagawin natin 'dun?" Muli ay nagtataka kong tanong.

Sandali niya akong tiningnan habang nakataas ang isang kilay.

"Ano bang ginagawa sa palengke? Diba namamalengke?" He answered sarcastically saka niya ibinalik ang tingin sa kalsada.

I pulled my hand that he's holding.

"Tsk. Maayos ang tanong ko kaya sana, maayos din ang sagot mo! At isa pa, ba't ba hawak ka ng hawak sa kamay ko, ha?! Kanina ka pa!" Suplada kong sagot sa kanya na sinabayan ko pa ng pag-irap.

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay bigla na lamang akong natalisod at nawalan ng balanse. Handa na sana akong sumubsob sa sementadong daan na nilalakaran namin nang maging maagap si Deolino at hinapit ako sa beywang dahilan upang hindi ako tuluyang matumba.

Napahawak ako sa kanyang damit.

"See? Ito ang dahilan kaya hinahawakan ko ang kamay mo." Aniya habang seryosong nakatingin sa akin.

Magkalapit na magkalapit ang aming mga mukha na ikinalaki ng aking mga mata.

Mabilis akong bumitaw mula sa pagkakapit sa kanyang damit saka ako umayos ng pagtayo at itinulak siya dahilan upang mawala ang kamay niyang nakapalibot sa beywang ko.

"I am not that clumsy!"

Nauna na akong maglakad at gusto kong magmura nang maramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi at mga tainga.

What the fuck! Why the hell am I blushing?

"Hoy!" Narinig kong sigaw ni Deolino.

Galit ko siyang nilingon habang naglalakad pa rin.

"Hindi hoy ang pangalan ko!" I shouted.

"Hindi daw hoy ang pangalan pero lumingon naman." Narinig kong sabi niya ngunit hindi na ako nagtangkang lingunin pa siya ulit.

Dahil baka sa pangalawang beses na lingunin ko siya ay mapansin na niya ang pamumula ng mga pisngi ko.

Pero mukhang minamalas nga talaga ako dahil napatigil ako sa paglalakad nang bigla na lamang ay nasa likuran ko na si Deolino at kinuha ang isang kamay ko.

"Saan ka ba pupunta, ha? Doon banda ang palengke." Aniya.

Hindi naman ako tumingin sa kanya. Yumuko ako upang maitago ko ang aking mukha. Ni ang sulyapan siya ay hindi ko ginawa.

"Hoy! Ano bang problema mo?" Tanong niya saka bahagyang yumuko upang makita ang mukha ko habang hawak pa rin ang isa kong kamay.

"Hindi nga hoy ang pangalan ko!" Sagot ko sa kanya saka pilit na itinago ang mukha ko.

Ngunit sadyang makulit talaga si Deolino. Binitiwan niya ang kamay ko saka tumayo siya sa harapan ko. He forcedly held my face and made me look at him.

"Ano ba!" Reklamo ko but he didn't stop. Hanggang sa tuluyan na niyang maitaas ang aking mukha.

Kumunot ang kanyang noo habang nakatitig sa mukha kong namumula.

"Bakit ang pula ng mukha mo?" Nagtataka niyang tanong. Dinama niya ang aking noo gamit ang kanyang palad. "May sakit ka ba?" Muling tanong niya.

Marahas kong inalis ang palad niya na nasa aking noo at ang isang kamay niyang nakahawak sa aking mukha.

"Okay lang ako." Sagot ko saka tumingin sa ibang direksiyon. "Saan ulit ang palengke? Pumunta na tayo para makauwi na tayo kaagad." Pang-iiba ko ng topic.

Walang salita na itinuro ni Deolino ang daan patungo sa palengke. Muli ay nauna na naman akong maglakad, leaving him behind me.

Papasok na sana ako sa palengke nang muli na naman akong mapatigil when Deolino held my hand.

Nilingon ko siya at pinasadahan ng tingin ang kamay niyang nakahawak sa akin. Pagkatapos ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Madulas at matao. Baka kung ano na naman ang mangyari sa'yo tapos ako na naman ang sisisihin mo." Sagot niya saka hinila na ako nang hindi man lamang hinihintay ang sagot ko.

Muli na naman kaming pinagtinginan ng mga tao, partikular na ang mga babaeng nagtitinda ng mga isda at karne.

They are giving us curious stares habang ang iba naman ay matalim na tingin ang ibinibigay sa akin na ipinagsawalang-bahala ko na lamang. Magsawa sila kakatingin sa akin.

Habang namimili ay hindi binitiwan ni Deolino ang kamay ko. Bumili siya ng iba't-ibang klase ng gulay na ipinabitbit niya sa akin at bumili din siya ng ilang kilo ng karne. Pati mga ilang kakailanganin sa bahay ay bumili na rin siya.

At bawat tindahan o puwesto na binibilhan namin ay palaging kinakausap si Deolino sa salitang hindi ko naman maintindihan. Pero sigurado ako na isa ako sa mga itinatanong nila kay Deolino.

Nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay makauwi na kami. Pagod akong umupo at inalis ang suot-suot kong rubber shoes na ipinasuot lamang sa akin ni Deolino at hindi ko alam kung saan galing.

Minasahe ko ang nananakit kong mga paa.

"Magsaing ka na. Ako na ang magluluto ng ulam." Deolino said.

Napasimangot ako. "Hindi ba puwedeng magpahinga muna? Nakakapagod kayang maglakad! Ang sakit nga ng mga paa ko!" Reklamo ko habang minamasahe parin ang aking mga paa.

"Anong nakakapagod doon? Hindi naman ganoon kalayo ang nilakad natin." Sagot niya habang inihahanda ang mga sangkap sa lulutuin niyang ulam. "Isa pa, mangingisda ako mamaya kaya dapat makakain na ako bago pa ako pumalaot."

Lalo akong sumimangot. "Naman eh! Ang sakit pa ng mga paa ko!" Naiinis kong sagot sa kanya. Kulang nalang ay magpapadyak ako sa inis.

Tumingin siya sa akin habang nakapameywang.

"Alam mo ikaw, puro ka reklamo! Hindi ka ba talaga mauutusan nang walang reklamo? Para kang bata!"

"Eh bakit mo ba kasi ako inuutusan? Hindi mo naman ako maid. Kung tutuusin nga, bisita mo ako kaya dapat inaalagaan mo ako pero anong ginagawa mo? Kinakawawa mo lang ako!"

"Anong bisita? Hoy! Baka nakakalimutan mo, pinadala ka dito ng Tatay mo para magtanda ka at matuto---"

"Oo na! Oo na!" Kaagad kong pagputol sa kanyang sasabihin saka ako tumayo ng nakapaa. "Ang dami-dami pang sinasabi." Pabulong kong sabi habang paika-ikang naglalakad patungo sa saingan.

Nakanguso na kinuha ko ang kaldero at paika-ika pa rin na tumungo sa lababo. Hinuhugasan ko na ang loob ng kaldero nang biglang hawakan ni Deolino ang aking braso.

Inis akong lumingon sa kanya.

"Ano na naman? May ipag-uutos ka na naman sa akin? At ikaw ha, namimihasa ka na! Huwag ka ngang hawak ng hawak sa akin, mamaya mahawa pa ako sa pagiging siraulo mo." Naiirita kong sabi saka iwinaksi ang aking braso na kanyang hawak.

Ngunit ibinalik lamang niya ang kanyang kamay roon. Muli ko na naman siyang nilingon with an annoyed look on my face.

"Ano---" Hindi ko natapos pa aking sasabihin nang makita kong napakalapit lamang ng kanyang mukha mula sa akin.

Dahil matangkad siya ay nakatungo siya habang nakatingin sa akin. Ang aming mga noo ay ilang dangkal na lamang ang layo. Itutulak ko sana siya nang sa isang iglap ay nakapaikot na sa aking bewang ang kanyang braso at walang kahirap-hirap niya akong binuhat at pinaupo sa upuan. Then he sat down on the sand at kinuha ang isang paa ko at ipinatong sa kanyang isang hita.

"Anong ginagawa mo?" Gulat kong saad at sinabukang bawiin ang paa ko na kanyang hawak.

Ngunit humigpit lamang ang hawak niya sa aking paa saka niya ako tiningala at binigyan ng seryosong tingin.

"Magreklamo ka at tatapalan ko na iyang bibig mo ng isang bagay na sigurado akong hindi mo magugustuhan." Puno ng kaseryosohan niyang sabi na nagpatahimik sa akin.

Nang hindi ako nagsalita at ngumisi siya.

"Tatahimik ka din pala, eh." He said saka muling ibinalik ang kanyang tingin sa aking paa na sinisimulan na niyang imasahe.

At sa hindi malamang kadahilanan, nag-init na naman ang aking buong mukha at lumakas na naman ang tibok ng aking puso.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Donabel Lotivio
unlock pllllsss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Taming The Heiress   Chapter 6

    "Himala at wala kang reklamo ngayon!" Ani Jaira habang kausap ko siya sa telepono.Hindi ko napigilan na iikot ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. It's been a week magmula nang ipadala ako ni Daddy dito sa province at tumira dito kasama si Deolino.Unti-unti na akong nasasanay at maging ang katawan ko sa mga gawaing-bahay kaya't madalas na rin lang ang mga reklamo ko."Tss. Wala rin naman akong makukuha sa pagrereklamo ko. Hindi pa rin naman matitinag si Deolino sa pagpapahirap sa akin." Sagot ko habang humihiga."So, Deolino is the name. So makaluma ha." Komento niya na sinabayan pa niya ng tawa."Yeah, yeah. Anyways, how are you?" Pag-iiba ko sa topic.Ito palang kasi ang pangalawang beses na nagkausap kami dahil most of the time, hindi ko siya makontak o kung nacocontact ko man siya, hindi naman niya nasasagot."Oh God! This is one hell of a week! Did you know---""I don't." Kaagad kong pagputol sa kanya.Narinig

    Huling Na-update : 2022-01-10
  • Taming The Heiress   Chapter 7

    "Well, this doesn't look bad." I said as I looked at myself in the mirror. Suot ko ay isang kulay dilaw na bestida na lampas hanggang tuhod ko ang haba. Bulaklakin ang disenyo ng bestida. It looked simple, ibang-iba sa mga damit na nakasanayan ko ng suotin sa tuwing may mga mahahalagang okasyon akong pinupuntahan. Hinarap ko si Deolino na inaayos ang collar ng kanyang polo na suot. "Saan mo'to nakuha?" Tanong ko. Yes. He gave this dress to me. Kung ano ang nakain niya at binilhan niya ako ng damit? Hindi ko alam. "Anong nakuha? Binili ko 'yan." Sagot niya habang umuupo upang magsuot ng kanyang mga medyas. Tumabi ako ng upo sa kanya at inabot ang sapatos ko na may takong, the same shoes that I wore noong una akong dumating dito. "Aww. You really must care for me that much na binilhan mo pa ako ng damit." Pang-aasar ko nang hindi man lamang tumitingin sa kanya. Naramdaman ko na lumingon siya sa akin at binigyan ako ng mat

    Huling Na-update : 2022-01-11
  • Taming The Heiress   Chapter 8

    Umiikot na ang aking mga paningin. Naubos ko na ang tatlong bote ng beer na aking binili. Nahihirapan na din akong tumayo at namimigat na ang talukap ng mga mata ko."Shit." Mura ko ng muntikan na akong matumba pagkatapos nang sinubukan kong tumayo. Mabuti nalang at mabilis akong napahawak sa gilid ng lamesa.Napahawak ako sa aking noo saka ako umupong muli ng dahan-dahan upang hindi ako tuluyang mawalan ng balanse.I closed my eyes and laid my head on the table. Napakainit ng pakiramdam ko to the point that I just wanted to take my clothes off. Nang buksan ko ang aking mga mata ay kumunot ang aking noo nang tila naging apat na ang beer na nasa harapan ko. Ni hindi ko na mabasa ang pangalan ng beer."Oh fuck!" I cursed and groaned nang tumindi ang init na nararamdaman ko sa aking katawan.Muli ay sinubukan kong tumayo habang nakahawak sa gilid ng lamesa. Nang pakiramdam ko ay kaya ko ng balansehin ang katawan ko ay nagsimula na akong hubarin ang da

    Huling Na-update : 2022-01-12
  • Taming The Heiress   Chapter 9

    Inilibot ko ang aking paningin sa lugar na pinagdalhan sa akin ni Deolino."So, what are we doing here?" Tanong ko kay Deolino habang inililibot ko parin ang aking paningin sa lugar.I looked at the water right in front of us. Nakatayo kaming dalawa sa gitna ng nakakonektang dagat at ilog. Hindi ko maiwasang mamangha. I have never seen anything like this.Napakatahimik din ng lugar. Walang ibang tao maliban sa aming dalawa ni Deolino."Diba sabi mo gusto mong maligo sa dagat? Kaya dinala kita dito. Mas malinis dito at mas tahimik. Puwede kang maligo kahit ilang oras mo gusto ng walang mang-iistorbo sa'yo." Aniya habang nakatingin sa parte ng dagat at ilog na nakakonekta.He still has a smile on his lips. Napatingin ako sa aking kamay na kanyang hawak. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang hindi bitawan ang kamay ko o baka nakalimutan niya lang.Ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon. He's just holding my hand. There's nothing wrong with that

    Huling Na-update : 2022-01-13
  • Taming The Heiress   Chapter 10

    Pareho na nanlaki ang aming mga mata ni Deolino ngunit wala ni isa sa amin ang sumubok na gumalaw. We are still in the state of shock."Wow. Live show."Ang boses na iyon ng isang lalaki ang siyang tila nagpagalaw sa akin. Mabilis akong umalis sa ibabaw ni Deolino at tumayo."Uy, si Deolino man diay ni ug si Miss Beautiful. Atad ah! Diri gyud sa tapyahan, Deolino? Dili pwede nga sa balay nalang?" (Oh, si Deolino pala 'to at si Miss Beautiful. Aba naman! Dito talaga sa dalampasigan, Deolino? Hindi ba pwedeng sa bahay nalang?) Nakangising sabi ng lalaki habang nakangisi and has a malicious look on his face while staring at us.At kung minamalas nga naman, it was that guy. The guy whom I hated, the bungal guy. May kasama pa siyang isang payat na lalaki na may malisyoso ding tingin at nakangisi na nakatitig sa akin, partikular na sa aking katawan.Sumipol ang payat na lalaki habang nakatitig sa aking katawan."Pervert." I said na mukhang hindi n

    Huling Na-update : 2022-01-14
  • Taming The Heiress   Chapter 11

    "Ano? Suko ka na?" Tila nang-iinis na tanong ni Deolino habang nagpapahinga ako sa kawayang upuan at hinihilot ko ang aking mga paa na nananakit na dahil sa buong araw kong paglalakad ng naka-takong.Pangalawang araw ko na sa paghahanap ng trabaho but I still didn't found any job that is suitable for me."Bakit ba kasi walang malalaking establishments dito sa inyo? For God's sake, you don't even have a goddamn mall!" Naiinis kong reklamo habang hinihilot ko pa rin ang mga paa ko.Tumabi siya ng upo sa akin ngunit may ilang distansya sa pagitan naming dalawa."Sinabihan na kita, hindi ba? Eh matigas 'yang ulo mo. Bakit ba kasi hindi mo nalang subukan 'yung suggestion ko." He said habang nakatingin sa akin. Bahagya pa siyang natatawa."Na ano? Na ako ang maglalako ng mga isdang huli mo? No way! I'd rather be a saleslady in those small stores than do that!" Mabilis at mariin kong tanggi.I've seen his female neighbors doing that and I know how

    Huling Na-update : 2022-01-15
  • Taming The Heiress   Chapter 12

    Patuloy pa rin na pinoproseso ng aking utak ang ginawang paghalik sa akin ni Deolino. Ginawa niya ba talaga 'yun? Hinalikan niya ba talaga ako? Si Deolino ba talaga ang h*****k sa akin? Si Deolino na virgin pa? Si Deolino na wala pang karanasan sa pakikipagrelasyon? Si Deolino na ako lang ang natatanging babae na n*******n? Totoo ba talaga ang nangyari kanina? Did he really kissed me intentionally? Ngunit kaagad na tumigil ang utak ko sa pag-iisip nang maramdaman kong may kumalabit sa isa kong daliri sa kaliwa kong kamay. Tumungo ako habang nakakunot ang aking noo. Isang batang babae ang aking nakita. She is so small. Isang kulay puti at malaking T-shirt lamang ang kanyang suot na lampas sa kanyang tuhod at sigurado akong hindi siya ang may-ari niyon. Maikli lamang din ang kanyang buhok at may bangs din siya na iilan lang naman at alam kong makakaya kong bilangin. Nakatingala siya sa akin habang may hawak siyang lollipo

    Huling Na-update : 2022-01-16
  • Taming The Heiress   Chapter 13

    "At sa hindi ko malamang dahilan ay gusto ko na namang maramdaman ulit 'yun ngayon."Umawang ang aking bibig dahil sa sinabing iyon ni Deolino. Ramdam ko rin ang pag-init ng aking mukha at ng aking mga tainga. Even my heart is thumping so loudly that it's the only thing I can hear now.What Deolino said...it means he wants to kiss me again, right?I wanted to avert my eyes from his intense gaze but for some unknown reason, I can't. It's like my eyes are glued on his and it's making my heartbeat go even more crazy. Gusto ko rin na magsalita but I just can't find the right words to say.Mula sa kanyang mga mata ay tumungo ang aking tingin sa kanyang mga labi at hindi ko napigilan na mapalunok.His lips look so damn kissable.Muli akong napalunok at wala sa sariling nakagat ko ang aking ibabang-labi.Ito rin ba ang nararamdaman ni Deolino sa tuwing napapatingin siya sa mga labi ko?"Judyfirst..." puno ng sensasyon na tawag ni Deol

    Huling Na-update : 2022-02-01

Pinakabagong kabanata

  • Taming The Heiress   Last Chapter

    I am in my room, staring at my phone habang abala ang lahat sa paghahanda para sa Graduation Party ko na gaganapin mamayang gabi. Yes. I finally graduated. Matapos ang paulit-ulit na pagkumbinsi sa akin ni Daddy na tapusin na ang pag-aaral ko, ngayon nga ay nangyari na. Nakapagtapos na nga ako. And I have Dad and Deolino to thank for that. And speaking of Dad, I can still clearly remember his reaction that day when Deolino suddenly kissed me at the bus. The expression on his face cannot be explained. He was also too stunned that he went speechless. Even when Deolino tried to talk to him, he was still not able to reply because of how surprised he is. Well, I can't blame him. He just saw his only daughter and his godson kissing. Who wouldn't be shock with that? Hanggang sa umalis na ang bus ay gulat pa rin si Daddy. I tried to talk to him but he was out of it kaya naman tumahimik na lamang ako.&nb

  • Taming The Heiress   Chapter 36

    My arms are wrapped around Deolino's lips while my legs are also around his waist while we are still devouring each other's mouth.Nasa loob na kami ngayon sa isang kwarto ng isang motel.Things happened so fast.Right after kissing me, it only took me a few minutes to finally realize what he meant when he said, "Paano kung sabihin ko na parehas lang tayo ng nararamdaman?"It means that he likes me as well.Kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.Just when he was just about to stop kissing me, I grabbed the back of his head, not letting him to end the kiss, and kissed him back.I felt him flinch out of surprise at what I did but that did not last long. He put his arms around my waist and pulled me closer to him as we started exchanging kisses. Nawalan na kami ng pakialam sa kung nasaan kami. It's like we are in our own world.I'm not sure how long our kiss lasted. But as soon as our kiss ended, Deolino grabbed my hand

  • Taming The Heiress   Chapter 35

    "Anong oras ba kayo aalis?" Ang tanong ni Daddy sa amin ni Deolino habang nag-aagahan kaming tatlo.Tatlong araw na ang lumipas mula nang dumating si Daddy dito sa Lagonglong and since then, wala ng ibang ginawa si Daddy kung hindi ang makipagkumustahan sa mga kababata niya at mga kakilala niya. He even rarely stays at home in the morning."Mamayang mga alas-diyes na po siguro Tito." Magalang na sagot ni Deolino kay Daddy.Ngayong araw na kasi ako magre-resign sa trabaho. I already made a resignation letter at ipapasa ko nalang sana.Ako lang naman sana talaga ang pupunta since hindi pa rin naman kami gaanong nag-uusap ni Deolino though hindi namin iyon ipinapahalata kay Daddy. But Dad insisted to bring Deolino with me para makapamalengke na din daw kami.I wanted to say no and I know Deolino feels the same way too but we both don't want my father to realize that we are not in good terms right now so in the end, wala na kaming nagawa kung hindi ang

  • Taming The Heiress   Chapter 34

    "Hoy!" Ang tila nanggugulat na boses na iyon ni Lindy ang siyang pumukaw sa akin mula sa malalim kong pag-iisip habang nakatanaw ako sa malawak na karagatan na nasa aming harapan.Andito kami ngayon sa Pantalan and we are having dinner.I can't stand seeing Deolino kaya naman niyaya ko si Lindy na samahan akong mag-dinner sa Pantalan para naman hindi ko na kailangan pang sumabay sa pagkain kay Deolino.Tatlong araw na ang nakararaan magmula ng tapusin namin ang relasyon naming dalawa. And since then, we started to become distant with each other.We never had even a single conversation since then and the only time that we could face each other is whenever we're having breakfast and dinner. At kung pwede nga lang ay hindi na kami magsabay sa pagkain. Dahil sa tuwing nakikita ko ang mukha niya ay naaalala ko ang naging huli naming pag-uusap na siyang nagbibigay ng sakit sa aking puso.And so here I am, doing anything just to not see his face.I

  • Taming The Heiress   Chapter 33

    Judyfirst's POVKitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Deolino after everything that I said. At maging ako ay nagulat din sa aking sinabi.I never intended to confess! Hindi ko intensyon na ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko. I wanted to keep it but damn…Nakakainis na kasi si Deolino! He just won't shut up and even resorted on comparing me to the kids which really pissed me off.Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili ko at nasabi ko na ang mga hindi ko dapat sabihin.Ilang araw na akong nag-isip. Ilang araw ko ng pinakiramdaman ang aking sarili. Ilang beses ko na din na hindi pinaniwalaan ang sinasabi ng aking puso at isipan. Ngunit sa huli ay wala rin akong nagawa kung hindi ang tanggapin ang totoo.Ang katotohanan na katulad ng sinabi ni Jaira, ay nahuhulog na nga ako kay Deolino.But again, I have already decided not to confess. I already decided to keep it to myself. I decided that instead o

  • Taming The Heiress   Chapter 32

    Deolino's POVHindi ko mapigilang ikunot ang noo ko habang nakatingin ako kay Judyfirst na nakatungo at pinaglalaruan lang ang kanin at ulam niya.Ilang araw na siyang ganito. Tahimik lang at tila palaging may malalim na iniisip. Tuwing umuuwi siya galing trabaho ay kakain lamang siya, maghuhugas ng plato, at saka siya maliligo at papasok na sa kwarto niya kahit pa alam ko naman na hindi siya agad nakakatulog dahil nararamdaman ko ang palagian niyang paggalaw. Halos hindi na nga kami nakakapag-usap. Sa tuwing kinakausap ko ay sumasagot naman siya pero hindi na siya iyong talagang nagsisimula ng mapag-uusapan namin. Tahimik lang siya lagi na talaga namang nakakapanibago. Wala na ring nangyayari sa amin magmula noong magtungo kami sa Sapong.Nagtataka na tuloy ako kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya noong nagmamadali siyang umalis nung hapon na iyon.Nung tinanong ko siya, ang sabi niya sa akin ay tinawagan niya lang daw

  • Taming The Heiress   Chapter 31

    "Ano 'yun, ha? Bakit mo ginawa 'yun? Bakit mo binastos si Clara?" Sunod-sunod at pagalit na tanong sa akin ni Deolino nang makarating na kami sa bahay.Dumiretso ako sa kwarto ko. Sinundan naman ako ni Deolino."I was just telling the truth. Totoo naman na nilalandi ka ng babaeng 'yun, ah." Sagot ko naman sa kanya habang nakatalikod ako at nagsisimula ng maghubad ng damit.I was wearing a t-shirt and short but underneath my shirt and short is a pair swimsuit na pinakatago-tago ko pa. But since hindi naman ako nakapagswimming, huhubarin ko nalang at itatago ko nalang ulit.Bwisit kasi ang babaeng 'yun. Panira ng mood. Pati na rin itong si Deolino. Ang sarap nilang pag-untugin na dalawa."Nilalandi? Nakikipag-usap lang 'yung tao!" Depensa naman niya.I already took off my shirt nang hindi makapaniwala na hinarap ko siya. "Are you really defending her? At pwede naman siyang makipag-usap sa'yo na hindi nakalingkis. Why does she have to be so clo

  • Taming The Heiress   Chapter 30

    "Hindi ba talaga kayo ginugulo ng lalaking 'yun?" Iyon kaagad ang itinanong sa akin ni Deolino nang makarating na kami sa bahay.Kanina habang nasa terminal kami kanina at hanggang sa nakasakay na kami sa multicab ay tahimik lamang siya. The whole duration of our ride was so awkward that it even bothered Lindy which made her ask me out of curiosity kung may problema raw ba si Deolino. But since I don't know anything ay wala rin akong naibigay na sagot sa kanya. Kaya naman katulad ni Deolino ay tumahimik na lamang din kami ni Lindy hanggang sa makauwi na nga kami. I even got nervous dahil talagang hindi siya nagsasalita.At eto na nga kami ni Deolino ngayon. And since he's asking me, mukhang alam ko na ang source ng hindi niya pag-imik kanina.It's all because of Karl.Ang hindi ko lang alam ay kung bakit siya nagkakaganito samantalang wala namang ginawang masama sa kanya si Karl."May gusto ba sa'yo ang Karl na 'yun?" Muling tanong niya ng hindi ka

  • Taming The Heiress   Chapter 29

    Pareho na hinihingal kaming napahiga ni Deolino sa tulugan niya. Pang-apat na beses na kaming pareho na nilabasan at pagod na pagod na ako.And I guess you already know what happened.Yes. We did it again. May nangyari na naman sa amin and this time, hindi na ako nahirapan sa pangse-seduce sa kanya. Because just kissing him and playing with his cock aggressively was already enough to make him succumb to lust.Wala pa ring tigil sa pagbuhos ang ulan at malakas-lakas pa rin ang hangin na pumapasok na sa bahay. At dahil nakahubad ako at tapos na rin kami ni Deolino sa pagtatalik ay ramdam na ramdam ko na ang lamig.Tila napansin naman ni Deolino na nilalamig ako dahil kaagad niyang kinuha ang kumot na napunta na sa paanan naming dalawa at ibinalot iyon sa hubad naming katawan. Ngunit hindi naging sapat ang kumot upang pawiin ang lamig na nadarama ko kaya naman niyakap ko na si Deolino at pinagdikit ang aming mga katawan so that I can feel his body heat.

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status